Chapter nine Una akong lumabas sa barn at nakayukong naglalakad palayo. Ramdam ko ang pagsunod ni gwapong driver sa akin bago ako hinigit sa braso. "Gia... bambina, what's wrong? Puno ng pagtataka nya akong tinignan bago ako pinaharap sa kanya. "Sir," panimula ko bago tumitig sa mga mata n'yang puno ng kuryosidad. "H-Hindi na.." "Hindi na ang alin?" "Hindi na po dapat maulit iyong n-nangyari sa barn kanina." Mas lalo akong nahihiya sa sarili ko dahil muli na namang bumalik sa isip ko ang nangyari kani-kanina lang. Hindi dapat iyon nangyari pa. Hindi dapat ako magpadala sa sensation na binigay nya sa akin. Ang b*bo at g#ga ko! Ba't ako nagpapabaya? Hindi dapat iyon nangyari sa mag amo. Wala sa trabaho ko ang makipaghalikan sa amo. "Do you feel any regret?" "P-Po?" "Do you feel any sorry about that?" "Sir, Hindi po kita maintidi—" "Just answer me, Gia." "S-Sir.. Hindi naman sa gan—" "So you like it? You like what we did earlier? Tell me, bambina." Rinig ko ang e
Chapter ten"Pagkatapos mo dyan, Maggie samahan mo si Annie sa palengke.""Palengke?""Oo, ubos na iyong stock na meron tayo. Huwag kang magalala may kotse at driver naman kayo para hindi kayo nahihirapan sa dadalhin nyo.""Sige po, Manang. Walang problema."Pinagpatuloy ko ang paglinis sa vase. Simula nong iniwan ko si gwapong driver doon sa farm nya ay hindi ko na sya nakita pa rito sa mansion. Bahala sya sa buhay nya. Di porket gwapo sya ay magiging ul*l na ako sa kanya. Ano sya sini-swerte? May kasalanan pa nga iyon sa akin. Kinuha nya ang first kiss kahit medyo di naman sya deserving Pero iyong labi nya deserving sa labi mo.Wala sa sariling napatampal ako sa noo ko. Ano naman iyong pinagiisip ko? Ang bulgar at walang preno pero... Totoo naman eh. Deserving at worth it iyong labi nya sa labi ko dahil hindi ko mapagkaila na nasasarapan ako sa labi nya. Pinagtitigan ko lang iyong labi nya noon sa tricycle nong unang kita namin pero kanina natikman ko na, hindi lang simpleng tikim
Chapter eleven"Ito lang po ba, ate Annie?"Tanong ko sa babae habang busy sa kakatingin mga gulay. Narito kami ngayon sa vegetables station ng mall at namimili ng iba pang pwede ilagay sa cart. Tumingin sa akin si ate Annie bago binigay sa akin ang isang pineapple.Gulayan pero may prutas?"Anong gagawin mo rito ate?"Tinignan nya muna ang listahan bago ako sinagot. "Para tumamis ang katas."Kumunot ang noo ko at biglang napakamot sa kilay. Iyong ulo ko ngayon ay parang lakad ng pagong, ang hina. Ang hina maiproseso ng utak ko ang sinabi ni ate Annie.Tumamis ang katas? "Pero ate matamis na po ang katas ng pinya, balak nyo po bang magka diabetes sa sobrang tamis?"Bigla itong tumawa. Tinakpan nya rin ang mukha dahil may ibang mga tao sa paligid na tumingin sa pwesto namin. "Ano ka ba, Maggie. Akala ko ba na gets mo?"Huh? Na gets ang alin?Nang makita ni ate Annie ang nagtatanong kong mukha ay biglang sumeryuso ang kanyang mukha at biglang napatampal sa noo. "Diyos ko, inosente pala
Chapter twelve Nanlaki ang kanilang mga matang tumingin sa 'kin. "Ah! Ito lang po ba ang bilhin nyo? Wala nang iba?"Peke akong ngumiti at ramdam ko ang ibang atmosphere dito sa shop habang pinagtitigan nila ako. Ano ba ang problema nila sa akin at kung maka titig sa 'kin wagas? Hindi ko na napigilan at biglang nag joke. "Malamang wala nang iba kase sya lang ang nagiisa."Umakto pa ako na parang kinikilig. "Yie, kinilig bangs ko."Sa mga oras na ito ay ang gusto ko lang ay patayin ang sarili ko dahil sa mga pinagsasabi ko ngayon. Hindi ko akalaing dadating ako sa puntong maging corny ako para lang ibaling iyong seryusong tingin nila sa akin. Ano ba kase ang nangyari sa kanila? Bakit ako na naman lagi?"Tara na, Berman. May papainumin pa tayo ng gamot."Seryusong lumihis si ate Annie sa harapan ko pero bago pa sya naka alis sa harapan ko ay nakita ng dalawang mata ko ang munting ngiti sa labi nya na pilit n'yang tinatago. Malayo na kami sa flower shop ng madatnan ng mga mata ko ang bu
