She's not breathing because of shock. Her son and his father were now face-to-face with each other. The day she's so afraid had come. She had always dreaded this moment. Hindi na dapat magkakilala ang mag-ama. Her son will be better off not knowing his father. With her breath caught in her throat, nahiling niya na sana ay maglaho na lamang siya. She didn't know how to handle the situation.Tumakbo si Eli palapit kay Noah. “Daddy!” masayang bati nito.Her body was frozen. She's paralyzed. She could not process the unexpected event unfolding before her eyes.Kinarga ni Noah ang bata. Paano nagkakilala ang mag-ama? Ang daming tanong sa kanyang isipan.“Daddy, dito ka na titira?” Excited ang tinig ni Eli.“Hahaha. Hindi anak, inihatid ko lang si Mommy Kaye.”Inakay ng katulong si Kaye papasok sa kwarto nito.Agad niyang binawi ang anak. Kinuha niya ito kay Noah. “Eli, go to your room. Sabi ko sa’yo, don’t talk to strangers.”Litong nakatingin sa kanilang dalawa ang bata. “Mommy, magbati n
Kinabukasan, pinuntahan niya sa kwarto si Kaye. Umupo siya sa gilid nag kama. Concern siya sa kaibigan. Mukhang may malaking problema ito. Hindi ito umiinom ng alak. “Kumusta na ang pakiramdam mo?”“Maddie, I’m so sorry. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi. Wala akong matandaan. Sabi lang sa akin ni yaya Mina na hinatid ako ni Noah. Dahil sa akin, nagkita ang mag-ama. Huwag kang magalit, please.”“Shhhh! Matagal na nilang alam na mag-ama sila. Nagsabi sa akin si Eli. Anyway, nangyari na. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Pero bakit ka naglasing kagabi? May problema ba?”“Wala naman. Medyo nagkasagutan kami ng kapatid ko. Naisipan ko lang magpalipas ng oras sa bar. Napadami na pala ang nainom ko. At aksidente kong nakita si Noah sa bar na mag-isang umiinom.”“Look, kapag may problema ka, magsabi ka lang sa amin ni Caleb. Kapatid ang turingan natin.”“Oo alam ko naman ‘yun. Ayoko lang na sumabay sa celebration ninyo at magdala ako ng problema. I can handle. Pupuntahan ko ang kapa
Lumapit si Caleb kay Mr. Dennis Hernandez upang ipahiwatig na umalis na muna at bigyan ng oras si Maddie upang makapag-isip. Nakaunawa naman ang matanda.“Maddison, sana ay magkaroon ng puwang sa puso mo ang pagpapatawad sa amin ng iyong ina. Mahal ka namin.”Tumaas ang dalawang kilay niya. “Mahal? May mahal bang iniiwan? Huwag na po kayong magsinungaling, parehas ninyo akong hindi mahal. Ang mahal ninyo ay ang mga sarili ninyo. Ang mahalaga sa inyo ay ang pansarili ninyong kaligayahan. Hindi ako bata para bolahin ninyo pa.”“Anak, naiintindihan kita kung bakit ganyang ang reaksyon mo. Babalik ako sa ibang araw. Mag-usap tayong muli sa ibang panahon. Sana ay bigyan mo ako ng pagkakataon na maging ama sa’yo. Hayaan mo akong punuan ang naging pagkukulang ko.”Tumalikod na siya at kinuha ang remote upang hawiin ang kurtina sa bintanang salamin ng kanyang opisina. Tanaw na tanaw niya ang buong syudad. Huminga siya ng malalim. Nabuksan ang pinto. Akala niya ay lumabas na si Mr. Hernandez,
