Share

Chapter 149

Author: Real Silient
last update Last Updated: 2025-03-18 11:40:04

Jessica POV

“Ma’am Laviste, nakahanda na po ang lahat. Nasumite ko na po ang mga proposal sa taas. Kailangan na lang po nating hintayin ang feedback mula sa higher-ups sa loob ng isang linggo,” maingat na ulat ng aking secretary.

Tumango ako habang abala sa pag-check ng iba’t ibang proyekto at mga bagay na kailangang tapusin.

“Okay, thank you. Be ready for the next project. I-prepare mo na rin ang sarili mo para sa meeting,” sabi ko habang patuloy na tumitingin sa mga papeles sa aking mesa.

Napansin kong hindi siya kumikilos. Nakayuko ito, parang nahihiya at tila may gustong sabihin pero hindi alam kung paano sisimulan. Napatigil ako sa ginagawa ko at tiningnan siya. Tumaas ang isa kong kilay.

“Yes? May problema ba?” tanong ko, medyo matalim ang tono ng boses ko.

“Ahm… past 12 PM na po kasi, Ma’am… lunch break na po.” Napakamot siya sa ulo habang sinasabi ito, halatang nag-aalangan.

Napatingin ako sa relo sa aking kamay. 12:15 PM. Napabuntong-hininga ako.

“Pasensiya na, hindi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Unstoppable Desire    Chapter 150

    Andrea’s POVMasaya kong sinusubuan si Nick habang kumakain ito. Sa mga oras na magkasama kami, ito na marahil ang isa sa mga pinakamasayang araw ko. Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang maingat kong inilalapit ang kutsara sa kanyang bibig.“Ayaw ko na, kaya ko namang kumain mag-isa,” malambing niyang sabi, pero kita sa mukha niya na natutuwa siya sa ginagawa ko.Ngunit hindi ko siya hinayaan. “Shhh… Huwag ka nang tumanggi,” sagot ko habang ipinipilit ang pagkain sa bibig niya. Ngumiti siya at dahan-dahang ngumanga, kaya’t nagpatuloy ako sa pagsubo sa kanya.“Hon, sabi ng doctor, kapag okay na ang mga resulta ng mga test mo, makakauwi ka na!” masigla kong balita sa kanya, ramdam ang excitement sa aking boses.“Buti naman,” sagot ni Nick habang pinunasan ang kanyang labi. “Gusto ko na rin talagang makauwi. Kailangan ko na rin makausap nang masinsinan si Dominic. Tsaka gusto ko nang bumalik sa opisina, marami akong kailangang asikasuhin.”Napailing ako at bahagyang hinawakan ang k

    Last Updated : 2025-03-19
  • Unstoppable Desire    Chapter 151

    Andrea’s POV"I have to go, sorry kung naistorbo ko kayo," sabi ni Jessica habang basag ang boses at wasak na nakatingin kay Nick. Napatitig ako sa mata ni Nick para tingnan ang reaksyon niya. Napalakas ang tibok ng puso ko nang makita ko ang sakit at lungkot sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang papalayong si Jessica.Bakit gano'n ang tingin niya kay Jessica?Biglang napabaling sa akin si Nick at pilit na ngumiti."Can I take a rest now, Hon? Medyo pagod ako at sumasakit ang ulo ko," mahina nitong sabi."Ow, ok, Hon," natataranta kong tugon. Agad ko siyang tinulungan mahiga at inayos ang kanyang unan. Sandali akong natigilan at ipinilig ang ulo ko. Baka namalikmata lang ako kanina... baka hindi kay Jessica nakatingin si Nick, kundi dahil lang siguro masakit ang mata niya."Imposibleng naalala na niya si Jessica… Dahil hindi siya magpo-propose kung bumalik na ang kanyang alaala."Nakita kong tumalikod si Nick sa akin at pumikit, halatang gusto nang matulog.Laging gano’n si Nic

