Tinawag siya ng mayordoma sa Villa Natividad. Nasa ibaba si Caleb at naghihintay sa kanya.“Caleb? Sino yan? Kliyente? At bakit ikaw ang hinahanap?”“Manliligaw ko.” Biro na hindi mukhang hindi nagustuhan ni Noah.Bumaba siya upang kausapin si Caleb. Hinila niya ito sa garden.“Bakit ka nandito?”“Nabalitaan ko kay Kaye ang nangyari sa inyo. Kukumustahin lang sana kita.”“Okay lang ako. Makakaalis ka na. Baka pagmulan pa ng gulo kapag nagtagal ka pa dito.”“Nag-aalala din ako na baka inaapi ka na naman ng gagong lalaking ‘yan. Bakit kailangan mong magtrabaho ulit sa kanya? Stress ka na nga sa kumpanya mo, dadagdag pa siya.”“Caleb, please. Kundi dahil sa kanya, baka wala na ako ngayon. Umalis ka na at baka makita ka pa niya. Hindi ka niya kilala.”“Sandali lang naman ako. Galit ka pa ba? Patawarin mo na ako.”“Hindi na ako galit. Pero bigyan mo pa ako ng panahon para makalimutan ang nangyari. Pwede pa din tayong maging magkaibigan. Importante ka at si Kaye sa buhay ko.”Nabahiran ng l
Nagmamadali siyang umalis upang kausapin si Caleb at Kaye. Gusto niyang madinig ang paliwanag ng dalawa. Parang sasabog ang dibdib niya sa sama ng loob. Naiwan ang binatang madilim ang anyo.Tinawagan niya ang mga ito at nag-set ng meeting sa Tech Sytems. Sinalubong siya nila Kaye at Caleb na pawang mga nakangiti. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya malubos maiisip na pinagtaksilan siya ng dalawa.Inihagis niya ang mga lawaran sa mesang nasa harapan. Kumalat ang mga iyon. Agad na dinampot ito ni Caleb.Nawalan ng kulay ang mukha ng mga kaibigan. Nanginginig ang kanyang boses. “Kailan pa? Kailan ninyo pa inililihim ang relasyon ninyo?”“Maddie, magpapaliwanag kami. Wala kaming relasyon,” anang binata.“Gawain ba ng magkaibigan ang maghalikan? Huli na kayo, mag-de-deny ka pa!”Hindi nagsasalita si Kaye na nakayuko lamang at tahimik na umiiyak.“Bakit niyo inilihim ang relasyon ninyo? Kung nagkakagustuhan kayo. Walang problema sa akin. Magiging masaya ako para sa inyo.”
Magiging unfair kung pinatawad na niya si Kaye at si Caleb ay hindi. She decided to forgive and hopefully forget. Nagsulat siya ng mahabang liham para kay Caleb. Sinabi niya ang lahat ng kanyang saloobin. Samantalang magdamag silang nag-usap ni Kaye. Bilang kaibigan ay naging napakabuti ng dalawa sa kanya. Pinili niyang magpatawad at maging masaya para sa dalawa. She wished them well. Medyo na-late siya ng pasok. Pagdating sa Villa Natividad ay agad siyang lumapit kay Noah. Magpapaalam siya dito. Kailangan niya ng bakasyon at ng oras para kay Eli. “Boss, hihingi lang po ako ng one week leave. May importanteng bagay lang akong kailangang ayusin.” Ibinaba nito ang mga papel na hawak. “You’re late at ‘yan ang bungad mo? “I’m sorry. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Please grant my leave.” “Unang beses mong humingi ng leave. Ganoon ka ba ka-heartbroken para kailanganin ang bakasyon?” “Ikaw na ang nagsabi, unang beses kaya sana naman ay payagan mo ako.” “Napakahaba ng one week.
