Agad niyang sinaway ang sarili. She needed to stop bago pa siya muling mabaliw. Promise, huling pagkikita na nila ni Noah. Kailangan lang talaga niyang mahuli at makausap si Mr. Domingo upang malaman niya ang ibang sangkot sa pagkawala ng malaking pera sa kanyang kumpanya. Masolusyunan lang ang problema ay lalayo silang mag-ina. Tahimik na buhay lamang naman ang gusto niya.Inilapag niya ang cellphone sa table, muli itong nag-ring, this time tumatawag si Eli. Lumabas ang litrato nilang mag-ina sa lock screen. Lumabas din ang pangalan at larawan ng anak. “Baby Eli.”Tumigil ang puso niya sa pagtibok. Agad niyang dinampot ang cellphone.“Oh, don’t tell me hindi mo din sasagutin ‘yang si Baby Eli. Sino si Baby Eli?”“Bo-boyfriend ko.”“Kailan ka pa naging two-timer?”“Pwede ba wala kang pakialam sa buhay ko ngayon.”“Kung may pangalawa kang boyfriend, make me the third one.” Hinawakan nito ang kanyang kamay. Napapitlag siya at nahulog ang hawak na phone. Naunahan siyang damputin ito ni N
“You sleep on the bed and I will take the couch. But again, if you want us to sleep together, just tell me.” Nakangiti na naman ito na tila nang-aakit. Gwapo talaga ang bwisit! Naninibago siya sa pakikitungo ni Noah sa kanya. Ano na naman kaya ang pakay nito. Kailangan na niyang magpakasal kay Caleb upang tuluyan na itong tumigil sa paglapit sa kanya. Baka iyon lamang ang solusyon upang tuluyan na itong lumayo. Humiga na siya sa malaking kama. Natanaw niya si Noah na hindi makahiga ng maayos dahil maliit ang couch. Baka hindi ito makatulog ng maayos. Maaga silang gigising upang makipagkita sa tauhan nito. He needed sleep and rest. “Noah, dito ka na matulog sa tabi ko. Basta huwag na huwag kang lalagpas sa linya,” aniya habang naglalagay ng unan sa gitna ng kama. Hindi na niya kailangang magdalawang salita. Mabilis pa sa alas-kwatro, humiga ang lalaki sa kama. “Thank you,” anito. Ilang minuto lang ay mukhang nakatulog na agad ang binata dahil sa pagod. She looked at the man besid
Imposible. Noah will never be jealous. Hindi naman siya nito minahal. May ibang intensyon ito sa paglapit sa kanya na ayaw na niyang malaman pa kung ano. She just wanted to solve her problem with Mr. Domingo.Kinabukasan ay nagkita sila ng mga tauhan ni Noah sa isang restaurant sa plaza. Limang tao ang kaharap nila. Si Oliver ang leader at nagplano ng mga gagawin.“Maddie, nadinig mo ang plano. Huhulihin namin ng buhay si Mr. Domingo. Maghihintay ka lang sa sasakyan. Kapag nahuli na namin siya, dadalin namin sa isang lugar at pwede mo na siyang kausapin.”“Hindi, gusto kong sumama sa paghuli. Hindi ako maghihintay lang.”“Maddie, huwag matigas ang ulo mo. Hindi natin alam kung may security si Mr. Domingo or maybe he was protected by someone. May malaking halagang nakapatong sa ulo niya.”Sumang-ayon na lamang siya. “May mga armas ba kayo para lumaban kung sakaling umabot sa puntong magkaroon ng engkwentro?”“Yes, they are trained. So, nothing to worry. Let’s hope na hindi umabot sa ga
Agad na bumalik sina Maddie at Noah sa Manila. Nakaabang sa airport si Caleb. Agad itong lumapit at yumakap sa kanya.Lumingon siya kay Noah bago umalis. “Salamat sa tulong mo.”He nodded his head. There’s sadness in his deep brown eyes.This will be the last time na magkikipagkita siya kay Noah. She will solve the problem on her own. Mas lalaki ang problema kung hahayaan niyan ma-involve pa ito. At ayaw na din niyang malagay pa sa panganib ang buhay nito dahil sa kanya.She can’t be dead, alam ‘yan ng ahas sa kumpanya niya. Dahil all her wealth ay mapupunta sa charity kapag namatay siya. Pero ang buhay ni Elijah ang manganganib kapag naisalin niya ang lahat ng yaman sa pangalan ng anak. Dapat din ba siyang gumawa ng kasulatan para proteksyunan si Eli?“Mukhang malalim ang iniisip mo,” ani Caleb.“May isang nagbuwis ng buhay dahil sa nawawalang malaking pera sa kumpanya. Ayoko ng madagdagan pa. Kailangan mahuli ang sinumang may kagagawan ng lahat ng ito.”“Sigurado ka bang iyan ang in
