Kasama ni Maddie si Elijah sa mall. Dumaan sila sa malaking department store. Kailangan niyang ibili ng bagong damit ang anak dahil ang bilis nitong lumaki. Isa pang rason ay ang klima. Mainit sa Pilipinas, kailangan ni Eli ng damit na malamig sa katawan kapag isinuot.Nakaagaw ng pansin nila ni Kaye ang mga dress na nakadisplay. Iniwan nila sa yaya at bodyguards si Eli upang magsukat ng damit. Matagal na din siyang hindi nakakapag-shopping.“Yaya, gusto ko pong isukat itong t-shirt. Punta po ako sa fitting room,” paalam ni Eli sa yaya.“Sige sasamahan kita.”“Huwag na po. Big boy na ako. Kaya ko naman po.”Agad tumakbo ang bata sa fitting room dala ang isang t-shirt.“Mr. Noah Natividad, nasaan ka po?”Nagulat si Noah ng marinig ang pamilyar na boses ng batang si Elijah. Binuksan niya ang pinto ng fitting room, agad pumasok ang bata.“Elijah, anong ginagawa mo dito? Don’t tell me tumakas ka na naman sa mommy mo.”“Hindi po, nasa labas po si yaya Mina. Nakita po kitang pumasok sa fitt
Maddie was driving her car to an important seminar for three days in La Union. May dalawang security na nakasunod sa kanya. She’s afraid to be in danger. Hindi siya takot mamatay pero takot siyang maiwan si Eli mag-isa. Her son needed her.Dumating siya sa convention. As expected, natanaw niya si Noah sa registration pa lang. He was devastatingly handsome, wearing casual clothes that highlighted his rugged and sexy physique. His charming smile caught the attention of everyone around him. Ang mga kababaihan sa likod nito na nakapila ay pawang mga kilig na kilig. She didn’t care anymore kahit makita o makasama niya ang binata. Para sa kanya, patay na ang lalaking una niya minahal. She will give herself a chance to fall in love with Caleb. She should focus on him. Pero bakit parang mas lalong naging gwapo si Noah? Kinurot niya ang sarili. Maling mali. May bago na siyang pag-ibig.Kinuha niya ang key card sa kanyang hotel room. Naglalakad na siya sa hallway ng may nadinig siyang mga yaba
Pumasok siya sa kwartong nakalaan para sa kanya. He had no plans of attending this conference pero ng makita niya na participant si Maddie, agad siyang nagparegister. Kinakailangan niyang gumawa ng paraan upang makalapit dito. Nag-ring ang kanyang cellphone. Tumatawag si Elijah. Agad niyang sinagot. Excited siyang madinig ang boses ng anak.“Hello daddy, ano po balita? Nakita ninyo po si mommy?”“Hello. Oo Eli, kaso hindi ako pinansin.”“Huwag ka pong susuko.”“Oo anak, dapat kong alamin ang mga paborito niya.”“Daddy, hindi mo alam ang likes and dislikes ni mommy?”“I’m sorry. I didn’t pay attention to small details.”“Daddy, those are not small details.”“Yeah, I know now. Tulungan mo akong alamin ang madaming bagay tungkol sa mommy mo.”“Baka kaya galit sa’yo si Mommy. You don’t pay attention.”“Lesson learned. Nagsisisi ako sa lahat ng maling nagawa ko.”“Basta daddy, pilitin mong magkaayos kayo. Baka mamaya magpakasal na sila ni Uncle Caleb.”“Teka, may ginawa o sinabi ba sa’yo n
