Share

CHAPTER 6

Chapter six

Tumahimik ang kusina at lahat ay busy na sa ginawa habang ako ay nandito pa rin, nakatayo at nakayuko. Habang nakatitig sa sahig ay biglang may itim na sapatos ang huminto sa harapan ko.

"Forget about that, they just love to tease."

Tumango ako sa sinabi ni gwapong driver. Alam ko namang hindi seryuso iyon at nanga-asar lang pero nahihiya pa rin ako. Nahihiya ako sa sarili ko dahil kita ko kung paano nag react ang katawan ko sa sinabi nila. Lalo na ang mukha ko. Literal na namumula. Hindi ko alam kung hiya ba ang rason bakit namumula ang mukha ko o dahil sa... Kilig?

"Look at me."

Wala sa oras akong napatingin sa taong nasa harapan ko. Grabi iyong tinig nya. Ang lamig. Pinagtitigan nya ang mga mata ko bago nilagay ang isang kamay sa ulo at nag tap doon. "May you don't feel embarrass anymore as that scenario will repeat. Ayokong lumayo ka dahil inaasar nila tayo, ayokong parang kinakahiya mo ang gwapong ako." bulong nya na nagpapalaglag ng panga ko sa narinig.

Ano daw!?

Nanlaki ang matang itinaas ko ang dalawang kamay sa harap nya. "Sir..."

Bumuntong hininga ako nang malakas at tumingin sa kanya. "Chill lang sir, baka mapalid tayo sa kahanginan mo," biro ko.

Tumawa sya saka napakamot sa ulo. "Do you feel okay now?"

Mahina akong tumango at nag stumb up sa kanya. Feeling close lang para hindi halata na kabado sa harapan nya.

"So... ahm..."

Ngumiti sya ng mapilit sakin at hindi mapakaling tumitingin sa paligid. Nag ta-trabaho na ang lahat ng katulong pero patuloy pa rin lumilingon ang ulo nya na para bang natatakot na may nakarinig sa sasabihin nya. Kaya ako na ang nag adjust at gaya kanina ay inilapit ko ang ulo ko sa tenga nya kahit nahihirapan ako dahil nga't matangkad sya keysa sa akin.

"Ibulong mo na lang, Sir. May trabaho pa ako."

Bigla itong napaigtad sa naging kilos ko pero magkaraan ang ilang segundo ay tumango ito at hinawakan ang magkabilang braso ko bago ako mas inilapit sa kanya.

Nanlaki ang mata ko sa ginagawa ni gwapong driver lalo't maraming katulong ang nasa paligid namin at hindi impossibleng may makakita sa position namin ngayon. Ano ba ito! Take two ba ito sa nangyari kahapon?

"Would you mind to have a breakfast with me?"

"P-Po?"

Dahil sa naging sagot ko ay halos niyakap na nya ang katawan ko gamit ang kanyang mga braso bago bumulong ulit. Pero sa pagkakataong ito ay ramdam ko na ang labi nya'ng lumapat sa tainga ko at naging basa ito bago sya nagsalita.

"Would you mind to have a breakfast with... me, baby?" aniya sa sekswal na paraan na para bang inaakit nya ako sa pamamagitan ng kanyang tuno at marahang paghalik sa tainga ko.

Dahil sa ginawa nya ay biglang nangangatug ang mga tuhod ko. Parang kanyang kinuha ang aking lakas sa tuno ng kanyang pagkasabi. "S-Sir..."

Alam kong nararamdaman nya ang tension sa sistema ko kaya ang yakap nya ay naging agak na ngayon. Binuhat nya ang katawan ko pero nakalapat pa rin ang mga paa ko sa sahig upang hindi halata sa mga katulong ang position namin.

Sumipol muna sya bago ngumisi. "Chillax, baby, I'm just started and yet, it feels like you closely give up." bulong nya bago ko naramdaman ang paghalik nya sa noo ko. Bumulong muna ulit sya bago ako iniwan.

"I wait for you in the garden."

Muntik na akong matumba nong hindi na nya ako buhat pa. Buti nalang at may nakakapitan ako. Hingal akong kumapit sa lamesa at walang lakas na tumitig sa sahig. Ano iyon? Anong nangyari? Ba't ganon na lamang ang reaction ko sa sinabi nya? Wala sa oras na hinawakan ko ang aking tainga pilit inukit sa isip ko ang ginawa nya kanina lamang. Hinalikan nya ang tainga ko at parang sinipsip na naging dahilan ba't naramdaman kong bumasa ito.