    Last Updated : 2025-03-19
  • Unstoppable Desire    Chapter 152

    Dominic’s POVNakatingin ako kay Andrea na naiinis. Hindi man lang niya ako binati kanina nung makita ako. Ewan ko ba, ang bigat talaga ng loob ko sa kanya.Naawa ako kay Miss Jessica. Ilang beses ko siyang nakitang tulala habang lumalabas ng ospital. Gusto ko sana siyang lapitan, pero laging may nauunang lumapit sa kanya. Sa huli, hinahatid ko na lang siya ng tingin habang papalayo.Nang malaman kong nawala ang ibang alaala ni Sir Nick, nag-alala ako. Buti na lang, naiwan ang mga alaala niya tungkol sa trabaho. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung paano niya nagawang kalimutan ang babaeng una niyang minahal. Posible pala yun?Habang nagmamaneho ako, panaka-naka akong sumusulyap sa salamin ng sasakyan. Nakita kong nakasandal si Miss Andrea kay Sir Nick, yakap-yakap siya nito. Pero si Sir Nick, diretso lang ang tingin sa malayo, parang walang nararamdaman.Bilang lalaki, ramdam ko kung mahal mo ang isang tao, pero kay Sir Nick? Wala akong nararamdaman. Iba ang aura niya kapag kasama

    Last Updated : 2025-03-20
  • Unstoppable Desire    Chapter 153

    Andrea’s POVNagtaka ako nang makita kong tila natigilan si Nick. Nung lumingon ako, doon ko nakita ang malaking larawan ni Jessica na may ngiti ng tunay na kaligayahan sa kanyang mukha. Sa larawan lang ito nakita ko ang ganitong klase ng saya sa mukha ni Jessica, isang ngiti na malaya puno ng kasiyahan.Ngunit, kung gaano kasaya si Jessica sa larawan, ganoon naman ang tindi ng pagdurugo ng puso ko. Doon ko napagtanto kung gaano kalalim ang pagmamahal ni Nick kay Jessica. Ang paraan ng pagkakakuha ng larawan, ang pagningning sa mga mata ni Jessica, lahat ng iyon ay nagsisigaw ng isang katotohanang hindi ko matanggap. Mahal na mahal ni Nick si Jessica.Napakuyom ang aking kamao habang pilit kong nilulunok ang kirot na nararamdaman ko sa aking dibdib. Pero pinilit kong panatilihin ang mahinahong anyo.Nagising ako mula sa malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Nick."Why is there a picture of your sister in my condo?" nagtatakang tanong ni Nick sa akin habang nakatitig sa l

    Last Updated : 2025-03-20
  • Unstoppable Desire    Chapter 154

    Jessica’s POVPagkaalis ko sa ospital, natagpuan ko ang sarili kong nagpapakalunod sa alak sa bar."Hello, Miss Beautiful… baka gusto mo ng kasama habang umiinom?"Napasimangot ako at agad na tumingin ng matalim sa lalaking lumapit sa akin sa bar. Nakaupo ako sa may counter, malapit sa bartender."Tsk! Kapag may nangyari sa'yo o naaksidente ka, for sure kakalimutan mo rin ako agad, ‘di ba?" galit kong tanong habang umiikot ang baso ng alak sa aking kamay. "Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga lalaki. Ang bilis makalimot!"Sabay tungga ako ng alak. Napakapait! Parang sinisilaban ang lalamunan ko sa bawat lagok. Pero wala ‘yon sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ngayon. Sakit, ng pagkalimot ni Nick at ang pagpropose nito kay Ate Andrea."Hahaha…" Tumawa ng pagak ang lalaki at walang pakialam na umupo sa tabi ko. Tumagilid siya sa upuan, at inilapit ang mukha sa akin."Maybe… you need someone to mend your broken heart?" mapanuksong sabi nito habang nakatingin sa akin na para bang gu

    Last Updated : 2025-03-20
  • Unstoppable Desire    Chapter 155

    George’s POVI am angry,. No, I am enraged. Bakit nagawa ni Nick ito kay Jessica? I am still trying to wrap my head around why all of these are happening. Gusto ko siyang sugurin, suntok-suntukin hanggang sa magising siya sa katotohanan. Pero alam kong wala siya sa tamang wisyo. Kakaopera pa lang ng ulo niya. Pinipigilan ko ang sarili ko, pero ang galit na nararamdaman ko ay parang bulkan na anumang oras ay puputok.But I have already made up my mind. Dadalawin ko si Nick pagkatapos kong ihatid sina Jessica. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan niyang ipaliwanag ang lahat.Hindi ko alam kung paano namin kakalmahin si Jessica. Awang-awa ako sa kanya. Dahan-dahan namin siyang itinayo at inalalayan papunta sa kotse.Umiiyak pa rin siya habang nasa daan kami, papunta sa kanyang condo. Wala sa sarili si Jessica pagdating namin, she was very drunk. Hindi siya makalakad nang maayos, kaya inalalayan namin siya hanggang sa makapasok sa loob ng condo.Nang maiupo na namin siya sa sofa, Inaky