Nagpunta sila sa Tagaytay ni Eli. Si Kaye lang ang nakakaalam ng lugar na kanilang pupuntahan. Gusto niyang makapag-isip ng ilang araw. Una niyang dapat lutasin ang problema ng kumpanya. Tsaka na niya aayusin ang mga nagsulputan niyang kamag-anak. Alam niyang mga pabalat bunga lamang ang mga taong ito. Kung hindi siya bilyonarya, kilalanin kaya siya ng mga ito? She doubted. Sigurado siyang may pakay ang mga ito. Ayaw na niyang magtiwala sa kahit na sino. Hindi din niya alam kung sino ang kalaban. Posibleng isa sa mga ito.Siya ang driver ng kotse. Wala din siyang security. Pinapalitan niyang lahat sa agency dahil sa kapabayaan kahapon. Ang problema ay bukas pa daw dadating ang mga kapalit. Papasunurin na lamang niya ang mga ito. Biglang tumigil ang sasakyan. Medyo liblib ang lugar at madalang ang dumadaan. Tinawagan niya si Mang Ambo, ang kanilang family driver. Ngunit hindi ito sumasagot. Gusto na din niyang patalsikin ito sa trabaho kundi nga lamang may edad na ito at matagal ng nan
The sensation was too much. He caressed her private part. She wanted to scream out of pleasure. He lowered her underwear. Her body quivered under his touch. Sa bawat haplos ay napapaliyad siya sa sarap. She's consumed with the fire he ignited. Tupok na tupok ang buong pagkatao niya. Suddenly, she felt a release. She reached the climax. Napakapit siya sa mga braso ni Noah. Bago pa siya mapasigaw, he kissed her again passionately. Mas masarap lalo ngayon ng sabay nitong paglaruin ang dila sa kanyang bibig at daliri sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. She wanted to return the pleasure. She touched his body. His manhood was so hard. Itinaas nito ang isang hita niya. He positioned himself to enter.Nang biglang may paparating na sasakyan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Naitulak niya ang binata na tila ayaw paawat. Malamang makasuhan sila ng public scandal kapag naabutan sila sa ganoong tagpo ng taong paparating. Bumusina ang sasakyan at binuhos niya ang natitira pang lakas up
Sinundo ni Caleb si Kaye sa bus stop. Habang sakay ng kotse, gumapang ang kamay ni Kaye sa hita ng binata. Idinikit din nito ang dibdib sa braso niya. He stopped her.“Hey, I’m driving.”“I can also drive you crazy,” nanunuksong sabi ni Kaye. Ipinatong nito ang kamay sa ibabaw ng kanyang shorts. Agad na nag-react ang kanyang katawan.“No! We will stop whatever we are doing. Malapit na kaming ikasal ni Maddie. Ayokong magkaroon ng dahilan para hindi matuloy ang kasal.”“Oh, come on. Ang usapan titigil lang tayo sa oras na makasal kayo. Don’t worry she would never know. Mahal ko si Maddie bilang kaibigan.”“I begin to doubt your love for her. Inaahas mo ang kaibigan mo.”“Masama bang piliin ko ang sarili kong damdamin? Hindi siya masasaktan ng kasinungalingang hindi niya alam. Ikaw? Mahal mo ba talaga siya? Bakit nagagawa mong sumiping sa iba?”Tinignan niya ito ng matalim. “Lalaki ako kaya natural lang na madala sa tukso. Pero dapat na nating itigil ito.”“Talaga ba? Iba ang sinabi ng
Ayaw na niyang masaktan. Ang istorya nilang dalawa ni Noah ay sarado na. Maaari silang maging co-parents kung talagang magpupumilit ang anak na makasama ang ama. Ngunit sila na maging buong pamilya ay imposible na. Tanggap na niya na hindi sila para sa isa’t isa. May mga bagay at tao na kapag ipinilit ay nagdudulot lamang ng pighati.Sumama sa resort na kanilang tinutuluyan si Noah. Inihatid sila nito matapos ang apat na araw na pananatili ospital ni Eli. Malaking pasasalamat niya at gumaling agad ang anak.Muli na namang nagtagpo ang landas nila Noah at Caleb pagdating nila sa resort. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki.“Makakaalis ka na, magaling na si Eli. Wala ng dahilan upang manatili ka pa dito,” bungad ni Caleb.“I want to spend my time with my son and my wife. Walang masama if I will stay.”“Wife?” amused na sabi ni Caleb.“Yes, wife.”“Alam mo ba ang definition ng wife? You’re not married.”“At hindi din kayo kasal kaya huwag kang umasta na pag-aari mo sila
