Mabilis akong lumabas ng bahay ng maisuot ko ang doll shoes kong luma na, tatakbo akong tumungo sa paradahan ng jeep upang makarating ng maaga sa trabaho ko ngayong araw. Napatingala ako ng mapansin ang makulimlim na langit, pero hindi ko na lang iyon pinansin. Nang makarating ako ay iilan lang ang nakapila na pasakay pa lamang sa jeep, mabuti na lamang dahil kadalasan palaging madaming pasahero ang nag aabang ng masasakyan lalo na ang jeep.
"Kuya last jeep na po ba ito?" tanong ko sa barker na nakasuot ng puting sando habang may good morning towel sa kanang bulsa ng kanyang suot na pantalon.
"Oo miss, kaya pumila ka na doon at baka mawalan ka pa ng mauupuan." sagot ng barker na patuloy pa rin sa pagtawag ng mga pasahero kahit padami na ng padami sa aking likuran ang nakapila.
Makalipas ang ilang Segundo ako na ang nasa bungad ng pinto ng jeep, aktong ihahakbang ko na ang aking kanang paa paakyat sa jeep ng biglang may tumulak sa akin dahilan para mapatid ako sa unang baiting paakyat ng jeep. Napakunot ang kilay ko sa mga sandaling iyon, sinubukan kong lingunin ang aking likuran upang tingnan kung sino ang tumulak sa akin, ngunit sa hindi inaasahan may isang lalaking biglang sumingit, tinabig niya ang aking balikat at mabilis na sumakay sa jeep.
Agad kong itinuon ang aking kanang kamay bago pa ako lumagpak sa semento ng kalsada, nilapitan ako ng barker at tinulungan na makatayo.
"Pasensya na miss, nagmamadali lang ako."
Napatunghay ako ng ulo ng marinig ang boses na iyon.
Isang pares ng turquoise na mga mata ang sumalubong sa aking paningin, napakaganda niyon tingnan dahil sa asul at berdeng kulay na naglalaban sa paningin ko, ibinaba ko ang tingin sa may katamtamang tangos ng kanyang ilong pababa sa makakapal at maitim niyang bigote hanggang sa kanyang panga, at ibinaba ko pa ang aking tingin sa kanyang maliit na may pagkapinkish na labi, ang hulma ng kanyang mukha ay sakto ang sukat ng isang model na madalas kong nakakasalamuha sa aking trabaho. Nakasuot siya ng kulay itim na polo shirt, maong ang kanyang suot pang ibaba habang itim na rubber shoes na mukhang hindi pa nilabhan, simple at may dating ang suot niya lalo na ang maliit na sling bag na nakasabit sa kanyang leeg.
"Sa mga hindi nakaabot sa mauupan pasensya na, pero may darating namang bus maya maya, doon na lang kao sumakay papuntang bayan," sambit ng barker sa mga natirang pasahero.
"May bus namang dadaan dito mamaya, doon ka na lang sumakay miss," sabi sa akin ng barker matapos akong tulungang makatayo.
"Pero n-nagmamadali p-po ako," pautal utal at mahina kong sambit ngunit hindi ako pinansin ng barker.
"Larga na!" sigaw niya, binuksan na ng driver ang engine ng jeep at agad na umalis.
Nakatingin lang ako sa jeep na palayo habang nakatayo dito sa tabi ng kalsada. Kapag nalate pa ako ngayong araw matatanggal na ako sa trabaho ko, napabuntong hininga ako at sinubukang pakalmahin ang sarili ko dahil sa nangyari kanina. Umupo ako sa isang bakanteng upuan kasama ng ibang naiwang pasahero.
"Miss dumudugo ang palad mo," agad kong tiningnan ang aking kanang palad ng marinig ang sinabi ng katabi ko, may bruise ang palad ko, namumula at dumudugo gaya ng sinabi niya.
"Here," napalingon ako sa katabi ko ng may iabot siya sa akin, isang panyo na puti iyon at may band aid pa na kasama.
