Share

CHAPTER 4

Chapter Four

Feeling ko nakita ko na 'to o nararamdaman pero hindi ko maalala. Baka iyong ganyang eksena ay nakita ko lamang sa television sa palengke kaya familiar sa akin.

"A forgettable memory is an unforgettable experience. They are so perfect right?"

Bigla akong napalingon sa lalaking nakatayo sa gilid ko. Nakaharang ng malaking sombrero ang mukha nito kaya hindi ko ito makita ng masinsinan.

"A perfect scene is a tearful page."

Kasabay nang pagsabi ng mga katagang iyon ay ang pag angat ng kanyang ulo sa akin. Ngayon ay malinaw kong nakikita ang mukha nya, iyong kulay ng mata nya, kurba ng panga, ang matangos nitong ilong at ang panghuli ay ang maninipis nitong labi na alam kong nakaka addict pag ito ay maramdaman.

"Gwapong driver..." aniya ko ng makilala ko na ito.

"Finally to see you here in my home, Gia."

Halos hindi ko masagap ang tamang salita sa bibig ko dahil sa nakita. My home? Ibig sabihin...

"Oh, nagkita na pala kayo ng amo mo Maggie." nakangiting sabi ni Reagan sa akin.

"Ikaw?" hindi makapaniwalang tinuro ko sya.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Amo kita?" Bulong ko sa mahinang titig.

Nanlaki ang mata ni gwapong driver na umiwas ng tingin sa akin at umatras. Dahil sa ginawa ni gwapong driver ay bigla akong nakaramdam ng hiya. Ba't ko ginawa iyon? Ba't ko inilapit ang mukha ko sa amo ko?

Nangungusap ang tinging tumingin ako sa amo ko. "Huwag nyo po akong paalisin dahil sa ginawa ko."

Rinig kong tumawa si Reagan sa gilid ko pero wala akong paki sa kanya dahil fucos lamang ang attention ko kay gwapong driver. Seryuso akong nanghihingi ng kapatawaran dito dahil sa ginawa kong paglapit ng mukha ko sa kanya. Para ko naman kase syang akmang hahalikan kanina dahil sa position namin.

Napapakamot sa ulo si gwapong driver at ngumiti Ng mapilit. "I don't do fire without a valid reason so you already forgiven... Bambina." (Baby)

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig pero hindi ko naintindihan ang huling salitang sinambit nya dahil sinabi nya ito sa ibang lengguwahe. Biglang sumipol si Reagan sa gilid at malisyoso ang tinging binigay nito sa amin. Huh? May mali ba? May sinabi bang mali si gwapong driver?

Nag tsk lamang si gwapong driver bago naglakad paalis. Iyon lang? Ganon nalang ang interaction namin? Para namang first meet namin 'to kung umakto si gwapong driver. Iyon lang ba? Walang kumusta pasahero? Akala mo naman may kulang akong bayad sa kanya.

"What kind of face is that?"

Pinagtatawanan ni Reagan ang mukha ko ngayon pag alis ni gwapong driver. "Iyon ba ang amo ko?" turo ko sa papalayong bulto ni gwapong driver.

"Why? Hindi mo tanggap?"

Umiling ako, "Alam mo ba? Driver ng tricycle iyan eh. Naging pasahero pa nga nya ako.” sumbong ko nito at bad mood tumingin kay Reagan.

"Ang cold at iksi ng sasabihin akala mo naman may utang akong pleti sa kanya." dagdag ko. Halos mamamatay na sa kakatawa si Reagan sa sinabi ko pero heto pa rin ako medyo bagot na bagot.

"Maggie, he's not cold for you to know, maybe he's tired driving over that damn tricycle for a few hours."

Nagiba ang expression ko sa narinig. Pagod sya sa kaka drive? "Bakit nya nga ba iyon ginawa? Mayaman sya diba? Bakit kailangan nya pang mamasahero gamit ang tricycle?" tanong ko, talagang kinain ako ng kuryosidad dahil don. Akalain mo iyon ang ordinaryong driver ay napaka yaman pala.

"Well, that was his boredom releasing. He drives a tricycle when he's bored, yeah."

