Dia's POV
Matapos naming magscuba diving ni Mariel ay nagpahinga muna kami bago bumalik sa Amanpulo.
Hindi ko talaga akalain na babae si Mariel, paano ba naman matangkad siya, ang gupit pa ng buhok ay panlalaki, mababa ang boses tapos flat chested. Mapagkakamalan talaga siyang lalaki sa postura niya. Pero in fairness maganda ang shape ng katawan niya, kahit flat chested siya ay malaman naman ang butt, ang shape ng collar bone niya tapos ang four abs na banat na banat, wala yata siyang bilbil kahit mga 0.01 inch. Hays kung ano ano na naman ang tumatakbo sa utak ko, hindi naman ako ganito dati ah?
"Hanggang ngayon ba ay hindi ka makapaniwala na babae ako?" Napalingon ako sa kanya ng itanong niya iyon, tanging pagngiti
Dia's POVTatlong araw na ang nakakalipas matapos ang mga nangyari sa bakasyon namin sa Amanpulo. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako sa mga sinabi ni Shaine noong gabing pumunta kami ni Mariel sa clubhouse dahil alas nueve na ng gabi ay hindi pa rin ako bumabalik sa villa."Is everything okay?" Hindi ko na nagawa pang masagot ang tanong ni Ma'am Vel dahil sa mga bumabagabag sa isip ko kaya maging itong reviewer ko ay naaapektuhan."Tungkol pa rin ba ito sa nangyari sa Amanpulo?" Dahan dahan kong ibinaling ang aking mga mata patungo sa kanyang kinaroroonan habang abala sa pagchecheck ng sales ng Mondragon Company."Pasensya na po talaga sa ginawa ko Ma'am Vel, hindi ko na po uulitin.""Dia---"Hindi ko na po uulitin, susundin ko na po ang lahat ng sasabihin niyo. Hindi ko po alam kung bakit iniiwa
Dia's POV"Good job Dia. Get ready next week for practical test about proper etiquette.""Thank you Nico." I drew a smile on my lips as he was busy arranging some books but he just look at me and continue what he's doing."I'm sorry for what I did these past few days." Nakatango kong sambit, nakakahiya na ang mga oras na ginugugol niya para maituro sa akin ang iba pang lesson na iniwan ni Shaine.Tungkol kay Shaine, mukhang matatagalan pa kaming magkakaayos.Gusto ko siyang kausapin ngunit ayaw naman niya at ang hirap niyang mahagilap dahil nasa ibang bansa na siya, ayaw din ni Ma'am Vel na isipin ko ang bagay na iyon dahil ang gusto niya ay magconcentrate muna ako sa lessons ko. Nalalapit na din kasi ang alis namin patungong Rallnedia, noong una kong malaman ang tungkol sa bagay na iyon mula kay Ma'am Vel ay hindi agad ako nakasag
Dia's POV"You should try this one." Iniabot sa akin ni Alira ang isang dress na nakasabit sa hanger stand, tinanggap ko naman iyon ngunit nagdadalawang isip pa ako kung isusuot ko ba ito o hindi. Tiningnan naman ako ni Nico at ni Ma'am Vel habang nakatayo sa gitna ng session hall dito sa Blant Styl building."You still have 10 minutes." Hindi ako magkanda ugaga sa pagpili ng mga damit, halos lahat kasi ay pare pareho ang kulay at design na babagay sa theme na nasa screen.Dia ngayon mo paganahin ang galing mo sa mga designs, please 10 minutes na lang ang natitira mong oras bago matapos ang second practical test mo. Balisa kong sambit sa aking isipan habang patuloy pa rin sa pagpili ng susuotin. Makalipas ang walong minuto ay pumasok na din ako sa dressing room, tinulungan naman