"Salamat po, okay lang ako," iniikom at itinago ko ang palad ko, hindi ko din tinanggap ang iniaabot niya sa akin, pero nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at idinampi ang panyo na hawak niya. Napaaray pa ako ng idiin niya ang pagdampi sa palad ko, pagkatapos niyon ay binuksan na niya ang band aid at inilagay sa sugat ko.
"Thank you," nakatango ako sa mga sandaling nilalagyan niya ng band aid ang sugat ko.
"You're welcome, alam mo nakaencounter din ako ng ganyan before. May isa ring lalaki na sumingit sa pila at natulak ako, mabuti na lang napahawak agad ako sa handle ng sasakyan kaya hindi ako natumba."
"Nandiyan na ang bus! Pumila na kayo ng ayos."
Agad kaming napalingon sa barker na nasa tabi ng kalsada, maya maya pa ay dumating na nga ang bus na tinutukoy niya. Pumila na ako gayundin ang lalaking naglagay ng band aid sa palad ko, nang makasakay ay nakahinga na ako ng maluwag, ngunit may limang minuto na lang akong natitira upang hindi malate. Inilabas ko mula sa bulsa ng pants ko ang cellphone ko, agad kong dinial ang number ng katrabaho at kaibigan ko na si Shine, pero hindi ko siya macontact kaya nagsend na lang ako ng message sa kanya.
Makalipas ang limang minuto papasok pa lang ang bus na sinasakyan ko sa bayan, kaya hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Tumayo ako ng mapansin na tumigil ang bus, napatingin ako sa labas ng bus. Madaming sasakyan ang nasa gitna ng national road, at nakastop pa ang traffic light na nagsimula sa 90 seconds kaya kinuha ko na ang bag ko at bumaba ng bus, medyo malapit na din kasi dito ang kompanyang pinagtatrabahunan ko kaya mas mapapabilis ako kapag tatakbuhin ko na lang.
Bakit ba naman kung kailan maaga akong nagising para pumasok sa trabaho tsaka pa nagsunod sunod ang mga kamalasan ngayong umaga? Bulong ko sa sarili ko habang tumatakbo, mabuti na lang naisipan kong magsuot ng doll shoes ngayong araw, dahil kung nagheels ako dagdag kamalasan na naman at pahirap sa buhay. Takbo lang ako ng takbo, at makalipas ang ilang segundo narating ko din ang building ng kompanya kung saan ako nagtatrabaho.
"Good morning kuya," bati ko sa guard na nakabantay, nginitian niya lang ako at chineck ang bag ko.
Pagkatapos ay nagmadali akong tumungo sa information desk upang magsin in, pagkatapos ay tumakbo na ako patungo sa elevator, at ang mga kamalasan ko ngayong umaga ay nadagdagan na naman ng isa pa, under construction ang elevator kaya hagdan lang ang choice ko para makarating sa 7th floor ng office. Itinali ko muna ang buhok ko bago simulang akyatin ang hagdan ng walang hangganan, sunod sunod na kamalasan talaga ang nangyayari sa akin ngayong araw, at sana naman pagkarating ko huwag ng madagdagan ng isa pang kamalasan at ako'y quota na sa mga nangyayari ngayong araw.
.
.
.
"Ms. Madrigal you're fired!" isang malakas na sigaw ng aking superior na walang kasing sama ng ugali ng mga kontrabida sa mga napapanood kong teleserye gabi gabi.
Natigilan ako at tila naging istatwa sa harapan ng superior ko sa mga sandaling iyon, magkahalong pagkainis at pagkalungkot ang nararamdaman ko habang nakatayo pa rin sa harapan ng table ng superior ko dito sa loob ng opisina niya. Napansin ko na sumenyas siya, kaya umalis na din ako sa harapan niya at nilasan ang opisina niya.
Tama nga ang pakiramdam ko kanina na ngayong araw na ito mawawalan ako ng trabaho, at kung hindi dahil sa nangyari kanina sa paradahan hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kasalanan ng lalaking iyon kung bakit may sugat ako sa palad at kung bakit nawalan ako ng trabaho ngayon. Bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang aking mga gamit.
