Home / Mystery/Thriller / Unexpected Royal / Chapter 3: You're hired

Share

Chapter 3: You're hired

Author: AillexSkcy
last update Last Updated: 2020-10-01 12:22:02

Dia’s POV

Pinabalik ko na si Shine sa office niya dahil baka mawalan pa siya ng trabaho ng dahil sa akin, ako na lang muna ang magbabantay kay Mama habang wala pa akong nahahanap na trabaho. Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari ngayong araw, magmula kaninang umaga hanggang ngayong tanghali. May galit ba sa akin ang nasa itaas, sobra sobra na yata ang kamalasan na binibigay niya sa akin ngayong araw.

“Anak okay lang ako, bumalik ka na sa trabaho mo.”

Nginitian ko lang si Mama dahil sa sinabi niya, ginantihan naman niya iyon at ngumiti din na parang walang nararamdamang sakit sa loob ng katawan niya ngayon, ayaw ko munang sabihin sa kanya ang mga nangyari sa akin sa opisina kanina at mas makakabuti iyon sa kalagayan niya ngayon, akala ko kukunin na siya sa akin kanina kaya ganoon na lang ang paghagulhol ko sa labas ng emergency room. Hindi ko pa nakakausap si Doctor Sylvia tungkol sa nangyari sa loob ng emergency room kanina, siguro busy pa ngayon sa iba niyang pasyente, mas mabuti kung samahan ko muna si Mama dito sa kuwarto niya.

.

.

.

“Dia, kailangan na siyang operahan as soon as possible.”

Natigilan ako sa sinabi ni Doctor Sylvia, nakatayo ako sa tapat ng table niya sa mga sandaling iyon.

“Akala ko po ba next week pa ang schedule niya?” tanong ko sa kanya at nagbabakasakali na mabago ang schedule, para na rin makahanap ako ng trabaho na mas makakaipon ako ng malaking pera. Kulang pa ang pera kong naipon para sa surgery, at kailangan kong makahanap agad ng trabaho.

“Mas better kung aagapan agad natin ang operasyon.”

Napatango ako at napaisip sa sinabi niya, tama siya dahil kung hihintayin pa namin ang susunod na linggo baka kung ano pa ang mangyari kay Mama. Bahala na, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pandagdag sa hospital bill ni Mama pero susubukan kong makahanap at makasiguro na ligtas si Mama.

“Tama po kayo, mas mabuti kung mas maaga upang hindi na magkaroon ng komplikasyon ang right lung ni Mama.”

Dahan dahang gumihit sa aking labi ang ngiti na pilit kong ginagawa sa harap ni Doc Sylvia. Umalis na din ako pagkatapos makausap ang doctor ni Mama, tulog siya ng bumalik ako sa kuwarto niya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay, agad na pumatak sa aking kaliwang mata ang luha na hindi ko inaasahan. Si Mama na lang ang meron ako, at ayaw kong iwanan niya ako sa mundong ginagalawan ko ngayon. Hindi ko kilala kung sino ang tatay ko dahil si Mama lang ang kinagisnan kong magulang na nagpalaki sa akin, kaya wala akong idea kung ano ang hitsura niya. Kahit minsan hindi naikwento sa akin ni Mama ang tungkol sa tatay ko, pero hindi na iyon mahalaga, kami lang ni Mama ang magkasama sa loob ng mahabang panahon kasama ang pamilya ni Shine, at hindi ko na kailangang alamin kung sinuman ang aking tatay.

Nakatingin lang ako kay Mama habang inaalala ang masasayang sandali na kasama ko siya, nagpatuloy lang sa pag agos ang aking luha sa mga oras na iyon.

.

.

.

“I’m sorry Miss but we don't have vacancies up to this moment.”

Napatango na lang ako ng muling marinig iyon, ito ang panglimang company na nagsabi na may parehong sanaysay. Mukhang naextend ang kamalasan ng buhay ko, kung noong isang araw natanggal ako sa trabaho, kahapon holiday dahilan para maging sarado ang karamihan sa mga establishment tapos ngayon naman lahat naoccupied ang hiring nila.

Hanggang kalian ba ako titigilan ng kamalasang ito? Please naman kailangan ko ngayon ng trabaho . Please kahit anong trabaho basta malaki ang sweldo tatanggapin ko. Huwag lang pala prostitute kasi hindi ko yun masisikmura. Bulong ko sa sarili ko habang tinatahak ang daan patungo sa waiting shed.