Ang unique naman. Namamasahero dahil bored? Samantala iyong iba namamasahero dahil sa pera tapos sa kanya. Boredom releasing? Mga mayayaman nga naman, mahilig mag explore ng bagay-bagay.

"I tell you this Maggie. He do a lot of things than being a tricycle driver."

Kumunot ang noo ko. "Boredom releasing din ba ang dahilan?"

He shake his head. "Nope, he do that cause of her." Pinagtitigan nya ang mga mata ko. "Just to observe, watched and love her from a far but..." Pinitik nya ang kanyang mga daliri. "Now, I know he won't love her from afar anymore because he will love her from everywhere. He will love her wholeheartedly, than his parents."

Punong excitement na kwento nya sa akin. Ang unfair naman ni gwapong driver kung ganon. Mas mahal nya talaga ang 'her' na iyon keysa sa pamilya nya? Sinong unggoy ang gagawa non?

"Let's go. Your workmates are waiting for you."

Namulsang naglalakad si Reagan dala dala ang bag ko. Mabilis akong naglakad at sumabay sa kanya at gustong kunin ang bag ko mula sa kamay nya. Nakakahiyang sya pa ang magdadala non.

"Ako na Reagan."

Inilayo nya sa akin ang bag ko bago tumingin sa akin. "No, let me."

"Pero..." Gusto ko pa sanang umayaw sa gusto nya pero inunahan na nya ako.

"No buts, Maggie. I'm a man, ako ang dapat magdala nito." pinalidad n'yang sabi sa akin.

Wala na akong nagawa pa dahil sa kagustuhan nya kaya tahimik ko lamang syang sinundan kung saan nya ako dadalhin. Pagkatapos ng ilang minuto ay namamalayan ko nalang na sa kusina nya ako dinadala.

Pati ang kusina nila ay ang gara at gandang tingnan. Ang daming gamit at sigurado akong kompleto ang gamit kusina nila dito.

"Hello, Manang Nina," bati ni Reagan sa matandang babae na nakatalikod at busy sa pagluluto. Lumingon ito sa amin bago tinawag ang isang katulong upang ipagpatuloy ang pagluto.

May ngiting nakaguhit sa labi ng ginang nang humarap ito sa amin. "Oh Reagan, sya na ba?" Turo nito sa akin. Simpleng tumango si Reagan sa ginang bago umalis sa gilid ko at kumuha ng dalawang Chuckie sa ref.

"Kay gandang dalaga." Pinasadahan ng ginang ang mukha ko hanggang sa paa. Grabing inspection walang exempted.

"Bagay sa 'yo iyong pangalan mo." turan ng ginang. Muling bumalik sa Reagan sa gilid ko at binigay sa akin ang isang Chuckie.

"Salamat."

"That's what I told her Manang, her name is really suits her. Simple yet super attractive, her charisma is so damn strong. Isang tingin nya lang ay kuha na ang buong attention mo." exaggerated ni Reagan na nagpapasimangot ng kaloob looban ko. May gana pa talaga syang magsinungaling sa ginang.

"Tama ka ijo, aba't nakakapagtaka at hindi modelo ang ina-applyan nya. Paniguradong maraming kukuha sa kanya diba."

Naguusap ang dalawa na para bang wala sa gilid nila ang taong pinagusapan nila. Ang lakas rin magpaparinig. Maliit na ngiti at tawa lamang ang naisagot ko sa mga pinagsasabi nila habang ako ay patuloy sa paginom ng Chuckie at tumingin sa paligid upang hindi maligaw sa daan.

"For sure you already know the reason why she's here Manang." Hindi ko maiwasang makinig sa sinabi ni Reagan habang nasa paligid ang mga mata ko. Para kaseng kinuha ng attention ko ang binigkas nya base sa tuno nang pagsabi nya. Iba eh, ramdam ko iyong kakaiba na para bang may tinatago.

"Oo naman, sino ba naman ang makakalimot sa kanya diba?" Sa munting pagtawa dinadaan ni Manang Nina ang sinabi pero ramdam ko ang kakaibang hatid doon. Hindi ko alam bakit nararamdaman ko ito, Hindi ko mawari anong dahilan at nasabi kong may tinatago sila at para bang ako ang pinagusapan nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status