Karaniwan, ang mga bad boys sa libro ay nagsasabi ng mga katagang tulad ng “I’m crazy.” o di kaya’y “I’m out of my mind.” sa ganitong sitwasyon, pero bakit ganon ang sinabi ni Sigmund? Gising na gising siya? Alam niya ang ginagawa at gusto niya rin ba ito?Nang ihagis niya si Cerise sa kama, halos may makita na siyang mga bituin. Gusto niyang bumangon, pero hindi niya maangat ang kanyang ulo. Tiningnan lang niya ang matangkad na lalaki sa harap niya na biglang sumugod sa kanya, hinawakan ang kanyang mukha, niyakap ang kanyang baywang, at hinalikan siya ulit nang walang sinasabi."Sigmund." Tinawag niya ito nang may hirap nang bitawan niya ang kanyang mga labi para halikan ang ibang bahagi ng katawan niya. Parang nag-iba ang boses niya, naging malalim."Mag-asawa pa rin tayo. Karapatan kong makuha ka ngayong gabi."Hindi tumigil si Sigmund, at mas lalo pang bumilis ang paglilibot ng kanyang mga kamay."Ayoko." Matigas siyang tumutol.Talaga bang gusto siya nito?Ang lalaking dating mal
Kinabukasan, nagising siya sa isang kama na tila walang laman, ang espasyo kung saan sandaling nanatili ang pigura ng lalaki, ngayon ay isang malamig, at tila nakakapanghinayang na kawalan.Ano kaya ang mga aninong iniwan ng nakaraang gabi?Dahan-dahan siyang bumangon, ang kanyang mga daliri ay naglalakbay sa makinis na tela ng kanyang damit – mga damit na hindi niya suot nang mahimbing siyang natulog. Isang kakaibang pakiramdam ang bumalot sa kanya, isang halo ng pagtataka at pagkalito.Mga alaalang tila bula, malabong mga larawan ang sumilay sa kanyang isipan, isang pares ng maselan, mapuputing kamay ang maingat na nagtanggal ng kanyang mga kasuotan, ang kanyang balat ay tila hinahaplos ng isang malambot na hangin, at pagkatapos ay ang malamig at nakakapreskong yakap ng tubig...Yumuko siya, ang kanyang mukha ay itinago niya sa kanyang mga palad, isang tahimik na dasal ang bumubulong sa kanyang puso, "Sana panaginip lang ang lahat…""Gumising ka na."Isang tinig, malambing at may
"Ceri?"Mahinang tinawag ni Percy, pero walang sumagot.Pero may narinig siyang malungkot na bulong mula sa gilid, at lumingon siya.Isang pamilyar na lalaki at babae ang naghahalikan sa dingding.Hindi inaasahan ni Cerise na makikita siya ng kanyang superior sa ganitong nakakahiyang sitwasyon. Niyakap niya nang mahigpit ang ni Sigmund at kinagat nang husto ang kanyang mga labi."Ah…"Napilitang tumigil si Sigmund. Hindi niya inaasahan na isang araw ay gugustuhin siya ni nang ganoon ni Cerise.Namula at namutla ang mukha ni Cerise sa galit, at itinaas niya ang kanyang kamay para sampalin ito.Agad na hinawakan ni Sigmund ang kanyang malambot na pulso at dinala siya sa kanyang mga bisig. Bigla niyang dinilaan ang kanyang dumudugong mga labi nang may sapilitan, niyakap siya at tumingin sa taong nasa pinto."Mr. Colton, napakaaga naman ng pagbisita mo sa asawa ko. May problema ba?"Napayuko na si Percy, "Uhm...""May sakit ka nga. Magpatingin ka mamaya sa doktor.”Malakas siyang itinulak