"Dia pasensya na, nasa shooting kasi ako kanina," lumapit sa akin si Shine sabay hawak sa aking kanang braso, pinigilan ko ang luhang nagbabadya na namumuo sa aking mga mata na kanina ko pa tinitiis sa loob ng opisina ng superior ko.
"Okay lang Shine, siguro nga hindi para sa akin ang office girl na pangarap natin noon."
"Teka anong nangyari sa palad mo?" iniangat niya ang kamay ko at tiningnan ang palad ko.
"Shine come to my office now!" sabay kaming napalingon ni Shine ng marinig ang boses ng superior naming masama ang mga tingin sa akin, agad namang umalis si Shine at sumunod sa office ng walang hiya naming superior. Nang mailagay ko na sa isang box ang lahat ng gamit ko ay agad na din akong umalis at tinahak pababa ang hagdang walang hangganan.
.
.
.
Nang makarating sa baba ng building, nagsign out na din ako sa information desk. Nginitian lang ako ng guard na binati ko kanina, pinilit kong iguhit sa aking mga labi ang ngiti ng dumaan ang sa main door ng building.
Paano pa ako makakabayad sa bill ni Mama sa hospital kung wala na akong trabaho? Sambit ko sa isip ko at saktong pumatak ang aking luha ng makalabas ako ng building, ang mga luhang pinipigilan ko kanina ay pinakawalan ko na ng tuluyan habang naglalakad. Wala ako sa sarili habang tinatahak ang daan sa gitna ng ingay at heavy traffic ng national road, maya maya pa ay may naramdaman akong maliit na patak ng ulan, tumingala ako at nasundan iyon ng mas malalaking patak, kay dali dali akong tumakbo upang sumilong, isang waiting shed ang nasilungan ko ng bumuhos ang malakas na ulan sa ganito kaaga.
Napabuntong hingina ako at nahinto sa pag iyak ng makaupo sa waiting shed, puro kamalasan na lang ang nangyayari sa akin at ayaw ko ng paabutin pa ang kamalasan ko hanggang mamayang gabi, kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko at nagtype sa aking notes.
Maaga akong gumising kanina upang maghanda sa aking pagpasok sa trabaho, nagmadali akong makarating sa paradahan ng jeep, ngunit sa hindi inaasahan isang pangyayari ang hindi ko nagustuhan na magbibigay ng sunod sunod na kamalasan sa akin ngayong araw. Nasugatan na nga ang palad ko ng dahil sa lalaking tumabig sa akin kanina, nalate pa ako at nawalan pa ng trabaho, tapos ngayon biglang bumuhos ang ulan sa hindi ko inaasahan.
Ano naman ang susunod? Mabubunggo ako? May manghohold up sa akin? Ginagawa ko lang naman ito para sa Mama ko, siya na lang ang meron ako ngayon at ayaw kong maging ang pangangailangan niya lalo na ngayon ay hindi ko maibigay.
Napabuntong hininga ako sa itinype ko sa notes ko, napatunghay ako ng ulo ng mapansin na mas lumakas ang ulan. Napatingin ako sa wrist watch ko, 7:45 na ng umaga pero tila maggagabi na, mas naging makulimlim ang langit dahil sa patuloy na paglakas ng ulan na sinabayan pa ng hangin. Sumandal ako sa kinauupuan ko at sandaling ipinikit ang aking mga mata.
"Here."
Agad akong napamulat ng mata ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nasa harap ko ngayon ang lalaking tumabig sa balikat ko pasakay ng jeep kanina, may hawak siyang payong habang nakaangat ang kamay niya patungo sa akin, isang supot ang iniaabot niya sa akin. Napakunot noo lang ako habang nakatingin sa isang pares ng kanyang mga mata, nanlaki ang mata ko ng bigla siyang lumapit sa akin at inilagay sa kamay ko ang dala niyang supot.