Nang makatulog si Eli ay inabutan siya ni Noah ang beer in can. Noong magkasama pa sila ay madalas silang uminom bago magsiping. Pampagana. Mag-uusap at maglalandian bago mauwi sa maalab na pagtatalik.Biglang nabalutan ng excitement ang kanyang katawan. Hudyat ba ito na may magandang mangyayari ngayong gabi? Hindi siya tututol. Matagal na panahon na din naman ng huli silang magtalik.At hind nga siya nagkamali. Ninanakawan na siya ng halik nito. Panay na din ang haplos nito sa kanyang hita. Bago maubos ang isang beer ay bumulong ito. “Tara sa loob ng kotse.”“Ha? Sa tent na lang,” aniya.“Baka magising si Eli, natutulog na sa tent.”“Eh sa sasakyan, baka umuga. May makapansin.”“Hindi ‘yan. Matibay ‘tong Range Rover.”“Sige pero mabilis lang at baka magising si Eli at hanapin tayo.”Nakangiting tumango ang binata. Pumasok sila sa loob ng kotse. Parehas ilang sabik sa sa isa’t isa. Intense ang torrid kissing nila. Nag-espadahan ang kanilang mga dila. Naghubad ng t-shirt ang binata. Na
Life had never been easy for her. But she’s at peace now. Hindi na siya tumakas o lumayo. Wala siyang ginawang masama para magtago sa kahit na sino. She lived a normal life with Eli. Ipinaliwanag niya sa anak ang buong katotohanan. Matalinong bata si Eli, madaling makaunawa. Hindi niya alam ang epekto nito sa paglaki ng bata pero sisiguraduhin niya na mabibigyan niya ng pagmamahal at atensyon ang anak. Tatayo siyang ina at ama para dito. Kung hindi siya magiging sapat at gugustuhin ni Eli na makita si Noah, hindi siya tututol.Inabot ng secretary niya ang ilang folders para sa final interview ng applicants sa Sky-High Hotels. Nasa Indonesia si Caleb para sa opening ng bagong hotel branch nila kaya kahit ipinaubaya na niya ang pamamahala dito ay wala siyang choice kundi palitan muna ito habang wala ng isang linggo.Magagaling ang mga naunang aplikante para sa Marketing Manager position. Mukhang mahihirapan siyang pumili. Tumayo muna siya at uminom ng tubig bago kausapin ang huling apli
Kinabukasan ay nagpost ng pictures nila si Ivan at naka-tag siya. She accepted it. Madaming likes and comments. As usual may mga Marites sigurong nag-share sa group chat ng company nila na hindi siya included. Balak na nga niyang i-hack ng GC at tanggalin sa kumpanya ang mga tsismosa. Pero naisip niya na baka maubos ang empleyado niya kapag ginawa niya iyon.Nasa sasakyan na siya at ihahatid si Eli nang bigla itong nagtanong. “Mommy, sino po ito?”Alam na niyang nakita nito ang post na naka-tag siya. Hindi niya naitago dito ang post.“Kaibigan lang ni mommy ang lalaking ‘yan.”Sinilip niya sa mirror ang anak na nasa likuran ng sasakyan. Hindi ito kumibo.“Ayaw mo ba na nakikipagkaibigan si mommy mo sa iba?”“Mommy, kung saan ka po masaya, happy na din po ako.” Alam niyang hindi totoo ang sinabi nito dahil nakatingin ito sa labas ng bintata ng sasakyan at kita niya ang lungkot sa mga mata ng anak. Hindi pa ito handa kung sakaling magkakaroon siya ng bagong relasyon. Anyway, masaya nama
Bumaba si Kaye sa kanyang kwarto kaya nakakita siya ng pagkakataong kausapin ito. Hindi naman niya ito sisitahin. Kukumustahin at papaalalahanan lang.“Kaye, kumusta? Sa isang bahay at kumpanya tayo parehas, ang dalang nating magkita.”Ngumiti ito sa kanya. “Oo nga. Busy sa work.”“Kumusta na kayo ni Caleb?”“Okay naman kami. Magkaibigan na higit sa magkaibigan. Hindi ko na din alam kung ano ang estado ng relasyon namin.”“Aba, tanungin mo siya. Mahirap ang one-sided love. Alam na alam ko ‘yan.”“Tama ka dapat ko na nga siyang kausapin. Mahirap umasa at maghintay sa wala. One of these days ay kailangan naming mag-usap ng puso sa puso.”“Kaye, you are a wonderful person. You deserve to be loved. Huwag mong kakalimutan ‘yan.”Muling sumilay ang ngiti sa maamong mukha ng kaibigan.“Isa pa nga pala. Tatapatin na kita, may nakakita sa inyo ni Caleb na may ginagawa sa storage room. Huwag na sanang maulit.”Pinamulahan ng mukha ang kaibigan. Napayuko ito ng ulo. “I’m sorry. Si Caleb kasi mak
Inalis niya ang isipin na magagawa ni Noah ang ganoong klase ng krimen. Nasa sasakyan na sila ay patuloy pa din si Kaye sa pagsasalita. Gusto sana niyang awatin ito dahil kasama nila sa sasakyan si Ivan. Hindi ito pamilyar sa buhay nila. Baka matakot ito.“Maddie, kung ako sa’yo papaimbestigahan ko si Noah. Kilala mo ang lalaking ‘iyon. Mula noong una puro sama ng loob ang ibinibigay sa’yo. Noong nabubuhay pa si Caleb ay nag-aalala kami sa ginawa mong pagtanggap sa kanya sa Sky-High Hotels.”“Sana naman ay mali ang hinala mo. Kilala ko si Noah. Hindi niya magagawang pumatay.”“Nagbabago ang tao. Look at his situation. Desperado siya na makabawi sa buhay na nawala sa kanya. Desperate people will do anything to get what they want. Walang kaaway si Caleb. Siya lang ang may motibo.”May punto si Kaye. Walang magandang gawin kundi ang hintayin ang imbestigasyon.“Magbabayad ang kung sino man ang may sala sa pagkamatay ni Caleb. Titiyakin ko ‘yan,” aniya.She felt miserable. Madami siyang g