Share

CHAPTER 1

Author: Neng
last update Last Updated: 2022-10-14 17:23:32

NAGISING ako dahil sa mahinang katok na nagmumula sa bintana ng sasakyan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at naniningkit na tumingin sa taong nasa labas.

Agad akong humawak sa bintana ng kotse ko at sinilip ang lalaking kanina pa siguro nandoon, halata sa mukha nito ang pagkairita ngunit nagbago naman agad ang ekspresyon no’n nang makita ako.

Ipinatong niya yung palad niya sa fingertips ng kabila niyang kamay at nag-sign ng “T” sabay turo sa kotseng nasa gilid ko. I quickly lowered the car window and thanked the person who woke me up.

“Salamat, kuya. Pasensya na rin po sa abala.” kinagat ko ang kuko ko at saglit na na-blangko ang utak ko. Hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi ko alam kung bakit sa kotse ko ako nagpalipas ng magdamag. Ang mas nakapagtataka pa ay hindi manlang ako nagmalay na wala sa tabi ko si Marco.

Malamang, hindi kasi ‘yon papayag na sa kotse kami matulog. Sasabihin na naman no’n sa’kin na sawa na siyang matulog nang nakaupo. Gano’n kasi ang gawain niya sa talyer. Dala ng pagod ay nakakatulog nalang siya habang nakaupo.

“Okay lang po ‘yon, ma'am. Paki-alis nalang po ng sasakyan niyo dahil magpa-park na po ‘yong boss namin.” aniya. Tumango lang ako at pinaandar na ang kotse. Sinilip ko pa ang side mirror ko at do’n ko nakita ang isang binata na hindi naman katangkaran, nakakunot din ang noo nito habang bumababa ng sasakyan.

Habang nagmamaneho ay iniisip ko kung ano ang nangyari kagabi, wala akong maalala at hindi ko alam kung bakit naisipan kong hindi umuwi.

My head hurts too and I feel so dizzy. I can’t explain why I’m feeling this way. Pakiramdam ko mas dinoble ang pagkakasingkit ng maliit at mala pusa kong mata. Para akong nag-ipon ng kalahating kilo ng muta dahil sa pakiramdam kong ‘to.

Umiling-iling ako at hinagilap ang bag sa passenger seat, kinuha ko na rin ang phone ko habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa manibela at patuloy na nagda-drive. Habang ginagawa ‘yon ay hindi ko maiwasang hindi kabahan, malamang sa malamang ay bubungadan na naman ako ni Marco ng mukhang galit na galit. Kahit wala naman akong ginagawa ay palagi nalang siyang galit sa’kin.

Para bang lason sa kaniya ang makita ako sa harap nito, kung hindi ko nga lang siya mahal ay baka napompyang ko na ang ulo niya. Napasinghap nalang ako nang hangin habang tinitingnan ang screen ng cellphone ko.

Wala siyang messages at calls sa akin, malamang ay galit nga ito. ‘Shit, baby. Don't be mad at me. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari.’ bulong ko sa sarili ko, agad kong hinanap ang numero ng boyfriend ko at tinawagan ‘yon.

Mabilis naman niya itong sinagot at muntik pa akong mapasubsob sa manibela ko dahil sa sigaw niya.

“Ano na naman!” malakas na sigaw niya sa kabilang linya, nangunot ang noo ko at hindi agad ako nakasagot. Maya-maya pa ay may narinig akong babae sa kabilang linya.

Tinawag niyang ‘baby’ ang boyfriend ko, kailan pa naging baby ang pangalan ni Marco? Nako talaga! Mayayari sa’kin pag-uwi ang isang ‘to. Talagang parehas pa kami ng callsign, ha. Hindi manlang nag-iba. Pwede naman nilang gamitin ‘yong cs na ‘pangit’ at ‘bahuin’ bakit ‘yong callsign pa namin?

“Bakit hindi mo ako sinundo? Hindi mo manlang ako tinawagan, nandito ako pauwi palang.” ani ko, narinig ko naman ang pigil na pagtawa niya at no’ng katabi niyang babae. Iniisip ko na talagang other woman ito ni Marco, bukod kasi sa tinawag siya nitong baby ay naririnig ko pa ang mahihinang tunog na nalilikha ng isang halik, marahil ay pinapaliguan na niya ng halik ang boyfriend ko.

Jusmiyo, kaonti nalang at mauubusan na ako ng pasensya. Mas diniinan ko pa ang pagkasalampak ng cellphone ko sa tenga nang magsalita ulit si Marco.

