Halos mahigit ko ang aking hininga sa subrang nerbiyos na naramdaman sa ginawa no'ng babae. Subrang lakas ng kalabog ng dibdib ko, sing lakas ng sigawan ng mga tao pagkatapos no'ng dance number."More! More! More!" sigaw ng mga tao.Tumatawang kaagad umakyat ng stage si Jade at muling nagsalita sa mic."Thank you WSU dance troupe for that breathtaking dance moves! Grabe..! Let's give them another round of applause!" malakas na nagpalakpakan ang mga tao, may kasama pang sipol. "Ano nag-enjoy ba kayo sa opening dance number ng WSUDT? Nakakahinga pa ba kayo? Ako muntik ng mahimatay sa nerbiyos!" nagtawanan ang mga tao sa sinabi n'ya. "Umpisa pa lang 'yan! Mas malala ang susunod kaya magsihanda kayo. Magpraktis na kung pa'no humingang malalim!" muling napuno ng malakas na tawanan and buong Stadium.Pambihira, hindi ko akalain na ganun ka-intense ng opening dance number. Pinagtawanan pa ako ng mga kaibigan ko sa naging reaksyon at itsura ko. Halos hindi ko na maintin
SamanthaMakalipas ng limang songs, muling umakyat ng stage si Jade. "So guys, ready na ba kayo para makilala ang pangalawa nating special guest?""Yessss!""Can't waiiit!"Malakas na sigawan ng mga tao. Lalo na ng mga kalalakihan."Our next special guest ay campus crush din noon dito sa school natin. She's the only daughter of one of the shareholder of this school. A beauty and brain super model in States! Nasa kanya na ang lahat na pinapangarap ng mga kababaihan. Nahuhulaan n'yo na ba kung sino?""Ayyy, si Ms. Sullivan!""Si Ms. Jane!"Sabay-sabay pang sigawan ng mga tao. Subrang ingay na ng mga kalalakihan. May panay pang sipol. Iwan kung sino, parang tanga. 'Yong mga girlalu na ang iingay kanina ngayon parang mga biyernes santo ang mukha."Sige na nga hindi ko na kayo bibitinin pa at ata't na ata't na ang mga boys natin. Kanina pa sumisipol, hindi na tumitigil." nakatawang sabi n'ya sa mic na ikinatawa naming lahat. Lumakas pa lalo 'yong
"Thank you so much Luigi sa nakakaiyak mong kanta. Ang galing-galing n'ya diba? Halos sa lahat na lang magaling s'ya, pinaghahakot n'ya na. Hindi ko akalain na pati pala sa pagpapaiyak lalo s'yang gumaling. So give him another round of applause!" nakatawang sabi ni Jade habang nagpupunas ng ilong.Malakas kaming nagpalakpakan lahat habang tumatawa. Kaagad din akong natigilan ng paglingon ko sa aking kanan ay madilim na mukha ni Wayne ang sumalubong sa akin. Sukat doon biglang linukuban ng kaba ang nasasaktan kong puso. Tumibok ng pagkabilis-bilis. Hindi ko na maintindihan pa kung ano na ba talaga ang nararamdaman ko. Halo-halo na.Kanina pa ba s'ya nakatingin? 'Langya, bakit ko ba nakalimutan na guest pala dito ang asawa ko!Kaagad akong nag-iwas ng tingin at binalingan ang mga kaibigan kong tahimik lang at sumisinghot-singhot pa. Napangisi ako sa aking nakita.Maya-maya pumailanlang ang malakas na tugtog.Now Playing: Havana By Camila CabelloKaagad nag
