.
.
.
Dia's POV
Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha sa magkabila kong mata habnag nakatango ang aking ulo, hindi ko na alam ang iisipin ko sa mga sandaling iyon, blanko ang utak ko at hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa akin. Nakasandal lang ako sa pader malapit sa emergency room, ayaw kong umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko lamang. Si Mama ang iniisip ko, ang kalagayan niya ngayon sa loob ng emergency room.
"Dia?"
Dahan dahan kong itinunghay ang aking ulo, mukha ni Shine ang sumalubong sa aking paningin ng tingnan ko ang pinangyarihan ng boses na iyon. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako, napahagulhol ako sa iyak ng gawin niya iyon, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, maging ang mga luhang walang humpay sa pag agos mula sa aking mata, ang sipon na kanina pa nagbabadya sa aking ilong ay hindi ko na din napigilan, ang gusto ko lang sa mga oras na iyon ay ang umiyak, ng umiyak.
"Safe si Tita kay Doc Sylvia, okay?" sambit ni Shine habang yakap yakap pa rin ako, kung dati mabilis niya akong mapakalma sa simpleng yakap niya at pag aalala, ngunit sa mga oras na ito walang epekto sa akin ang mga iyon ni Shine at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa mga nangyayari.
Kung kanina sobrang dami kong iniisip dahil sa sunod sunod na kamalasan ngayon naman nablanko na lang bigla ang utak ko nang makarating ako dito sa hospital.
.
.
.
Shine's POV
Nakaupo lang kaming dalawa ni Dia sa bakanteng upuan habang hinihintay na makalabas mula sa emergency room ang Doctor ni Tita Alondra, hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Dia magmula kanina. Naaawa ako sa kanya habang nakahawak siya sa kamay ko, kapatid na ang turing ko sa kanya magmula noon hanggang ngayon, siya ang best friend ko, na kapatid ko dahil wala akong kapatid at minsan kaaway ko din.
Sabay kaming lumaki ni Dia since 5 years old, kapitbahay namin sila noon pero nang lumipas ang mga taon lumipat kami ng bahay dahil nagresigned si Daddy sa trabaho niya at natanggap sa trabaho na hanggang ngayon ay mas mahal niya pa kaysa sa amin ni Nanay. Pero nang dahil sa trabaho niyang iyon nakatapos ako, at si Dia ang dahilan kung bakit natanggap si Daddy sa trabaho niya at siya din ang dahilan kung bakit nagtatrabaho ako sa isang sikat na kompanya, siya ang nagpasok sa akin sa kompanyang iyon bilang stylist na ngayon ay isa ng manager ng isang department, pangarap naming pareho ang maging isang simpleng office girl pero hindi ko akalain na mas higit pa pala doon ang mararating ko kasama ang best friend ko kahit na tinanggal na siya sa trabaho niya bilang stylist, kaya siya ang dahilan sa lahat ng magandang nangyayari sa buhay ko at ng pamilya ko. Kaya sa lahat ng desisyon niya sa buhay ay nakasuporta ako, hindi dahil sa utang na loob kundi dahil sa kabutihan niya, hindi lang sa akin at sa pamilya ko maging sa mga nasa paligid niya.
Masipag, matalino, mapagmahal, maganda, mabait kahit na minsan dragon kapag nagalit at higit sa lahat malakas si Dia, ngunit hindi ngayon. Nakikita ko sa kanya ang pag aalala niya sa Mama niya, maging ako ay nag aalala dahil naing parte na sila ng buhay ko noon hanggang ngayon. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay ang samahan si Dia at pakinggan ang kung anumang tumatakbo sa isipan niya ngayon.
Makalipas ang kalahating oras na paghihintay, napansin ko ang dahan dahang bumukas ang pinto ng emergency room. Agad kong ginising si Dia na nakasandal sa aking balikat na nakatulog kakaiyak.
"Doc kamusta po si Mama?" bungad na tanong ni Dia kay Doc Sylvia na nagtatanggal ng mask na nakaharang sa kanyang bibig.
Walang emosyon akong nababasa sa mukha niya ng matanggal ang mask na suot niya.