Nakatulog si Kaye na may ngiti sa mga labi. Naalimpungatan lamang siya ng biglang bumalikwas sa higaan si Caleb. “Shit!” Agad itong kumuha ng t-shirt at shorts sa closet at isinuot. Inihagis nito sa kanya ang mga damit na nakakalat sa lapag. “Get up and get out. Baka may makakita at makaalam sa nangyari at makarating kay Maddie.” Tinatamad siyang bumangon at isinuot ang mga damit. Her heart ached. After their love-making, this was how he treated her. She had given him her all, pouring her love into him. However, his actions right now have shattered her heart. He didn't even feel sorry. She felt disrespected. Si Maddie pa din ang mahalaga. Pinigil niya ang luhang nagbabadyang pumatak. “Don’t worry, Maddie wouldn’t know.” “Dapat lang, she’s my girlfriend now. Hindi ako papayag na masira mo o ng kahit na sino ang relasyon namin. I can even make you vanish into thin air. Tandaan mo yan. You have never seen the other side of me. The evil side.” Matapang niyang hinarap ang binata. She’
She immediately looked herself into the mirror pagdating sa kanyang room. May mga wrinkles na nga ba siya? Pinag-iinit ng babaeng ‘yon ang ulo niya. She will just turn thirty this year. There were no visible wrinkles. She still looked young and beautiful. That girl was ruing her self-confidence and to think na hindi siya ipinagtanggol ni Noah! Sabagay, what to expect sa walanghiyang lalaking iyon! Mukhang may bagong babae na naman ito. She didn’t care!Nag-ring ang doorbell. Binuksan niya ang pinto. Although may idea na siya kung sino ito.“Here’s the final presentation tomorrow. Please take a look.”“Just send it via messenger. I don’t want to talk to you.”“Then, unblock me.” Nakangiti ito sa kanya.“No way, just send it via email now.”“Just give me some minutes to check this para matapos na.”Hinayaan niya itong makapasok. Ipinakita sa kanya ang slides. Masyadong malapit ang kanilang mga katawan. Halos ramdam niya ang init ng katawan ng binata. Tila siya napaso. Nagkabungguan ang
Maddie was getting back into the game. Muling nagbalik ang tiwala ng mga investors sa Sky-High Hotels at Tech Systems. Tumataas ang kanilang net profit sa nakalipas na buwan. Everything went smoothly. Until today, nabulabog ang buong Tech Sytems ng dumating ang isang babaeng nasa early fifties.“Maddie, someone is coming and claiming that she owns the Tech Systems,” sabi ni Caleb.Sino ang babaeng padating at nanggugulo? Bago pa siya makapagsalita ay bumukas ang pinto ng kanyang opisina. She looked familiar. Parang nakita na niya ang babae. Ngunit hindi niya matandaan kung saan at kailan. Sa likod nito ay isang lalaking halos kaedad niya, the typical nerdy look na mama’s boy ang impresyon niya dito.Lumapit ang babae sa kanya. Laking gulat niya ng niyakap at hinalikan siya sa pisngi. “Hello, Maddison Valencia. I’m glad that you prefer not to use Santiago as your last name.”Namimilog ang mga mata niya habang nakatitig sa babae at kasama nito. She felt that they will bring trouble. “Th
Her abandonment wound as a child was left unhealed. Seeing her mom again reminded her of being abandoned. She didn't want to admit it, but it had affected her deeply, leaving her afraid of being left behind again. Ang buong akala niya ay okay siya all these years. She went home with a heavy heart. Hindi pa din siya makapaniwala na babalik ang kanyang ina makalipas ang mahabang panahon. Sinalubong siya ni Elijah.“Hello mommy!” Agad niya itong kinarga. Ang bilis ng panahon, ang bigat na ng anak niya. Darating ang araw na hindi na niya ito kayang buhatin.“Eli, don’t grow up so fast please.” Pinupog niya ito ng halik.“I want to grow up so fast because I want to help and protect you.”“Eli, mommy is strong. Don’t worry about me.”“You’re lying. I saw you cry sometimes.” She was speechless. Her heart sank as she realized the impact her tears had on him. She's not been good at hiding her emotions.“Eli, people do cry no matter how strong they are. It’s a way to express our feelings.”“I l