Samantha"Aside from our beautiful emcee, Ms. Jade and our personnel, thank you Mr. Alexis Zayn Luigi Calderon for making this event almost perfect. It's my first time to witness an event with a very touchy song number. I mean, our event tonight wrapped with a full packaged. All the feelings that people could ever feel in one event is all here tonight. Right here, right now and I'm very fascinated by your performances. You all nailed it!" malakas na nagpalakpakan ang lahat ng mga tao kasama s'ya.Nakahinga ako ng maluwag matapos ko marinig ang lahat ng sinabi nya. Akala ko...Haist.."Thank you so much everyone! Good evening." sabi ni Wayne at kaagad bumaba ng stage."So are you guys all ready?" sabi ni Jade. "Then bring now your partners to the dance floor and heat it up!"Now Playing: I Could Not Ask For More By Edwin McCainNgayon pwede ng isayaw kahit na sinong gusto ng mga tao. Pwede na nilang yayain kung sino man ang matipuhan nilang girls or b
"Bigla ka kasing natahimik.""Marami kasing nakatingin na estudyante dito sa atin e."He smiled. "Kasi ang ganda mo."I rolled my eyes. "Magkaibigan nga kayo ni Luigi."He laughed. "'Di nga, seryoso." lumingon s'ya muli sa likuran n'ya saka nakakunot noo'ng binalingan ako. "Mag... kakilala ba kayo ni Mr. Santiago? Ang sama ng tingin sa akin e."Nakangiting kaagad akong umiling. "No, of course not." ngunit pinanliitan n'ya lamang ako ng kanyang mga mata sa sinabi ko. "'Wag mo akong titigan ng ganyan baka kiligin ako, bigla magselos si Cait."He laughed.Nanlaki muli ang aking mga mata ng huminto sa amin ni Jake ang spotlight. Bakit ba kasi lagi na lang humihinto ang spotlight na 'to kung nasaan ako?May nag-uutos ba or ano? Naku talaga.... "Tara na nga, doon ka na kay Cait, nagtitilian na naman sila." sabi ko sabay hatak sa braso n'ya.Tawa ng tawa naman s'ya habang sumusunod sa akin. Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko sa subrang hiya.
SamanthaPagkatapos ng tugtog hinatid ako ni Wayne sa table namin. Mapanuring mga titig at ngisi ng mga kaibigan ko ang sumalubong sa akin. Kompleto sila. Nakaupo lahat sa upuan sa may table namin, mga nakatayo naman sa tabi ng bawat kaibigan ko ang mga kaibigan ni Luigi. Lahat sila nakatingin din sa akin. Nakakaasiwa ang mga titig nila. Nanunuot sa buong kalamnan ko, na para bang may tinatago akong sekreto tungkol sa amin ni Wayne. Which is totoo naman talaga na meron. Bukod tangi lang si Luigi ang walang expression ang mukha at tahimik lang habang nkatingin saaming dalawa.Uupo na sana ako sa nag-iisang bakanteng upuan na nasa tabi ni Luigi ng biglang huminto ang spotlight sa table namin, literal saamin ni Wayne na hawak na ang kamay ko. Kaagad akong natigilan, niyuko ko ang mga kamay namin na magkahugpong saka ako nag-angat ng tingin sa kanya.Ganun na lamang ang gulat ko ng mabilis n'ya akong hinalikan sa aking pisngi sabay layas sa harapan ko kasama ng spo
Nagulat pa ako ng biglang nasa tabi ko na s'ya at nagsalita. Kaagad naman tumango si Luigi habang abot tainga ang ngiting nakatitig pa rin sa akin. Inabot n'ya ang kamay ko kay Wayne at kaagad binalingan si Stacey.You're a sweet tender loverWe are so much in loveI'm not afraid when you're far awayJust give me a smile in your heart"Anong pinag-uusapan n'yo ni Calderon at nagtititigan pa kayong dalawa habang abot tainga ang ngiti?" asik sakin ni Wayne.Kaagad akong napabaling sa kanya. Hindi ko namalayan na nakasunod pa pala kay Luigi ang tingin ko. Pinupukol ko s'ya ng masamang tingin pero nakangisi pa rin sa akin. Sarap sapakin. Ang lakas mang-asar ng lalaking 'yon. Tapos ang galing pa manghula!Naguguluhan pa nga ako kung bakit nasabi ni Luigi na mag-asawa kaming dalawa ni Wayne tapos itong isa nagagalit na naman sa akin. Damn... maluluka na ako sa dalawang lalaking 'to!I'm always dreamin' of being in loveBut now I know that this is t