"She's fine now, pero kailangan pa naming obserbahan ang kalagayan ng kanan niyang baga," mahinhing sagot ni Doktora Sylvia, napabuntong hininga ako sa mga sandaling iyon, maya maya pa ay muling nagbukas ang pinto at bumungad sa amin ang kama kung saan nakahiga si Tita Alondra, tinutulak iyon ng apat na nurse, isang babae at tatlong lalaki.
.
.
.
Nasa labas ako ng kuwarto ni Tita Alondra habang hinihintay si Doktora Sylvia, may kailangan daw siyang sabihin sa akin sambit ng nurse na babae kanina at habang si Dia naman naiwan sa loob kasama ni Tita Alondra.
"Ms. Yong sa office na lang po kayo ni Doktora Sylvia tumungo," napalingon ako sa tumawag sa surname ko, nilingon ko muna si Dia na nasa loob at hawak hawak ang kamay ni Tita Alondra. Napakagat labi ako bago tumungo sa office ni Doktora Sylvia.
.
.
.
"Pasensya na Shine kung sayo ko sasabihin ang tungkol sa kalagayan ni Mrs. Madrigal."
Bigla akong kinabahan sa pambungad na sinabi ni Doktora Sylvia, napalunok pa ako ng laway habang naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
"Few days ago stable ang lahat ng vitals ni Mrs. Alondra, ngunit kaninang 9:25 am bigla siyang nagcollapsed habang inaayos ang kanyang room. Hindi na ako nagdalawang isip na tingnan kung bakit siya nagcollapsed, at ang kinugol namin sa kalahating oras kanina sa emergency room ay hindi surgery."
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Doc Sylvia dahil sa kulang na detalye niya, maya maya pa napansin niya siguro na hindi ko naintindihan ng ayos ang sinabi niya. May kinuha siyang isang malaking brown envelope sa kanang bahagi ng table niya, binuksan niya iyon at inilabas ang laman. Isang chest x ray ang ipinakita niya sa akin, wala akong maintindihan sa larawan dahil wala naman akong alam sa mga anatomy x ray.
"Ang binabantayan naming right lung ni Mrs. Alondra ay stable at healthy."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya, pero nagtaka ako ng biglang nawala sa mukha niya ang maaliwalas na hitsura.
"Ngunit hindi ang kanyang right pulmonary artery. Ito ang chest x ray niya kanina."
Inilagay niya sa may ilaw ang x ray at may itinuro sa kanang bahagi kung saan may naaninag akong tila ugat na katamtaman lang ang liit.
"Ito ang kanyang right pulmonary artery, kung saan lumiit ang daanan ng blood vessels papunta sa kanyang right lung. At ito ang nagging dahilan kung bakit bigla siya ngacollapsed kanina, naapektuhan ang kanyang puso dahil sa maliit na daanan ng blood vessels patungo sa kanyang right lung."
"Nagagamot naman po yan, diba?" tanong ko sa kanya, may kakilala kasi ako na may pulmonary hypertension din kaya alam kong magagamot pa iyon.
"Sa ngayon hindi ko masasabi kahit na may cure sa disease na ito."
Ibinalik ni Doc Sylvia ang chest x ray sa brown envelope na nasa table.
"Ayaw kong mag alala si Dia, lalo na at nalaman ko sa isa sa mga nurse na natanggal siya sa trabaho niya ngayong araw. Kaya sayo ko unang sinabi ang tungkol dito, upang may alam ka sa kalagayan ni Mrs. Alondra, at pasensya na din dahil mali ang test na ginawa namin sa kanya. Ang buong akala ko noong una right lung ang may komplikasyon sa kanya," pagpapaliwang ni Doc Sylvia sa akin.
"Okay lang po iyon, at least ngayon ay mas malinaw na kung ano ang dapat gawin upang magamot ang sakit ni Tita."
"Salamat sa pag unawa Shine, kung pwede huwag mo munang banggitin kay Dia ang tungkol dito."
Ngumiti ako ng pilit sa sinabi ni Doc Sylvia.
Lumabas na din ako sa office na iyon at bumalik sa kuwarto ni Tita Alondra, nakangiti akong pumasok sa kuwarto niya. Naabutan kong natutulog si Dia sa upuan habang nakahawak sa kamay ni Tita Alondra, napatingin ako kay Tita Alondra na nakatingin din sa akin, nakangiti siya sa akin kaya ginantihan ko na din siya ng ngiti. Lumapit ako at umupo sa tabi ni Dia.