Pagkarating doon ay agad akong umupo sa sementadong upuan, napabuntong hininga pa ako bago umupo.

“Lord please kailangan ko po ng trabaho. Please, last company na po ang pupuntahan ko ngayong araw, at sana naman po this time may available na kahit anong position please.” sambit ko, habang nakadikit ang aking mga palad sa isa’t-isa na tila nagdadasal at nakatingin sa kalangitan. Dahan dahan kong ipinikit ang aking mata at huminga ng malalim bago tumayo at maglakad patungo sa huling kompanya na pinagpasahan ko ng application form online. Mabuti na lang at kalapit lang iyon ng isang kompanya na pinuntahan ko kanina, kaya hindi ko kailangang gumastos ng pamasahe.

Ilang minuto ang lumipas bago ko marating ang building ng huling kompanya na pinag aplayan ko. Ibang iba ang pakiramdam ko ng tumapak ako sa mga bricks na ibang iba ang hitsura at kulay sa kalsada na dinadaanan ko kanina, tila may mangyayaring hindi maganda ngayong araw. Hays, please huwag naman kamalasan ito at ako’y sawang sawa na. Tutya ko sa aking isipan habang naglalakad papasok ng main door ng building.

Tumigil ako sa tapat ng main door ng mapansin ang mga modernong upuan sa loob ng unang palapag, huminga ako ng malalim bago pumasok. Binati ko ang nakabantay na guard ngunit nginitian lamang ako nito at pinatuloy sa loob.

Bumungad naman sa aking paningin ang modernong kagamitan na nakita ko kanina habang nasa labas, hindi masakit sa mata ang kulay ng unang palapag ng building, blue shadow na may touch pa ng pastel partchment at ilang bahagi ng baby blue, perfect pair ang tatlo kapag nilibot ng iyong mga mata ang kabuuan nito.

Dumiretso naman agad ako sa information desk, dalawang babae at isang lalaki ang nasa information desk ngunit isa lang ang pumansin sa akin ng makalapit ako.

“Excuse me, ako po yung nagpasa ng application form online," sambit ko habang kaharap ang isang babae na nakasuot ng cream ¾ sleeve , navy blue vest at navy blue ribbon, habang yung dalawa naman ay parehong nakalongsleeve suit. Humarap siya sa monitor ng isang desktop at may tinaype sa keyboard.

“Ms. Diala Madrigal right?” tanong niya sa akin, tumango tango naman ako bilang sagot.

“Our director will be here at around 11 in the morning. He is the one who conducts interview. Kindly wait for him at the lobby, thank you.” sambit niya, napatingin ako sa wrist watch ko 10 pa lang ng umaga, kaya isang oras pa ang hihintayin ko para dito sa huli kong interview,  nginitian ko siya at agad na tumungo sa lobby kung saan may ilang naghihintay din. Mga mag aapply din siguro ang mga ito. Sambit ko sa isip ko habang naghahanap ng bakanteng upuan.

Sa isang sulok sa bandang likuran ako nakahanap ng bakanteng upuan, at napansin kong karamihan sa mga naghihintay dito sa lobby ay mga babae, iilan lang ang lalaki kaya napakibit balikat na lang ako. Nang makaupo ay napahinga na lang ako ng malalim, inabala ko na lang ang sarili ko sa aking cellphone.

.

.

.

“For those who came here for the interview, kindly fill out these forms. The Director is on his way here. Thank you.”

Napatingin ako sa aking wrist watch at napansin ang oras, di ko namalayan na 10:54 na pala ng umaga at napatingin sa bandang unahan na nagsasalita, siya ang lalaki kanina sa information desk na nakasuot ng longsleeve suit. Lumapit ako upang makakuha ng form, at napansin ang mga tingin sa akin ng ibang naghihintay dito sa lobby.

Ako at ang lalaking may hawak ng form ang tanging nakatayo, nakaramdam tuloy ako ng awkwardness sa mga oras na iyon, lahat ng atensyon nila ay nasa akin maging ang lalaking nasa harapan ko.