“Napag-usapan na natin ‘to kagabi, Hani. Break na tayo diba?” pabulong na sabi niya, kumunot ang noo ko at medyo nagulat pa, I didn't expect him to say that. “Ayoko na...” huminahon ang boses niya at pabulong ‘yong sinabi sa’kin na mas lalong ikinakunot naman ng noo ko. Grabe! Wala pa akong maraming sinasabi ‘yon agad ang bungad niya.

“Anong break, baby? Wala akong maalala, ano ba? Pinapakaba mo ako---” maluha-luhang sabi ko, hindi ko naman nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang niya itong pinutol sa pamamagitan ng isa pang sigaw.

“Damn, wag mo na kaming guluhin ni Tricia! Please lang, Hani. Magkakaanak na kami, maayos natin ‘tong napag-usapan kagabi.” Aniya at agad na enend ang call. Napabuntong hininga ako at umalingasaw ang amoy ng alak galing sa bibig ko. Medyo nagulat pa ako dahil hindi ko naman ugali ang mag-inom, nag-iinom lang ako kapag may malaki akong problema at hindi ‘yon araw-araw.

Nabitawan ko ang cellphone ko when I remembered what happened last night. Hindi ako makapaniwala na totoo ‘yon, pakiramdam ko kagabi ay panaginip lang ang lahat. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang sarili sa salamin, magang-maga ang mata ko dahil sa kakaiyak. Lasing na lasing din siguro ako kagabi kung kaya’t di ko matandaan ang mga nangyari.

My lips trembled and my eyes warmed. I rubbed it with my hand, my hand just got wet every time I touched my eye. Ini-park ko saglit sa gilid ng kalsada yung kotse at binuksan ang car window sa tabi ko, lumanghap ako ng sariwang hangin.

I took a deep breath and shook my head. Patuloy sa pag-init ang mata ko at napayuko nalang ako sa manibela habang umiiyak. Lahat ng actions ni Marco habang kami ay pumasok sa isip ko, minsan lang siyang maging sweet sa’kin at hindi ko ‘yon initatanggi.

Minsan niya lang din akong halikan sa labi at sa loob ng apat na taon na pagsasama namin, hindi niya pa ako sinasamahan sa isang higaan or let say na wala pang nangyayari sa aming dalawa. Hindi ko naman pinagtatakahan ‘yon dahil hindi pa naman kami kasal at hindi rin payag ang parents ko sa ganoong klase ng relationship.

Hindi din naman kasi maganda na buntis ako bago niya pakasalan, tapos mababalitaan ko nalang na nabuntis na ‘yong Tricia na ‘yon? Nakakapanghina lang.

Sinuntok ko ang manibela dahilan ng pagbusina ng sasakyan, agad akong napaangat ng tingin sa taong nasa harapan ko. Nakaawang ang labi niya at parang nagulat pa siya sa ginawa ko. Mabilis akong umiwas ng tingin at itinaas ang middle finger ko sa ere sa sobrang inis at galit.

Naka business formal attire siya at nagbago ang reaksyon niya sa ginawa ko, naging seryoso ang mukha niya at mabilis siyang pumunta sa tabi ko, ipinasok niya ang ulo niya sa bintana at pinitik nang sobrang lakas ang noo ko.

Napahawak pa nga ako ro’n, sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko ay halos itulak ko na siya palabas ng bintana.

Gustuhin ko mang gawin ‘yon ay hindi ko magawa dahil kakaiba ang mga tingin niya, pakiramdam ko ay tinatambol ang dibdib ko dahil sa kung anong itsura ang mayroon siya na nakikita ko ngayon.

Maya-maya pa ay muli na naman niyang pinitik ang noo ko dahilan para mas mapaatras pa ako lalo, mangiyak-ngiyak na akong tumingin sa kaniya. Masakit at masikip ang dibdib ko kung kaya’t wala akong lakas ng loob para kalabanin siya.

“I'll make sure we’ll meet again, when that happens, I'll bite your finger until you cry.” aniya nang makaalis sa pwesto, tinitigan ko nalang siya nang matagal bago niya naisipan na pumunta sa likuran ng sasakyan.

Hinampas-hampas niya pa ang palad niya sa likuran ng kotse ko at itinuro ang daanan. “Take care!” napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niyang kakagatin niya raw ang daliri ko. Si Yuji Itadori ba siya para kagatin ang daliri ko?

Ewan! Dali-dali kong pinaandar ang kotse ko at umuwi nalang ng bahay dahil sa takot na baka magkita kami ulit. Pero bigla ko nalang naalala na pamilyar pala sa akin ang lalaking ‘yon. Parang nagkita na kami kanina or let's say na nahagip lang siya ng mata ko kung saan. Napailing nalang ako at nag-drive nalang nang tahimik.