"Salamat Shine, pero baka hinahanap na kayo sa opisina. Ayaw kong nagagalit sa inyo ang superior niyo."
Ngumiti lang ako sa sinabi ni Tita Alondra, ayaw ko munang banggitin sa kanya na wala na sa trabaho si Dia at mas makakabuti kung hindi ko muna babanggitin ang tungkol doon.
"Nagpaalam naman po kami kaya okay lang po," magalang kong sagot sa kanya, muli siyang ngumiti sa akin dahil sa sinabi ko. Manang mana si Dia kay Tita Alondra, parehong mabait, maaalahanin, mapagmahal, at madaming magagandang katangian na meron silang dalawa.
Masaya ako dahil ang tulad nila ang naging kasama ko sa buhay, lubos ang pasasalamat ko simula noong makilala ko sila at hanggang ngayon na kahit nasa ganitong kalagayan ang buhay nila ay nagagawa pa rin nilang ngumiti at ipakita na ayos lang sila. Ang maging parte ng buhay nila ay isang magandang scenario sa buhay ko, unforgettable at memorable, hinding hindi mabubura at mawawala sa puso at isip ko ang mag inang ito. Habang wala si Nanay si Tita Alondra ang nandiyan para sa amin ni Dia, ako na yata ang pinakamaswerte dahil nakilala ko sila. Hindi ko matutumbasan ang lahat ng magagandang bagay na ipinaranas nila sa akin.
Dia’s POVPinabalik ko na si Shine sa office niya dahil baka mawalan pa siya ng trabaho ng dahil sa akin, ako na lang muna ang magbabantay kay Mama habang wala pa akong nahahanap na trabaho. Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari ngayong araw, magmula kaninang umaga hanggang ngayong tanghali. May galit ba sa akin ang nasa itaas, sobra sobra na yata ang kamalasan na binibigay niya sa akin ngayong araw.“Anak okay lang ako, bumalik ka na sa trabaho mo.”Nginitian ko lang si Mama dahil sa sinabi niya, ginantihan naman niya iyon at ngumiti din na parang walang nararamdamang sakit sa loob ng katawan niya ngayon, ayaw ko munang sabihin sa kanya ang mga nangyari sa akin sa opisina kanina at mas makakabuti iyon sa kalagayan niya ngayon, akala ko kukunin na siya sa akin kanina kaya ganoon na lang ang paghagulhol ko sa
Dia’s POVMaaga akong umalis sa bahay at tinahak ang daan patungo sa terminal, nakangiti ang aking mga mata maging ang aking labi habang nakasakay sa jeep na nadatnan ko kanina. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din agad ang sinasakyan kong jeep, mukhang tinantanan na ako ng kamalasan ko, dahil wala kahit anong abirya sa pagsakay ko hanggang sa makarating dito sa city. Mas lumaki ang ngiti ko habang tinatahak ang daan patungo sa building ng Swisly Corporation.Nasa sidewalk pa lang ako sa tapat ng building ng may mapansin dahilan para mapakunot ang noo ko sa mga sandaling iyon, agad akong tumakbo papalapit sa building at gaya nga ng napansin ko kanina sarado iyon at walang katao tao kahit isa, patay ang lahat ng ilaw maliban sa apat na ilaw dito sa labas. Napatingin ako sa wrist watch ko, 7:40 pa lang ng umaga at 8:00 in the morning
Alondra’s POVI just finished my food when Dr. Sylvia came in. She's in her white doctor's gown and has a stethoscope hanging around her neck. I sat properly and flashed her a smile. She occupied the vacant chair on the left side of my hospital bed.“How are things, Doc?” I asked her as she sat down. I noticed that she sighed before answering my question.“Everything's fine Mrs. Madrigal. I should be the one asking that. How are you? We will be conducting your surgery tomorrow.” I drew a forced smile. I heaved a sigh during those moments, but I felt a tingling pain on my right chest. The smile I forced faded and was replaced by a poker face.“Are you alright?” She asked me next, but I just nod at her with a smile to make her believe that everything's fine. I gulped when I felt the pain once again. I closed my eyes when I fel