Mariel's POVI think I should try to call her instead, pero nakakahiya baka busy siya sa work niya. Hays si Dia lang kasi talaga ang naiisip ko na pwede kong isama para pumayag si Manang Cristy. Napakamot ako sa batok ko habang pinag-iisipan pa kung tatawagan ko ba si Dia o hindi.Mabuti na lang nakilala ko si Dia sa Amanpulo noong bakasyon namin, kasi may idadahilan na ako para makapunta sa library para makahiram ng libro. Yes instead na bumili ay humihiram lang ako sa public library. Pero hindi ko intensyon na gamitin siya para makatakas ako sa bahay. Dapat kasi graduate na ako two years ago pero dahil sa sakit ko tumigil muna ako dahil sa magkakasunod na chemo therapy. And I hate to admit na napag-iwanan na ako ng mga kaklase ko dahil sa sakit ko, ewan ko ba pero sa aming pamilya ako lang ang nakamana ng sakit ng Lola ko.But I should be happy dahil nga
Dia's POVMatapos ang pangyayaring iyon ay mas hinigpitan ang security sa paligid ko, ang bawat taong makakasalamuha ko ay nasa isang metro ang layo sa akin maliban na lamang kay Eve, Nico, June at ang secretary ko na si Jeyya. Ipinahatid ko kay Mr. Yong si Mariel noong araw na iyon, nakakapag-usap pa naman kami ngunit hindi na katulad dati dahil mas focus ako ngayon sa trabaho ko maging sa bago kong responsibilidad bilang Prinsesa ng Rallnedia."As of now wala pang balita kung bakit nagkaroon ng idea ang Rallnedian tungkol sa Prinsesa." Napatango ako sa sinabi ni Nico."Pasensya na Dia pero kailangan na nating umalis ngayong Sabado patungo sa Rallnedia.""I understand Eve.""Lahat ng schedule mo ay mas maaga kaysa noon pero bago ang lahat kailangan muna nating maasikaso ang profile mo sa media ng Pilipinas bago t
Dia's POV"Ma'am may bisita po kayo." Napatunghay ako ng ulo ng marinig ang boses ni Jeyya."Sino?" Tanong ko sa kanya ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kanya, sa halip ay hinintay ko na lang kung sino ang papasok dito sa loob ng opisina. "Hi, I'm sorry to interrupt.""No it's fine, come in please." Napansin ko si Jeyya na may dalang isang tasa ng kape palabas galing sa kitchen ng office ko, palagi niyang ginagawa ang bagay na iyon sa tuwing may bisita ako or may appointment with other stockholders."Thank you.""By the way, tatawagan na dapat kita para sabihin sayo ang tungkol sa fashion show pero napadaan ang manager ko dito sa Blant Styl para magpasa ng schedule ko." Napatigil ako sa paglalakad pabalik ng office table upang kunin ang phone ko ng sabihin iyon ni Alira."Abou
Dia's POVPagkarating na pagkarating namin ay agad na din akong nagpahinga ng mahigit dalawang oras bago harapin ang mga kasambahay at ipa bang tao dito sa loob ng palasyo. Isang araw at limang oras lang naman ang itinagal ng biyahe kaya bagsak ang katawan ko matapos maihatid ng isa sa personal maid ko, kung sa Pilipinas si Ate Umi at si Manange Kera dito naman sa Rallnedia ay si Ate Maliya na halos isang taon lang ang tanda sa akin at si Manang Lou."Your highness you need to change your clothes." Isang babae ang pumasok sa kuwarto kung saan ako nagpahinga, siya rin ang nag-asikaso sa lahat ng gamit ko na nakalagay sa maleta matapos naming makarating kanina. May isa pang babae na pumasok na may hawak na kulay baige na bathrobe na tila kakabili lamang dahil nakabalot pa iyon sa lalagyan niya habang nakahanger.Si Maliya at si Manang Lou na nakasuot pa n
Shaine's POV"Alam ko kasing hindi ka papayag once na sabihin ko sayo ang tungkol dito.""Diba nangako po kayo na hindi na ako magiging involve sa kung anong kailangan ni Dia?" Ibinaba ni Tita Vel ang hawak niyang tasa sabay tapon ng kanyang mga mata sa kinauupuan ko."Yes I promised you, but you also promised that you would not let your cousin fall into the hands of anyone.""What?" Nagtataka kong tanong, parang ang layo kasi ng dahilan niya sa tanong ko."Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari sa Pilipinas? After that incident mas hinigpitan ang security sa kanya, hindi pwedeng isang tao lang a