Samantha"Grabe ang gwapo talaga ni Sir John! Akalain mo 'yon, swenerte ako ng bonggang-bongga. Nakadalawa kaming sayaw na love song! Kung hindi lang umipal ang mga bruhang Monique na 'yon para magperform ng another dance number hindi sana natapos ang moment ko." paulit-ulit na kinikilig pang sabi ni Bea habang naglalakad kami palabas ng Stadium.Halos ayaw na nitong pakawalan pa si Wayne kanina ng bumalik sila sa table namin matapos ang dalawang tugtog na love songs. Muling nagperform ang WSU Dance Troupe sa stage, dahil na rin sa demand ng mga tao kaya nag-aalburuto itong isa. Tapos ang luko tuwang-tuwa din na niyayakap s'ya. Nakangisi pa s'ya habang nakatingin sa akin at nilalamutak ni Bea.Pagkatapos ng sayaw ng WSU Dance Troupe, unti-unti ring naubos ang mga tao. Tinanaw ko kung nasaan na si Wayne ngunit hindi ko na s'ya nakita pa pati si Stacey. Naglahong parang bula sa kinauupuan nila. Nagkibit-balikat na lang ako at kaagad nag-send ng message kay Kuya Damian
Nginitian ko s'ya saka hinawakan ang kanyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. "Mas okey na din ata na ganun ang nangyari sa atin. Sa totoo lang kasi nawalan na akong tiwala sayo noon. Lagi akong takot na baka magising na lang ako isang araw wala ka na sa tabi ko, naagaw ka na ng iba."He sighed. "Malabong mangyari 'yang iniisip mo. Dibale ng mamatay ako kaysa mabuhay pa ng wala ka naman sa piling ko."I chuckled. "Asus, bumanat ka na naman." sabi ko saka bumangon. "Balik na tayo sa labas?"He nodded then we went out the room.Marami ang kumausap at bumati sa amin.Nakilala ko din si Jelyn at asawa nitong si William pati ang cute-cute na babaeng anak nila na kaedaran ni Gwen na natutulog na sa braso nito.Habang kausap ko sila hindi ko maiwasan makosensya sa ginawa kong panghuhusga kay Wayne. Ngayon ko lang narealized na masyadong makitid, marumi at advance pala ang utak ko noon, puro negative ang laman. Hinayaan kong kainin ako ng mga nagyari sa buha
SamanthaNataranta ako ng humakbang palapit si Wayne. Kaagad ko s'yang pinigilan, hinila sa kanyang braso."No Wayne please. Huwag kayong gumawa ng gulo dito ni Luigi." madiin kong pigil sa kanya saka nilingon si Luigi.Pero sa nakikita kong itsura at titigan nilang dalawa hindi ko kakayanin. Parang manok na magsasalpukan ang dalawa. Ang tangkad at laking tao pa nila. Baka ma-sandwich lang ako nito sa gitna pag nagpang-abot itong dalawa. Nakakahiya sa mga bisita at mga magulang namin kung magkagulo sila.Nalintikan naaaa!Nagpalinga-linga ako, naghanap ng maaaring tumulong sa akin. Then I saw James. Nakatanaw sila ng asawa n'ya sa amin. Sinenyasan ko s'yang lumapit. Kaagad naman n'ya nakuha ang ibig kong sabihin. Nagtinginan sila ni Rash saka malalaking hakbang na lumapit sa amin.Kaagad inakbayan ni James ang kaibigan n'ya pero nagprotesta si Wayne. Hinatak ko s'ya sa kanyang damit.Tinitigan n'ya ako saka muling binalingan si Luigi. "Don't you dare
