"Salamat po, pasensya na din."
"Ayos lang Dia, naiintidihan ko naman." Nginitian lang ako ni Dr. Sylvia matapos sabihin iyon, napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya ngunit nahihiya na talaga ako sa kanya, maging kay Adelaine na nagbabantay kay Mama araw araw.
Dalawang linggo na ang nakakalipas ngunit ngayon lang muli ako nakadalaw kay Mama, mabuti na lang may dalawang araw akong pahinga bago muling ipagpatuloy ang trabaho ko ngunit mukhang bukas hindi ako makakadalaw maghapon dahil sa appointment ko with board of directors ng Blant Styl.
Hays hindi naman dalawa araw na pahinga iyon dahil kailangan kong pumunta ng ala una ng hapon bukas upang humarap sa board of directors.
"Magpahinga ka muna, mukhang pagod ka pa."
"Ayos lang po ako, tsaka gusto ko pong magpahinga muna si Adelaine ngayong araw sa pagbabantay kay Mama."
"Maayos ang pagpap
Shine's POV"Ngayong araw uuwi si Mr. Makiel Vergel Fernando kaya after works ay may padinner ang kompanya sa pagbabalik ng ating CEO." Naghiyawan ang mga ka-officemate ko na mahilig kumain sa labas, lalo na ang mga lalaki sa photography department. Maya maya pa ay nagsibalikan na sila sa kanilang table at room.After several months makikita ko na rin ang boss namin, at mananahimik na ang kontrabida sa buhay namin dito sa office, sino pa ba? Walang iba kundi ang superior naman na si Karen."Shine may nagpapabigay sayo." Lumapit sa akin si Maine at iniabot ang isang paper bag, kinuha ko naman iyon at binuksan."Kay admirer ba ulit 'yan galing?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Maine sa halip ay ibinalik sa paper bag ng makita kung ano ang laman niyon. Mag dadalawang linggo
...Dia's POVLumipas ang magkakasunod na araw, ang ilan ay nagbago sa opisina maging sa bahay.Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa notebook at papel na nasa harapan ko, hindi ako makapagconcentrate sa tuwing nag-iingay ang dalawang kasama ko dito sa conference room."Ilang araw mo na hindi macompute ang formulang 'yan?""Ayaw mo ba talaga magpatulong sa aming dalawa?" Tiningnan ko lang si Shaine na abala sa paghawi sa buhok ng jowa niya."Yeah babe is right, last night you could hardly go home because of that. "Panggagatong naman ni Kirssen at tuwang tuwa sa ginagawa sa kanya ni Shaine."Dia tutulungan na kita diyan." Hindi ko na lang pinansin ang dalawa na walang ginawa kundi magharutan sa harap ko. Sino pa ba? Kundi si Shaine at si Kirssen, noong nakaraang linggo lang halos araw araw silang nag-aaway at nagbabangayan, ngayon naman parang mga linta na hindi mapaghiwalay.Lumipas ang ilang minuto ngunit nanatili pa rin akong nakaharap sa mga numero na nakasulat sa papel at notebook
Dia's POV"Sa ngayon wala pa kaming mahanap na bagong secretary, kaya si Shaine pa rin ang makakasama mo sa susunod na mga araw." "Naiintidihan ko po." Ibinaling ko ang atensyon sa labas ng bintana kung saan tanaw ang nagtataasan at naglalaking mga gusali sa paligid nitong Blant Styl na may palapag na umaabot hanggang 30."Is this about what she did two days ago?""Hindi po." Tipid kong sagot sa kanya. Nakaramdam ako ng kaba sa mga oras na iyon, hindi ko din kasi alam kung bakit ganun na lang ang inasta ko noong mismong araw na iyon. Okay naman ako noong umaga pagkarating ng opisina, pero nagbago ng sumapit ang pananghalian. Ibinalik ko na lang ang atensyon sa binabasa kong libro, halos patapos na din kasi ako kaya tatapusin ko na ngayong araw."Bakit gusto mong ilipat si Shaine?" Alam kong nag-aalala si Ma'am Vel kung bakit biglaan ang desisyon kon
