Share

CHAPTER 5

Chapter five

Siguro ito ang tinatawag nilang instincts ng isang tao.

"Maggie, ito oh, kain ka muna bago pumunta sa magiging kwarto mo." aya sa akin ng Manang at tinulak sa akin ang bagong lutong adobo at kanin.

"Pero Manang busog pa po kase ako." pag aayaw ko dito. Nakakahiya lang talagang kumain lalo na sa harapan ni Reagan. Hindi ko alam pero nahihiya talaga ako.

"Ano ka ba, huwag kang mahiya ito naman oh, kasamahan mo lang din naman ako." Pinilit talaga ni Manang na tanggapin ko ang nilagay nya sa lamesa na nasa gilid ko lang din. Sa huli kahit nahihiya ay tinanggap ko lamang ito. Ayaw kong makikipagtalo sa taong palalakihan ka ng mata pag umayaw ka. Nakakatakot ang mata ni Manang Nina. Parang umuudlot iyong mata nya kanina. Gusto na atang lumabas eyeballs nya.

Alas singko pa ng umaga nang ginising ako ni Manang Nina sa pagtulog. Pinuntahan nya talaga ako dito sa kwarto ko upang makapag simula na daw sa trabaho. Pagkatapos kong maligo ay tumingin ako sa kwarto ko. Ganitong ganito talaga iyong minsan ko ng pinangarap noon. Maliit pero maaliwalas. Hindi ko akalaing may sariling kwarto ang mga katulong dito. Akala ko nong una ay sa isang kwarto ay may kasama ako pero nabigla na lamang ako nong dinala ako ni Manang Nina dito pagkatapos kong kumain kahapon.

"Tapos ka na ba, Maggie? Halika na't magsimula na tayo."

"Sige po, Manang! Susunod po ako!" sigaw ko mula sa pinto.

"Sige, sumunod ka ah." sagot nito sa akin bago ko narinig ang mga yapak nitong paalis na. Pinagpatuloy ko ang pagsuklay sa buhok bago tumingin ulit sa salamin upang tignan kung maayos ba ang mukha ko.

Pagkarating ko sa kusina ay ang compliment nila ang bumungad sa akin. Unang bumati si Manang Nina. "Ang ganda ng uniform mo, bagay sa yo."

"Fit na fit iyong uniporme mo, ija. Para kang model." Ate Elma, tinuro nito ang bewang ko. "Ang liit ng bewang mo, talaga bang katulong ka lang dito?"

Natatawang tumango ako sa mga pinagsasabi nila. "Oo, naman po." Nandito ba ako kung hindi ako katulong?

Biglang dumating si ate Sheena at halos lumuwa ang mga mata nito nang makita ako. Over-acting s'yang lumapit sa akin. "Takne, dai! Ang ganda mo, para kang ambassador sa uniform natin, ah."

Ano bang problema nila sa suot ko? Kanina pa sila compliment nang compliment dito sa uniform ko. Tiningnan ko ang uniform namin bilang katulong. Simpleng dress lang naman ito na may puting tela sa harapan, pangpunas. Anong meron dito?

"Anong feeling, dai? Iyong sumuot ng ganyan pero iyong katawan good for modeling?"

Nagtaka ako sa naging tanong nya? Ano bang kailangan kong mararamdaman kung wala naman? Normal lang naman iyong feeling ko ngayon.

Umiling ako. "Ayy wala? Bakit?"

"Dapat bang may ma feel ako habang suot to? Kung ordinaryong damit lang din naman 'to."

Sa sinabi ko ay biglang umiingay sa tawa ang buong kusina, nangunguna na doon si ate Elma at Manang Nina. Halos nag compete iyong dalawa sa malakas na pagtawa dahilan halos matumba si ate elma dahil sa pagtawa samantalang si Manang Nina naman ay simpleng tumawa lang pero ang ingay ng bunganga. Dumaan ang ilang minuto ay hinayaan ko silang tumawa. Maluluhang bumaling si ate Elma kay Sheena na ngayon ay nakabusangot ang mukha.

"Oo nga naman, sheen. Hindi naman gawa sa ginto ang suot ni Maggie para may mararamdaman."

Pagkatapos non ay bumalik na naman sila sa pagtawa. Si Sheena na kanina'y over-acting dahil sa suot ko, ngayon ay tiklop at walang sinabi. Busangot pa rin ang mukha nito. "Inaaway nyo talaga ako, huh."