Alira's POV "What is the meaning of this June?" Narinig ko ang tanong ni Shaine sa girlfriend niya na tila hindi alam ang isasagot sa mga sandaling iyon."Miss Sandoval! What the hell are you waiting for?!" sigaw ni Duke Markus.June? Ikaw? Bakit ikaw pa? Tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa kinaroroonan ni June."Eímai o sostós kyverítis tis Rallnedia." Natigilan naman ako ng marinig ang mahinang boses na iyon. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon na nasa likuran ko lamang. Dia? "Don't use someone else Duke!" naagaw ang atensyon ko ang sinabi ni Duchess Eve. Kaya muli kong ibinaling ang aking paningin sa unahan."Speak up Miss Sandoval!" sigaw ni Duke Markus. "Don't just zip your mouth, it's for your parents sake!" "Duke Markus, you have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law of this country. You have the right to consult an attorney. If you decide to answer questions now without a lawyer present, you h
And there you have it Duke Markus, akala mo ba papayag ako na paikutin mo ang ulo ng pinsan ko, sorry pero hindi ako papayag na mapasakamay mo ang kapangyarihan ng Rallnedia lalo na sa katayuan nito sa panahon ngayon. "And who are you?" "Alondra Madrigal, former personal maid of Queen Elisita Rosales Wayler," tugon ni Manang Aloi. Rinig sa kabuuan ng simbahan ang pagkagulat ng nakararami. Ibang eksena na naman ngayon ang masasaksihan ng buong mundo dahil kanina moment ni Duchess Eve at ni Duke Markus kasama ang alipores niya na nakatayo lamang sa gitna ng tensyon bago pa ako dumating, at syempre ilang sandali lang ay ako na ang center of attention matapos kong lumabas at magpakita sa media, sa pangatlong pagkakataon ay kay Manang Aloi na nakatuon ang bawat camera na nandito sa simabahan. Hindi ko kailangang pigilan ang anumang lumab
Flashback (One month before the coronation, and two months ago in the present day) Dia's POV"Sa hall na ito nakalagay ang bawat korona, robe, scepter at orb na ginamit ng mga naging pinuno ng Rallnedia." Nilibot ng aking mata ang kabuuan ng hall na tinutukoy ni Ma'am Vel. May isang malaking cabinet na may logo ng Rallnedia, at sa itaas na bahaging iyon ay mapapansin ang malaking transparent box na naglalaman ng korona. "Dito rin nakalagay ang mga seal ng bawat Duke at Duchess na natanggalan ng title matapos labagin ang batas ng bansang ito. Sa kanang bahagi kung saan mapapansin mo ang mga naglalakihang transparent glass storage." Nilingon ko iyon at napansin ang mga seal na tinutukoy niya, halos kasing laki lamang ito ng ballpen, nakalagay pa iyon sa pulang tela na tila'y mamahalin. Limang kulay itim na seal, dalawang kulay maroon, isang puti at isang kulay asul. "Sa pagsapit ng coronation mo ay ordinaryong korona ng Prinsesa lamang ang ilalagay sa ulo mo, habang ang korona nama
Nico's POV Nakapako lang ang aking mga mata sa unahan ng altar kung saan nakatayo mula roon ang isang babae na nakasuot ng asul na gown. Walang reaksyon niyang nilapitan si Dia at yumuko sa harap ng maraming tao maging sa media. Mapapansin ko naman mula sa reaksyon ng aking ama ang ngiti na tila ba kasama sa plano niyang sirain ang pinakamahalagang araw ng Rallnedia. Sa dinami dami ng pwede mong gawin ngayong araw bakit ang ipakilala pa sa buong mundo ang isang viscountess na matagal ng nawalan ng posisyon? Tanong ko sa aking sarili sa mga sandaling nagsisimula ng magsitayuan ng mga nobles mula sa unahang bahagi ng simbahan. "I, Viscountess Margaux Ancheska Holmes of Hentorr. Here before all of you to prove that I am the real daughter of late King and Queen of Rallnedia," sambit ng babaeng iyon. Dahilan para magpanting ang tenga ko, hindi ko matiis ang mga nangyayari sa mga sandaling ito. "What is the meaning of this Duke Markus?" tanong ng Head Priest sa aking ama. "I believe tha
