Share

CHAPTER 105:

Author: GELAYACE
last update Huling Na-update: 2024-12-16 23:40:39
“A-anong sinabi mo Hon? A-ang mga A-alejandro? B-but they were nice hindi ba? T-tama ba ang narinig ko? Alejandro?” naguguluhang tanong ni Mom kay Dad.

“A-akala ko mapagkakatiwalaan din sila ngunit nagkakamali pala ako, sila ang nasa likod kung bakit tuluyang nawala ang mga investors, maging ang patuloy na paninira sa mga produkto natin,” nanghihinang wika ni Dad at narinig ko pa sa loob ng kwarto ang pagkalansing ng baso hudyat na umiinom na naman si Dad.

Napatingin ako sa aking kamay ng may tumulong luha mula sa aking mata. Akala ko masakit na yung pag-iwan ko kay Theo, at marinig sa mismong bibig ng lalaking mahal ko na awa lang ang lahat. Ngunit mas masakit palang malaman na pamilya nila ang may kagagawan kung bakit nawala sa amin ang kumpanya.

“Y-you will never be like you Dad and Grandfather who are ruthless and cold hearted,” bulong ko sa aking tiyan habang hinihimas ito.

Palalakihin ko ang batang ito na puno ng pagmamahal at may malasakit sa kapwa. Hinding hindi nito maiisip
GELAYACE

Sneak peak for my second book!

| 2
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
waiting s update po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 106:

    “Ano ba ‘yan miss? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo,” inis na saad ng babaeng nabangga ko sa kakamadali. “S-sorry po… pasensya na po talaga,” kinakabahang wika ko sa babaeng nabangga ko pero hinawakan ako nito sa braso kaya napatingin ako sa kanya. “May humahabol ba sa ‘yo? Bakit parang gulat na gulat ka? Walang mananakit sa ‘yo sa lugar na ‘to,” pagpapakalma sa ‘kin ng babaeng nabangga ko. “A-ah, wala po… pasensya na po ulit pero kailangan ko na pong umalis,” paalam ko sa babae at nagmadali ng umalis sa Resort de Salvadore’.“Fily! How are you? Pinapahirapan ka ba ng pinsan ko?” narinig kong sambit ni Matthew sa babaeng nabangga ko. Mabuti na lang talaga at nagmadali akong umalis duon kung hindi ay baka maabutan at makita ako ni Matthew. Sobrang loyal pa naman ng lalaking iyon kayy Theo. Habang naglalakad papunta sa sakayan ay tumawag si Nathalie sa akin kaya naghahanda ko na itong sigawan ng mauna na itong magpaliwanag sa’kin.“Hep, hep… sorry na Amy, ngayon ko lang din nalama

    Huling Na-update : 2024-12-17
  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 107:

    “Calamba! Huling destinasyon na po ito, miss pasensya na pero hanggang dito na lang ang jeep ko,” sambit ng driver. “Pasensya na po, ingat po kayo,” sabi ko naman sa driver at mabilis na bumaba ng jeep. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa jeep dahil sa labis na pagod. Mabuti na lang ay Calamba ang huling destinasyon kaya kung sakaling hindi ay lumampas na ako. “Nakauwi na po ako,” masayang bulalas ko pagbukas ng pinto pero suumalubong sa akin ang mangiyak ngiyak kong ina. At katabi nito ay ang may pasa at duguang mukha ng aking ama. “A-anak,”naluluhang tawag sa akin ni Mom kaya mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya. “A-ano pong n-angyari dito? Bakit po dumudugo ang labi ni Dad?” nagtatakang wika ko sa kanila ngunit napailing na lamang ang aking Tito at Tita. “Y-yung pinagkakautangan ng Dad mo natunton tayo anak, nang walang maibigay ang ama mo ay iyan ang ginawa nila,” nahimigan ko ang galit sa boses ng aking ina. Kahit ako ay magagalit sa mga taong nakaka

    Huling Na-update : 2024-12-17
  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 108:

    THEODORE CADE ALEJANDRO POV“Tigilin niyo na ang paggawa ng mga desisyon na kaya ko naman Dad. Hayaan niyo akong pumili ng babaeng nais kong makasama habang buhay,” sinubukan kong huminahon ngunit inuubos talaga niya ang pasensya ko. “Mabubuhay ba kayo ng pagmamahal Cade?! Hindi, kaya ayaw man o sa gusto mo ay magpapakasal ka,” matigas na wika niya kaya napasabunot na lang ako sa buhok ko. Tatawag at kakausapin lang talaga niya ako para maging problema sa buhay ko. Una ay sa mga eskwelahan na nais kung pasukan. Pangalawa ay sa course na gusto kong kunin sa kolehiyo. Ngayon naman ay maging sa gusto kong pakasalan. Hindi ko na alam kung paano ko ipapaintindi sa kanya na isa lang ang gusto kong pakasalan.“Alam niyo kung sino ang gusto kong pakasalan Dad. Nag-iisang Serrano lang. At tinraydor niyo pa kaya alam kong mas lalo akong kakamuhian nun,” matigas ko ring saad kay Dad. “Tinraydor? Negosyo ang pinag-uusapan dito Cade. Hindi ko na kasalanang walang nagtitiwala sa kanila,” walang

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 109:

    CELESTE AMETHYST SERRANO POVNgayon ang unang araw ng trabaho ko sa Resort de Salvadore’ kahit kinakabahan ay kailangan kong magmukhang hindi nenenerbiyos. Gamit ko ngayon ang sasakyan na binigay ni Nat sa ‘kin noong nakaraang linggo, siya pa mismo ang nag-deliver ng sasakyan kaya andami na naman naming napagkwentuhan. “Wahhh, I miss you so much Amy,” malakas na sigaw ni Nat ng bumaba ito ng kotse at mabilis na tumakbo papunta sa pwesto ko. “I miss you to Natty, napagod ka ba sa byahe? May pagkaing hinanda si Mom para sa ‘yo,” sambit ko sa kanya at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay nina Tita. “Alam mo ba si Sebastian? Sobrang busy na sa pagiging inhinyero niya hindi na halos makausap ang kumag nakakainis.” “Nagbabagong buhay na pala ang isang yun, wala sa mukha ang pagiging seryoso but I am glad that all of you are striving now,” proud na wika ko sa aking kaibigan habang kumakain ito. “I am proud of you also Amy, we are. You are striving and fighting really hard in life an

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 110:

    “Sinong umaway sa ‘yo Amy?” matapang na wika ni Fily kaya naman nakuha na namin ang atensyon ng ibang tao sa loob ng lobby ng resort. “W-wala….wala ito Fily napuwing ako e, naiyak na ‘ko sa sakit. Can you blow on my eyes nga,” kunwari’y pagpapa-ihip ko ngunit upang hindi na ito makakuha ng atensyon ng ibang tao. Nagmamadali na rin akong pumunta ng parking lot upang umuwi na at baka maabutan pa ako ni Theo dito sa Resort de Salvadore’. Dahil sa pagmamadali ay hindi ko nakitang may babaeng naglalakad sa harap ko, muntik pa akong mapa-upo kung hindi lang ko nabalanse ang aking katawan. “Well….well…well nandito pala ang EX girlfriend ni Cady. You are Amy right?” Nakita ko ang ngisi sa labi nito na gusto kong hiklatin mabuti na lang ay animal lover ako, may awa pa rin ako sa mga hayop na tahol lang ang nalalaman. Ipinagdidiinan pa talaga nito na ex ko na si Cady? What a corny nickname. Hindi ba nasusuka si Theo sa tuwing naririnig niya yun?“And you are Kim right? The greatest EX? Tama

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 111:

    Naging mabilis ang araw hanggang sa naging linggo at lumipas ang ilang buwan. Ngayon ay pang-anim na buwan ni baby Cordon, I name him after an ulam na iniyakan ko ng hindi ko ito natikman. Grabe ang naging paghahanap ng squad kahit nasa malayo ako ay ginawan nila ito ng paraan para lang ma-cravings satisfied ako at si baby Cordon. “Guys, gusto ko ng cordon bleu please.” “Baka sa susunod lumipad ka na ha, wala pa akong nakikitang buntis na lumilipad,” chat ni Nat at halatang tumatawa sa dami ng emoji na dinugsong sa chat niya. “Puro manok ba naman ang gusto. Gusto mo ba patayuan ka na namin ng poultry para fresh from the farm yung cordon bleu na gusto mo?” natatawang wika rin ni Hope at mukhang naiiyak pa dahil may luha pa ang emoji nito. “Anong poultry? Mamaya ang cravings niyan tayo ang magluto from scratch. Tayo na ang manghuhuli ng manok, magkakatay, tsaka linis? Naku gagawa na lang ako ng bahay,” chat naman ni Sebastian na ikinatawa ko habang nagbabasa dahil magandang suggesti

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 112: ANG SAKIT-SAKIT MO!