Kinabukasan ay nadatnan niya sa hardin ang ina at kapatid na nag-aalmusal. Nagpahanda ito ng magarbong almusal sa hardin. Parang fiesta sa dami ng pagkain na nakahain. “Andyan ka na pala, let’s eat,” sabi ni Donya Beth.“I don’t eat breakfast.”“You don’t eat breakfast or ayaw mo lang kaming kasabay kumain?”Sasagot sana siya ngunit dumating na si Eli. “Mommy, let’s go.”“Oh teka, pati ang bata, idadamay mo sa diet mo. Pakainin mo muna bago pumasok.”“May nakahanda silang breakfast sa school.”Hindi siya sanay ng may ibang tao sa bahay at may nakikiaalam sa mga desisyon niya. Mula bata pa, she decided on what to do. Kaya hindi siya sanay ng may pakialamera.“Wait, Maddie. Sasabay na ako sa’yo papasok sa opisina,” sabi ni Jace.Tumaas ang kilay niya. “You mean, magpapasa ka ng application sa HR today?”“Why should I? Pwede mo naman bigyan na lang ako ng position.”Napailing siya. “Well, there’s no vacancy as of now. Job opening is only for qualified applicant. Tara na Eli, male-late ka
Ilang linggo ang lumipas at tuluyan ng gumaling si Noah. Nagkabati na ito at ang ama. Dumalaw din si Justin at nakipag-ayos sa binata. Inamin nito ang lahat ng kasalanan at humingi ng tawad. Ang kanyang mommy naman ay nakarecover na din. Hindi ito kasabwat nila Kaye at Don Arturo. Nakikipagtagpo ito sa kanyang stepfather upang makiusap na tigilan na ang panggugulo. Inatake sa puso si Don Arturo ng mabalitaan ang nangyari kay Kaye. Nagpadala pa din siya ng bulaklak at tulong pinansyal para dito. Inalis niya ang anumang galit sa dibdib para sa kapayapaan ng kanyang isip.Nagbalik na si Noah sa Hotel Natividad Group at at muli itong namamayagpag sa industriya. Patuloy din na nangunguna ang Tech Systems at Sky-High Hotels. Tunay na may katapusan ang anumang pagsubok sa buhay. Basta maging matatag sa bawat problem at walang tinatapakan o sinasaktang ibang tao. Siguradong matatamo ang kapayapaan at kaligayahan.Nagpapahangin siya garden ng beach house nila sa Pangasinan. Nag-staycation sila
Isinugod sa pinakamalapit na ospital si Noah. Malapit sa puso nito ang tama ng baril. Nasa bingit na naman ito ng kamatayan dahil sa kanya. Dinala ito sa operating room. Napasandal siya sa pader. Duguan ang kanyang kamay at damit. Patuloy sa pag-agos ang luha sa kanyang mga mata. Abot-abot ang dasal niya na mailigtas ang lalaking pinakamamahal. Habambuhay niyang sisisihin ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda dito.Hindi niya kaya kung mawawala itong muli. Ilang oras tumagal ang operasyon bago lumabas ang dalawang duktor na nag-aasikaso sa binata.“Kayo po ba ang pamilya ng pasyente? Tapos na po ang operasyon ngunit nasa kritikal pa din pong kalagayan ang pasyente. Ililipat na po siya sa ICU.”Kahit paano ay nabawasan ang kanyang pangamba. Dumating si Oliver. Kasama nito ang ama ni Noah na hindi makatingin sa kanya ng deretso.“Maddie, kumusta si Noah?” anang daddy ni Noah. Sumilip ito sa bintanang salamin. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda.“Ililipat na po siya sa ICU.