Nagpupuyos sa inis ang aking dibdib habang naglalakad ako papunta sa unahan.Walanghiya s'ya. Halos mamatay ako sa takot ng pagkakadukot sa akin kanina tapos may kinalaman pala ang bwesit na lalaking 'yon dito. Magpinsan nga sila ni Miguel, parehong siraulo. Humanda s'ya sa akin mamaya...Ngunit habang palapit ako ng palapit sa unahan at nakikita ang masasaya at nakangiting mukha ng mga tao, ng mga mahal ko sa buhay, unti-unting napapalitan ng 'di matatawaran na saya, tuwa at galak ang aking puso.'Yong tipong puro negative ang laman ng isip mo, puno ng inis, galit, takot ang puso mo dahil sa disaster na nangyari sa akin simula noong alas dos ng madaling araw na dinukot ako hanggang kanina. Tapos sa isang iglap biglang nag-iba ang ihip ng hangin, ganito ang ending.Diba.. akalain mo yon? Nakaisip sila ng ganito! Napaka taba ng utak! Sino ba ang nagplano ng lahat ng ito at bibigyan ko ng subrang higpit na yakap sa leeg hanggang sa mamatay s'ya, tanda ng pasasalam
SamanthaNagtatawanan kaming magkakaibigan ng biglang bumukas ang pinto, pumasok si Miguel. Kaagad akong napatigil sa pagtawa at natutok sa kanya ang aking nanlalaking mga mata."Anong ginagawa mo dito?" nakakunot-noong tanong ko kaagad sa kanya.Nginisian n'ya ako saka tiningnan ang mga kaibigan ko."Ah, Sam, labas muna kami ha, baka hinahanap na kami ng mga tsikiting namin." sabi ni Cait na ikinakunot lalo ng aking noo.Sabay-sabay pa silang nagtungo papunta sa pinto."May mga anak na rin kayo?" excited na bulalas ko.Nakangiting nilingon nila ako saka tumango."Meron, nasa labas, makikita mo mamaya." nakangiting sabi ni Sheeva sabay talikod.Lalo akong nagtaka ng makita kong halos magkumahog pa sila sa pagmamadaling lumabas ng kwarto. Sinusulyapan si Miguel na animoy hari na nakatayo sa harapan ko't makahulugan naman silang tinitingnan. Na para bang nag-uusap-usap sila sa pamamagitan ng mga mata. Hindi ko maintindihan, ang weird pero sa na
Hinayaan ko lang s'yang yakapin ako habang pinoproseso ng aking naguguluhang utak ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko may malaking mali talaga e. Kanina bigla na lang sumulpot si Calderon sa bahay pagkatapos kong makausap si James. Tapos ngayon...Kanino s'ya anak? Bakit Daddy ang tawag n'ya sa akin? Kailan ba ako nagkaanak? Bakit hindi ko ata alam? Pero bakit kamukha ko s'ya?!Arrgh ang gulo..!"Baby..." tawag ko sa kanya.Kaagad naman s'yang kumalas sa pagkakayakap sa akin saka nakangiti akong tiningnan.I smiled back at her. "Bakit mo ako tinawag na Daddy?""Dahil ikaw po ang Daddy ko." sagot n'ya kaagad sa akin.Biglang pumitlag ang aking puso sa sinabi n'ya. Habang tinititigan ko ang ngiti n'ya si Sam ang pumapasok sa aking utak. Hindi ko ma-explain pero parang iba ang hatak sa akin ng batang itong nasa harapan ko."Sino nangsabi sayong ako ang D-Daddy mo?""Si Lola tsaka si Tito Miguel po. Kamukha mo 'y
WayneYesterday was the best ever advanced gift for our sixth years wedding anniversary..!At last I found her. She's with me now!Sa apat na taon na nakalipas ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing. Ang sarap sa pakiramdam. Sa subrang sarap parang ayaw ko ng magising. Nakangiting nag-inat ako ng aking mga kamay sabay kapa sa aking katabi. Unti-unting napalis ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa napakunot noo ako ng wala akong mahawakan na katawan ng tao. Kaagad akong napadilat at napabalikwas ng bangon ng hindi ko makita si Sam sa tabi ko."Sam?" tawag ko sa kanya pero wala akong marinig na ano mang ingay maliban sa ugong na nagmumula sa aircon sa loob ng kwarto.Saan ba pumunta 'yon? Ang aga-aga bumabangon kaagad...Himutok ko pa sa aking sarili saka lumabas ng kwarto."Sam?" tawag ko ulit sa kanya ngunit wala pa ring sumasagot.Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makita ni isang tao. Napatingin ako sa malaking orasan sa dingding. Na
