Shine's POV
Nagising ako ng maramdaman ang tapik sa aking kaliwang balikat, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa labas ng kuwarto ni Tita Alondra.
“Miss Yong pinapatawag po kayo ni Dr. Sylvia sa kanyang office.” Sambit ng isang babaeng nurse na tumapik ng aking balikat, tumayo na din ako sa aking kinauupuan at tumungo sa office ni Dr. Sylvia, habang naglalakad ay napatingin ako sa wrist watch ko.
2:05 na ng hapon grabe nakatulog ako sa upuan ng ganun kahaba? Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad, bigla namang sumagi sa aking isipan si Dia dahil hanggang ngayon kasi wala pa din siya, kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at sinubukan muling tawag si Dia ngunit bigo pa rin ako katulad kanina, out of coverage area.
Nasaan ka ba Dia? Kung kailan mas kailangan ka ni Tita Alondra ngayon tsaka ka naman hindi macontact. Tutya
Shine’s POVKadarating lang ni Dia matapos ko sa paggamit ng banyo, napansin ko na napatigil siya sa bandang pinto ng makita si Tita Alondra na nakahiga sa kama. Nilapitan ko siya ng makitang umiiyak na siya sa mga oras na iyon. Inalalayan ko siya na makaupo sa couch na nasa loob ng room ni Tita Alondra, umiiyak lang siya habang nakatingin kay Tita Alondra, iniabot ko sa kanya ang handkerchief na nasa bulsa ng disposable visitors gown na suot ko maging siya ay nakasuot ng ganito dahil required iyon lalo na kapag nandito sa loob ng ICU.“Dia okay na si Tita, kaya huwag ka ng mag alala.” Nginitian ko siya at hinawakan sa kamay habang patuloy pa rin siya sa pag iyak.“Anong sabi ni Dr. Sylvia?” Tanong niya nang punasan niya ang pisngi niya gamit ang kanang palad niya, ibinalik niya sa akin ang handkerchief na binigay ko sa kanya ng nakangiti ngunit bakas p
Kade’s POV“Excuse me.” Nagising ako ng marinig iyon, minulat ko ang aking mata at napatingala ako ng ulo, nilingon ko ang pinanggalingan niyon.Isang lalaking nakasuot ng puting coat habang nakalagay ang kaliwang kamay sa bulsa niyon, may nakasabit sa kanyang leeg na stethoscope habang may black and red ballpen na nakalagay sa kanang bulsa ng coat niya at napansin ko pa ang embroidery name niya. Dr. Rawn Santiago, iyon ang nakalagay sa coat niya.“Pasensya na pero bawal dito tumambay.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, tiningnan ko siya ng nakataas ang kilay samantalang steady pa rin ang postura niya. Hays itong doctor na ito mukhang walang pinag aralan, alam na ngang nagpapahinga ang tao papaalisin dito.“Kasama ako ng pasyente sa loob.” Iyon na lang ang sinabi ko at pumikit upang bumalik sa pagtulog.“Kailan pa nagkaroon ng bagong boy
...Shine’s POV“What?!” Nagulat ako sa malakas na sigaw ng superior ko matapos kong sabihin ang pagleave ko sa loob ng tatlong araw.“Pero gagawin ko pa rin naman po ang mga documents na naiwan ko, kailangan lang po talaga ako ni Nanay sa hospital.” Nakatango kong sambit habang pinapakalma ang sarili sa mga sandaling iyon. Maaga akong umalis sa hospital para makapagpaalam ng maaga ngunit mukhang ayaw akong pagbigyan ng walang hiyang superior na ito.“Napagbigyan na kita na bumisita sa hospital noong mga nakaraang araw, sorry pero mas kailangan ka ngayon lalo na at nalalapit na ang fashion show ng Mondragon Company.”“Pero ma’am...“Still no, bumalik ka na sa trabaho mo.” Tumalikod siya sa akin at naglakad palabas ng opisina niya, nakatayo lang akong nakatango sa mga sandaling iyon.