Binuhusan siya ng isang basong tubig sa mukha ni Emaline!“Ayun, nagising ka din! Are you shocked?”“Emaline, wala akong kasalanan sa’yo! Sa inyong magpinsan!”“Malaking kasalanan na isinilang kang may gitnong kutsara sa bibig sa mga inggiterang kagaya namin!” Humalakhak ito.“Nasaan si Kaye? Nasaan ang anak ko? Huwag ninyong idamay ang walang muwang na bata sa kawalanghiyaan ninyo.”“Busy ang pinsan ko kaya pinababantayan ka sa akin.”“Pakawalan mo ako dito, Emaline. Ituro mo kung nasaan ang anak ko. Ibibigay ko ang anumang gusto mo.”“Hay, masakit na hindi ako natutunang mahalin ni Derrick dahil sa’yo! Kundi pa ako sinabihan ni Kaye ay hindi ko malalaman ang panggamit niya sa akin para makapaghiganti sa pinsan ko. Pinaikot niya ako. Well, oras na ng paniningil.”“Wala akong ginawang masama sa’yo.”“Nakalimutan mo na ba na pinaikot mo din ako sa palad mo at kunwaring nakipagkaibigan sa akin?”“Hindi ko sinasadya.”“Ay ganoon? Hindi ko din sinasadya na kidnapin ka ngayon!”“Nasaan si
“Maddie, wala akong ibang babaeng mahal kundi ikaw. Noon at ngayon. Ikaw ang nag-iisang laman ng puso ko.”Napatitig siya sa binata. Hindi siya makapaniwala sa nadinig. Gustong magdiwang ng kanyang puso ngunit hindi na siya basta maniniwala dito.“Look, hindi mo kailangang magsinungaling dahil lang may nangyari sa atin.” Pinamulahan siya ng mukha ng maalala ang naganap kagabi.“Hindi ako nagsisinungaling. Mahal kita Maddie.” Lumapit ang binata sa kanya. Itinaas nito ang kanyang mukha.“Kung mahal mo ako, bakit ka lumayo at nagpanggap na ibang tao? Dumating pa sa punto na nagpakasal ka. I just don’t get it. Kung mahal mo ako. Sana bumalik ka agad sa amin ni Eli.”“Dahil kilala ko ang taong nasa likod ng lahat ng kawalanghiyaan sa kumpanya mo.”“Nahuli na si Don Arturo. Mabubulok na siya sa bilangguan.”“Maddie, may anak si Don Arturo na siyang mastermind ng lahat.”Kumunot ang kanyang noo. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng binata. Para sa kanya ay tapos ang ang kaguluhan.“M
Si Don Arturo Santiago ang mastermind ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay at kumpanya niya! Pinatikim niya ito ng mag-asawang sampal. Sagad hanggang buto ang kasamaan ng matanda. Hindi niya ito mapapatawad. Agad siyang tumawag ng pulis. Nakaposas ito ng dalahin sa presinto. Biglang nawalang parang bula si Noah.Nakulong na ang matanda dati ngunit dahil wala daw sapat na edibensya ay ilang taon lang ito nanatili sa bilangguan. Sisiguraduhin niya ngayon na mabubulok sa kulungan ang kanyang stepfather. Walang kapatawaran ang ginawa nitong kawalanghiyaan sa kanyang kumpanya at pamilya.Nagbigay siya ng pahayag sa presinto. Nakakulong na si Don Arturo. Mangangalap pa ang mga pulis ng matibay na ebidensya laban sa patong patong na kasong kinakaharap nito.Bumalik siya sa ospital upang bantayan ang ina. Naging mas malala ang lagay nito at nagkaroon daw ng mild stroke sabi ng duktor. Hindi ito makapagsalita at hindi maigalaw ang ibabang bahagi ng katawan.Labis ang kanyang pagod. Wala
Sa pagkataranta ay tinawagan niya si Derrick na nasaksak si Oliver. Huli na bago niya maisip na hindi niya ito dapat tinawagan. Agad naman itong nagpunta sa ospital. Nagkagulatan sila. Parehas silang hindi kumibo ng magtagpo. Alam na nila na alam na ng isa’t isa ang pagtatago ng lihim na identity ni Noah. Ngunit hindi siya nagtanong. Sapat na sa kanya na buhay ito.Mabuti na lamang at hindi masama ang tama ni Oliver. Kung may nangyaring masama dito ay sisisihin na naman niya ang sarili. May umagaw daw ng report na hawak nito. Makakahingi naman sila uli ng kopya kung hindi pa natutunton ng suspect ang asset ni Oliver.“Uuwi na ako. Ikaw na muna ang bahala kay Oliver. Sagot ko lahat ng gastos niya o kung anuman ang kailangan,” sabi niya kay Noah.Tumayo si Noah. “Mag-usap tayo.”“Wala tayong dapat pag-usapan. Pinili mong ilihim na buhay ka pa. Natitiyak kong may matindi kang dahilan para gawin ang bagay na ‘yan. Hindi mo kailangang magpaliwanag.” Tila may bara ang kanyang lalamunan.Mas