"Kung ganoon, magiging bastos na ako."Sabi ni Craig at pumasok.Alam ni Cerise na isa iyong banta. Nang makita niya itong papalapit ay hindi niya na pinigilang tanungin ito, “Binali ni Sigmund ang braso mo, tama ba?”Napahinto si Craig."Kung alam niyang binabantaan mo ako, sa tingin mo ba ay bali lang ang gagawin niya?”Imbes na magpadala sa takot ay pinagbantaan niya ito pabalik.Sa katunayan, hindi niya alam kung ano ang gagawin ni Sigmund para sa kanya. Pero ito ang naiisip niyang maaari nitong gawin. Maaaring tama siya, maaari ring hindi.Hindi man lang nasindak si Craig at tumawa pa, “Miss Harrod, baka hindi mo alam na bali ang braso para sa’yo?”Hindi nakaimik si Cerise.“Kung gusto mong malaman kung bakit, sundan mo’ko.”Agad naman niyang naalala ang narinig niyang pag-uusap ni Sigmund sa tawag nitong nakaraang araw, at hindi na nga niyang hinayaan pang manghula at sumunod na dito.Gayunpaman, nang makarating sila sa pinto ng ward, hindi maiwasang tumigil si Craig at sinabi s
Hindi siya pumunta nang umaga para makita ang Mamita niya, pero noong napadaan siya sa isang convenience store ay may nakita siyang naninigarilyo. Hindi niya alam pero natagpuan niya ang sarili sa loob ng bilihan at nagbabayad para sa isang kaha ng sigarilyo.Noong bata pa siya ay nasubukan niyang manigarilyo dahil sa naobserbahan sa mga nakakatandang mga pinsan at kaibigang lalaki na naninigarilyo nang palihim, kaya bumili siya para sa sarili, at sumubok.Pero isang beses lang iyon, hindi na siya umulit nang malasahan ang nakakasakal na usok ng sigarilyo.Pero ‘di kalaunan noong nasa abroad na siya, natutunan niya na ang paninigarilyo ay nagpapalimot ng mga iniisip ng isang tao, kaya naisip niyang sumubok ulit pero hindi niya parin natuloy dahil sa pag-aalangan.At ngayon, sa mismong araw na ito, ay nakatayo siya sa likod ng binilhan niya, hawak ang isang lighter.Bumuga siya ng usok matapos sindihan ito.Napaubo naman siya dahil pakiramdam niya ay sinasakal siya ng usok, at naluha
Biglang naalala ni Cerise ang malabong memorya ng isang taong sinisipsip ang leeg niya bago siya lamunin ng antok kagabi, at agad naman siyang namula.Si Sigmund, na katabi niya, ay nag-iwas ng tingin at palihim na napalunok.“Ang laki naman ng bunganga ng insekto na ‘yan.” Natatawang sabi ng matanda.Para namang dumudugo ang pisngi ni Cerise sa sobrang pamumula. Pero naiinis sa sarili niya dahil hindi niya man lang naisipang itago iyon dahil nakalimutan niyang magdala rin ng scarf.Samantala, ang katabi naman niya ay nag-aalab na ang mata. Sinadya talaga nito na mag-iwan ng marka ng kanyang labi sa leeg ni Cerise. Hindi niya alam kung ano ang mali sa kanya, pero sobra-sobra ang kagustuhan niyang markahan ang buong katawan ng babae.Kung wala lang itong lagnat kagabi, baka ay nailabas na niya ang init na natipon na ng ilang buwan.Pumasok ang isang katulong na may dalang hinog na mga mangga, “Tinugon kami ni Madam kanina na ihanda ito bago siya umalis kaninang umaga. Ang sabi niya’y i
Namanhid naman si Cerise nang marinig ang sinabi ng matanda. “Amita, inaalagaan naman ako ng young master. Sa katunayan nga n’yan e lagi niya akong tinatrato na parang isang nakababatang kapatid, at nararamdaman ko po ‘yun.”“At bakit hindi ko alam na tinatrato kita bilang kapatid?” Tanong ni Sigmund.Napatingin naman si Cerise, at hindi alam kung ano ang isasagot.“Wala akong kapatid, kaya bakit kita itatrato bilang kapatid?” Tugon nito at linagay ang dalang pinggan, sabay punta sa taas.“Hindi ba iyon isang rason para mas maghanap ka ng ituturing na kapatid?” Tanong ni Cerise sa sarili.“Iyang tukmol talaga na ‘yan ang baba ng pasensya.”Dinig niyang bulong ng matanda.Tiningnan lang ni Cerise ang likod ni Sigmund at napaisip. Kung hindi siya nito nakababatang kapatid, ano siya? Talaga bang asawa ang turing nito sa kanya?Pero bakit naman ito oorder ng weding dress para sa ibang babae habang mahal siya nito?-Matapos ang tanghalian, naunang umalis si Sigmund. Minasahe naman ni Ceri