Hanggang sa nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman kong pader na ang nasa likuran ko. Nagtaas baba pa ang aking mga dibdib sa biglang tensyon na naramdaman ko habang nakatitig sa mukha n'yang may pilyong mga ngising walang kurap-kurap na nakatitig din sa akin. Para na akong malalagutan ng hininga.Bumaling ako sa aking kaliwa para sana tumakbo ngunit malakas akong napatili sa gulat ng malalaking hakbang s'yang mabilis na nakalapit sa akin sabay tukod ng dalawang malaking braso n'ya sa aking gilid. Halos pangapusan ako lalo ng hininga sa ginawa n'ya.Hindi ko na alam kung saan na ba ako natatakot. Ang makita n'ya ba ang anak ko, ang abutan kami ng mga tao dito sa bahay or ang gagawin n'ya sa akin? Sa uri ng ngisi at titig n'ya pakiramdam ko gusto n'ya akong kainin na buo. Hindi ko alam kung bakit n'ya 'to ginagawa sa akin at mas lalong hindi ko alam kung pa'no n'ya ako natunton dito.Bakit nandito s'ya?"Did I heard you right? You called my Mom, Mama." amused
SamanthaDamn... what the hell he's doing here?!Ano 'to joke? Pinagtataguan ko s'ya, tinatakasan ko tapos ngayon nandito s'ya sa aking harapan?!Ang lupet magbiro ng tadhana grabe... Wala ng lulupit sa lahat ng malupit!Pagkatapos sabihin ni Ruth kanina na nasa likuran namin si Wayne mabilis pa sa alas kuwatrong kumaripas kaagad ako ng takbo palayo sa kanila. Dumeritso ako ng CR at nagkulong doon. Kahit nagsimula na ang graduation ceremony hindi ako lumabas. Pinagkakatok ako doon ng mga kaibigan ko pero hindi nila ako napilit lumabas. Nagdahilan na lang akong biglang sumama ang tiyan ko.Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili doon. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Wayne na nagsasalita na sa mic. Lumabas ako saka sumilip sa Stadium. Lalo akong kinabahan ng makita kong umiikot ang kanyang paningin na para bang may hinahanap s'ya na tao. Ayaw kong mag-assume pero subrang kaba ang bigla na lang bumundol sa aking dibdib.Pagkatapos ng graduation cer
WaynePagkatapos kong kumain bumalik ako sa kuwarto para sana umidlip ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nanatili akong nakadilat at nakatitig sa kisame habang iniisip pa rin si Sam. Hindi na s'ya matanggal pa sa aking utak.Pero kailan nga ba s'ya nawaglit sa aking utak? Parang s'ya na lang ang bukod tanging laman at tumatakbo sa loob nito e. Walang kapaguran sa pagtakbo.Paulit-ulit pang nagre-replay sa aking harapan ang tagpong nakita ko kahapon. Although kinakain ng subrang selos at panibugho ang buong kamalayan ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong makaramdam ng saya, ng pag-asa.Nandito s'ya sa San Andres. Kung kinakailangan halughugin ko ang buong bayan para lang mahanap s'ya, gagawin ko.Babawiin ko s'ya sa lalaking 'yon!Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling nakahiga sa kama habang parang tangang kinakausap ng sarili ng tumunog ang alarm tone na nilagay ko sa phone ko.Kaagad akong bumangon at nagbihis saka lumabas ng kwarto