Lumipas ang ilang gabi, sa hindi malamang dahilan, ay may bumabagabag kay Rafael, isang kakaibang palaisipan. Kaya naisipan niyang puntahan si Andrea sa kwarto nito. Tahimik na binuksan ni Rafael Buenavista ang pinto ng kwarto ni Andrea at naglakad papunta sa gilid ng kanyang kama. Bihira siyang pumasok sa silid na ito, bagama't palagi niyang pinapakuha sa kanyang mga tauhan ang Cctv footage upang matiyak na wala itong ginagawa. Sa pagpasok pa lang, ang silid ni Andrea ay nagmistulang hardin, ito ang silid ng kanyang prinsesa. May mga palamuti na pinong-pino, mga umiilaw na paro-paro sa mga bulaklak ng rosas na bagong pitas pa lamang sa hardin. Ang kanyang makapal na kurtina na kulay berde ay nababagay sa kulay ng pintura ng kanyang kwarto. Ang bed sheets din niya ay kulay berde, at ang pinaka-cute sa lahat ay ang desinyong hugis puso, ang kanyang apat na unan. Kung pagmamasdan, ang lahat ay tila normal lamang, na kong saan si Andrea bilang may bahay ni Rafael ay walang masamang bin
Nais gawin ni Rafael ang isang bagay na hindi pa niya nagawa noon, para sa sinuman: gusto niyang aliwin si Andrea. Gusto niyang hubarin ang kanyang mga damit at dumausdos sa ilalim ng mga saplot kasama niya, yakapin siya nang mahigpit at bumulong ng mga salitang may positive na katiyakan sa kanilang dalawa. Upang mawala ang basag na expression mula sa kanyang mga mata.Ang tanging nakapagpahinto sa kanya ay ang kawalan ng katiyakan na tatanggapin siya ni Andrea, isang bagay na hindi kailanman nangyari sa kanya noon. Ang kanyang pagmamataas at kaakuhan ay nagkaroon na ng battering sa araw na iyon, at ayaw niyang subukan, natatakot na baka masaktan lang siya.Ngunit ngayon ay decided na si Rafael para maglaan ng sapat na oras, upang itulak ang sarili sa kanyang nais gawin."I was just checking on you," sabi niya, pinananatiling mahina ang boses at sinusubukang iparinig ang totoo, na parang ginagawa niya ang ganoong bagay sa lahat ng oras."Okay lang ako." Ang simpleng sagot ni Andrea.H
Isang taon na ang nakalipas simula ng makaranas ng mga unusual na panaginip si Andrea ay nagsimula na siyang magtanong sa sarili. Unti- hunting may mga alaalang pumapasok sa memorya niya. Ito na marahil ang resulta ng mga gastos at masarap na pagaalaga ni Rafael sa kanya. Hindi niya ito sinasabi kay Rafael mas pinili niyang, siya mismo ang makakatuklas kung sino siya sa kanyang nakaraan. Ito na nag nagtulak sa kanya upang gumawa ng mga hakbang para masiguro ang kanyang kinabukasan.Maraming regalo si Rafael kay Andrea na alahas, ngunit naisip ni Andrea na hindi niya ito madadala pag siya ay itinakwil na ni Rafael. Kaya gumawa siya ng paraan, kinuhanan niya ng mga larawan ang bawat piraso ng alahas na gusto niya at pinapa-duplicate niya ang lahat ng mga ito, kwentas, singsing, hikaw at iba ipa."Ma'am pwede nyo na tingnan." sinabi ng lalaking gumawa ng fabricated na alahas."Isang taon na ang nakalipas, Finally, natapos din." sinabi ni Andrea at napangiti siyang makita ang tatlong boxes
"Bwesit!"Pasigaw na sabi ni Andrea, nainis siyang marinig ang pumipilipit niyang boses. Umubo pa ito, Hinahaplos ng kanyang palad ang kanyang dibdib, nang maramdaman ang humaharang sa kanyang lalamunan.Ngunit lingid sa kaalaman ng mga taong nagbabantay sa kanya, ito ay parti ng kanyang paghahanda lamang, upang kusa siyang iwasan ni Rafael.Tumalab sa kanya ang sakit na pag ubo, at hirap sa paghinga. Ang banayad niyang boses ay naging magaspang at wala sa tono, habang tumatagal ng ilang oras ay naging mas malalim, mas magaspang.Maya maya pala ay nakarinig siya ng mahinang tunog sa kanyang kwarto, at ang lamig ay dumaloy sa kanyang gulugod."Rafael?" Tawag niya.Lumapit siya at binuksan ang pinto ng kwarto, sa pag aakalang si Rafael ang tao sa labas. At sa kanyang pagbukas, lumabas siya nang hindi tumitingin sa normal na level, kundi sa sahig. Sa pag taas ng kanyang tingin ay bumulaga sa harapan niya ang lalaking estranghero na nakatayo rito."Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na t