Nagpadala ng resignation letter si Ms. Santos, ang head ng audit team na labis niyang ipinagtaka. Matagal na ito sa kumpanya. She took a deep breath. Wala naman sanang kinalaman ang resignation nito sa nakawan sa Tech Systems.She’s looking into her laptop. Sumasakit na naman ang ulo niya sa kakaisip. Sino ang taong nasa likod ng pagnanakaw sa kumpanya sa mga panahong nasa Amerika siya. Bilyon na ang nawawalang pera. Maya-maya ay nag-ring ang kanyang cellphone. Unknown number, she ignored the call. Muli itong tumawag. Hindi niya sinagot. Maya-maya ay nagmessage ang caller. Si Ms. Santos. Gusto nitong makipagkita at may ibinigay na address at oras.Agad niyang kinuha ang bag at nagpaalam kay Kaye at Eli na nag-aalmusal. Bukas ang balik nilang lahat sa Maynila ngunit mauuna na siya upang kausapin si Ms. Santos. Ipinapasalamat niyang hindi niya nakita sina Noah at Caleb sa labas. Kagabi ay nasilip pa niya ang dalawang tila mga gwardiya sibil sa pagbabantay.Halos paliparin niya ang sasak
Ilang linggo ang lumipas at tuluyan ng gumaling si Noah. Nagkabati na ito at ang ama. Dumalaw din si Justin at nakipag-ayos sa binata. Inamin nito ang lahat ng kasalanan at humingi ng tawad. Ang kanyang mommy naman ay nakarecover na din. Hindi ito kasabwat nila Kaye at Don Arturo. Nakikipagtagpo ito sa kanyang stepfather upang makiusap na tigilan na ang panggugulo. Inatake sa puso si Don Arturo ng mabalitaan ang nangyari kay Kaye. Nagpadala pa din siya ng bulaklak at tulong pinansyal para dito. Inalis niya ang anumang galit sa dibdib para sa kapayapaan ng kanyang isip.Nagbalik na si Noah sa Hotel Natividad Group at at muli itong namamayagpag sa industriya. Patuloy din na nangunguna ang Tech Systems at Sky-High Hotels. Tunay na may katapusan ang anumang pagsubok sa buhay. Basta maging matatag sa bawat problem at walang tinatapakan o sinasaktang ibang tao. Siguradong matatamo ang kapayapaan at kaligayahan.Nagpapahangin siya garden ng beach house nila sa Pangasinan. Nag-staycation sila
Isinugod sa pinakamalapit na ospital si Noah. Malapit sa puso nito ang tama ng baril. Nasa bingit na naman ito ng kamatayan dahil sa kanya. Dinala ito sa operating room. Napasandal siya sa pader. Duguan ang kanyang kamay at damit. Patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Abot-abot ang dasal niya na mailigtas ang lalaking pinakamamahal. Habambuhay niyang sisisihin ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda dito.Hindi niya kaya kung mawawala itong muli. Ilang oras tumagal ang operasyon bago lumabas ang dalawang duktor na nag-aasikaso sa binata.“Kayo po ba ang pamilya ng pasyente? Tapos na po ang operasyon ngunit nasa kritikal pa din pong kalagayan ang pasyente. Ililipat na po siya sa ICU.”Kahit paano ay nabawasan ang kanyang pangamba. Dumating si Oliver. Kasama nito ang ama ni Noah na hindi makatingin sa kanya ng deretso.“Maddie, kumusta si Noah?” anang daddy ni Noah. Sumilip ito sa bintanang salamin. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda.“Ililipat na po siya sa ICU.