Habang nasa byahe, gano’n pa rin ang set-up. Tahimik lang ako habang umiiyak, sanay na kasi akong umiyak nang walang tunog, hinahayaan ko lang na tumulo ang luha sa pisngi ko hanggang sa makauwi ako ng bahay.

Nang makapasok ako sa bahay ay bumungad saakin ang wall clock sa gilid ng hagdanan. May mahigit isa’t kalahating oras nalang ako para maghanda sa pagpasok. Inihagis ko ang shoulder bag ko sa sofa at dahan-dahan umakyat sa hagdan.

Walang gana kong binuksan ang pinto at tinungo ang bed ko, malakas kong inihampas ang sarili ko sa kama at pumikit. Naiisip kaya ni Marco ang nararamdaman ko? Naiisip kaya niya kung ga’no kasakit yung ginawa niya sakin, marahil iniisip niya na okay lang saakin ‘yong ginawa niya dahil strong akong babae.

Sino ba namang tao ang hindi iiyak sa ginawa niya, four years kaming magkasama pero sa loob ng apat na taon na yun, niloloko niya na pala ako. Worst, nabuntis niya pa. Nakakaiyak diba. Nag-aalburuto ang puso ko.

Malinaw niya raw na naipaliwanag ang lahat saakin kagabi, pero hindi ko alam kung kailan, kung pano nagsimulang lokohin niya ako nang grabe. Gusto ko siyang puntahan para kausapin.

I got up and took the picture of us on my bedside table, I stared at it intently and I smiled bitterly. Normal na litrato lang ito, walang sweetness pero noong unang kuha nito kilig na kilig ako kasi pakiramdam ko, ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo.

Niyakap ko yung picture na nasa frame at humagulhol ako na parang baliw. Grabe ka, Marco.

Related chapters

  • Unexpected Wedding   CHAPTER 2

    "Late ka na, hindi porket kitchen manager ka na may karapatan ka ng gawin lahat ng gusto mo," bungad saakin ni Hera, 'yong bagong bar manager ng K&G. I turned to her and saw her raise an eyebrow at me. "Wala kang karapatang sumbatan ako, wala pang two mins akong late, Hera. if you have a problem with me sabihin mo." ani ko, ngumisi lang siya at tinalikuran ako. " Isa pa, you are not in my control, do not interfere with us. Pakialaman mo 'yong sa 'yo, iisa lang ang goal natin dito, ang isakatuparan ang pangarap ni Lucy." dagdag ko pa, nginitian ko lang siya at tumungo na ako sa kitchen para i-assist yung mga kasama ko. "Good morning, ma'am. Okay ka lang po?" napangiti ako nang batiin ako ni Andrei, isa sa mga staff sa K&G. Inabot niya saakin yung list ng mga bagong deliver na ingredients para sa ngayong araw at tinanggap ko naman 'yon."Goodmorning din, Drei." tinapik ko siya sa balikat at nagsimula na akong maglibot sa loob ng kitchen. Tahimik lang sila habang gumagawa, you can real

    Last Updated : 2022-10-14
  • Unexpected Wedding   CHAPTER 3

    “Mom, I'm okay. You don't have to worry about me. I'm big now and I can handle myself, you taught me how to be brave and be responsible kaya.” ani ko.Bago matapos ang break ay tumawag saakin si Mommy Ella, sinabi na raw ni Marco sa kanila na wala na kami, tinawagan nila ako dahil nag-aalala sila saakin. Ang hindi ko lang alam ay kung sinabi ba ni Marco ang reason ng paghihiwalay naming dalawa. Kapag nalaman ‘yon ni Dad he would be too angry with Marco for sure.“Are you sure, Hani? I know I raised you right, but I also know na you are not numb para hindi makaramdam ng sakit, nag-aalala kami ng Papa mo.” aniya sa kabilang linya, napabuntong hininga nalang ako at napapikit. Sumandal ako sa glass window na kasalukuyang nakasara dahil sa masakit na tanawin sa labas. Ang ibig kong sabihin ay masakit sa matang tingnan ang lalaking ‘yon. Hindi ako makapag-focus kapag nakikita ko ang itsura niya, para akong natatae na hindi ko mapaliwanag, in short takot ako sa kaniya. Lahat naman siguro na