"Makinig ka sa akin Andrea: Gusto kong manatili ka dito, hayaan mo akong alagaan ka at bantayan. Para kung sa ano man gagawin ni Rafael laban sayo, asahan mong darating ako, upang ipagtanggol ka. Hindi ka karapat-dapat para sa anumang trabaho maliban sa pagmumukhang maganda, at maayos, katulad ng dati, diyan ka magaling." sinabi ng lalaki na humarap ngayon sa kanya."Dati,? Magkakilala na ba tayo non?" Ang tanong ni Andrea na naguguluhan ang isip. Pagkaintindi niya mula sa mga sinasabi nito ay kilalang-kilala niya si Andrea.Tumahimik ang lalaki at nananatiling nakatitig sa kanya.Hinayaan ni Andrea ang isang pagod na buntong-hininga na lumabas mula sa kaloob-looban niya at isinandal niya ang kanyang ulo sa kanyang balikat, nagpaubaya siyang susuportahan ng lalaki ang kanyang timbang."Hindi ko alam kung paano ako magsisimula muli" sabi ni Andrea.Ang kahinaan ng kanyang postura ay dinisarmahan, at binigyan siya ng pagkakataong tiyaking pigilan ang kanyang expression. Hindi siya makapa
TATLONG Araw pagkatapos ng one night stand niya kay Andrea.Ang opportunistang assassin ay naninirahan sa isang lugar, kung saan may magandang opportunity para sa uri ng trabaho mayroon siya, kaya madalas siyang nagpalipat-lipat ng tinitirhan. Katahimikan lang tanging gusto niya na parang welcome blanket. Para sa kanya ang pag iisa ay isang privacy sa buhay at nakakarelax.Pumasok siya sa kanyang kwarto. Ang kwarto ay may dim light pero, maliwanag pa sa buwan ang mukha at iba't ibang larawan ni Andrea na nakadikit sa ding ding.. Ito ang hindi alam ni Andrea, na matagal na siyang sinusundan at pinagpapantasyahan ng lalaking ito.Ang mga silid ay walang laman na kahit anong bagay, hindi dahil hindi niya kayang bumili ng mga kasangkapan, ngunit dahil gusto niya na may malaking espasyo. May lugar siyang matutulogan, at may mauupuan. Mayroon siyang telebisyon, at isang c
Kung magkaroon man ng maliit na isyu ang assassin ay kusa siyang lumalayo, kapag siya ay nawawalan ng gana, inalagaan niya ang bagay nang mahinahon at may pag iingat, at hindi nag-aksaya ng oras sa pag-aalala tungkol sa mga maliit na bagay, other wise it's not a big deal for him.Habang nakahawak ang assassin sa bewang ng dalaga ay maingat niyang tinitingnan ang bawat kwartong dinadaan nila, nay may hinahanap na tao. Hanggang sa madaanan nila ang eka-walong kwarto. "Dito tayo."Sa ika-siyam na kwarto, katabi ang kinaroronan ng target na lalaki ay pumasok ang assassin kasama ang dalaga. Hinubad ng lalaki ang kanyang polo shirt at humiga sa kamang sakto sa pangdalawahan."Ahh" Hindi paman nagsimula ang dalawa ay puro unggol na ang maririnig sa paligid.Kinuha ng assassin ang kanyang maliit na device at inipit ito sa kurtina. Ang device ay may maliit na camera at ito ay patagong nakatutok