Dia's POV"I did not bring any work here. Like what I said two days ago take your break.""Pero---"It's fine Dia, pagbalik na lang natin saka mo isipin ang mga bagay na 'yun. Just enjoy this three days vacation.""Okay po.""Kahapon subsob ka sa pagrereview pagkarating natin. I want you to enjoy this vacation, okay?" Ngumiti lang ako kay Ma'am Vel matapos niya sabihin sa akin ang mga iyon.Maya maya pa ay umalis na din siya kaya naiwan ako mag-isa dito sa villa. Nabanggit din ni Ma'am Vel kahapon na susunod si Shaine at mamayang hapon nandito na siya, kaya sinubsob ko ang sarili ko sa pagrereview ngunit walang pumasok kahit isa sa utak ko sa lahat ng binasa ko, useless din ang pagiging abala na kaharap ang mga libro. I'm pretty sure na isasama niya si June kaya mas lalo akong naiinis, okay na sana kung si Brenda na lang
Dia's POVKinagabihan ay bumalik na din ako sa loob ng villa upang kumain ng dinner. Hindi na ako nakaligo sa pool dahil ayaw kong makita si Shaine at ang kasama niya, kaya maghapon akong naglakad lakad sa tabing dagat. Hindi naman ako nabore dahil may nakilala akong ibang guest sa katabing villa dito sa may west.Nang makarating ay naabutan ko si Ma'am Vel na abala sa kanyang kausap sa telepono habang ang chef naman na nakasuot ng uniform ay nasa harap ng dining table. Lumapit ako doon at pinanood ang ginagawa niya.*Good evening Ma'am." Nakangiti niyang bati sa akin, ginantihan ko naman siya ng ngiti nang makita ko kung paano niya paikutin sa hawak niyang stainless spatula ang isang itlog. Maya maya pa ay itinaktak niya iyon at unti unting lumabas doon ang laman nito. Pagkatapos ay agad niyang nilagyan ng mga gulay at ng
Dia's POVMatapos naming magscuba diving ni Mariel ay nagpahinga muna kami bago bumalik sa Amanpulo.Hindi ko talaga akalain na babae si Mariel, paano ba naman matangkad siya, ang gupit pa ng buhok ay panlalaki, mababa ang boses tapos flat chested. Mapagkakamalan talaga siyang lalaki sa postura niya. Pero in fairness maganda ang shape ng katawan niya, kahit flat chested siya ay malaman naman ang butt, ang shape ng collar bone niya tapos ang four abs na banat na banat, wala yata siyang bilbil kahit mga 0.01 inch. Hays kung ano ano na naman ang tumatakbo sa utak ko, hindi naman ako ganito dati ah? "Hanggang ngayon ba ay hindi ka makapaniwala na babae ako?" Napalingon ako sa kanya ng itanong niya iyon, tanging pagngiti
Dia's POVTatlong araw na ang nakakalipas matapos ang mga nangyari sa bakasyon namin sa Amanpulo. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako sa mga sinabi ni Shaine noong gabing pumunta kami ni Mariel sa clubhouse dahil alas nueve na ng gabi ay hindi pa rin ako bumabalik sa villa."Is everything okay?" Hindi ko na nagawa pang masagot ang tanong ni Ma'am Vel dahil sa mga bumabagabag sa isip ko kaya maging itong reviewer ko ay naaapektuhan."Tungkol pa rin ba ito sa nangyari sa Amanpulo?" Dahan dahan kong ibinaling ang aking mga mata patungo sa kanyang kinaroroonan habang abala sa pagchecheck ng sales ng Mondragon Company."Pasensya na po talaga sa ginawa ko Ma'am Vel, hindi ko na po uulitin.""Dia---"Hindi ko na po uulitin, susundin ko na po ang lahat ng sasabihin niyo. Hindi ko po alam kung bakit iniiwa
Dia's POV"Good job Dia. Get ready next week for practical test about proper etiquette.""Thank you Nico." I drew a smile on my lips as he was busy arranging some books but he just look at me and continue what he's doing."I'm sorry for what I did these past few days." Nakatango kong sambit, nakakahiya na ang mga oras na ginugugol niya para maituro sa akin ang iba pang lesson na iniwan ni Shaine.Tungkol kay Shaine, mukhang matatagalan pa kaming magkakaayos.Gusto ko siyang kausapin ngunit ayaw naman niya at ang hirap niyang mahagilap dahil nasa ibang bansa na siya, ayaw din ni Ma'am Vel na isipin ko ang bagay na iyon dahil ang gusto niya ay magconcentrate muna ako sa lessons ko. Nalalapit na din kasi ang alis namin patungong Rallnedia, noong una kong malaman ang tungkol sa bagay na iyon mula kay Ma'am Vel ay hindi agad ako nakasag