She's not breathing because of shock. Her son and his father were now face-to-face with each other. The day she's so afraid had come. She had always dreaded this moment. Hindi na dapat magkakilala ang mag-ama. Her son will be better off not knowing his father. With her breath caught in her throat, nahiling niya na sana ay maglaho na lamang siya. She didn't know how to handle the situation.Tumakbo si Eli palapit kay Noah. “Daddy!” masayang bati nito.Her body was frozen. She's paralyzed. She could not process the unexpected event unfolding before her eyes.Kinarga ni Noah ang bata. Paano nagkakilala ang mag-ama? Ang daming tanong sa kanyang isipan.“Daddy, dito ka na titira?” Excited ang tinig ni Eli.“Hahaha. Hindi anak, inihatid ko lang si Mommy Kaye.”Inakay ng katulong si Kaye papasok sa kwarto nito.Agad niyang binawi ang anak. Kinuha niya ito kay Noah. “Eli, go to your room. Sabi ko sa’yo, don’t talk to strangers.”Litong nakatingin sa kanilang dalawa ang bata. “Mommy, magbati n
Kinabukasan, pinuntahan niya sa kwarto si Kaye. Umupo siya sa gilid nag kama. Concern siya sa kaibigan. Mukhang may malaking problema ito. Hindi ito umiinom ng alak. “Kumusta na ang pakiramdam mo?”“Maddie, I’m so sorry. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi. Wala akong matandaan. Sabi lang sa akin ni yaya Mina na hinatid ako ni Noah. Dahil sa akin, nagkita ang mag-ama. Huwag kang magalit, please.”“Shhhh! Matagal na nilang alam na mag-ama sila. Nagsabi sa akin si Eli. Anyway, nangyari na. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Pero bakit ka naglasing kagabi? May problema ba?”“Wala naman. Medyo nagkasagutan kami ng kapatid ko. Naisipan ko lang magpalipas ng oras sa bar. Napadami na pala ang nainom ko. At aksidente kong nakita si Noah sa bar na mag-isang umiinom.”“Look, kapag may problema ka, magsabi ka lang sa amin ni Caleb. Kapatid ang turingan natin.”“Oo alam ko naman ‘yun. Ayoko lang na sumabay sa celebration ninyo at magdala ako ng problema. I can handle. Pupuntahan ko ang kapa
Lumapit si Caleb kay Mr. Dennis Hernandez upang ipahiwatig na umalis na muna at bigyan ng oras si Maddie upang makapag-isip. Nakaunawa naman ang matanda.“Maddison, sana ay magkaroon ng puwang sa puso mo ang pagpapatawad sa amin ng iyong ina. Mahal ka namin.”Tumaas ang dalawang kilay niya. “Mahal? May mahal bang iniiwan? Huwag na po kayong magsinungaling, parehas ninyo akong hindi mahal. Ang mahal ninyo ay ang mga sarili ninyo. Ang mahalaga sa inyo ay ang pansarili ninyong kaligayahan. Hindi ako bata para bolahin ninyo pa.”“Anak, naiintindihan kita kung bakit ganyang ang reaksyon mo. Babalik ako sa ibang araw. Mag-usap tayong muli sa ibang panahon. Sana ay bigyan mo ako ng pagkakataon na maging ama sa’yo. Hayaan mo akong punuan ang naging pagkukulang ko.”Tumalikod na siya at kinuha ang remote upang hawiin ang kurtina sa bintanang salamin ng kanyang opisina. Tanaw na tanaw niya ang buong syudad. Huminga siya ng malalim. Nabuksan ang pinto. Akala niya ay lumabas na si Mr. Hernandez,
Nagpunta sila sa Tagaytay ni Eli. Si Kaye lang ang nakakaalam ng lugar na kanilang pupuntahan. Gusto niyang makapag-isip ng ilang araw. Una niyang dapat lutasin ang problema ng kumpanya. Tsaka na niya aayusin ang mga nagsulputan niyang kamag-anak. Alam niyang mga pabalat bunga lamang ang mga taong ito. Kung hindi siya bilyonarya, kilalanin kaya siya ng mga ito? She doubted. Sigurado siyang may pakay ang mga ito. Ayaw na niyang magtiwala sa kahit na sino. Hindi din niya alam kung sino ang kalaban. Posibleng isa sa mga ito.Siya ang driver ng kotse. Wala din siyang security. Pinapalitan niyang lahat sa agency dahil sa kapabayaan kahapon. Ang problema ay bukas pa daw dadating ang mga kapalit. Papasunurin na lamang niya ang mga ito. Biglang tumigil ang sasakyan. Medyo liblib ang lugar at madalang ang dumadaan. Tinawagan niya si Mang Ambo, ang kanilang family driver. Ngunit hindi ito sumasagot. Gusto na din niyang patalsikin ito sa trabaho kundi nga lamang may edad na ito at matagal ng nan