Ang katotohanan kung bakit na-bankrupt ang kumpanya ng mga Serrano.
“A-anong sinabi mo Hon? A-ang mga A-alejandro? B-but they were nice hindi ba? T-tama ba ang narinig ko? Alejandro?” naguguluhang tanong ni Mom kay Dad. “A-akala ko mapagkakatiwalaan din sila ngunit nagkakamali pala ako, sila ang nasa likod kung bakit tuluyang nawala ang mga investors, maging ang patuloy na paninira sa mga produkto natin,” nanghihinang wika ni Dad at narinig ko pa sa loob ng kwarto ang pagkalansing ng baso hudyat na umiinom na naman si Dad.Napatingin ako sa aking kamay ng may tumulong luha mula sa aking mata. Akala ko masakit na yung pag-iwan ko kay Theo, at marinig sa mismong bibig ng lalaking mahal ko na awa lang ang lahat. Ngunit mas masakit palang malaman na pamilya nila ang may kagagawan kung bakit nawala sa amin ang kumpanya. “Y-you will never be like you Dad and Grandfather who are ruthless and cold hearted,” bulong ko sa aking tiyan habang hinihimas ito. Palalakihin ko ang batang ito na puno ng pagmamahal at may malasakit sa kapwa. Hinding hindi nito maiisip
“Ano ba ‘yan miss? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo,” inis na saad ng babaeng nabangga ko sa kakamadali. “S-sorry po… pasensya na po talaga,” kinakabahang wika ko sa babaeng nabangga ko pero hinawakan ako nito sa braso kaya napatingin ako sa kanya. “May humahabol ba sa ‘yo? Bakit parang gulat na gulat ka? Walang mananakit sa ‘yo sa lugar na ‘to,” pagpapakalma sa ‘kin ng babaeng nabangga ko. “A-ah, wala po… pasensya na po ulit pero kailangan ko na pong umalis,” paalam ko sa babae at nagmadali ng umalis sa Resort de Salvadore’.“Fily! How are you? Pinapahirapan ka ba ng pinsan ko?” narinig kong sambit ni Matthew sa babaeng nabangga ko. Mabuti na lang talaga at nagmadali akong umalis duon kung hindi ay baka maabutan at makita ako ni Matthew. Sobrang loyal pa naman ng lalaking iyon kayy Theo. Habang naglalakad papunta sa sakayan ay tumawag si Nathalie sa akin kaya naghahanda ko na itong sigawan ng mauna na itong magpaliwanag sa’kin.“Hep, hep… sorry na Amy, ngayon ko lang din nalama
“Calamba! Huling destinasyon na po ito, miss pasensya na pero hanggang dito na lang ang jeep ko,” sambit ng driver. “Pasensya na po, ingat po kayo,” sabi ko naman sa driver at mabilis na bumaba ng jeep. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa jeep dahil sa labis na pagod. Mabuti na lang ay Calamba ang huling destinasyon kaya kung sakaling hindi ay lumampas na ako. “Nakauwi na po ako,” masayang bulalas ko pagbukas ng pinto pero suumalubong sa akin ang mangiyak ngiyak kong ina. At katabi nito ay ang may pasa at duguang mukha ng aking ama. “A-anak,”naluluhang tawag sa akin ni Mom kaya mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya. “A-ano pong n-angyari dito? Bakit po dumudugo ang labi ni Dad?” nagtatakang wika ko sa kanila ngunit napailing na lamang ang aking Tito at Tita. “Y-yung pinagkakautangan ng Dad mo natunton tayo anak, nang walang maibigay ang ama mo ay iyan ang ginawa nila,” nahimigan ko ang galit sa boses ng aking ina. Kahit ako ay magagalit sa mga taong nakaka