"Anong tingin mo sa akin pulubi?" tanong ko sa kanya ng aktong hahakbang na sana siya paalis.
Binitawan ko ang supot na inilagay niya sa kamay ko, kinuha ko ang box at sinugod ang malakas na ulan na may kasamang hangin. Hindi ko na inabala pang lingunin ang lalaking iyon, sa halip ay dire diretso lang sa paglalakad kahit basang basa na ang dala kung box maging ang cellphone ko at ako. Tumigil ako sa tapat ng pedestrian lane, nang magkulay green ang traffic light ay tumawid na din ako. Medyo malabo ang paningin ko dahil sa malalaking butil ng ulan, pero nakatawid naman ako ng maayos sa mahabang pedestrian lane na iyon. Kumanan ako ng may isang malaking taong sumalubong sa akin, nasagi niya ang dala kong box dahilan para mabitawan ko ang box maging ang cellphone ko. Nagkalat sa tabi ng kalsada ang lahat ng gamit ko, lahat ng iyon ay nabasa na ng ulan. Muli ko na namang naramdamang pumatak ang luha ko habang pinupulot isa isa ang mga gamit ko na nakakalat.
Hindi ko alam kung pinarurusahan ba ako ngayong araw, o nakatadhana talaga sa akin na puro kamalasan ang mga mangyayari sa akin. Mas inaalala ko ang bill ni Mama sa hospital kaysa sa akin, siya na lang ang meron ako. Siya ang dahilan kung bakit nagtitiis ako sa kompanyang iyon, dahil doon lang ako nakakatanggap ng mas malaking sweldo sa dinami dami kong pinasukan na trabaho. Hindi ko na alam kung saan ako makakahanap agad ng pambayad sa bill ni Mama, lalo na at ooperahan na siya sa susunod na linggo. Patuloy kong pagbulong sa aking isipan habang pinupulot pa rin ang mga gamit ko.
"Here," muli ko na namang narinig ang boses na iyon, nasa harap ko na naman ang lalaking iyon habang tinutulungan akong maglagay ng gamit sa box, sa sobrang inis ko ay agad akong tumayo at binitbit ang box paalis.
"Wait!" sambit niya, pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad palayo sa kanya. Bakit niya ba ako sinusundan? Tanong ko sa isip ko habang naglalakad.
"Gusto lang kita tulungan, tsaka naiwan mo ang phone mo," napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya, nasa kaliwang kamay niya ang cellphone ko habang nasa kanan naman ang payong na dala dala niya. Dahan dahan siya lumakad papalapit sa akin at iniabot ang cellphone ko, kinuha ko iyon at inilagay sa box, nakangiti lang siya na akala mo naman ay walang ginawang kasalanan sa akin.
"I'm Nico," Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko na tila ba nakikipagkilala, siniringan ko lang siya at tumalikod.
"Nice to meet you, Dia."
Nagulat ako ng banggitin niya ang pangalan ko, kaya muli akong napalingon sa kinatatayuan niya. Pero naglalakad na siya palayo sa akin, nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanya habang nasa ilalim ng malakas na ulan.
.
.
.
Hindi pa rin ako makaget over sa mga nangyari kanina, lalo na ng maencounter ko ang lalaking nagbigay kamalasan sa maghapon ko. Dahil bago pa ako makauwi dito sa bahay, nakaencounter pa ako ng banggaan at holdapan, mabuti na lang hindi ako ang tinutukan ng baril kanina ng holdaper sa loob ng coffee shop. Then nang makarating ako dito sa bahay, tatlong bill ang bumungad sa akin na nakalagay sa tapat ng pinto.