Chapter 11: September 5Magdamag akong nagbabantay kay Mama matapos ang pamamasyal namin kanina ni Shaine sa buong opisina ng Blant Styl, kahit pagod ako ay nanatiling dilat ang mga mata ko na akala mo'y hindi napapagod."Marami akong tanong sayo Ma, ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Anak niyo po ba talaga ako?" Nakasimangot kong tanong sa aking Ina na nakahiga sa kama, hinawakan ko ang kamay niya sa mga sandaling iyon. Hindi ako makatulog, hindi rin ako mapakali sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang tungkol sa totoong pagkatao ko. Tsaka naiinis ako sa hitsura ni Nico kapag sinasabi niyang Prinsesa ako, hays Nico na naman.Una sa lahat pinipilit ko lang ang sarili ko na maniwala sa mga sinasabi nila, pero hindi pa rin nabubura sa puso't isipan ko na si Mama Alondra ang totoo kong magulang.Kung ako ang Prinsesa na matagal na nilang hinahanap bakit ngayon lang sila dumating sa buhay ko? Bak
Nico's POV"Kade, cancel all my appointment this coming week.""Even your appointment with Miss Alira Bernardo?" "No, just reschedule it.""Should I call her manager about this?""Yeah sure."Naiwan ako mag-isa sa opisina ng lumabas si Kade sa terrace upang tawagan ang manager ni Alira, last appointment ko ang puntahan ang mga model para sa fashion show na magaganap ngayon. Kahit abala ako dito sa opisina ay hindi mawala sa isip ko kung ano na ba ang status ng lesson ni Dia sa mga oras na ito maging ang kalagayan ni Mrs. Madrigal na naka confine ngayon sa hospital.Binuksan ko ang laptop upang icheck ang nangyayari sa Blant Styl sa mga sandaling ito. Mula doon ay nakaupo si Dia sa tabi habang nakatingi
Dia's POVHanggang ngayon ay lutang pa rin ang isip ko at di makapagfocus sa aking ginagawa."Naintindihan mo ba lahat?" Blankong mukha lang ang naisagot ko kay Shaine habang hawak ang mga libro na ilalagay na sana sa bandang ulo ko."Huwag mo akong bigyan ng ganyang sagot, tsaka may kasalanan ka pa sa akin." Ibinagsak niya ang tatlong libro sa mesa sabay talikod sa akin.Problema ba nitong babaeng 'to? Kanina pa siya ganyan, akala mo naman naglilihi na ewan. Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin lang kay Shaine."Within 30 minutes dapat matapos mo 'yan. Para kapag pumunta na dito si Nico at si
Dia's POVKakatapos ko lang gumamit ng banyo ng mapansin si Shaine at June este Kirssen na nag uusap sa living area ng bahay ni Brenda. Habang si Nico na demonyo naman, nakikipaghuntahan sa ibang bisita ni Brenda."Dia wala ka bang napapansin?" Napatingin ako kay Brando as in Brenda ng lumapit siya sa akin, may hawak pa siyang baso na may lamang rum."Saan?""Kasi kanina pa nag uusap 'yang dalawa, hindi tuloy makasingit ang mga bwesita ko kay Shaine." Napailing na lang ako sa sinabi ni Brenda."Hay naku hayaan mo na 'yang dalawa, tsaka aalis na din kami maya maya.""Ha? Agad agad? Ano 'yun nakikain ka lang dito sa amin? Eat and run ang peg?"