Teka may dumi ba sa mukha ko, may mali ba sa mukha ko? Tanong ko sa sarili ko sa mga sandaling nasa akin pa rin ang kanilang atensyon. Ramdam kong namumula ang mukha at tainga ko dahil sa tension ng kanilang mga tingin. Kumuha na agad ako ng form at bumalik sa aking kinauupuan kanina, sinulatan ko na iyon. Wala pang limang minuto ng matapos ko ang pagpifill up, pagkatapos ay ibinigay ko na rin sa lalaking nakatayo pa rin na tila hinintay talaga ako na matapos sa pagpifill up ng form. Humakbang na ako palayo sa lalaking iyon, imbes na bumalik sa kinauupuan ko kanina ay mas pinili kong lumihis ng daan at tinungo ang restroom.

Napabuga ako ng hininga ng makapasok sa restroom, napatingin ako sa aking reflection sa salamin. Wala namang dumi sa mukha ko, pero bakit ganun na lang sila makatingin sa akin? Tanong ko sa sarili ko, agad na akong naghilamos ng mukha dahil ramdam ko pa rin ang pamumula ng mukha at tainga ko. Pagkatapos kong makapaghilamos ay kumuha ako ng tissue paper sa kaliwang bahagi ng restroom, dinampi dampi ko iyon sa aking mukha hanggang sa matuyo. Muli akong napatingin sa aking reflection sa salamin at napabuntong hininga, kinuha ko mula sa aking bag ang liquid foundation na mag aanim na taon ko ng ginagamit at ang lipstick na niregalo pa sa akin ni Shine noong birthday ko. Kaunting amount lang ng foundation ang inilagay ko sa mukha ko, dahil kahit hindi naman ako maglagay ng liquid foundation wala pa ring pagbabago sa texture ng mukha ko. Hindi sa pagyayabang pero mas better daw na wala akong make up sa mukha, yan ang palaging sinasabi sa akin ni Shine kaya kadalasan hindi na din ako naglalagay ng make up, dahil darating din yung araw na wala na akong pambili ng make up ko, lalo na ngayong kailangang kailangan ko ng pera para sa operasyon ni Mama.

Inayos ko rin ang aking blouse at skirt ng makatapos ako sa pag apply ng light make up. Lumabas na din ako at bumalik sa lobby, napatigil ako sa paglalakad ng makitang wala ng tao sa lobby kundi ang apat na guard, at ang tatlong employee na nasa information desk. Agad akong naglakad papalapit sa information desk.

“Excuse me, nasa office na po ba ang director niyo?” tanong ko sa lalaking nagbigay sa akin ng form kanina. Tumingin siya akin maging ang babaeng katabi niya, kumuha siya ng isang piraso ng papel at may isinulat doon.

“Please knock before you come in," sabi niya, iniabot niya sa akin ang papel na iyon at nagpasalamat. Tumungo ako sa elevator upang sumakay paakyat ng 10th floor ng building, wala pang limang minuto ay agad ko ding narating ang ikasampung palapag ng building na ito. Magmula kanina sa unang palapag hanggang dito sa 10th floor ay mapapansin ang logo ng kompanya, hindi ko alam ang ibig sabihin ng logong iyon. Dahil sa pagmamadali ko kahapon para makapagpasa ng application form hindi ko na nagawa pang icheck kung ano ba ang pangalan ng kompanyang pinapasok ko.

“Excuse me Miss, do you have any appointment?”

Isang lalaking nakapink suit ang lumapit sa akin na may hawak na papel sa kanang kamay at isang tasa naman sa kaliwa.

“I’m looking for Mr. Swisly," sagot ko sa kanya, mabuti na lang isinulat ng lalaki kanina sa information desk ang buong pangalan ng director nila.

“Girl hindi ka ba nainform na may press conference ngayon ang director namin?”

Nagulat ako sa sinabi ng lalaking iyon, napatingin ako sa kabuuan ng 10th floor dahil halos lahat ng nandito ay abala sa kanilang ginagawa maliban sa lalaking kausap ko at sa tatlong babaeng na nakatuon ang atensyon sa isang malaking screen.

“Kung sa job interview yan, doon ka na lang maghintay. 30 minutes lang naman ang press conference.”

Itinuro niya ang isang lobby na may kaparehong disenyo ng lobby sa unang palapag ng building naito.

Tumango ako at tumungo sa lobby, napansin kong napalingon sa akin ang tatlong babae na abala sa kanilang pinapanood sa malaking screen ng dumaan ako sa kanilang unahan.