Lumabas ang target na lalaki matapos ang panandaliang aliw na nangyari sa kwartong pinasukan niya. Nagsindi siya ng sigarilyo at sa unang pagbuga ng USOK mula sa kanyang bibig ay naba-bahala siya sa kanyang mga narinig. Tunog ng musika ang nangingibabaw, pero nage-echo ang hiyaw ng mga unggol ng babae at lalaki sa paligid niya.Kunot noo siyang napalingon sa kanan. May mga sigaw, at hiyaw na boses. Pagkatapos ay lumingon muli sa kaliwa. Tila mas malinaw pa ang narinig niya, lalo na sa katabi ng kwartong pinapasukan niya. Bahagyang lumapit siya at hinila ng bahagya ang kurtina. Sa loob ay nakikita niya ang isang lalaki na parang uuod na gumagalaw habang nakikipagtalik sa babae. Di rin nagtagal at binitawan niya ang kurtina saka umalis.Samantala, ang lalaking sinisilip niya ay ang assassin at ang dalaga na isa sa mga bartender ng club."Uhahh... may taong sumisilip sa atin"
Parang tumigil saglit ang mundo ni Andrea sa pangatlong pagkakataon nang makaharap niya si Claudia. Namumula ang kanyang pisngi. Naisip niya na sana ay hindi na niya ito makausap uli. Ang mas masakit pa ay nang malaman niyang naging babae ito ni Rafael, na mas nauna pa pala, kaysa kanya. "Ang baboy?!" binangit ni Andrea na gustong magwala sa loob ng kanyang kwarto. Galit siya sa sarili niya, at mas lalong galit siya kay Rafael ngayon. Hindi niya masikmurang isipin na dalawa silang tinutuhog, at kung sino lang ang gusto niyang tuhugin. "Iyon na ang huling gabi ng pagkikita natin Rafael. Kailangan na kitang iluwa!" galit niyang sinabi. Umupo si Andrea sa sofa, hinayaan niyang magpahinga ang isip sa ibabaw ng malambot na upuan, at huminga na tila talagang nalulungkot siya. Gayunman, kailangan niyang mag-ingat na huwag ma stress sa mga bagay bagay ayon sa payo ng kanyang doctor. Kinaumagahan, dumalaw sa kanya ang kanyang doktor para suriin ang lagay niya. "Kung may mga naaalala
“Anong kaya mong gawin para sa isang tao kung mahal mo ito?” tanong ni Rafael. Sabay hila ng maiksing palda ni Claudia.Nagulat si Claudia sa ginawa ni Rafael, kaya muntik na siyang matumba sa inuupuan ni Rafael. Mabuti na lang ay nakahawak siya sa sandalan, kundi unang mamo-modmod ang pagmumukha nito. Napakunot-noo si Claudia sa kaunting sandali na nakaiwas siya sa mga tingin ni Rafael. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang pagtayo at ngumiti sa matanda, "sorry" "Parang natataranta ka ata- ok ka lang ba?" tanong ni Rafael sabay haplos sa kanyang mga palad. Sa ginawa ni Rafael ay hindi ito ikinatuwa ni Claudia, alam niyang hindi ganoon si Rafael kung maglambing, o di kaya kung may gustong gawin."Hindi ah. Ikaw kasi ginugulat mo ako.." "Masyado ka nang naging nerbyosa dahil sa akin. Ano bang gusto mong gawin natin para kumalma ka?" paglilinaw ni Rafael."Hmm.. depende sa iyo.." sagot ni Claudia na gusto na rin sakyan ang ano mang trip ni Rafael ngayon. Kailangan niyang makaiwas sa
“Jobert?” sunod sunod na pagtawag. Ang boses ay umalingaw-ngaw sa buong paligid ng basement. Nagbukas ang isang maliwanag na ilaw sa isang hindi kaaya-ayang sulok.“Nandito ako..” sumagot si Jobert.Sumunod ay nag-ingay ang rehas, alam ni Jobert na ito ay pintuan palabas kung saan siya kasalukuyang nakakulong. Maya maya pa ay nasilaw si Jobert sa sobrang liwanag na pumasok sa loob. Agad niyang tinakpan ng palad ang kanyang mga mata, napakurap ng ilang beses at parang nakakita siya ng isang anghel na dumating, para iligtas siya.“Oh my gosh Jobert! Anong ginawa nila sa iyo”“Pakiusap, ilayo mo ako dito.. Claudia” sinabi ni Jobert na hinang-hina na.“Oo, etatakas kita.” Mabilis kumilos si Claudia, dala niya ang susi para pakawan si Jobert mula sa pagkagapos sa kadena, ang kanyang mga paa, kamay at kwelyo. Sa ganoong itsura niya ay para siyang hayop kung ituring.