    Last Updated : 2025-03-21
  • Unstoppable Desire    Chapter 156

    George POVI am ready to blow, but I know I need to control my temper. Huminga ako nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko.“I will show you your videos and pictures with her. Yun ang sasagot sa iyong mga tanong,” madiin kong sabi, sinisigurado ko na maririnig niya ang bawat salita.Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa kanyang mga mata. Pabago-bago ito, isang sandali ay sakit, sa susunod ay takot, tapos biglang walang pakialam. Parang may gulo sa loob niya na pilit niyang pinipigil.“Wala na ‘yong halaga, George. Ang mahalaga sa akin ngayon ay pakasalan si Andrea. Matagal na siyang naghintay para sa akin. Nitong mga nakaraang araw, inalagaan niya ako, pinasensyahan ang mga sumpong ko, at hindi niya ako iniwan,” ani Nick na may ngiti sa labi.“Ha?! ‘Yan lang ba ang dahilan mo, Nick? Dahil lang sa ilang araw na magkasama kayo, gusto mo na siyang pakasalan? Hindi mo ba ako pinaniniwalaan? Ako, ang kaibigan mo?” galit kong tanong.Matalim akong tinitigan ni Nick, para bang sinusu

    Last Updated : 2025-03-22
  • Unstoppable Desire    Chapter 157

    Scarlett’s POVPag-alis ni George, hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Jessica habang nakahiga sa sofa. Parang balon ang kanyang mata dahil hindi ito nauubusan ng tubig. Nasasaktan ako para sa kanya. Nanggigigil ako kay Andrea ngunit, gusto kong sampalin si Nick, kahit alam kong hindi niya ito sinasadya dahil sa kawalan niya ng alaala.Lumapit ako sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang buhok, sa pamamagitan nun, maipaparamdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa.“Boobae… it breaks my heart to see you like this. Alam kong hindi ko kayang paghilumin ang sugat sa puso mo, pero at least, kaya kong gamutin ang sugat sa tuhod mo. I’ll go get your medicine kit.”Tumayo ako at nagpunta sa cabinet kung saan niya madalas itago ang kanyang medical supplies. Mabilis akong bumalik at walang pag-aalinlangang sinimulang gamutin ang sugat sa kanyang tuhod.“Ouch! Masakit! Huhuhu” nataranta ako dahil sa narinig. “ Sorry Boobae, I’ll be gentle” hinipan ko ang sugat niya para hindi humapdi. Nagulat a

    Last Updated : 2025-03-22

Latest chapter

  • Unstoppable Desire    Chapter 195

    Jessica’s POV Ilang minuto akong natulala sa sinabi ng matanda. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, sabay narinig ko ang tunog ng kampana mula sa simbahan. Paglingon ko, wala na sila. Hindi ko man lang narinig na nagpaalam sila. Para bang isa lang silang guniguni, para mag-iwan ng mensaheng kailangang marinig ng puso ko.Makalipas ang ilang sandali, naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng simbahan, luhaang humihikbi. Doon ko isinuko ang lahat sa Diyos. Sa harap ng altar, tahimik akong nanalangin habang unti-unting inaamin sa sarili na kailangan ko nang kalimutan si Nick. Kailangan kong tanggapin na asawa na siya ng kapatid ko. Masakit, ubod ng sakit, pero alam kong makakaya ko.Nang gabing ‘yon, nangako ako sa Diyos. Nangako akong uunahin ko na ang sarili ko. Na mamahalin ko ang sarili ko, at hindi ko na hihintayin o hihingin pa ang pagmamahal ng mga taong ayaw naman talaga sa akin.“You will be my maid of honor, Jes, sa church wedding namin,” narinig ko ang

  • Unstoppable Desire    Chapter 194

    Jessica’s POVIt has been five days mula nung naglunch kami nina Nick at Ate Andrea. Sa mansion na ako nakatira ngayon, dahil pumayag na si Daddy na mag-resign ako. Nandito rin kasi ang malaki kong studio. Pero sooner or later, I’ll need to move into a bigger condo kung gusto ko talagang mag-focus sa pagpipinta.Pababa ako ngayon ng hagdan. Late na ako nagising dahil abala ako kagabi sa pagpipinta. It’s almost lunchtime.Nagulat ako nang makita ko si Nick at Ate Andrea na nakaupo sa mesa kasama si Mommy. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Nick, pero pinili kong huwag itong pansinin. Masayang nagkukuwentuhan sila. Nakaramdam ako ng inggit, pero pilit ko itong nilunok. Ayokong ipakita kahit kanino ang totoo kong nararamdaman.“Good morning,” bati ko, pilit na may ngiti sa labi.Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay ni Mommy bago siya nagsalita. “Sa ngayon, dito muna titira sila Andrea at Nick sa mansion. Babalik ka ba sa condo mo mamaya?”“Hindi po. Dito muna ako m