Pero bago pa masundan ang kamalasan ko hanggang bukas magpapakilala muna ako, ako nga pala si Diala Madrigal, 24 years old, ulila na ako sa Ama at tanging si Mama na lang ang kasama ko sa buhay, wala akong kapatid kahit isa. Si Shine, siya ang best friend ko since grade school, part na din siya ng family ko kaya kapag may lungkot at saya siya ang kasama ko. Maliban ngayon na pinaghiwalay na kami ng mundo, ang ibig kong sabihin, hindi na kami magkasama sa trabaho dahil tinanggal na ako ng walang hiya kong superior na walang ginawa kundi pagalitan ako sa lahat ng ginagawa ko sa loob ng opisina. Hindi ko alam kung bakit palaging kumukulo ang dugo niya sa akin tuwing nakikita ako, wala naman akong ginagawang kalasanan sa kanya. Siguro kung buntis siya ako na ang napaglihinan niya, swerte ng magiging anak niya dahil maganda ang pinaglilihinan niya. Hays nawalan lang ako ng trabaho kung ano ano na ang mga iniisip ko. Tutya ko sa isipan ko habang nakaupo sa sofa dito sa living room.
...Dia's POVPatuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha sa magkabila kong mata habnag nakatango ang aking ulo, hindi ko na alam ang iisipin ko sa mga sandaling iyon, blanko ang utak ko at hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa akin. Nakasandal lang ako sa pader malapit sa emergency room, ayaw kong umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko lamang. Si Mama ang iniisip ko, ang kalagayan niya ngayon sa loob ng emergency room."Dia?"Dahan dahan kong itinunghay ang aking ulo, m
Dia’s POVPinabalik ko na si Shine sa office niya dahil baka mawalan pa siya ng trabaho ng dahil sa akin, ako na lang muna ang magbabantay kay Mama habang wala pa akong nahahanap na trabaho. Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari ngayong araw, magmula kaninang umaga hanggang ngayong tanghali. May galit ba sa akin ang nasa itaas, sobra sobra na yata ang kamalasan na binibigay niya sa akin ngayong araw.“Anak okay lang ako, bumalik ka na sa trabaho mo.”Nginitian ko lang si Mama dahil sa sinabi niya, ginantihan naman niya iyon at ngumiti din na parang walang nararamdamang sakit sa loob ng katawan niya ngayon, ayaw ko munang sabihin sa kanya ang mga nangyari sa akin sa opisina kanina at mas makakabuti iyon sa kalagayan niya ngayon, akala ko kukunin na siya sa akin kanina kaya ganoon na lang ang paghagulhol ko sa
Dia’s POVMaaga akong umalis sa bahay at tinahak ang daan patungo sa terminal, nakangiti ang aking mga mata maging ang aking labi habang nakasakay sa jeep na nadatnan ko kanina. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din agad ang sinasakyan kong jeep, mukhang tinantanan na ako ng kamalasan ko, dahil wala kahit anong abirya sa pagsakay ko hanggang sa makarating dito sa city. Mas lumaki ang ngiti ko habang tinatahak ang daan patungo sa building ng Swisly Corporation.Nasa sidewalk pa lang ako sa tapat ng building ng may mapansin dahilan para mapakunot ang noo ko sa mga sandaling iyon, agad akong tumakbo papalapit sa building at gaya nga ng napansin ko kanina sarado iyon at walang katao tao kahit isa, patay ang lahat ng ilaw maliban sa apat na ilaw dito sa labas. Napatingin ako sa wrist watch ko, 7:40 pa lang ng umaga at 8:00 in the morning
Alondra’s POVI just finished my food when Dr. Sylvia came in. She's in her white doctor's gown and has a stethoscope hanging around her neck. I sat properly and flashed her a smile. She occupied the vacant chair on the left side of my hospital bed.“How are things, Doc?” I asked her as she sat down. I noticed that she sighed before answering my question.“Everything's fine Mrs. Madrigal. I should be the one asking that. How are you? We will be conducting your surgery tomorrow.” I drew a forced smile. I heaved a sigh during those moments, but I felt a tingling pain on my right chest. The smile I forced faded and was replaced by a poker face.“Are you alright?” She asked me next, but I just nod at her with a smile to make her believe that everything's fine. I gulped when I felt the pain once again. I closed my eyes when I fel