"Andrea, huwag mong lokohin ang sarili mo. Sapat na ang panahong pananatili mo dito. Kaya utang na loob mag isip ka" sinabi ni Jobert. Napangiti si Rafael sa kaunting drama na napapanood niya ngayon. Parang teleserye na pilit pinaghiwalay ang dalawang magkasintahan, at si Rafael ang kalaban. Pati ang mga taohan ni Rafael ay natatawa sa kanilang eksina.Biglang lumingon si Andrea at sinabing, “Rafael, paalisin mo siya dito. Hindi ako sasama sa kanya.”Sa pangalawang pagkakataon, narinig ni Jobert ang masakit na salitang tinangihan siya ni Andrea. Hindi siya ang pinili nito, kaya nasasaktan siya na kung titingnan ay parang nanghihina.“Sigurado ka na ba Andrea? O baka naman natatakot ka lang?” tanong ni Rafael sa kanya.“Bakit naman ako matatakot, sa iyo ako may tiwala at ikaw ang mahal ko. Ang lalaking iyan bigla lang nagpakita dahil pinagnanasaan niya ako” paliwanag ni Andrea. Agad natahimik si Rafael nag iisip kung anong susunod na gagawin kay Jobert.“Dahil Ninyo siya sa basement
"Isa sa ugali ko ang pananaliksik. Ang pagiging speya ay normal na gawain ko, kaya hindi kana dapat nagtataka kung bakit ako narito sa harapan mo ngayon." matapang na sagot ni Jobert. Sa maling lugar at oras, biglang nagpakita si Jobert. Nasa harapan niya ngayon si Andrea, ang babaeng minamahal niya at si Rafael na minsan na siyang e-hire para pumatay ng tao. "Wala kang karapatan para sunduin ang taong hindi mo ka ano-ano. " sinabi ni Rafael. "Malalaman din niya kung sino ako. Kapag sasama siya sa akin" sagot ni Jobert, pinandilatan niya ng mga mata Rafael. Ina-analize niya kung ano ang posibleng iniisip nito. "Wrong move ka, tahanan ko ito. Maari kitang epakulong for tress passing and harassment, sa kinakasama ko." sinabi ni Rafael at bahagyang lumapit sa lalaking nasa harap. "Oh talaga? ano ang ibedensya mo? asawa mo ba ang babaeng yan?" pinagmamalaking tanong ni Jobert. "Wala akong ibedensya. Pero siya ang maging tsstigo laban sa iyo. Isa pa narito siya dahil inaalagaan
"Matuto kang makinig sa akin..." sinabi ni Rafael. "Rafael.. nasa.saktan a.ko." putol-putol na nagsasalita si Andrea. Kalaunan ay nakaramdam din ng awa si Rafael kaya binitawan na niya ang leeg ni Andrea. "Ok! ohg! uhg!" pag uubo ni Andrea na nililinis ang kangyang throat. "Ngayong alam na ninyo ang sitwasyon nating tatlo, anong masasabi ninyo?"pagpapahiwatig ni Rafael. Tumalikod ito at tumingin sa malayo. "Mahal kita Rafael. Pero kung siya-" putol na sinabi ni Claudia. Hindi niya maituloy ang nais sabihin, nagdadalawang isip pa ito kung sasabihin pa niya ang karugtong ng kanyang mga salita. "Binibigyan ko kayo ng pagkakataong mamili. Malaya kayong umalis, sa poder ko. Siguraduhin lang ninyo na hindi muli magko-cross ang landas natin." sunod na sinabi ni Rafael. "Pero hindi ko iyan magagawa. Aminado ako kailangan ko ang trabaho ko. At ngayong may iba ka man o manlamig ka na sa akin. Tatanggapin ko, basta hayaan mong manatili ako dito.." pakiusap ni Claudia. Sinadya niyan