Someone’s POV“Are you sure you're gonna do that?” I chuckled with what he said. I am standing here at the lobby with a guy, waiting for all of the guests to finally leave the hall where we hosted the event. Some of the employees are still sending their greetings to the CEO who just arrived in the country for an important appointment. I thought that I will be handling that meeting alone, but fortunately, he was pursuaded. All thanks to his son who's been very busy managing a project of the company that's still under the process of advancement due to its complicated set of objectives. Although the said project took him 2 years of propagation and still counting, he has gained a lot of positive feedbacks and benefits for the company itself.Later, I saw Erick approaching me with his infamous poker face. Honestly, I haven't seen this man smile, not even once. “Everything's been settled, Mr. Swi
Shine's POVNagising ako ng maramdaman ang tapik sa aking kaliwang balikat, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa labas ng kuwarto ni Tita Alondra.“Miss Yong pinapatawag po kayo ni Dr. Sylvia sa kanyang office.” Sambit ng isang babaeng nurse na tumapik ng aking balikat, tumayo na din ako sa aking kinauupuan at tumungo sa office ni Dr. Sylvia, habang naglalakad ay napatingin ako sa wrist watch ko.2:05 na ng hapon grabe nakatulog ako sa upuan ng ganun kahaba? Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad, bigla namang sumagi sa aking isipan si Dia dahil hanggang ngayon kasi wala pa din siya, kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at sinubukan muling tawag si Dia ngunit bigo pa rin ako katulad kanina, out of coverage area.Nasaan ka ba Dia? Kung kailan mas kailangan ka ni Tita Alondra ngayon tsaka ka naman hindi macontact. Tutya
Shine’s POVKadarating lang ni Dia matapos ko sa paggamit ng banyo, napansin ko na napatigil siya sa bandang pinto ng makita si Tita Alondra na nakahiga sa kama. Nilapitan ko siya ng makitang umiiyak na siya sa mga oras na iyon. Inalalayan ko siya na makaupo sa couch na nasa loob ng room ni Tita Alondra, umiiyak lang siya habang nakatingin kay Tita Alondra, iniabot ko sa kanya ang handkerchief na nasa bulsa ng disposable visitors gown na suot ko maging siya ay nakasuot ng ganito dahil required iyon lalo na kapag nandito sa loob ng ICU.“Dia okay na si Tita, kaya huwag ka ng mag alala.” Nginitian ko siya at hinawakan sa kamay habang patuloy pa rin siya sa pag iyak.“Anong sabi ni Dr. Sylvia?” Tanong niya nang punasan niya ang pisngi niya gamit ang kanang palad niya, ibinalik niya sa akin ang handkerchief na binigay ko sa kanya ng nakangiti ngunit bakas p
Kade’s POV“Excuse me.” Nagising ako ng marinig iyon, minulat ko ang aking mata at napatingala ako ng ulo, nilingon ko ang pinanggalingan niyon.Isang lalaking nakasuot ng puting coat habang nakalagay ang kaliwang kamay sa bulsa niyon, may nakasabit sa kanyang leeg na stethoscope habang may black and red ballpen na nakalagay sa kanang bulsa ng coat niya at napansin ko pa ang embroidery name niya. Dr. Rawn Santiago, iyon ang nakalagay sa coat niya.“Pasensya na pero bawal dito tumambay.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, tiningnan ko siya ng nakataas ang kilay samantalang steady pa rin ang postura niya. Hays itong doctor na ito mukhang walang pinag aralan, alam na ngang nagpapahinga ang tao papaalisin dito.“Kasama ako ng pasyente sa loob.” Iyon na lang ang sinabi ko at pumikit upang bumalik sa pagtulog.“Kailan pa nagkaroon ng bagong boy
...Shine’s POV“What?!” Nagulat ako sa malakas na sigaw ng superior ko matapos kong sabihin ang pagleave ko sa loob ng tatlong araw.“Pero gagawin ko pa rin naman po ang mga documents na naiwan ko, kailangan lang po talaga ako ni Nanay sa hospital.” Nakatango kong sambit habang pinapakalma ang sarili sa mga sandaling iyon. Maaga akong umalis sa hospital para makapagpaalam ng maaga ngunit mukhang ayaw akong pagbigyan ng walang hiyang superior na ito.“Napagbigyan na kita na bumisita sa hospital noong mga nakaraang araw, sorry pero mas kailangan ka ngayon lalo na at nalalapit na ang fashion show ng Mondragon Company.”“Pero ma’am...“Still no, bumalik ka na sa trabaho mo.” Tumalikod siya sa akin at naglakad palabas ng opisina niya, nakatayo lang akong nakatango sa mga sandaling iyon.