"Oh, Maggie, okay ka lang?"

Lumapit si Manang elma sa akin at dinaluhan ako. "Anong nangyari at nagkaganyan ka?"

Inakit lang naman po ako ng amo natin Manang.

Gusto ko sanang sabihin iyon sa kanya pero hindi ko itinuloy. Ayukong iba ang iisipin nila sa akin at baka sabihan nila ako na malandi at delusyonal. Ayaw ko non. Ayaw ko ng gulo.

"Sakit lang po ng tiyan ko Manang. Diarrhea ata kaya nangangatug ang tuhod ko."

"Ha? Diarrhea? Halika't kumapit ka sa 'kin."

Tinulungan ako ni Manang at agak-agak nya akong lumapit sa dulo ng lamesa na mayroong bangko. Tinulungan nya rin akong maka upo bago umalis at may kinuha. Biglang napalingon si Sheena sa direksyon ko at kunot ang noong lumapit sya.

"Dai, Anong nangyari sa 'yo? Lakas ba ng amats ni sir kaya ka nagkaganyan?"

Nangigigil kong kinagat ang labi ko dahil sa hiya. Totoo naman kase ang sinabi nya. Ganon siguro ka lakas ang tama nang paglalandi ni sir sa 'kin kanina kaya bigla akong nawalan ng lakas. Ini-isang higop lang ata ni gwapong driver ang lakas ko.

"Walang kinalaman si sir sa diarrhea ko ngayon." Deny ko at umaktong masakit ang tiyan.

"Eh, ba't ayaw mong magbanyo? Sus ko, dai! Baka umutot ka ha."

Namumula ang mukha ko dahil sa sinasabi ni Sheena. Kahit isang araw ko pa ito nakikilala mapapasabi talaga ako na baka kapatid to ni mayang dahil sa bibig. Ang ingay at walang ka katakip ang bibig.

Kahit gusto kong sagutin ang tanong nya ay sinasarili ko lamang ito. Di naman kailangang linisin ko pa ang pangalan ko sa sinabi ni Sheena dahil may point naman sya at wala na dapat akong ika deny sa sinabi nya dahil totoo iyon. Di naman obvious na nagpapanggap lang ako diba? Ginamit ko naman ang acting skills ko noong grade 4.

"Ito oh, Maggie. Inumin mo ito tapos mag Cr ka kung kinakailangan." Lumapit si Manang elma sa akin at binigay sa akin ang isang tabletas na gamot. "Ito haplas para sa tiyan mo." dagdag nya.

Akala ko haplas para sa kalandian ni gwapong driver.

Tumango ako at sinunod ang sinabi ni Manang. Ininom ko muna ang gamot upang mawala ang sakit sa tiyan at naghaplas na rin bago ako tumayo at umaktong mag c-cr muna.

Pagkarating ko sa cr ay wala akong ginawa sa loob kung hindi ay kinalma lamang ang sistema habang paulit ulit nag replay sa isip ko ang paghalik nya sa noo ko at sa tainga ko. Samahan mo na rin ang nangaakit n'yang tuno habang binabanggit nya ang mga katagang iyon. Tang*na! Hindi ko akalaing gagawin iyon ni gwapong driver sa akin. Hindi ko akalaing hahawakan nya ako ng ganon. Anong nangyari at ginawa nya iyon sa akin! Simpleng pasahero nya lamang ako na naging maid tapos gagawin nya iyon sa akin? Bumuntong hininga ako at hindi makapaniwalang nangyari ang ganong scenario sa akin.

Akala ko sa tv ko lang makikita iyong pang aakit. Mararamdaman ko rin pala iyon sa totoong buhay. Napaigtad ako nong may kumatok sa pinto ng banyo. "Maggie tapos ka na? Napatanong ni sir okay ka lang ba daw. Kung gusto mo ay kumain ka na rin at para magkalakas ka."

"Malapit na po ako Manang. Sige po at susunod po ako." sigaw ko pabalik bago naghugas ng kamay at kumuha ng tissue.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status