Binuhusan siya ng isang basong tubig sa mukha ni Emaline!“Ayun, nagising ka din! Are you shocked?”“Emaline, wala akong kasalanan sa’yo! Sa inyong magpinsan!”“Malaking kasalanan na isinilang kang may gitnong kutsara sa bibig sa mga inggiterang kagaya namin!” Humalakhak ito.“Nasaan si Kaye? Nasaan ang anak ko? Huwag ninyong idamay ang walang muwang na bata sa kawalanghiyaan ninyo.”“Busy ang pinsan ko kaya pinababantayan ka sa akin.”“Pakawalan mo ako dito, Emaline. Ituro mo kung nasaan ang anak ko. Ibibigay ko ang anumang gusto mo.”“Hay, masakit na hindi ako natutunang mahalin ni Derrick dahil sa’yo! Kundi pa ako sinabihan ni Kaye ay hindi ko malalaman ang panggamit niya sa akin para makapaghiganti sa pinsan ko. Pinaikot niya ako. Well, oras na ng paniningil.”“Wala akong ginawang masama sa’yo.”“Nakalimutan mo na ba na pinaikot mo din ako sa palad mo at kunwaring nakipagkaibigan sa akin?”“Hindi ko sinasadya.”“Ay ganoon? Hindi ko din sinasadya na kidnapin ka ngayon!”“Nasaan si
“Maddie, wala akong ibang babaeng mahal kundi ikaw. Noon at ngayon. Ikaw ang nag-iisang laman ng puso ko.”Napatitig siya sa binata. Hindi siya makapaniwala sa nadinig. Gustong magdiwang ng kanyang puso ngunit hindi na siya basta maniniwala dito.“Look, hindi mo kailangang magsinungaling dahil lang may nangyari sa atin.” Pinamulahan siya ng mukha ng maalala ang naganap kagabi.“Hindi ako nagsisinungaling. Mahal kita Maddie.” Lumapit ang binata sa kanya. Itinaas nito ang kanyang mukha.“Kung mahal mo ako, bakit ka lumayo at nagpanggap na ibang tao? Dumating pa sa punto na nagpakasal ka. I just don’t get it. Kung mahal mo ako. Sana bumalik ka agad sa amin ni Eli.”“Dahil kilala ko ang taong nasa likod ng lahat ng kawalanghiyaan sa kumpanya mo.”“Nahuli na si Don Arturo. Mabubulok na siya sa bilangguan.”“Maddie, may anak si Don Arturo na siyang mastermind ng lahat.”Kumunot ang kanyang noo. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng binata. Para sa kanya ay tapos ang ang kaguluhan.“M
Si Don Arturo Santiago ang mastermind ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay at kumpanya niya! Pinatikim niya ito ng mag-asawang sampal. Sagad hanggang buto ang kasamaan ng matanda. Hindi niya ito mapapatawad. Agad siyang tumawag ng pulis. Nakaposas ito ng dalahin sa presinto. Biglang nawalang parang bula si Noah.Nakulong na ang matanda dati ngunit dahil wala daw sapat na edibensya ay ilang taon lang ito nanatili sa bilangguan. Sisiguraduhin niya ngayon na mabubulok sa kulungan ang kanyang stepfather. Walang kapatawaran ang ginawa nitong kawalanghiyaan sa kanyang kumpanya at pamilya.Nagbigay siya ng pahayag sa presinto. Nakakulong na si Don Arturo. Mangangalap pa ang mga pulis ng matibay na ebidensya laban sa patong patong na kasong kinakaharap nito.Bumalik siya sa ospital upang bantayan ang ina. Naging mas malala ang lagay nito at nagkaroon daw ng mild stroke sabi ng duktor. Hindi ito makapagsalita at hindi maigalaw ang ibabang bahagi ng katawan.Labis ang kanyang pagod. Wala
Sa pagkataranta ay tinawagan niya si Derrick na nasaksak si Oliver. Huli na bago niya maisip na hindi niya ito dapat tinawagan. Agad naman itong nagpunta sa ospital. Nagkagulatan sila. Parehas silang hindi kumibo ng magtagpo. Alam na nila na alam na ng isa’t isa ang pagtatago ng lihim na identity ni Noah. Ngunit hindi siya nagtanong. Sapat na sa kanya na buhay ito.Mabuti na lamang at hindi masama ang tama ni Oliver. Kung may nangyaring masama dito ay sisisihin na naman niya ang sarili. May umagaw daw ng report na hawak nito. Makakahingi naman sila uli ng kopya kung hindi pa natutunton ng suspect ang asset ni Oliver.“Uuwi na ako. Ikaw na muna ang bahala kay Oliver. Sagot ko lahat ng gastos niya o kung anuman ang kailangan,” sabi niya kay Noah.Tumayo si Noah. “Mag-usap tayo.”“Wala tayong dapat pag-usapan. Pinili mong ilihim na buhay ka pa. Natitiyak kong may matindi kang dahilan para gawin ang bagay na ‘yan. Hindi mo kailangang magpaliwanag.” Tila may bara ang kanyang lalamunan.Mas