Alira's POV "What is the meaning of this June?" Narinig ko ang tanong ni Shaine sa girlfriend niya na tila hindi alam ang isasagot sa mga sandaling iyon."Miss Sandoval! What the hell are you waiting for?!" sigaw ni Duke Markus.June? Ikaw? Bakit ikaw pa? Tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa kinaroroonan ni June."Eímai o sostós kyverítis tis Rallnedia." Natigilan naman ako ng marinig ang mahinang boses na iyon. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon na nasa likuran ko lamang. Dia? "Don't use someone else Duke!" naagaw ang atensyon ko ang sinabi ni Duchess Eve. Kaya muli kong ibinaling ang aking paningin sa unahan."Speak up Miss Sandoval!" sigaw ni Duke Markus. "Don't just zip your mouth, it's for your parents sake!" "Duke Markus, you have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law of this country. You have the right to consult an attorney. If you decide to answer questions now without a lawyer present, you h
And there you have it Duke Markus, akala mo ba papayag ako na paikutin mo ang ulo ng pinsan ko, sorry pero hindi ako papayag na mapasakamay mo ang kapangyarihan ng Rallnedia lalo na sa katayuan nito sa panahon ngayon. "And who are you?" "Alondra Madrigal, former personal maid of Queen Elisita Rosales Wayler," tugon ni Manang Aloi. Rinig sa kabuuan ng simbahan ang pagkagulat ng nakararami. Ibang eksena na naman ngayon ang masasaksihan ng buong mundo dahil kanina moment ni Duchess Eve at ni Duke Markus kasama ang alipores niya na nakatayo lamang sa gitna ng tensyon bago pa ako dumating, at syempre ilang sandali lang ay ako na ang center of attention matapos kong lumabas at magpakita sa media, sa pangatlong pagkakataon ay kay Manang Aloi na nakatuon ang bawat camera na nandito sa simabahan. Hindi ko kailangang pigilan ang anumang lumab
Flashback (One month before the coronation, and two months ago in the present day) Dia's POV"Sa hall na ito nakalagay ang bawat korona, robe, scepter at orb na ginamit ng mga naging pinuno ng Rallnedia." Nilibot ng aking mata ang kabuuan ng hall na tinutukoy ni Ma'am Vel. May isang malaking cabinet na may logo ng Rallnedia, at sa itaas na bahaging iyon ay mapapansin ang malaking transparent box na naglalaman ng korona. "Dito rin nakalagay ang mga seal ng bawat Duke at Duchess na natanggalan ng title matapos labagin ang batas ng bansang ito. Sa kanang bahagi kung saan mapapansin mo ang mga naglalakihang transparent glass storage." Nilingon ko iyon at napansin ang mga seal na tinutukoy niya, halos kasing laki lamang ito ng ballpen, nakalagay pa iyon sa pulang tela na tila'y mamahalin. Limang kulay itim na seal, dalawang kulay maroon, isang puti at isang kulay asul. "Sa pagsapit ng coronation mo ay ordinaryong korona ng Prinsesa lamang ang ilalagay sa ulo mo, habang ang korona nama
Nico's POV Nakapako lang ang aking mga mata sa unahan ng altar kung saan nakatayo mula roon ang isang babae na nakasuot ng asul na gown. Walang reaksyon niyang nilapitan si Dia at yumuko sa harap ng maraming tao maging sa media. Mapapansin ko naman mula sa reaksyon ng aking ama ang ngiti na tila ba kasama sa plano niyang sirain ang pinakamahalagang araw ng Rallnedia. Sa dinami dami ng pwede mong gawin ngayong araw bakit ang ipakilala pa sa buong mundo ang isang viscountess na matagal ng nawalan ng posisyon? Tanong ko sa aking sarili sa mga sandaling nagsisimula ng magsitayuan ng mga nobles mula sa unahang bahagi ng simbahan. "I, Viscountess Margaux Ancheska Holmes of Hentorr. Here before all of you to prove that I am the real daughter of late King and Queen of Rallnedia," sambit ng babaeng iyon. Dahilan para magpanting ang tenga ko, hindi ko matiis ang mga nangyayari sa mga sandaling ito. "What is the meaning of this Duke Markus?" tanong ng Head Priest sa aking ama. "I believe tha