Umupo na din agad ako sa isang couch na malapit sa isang screen monitor. Napatingin ako screen na iyon ng mapansin ang isang lalaki na tila pamilyar sa akin ang hitsura, napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang lalaking iyon. Hanggang dito ba naman nagpapakita pa rin sa akin ang lalaking nagbigay kamalasan sa buhay ko. Hays sa tuwing nakikita ko siya may hindi magandang nangyayari.

“Sigurado po ba kayong siya ang Grand Princess ng Rallnedia?”

Napataas ang kilay ko ng marinig ang tanong ng isang reporter na babae.

“We are 100% sure, sa ngayon hindi na muna namin irereveal kung sino siya, at para na rin iyon sa kaligtasan niya," sagot ng lalaking malas sa buhay ko. Naparoll eyes ako sa sinabi niya at itinuon na lang ang atensyon sa aking cellphone ng may matanggap na text message mula sa unknown number. Inopen ko iyon at binasa ang message.

We thank you for choosing this company. We have received your online application last 5th of June, 2019. We humbly ask for forgiveness on your part due to the inconvenience of our company's Presi6 and Director. Please contact our exclusive secretary Brando Ramos for the final interview at the Swisly Corporation's main building, 10th floor. We extend our warmest welcome for our new employee. You can start tomorrow. We sent your schedule to the email address you used upon sending your curriculum vitae. Again, welcome to Swisly Corporation, Miss Diala Madrigal.

Nakangiti lang ako ng basahin ko mula sa simula hanggang sa huling salita na nakalagay sa message na natanggap ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa lalaking kinausap ako kanina. May excitement akong naramdaman habang hinihintay siya na harapin ako at kausapin muli.

“How may I help you, Miss?" sabi niya nang mapansin niyang nakaupo ako malapit sa table niya.

“May I speak with Mr. Brando Ramos?”

“Correction it’s Brenda Ramos," sabi niya sa akin, napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero nagets ko din agad iyon ng mapansin na hinawi niya ang kanyang maliit na bangs.

“I’m Diala Madrigal, nakatanggap po ako ng message mula sa kompanya niyo. At ang sabi dito makipag ugnayan daw ako sa exclusive secretary na si Brando.”

Napansin kong napataas siya ng kilay sa sinabi ko.

“Oh, I'm sorry. What I mean is Brenda Ramos," pagbibigay linaw ko sa kanya.

“Miss Madrigal, right?”

Tumango tango lang ako bilang sagot sa simpleng tanong niya.

“Hindi naman mahirap ang ibibigay kong interview sayo.”

Napansin kong sumingkit ang mga mata habang nakatingin sa akin, napalunok pa ako ng laway sa mga sandaling iyon.

“Ano ang gamit mong facial mask?”

“Po?”

Nagtaka ako sa tanong niya sa akin.

“Anong cleanser mo? May ginagamit ka bang mamahaling beauty products? Anong products iyon?”

“Excuse me, mukhang mali po yata ang binabasa mo sa nakasulat sa papel na hawak mo.”

Napansin ko kasi na iba ang nakasulat sa hawak niyang papel sa sinasabi niya.

“Please yun lang ang kailangan mong sagutin girl, dahil ang kinis at ang ganda ng mukha mo. How to be you ba ha?”

Natawa ako sa sunod niyang tanong sa akin.

“Wala po akong ginagamit na facial mask, facial cleanser, at kahit anong product.”

“Tunay? Pero bakit ang ganda at ang kinis ng mukha mo? I would kill just to have that kindof face.”

Muli akong natawa sa sunod niyang tanong. Tama ba ang pinasok kong kompanya? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa isang lalaki na akala ko ay lalaki talaga.

“Twice a day lang po ako naghihilamos. 'Yun lang ang ginagawa ko.”

“Honey, don't be too formal with me, we are just the same age. And by the way, bukas sabihin mo sa akin ang sekreto mo ha? Sige hired ka na.”