THEODORE CADE ALEJANDRO POV“Tigilin niyo na ang paggawa ng mga desisyon na kaya ko naman Dad. Hayaan niyo akong pumili ng babaeng nais kong makasama habang buhay,” sinubukan kong huminahon ngunit inuubos talaga niya ang pasensya ko. “Mabubuhay ba kayo ng pagmamahal Cade?! Hindi, kaya ayaw man o sa gusto mo ay magpapakasal ka,” matigas na wika niya kaya napasabunot na lang ako sa buhok ko. Tatawag at kakausapin lang talaga niya ako para maging problema sa buhay ko. Una ay sa mga eskwelahan na nais kung pasukan. Pangalawa ay sa course na gusto kong kunin sa kolehiyo. Ngayon naman ay maging sa gusto kong pakasalan. Hindi ko na alam kung paano ko ipapaintindi sa kanya na isa lang ang gusto kong pakasalan.“Alam niyo kung sino ang gusto kong pakasalan Dad. Nag-iisang Serrano lang. At tinraydor niyo pa kaya alam kong mas lalo akong kakamuhian nun,” matigas ko ring saad kay Dad. “Tinraydor? Negosyo ang pinag-uusapan dito Cade. Hindi ko na kasalanang walang nagtitiwala sa kanila,” walang
CELESTE AMETHYST SERRANO POVNgayon ang unang araw ng trabaho ko sa Resort de Salvadore’ kahit kinakabahan ay kailangan kong magmukhang hindi nenenerbiyos. Gamit ko ngayon ang sasakyan na binigay ni Nat sa ‘kin noong nakaraang linggo, siya pa mismo ang nag-deliver ng sasakyan kaya andami na naman naming napagkwentuhan. “Wahhh, I miss you so much Amy,” malakas na sigaw ni Nat ng bumaba ito ng kotse at mabilis na tumakbo papunta sa pwesto ko. “I miss you to Natty, napagod ka ba sa byahe? May pagkaing hinanda si Mom para sa ‘yo,” sambit ko sa kanya at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay nina Tita. “Alam mo ba si Sebastian? Sobrang busy na sa pagiging inhinyero niya hindi na halos makausap ang kumag nakakainis.” “Nagbabagong buhay na pala ang isang yun, wala sa mukha ang pagiging seryoso but I am glad that all of you are striving now,” proud na wika ko sa aking kaibigan habang kumakain ito. “I am proud of you also Amy, we are. You are striving and fighting really hard in life an
“Sinong umaway sa ‘yo Amy?” matapang na wika ni Fily kaya naman nakuha na namin ang atensyon ng ibang tao sa loob ng lobby ng resort. “W-wala….wala ito Fily napuwing ako e, naiyak na ‘ko sa sakit. Can you blow on my eyes nga,” kunwari’y pagpapa-ihip ko ngunit upang hindi na ito makakuha ng atensyon ng ibang tao. Nagmamadali na rin akong pumunta ng parking lot upang umuwi na at baka maabutan pa ako ni Theo dito sa Resort de Salvadore’. Dahil sa pagmamadali ay hindi ko nakitang may babaeng naglalakad sa harap ko, muntik pa akong mapa-upo kung hindi lang ko nabalanse ang aking katawan. “Well….well…well nandito pala ang EX girlfriend ni Cady. You are Amy right?” Nakita ko ang ngisi sa labi nito na gusto kong hiklatin mabuti na lang ay animal lover ako, may awa pa rin ako sa mga hayop na tahol lang ang nalalaman. Ipinagdidiinan pa talaga nito na ex ko na si Cady? What a corny nickname. Hindi ba nasusuka si Theo sa tuwing naririnig niya yun?“And you are Kim right? The greatest EX? Tama
Naging mabilis ang araw hanggang sa naging linggo at lumipas ang ilang buwan. Ngayon ay pang-anim na buwan ni baby Cordon, I name him after an ulam na iniyakan ko ng hindi ko ito natikman. Grabe ang naging paghahanap ng squad kahit nasa malayo ako ay ginawan nila ito ng paraan para lang ma-cravings satisfied ako at si baby Cordon. “Guys, gusto ko ng cordon bleu please.” “Baka sa susunod lumipad ka na ha, wala pa akong nakikitang buntis na lumilipad,” chat ni Nat at halatang tumatawa sa dami ng emoji na dinugsong sa chat niya. “Puro manok ba naman ang gusto. Gusto mo ba patayuan ka na namin ng poultry para fresh from the farm yung cordon bleu na gusto mo?” natatawang wika rin ni Hope at mukhang naiiyak pa dahil may luha pa ang emoji nito. “Anong poultry? Mamaya ang cravings niyan tayo ang magluto from scratch. Tayo na ang manghuhuli ng manok, magkakatay, tsaka linis? Naku gagawa na lang ako ng bahay,” chat naman ni Sebastian na ikinatawa ko habang nagbabasa dahil magandang suggesti