    CHAPTER 112: THEODORE CADE ALEJANDRO POVNgayong araw ay wala pa ring ipinagbago ang aking ginagawa dahil nandito na naman ako sa bar ni Dariell at sinusubukang idaan sa inom ang pagkalungkot sa dating kasintahan. “Bro, umiinom kana naman?” tanong ni Matt na bigla na lang sumulpot dito sa bar akala mo at kabute kung saan saan tumutubo. “Routine na ‘to bro. Kaya masanay ka na, baka mabaliw lang ako kapag nasa condo ng may malay pa,” seryosong wika ko sa kaibigan habang tinutungga ang alak na inorder ko. “Alam kong alam mo kung nasaan si Amy ngayon, bakit hindi mo puntahan at subukang ayusin? Mukhang mahal mo pa naman yung tao.”“Of course I love her. Kaya nga pinakawalan ko kase yun ang hiling niya. Mabuti na ring wala siya ngayon sa tabi ko, baka mapahamak pa siya sa dami ng problemang kinakaharap ko. Mas gugustuhin kong magpakalasing gabi-gabi kesa makitang nahihirapan siya dahil sa pagpiling manatili sa tabi ko.” Kung mapapahamak lang si Celeste habang nasa tabi ko ay mas nanai

    Huling Na-update : 2024-12-20
  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 113:

    “Amy, tara lunch tayo?” aya sa ‘kin ni Fily ngunit sa dami ng inaasikaso ko ay umiling lang ako sa kaibigan. “Mauna kana Fily. Madami pa akong gagawin e.”“Bawal malipasan ng gutom ang mga buntis no, sige ka magugutom yung anak mo.”“Busog pa rin naman ako. Sige na you can eat first. Kailangan ko lang talagang ayusin ‘tong proposal para sa TCA Holdings at need na raw para bukas,” aniya ko kay Fily. Mabuti na lang din at tumatangong naintindihan niya ang aking sinabi. Kumain din naman ako ng marami bago ako umalis sa bahay kaya hindi na rin nakakapagtakang hindi ko pa ramdam ang kagutuman. Sana lang ay matapos ko na ang proposal bago ako dalawin ng gutom upang wala na akong alalahanin mamaya. “Hay grabe ang araw na ‘to, walang pahi-pahinga ang people na ‘to.”“Hi Amy, tapos ka na ba sa ginagawa mo? Kanina ko pa kasi napapansin na parang tutok na tutok ka sa ginagawa mo. Bumili nga pala ako ng packed lunch para sa ‘yo,” wika ni Argel na katrabaho ko rin sa marketing department. Napa

    Huling Na-update : 2024-12-21

Pinakabagong kabanata

  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 184: The End

    CHAPTER 184:I took a nap sa airplane dahil 4 na oras pa naman ang biyahe. Binaba ko ang shades ko at umidlip kahit kakasakay pa lang sa eroplano. Sanay na sanay na ako sa turbulence kaya hindi na ako nabo-bother doon, instead tinutulugan ko na lang ang ingay. Sakto naman pag-unat at pagmulat ng mata ko ay malapit nang makadating sa airport ng Japan. Pero nagulat ako ng may tumikhim sa gilid ko. “Oh my….what the fuck are you doing here?......Love?” para akong nakakita ng multo. Nagtinginan pa ang iba samin dahil sa pagsigaw ko. Mabilis akong yumuko at tinago ang mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan. “Bakit hindi mo sinabing babalik ka ng Japan? Akala ko ba napag-usapan na natin ito, Celeste?” Muli ay napayuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. “I-im sorry…I just need to sign a paper and will come back later, love,” pagpapaliwanag ko pero napahilot na lang si Theo sa noo niya. “Hindi mo alam kung paano ako nagkumahog na pumunta ng airport at mag-book ng flight para m

  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 183: Japan

    CHAPTER 183: Hanggang sa mag-lunch break kami ay hindi pa rin ako makapaniwala sa katotohanang photographer din pala si Theo. “H-how come, love?” bulong ko. Wala namang nakakaalam na mag-asawa kami ni Theo kaya hininaan ko ang boses ko. Malakas siyang tumawa kaya nahampas ko siya ng malakas sa bibig. “What the?!” gulat na sambit niya. Natutop ko rin ang bibig ko dahil sa nagawa at humingi ng pasensya sa kanya. “Sorry na….but sagutin mo muna ang tanong ko, how did you became my photographer? Or nang-agaw ka lang ng camera?” tanong ko. Natawa na naman siya kaya pinigilan ko na ang kamay kong hampasin siya. “Of course not wife, I am a professional photographer. Hindi mo ba nakita kung gaano ako kaganda kumuha ng litrato?” pagyayabang niya. Pero kitang kita naman sa mga litrato kanina kung gaano siya kaganda kumuha. Maging ako ay namamangha na makita ang sarili kong ganun kaganda. Idagdag pa kung gaano siya kahusay pumili ng anggulo ko, kahit kinikilig ako ay kailangan kong maging p