Alira's POV "What is the meaning of this June?" Narinig ko ang tanong ni Shaine sa girlfriend niya na tila hindi alam ang isasagot sa mga sandaling iyon."Miss Sandoval! What the hell are you waiting for?!" sigaw ni Duke Markus.June? Ikaw? Bakit ikaw pa? Tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa kinaroroonan ni June."Eímai o sostós kyverítis tis Rallnedia." Natigilan naman ako ng marinig ang mahinang boses na iyon. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon na nasa likuran ko lamang. Dia? "Don't use someone else Duke!" naagaw ang atensyon ko ang sinabi ni Duchess Eve. Kaya muli kong ibinaling ang aking paningin sa unahan."Speak up Miss Sandoval!" sigaw ni Duke Markus. "Don't just zip your mouth, it's for your parents sake!" "Duke Markus, you have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law of this country. You have the right to consult an attorney. If you decide to answer questions now without a lawyer present, you h
And there you have it Duke Markus, akala mo ba papayag ako na paikutin mo ang ulo ng pinsan ko, sorry pero hindi ako papayag na mapasakamay mo ang kapangyarihan ng Rallnedia lalo na sa katayuan nito sa panahon ngayon. "And who are you?" "Alondra Madrigal, former personal maid of Queen Elisita Rosales Wayler," tugon ni Manang Aloi. Rinig sa kabuuan ng simbahan ang pagkagulat ng nakararami. Ibang eksena na naman ngayon ang masasaksihan ng buong mundo dahil kanina moment ni Duchess Eve at ni Duke Markus kasama ang alipores niya na nakatayo lamang sa gitna ng tensyon bago pa ako dumating, at syempre ilang sandali lang ay ako na ang center of attention matapos kong lumabas at magpakita sa media, sa pangatlong pagkakataon ay kay Manang Aloi na nakatuon ang bawat camera na nandito sa simabahan. Hindi ko kailangang pigilan ang anumang lumab
Flashback (One month before the coronation, and two months ago in the present day) Dia's POV"Sa hall na ito nakalagay ang bawat korona, robe, scepter at orb na ginamit ng mga naging pinuno ng Rallnedia." Nilibot ng aking mata ang kabuuan ng hall na tinutukoy ni Ma'am Vel. May isang malaking cabinet na may logo ng Rallnedia, at sa itaas na bahaging iyon ay mapapansin ang malaking transparent box na naglalaman ng korona. "Dito rin nakalagay ang mga seal ng bawat Duke at Duchess na natanggalan ng title matapos labagin ang batas ng bansang ito. Sa kanang bahagi kung saan mapapansin mo ang mga naglalakihang transparent glass storage." Nilingon ko iyon at napansin ang mga seal na tinutukoy niya, halos kasing laki lamang ito ng ballpen, nakalagay pa iyon sa pulang tela na tila'y mamahalin. Limang kulay itim na seal, dalawang kulay maroon, isang puti at isang kulay asul. "Sa pagsapit ng coronation mo ay ordinaryong korona ng Prinsesa lamang ang ilalagay sa ulo mo, habang ang korona nama
Nico's POV Nakapako lang ang aking mga mata sa unahan ng altar kung saan nakatayo mula roon ang isang babae na nakasuot ng asul na gown. Walang reaksyon niyang nilapitan si Dia at yumuko sa harap ng maraming tao maging sa media. Mapapansin ko naman mula sa reaksyon ng aking ama ang ngiti na tila ba kasama sa plano niyang sirain ang pinakamahalagang araw ng Rallnedia. Sa dinami dami ng pwede mong gawin ngayong araw bakit ang ipakilala pa sa buong mundo ang isang viscountess na matagal ng nawalan ng posisyon? Tanong ko sa aking sarili sa mga sandaling nagsisimula ng magsitayuan ng mga nobles mula sa unahang bahagi ng simbahan. "I, Viscountess Margaux Ancheska Holmes of Hentorr. Here before all of you to prove that I am the real daughter of late King and Queen of Rallnedia," sambit ng babaeng iyon. Dahilan para magpanting ang tenga ko, hindi ko matiis ang mga nangyayari sa mga sandaling ito. "What is the meaning of this Duke Markus?" tanong ng Head Priest sa aking ama. "I believe tha