Someone’s POV“Are you sure you're gonna do that?” I chuckled with what he said. I am standing here at the lobby with a guy, waiting for all of the guests to finally leave the hall where we hosted the event. Some of the employees are still sending their greetings to the CEO who just arrived in the country for an important appointment. I thought that I will be handling that meeting alone, but fortunately, he was pursuaded. All thanks to his son who's been very busy managing a project of the company that's still under the process of advancement due to its complicated set of objectives. Although the said project took him 2 years of propagation and still counting, he has gained a lot of positive feedbacks and benefits for the company itself.Later, I saw Erick approaching me with his infamous poker face. Honestly, I haven't seen this man smile, not even once. “Everything's been settled, Mr. Swi
Shine's POVNagising ako ng maramdaman ang tapik sa aking kaliwang balikat, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa labas ng kuwarto ni Tita Alondra.“Miss Yong pinapatawag po kayo ni Dr. Sylvia sa kanyang office.” Sambit ng isang babaeng nurse na tumapik ng aking balikat, tumayo na din ako sa aking kinauupuan at tumungo sa office ni Dr. Sylvia, habang naglalakad ay napatingin ako sa wrist watch ko.2:05 na ng hapon grabe nakatulog ako sa upuan ng ganun kahaba? Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad, bigla namang sumagi sa aking isipan si Dia dahil hanggang ngayon kasi wala pa din siya, kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at sinubukan muling tawag si Dia ngunit bigo pa rin ako katulad kanina, out of coverage area.Nasaan ka ba Dia? Kung kailan mas kailangan ka ni Tita Alondra ngayon tsaka ka naman hindi macontact. Tutya
Shine’s POVKadarating lang ni Dia matapos ko sa paggamit ng banyo, napansin ko na napatigil siya sa bandang pinto ng makita si Tita Alondra na nakahiga sa kama. Nilapitan ko siya ng makitang umiiyak na siya sa mga oras na iyon. Inalalayan ko siya na makaupo sa couch na nasa loob ng room ni Tita Alondra, umiiyak lang siya habang nakatingin kay Tita Alondra, iniabot ko sa kanya ang handkerchief na nasa bulsa ng disposable visitors gown na suot ko maging siya ay nakasuot ng ganito dahil required iyon lalo na kapag nandito sa loob ng ICU.“Dia okay na si Tita, kaya huwag ka ng mag alala.” Nginitian ko siya at hinawakan sa kamay habang patuloy pa rin siya sa pag iyak.“Anong sabi ni Dr. Sylvia?” Tanong niya nang punasan niya ang pisngi niya gamit ang kanang palad niya, ibinalik niya sa akin ang handkerchief na binigay ko sa kanya ng nakangiti ngunit bakas p
Kade’s POV“Excuse me.” Nagising ako ng marinig iyon, minulat ko ang aking mata at napatingala ako ng ulo, nilingon ko ang pinanggalingan niyon.Isang lalaking nakasuot ng puting coat habang nakalagay ang kaliwang kamay sa bulsa niyon, may nakasabit sa kanyang leeg na stethoscope habang may black and red ballpen na nakalagay sa kanang bulsa ng coat niya at napansin ko pa ang embroidery name niya. Dr. Rawn Santiago, iyon ang nakalagay sa coat niya.“Pasensya na pero bawal dito tumambay.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, tiningnan ko siya ng nakataas ang kilay samantalang steady pa rin ang postura niya. Hays itong doctor na ito mukhang walang pinag aralan, alam na ngang nagpapahinga ang tao papaalisin dito.“Kasama ako ng pasyente sa loob.” Iyon na lang ang sinabi ko at pumikit upang bumalik sa pagtulog.“Kailan pa nagkaroon ng bagong boy