Patuloy siyang nakikinig mula sa wiretapping device.“Bakit hindi mo na lang balikan ang girlfriend mo? Or humanap ng bagong makakarelasyon,” boses ni Derrick. Alam nito na lesbian si Emaline.“Ikaw ang gusto ko. Subukan natin. Baka magwork kapag naging tayo.”“Susundin natin ang kasulatan. Magkaibigan lang tayo at magkasama tayo dahil sa benepisyong hatid ng kasal natin. May mahal akong iba at walang makakapagpabago ng damdamin ko. Maliwanag ba?”“Hindi ako papayag na maagaw ka ng iba! Tandaan mo ‘yan! Walang maghihiwalay next year! Ipapapatay ko ang babae mo!” hiyaw nito.Wala na siyang nadinig na pag-uusap. Malamang ay pumasok na sila Derrick at Emaline sa loob ng bahay. Nakahiga na siya sa kanyang kama ngunit hindi siya dalawin ng antok. Iniisip niya ang bagong karibal sa puso ni Noah. Malungkot siya sa natuklasan ngunit ang importante na lamang ay buhay ang binata. At kung anuman ang dahilan nito kaya nagpalit ng identity ay ayaw na niyang alamin. Posible na gusto nitong lumayo s
Kumurap siya ng ilang beses. Si Derrick nga talaga ang lalaking kausap ni Oliver. Kung magkaibigan sina Oliver at Derrick. Ibig sabihin ay naaalala ni Derrick kung sino siya. Pinigil niya ang sariling kumprontahin ang dalawang lalaki. May dahilan kung bakit inilihim ni Noah ang kanyang pagkakakilanlan. Na kanyang aalamin. Gustong sumama ng kanyang loob sa ginawa nito ngunit mas lamang ang kaligayahan na buhay ito. Pero bakit kailangan nitong magpakasal kay Emaline? Umatras siya at natumba ang isang paso sa gilid. Napapikit siya ng lumabas si Oliver.“Ms. Maddie. Ano po ang maipaglilingkod ko sa’yo?” Binuksan nito ang gate. Wala na si Noah. Nakapagtago na ito.“Busy ka ba? Hindi na ako nakatawag. May gusto sana akong paimbestigahan.”Pinupo siya nito sa sala. “Kumain na po ba kayo? Tinapay? Juice?”“I’m good. Thanks.” Pinigil niya ang sariling magtanong kung bakit nagsinungaling ito sa kanya tungkol kay Noah. Pinagmukha siyang tanga ngunit nauunawaan niya.“Gusto ko sanang paimbestigah
“Ms. Emaline, bakit kami mag-uusap tungkol sa sex? May asawa si Mr. Ruiz at ikaw ‘yon. At ako naman ay may boyfriend na malapit na ding magpakasal.”“I’m sorry, Ms. Maddison. Nagkamali ako ng dinig. Sa sobrang pagmamahal ko sa asawa ko ay nagiging paranoid na ako.”“No worries. Normal sa ating mga babae ang magselos.” Ngumiti siya sa babaeng kaharap kahit pa gusto na niyang hilahin ang buhok nito. Sumakay na siya sa kanyang kotse.“Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” Nasa loob na ng sasakyan sina Noah at Emaline.“Ikaw ang dapat kong tanungin, mukhang tama ang hinala ko na type mo si Ms. Maddison.”“Emaline, stop that nonsense. I’m interested with the business she’s offering. Alam mo kung gaano ka-importante ang koneksyon sa negosyo natin kaya ako makikipagpartner sa kanya.”“Siguraduhin mo lang Derrick. Akin ka.”“Wala sa kasunduan natin ang ganyang usapan. Parehas nating alam na naggagamitan lamang tayo.”“Sabi ko naman sa’yo, gusto kita! Gustuhin mo din ako!”“Tatapatin na kita. Ma