"Salamat po, pasensya na din.""Ayos lang Dia, naiintidihan ko naman." Nginitian lang ako ni Dr. Sylvia matapos sabihin iyon, napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya ngunit nahihiya na talaga ako sa kanya, maging kay Adelaine na nagbabantay kay Mama araw araw.Dalawang linggo na ang nakakalipas ngunit ngayon lang muli ako nakadalaw kay Mama, mabuti na lang may dalawang araw akong pahinga bago muling ipagpatuloy ang trabaho ko ngunit mukhang bukas hindi ako makakadalaw maghapon dahil sa appointment ko with board of directors ng Blant Styl.Hays hindi naman dalawa araw na pahinga iyon dahil kailangan kong pumunta ng ala una ng hapon bukas upang humarap sa board of directors."Magpahinga ka muna, mukhang pagod ka pa.""Ayos lang po ako, tsaka gusto ko pong magpahinga muna si Adelaine ngayong araw sa pagbabantay kay Mama.""Maayos ang pagpap
Alira's POV "What is the meaning of this June?" Narinig ko ang tanong ni Shaine sa girlfriend niya na tila hindi alam ang isasagot sa mga sandaling iyon."Miss Sandoval! What the hell are you waiting for?!" sigaw ni Duke Markus.June? Ikaw? Bakit ikaw pa? Tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa kinaroroonan ni June."Eímai o sostós kyverítis tis Rallnedia." Natigilan naman ako ng marinig ang mahinang boses na iyon. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon na nasa likuran ko lamang. Dia? "Don't use someone else Duke!" naagaw ang atensyon ko ang sinabi ni Duchess Eve. Kaya muli kong ibinaling ang aking paningin sa unahan."Speak up Miss Sandoval!" sigaw ni Duke Markus. "Don't just zip your mouth, it's for your parents sake!" "Duke Markus, you have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law of this country. You have the right to consult an attorney. If you decide to answer questions now without a lawyer present, you h
And there you have it Duke Markus, akala mo ba papayag ako na paikutin mo ang ulo ng pinsan ko, sorry pero hindi ako papayag na mapasakamay mo ang kapangyarihan ng Rallnedia lalo na sa katayuan nito sa panahon ngayon. "And who are you?" "Alondra Madrigal, former personal maid of Queen Elisita Rosales Wayler," tugon ni Manang Aloi. Rinig sa kabuuan ng simbahan ang pagkagulat ng nakararami. Ibang eksena na naman ngayon ang masasaksihan ng buong mundo dahil kanina moment ni Duchess Eve at ni Duke Markus kasama ang alipores niya na nakatayo lamang sa gitna ng tensyon bago pa ako dumating, at syempre ilang sandali lang ay ako na ang center of attention matapos kong lumabas at magpakita sa media, sa pangatlong pagkakataon ay kay Manang Aloi na nakatuon ang bawat camera na nandito sa simabahan. Hindi ko kailangang pigilan ang anumang lumab
Flashback (One month before the coronation, and two months ago in the present day) Dia's POV"Sa hall na ito nakalagay ang bawat korona, robe, scepter at orb na ginamit ng mga naging pinuno ng Rallnedia." Nilibot ng aking mata ang kabuuan ng hall na tinutukoy ni Ma'am Vel. May isang malaking cabinet na may logo ng Rallnedia, at sa itaas na bahaging iyon ay mapapansin ang malaking transparent box na naglalaman ng korona. "Dito rin nakalagay ang mga seal ng bawat Duke at Duchess na natanggalan ng title matapos labagin ang batas ng bansang ito. Sa kanang bahagi kung saan mapapansin mo ang mga naglalakihang transparent glass storage." Nilingon ko iyon at napansin ang mga seal na tinutukoy niya, halos kasing laki lamang ito ng ballpen, nakalagay pa iyon sa pulang tela na tila'y mamahalin. Limang kulay itim na seal, dalawang kulay maroon, isang puti at isang kulay asul. "Sa pagsapit ng coronation mo ay ordinaryong korona ng Prinsesa lamang ang ilalagay sa ulo mo, habang ang korona nama