Hindi lang ako napangiti sa sinabi niya kundi natawa pa, ibang klase din ang lalaking binabae na ito. Nalinlang ako sa kanyang masculine na katawan, napagkamalan ko tuloy na lalaki at matigas.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
12-HUMMS K BOLANTE, CLARK KEN
ubod ka ng daldal.alam ko mg mama mo na lang ang meron ka,paulit ulit mong sinasabi
goodnovel comment avatar
Nelvin Jayag
medyo mataas ang bonus o coin para mabasa, ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Unexpected Royal   Chapter 4: Royal Blue Dress

    Dia’s POVMaaga akong umalis sa bahay at tinahak ang daan patungo sa terminal, nakangiti ang aking mga mata maging ang aking labi habang nakasakay sa jeep na nadatnan ko kanina. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din agad ang sinasakyan kong jeep, mukhang tinantanan na ako ng kamalasan ko, dahil wala kahit anong abirya sa pagsakay ko hanggang sa makarating dito sa city. Mas lumaki ang ngiti ko habang tinatahak ang daan patungo sa building ng Swisly Corporation.Nasa sidewalk pa lang ako sa tapat ng building ng may mapansin dahilan para mapakunot ang noo ko sa mga sandaling iyon, agad akong tumakbo papalapit sa building at gaya nga ng napansin ko kanina sarado iyon at walang katao tao kahit isa, patay ang lahat ng ilaw maliban sa apat na ilaw dito sa labas. Napatingin ako sa wrist watch ko, 7:40 pa lang ng umaga at 8:00 in the morning

    Last Updated : 2020-10-01
  • Unexpected Royal   Chapter 5: Out of Coverage Area

    Alondra’s POVI just finished my food when Dr. Sylvia came in. She's in her white doctor's gown and has a stethoscope hanging around her neck. I sat properly and flashed her a smile. She occupied the vacant chair on the left side of my hospital bed.“How are things, Doc?” I asked her as she sat down. I noticed that she sighed before answering my question.“Everything's fine Mrs. Madrigal. I should be the one asking that. How are you? We will be conducting your surgery tomorrow.” I drew a forced smile. I heaved a sigh during those moments, but I felt a tingling pain on my right chest. The smile I forced faded and was replaced by a poker face.“Are you alright?” She asked me next, but I just nod at her with a smile to make her believe that everything's fine. I gulped when I felt the pain once again. I closed my eyes when I fel

    Last Updated : 2020-10-01
  • Unexpected Royal   Chapter 6: Rallnedia

    Someone’s POV“Are you sure you're gonna do that?” I chuckled with what he said. I am standing here at the lobby with a guy, waiting for all of the guests to finally leave the hall where we hosted the event. Some of the employees are still sending their greetings to the CEO who just arrived in the country for an important appointment. I thought that I will be handling that meeting alone, but fortunately, he was pursuaded. All thanks to his son who's been very busy managing a project of the company that's still under the process of advancement due to its complicated set of objectives. Although the said project took him 2 years of propagation and still counting, he has gained a lot of positive feedbacks and benefits for the company itself.Later, I saw Erick approaching me with his infamous poker face. Honestly, I haven't seen this man smile, not even once. “Everything's been settled, Mr. Swi

    Last Updated : 2020-10-01
  • Unexpected Royal   Chapter 7: The Lost Grand Princess

    Shine's POVNagising ako ng maramdaman ang tapik sa aking kaliwang balikat, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa labas ng kuwarto ni Tita Alondra.“Miss Yong pinapatawag po kayo ni Dr. Sylvia sa kanyang office.” Sambit ng isang babaeng nurse na tumapik ng aking balikat, tumayo na din ako sa aking kinauupuan at tumungo sa office ni Dr. Sylvia, habang naglalakad ay napatingin ako sa wrist watch ko.2:05 na ng hapon grabe nakatulog ako sa upuan ng ganun kahaba? Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad, bigla namang sumagi sa aking isipan si Dia dahil hanggang ngayon kasi wala pa din siya, kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at sinubukan muling tawag si Dia ngunit bigo pa rin ako katulad kanina, out of coverage area.Nasaan ka ba Dia? Kung kailan mas kailangan ka ni Tita Alondra ngayon tsaka ka naman hindi macontact. Tutya