Alira's POV "What is the meaning of this June?" Narinig ko ang tanong ni Shaine sa girlfriend niya na tila hindi alam ang isasagot sa mga sandaling iyon."Miss Sandoval! What the hell are you waiting for?!" sigaw ni Duke Markus.June? Ikaw? Bakit ikaw pa? Tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa kinaroroonan ni June."Eímai o sostós kyverítis tis Rallnedia." Natigilan naman ako ng marinig ang mahinang boses na iyon. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon na nasa likuran ko lamang. Dia? "Don't use someone else Duke!" naagaw ang atensyon ko ang sinabi ni Duchess Eve. Kaya muli kong ibinaling ang aking paningin sa unahan."Speak up Miss Sandoval!" sigaw ni Duke Markus. "Don't just zip your mouth, it's for your parents sake!" "Duke Markus, you have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law of this country. You have the right to consult an attorney. If you decide to answer questions now without a lawyer present, you h
And there you have it Duke Markus, akala mo ba papayag ako na paikutin mo ang ulo ng pinsan ko, sorry pero hindi ako papayag na mapasakamay mo ang kapangyarihan ng Rallnedia lalo na sa katayuan nito sa panahon ngayon. "And who are you?" "Alondra Madrigal, former personal maid of Queen Elisita Rosales Wayler," tugon ni Manang Aloi. Rinig sa kabuuan ng simbahan ang pagkagulat ng nakararami. Ibang eksena na naman ngayon ang masasaksihan ng buong mundo dahil kanina moment ni Duchess Eve at ni Duke Markus kasama ang alipores niya na nakatayo lamang sa gitna ng tensyon bago pa ako dumating, at syempre ilang sandali lang ay ako na ang center of attention matapos kong lumabas at magpakita sa media, sa pangatlong pagkakataon ay kay Manang Aloi na nakatuon ang bawat camera na nandito sa simabahan. Hindi ko kailangang pigilan ang anumang lumab
Flashback (One month before the coronation, and two months ago in the present day) Dia's POV"Sa hall na ito nakalagay ang bawat korona, robe, scepter at orb na ginamit ng mga naging pinuno ng Rallnedia." Nilibot ng aking mata ang kabuuan ng hall na tinutukoy ni Ma'am Vel. May isang malaking cabinet na may logo ng Rallnedia, at sa itaas na bahaging iyon ay mapapansin ang malaking transparent box na naglalaman ng korona. "Dito rin nakalagay ang mga seal ng bawat Duke at Duchess na natanggalan ng title matapos labagin ang batas ng bansang ito. Sa kanang bahagi kung saan mapapansin mo ang mga naglalakihang transparent glass storage." Nilingon ko iyon at napansin ang mga seal na tinutukoy niya, halos kasing laki lamang ito ng ballpen, nakalagay pa iyon sa pulang tela na tila'y mamahalin. Limang kulay itim na seal, dalawang kulay maroon, isang puti at isang kulay asul. "Sa pagsapit ng coronation mo ay ordinaryong korona ng Prinsesa lamang ang ilalagay sa ulo mo, habang ang korona nama
Nico's POV Nakapako lang ang aking mga mata sa unahan ng altar kung saan nakatayo mula roon ang isang babae na nakasuot ng asul na gown. Walang reaksyon niyang nilapitan si Dia at yumuko sa harap ng maraming tao maging sa media. Mapapansin ko naman mula sa reaksyon ng aking ama ang ngiti na tila ba kasama sa plano niyang sirain ang pinakamahalagang araw ng Rallnedia. Sa dinami dami ng pwede mong gawin ngayong araw bakit ang ipakilala pa sa buong mundo ang isang viscountess na matagal ng nawalan ng posisyon? Tanong ko sa aking sarili sa mga sandaling nagsisimula ng magsitayuan ng mga nobles mula sa unahang bahagi ng simbahan. "I, Viscountess Margaux Ancheska Holmes of Hentorr. Here before all of you to prove that I am the real daughter of late King and Queen of Rallnedia," sambit ng babaeng iyon. Dahilan para magpanting ang tenga ko, hindi ko matiis ang mga nangyayari sa mga sandaling ito. "What is the meaning of this Duke Markus?" tanong ng Head Priest sa aking ama. "I believe tha