  • Unstoppable Desire    Chapter 193

    Scarlett’s POVMuntik ko nang mabitawan ang baso na hawak ko dahil sa sinabi ni Mommy.“I just want to remind you, Scarlett, hindi pa kami sigurado sa boyfriend mo. I know he is a hardworking man, but…”Hindi niya tinapos ang sasabihin niya, sinadya niya. Huminga ako nang malalim habang iniaabot sa kanya ang basong may tubig.“Mom! Di ba napag-usapan na natin ’to? You promised me na hindi kayo makikialam sa lalaking pipiliin ko. I told you to trust me,” matigas kong sagot.“I trust you, but I don’t trust any guy who wants to pursue you,” mabilis at buo ang sagot niya.“Ayokong gamitin ka lang nila sa ambisyon nila,” dagdag pa niya, ngayon ay mas malakas na ang boses niya. “Mga lalaking galing sa hirap ay gagawa at gagawa ng paraan para umangat sa buhay. They will only use you for their benefit. Just like Geo,.. napaka-opportunista!”May kirot sa dibdib ko habang naririnig ko ’yon, diretsong sinabi ni Mommy, may galit, may hinanakit.“Mom, iba si George. Hindi siya tulad ni Geo,” halos

  • Unstoppable Desire    Chapter 192

    Scarlett’s POVHindi ako mapakali habang nasa condo. Kanina ko pa tinatawagan si George ngunit hindi ito sumasagot. Sabi niya sa akin bibili lang siya ng ice cream pero mag-iisang oras na ngunit wala pa rin ito. “ Nasaan na ba ang lalakeng iyon” naiinis kong sabi. I called Jessica pero hindi rin ito sumasagot. Alam ko nasa mansion siya ngayon dahil ngayon darating sila Andrea at Nick, they will have a lunch sa bahay. Nag-aalala pa rin ako sa kanya kahit sinabi niya na kaya niya nang harapin sila Nick at Andrea. Nagulat ako kay Jessica dahil isang araw bigla na lang itong naging ok. Pagkatapos ng ilang araw na iyak ng iyak nagulat na lang ako na bigla itong nagbihis at pumasok sa opisina. ~~~ flashback~~~“Where are you going Jes?” Nagtataka kong tanong nung nagising ako isang araw at napansin ko na maayos na nakabihis si Jessica. “ Work. magreresign na ako” seryosong sabi nito. Napaupo ako sa kama. Tama ba ang aking narinig? “Ha? Ano ulit 'yon?” tanong ko na may pagkiling ng ulo

  • Unstoppable Desire    Chapter 191

    George’s POV“What are you talking about, Nick? Paano mo naging kapatid si Jessica?” gulong-gulo kong tanong.Parang umikot ang mundo ko sa katotohanang ibinahagi ni Nick. Ngayon ko lang ulit siyang nakita na ganoon, lumuluha.Oo, lumuluha si Nick. At hindi lang basta luha, luha ng galit, sakit, at pagkawasak. Ramdam na ramdam ko iyon.“You heard me right. Anak si Jessica ni Daddy at ni Elena,” mariin niyang sambit, halos hindi makapagsalita sa bigat ng damdamin.“Hahaha, what a cruel world!” sabay tawa niya na parang isang baliw na sumuko na sa lahat.“Kaya pala kamukha niya si Elena. Kaya pala parang pamilyar ang kanyang mata, dahil kay Daddy pala niya nakuha 'yon. Haha! Imagine, George… I fell in love with my sister!” pahiyaw na sambit niya, puno ng sakit at pagkasuklam sa sarili.“Sabihin mo sa akin, George… paano ko aaminin kay Jessica ang katotohanan? Kung ako nga, wasak na wasak na, paano pa kaya siya? Ayokong maramdaman niya ang ganitong sakit, ang pighati, ang galit. Hindi ko