    Last Updated : 2020-10-01
  • Unexpected Royal   Chapter 8: Bill

    Shine’s POVKadarating lang ni Dia matapos ko sa paggamit ng banyo, napansin ko na napatigil siya sa bandang pinto ng makita si Tita Alondra na nakahiga sa kama. Nilapitan ko siya ng makitang umiiyak na siya sa mga oras na iyon. Inalalayan ko siya na makaupo sa couch na nasa loob ng room ni Tita Alondra, umiiyak lang siya habang nakatingin kay Tita Alondra, iniabot ko sa kanya ang handkerchief na nasa bulsa ng disposable visitors gown na suot ko maging siya ay nakasuot ng ganito dahil required iyon lalo na kapag nandito sa loob ng ICU.“Dia okay na si Tita, kaya huwag ka ng mag alala.” Nginitian ko siya at hinawakan sa kamay habang patuloy pa rin siya sa pag iyak.“Anong sabi ni Dr. Sylvia?” Tanong niya nang punasan niya ang pisngi niya gamit ang kanang palad niya, ibinalik niya sa akin ang handkerchief na binigay ko sa kanya ng nakangiti ngunit bakas p

    Last Updated : 2020-10-01
  • Unexpected Royal   Chapter 9: The Long Lost Grand Princess of Rallnedia

    Kade’s POV“Excuse me.” Nagising ako ng marinig iyon, minulat ko ang aking mata at napatingala ako ng ulo, nilingon ko ang pinanggalingan niyon.Isang lalaking nakasuot ng puting coat habang nakalagay ang kaliwang kamay sa bulsa niyon, may nakasabit sa kanyang leeg na stethoscope habang may black and red ballpen na nakalagay sa kanang bulsa ng coat niya at napansin ko pa ang embroidery name niya. Dr. Rawn Santiago, iyon ang nakalagay sa coat niya.“Pasensya na pero bawal dito tumambay.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, tiningnan ko siya ng nakataas ang kilay samantalang steady pa rin ang postura niya. Hays itong doctor na ito mukhang walang pinag aralan, alam na ngang nagpapahinga ang tao papaalisin dito.“Kasama ako ng pasyente sa loob.” Iyon na lang ang sinabi ko at pumikit upang bumalik sa pagtulog.“Kailan pa nagkaroon ng bagong boy

    Last Updated : 2020-10-01
  • Unexpected Royal   Chapter 10: Nightmare

    ...Shine’s POV“What?!” Nagulat ako sa malakas na sigaw ng superior ko matapos kong sabihin ang pagleave ko sa loob ng tatlong araw.“Pero gagawin ko pa rin naman po ang mga documents na naiwan ko, kailangan lang po talaga ako ni Nanay sa hospital.” Nakatango kong sambit habang pinapakalma ang sarili sa mga sandaling iyon. Maaga akong umalis sa hospital para makapagpaalam ng maaga ngunit mukhang ayaw akong pagbigyan ng walang hiyang superior na ito.“Napagbigyan na kita na bumisita sa hospital noong mga nakaraang araw, sorry pero mas kailangan ka ngayon lalo na at nalalapit na ang fashion show ng Mondragon Company.”“Pero ma’am...“Still no, bumalik ka na sa trabaho mo.” Tumalikod siya sa akin at naglakad palabas ng opisina niya, nakatayo lang akong nakatango sa mga sandaling iyon.

    Last Updated : 2020-10-01
  • Unexpected Royal   Chapter 11: September 5

    Chapter 11: September 5Magdamag akong nagbabantay kay Mama matapos ang pamamasyal namin kanina ni Shaine sa buong opisina ng Blant Styl, kahit pagod ako ay nanatiling dilat ang mga mata ko na akala mo'y hindi napapagod."Marami akong tanong sayo Ma, ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Anak niyo po ba talaga ako?" Nakasimangot kong tanong sa aking Ina na nakahiga sa kama, hinawakan ko ang kamay niya sa mga sandaling iyon. Hindi ako makatulog, hindi rin ako mapakali sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang tungkol sa totoong pagkatao ko. Tsaka naiinis ako sa hitsura ni Nico kapag sinasabi niyang Prinsesa ako, hays Nico na naman.Una sa lahat pinipilit ko lang ang sarili ko na maniwala sa mga sinasabi nila, pero hindi pa rin nabubura sa puso't isipan ko na si Mama Alondra ang totoo kong magulang.Kung ako ang Prinsesa na matagal na nilang hinahanap bakit ngayon lang sila dumating sa buhay ko? Bak