Nakita ni Cerise ang galit sa mga mata nito, at sinabing, “Hindi mo na ako kailangang utuin. Pinapangako kong wala akong gagawin kay Vivian.”“At bakit naman kita uutuin? Hindi ko ba puwedeng sabihin ang totoo?” Napalingon ito sa gilid, at nang sa oras na iyon ay hindi alam ni Sigmund kung paano niya ipapaliwanag ang sarili.“At paano mo naman gagawin ‘yan?” Ngayon ay binigay ni Cerise ang buo niyang atensyon dito.“Sabay tayong lumaki. Malungkot ka ba na ginawa niya ‘yan sa’yo?”“Not at all.” Sagot ni Ceri at umiling.Pinaghandaan ni Sigmund ang sasabihin niya sa daan kanina noong pabalik siya sa villa. Pero sa kahulihan, ay iyon lamang ang sagot ni Cerise, kaya wala siyang nasabi pa.“Malulungkot ka kapag may gusto kang tao, at hindi ko gusto.” Saad ni Cerise nang mahinahon.Napakagat naman ng labi si Sigmund. “Then, sino naman ang gusto mo?”“Hindi mo puwedeng diktahan kung sino ang magugustuhan ko. Kahit pamilya pa kita.”Pakiramdam naman ni Sigmund ay tinaga ang pagkatao niya. “
“Cerise, may yayamaning matanda na naghihintay sa opisina mo. Sabi niya andito daw siya para makita ang asawa ng apo niya.”Kakatapos lang ni Cerise sa segment niya nang salubungin siya ng isang katrabaho. Napatalon naman ang puso niya. Ang tanging papasok lamang sa deskripsyon na iyon ay nag-iisang Mamita niya. Agad siyang nagmamadaling bumalik.Pero mas mabilis pa rin sa kanya ang pagiging mausisa ng mga tao. Nang makarating siya ay napapalibutan na ng kung sino-sino ang opisina niya.Habang nakikipagsiksikan sa dami ng tao ay may narinig siyang nagtanong, “Mawalang-galang na ho, sino po ang apo niyo?”“Apo ko? Si Sigmund.” Buong kumpiyansang sagot ng matanda, sa kabila ng nagkukumpulang mga reporter at empleyado.Agad namang nataranta si Cerise. Mas pinilit niyang makaalis sa siksikan at pilit na ngumiti. “Sorry, nagbibiro lang ang lola ko. Please give us some space.”“Sinong nagbibiro?” simangot ng matanda sabay krus ng kanyang mga braso. “Baby Riri here, at ang loko-lokong si Sig
“According to convention, you sleep on the bed.”Pagkatapos niyang sabihin ito ay isang palakpak ng kulog ang umalingawngaw sa laba, sobrang liwanag din ng kidlat na parang kayang humati ng puno.Nakita ni Cerise ang hindi masabing mensahe ng maitim nitong mata. “Hindi ka puwedeng umalis.”Napatingin sa kanya si Sigmund, matalas at matindi, parang nakikita niya kung ano ang iniisip nito.Umiwas si Cerise at naglakad papunta sa bintana. Nanaig ang tunog ng namumuong bagyo sa labas, pero kung tutuusin hindi ganun kalayo ang bahay niya.Kung sa bagay, maraming tao ang na-istranded sa biglaang buhos ng ulan. Kung kaya nila, walang rason na hindi para sa kanya.Nakita niya ang repleksyon nito sa bintana at nagtagpo ang kanilang mata. Matatag ang kanyang boses.“Kaya kong umuwi.”“Sa sofa ako matutulog.”Nanatili si Sigmund sa may bintana, pinapanood siya.Hinarap niya ito. “Lagi mo nalang itong ginagawa.”“Ang ano?”“Imposing your decisions on me,” saad niya, kalmado ang tono niya pero ma