  • Unstoppable Desire    Chapter 190

    Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~Halos araw-araw, si Andrea ang kasa-kasama ko sa ospital. Inaalagaan niya ako. Pinipilit kong magpanggap na ayos lang ako. Na masaya ako. Pero sa totoo lang, may mga araw na hindi ko talaga kayang tiisin ang presensya niya. Masyado siyang maingay, masyadong masigla… parang wala siyang pakialam sa bigat ng mundo ko.At sa mga sandaling ‘yon, nakikita ko… ilang ulit ko nakikitang sumisilip si Jessica. Minsan malayo lang. Minsan palihim. Nasasaktan ako.Pero palagi kong pinipiling hindi siya pansinin. Nagpapanggap akong hindi ko siya nakikita. Kahit na ang totoo, bawat sulyap niya ay parang punyal na dumudurog sa puso ko.Sa bawat pagtulo ng kanyang luha… sa bawat paglapit niya sa akin… parang patalim na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko.Alam ko, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan.Kailangan ko siyang itulak palayo. Kailangan niyang magalit sa akin.At sa lahat ng posibleng paraan, tanging pagpapakasal kay Andrea ang naiisip k

  • Unstoppable Desire    Chapter 189

    Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~“Nick… Nick huwag mo kong iwan… Please… huhuhu… Please, Nick…”" Love, gising ka na.." Mga boses ni Jessica ang tanging naririnig ko sa gitna ng dilim. Walang katapusang kadiliman. Pilit kong tinutunton ang pinanggagalingan ng kanyang tinig pero parang lalong lumalayo.Lakad lang ako ng lakad.Hindi ako titigil. Kailangan ko siyang mahanap. Jessica… umiiyak siya. Nasasaktan. Natatakot. Kailangan niya ako.“Love, where are you? Are you okay? Love…”Mga alingawngaw na lang ang naririnig ko. Wala akong ibang makita kundi dilim… hanggang sa bigla na lang may liwanag. Isang matinding bugso ng pag-asa ang bumalot sa akin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa liwanag.Pagdilat ko ng aking mata, isang puting kisame ang bumungad sa akin. Napapikit ako. Ilang ulit. Masakit. Masakit ang ulo ko… ang buong katawan ko.Paglingon ko, nakita ko si Jessica. Masaya ako nung makita siya.“Love! Gising ka na! Wait, I will call the nurse!”Kita ko ang ning

  • Unstoppable Desire    Chapter 188

    Nick’s POV ~~ Flashback bago ang Aksidente ~~Pinipilit kong tapusin ang lahat ng trabaho sa opisina. Kailangan kong umuwi ng maaga. May inihanda akong espesyal para kay Jessica. Biglang tumunog ang cellphone ko. “Yes, hello?” “Good afternoon Mr. Ford, everything is set now, according to your instruction. I also sent a video to your email. Kindly check it if there are things you want to change or remove.” “OK, thank you! I’ll check it now. I will call you back.”Tumawag ang decorator na inupahan ko para sa isa na namang proposal ko kay Jessica. Excited kong binuksan ang email ko. Napangiti ako habang pinapanood ang video. Perfect ang setup. Gusto ko sana ito sa ibang lugar, pero mas pinili ko sa condo, mas private, walang istorbo.Alam kong mainit-init pa ang engagement nila ni Rich, pero wala akong pakialam. Ayokong may makakita sa amin at masira pa si Jessica sa publico. Magtitiis lang muna ako. Lalo akong napangiti nang makita ko ang malaking portrait niya, nakangiti siya, mas

  • Unstoppable Desire    Chapter 187

    Nick’s POVAndrea decided to stay sa mansion nila, may kailangan daw siyang gawin. Ako naman, umuwi mag-isa sa condo to check on something. Bukas pa kami lilipat sa mansion.Paglabas ko ng elevator, tumambad sa akin si George. Galing siya sa unit ni Scarlett. Nagmamadali siyang lumabas pero nang makita niya ako, bigla siyang bumilis maglakad, at sa isang iglap, isang malakas na suntok ang pinakawalan niya.Tumilapon ako. Ramdam ko agad ang sakit, ang bigat ng galit niya."I don’t know if you remember," mariing sabi niya habang ang apoy sa mga mata niya ay parang sasabog, "pero sinabi ko na sa’yo, hindi ko hahayaan na saktan mo si Jessica. Kulang pa ‘yan, Nick!"Hindi ko siya sinagot. Dumiretso ako sa condo, nananahimik. Habang binubuksan ko ang pinto, napansin kong may dugo na pala ang ilong ko. Pero wala akong pakialam. Deserve ko ‘to.Pagpasok ko pa lang, sumunod si George at itinulak ako papasok.Kung normal lang ‘to, baka bumawi na ako. Pero hindi ngayon. Hindi ko kayang sabayan s

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status