Chapter One Maggie Petras POV Malansang amoy at maingay na lugar ang bumungad sa akin sa entrada ng palengke. Narito ako sa palengke ngayon at pilit hinanap ang babaeng baliw kung maituring ng iba. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtingin sa paligid nang may kumirot sa tagiliran ko. "Mayang!" ungot ko sa babaeng kumirot sa akin. Ngumiti ito sa akin at pumalakpak. "Taray, ang fresh mo ngayon ah," aniya at pinasadahan nang tingin ang kabuoan ko. "Saan lakad mo?" tanong nito sa 'kin bago hinawakan ang braso ko at pinaupo sa upuang malapit lamang sa pwesto namin. "Barangay. Kukuha sa requirements na sinabi mo,” saad ko bago tumingin sa isdaang pwesto namin. "Gusto mo samahan kita?" Umiling ako. "Wag na, Dumaan lang ako rito upang ipabantay sayo iyong dalawang anghel ko," sabi ko bago tumayo at handa nang umalis. "Sige, ingat ka sa lakad mo. Ako na bahala sa kapatid mo," paalam nito at inihatid ako sa tricycle na nakaparada sa gilid ng daan. "Ikaw rin," sabi ko bago pum
Chapter TwoSigurado akong namumula ang dalawang pisngi ko habang pabalik sa bahay namin. Hindi ako maka get over sa lalaki. Hay! Gusto kong sampalin nang paulit ulit ang utak na meron ako. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin nag re-replay ang mukha ng lalaki sa utak ko. Iyong matangos n'yang ilong, iyong panga n'yang may kurba, iyong makinis n'yang skin, iyong amoy n'yang kay bango sa ilong ko akala moy hindi driver dahil hindi man lang amoy pawis at ang panghuli ay ang mata n'yang kulay asul. Habang nag eye contact kami kanina ay para akong nakatitig sa karagatan sa sobrang linaw nito lalo na ang kulay na para bang inaakit ako, pati na rin ang kanyang mga maninipis na labi. Ang kanyang maninipis na labi na akala moy may lipstick nilagay dahil sa mapupula ito. Ano kaya ang lasa ng labi nya paghinahalikan?"Ate!" "Aray!" ungot ko ng maramdaman ko ang labis na sakit sa ulo ko. "Ang sakit!" saad ko habang hinihimas ang ulo kong binatukan ni Mayang.Kunot noong tumingin ako kay Manang. "
Chapter Three Kailangan ko ang trabahong ito para sa kanila. Matatag at buo ang loob ko na humarap kay Mayang. Kailangan kong maging matatag para sa pamilya ko. "Asan na?" Binigay nya sakin ang limang t-shirt, tatlong pajama at dalawang short. "Tanggapin mo iyan, hindin ko rin naman magagamit ang mga iyan." Nanlaki ang mata kong tumingin sa hawak ko ngayon. Ang bago pa nito. "S-Sigurado ka? Eh, mayang ang bago pa nito oh." Pinakita ko sa kanya ang tag. "At may tag pa." Akma kong ibabalik sakanya ng inunahan nya akong itago ang mga kamay nya mula sa akin. "Hindi mo pwedeng ibalik sa 'kin ang mga iyan, nahawakan mo na kaya sayo na." finale nitong sabi bago tumalikod at binuksan ang pinto. "Nandito na rin pala ang pogi mong driver," aniya pagkatapos binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa taong nakatayo malapit sa 'kin. May ngiti ito sa labi at mukhang friendly kung tignan dahil kumaway pa ito sa akin. Sya? Sya ang driver ko ngayon? Sya ang maghahatid
Chapter Four Feeling ko nakita ko na 'to o nararamdaman pero hindi ko maalala. Baka iyong ganyang eksena ay nakita ko lamang sa television sa palengke kaya familiar sa akin. "A forgettable memory is an unforgettable experience. They are so perfect right?" Bigla akong napalingon sa lalaking nakatayo sa gilid ko. Nakaharang ng malaking sombrero ang mukha nito kaya hindi ko ito makita ng masinsinan. "A perfect scene is a tearful page." Kasabay nang pagsabi ng mga katagang iyon ay ang pag angat ng kanyang ulo sa akin. Ngayon ay malinaw kong nakikita ang mukha nya, iyong kulay ng mata nya, kurba ng panga, ang matangos nitong ilong at ang panghuli ay ang maninipis nitong labi na alam kong nakaka addict pag ito ay maramdaman. "Gwapong driver..." aniya ko ng makilala ko na ito. "Finally to see you here in my home, Gia." Halos hindi ko masagap ang tamang salita sa bibig ko dahil sa nakita. My home? Ibig sabihin... "Oh, nagkita na pala kayo ng amo mo Maggie." nakangiting sabi