Aria's POV "Sa lahat ng nasa baba ng event staff sa building number two kayo. Kasama niyo rin ang mga nasa administration department," sambit ni Mr. Castor. "Kay Miss Avelino niyo na lang kunin ang assigned room niyo, nasa information desk siya naka-assigned ngayon then after that let's all gathered here again." Pagkatapos sabihin ni Mr. Castor ang mga paalalang iyon ay tumungo na rin kami ni Mocha sa kinaroroonan ng information desk kung saan naroroon si Miss Avelino. Sinundan lang namin ang iba naming kasama sa van kanina. Uminat inat pa ako dahil sa ngalay na nararamdaman ko magmula ng makababa sa van. "Nangalay ka ba kanina?" tanong sa akin ni Mocha. Tumango tango lang ako sa kanya bilang tugon, nakakatamad na din kasi magsalita matapos ang mahabang biyahe namin. Sa halos limang stop over namin ay hindi man lang ako nag-atubiling bumaba ng sasakyan. Kaya siguro sobrang nangalay ang aking binti at balikat, dahil ilang oras kong hindi ginalaw galaw ang aking katawan. "Miss G
Aria's POVNagising na lang ako matapos marinig ang alarm na nagmumula sa tabi ng aking kama. Agad ko na ring inasikaso ang lahat upang hindi malate.Mag aalas onse na ng umaga kaya sapat na sa akin ang 6 hours na tulog mula kaninang madaling araw matapos ang overtime ko sa trabaho.*DINGNapalingon ako sa kinaroroonan ng cellphone ko matapos makalabas mula sa banyo, hindi ko muna chineck kung sino ang nagmessage sa halip ay ipinagpatuloy ang pag-aasikaso sa mga gamit ko...."Aria bakit nandito ka?""Huh?"
...Dia's POVHindi ko ipinaalam kina Ma'am Vel ang tungkol sa panibagong test for my DNA. Mahirap na baka matulad lang din dati na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang resulta.Ngunit hindi iyon ang inaalala ko sa ngayon kundi ang tungkol sa sinabi ni Duke Markus. Nakakapagtaka lang kung paano niya nalaman ang tungkol sa DNA, samantalang hindi naman namin inilabas sa publiko ang tungkol sa pagkuha ng specimen mula sa akin. Kaya ngayon mas maganda kung hindi involve sa another test si Ma'am Vel o kahit sino kina Shaine, June, Jeyya, Nico at maging si Gene....
Shaine's POVKahapon pa tahimik si Dia magmula ng matapos ang meeting with Royal Council. Pansin rin ni Mr. Hienz ang pagiging seryoso ni Dia sa training, halos limang oras na siyang nasa Royal Library upang pag-aralan ang mga speech niya sa accession.Hindi ako makapasok sa Royal Library dahil utos ni Dia na huwag magpapasok ng kahit sinos habang nasa loob siya."Nico hindi mo pa ba nakakausap si Mr. Hienz?""Hindi pa Shaine, at hindi niya pwedeng iwan ang Prinsesa sa Royal Library ng nag-iisa." Nag-aalala na ako, halos hindi niya rin ginalaw ang pagkain na ipinahanda ko matapos kong makabalik mula sa Cratemia."Hey babe, are you done with your work?" Agad naman akong lumapit kay June na kadarating lamang.
Dia's POVMaaga akong nagising matapos marinig ang malakas na ingay na nagmumula sa pinto ng kuwarto ko. Pagkabangon ay agad ko ring tiningnan ang oras maging ang cellphone ko na nakalagay sa study table.Napakunot naman ang kilay ko nang marinig ang boses na nagmumula sa labas ng kuwarto ko, medyo malabo sa aking pandinig ang boses na iyon kaya hindi ko mawari kung sino ba ang nag mamay-ari ng mga iyon.Nacurious ako kaya sinubukan kong pakinggan iyon matapos kong ilapat sa pinto ang aking tainga. "Your Highness?""Ay palaka!" Tila may multong lumapit sa akin dahil biglang nagsitaasan ang balahibo ko nang magulat sa biglang nagsalita mula sa aking likuran."Your Highness, are you okay?"