CHAPTER 112: THEODORE CADE ALEJANDRO POVNgayong araw ay wala pa ring ipinagbago ang aking ginagawa dahil nandito na naman ako sa bar ni Dariell at sinusubukang idaan sa inom ang pagkalungkot sa dating kasintahan. “Bro, umiinom kana naman?” tanong ni Matt na bigla na lang sumulpot dito sa bar akala mo at kabute kung saan saan tumutubo. “Routine na ‘to bro. Kaya masanay ka na, baka mabaliw lang ako kapag nasa condo ng may malay pa,” seryosong wika ko sa kaibigan habang tinutungga ang alak na inorder ko. “Alam kong alam mo kung nasaan si Amy ngayon, bakit hindi mo puntahan at subukang ayusin? Mukhang mahal mo pa naman yung tao.”“Of course I love her. Kaya nga pinakawalan ko kase yun ang hiling niya. Mabuti na ring wala siya ngayon sa tabi ko, baka mapahamak pa siya sa dami ng problemang kinakaharap ko. Mas gugustuhin kong magpakalasing gabi-gabi kesa makitang nahihirapan siya dahil sa pagpiling manatili sa tabi ko.” Kung mapapahamak lang si Celeste habang nasa tabi ko ay mas nanai
CHAPTER 156: After 4 years, naalala ko pa ang unang beses na ikinasal kami ni Theo. Hindi siya pumayag na hindi kami kasal kapag pinanganak namin si Cartier. Yes, our baby is a girl and she is 4 years old now. Parang kahapon lang naghahabol pa si Theo sa bunsong anak namin. “Cartier, what the fuck. Love ano ba ‘yan? Oh my god bakit sobrang putik ng anak mo?” gulat na tanong ko kay Theo ng pumasok sila. Dahil puno ng lupa ang damit maging ang mukha ng anak namin, akala ko ay sa park lang magpupunta ang dalawa. “She jump into the slump Love, akala ko iiwasan niya kaya hindi ko siya pinigilan,” nagkakamot ng ulo na wika ni Theo.“My god love, nung isang araw hinayaan mo pang magtampisaw doon sa canal,” sabi ko sa aking asawa at kinuha si Cartier para linisan na dahil napakadumi ng batang ito. Habang pinapaliguan ko si Cartier ay bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang kuya Archer nito na napahawak sa ilong dahil naamoy ang damit ng kapatid niya. “What’s that smell Mom?” tanong ni
CHAPTER 155:“Let’s welcome Mr. and Mrs. Alejandro. Give them a round of applause everyone!” malakas na saad ng host habang nasa second floor kami ng event hall pero nakaharap ito sa venue na open ground. Mas pinili ni namin na dito ganapin para presko ang hangin at mas lalong ma-enjoy ng bawat guest ang mga pasabog. “Ang perfect naman ng couple na ito, grabe, ngayon lang po kami nagkita ng personal. Sobrang pogi at ganda, hindi na nakapagtataka dahil ang ganda ng anak diba?” wika ulit ng host at itinuro ang sarili kaya nagtawanan ang mga guests. “Charot, pero kitang kita sa genes ng mga magulang ang kalalabasan ng anak nila diba? Btw this is Host Cath and I’m gonna be your host for today’s gender reveal party.”The quality of this host in hosting is giving. Hindi ako nagsisi na siya ang kinuha ko dahil napakagaling at nakaka-entertain talaga ng mga bisita. Walang dead air, purong katatawanan pero may katuturan. Kaya sa susunod na event ay tiyak akong kukunin ko ulit siya.“Lahat ba