Kinuha ni Sigmund ang kamay ni Cerise, sabay kuha ng kanyang coat, at inakay siya palabas.Lumingon si Mr. Prescott sa mga tao sa loob at sinabing, "Babalik na lang ako mamaya."Pagkalabas, iniabot ni Sigmund ang coat kay Cerise, saka tumingin sa lalaking papalapit. Tinupi niya ang manggas ng kanyang damit, bahagyang nakayuko, may dahan-dahang ngiti sa labi, ngunit sa likod nito'y may nakatagong panganib.Nakita ni Cerise ang kagandahan ng kanyang kilos, ngunit ang lamig sa kanyang mga mata ay nagpatibok ng kanyang puso sa kaba."Sig, sasaktan mo ba ang Tito Vince mo?" tanong ni Mr. Prescott, pilit na nakangiti."Bakit hindi?" Tumawa si Sigmund bago agad na humataw ng isang malakas na suntok.Hindi nakapaghanda si Mr. Prescott at tumilapon sa gilid.Nakatayo si Misty sa may pintuan, tulalang nakatingin sa eksena.Lumuhod si Sigmund sa harapan ni Mr. Prescott, hinawakan ang kanyang kuwelyo gamit ang isang kamay at itinuro siya gamit ang isa pa. "Binabalaan kita, sa sandaling takutin–hi
Napahinto siya bago matigas na tinanggihan ang alok ni Mr. Prescott, “I won’t consider it.”Pinatay niya ang cellphone niya para hindi na niya kailangang sagutin ulit ang tawag nito at sumakay ng taxi diretso sa TV station.Kahit ang company CR ay hindi nakaligtas na maging lugar ng tsismis.“Kalat na kalat sa balita. Bumisita kahapon si Mr. Beauch, at nanatili sa office niya ng isang oras.”“Isang oras? Grabe. Ang lakas naman ng stamina ni Mr. Beauch.”“Exactly! Nakita ko si Harrod kanina, mukhang hindi naman siya ganun kahaggard. She seems perfectly fine.”Tsismis ng tatlong babae hanggang sa marinig nila ang pagflush ng tubig sa isang cubicle.Inunat ni Cerise ang kamay niya, binanlawan, at pinatuyo ito.Pagbukas niya ng pinto ay sakto namang napalingon ang isa sa tatlong babae. “Ms. Harrod!”Ngumiti lang siya at tumalikod.Gulat na gulat naman ang babae sa malamig na trato ni Cerise.Pagkarating niya sa kanyang opisina ay naabutan niyang naghihintay sa kanya si Misty. “Ma’am, tung
Binuksan ni Cerise ang pintuan na hindi pinapansin ang tatlong lalaking naghihintay. Ang kanilang tingin ay nakapokus sa kanya, na ikinahiya at tameme naman niya.“Syempre, alam ng jowa ang password,” hagikhik ni Izar habang tinatapik ang braso niya. “Pasok ka na.”Hindi naman alam ni Cerise kung anong mararamdaman niya sa sinabing iyon ni Izar. Pero dahil mas nakakapagod magpaliwanag, hindi nalang siya nagsalita.Kalaunan, nang nagluluto si Cerise, pinansin naman ni Sigmund ang dalawang hindi imbitadong bisita. “Umuwi na nga kayo.”“Magkakaibigan tayo,” protesta ni Izar, “at si Riri ang nagluluto, hindi ikaw.”“I warn you,” biglang tumigas ang boses ni Sigmund, “huwag na huwag mo siyang hahawakan ulit kahit na tawaging baby.”Agad namang tumango si Izar na nagpalambot sa ekspresyon ni Sigmund. Samantalang si Winston ay hindi mapigilan ang sarili na magtanong, “So, nagsasama na kayo?”Nagpaliwanag si Sigmund tungkol sa kasunduan ni la ni Cerise, isang walang kabuluhang excuse para sa
Nang makasakay si Cerise sa kotse ni Sigmund ay labis ang pagpipigil niya sa kanyang inis.Tinawagan lang naman kasi nito ang station manager na huwag siyang pagabihin dahil kailangan niya itong ipagluto ng hapunan ng isang linggo.Hindi pa man humuhupa ang inis niya ay kinuha na ni Sigmund ang isang box mula sa backseat at ibinigay sa kanya.Tiningnan naman ito ni Cerise ng pinaghalong irita at pagkainteresado sa kung ano ang laman.Sa loob nito ay isang pares ng asul na leather na sapatos.“Ano’ng ibig sabihin nito?” tanong niya nang lingunin niya ito habang nakataas ang kilay.“Tama ang size ‘di ba? Subukan mo nga kung kasya lang.”Hindi makapagsalita si Cerise. Paano nito nalaman ang sukat ng paa niya? Hiyang-hiya siya.Napansin naman ni Sigmund ang pag-aalangan nito kaya nagsalita siya, “Napansin ko lang na malaki ang paa mo, pero wala lang naman ‘yun sa’kin.”“Please stop talking.” Pigil niya sabay irap.Kinuha niya ang isa nito at inilagay sa lapag at ipinalit sa suot niyang bl