"Sorry .." saad ni Claudia. Hindi paman natapos ang hapunan ngunit nawalan na ng gana si Andrea. Uminom siya ng tubig na hindi tumingin kay Claudia. Sa hindi inaasahan, nagulat na lamang siya nang bigla siyang ipinaghiwa ni Rafael ng beef steak at nilagay sa kanyang plato. "Kumain ka ng marami, kailangan mo iyan." sinabi ni Rafael. Nakita ito ni Claudia at napailing, hindi na niya magawang magsalita. Ayaw niyang magalit sa kanya si Rafael. Sa kaloob-looban ni Claudia ramdam niyang mas matimbang si Andrea pagdating kay Rafael, nagseselos ito at lalong nagpapakita ng fake smile sa kanyang mga labi. "Claudia, maari mo bang buksan ang wine. Gusto kong matikman na ito." sunod na sinabi ni Rafael. Ginawa ni Claudia ang request ni Rafael. Sa parehong sitwasyon, Isa-isa niyang nilagyan ang tatlong baso ng imported wine na gawa sa blue berries, para sa kanilang tatlo. "Salamat" sinabi ni Andrea. Pagkatapos mai-abot ni Claudia ang kanyang baso na may lamang wine na hindi tumingin s
"Rafael.. Patawad, hindi na maulit ito." sinabi ni Andrea. Tiwalang madadaan niya si Rafael sa isang pakiusap. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.." "Ee. di - hindi ako sasama. Ganon lang!" sagot ni Andrea. Hindi niya alam kong paano bigkasin ang tamang salita para maniwala si Rafael. "Makinig ka Andrea. Hindi mapagkatiwalaan ang taong iyon. Mamamatay siyang tao, at gumagawa lang yan ng paraan, paano ako ekutan sa leeg. Hindi lang ako ang taong nasa likod niya. Sa makatuwid, isa siyang ligaw na damo." paliwanag ni Rafael. Ganoon pa man, walang naiintindihan si Andrea na tila pumasok lang sa kanyang taenga at mabilis nakalabas sa kabilang taenga ang mga sinasabi ni Rafael. Hindi niya alam kung kanino siya maniniwala, kaninong panig ang nagsasabi ng totoo. Lalo pa at naaalala niya ang sinabi n Jobert sa kanya na, "Kung mahal mo si Rafael, pwes kilalanin mo siyang mabuti." salitang umaalingawngaw sa kanyang isip. "Maliwanag sa akin ang sinabi mo. Mag iingat na ako sa susunod
Binuksan ni Rafael ang kanyang laptop para tingnan ang video na natanggap nito mula sa staff ng hotel, ang taga pangasiwa ng mga nakuhang records ng CCTV camera. Sa byahe pa lang ay napapamura na siya, "Talagang sinusubukan mo ang pasensya ko" Para kay Rafael si Jobert, ang kanyang agent na assassin ay ang nag iisang taong may interest kay Andrea. Kaya maaring tama siya sa kanyang iniisip. Si Jobert ang kasama ni Andrea sa loob ng itim na kotse na naka-park sa ekalawang palapag ng garahe. "Kailangan ko ng plate number ng sasakyan" paguutos ni Rafael sa kabilang lenya, kung saan inuutusan niya ang isa sa kanyang mga taohan. "Opo Boss.." sagot ng nasa kabilang lenya. Bumalik ang mga tingin ni Rafael sa video, pinagmamasdan niya ito. Halos isang oras na nananatili si Andrea sa loob ng kotse. Mas lalong lumalalim ang kanyang pagdududa. *Ano bang ginagawa mo diyan Andrea? Bakit ang tagal mong lumalabas?* -pagmamaktol ni Rafael. Kikilos ba siya o may dapat na gagawin? Kapag e