    Last Updated : 2020-10-11

Latest chapter

  • Unexpected Royal   Epilogue

    Alira's POV "What is the meaning of this June?" Narinig ko ang tanong ni Shaine sa girlfriend niya na tila hindi alam ang isasagot sa mga sandaling iyon."Miss Sandoval! What the hell are you waiting for?!" sigaw ni Duke Markus.June? Ikaw? Bakit ikaw pa? Tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa kinaroroonan ni June."Eímai o sostós kyverítis tis Rallnedia." Natigilan naman ako ng marinig ang mahinang boses na iyon. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon na nasa likuran ko lamang. Dia? "Don't use someone else Duke!" naagaw ang atensyon ko ang sinabi ni Duchess Eve. Kaya muli kong ibinaling ang aking paningin sa unahan."Speak up Miss Sandoval!" sigaw ni Duke Markus. "Don't just zip your mouth, it's for your parents sake!" "Duke Markus, you have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law of this country. You have the right to consult an attorney. If you decide to answer questions now without a lawyer present, you h

  • Unexpected Royal   Chapter 60: Sacred Words

    And there you have it Duke Markus, akala mo ba papayag ako na paikutin mo ang ulo ng pinsan ko, sorry pero hindi ako papayag na mapasakamay mo ang kapangyarihan ng Rallnedia lalo na sa katayuan nito sa panahon ngayon. "And who are you?" "Alondra Madrigal, former personal maid of Queen Elisita Rosales Wayler," tugon ni Manang Aloi. Rinig sa kabuuan ng simbahan ang pagkagulat ng nakararami. Ibang eksena na naman ngayon ang masasaksihan ng buong mundo dahil kanina moment ni Duchess Eve at ni Duke Markus kasama ang alipores niya na nakatayo lamang sa gitna ng tensyon bago pa ako dumating, at syempre ilang sandali lang ay ako na ang center of attention matapos kong lumabas at magpakita sa media, sa pangatlong pagkakataon ay kay Manang Aloi na nakatuon ang bawat camera na nandito sa simabahan. Hindi ko kailangang pigilan ang anumang lumab

  • Unexpected Royal   Chapter 59: Majestic Necklace

    Flashback (One month before the coronation, and two months ago in the present day) Dia's POV"Sa hall na ito nakalagay ang bawat korona, robe, scepter at orb na ginamit ng mga naging pinuno ng Rallnedia." Nilibot ng aking mata ang kabuuan ng hall na tinutukoy ni Ma'am Vel. May isang malaking cabinet na may logo ng Rallnedia, at sa itaas na bahaging iyon ay mapapansin ang malaking transparent box na naglalaman ng korona. "Dito rin nakalagay ang mga seal ng bawat Duke at Duchess na natanggalan ng title matapos labagin ang batas ng bansang ito. Sa kanang bahagi kung saan mapapansin mo ang mga naglalakihang transparent glass storage." Nilingon ko iyon at napansin ang mga seal na tinutukoy niya, halos kasing laki lamang ito ng ballpen, nakalagay pa iyon sa pulang tela na tila'y mamahalin. Limang kulay itim na seal, dalawang kulay maroon, isang puti at isang kulay asul. "Sa pagsapit ng coronation mo ay ordinaryong korona ng Prinsesa lamang ang ilalagay sa ulo mo, habang ang korona nama

  • Unexpected Royal   Chapter 58: Emblem of Moral Truth

    Nico's POV Nakapako lang ang aking mga mata sa unahan ng altar kung saan nakatayo mula roon ang isang babae na nakasuot ng asul na gown. Walang reaksyon niyang nilapitan si Dia at yumuko sa harap ng maraming tao maging sa media. Mapapansin ko naman mula sa reaksyon ng aking ama ang ngiti na tila ba kasama sa plano niyang sirain ang pinakamahalagang araw ng Rallnedia. Sa dinami dami ng pwede mong gawin ngayong araw bakit ang ipakilala pa sa buong mundo ang isang viscountess na matagal ng nawalan ng posisyon? Tanong ko sa aking sarili sa mga sandaling nagsisimula ng magsitayuan ng mga nobles mula sa unahang bahagi ng simbahan. "I, Viscountess Margaux Ancheska Holmes of Hentorr. Here before all of you to prove that I am the real daughter of late King and Queen of Rallnedia," sambit ng babaeng iyon. Dahilan para magpanting ang tenga ko, hindi ko matiis ang mga nangyayari sa mga sandaling ito. "What is the meaning of this Duke Markus?" tanong ng Head Priest sa aking ama. "I believe tha