CHAPTER 154:Limang buwan na ang aking tiyan pero gusto ng Daddy ng batang ito ay engrande ang maging gender reveal. Kahit mas gusto ko na simple at close friends lang sana ang imbitahin. Pero pinagbigyan ko na rin dahil mas excited pa siya kesa sa ‘kin. “My love, how about princesses for the baby girl and heroes for the baby boy?” gumagalaw pa ang kilay ni Theo habang tinatanong ako. Naisip ko ring ang ganda ng ganong concept kaya tumango ako. Syempre ang resulta ay ang family namin ang may hawak at kami lang pumili at nag-organize ng buong event. Nag-food tasting din kami pero halos si Theo ang pumili dahil parang wala akong tiwala sa panlasa ko ngayon. “Are you tired babe?” tanong ni Theo ng matapos namin lahat ng agenda ngayong araw. Dahil bukas ay fitting naman para sa isusuot namin sa gender reveal na gaganapin sa susunod na linggo. “Yes babe, I really want to rest,” sagot ko kaya marahang pinisil ni Theo ang kamay ko at hinalikan ito. Napangiti na lang ako dahil napakabait
CHAPTER 153:“Girl, patingin ng kamay ng bagong engage,” saad ni Nat ng umalis ang mga lalaki para mag-ihaw. Katabi ko silang dalawa ni Fily. Itinaas ko ang kamay ko at pinakita sa kanilang dalawa ang kamay kong kumikinang dahil sa singsing na binigay ni Theo. “Halatang hindi tinipid no? Sobrang bagal niyo ring dalawa no? Nauna nga kayong maging mag jowa pero nauna pa kaming ikasal ni Fily,” natatawang saad ni Nat“Sobrang chaotic naman kase ng pinagdaanan nila kaya understandable talaga Nat, parang hindi ka rin naghirap bago ka maikasal kay Matthew ah,” natatawang saad ni Fily na ikinatango lang ni Nat. Sa aming tatlo ay wala naman akong masasabing easy love story dahil lahat ay may kanya kanyang kuwento. Sadyang nauna silang pinagbigyan na magkaayos kaya medyo nahuli ang sa amin ni Theo. “Atleast ngayon masasabi kong totoong hindi lang sa lugar, oras o bagay mo mararanasan ang freedom. Kase kay Theo ko naranasan iyon,” serysong saad ko dalawa pero sabay silang tumawa sa sinabi ko
CHAPTER 152: CELESTE AMETHYST SERRANO POVHabang nagtitiktok ay sinusubukan kong habaan ang pasensya ko dahil palaging mali ang ginagawa ni Theo. Kung hindi nagkakamali sa kamay ay nagkakamali sa paa minsan ay sobrang bagal niyang iangat ang isang paa niya. Ngayong araw talaga siya sobrang chinallenge ni Lord kung gaano tayo tatagal. Papadilim na at gusto ko ring i-capture ang sunset pero dahil sa pahamak na tiktok na ito ay mukhang mauuna akong ma-badtrip kesa mapanuod ang sunset. “Babe, sobrang hirap ba talaga ng gagawin natin? This will be our 99th take just for this fit,”medyo naiinis na saad ko pero nginitian lang ako ng mokong at itinaas ang daliri para sabihing isa pa. “Last na talaga ito babe, promise. Can you atleast smile for me na? You can have a reward later,” pang-uuto niya na laging gumagana sa ‘kin. Sa mga unang seconds ay maayos at alam niya na ang gagawin pero ng lumingon ako sa kanya para sa side niya naman ang turn para magtaas ng paa. Nakita ko siyang nakaluho
CHAPTER 151: Pagkatapos tawagan si Fily ay tinanong ko naman ang matagal na nitong bestfriend na si Nathalie. Hindi man matino kausap pero this time ay naging mas malinaw kung bakit pinanindigan ko na rin talagang isagawa ang proposal ko sa lugar kung saan mas minahal at pinahalagahan ni Celeste ang sarili niya. “Hey, can you suggest some place perfect for my proposal to your bestfriend?” tanong ko kay Nat sa kabilang linya. Napatakip pa ako sa tenga ko ng tumili ang babae at narinig ko ang pagkukumahog ni Matt para sa asawang tumili. “What happened love? Bakit ka sumigaw?” natatarantang tanong ni Matt sa kabilang linya pero tumawa na lang si Nat dahil wala naman talagang nangyari sa babae. “Nothing love, ikakasal na kase yung isa kong kaibigan e. Masyadong nakakakilig ang love story ng dalawang iyon.” “So can you suggest now Nat?” maikling tanong ko sa kaibigan ni Celeste dahil andami laging commercial at mabilis ma-distract. “Eto na nga diba? Let me think ha…….why not sa Resor