Patuloy siyang nakikinig mula sa wiretapping device.“Bakit hindi mo na lang balikan ang girlfriend mo? Or humanap ng bagong makakarelasyon,” boses ni Derrick. Alam nito na lesbian si Emaline.“Ikaw ang gusto ko. Subukan natin. Baka magwork kapag naging tayo.”“Susundin natin ang kasulatan. Magkaibigan lang tayo at magkasama tayo dahil sa benepisyong hatid ng kasal natin. May mahal akong iba at walang makakapagpabago ng damdamin ko. Maliwanag ba?”“Hindi ako papayag na maagaw ka ng iba! Tandaan mo ‘yan! Walang maghihiwalay next year! Ipapapatay ko ang babae mo!” hiyaw nito.Wala na siyang nadinig na pag-uusap. Malamang ay pumasok na sila Derrick at Emaline sa loob ng bahay. Nakahiga na siya sa kanyang kama ngunit hindi siya dalawin ng antok. Iniisip niya ang bagong karibal sa puso ni Noah. Malungkot siya sa natuklasan ngunit ang importante na lamang ay buhay ang binata. At kung anuman ang dahilan nito kaya nagpalit ng identity ay ayaw na niyang alamin. Posible na gusto nitong lumayo s
Kumurap siya ng ilang beses. Si Derrick nga talaga ang lalaking kausap ni Oliver. Kung magkaibigan sina Oliver at Derrick. Ibig sabihin ay naaalala ni Derrick kung sino siya. Pinigil niya ang sariling kumprontahin ang dalawang lalaki. May dahilan kung bakit inilihim ni Noah ang kanyang pagkakakilanlan. Na kanyang aalamin. Gustong sumama ng kanyang loob sa ginawa nito ngunit mas lamang ang kaligayahan na buhay ito. Pero bakit kailangan nitong magpakasal kay Emaline? Umatras siya at natumba ang isang paso sa gilid. Napapikit siya ng lumabas si Oliver.“Ms. Maddie. Ano po ang maipaglilingkod ko sa’yo?” Binuksan nito ang gate. Wala na si Noah. Nakapagtago na ito.“Busy ka ba? Hindi na ako nakatawag. May gusto sana akong paimbestigahan.”Pinupo siya nito sa sala. “Kumain na po ba kayo? Tinapay? Juice?”“I’m good. Thanks.” Pinigil niya ang sariling magtanong kung bakit nagsinungaling ito sa kanya tungkol kay Noah. Pinagmukha siyang tanga ngunit nauunawaan niya.“Gusto ko sanang paimbestigah
“Ms. Emaline, bakit kami mag-uusap tungkol sa sex? May asawa si Mr. Ruiz at ikaw ‘yon. At ako naman ay may boyfriend na malapit na ding magpakasal.”“I’m sorry, Ms. Maddison. Nagkamali ako ng dinig. Sa sobrang pagmamahal ko sa asawa ko ay nagiging paranoid na ako.”“No worries. Normal sa ating mga babae ang magselos.” Ngumiti siya sa babaeng kaharap kahit pa gusto na niyang hilahin ang buhok nito. Sumakay na siya sa kanyang kotse.“Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” Nasa loob na ng sasakyan sina Noah at Emaline.“Ikaw ang dapat kong tanungin, mukhang tama ang hinala ko na type mo si Ms. Maddison.”“Emaline, stop that nonsense. I’m interested with the business she’s offering. Alam mo kung gaano ka-importante ang koneksyon sa negosyo natin kaya ako makikipagpartner sa kanya.”“Siguraduhin mo lang Derrick. Akin ka.”“Wala sa kasunduan natin ang ganyang usapan. Parehas nating alam na naggagamitan lamang tayo.”“Sabi ko naman sa’yo, gusto kita! Gustuhin mo din ako!”“Tatapatin na kita. Ma