  • Unexpected Royal   Chapter 57: The Accession

    Aria's POV "Sa lahat ng nasa baba ng event staff sa building number two kayo. Kasama niyo rin ang mga nasa administration department," sambit ni Mr. Castor. "Kay Miss Avelino niyo na lang kunin ang assigned room niyo, nasa information desk siya naka-assigned ngayon then after that let's all gathered here again." Pagkatapos sabihin ni Mr. Castor ang mga paalalang iyon ay tumungo na rin kami ni Mocha sa kinaroroonan ng information desk kung saan naroroon si Miss Avelino. Sinundan lang namin ang iba naming kasama sa van kanina. Uminat inat pa ako dahil sa ngalay na nararamdaman ko magmula ng makababa sa van. "Nangalay ka ba kanina?" tanong sa akin ni Mocha. Tumango tango lang ako sa kanya bilang tugon, nakakatamad na din kasi magsalita matapos ang mahabang biyahe namin. Sa halos limang stop over namin ay hindi man lang ako nag-atubiling bumaba ng sasakyan. Kaya siguro sobrang nangalay ang aking binti at balikat, dahil ilang oras kong hindi ginalaw galaw ang aking katawan. "Miss G

  • Unexpected Royal   Chapter 56: Second Princess of Rallnedia

    Aria's POVNagising na lang ako matapos marinig ang alarm na nagmumula sa tabi ng aking kama. Agad ko na ring inasikaso ang lahat upang hindi malate.Mag aalas onse na ng umaga kaya sapat na sa akin ang 6 hours na tulog mula kaninang madaling araw matapos ang overtime ko sa trabaho.*DINGNapalingon ako sa kinaroroonan ng cellphone ko matapos makalabas mula sa banyo, hindi ko muna chineck kung sino ang nagmessage sa halip ay ipinagpatuloy ang pag-aasikaso sa mga gamit ko...."Aria bakit nandito ka?""Huh?"

  • Unexpected Royal   Chapter 55: Desperate

    ...Dia's POVHindi ko ipinaalam kina Ma'am Vel ang tungkol sa panibagong test for my DNA. Mahirap na baka matulad lang din dati na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang resulta.Ngunit hindi iyon ang inaalala ko sa ngayon kundi ang tungkol sa sinabi ni Duke Markus. Nakakapagtaka lang kung paano niya nalaman ang tungkol sa DNA, samantalang hindi naman namin inilabas sa publiko ang tungkol sa pagkuha ng specimen mula sa akin. Kaya ngayon mas maganda kung hindi involve sa another test si Ma'am Vel o kahit sino kina Shaine, June, Jeyya, Nico at maging si Gene....

  • Unexpected Royal   Chapter 54: Another Test

    Shaine's POVKahapon pa tahimik si Dia magmula ng matapos ang meeting with Royal Council. Pansin rin ni Mr. Hienz ang pagiging seryoso ni Dia sa training, halos limang oras na siyang nasa Royal Library upang pag-aralan ang mga speech niya sa accession.Hindi ako makapasok sa Royal Library dahil utos ni Dia na huwag magpapasok ng kahit sinos habang nasa loob siya."Nico hindi mo pa ba nakakausap si Mr. Hienz?""Hindi pa Shaine, at hindi niya pwedeng iwan ang Prinsesa sa Royal Library ng nag-iisa." Nag-aalala na ako, halos hindi niya rin ginalaw ang pagkain na ipinahanda ko matapos kong makabalik mula sa Cratemia."Hey babe, are you done with your work?" Agad naman akong lumapit kay June na kadarating lamang.

  • Unexpected Royal   Chapter 53: First Command

    Dia's POVMaaga akong nagising matapos marinig ang malakas na ingay na nagmumula sa pinto ng kuwarto ko. Pagkabangon ay agad ko ring tiningnan ang oras maging ang cellphone ko na nakalagay sa study table.Napakunot naman ang kilay ko nang marinig ang boses na nagmumula sa labas ng kuwarto ko, medyo malabo sa aking pandinig ang boses na iyon kaya hindi ko mawari kung sino ba ang nag mamay-ari ng mga iyon.Nacurious ako kaya sinubukan kong pakinggan iyon matapos kong ilapat sa pinto ang aking tainga. "Your Highness?""Ay palaka!" Tila may multong lumapit sa akin dahil biglang nagsitaasan ang balahibo ko nang magulat sa biglang nagsalita mula sa aking likuran."Your Highness, are you okay?"

DMCA.com Protection Status