Nagtagpo ang mga labi ni Cerise at Sigmund sa isang banayad, marahan, at tumatagal na halik.Hinaplos nito ang kanyang mukha at hinayaang gumuhit ang kanyang mga daliri sa matatalas na linya ng kanyang panga.Kahit nang bahagya itong lumayo, ipinagpatuloy niya ang pagdampi ng malalambot at magagaan na halik sa kanyang mga labi, sa dulo ng kanyang ilong, at pati sa kanyang mga kilay. Tahimik na dumaloy ang kanyang mga luha, isang pipi ngunit matinding patunay ng bagyong bumabagabag sa kanyang puso.Tiningnan niya ang madilim na mga mata ni Sigmund at habang isang luha ang dahan-dahang bumaba sa kanyang pisngi, naglaho ito sa kurba ng kanyang mapait na ngiti.Bahagyang nanginginig ang kanyang tinig nang bumulong siya, "Noon, mahal na mahal kita…”Mahigpit na hinawakan ni Sigmund ang kanyang kamay, isang tahimik na pagkilala sa lalim ng kanyang nararamdaman. "Hinangad kita," mahina niyang pagpapatuloy, halos isang buntong-hininga lamang ang kanyang tinig. "Hinangad kong mahalin mo rin ak
Ang nakakagambalang pagtatagpo kasama si Mr. Prescott ay nag-iwan kay Cerise ng matinding pagkabalisa.Ang kanyang mga salita ay umalingawngaw sa kanyang isipan, isang nakakapangilabot na kontrast sa mabait na tiyuhing naaalala niya noong bata pa siya. Paulit-ulit niyang nirepaso ang pag-uusap nila, bawat nakakagambalang parirala ay nagpatingkad sa imahe ng isang lalaking halos hindi na niya makilala."Hindi na ako nagtataka kung bakit sinabi ni Mr. Peterson na hindi siya makakain o makatulog nang maayos," mahinang bulong ni Mr. Prescott, may bahagyang ngiti sa labi.Nagulat si Cerise at nagtanong, "Mr. Peterson?""Yung boss ng kumpanyang gumagawa ng sasakyan, na nilasing ka noong nakaraan?" sagot ni Mr. Prescott, ang kanyang tono ay kaswal ngunit may nakakapanindig-balahibong dating.Siyempre, naalala niya.Sandaling nakalimutan niya, ngunit hindi maikakaila ang ugnayan ng mga makapangyarihang lalaking ito.Kumikilos sila sa parehong mundo, ang kanilang impluwensya ay isang sapot na
Bigla niyang naalala ang pagtalon niya mula sa bathtub noong unang gabi niya sa China. Ang alaalang iyon ay bumalik sa kanya, sariwa at puno ng damdamin.Si Sigmund, nakasandal sa dingding, ay halatang nahihirapan pigilan ang sarili. Napaungol siya, at napansin ni Cerise ang paggalaw ng kanyang Adam’s apple.“May problema ba? Masakit ba ang lalamunan mo?” tanong ni Cerise, nag-aalala.“Wala. Magluto ka na lang ng almusal.” matigas na sabi ni Sigmund, tumalikod pa. Mukhang pinipilit niyang pakalmahin ang sarili.“Sige.” masiglang sagot ni Cerise, para maiwas sa nagbabadyang gulo.Si Cerise ay abala sa kusina. Matagal maluto ang lugaw, at habang nagluluto ng ibang gusto nito, ramdam niya ang titig ni Sigmund.Nang lumingon siya, nahuli niya itong nakatitig, parang malalim ang iniisip. Napangiti siya, iniisip kung baka nag-aalala ito na baka lason ang ilagay niya dito. Pero nanahimik na lang siya at baka ano pa ang masimulan niya.Sinundan din ni Sigmund ang tingin niya at napansin a