  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 182: Photographer and Model

    CHAPTER 182: Hindi ako pinansin ni Theo simula pa kanina, hanggang ngayong nasa eroplano na kami. Pero nag-aalala naman siya sa ‘kin ng humingi ako ng kape at sinasadya kong kamuntikan ng matapon. “Mag-ingat ka, Celeste. Wala dito yung piloto para i-entertain ka,” sarkastikong saad ni Theo at binalot ng tissue ang kape ko para hindi gaanong mainit. “Are you mad ba?” tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. “Yeah, you are,” pagsagot ko sa sarili kong tanong. Nang lumipad na sa himpapawid ang sinasakyang eroplano ay biglang nagsalita ang piloto ng airplane. “I would like to acknowledge the presence of Miss Celeste Amethyst. Nice seeing and talking for a bit with you,” saad niya pagkatapos magsabi ng iilang reminder patungkol sa flight. “At nakipaglandian pa talaga ang pilotong iyon?” sarkastikong bulong ni Theo. Natawa na lang ako kaya tinignan niya ako ng masama, “I love only Theo. So wag ka ng magalit sa ‘kin please?” Kinulit kulit ko pa siya hanggang sa hinila niya ako

  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 181: Who's that Pilot?

    CHAPTER 181: Magkaharap kami ngayon ni Alec sa police station, katabi ko si Theo habang nasa likod naman sina Colton at Matthew. “You will pay for what you have done to me bitch!” inis na saad ni Alec. Pero hindi man lang ako makaramdaman ng kahit anong kaba o takot. Mas natakot pa ako ng tumayo si Theo, napasandal din si Alec sa kinauupuan niya at handa na ang kamay na pangsangga. “Yes? Hello! You already have the report?” “Okay, I’ll just take this call. Matt, ikaw na ang bahala may kakausapin lang ako,” saad ni Theo at umalis sa kanyang kinauupuan. “What’s the case all about officer?” seryosong tanong ni Matthew at umupo sa bakanteng upuan na iniwanan ni Theo. Pinaliwanag ng officer na kinasuhan daw ako ni Alec about serious damage and oral defamation. Nagtaka pa ako nung una dahil wala naman sa mga iyon ang totoo. “Serious damage and defamation? Really?” natatawang saad ko kay Alec. “You should apologize to me now, Amethyst. Or else-” “Or else what? Mr. Alec San Miguel? Yo

  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 180: Police Station (SPG)

    CHAPTER 180: “How about making our night a little spicy, Celeste?” bulong ni Theo. Napaigik naman ako dahil sobrang sexy ng boses niya, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at ibinaba ang baso ng warm milk ko. Mabilis akong lumapit sa kanya, hinawakan niya ako sa bewang at inalalayan paupo sa kandungan niya. Napalunok ako ng maramdaman ko ang pagkalalaki niya sa pagitan ng aking mga hita. Sinunggaban agad ni Theo ang aking labi kaya nag-eespadahan ang aming mga dila habang gumagalaw ang aming mga ulo. Naitaas ko rin ang kamay ko ng itaas ni Theo ang damit na suot ko, tumambad sa kanya ang dibdib kong namumutok sa laki pero may nakaharang pang bra. “Eyes here, Theo.” Tumawa na lang si Theo at pinalo ang aking pwetan bago himasin. Hindi ko alam na masarap pala iyong pinapalo ang pwet bago hihimasin. Mas idiniin ko rin ang may saplot kong pagkababae sa t****o niyang parang gusto ng sirain ang humaharang sa pagitan namin. “Ohhhh,” ungol ko ng maramdaman ko ang dila ni Theo