Nico's POV Nakapako lang ang aking mga mata sa unahan ng altar kung saan nakatayo mula roon ang isang babae na nakasuot ng asul na gown. Walang reaksyon niyang nilapitan si Dia at yumuko sa harap ng maraming tao maging sa media. Mapapansin ko naman mula sa reaksyon ng aking ama ang ngiti na tila ba kasama sa plano niyang sirain ang pinakamahalagang araw ng Rallnedia. Sa dinami dami ng pwede mong gawin ngayong araw bakit ang ipakilala pa sa buong mundo ang isang viscountess na matagal ng nawalan ng posisyon? Tanong ko sa aking sarili sa mga sandaling nagsisimula ng magsitayuan ng mga nobles mula sa unahang bahagi ng simbahan. "I, Viscountess Margaux Ancheska Holmes of Hentorr. Here before all of you to prove that I am the real daughter of late King and Queen of Rallnedia," sambit ng babaeng iyon. Dahilan para magpanting ang tenga ko, hindi ko matiis ang mga nangyayari sa mga sandaling ito. "What is the meaning of this Duke Markus?" tanong ng Head Priest sa aking ama. "I believe tha
Aria's POV "Sa lahat ng nasa baba ng event staff sa building number two kayo. Kasama niyo rin ang mga nasa administration department," sambit ni Mr. Castor. "Kay Miss Avelino niyo na lang kunin ang assigned room niyo, nasa information desk siya naka-assigned ngayon then after that let's all gathered here again." Pagkatapos sabihin ni Mr. Castor ang mga paalalang iyon ay tumungo na rin kami ni Mocha sa kinaroroonan ng information desk kung saan naroroon si Miss Avelino. Sinundan lang namin ang iba naming kasama sa van kanina. Uminat inat pa ako dahil sa ngalay na nararamdaman ko magmula ng makababa sa van. "Nangalay ka ba kanina?" tanong sa akin ni Mocha. Tumango tango lang ako sa kanya bilang tugon, nakakatamad na din kasi magsalita matapos ang mahabang biyahe namin. Sa halos limang stop over namin ay hindi man lang ako nag-atubiling bumaba ng sasakyan. Kaya siguro sobrang nangalay ang aking binti at balikat, dahil ilang oras kong hindi ginalaw galaw ang aking katawan. "Miss G
Aria's POVNagising na lang ako matapos marinig ang alarm na nagmumula sa tabi ng aking kama. Agad ko na ring inasikaso ang lahat upang hindi malate.Mag aalas onse na ng umaga kaya sapat na sa akin ang 6 hours na tulog mula kaninang madaling araw matapos ang overtime ko sa trabaho.*DINGNapalingon ako sa kinaroroonan ng cellphone ko matapos makalabas mula sa banyo, hindi ko muna chineck kung sino ang nagmessage sa halip ay ipinagpatuloy ang pag-aasikaso sa mga gamit ko...."Aria bakit nandito ka?""Huh?"
...Dia's POVHindi ko ipinaalam kina Ma'am Vel ang tungkol sa panibagong test for my DNA. Mahirap na baka matulad lang din dati na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang resulta.Ngunit hindi iyon ang inaalala ko sa ngayon kundi ang tungkol sa sinabi ni Duke Markus. Nakakapagtaka lang kung paano niya nalaman ang tungkol sa DNA, samantalang hindi naman namin inilabas sa publiko ang tungkol sa pagkuha ng specimen mula sa akin. Kaya ngayon mas maganda kung hindi involve sa another test si Ma'am Vel o kahit sino kina Shaine, June, Jeyya, Nico at maging si Gene....
Shaine's POVKahapon pa tahimik si Dia magmula ng matapos ang meeting with Royal Council. Pansin rin ni Mr. Hienz ang pagiging seryoso ni Dia sa training, halos limang oras na siyang nasa Royal Library upang pag-aralan ang mga speech niya sa accession.Hindi ako makapasok sa Royal Library dahil utos ni Dia na huwag magpapasok ng kahit sinos habang nasa loob siya."Nico hindi mo pa ba nakakausap si Mr. Hienz?""Hindi pa Shaine, at hindi niya pwedeng iwan ang Prinsesa sa Royal Library ng nag-iisa." Nag-aalala na ako, halos hindi niya rin ginalaw ang pagkain na ipinahanda ko matapos kong makabalik mula sa Cratemia."Hey babe, are you done with your work?" Agad naman akong lumapit kay June na kadarating lamang.
Dia's POVMaaga akong nagising matapos marinig ang malakas na ingay na nagmumula sa pinto ng kuwarto ko. Pagkabangon ay agad ko ring tiningnan ang oras maging ang cellphone ko na nakalagay sa study table.Napakunot naman ang kilay ko nang marinig ang boses na nagmumula sa labas ng kuwarto ko, medyo malabo sa aking pandinig ang boses na iyon kaya hindi ko mawari kung sino ba ang nag mamay-ari ng mga iyon.Nacurious ako kaya sinubukan kong pakinggan iyon matapos kong ilapat sa pinto ang aking tainga. "Your Highness?""Ay palaka!" Tila may multong lumapit sa akin dahil biglang nagsitaasan ang balahibo ko nang magulat sa biglang nagsalita mula sa aking likuran."Your Highness, are you okay?"