Naiiling akong naglakad at naghanap ng masisimulang gawain. Saktong pagliko ng katawan ko ay bumungad sa akin si Gwapong Driver na kakapasok lang sa kusina. Tumayo ako ng tuwid at bumati sa kanya. "Good morning sir."

Simula sa araw na ito ay kailangan ko ng umakto na kami ay mag amo. Hindi iyong driver at pasahero. Bumati rin ang ibang katulong na nasa kusina at sa wakas tinikom na rin ang bibig ng dalawang matanda. Tinanguan lamang kami ni gwapong driver bago lumapit kay Manang Nina.

"Manang, What noise was that?"

Alam kong iyong maingay na tawa ang pinupunto nya. Tumikhim muna si Manang Nina bago tumingin sa akin at kay gwapong driver.

"Eh, sir East, natatawa lang po kase kami sa sagot ni Maggie sa tanong ni Sheena. Iyong bagong kasamahan namin ngayon ay tinanong kung ano daw ang mararamdaman nya habang suot ang unipormeng pang katulong pero iyong katawan ay pang modelo." kwento ni Manang Nina.

"Tapos ang sagot nitong Maggie, 'Dapat bang may ma feel ako habang suot to? Kung ordinaryong damit lang din naman 'to." dagdag pa ni Manang Nina at sinunod pa talaga ang boses ko sa pagsabi ng mga katagang iyon.

"Sir, East, para kaseng pinupunto ni Maggie na walang dapat ikaramdam dahil hindi naman ginto iyong suot nya para nakaramdam sya ng kaunting saya sa sarili."

Gusto ko na lang talagang kainin ng tiles ngayon sa pagkukwento ni Manang Nina. Ganon ba ka laugh trip ang sinabi ko? Sinabi ko lang naman ang totoo. Wala rin namang kasamang sarcastic iyon dahil naging honest naman ako. Sinagot ko lamang ang tinanong ni Sheena sa akin.

Habang nagkukwento si Manang Nina ay bumalik iyong tawa ng ibang katulong. Pati iyong seryusong naglilinis ay napatawa na rin. Pati si gwapong driver medyo napatawa na rin. Bumaling si gwapong driver sa akin na may ngiti sa labi bago pinasadahan ng tingin ang katawan ko.

"The uniform really suits you, Maggie."

"Oh, diba. Maggie, si sir na ang nagsabing bagay sayo, bagay sayong maging Modelo." biglang interrupt ni Ate Elma at dinagdagan pa ito.

Nagtatakang tumingin si gwapong driver sa matanda. "No, that's not what I mean." deny nito.

"Sus! Si sir naman oh, naging indirect pa. Talagang bagay naman sakanya maging Modelo," tinig nanga-asar na sabi ni ate elma bago bumulong. "Bagay din kayo sir."

Dahil sa salitang iyon ay naghihiyawan ang nakarinig sa sinabi ni ate elma. Bulong pa ba iyon? Dinig ng lahat, eh. Tumingin sila sa akin habang kinikilig at may isang katulong na hindi ko pa nakikilala pero bigla nya akong tinulak kay gwapong driver.

Namumula ang mukha akong humarap sa lalaki dahil sa hiya. Sino bang letseng nagtulak sa akin? Dahil nga tinulak ako ay napalapit ako kay gwapong driver lalo na ang mukha namin. Magkaharap ang mga mukha namin ngayon.

Mataas sya habang iyong height ko ay tama lamang kaya nakahanggad ang ulo ko sakanya habang nakababa rin naman ang ulo nya. Dahil sa position ay para kaming mag couple na nagtitigan at nagdadalawang isip kung sino ang umunang humalik.

Wala sa oras na ako ang umatras at tinulak si gwapong driver dahil sa naisip. Humalik? Hindi pwede iyon. Hindi maaring maghahalikan kami.

"Ayy hindi bet ni Ganda si Pogi."

Nahihiyang tumayo lamang ako malayo sa tinatayuan ni gwapong driver habang nakayuko ang mga ulo.

"Fermatevi, ragazzi. Metti a disagio il mio bambina. Go back to your work. It's already 6 am." (Stop, guys. You make my baby uncomfortable.)

Kahit na may ibang na curious dahil gumamit na naman sya ng ibang lengguwahe na hindi namin alam ay sa huli sumunod lamang sila sa utos ng amo namin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status