Aria's POV "Sa lahat ng nasa baba ng event staff sa building number two kayo. Kasama niyo rin ang mga nasa administration department," sambit ni Mr. Castor. "Kay Miss Avelino niyo na lang kunin ang assigned room niyo, nasa information desk siya naka-assigned ngayon then after that let's all gathered here again." Pagkatapos sabihin ni Mr. Castor ang mga paalalang iyon ay tumungo na rin kami ni Mocha sa kinaroroonan ng information desk kung saan naroroon si Miss Avelino. Sinundan lang namin ang iba naming kasama sa van kanina. Uminat inat pa ako dahil sa ngalay na nararamdaman ko magmula ng makababa sa van. "Nangalay ka ba kanina?" tanong sa akin ni Mocha. Tumango tango lang ako sa kanya bilang tugon, nakakatamad na din kasi magsalita matapos ang mahabang biyahe namin. Sa halos limang stop over namin ay hindi man lang ako nag-atubiling bumaba ng sasakyan. Kaya siguro sobrang nangalay ang aking binti at balikat, dahil ilang oras kong hindi ginalaw galaw ang aking katawan. "Miss G
Aria's POVNagising na lang ako matapos marinig ang alarm na nagmumula sa tabi ng aking kama. Agad ko na ring inasikaso ang lahat upang hindi malate.Mag aalas onse na ng umaga kaya sapat na sa akin ang 6 hours na tulog mula kaninang madaling araw matapos ang overtime ko sa trabaho.*DINGNapalingon ako sa kinaroroonan ng cellphone ko matapos makalabas mula sa banyo, hindi ko muna chineck kung sino ang nagmessage sa halip ay ipinagpatuloy ang pag-aasikaso sa mga gamit ko...."Aria bakit nandito ka?""Huh?"
...Dia's POVHindi ko ipinaalam kina Ma'am Vel ang tungkol sa panibagong test for my DNA. Mahirap na baka matulad lang din dati na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang resulta.Ngunit hindi iyon ang inaalala ko sa ngayon kundi ang tungkol sa sinabi ni Duke Markus. Nakakapagtaka lang kung paano niya nalaman ang tungkol sa DNA, samantalang hindi naman namin inilabas sa publiko ang tungkol sa pagkuha ng specimen mula sa akin. Kaya ngayon mas maganda kung hindi involve sa another test si Ma'am Vel o kahit sino kina Shaine, June, Jeyya, Nico at maging si Gene....
Shaine's POVKahapon pa tahimik si Dia magmula ng matapos ang meeting with Royal Council. Pansin rin ni Mr. Hienz ang pagiging seryoso ni Dia sa training, halos limang oras na siyang nasa Royal Library upang pag-aralan ang mga speech niya sa accession.Hindi ako makapasok sa Royal Library dahil utos ni Dia na huwag magpapasok ng kahit sinos habang nasa loob siya."Nico hindi mo pa ba nakakausap si Mr. Hienz?""Hindi pa Shaine, at hindi niya pwedeng iwan ang Prinsesa sa Royal Library ng nag-iisa." Nag-aalala na ako, halos hindi niya rin ginalaw ang pagkain na ipinahanda ko matapos kong makabalik mula sa Cratemia."Hey babe, are you done with your work?" Agad naman akong lumapit kay June na kadarating lamang.
Dia's POVMaaga akong nagising matapos marinig ang malakas na ingay na nagmumula sa pinto ng kuwarto ko. Pagkabangon ay agad ko ring tiningnan ang oras maging ang cellphone ko na nakalagay sa study table.Napakunot naman ang kilay ko nang marinig ang boses na nagmumula sa labas ng kuwarto ko, medyo malabo sa aking pandinig ang boses na iyon kaya hindi ko mawari kung sino ba ang nag mamay-ari ng mga iyon.Nacurious ako kaya sinubukan kong pakinggan iyon matapos kong ilapat sa pinto ang aking tainga. "Your Highness?""Ay palaka!" Tila may multong lumapit sa akin dahil biglang nagsitaasan ang balahibo ko nang magulat sa biglang nagsalita mula sa aking likuran."Your Highness, are you okay?"