Aria's POV "Sa lahat ng nasa baba ng event staff sa building number two kayo. Kasama niyo rin ang mga nasa administration department," sambit ni Mr. Castor. "Kay Miss Avelino niyo na lang kunin ang assigned room niyo, nasa information desk siya naka-assigned ngayon then after that let's all gathered here again." Pagkatapos sabihin ni Mr. Castor ang mga paalalang iyon ay tumungo na rin kami ni Mocha sa kinaroroonan ng information desk kung saan naroroon si Miss Avelino. Sinundan lang namin ang iba naming kasama sa van kanina. Uminat inat pa ako dahil sa ngalay na nararamdaman ko magmula ng makababa sa van. "Nangalay ka ba kanina?" tanong sa akin ni Mocha. Tumango tango lang ako sa kanya bilang tugon, nakakatamad na din kasi magsalita matapos ang mahabang biyahe namin. Sa halos limang stop over namin ay hindi man lang ako nag-atubiling bumaba ng sasakyan. Kaya siguro sobrang nangalay ang aking binti at balikat, dahil ilang oras kong hindi ginalaw galaw ang aking katawan. "Miss G
Aria's POVNagising na lang ako matapos marinig ang alarm na nagmumula sa tabi ng aking kama. Agad ko na ring inasikaso ang lahat upang hindi malate.Mag aalas onse na ng umaga kaya sapat na sa akin ang 6 hours na tulog mula kaninang madaling araw matapos ang overtime ko sa trabaho.*DINGNapalingon ako sa kinaroroonan ng cellphone ko matapos makalabas mula sa banyo, hindi ko muna chineck kung sino ang nagmessage sa halip ay ipinagpatuloy ang pag-aasikaso sa mga gamit ko...."Aria bakit nandito ka?""Huh?"
...Dia's POVHindi ko ipinaalam kina Ma'am Vel ang tungkol sa panibagong test for my DNA. Mahirap na baka matulad lang din dati na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang resulta.Ngunit hindi iyon ang inaalala ko sa ngayon kundi ang tungkol sa sinabi ni Duke Markus. Nakakapagtaka lang kung paano niya nalaman ang tungkol sa DNA, samantalang hindi naman namin inilabas sa publiko ang tungkol sa pagkuha ng specimen mula sa akin. Kaya ngayon mas maganda kung hindi involve sa another test si Ma'am Vel o kahit sino kina Shaine, June, Jeyya, Nico at maging si Gene....
Shaine's POVKahapon pa tahimik si Dia magmula ng matapos ang meeting with Royal Council. Pansin rin ni Mr. Hienz ang pagiging seryoso ni Dia sa training, halos limang oras na siyang nasa Royal Library upang pag-aralan ang mga speech niya sa accession.Hindi ako makapasok sa Royal Library dahil utos ni Dia na huwag magpapasok ng kahit sinos habang nasa loob siya."Nico hindi mo pa ba nakakausap si Mr. Hienz?""Hindi pa Shaine, at hindi niya pwedeng iwan ang Prinsesa sa Royal Library ng nag-iisa." Nag-aalala na ako, halos hindi niya rin ginalaw ang pagkain na ipinahanda ko matapos kong makabalik mula sa Cratemia."Hey babe, are you done with your work?" Agad naman akong lumapit kay June na kadarating lamang.
Dia's POVMaaga akong nagising matapos marinig ang malakas na ingay na nagmumula sa pinto ng kuwarto ko. Pagkabangon ay agad ko ring tiningnan ang oras maging ang cellphone ko na nakalagay sa study table.Napakunot naman ang kilay ko nang marinig ang boses na nagmumula sa labas ng kuwarto ko, medyo malabo sa aking pandinig ang boses na iyon kaya hindi ko mawari kung sino ba ang nag mamay-ari ng mga iyon.Nacurious ako kaya sinubukan kong pakinggan iyon matapos kong ilapat sa pinto ang aking tainga. "Your Highness?""Ay palaka!" Tila may multong lumapit sa akin dahil biglang nagsitaasan ang balahibo ko nang magulat sa biglang nagsalita mula sa aking likuran."Your Highness, are you okay?"