  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 179: The Closure

    CHAPTER 179: “Ha? A-annulment?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Marahan namang tumango ang lalaki at yumuko sa aking harapan. “Sasabihin ko pa lang sana sa ‘yo, pero anong ginagawa mo? Celeste? M-masaya bang paglaruan ako?” masakit na sambit ni Theo. “Anong pinagsasabi mo diyan?” napatingin pa ako sa palagid. Madami ng tumitingin sa amin dahil sa ginagawa ni Theo. “Bakit kailangan mo akong saktan ng ganito, Celeste? Akala ko wala na akong pag-asa kaya pina-process ko na yung gusto mong annulment.” Hindi ako nakaimik sa sinabi niya dahil iyon naman talaga ang una kong binaggit sa kanya. Gusto ko ng annulment, pero nagtataka lang ako sa isang bagay. “Wala akong pinirmahan na annulment, Theo.” “Ha? E ano yung sinabi sa ‘kin ni Matthew?! Sabi niya inayos na raw-” nakatitig lang ako sa kanya. Nang makitang tumatawa si Matthew sa gilid ay bigla na lamang siyang nawala sa harapan ko para habulin si Matthew. Napaka-childish talaga, naturingan pa namang cold at matigas na CEO pe

  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 178: I Still Do!

    CHAPTER 178: “Wow, perfect family naman,” pang-aasar ni Nat. Pero inirapan ko lang siya at sinarado ang pintuan ng kotse. Nang okay na lahat ay sunod-sunod na ring nagsi-alisan ang mga kotse. At dahil maaga nga ang byahe namin ay wala masyadong prepared na foods pero may sandwich naman akong ni-ready in case. “Daan ka muna diyan sa Mcdo, bili muna tayo ng foods. Nasabihan ko na rin sina Nat at Fily,” wika ko kay Theo at tinuro ang madadaanang Mcdonald’s. Madami na akong inorder kagaya ng chicken, nuggets, burger, drinks and also fries kase request ng kids. Sila Nat at Fily naman ay nasa likod ng sasakyan namin at sila na lang daw ang bibili ng foods nila para hindi na raw hassle. “Can you give me the sandwich, please?” saad ni Theo. “Which one?” tanong ko at hinalungkat ang paper bag ng Mcdo pero iba pala ang gusto niya. “Not that one, yung sandwich na ginawa mo ang gusto ko,” saad nito kaya napatitig ako sa kanya. Naramdaman siguro niyang may nakatitig sa kanya kaya napa

  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 177: Taga Sundo

    CHAPTER 177: Gabi na ng matapos yung trabaho ko, nag-unat pa ako kase sumakit ang batok ko dahil sa dami ng natapos ko. Siguro bukod sa mga payoneer days ko habang tinatayo ang kumpanya ay isa na ito sa mga araw na sobrang productive ko. Nagsi-uwian na ang mga staff ko, maging si Rachel ay nagpaalam na ng 5 pm. Dahil yun naman talaga ang tamang awas nila, kaya mag-isa tuloy akong naglalakad papunta sa elevator. “Mommy, can we sleep in your house po?” voice message ni Cartier. Natawa ako habang pinapakinggan ang iba pa niyang mga recordings. Hindi ko ito napansin kanina kase naka-silent at para hindi talaga ako madistract habang ginagawa ko ng isang araw ang halos 3 linggo kong trabaho. Worth it naman lahat ng sakit at pagod ko ngayon dahil mga anak ko naman ang makikita at makakasama ko. “Please? I will behave, Mom.” “Can we sleep together again?” “Kuya, you should tell Mom, that you want to sleep here also.” Kinuntsaba niya pa talaga ang kuya niya kaya narinig ko

  • Unexpected Legacy: Rekindling Love with my CEO Ex-Husband   CHAPTER 176: Disneyland

    CHAPTER 176:Gulat na gulat ako ng bumungad sa ‘kin si Archer at Cartier habang may hawak na bulaklak. “Oh my god! D-diba sa vacation pa kayo pupunta rito?” “Daddy made it happen, Mom,” wika ni Archer. Hinalikan ko siya sa ulo ng iabot nito ang bulaklak na hawak-hawak. “Mom, I missed you so much,” sabi naman ni Cartier na yumakap sa binti ko kaya binuhat ko siya. At kinarga papasok ng apartment ko. Nag-uumapaw sa saya ang puso ko, dapat nga sila ang isu-surprise ko pero ako pa tuloy ang maagang na-surprise. Inayos ko na rin ang lamesa at mabuti na lang ay madami akong naluto. “Wait, may nakalimutan pa tayo. Masyadong na-excite si Amy ng makita ang mga anak kaya hindi napansin yung iba,” saad ni Nat. Nilakihan nito ang pintuan kaya nakita ko si Theo na napakamot sa kanyang ulo, pero pumasok din naman ng papasukin siya ni Nat. “W-wait, anong ginagawa mo rito?” pabulong na tanong ko. Nakita ko kasing nakatingin ang dalawang bata kaya hindi ko pwedeng away-awayin ang Daddy nila. “W

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status