    Last Updated : 2022-10-14
  • Unexpected Wedding   CHAPTER 4

    “I will give you everything you want, Hani as long as you just give me my favor. Nagmamakaawa ako please...” napaluhod ako sa lupa nang bitawan niya ako. Hindi mapigil sa pagtulo ang luha ko dahil sa ginawa ni Marco. Umangat ako ng tingin at galit siyang tiningnan. “S-sa g-ginawa m-mong to, M-marco? H-hinding-hindi mo makukuha ang simpatya ko!” hinihingal ko siyang binulyawan, his reaction changed again and he quickly dragged me into his car. “Ibaba mo ako!” walang lakas akong nagpumiglas sa pagkakahawak niya sa wrist ko, sinisipa ko siya palayo upang hindi niya maisara ‘yong pintuan ng sasakyan. Napahiga ako sa upuan ng suntukin niya ang sikmura ko. Napabuga ako nang malakas sa sobrang sakit. Sumigaw at umiyak ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. “Patayin mo nalang ako!” bulyaw ko sa kaniya. Natigilan siya saglit at pinagmasdan ako. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko at umiyak, hindi ko mahagilap sa taong kaharap ko ngayon ‘yong Marco na minahal ko noon. I'm in so mu

    Last Updated : 2022-10-14
  • Unexpected Wedding   SIMULA

    “Since, hindi ako makakapasok bukas at sa susunod pang linggo, ipapaubaya ko nalang sa restaurant manager ang lahat.” sabay-sabay kaming nagsitungo sa sinabi ng General Manager ng K&G. Si Lucy Nikolaj Salvatore ang General Manager ng Kitchen&Grill, kaibigan ko siya simula pagkabata hanggang ngayong twenty-one years old na kami at parehong nagtatrabaho sa K&G. Nagkaroon ng meeting after ng promotion. Tatlo ang umangat ng pwesto at nagkaroon ng title na restaurant manager, kitchen manager at bar manager, meron din namang mga inalis dahil hindi maganda ang ipinakitang trabaho nitong mga nakaraang buwan. Dahil nga sa isa sa mga sikat na restaurant ang K&G kailangan na maging presentable kaming lahat. Ang goal namin ay mas makilala pa ang K&G restaurant sa buong lalawigan ng Les Cervantes.Pagkatapos ng mahabang trabaho, makakauwi na rin ako sa wakas. 10-12 ang pasok ko, unlike before na 10-10 lang. “I'll go first, Lucy. Let's meet again on next-next monday, I'll miss you!” Hinalikan k

    Last Updated : 2022-10-14

Latest chapter

  • Unexpected Wedding   CHAPTER 1

    NAGISING ako dahil sa mahinang katok na nagmumula sa bintana ng sasakyan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at naniningkit na tumingin sa taong nasa labas.Agad akong humawak sa bintana ng kotse ko at sinilip ang lalaking kanina pa siguro nandoon, halata sa mukha nito ang pagkairita ngunit nagbago naman agad ang ekspresyon no’n nang makita ako. Ipinatong niya yung palad niya sa fingertips ng kabila niyang kamay at nag-sign ng “T” sabay turo sa kotseng nasa gilid ko. I quickly lowered the car window and thanked the person who woke me up.“Salamat, kuya. Pasensya na rin po sa abala.” kinagat ko ang kuko ko at saglit na na-blangko ang utak ko. Hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi ko alam kung bakit sa kotse ko ako nagpalipas ng magdamag. Ang mas nakapagtataka pa ay hindi manlang ako nagmalay na wala sa tabi ko si Marco. Malamang, hindi kasi ‘yon papayag na sa kotse kami matulog. Sasabihin na naman no’n sa’kin na sawa na siyang matulog nang nakaupo. Gano’n kasi ang gawain n

  • Unexpected Wedding   SIMULA

    “Since, hindi ako makakapasok bukas at sa susunod pang linggo, ipapaubaya ko nalang sa restaurant manager ang lahat.” sabay-sabay kaming nagsitungo sa sinabi ng General Manager ng K&G. Si Lucy Nikolaj Salvatore ang General Manager ng Kitchen&Grill, kaibigan ko siya simula pagkabata hanggang ngayong twenty-one years old na kami at parehong nagtatrabaho sa K&G. Nagkaroon ng meeting after ng promotion. Tatlo ang umangat ng pwesto at nagkaroon ng title na restaurant manager, kitchen manager at bar manager, meron din namang mga inalis dahil hindi maganda ang ipinakitang trabaho nitong mga nakaraang buwan. Dahil nga sa isa sa mga sikat na restaurant ang K&G kailangan na maging presentable kaming lahat. Ang goal namin ay mas makilala pa ang K&G restaurant sa buong lalawigan ng Les Cervantes.Pagkatapos ng mahabang trabaho, makakauwi na rin ako sa wakas. 10-12 ang pasok ko, unlike before na 10-10 lang. “I'll go first, Lucy. Let's meet again on next-next monday, I'll miss you!” Hinalikan k

DMCA.com Protection Status