CHAPTER 150: Hindi pa rin ako makapaniwalang kami na ulit ng babaeng kayakap ko ngayon. Si Celeste, pinakaunang babaeng minahal ko at huling babaeng pag-aalayan ko ng aking pagmamahal maliban sa aming mga anak. “Sorry for tiring you my love,” bulong ko sa puno ng tainga ni Celeste at marahang hinalikan ang noo nito habang nakaharap sa ‘kin at nakayakap sa hubad kong katawan. Gustong gusto kong tinitignan at binabantayan sa pagtulog ang babae, baka sa muling paggising ko ay mawala na naman ito ng parang bula. Kung dati halos magpakalunod ako sa alak, baka kapag iniwan niya ulit ako hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Para na ring walang saysay ang paggising at pagtatrabaho ko kung hindi ko naman sila nakikita at nakakasama. “It’s fine love, I love it when you are moving inside me. I love it when you kiss me so hungrily and I love it when you cuddles me after our activity,” bulong niya bago tuluyang bumigat ng tuluyan ang kanyang mga mata. “I love you so much, even befor
CHAPTER 149: THEODORE CADE ALEJANDRO POV“Nat, Fily help me,” saad ko sa dalawang babae na labis na nakakakilala kay Celeste. Nagkatinginan pa ang dalawa bago ako tinignan at sabay na napatanong ng. “Help? Saan?” Tumingin muna ako sa paligid kung nasa malapit ba si Celeste ng makitang nasa malayo ay may kinuha ako sa aking bulsa at pinakita sa dalawa. Pinakita ko ang red velvet box na may lamang heart shaped all diamonds engagement ring, kitang kita ang malaking cut ng diamond na hugis puso at sa band naman nito ay may maliliit na round cut diamonds. “The fuck? Sabi na nga ba susunod ka rin agad kapag nalaman mong may anak ka sa babaitang ‘yan e,” gulat na saad ni Nat pero naluluha rin ito. Maging si Fily ay masayang nakatingin kay Celeste, nang makitang lumingon si Celeste ay kumaway lang ang babae at iniwas ang tingin. “Kahit wala kaming anak, siya lang ang nakikita kong papakasalan ko,” saad ko kay Nat at tumingin kay Celeste na papunta na sa lamesa at may dalang tupperware ng
CHAPTER 148: “Tama ba ang rinig ko ate? You are pregnant again? So may baby number 2 na, sana girl naman para maipamana ko ang mga lipsticks and make-ups ko,” maarteng saad ni Tori kaya napangiwi ang ina at kuya niya. “Baka yung kaartehan ang ipasa mo anak,” saad ni Tita na ikinasimangot lang ni Tori. “Ma, you tolerate me buying those things also. You even let me use up all my allowance because you said Kuya can provide naman.”“Tori, masyado ka ng madaldal ha. Kelan ko sinabi ‘yan? Babawasan ko na talaga ang allowance mo naku,” natatarantang saad ni Tita kaya napatingin ako kay Theo pero nakadikit na naman ito na parang tuko sa ‘kin. “Taasan mo raw ang allowance ni Tori para may pambili ng make-up and stuff babe,” saad ko at kumindat kay Tori pero si Theo ay inaamoy lang ang aking batok. Jusko naman ang lalaking ito sobrang adik sa amoy ko. “No babe, sobrang dami niya ng make-up sa room niya.” “What? How about me? Can I buy new make-ups then?” tanong ko kay Theo at inalis ang