Aria's POV "Sa lahat ng nasa baba ng event staff sa building number two kayo. Kasama niyo rin ang mga nasa administration department," sambit ni Mr. Castor. "Kay Miss Avelino niyo na lang kunin ang assigned room niyo, nasa information desk siya naka-assigned ngayon then after that let's all gathered here again." Pagkatapos sabihin ni Mr. Castor ang mga paalalang iyon ay tumungo na rin kami ni Mocha sa kinaroroonan ng information desk kung saan naroroon si Miss Avelino. Sinundan lang namin ang iba naming kasama sa van kanina. Uminat inat pa ako dahil sa ngalay na nararamdaman ko magmula ng makababa sa van. "Nangalay ka ba kanina?" tanong sa akin ni Mocha. Tumango tango lang ako sa kanya bilang tugon, nakakatamad na din kasi magsalita matapos ang mahabang biyahe namin. Sa halos limang stop over namin ay hindi man lang ako nag-atubiling bumaba ng sasakyan. Kaya siguro sobrang nangalay ang aking binti at balikat, dahil ilang oras kong hindi ginalaw galaw ang aking katawan. "Miss G
Aria's POVNagising na lang ako matapos marinig ang alarm na nagmumula sa tabi ng aking kama. Agad ko na ring inasikaso ang lahat upang hindi malate.Mag aalas onse na ng umaga kaya sapat na sa akin ang 6 hours na tulog mula kaninang madaling araw matapos ang overtime ko sa trabaho.*DINGNapalingon ako sa kinaroroonan ng cellphone ko matapos makalabas mula sa banyo, hindi ko muna chineck kung sino ang nagmessage sa halip ay ipinagpatuloy ang pag-aasikaso sa mga gamit ko...."Aria bakit nandito ka?""Huh?"
...Dia's POVHindi ko ipinaalam kina Ma'am Vel ang tungkol sa panibagong test for my DNA. Mahirap na baka matulad lang din dati na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang resulta.Ngunit hindi iyon ang inaalala ko sa ngayon kundi ang tungkol sa sinabi ni Duke Markus. Nakakapagtaka lang kung paano niya nalaman ang tungkol sa DNA, samantalang hindi naman namin inilabas sa publiko ang tungkol sa pagkuha ng specimen mula sa akin. Kaya ngayon mas maganda kung hindi involve sa another test si Ma'am Vel o kahit sino kina Shaine, June, Jeyya, Nico at maging si Gene....
Shaine's POVKahapon pa tahimik si Dia magmula ng matapos ang meeting with Royal Council. Pansin rin ni Mr. Hienz ang pagiging seryoso ni Dia sa training, halos limang oras na siyang nasa Royal Library upang pag-aralan ang mga speech niya sa accession.Hindi ako makapasok sa Royal Library dahil utos ni Dia na huwag magpapasok ng kahit sinos habang nasa loob siya."Nico hindi mo pa ba nakakausap si Mr. Hienz?""Hindi pa Shaine, at hindi niya pwedeng iwan ang Prinsesa sa Royal Library ng nag-iisa." Nag-aalala na ako, halos hindi niya rin ginalaw ang pagkain na ipinahanda ko matapos kong makabalik mula sa Cratemia."Hey babe, are you done with your work?" Agad naman akong lumapit kay June na kadarating lamang.
Dia's POVMaaga akong nagising matapos marinig ang malakas na ingay na nagmumula sa pinto ng kuwarto ko. Pagkabangon ay agad ko ring tiningnan ang oras maging ang cellphone ko na nakalagay sa study table.Napakunot naman ang kilay ko nang marinig ang boses na nagmumula sa labas ng kuwarto ko, medyo malabo sa aking pandinig ang boses na iyon kaya hindi ko mawari kung sino ba ang nag mamay-ari ng mga iyon.Nacurious ako kaya sinubukan kong pakinggan iyon matapos kong ilapat sa pinto ang aking tainga. "Your Highness?""Ay palaka!" Tila may multong lumapit sa akin dahil biglang nagsitaasan ang balahibo ko nang magulat sa biglang nagsalita mula sa aking likuran."Your Highness, are you okay?"