Lumabas ang target na lalaki matapos ang panandaliang aliw na nangyari sa kwartong pinasukan niya. Nagsindi siya ng sigarilyo at sa unang pagbuga ng USOK mula sa kanyang bibig ay naba-bahala siya sa kanyang mga narinig. Tunog ng musika ang nangingibabaw, pero nage-echo ang hiyaw ng mga unggol ng babae at lalaki sa paligid niya.
Kunot noo siyang napalingon sa kanan. May mga sigaw, at hiyaw na boses. Pagkatapos ay lumingon muli sa kaliwa. Tila mas malinaw pa ang narinig niya, lalo na sa katabi ng kwartong pinapasukan niya. Bahagyang lumapit siya at hinila ng bahagya ang kurtina. Sa loob ay nakikita niya ang isang lalaki na parang uuod na gumagalaw habang nakikipagtalik sa babae. Di rin nagtagal at binitawan niya ang kurtina saka umalis.
Samantala, ang lalaking sinisilip niya ay ang assassin at ang dalaga na isa sa mga bartender ng club.
"Uhahh... may taong sumisilip sa atin"
"May nais ka bang puntahan ngayon?" Ang tanong ni Rafael kay Andrea habang sila ay kumain ng agahan."Wala naman, balak ko lang manood ng movie sa ngayon." Sagot ni Andrea"Uuwi ako ng Cebu, mawawala ako ng isang linggo, pero kung nais mong mamasyal ayos lang. Daanan mo nalang ang personal assistant ko na si Claudia, nasa second floor siya room 202.""Ok cge salamat." Ang mahinahon na boses ni Andrea.Sino na naman kaya si Claudia, at tila ngayon lang nalaman ni Andrea na may personal assistant siya. Sa loob ng dalawang taon na pananatili niya sa hotel na ito ay hindi niya alam na may personal assistant si Rafael."Mag iingat ka" sabi ni Andrea sabay kuha ng isang mainit na halik sa labi ni Rafael, pagkatapos ay kinuha niya ang hanger sa apar
Base sa pananalita ni Claudia, napapaisip si Andrea. Na tila ay hindi lamang siya isang personal assistant. Parang manager kung maka-asta. Or else, tagapagmana ba siya?Mahaba ang pansensya ni Andrea, madali din siyang kausap. Pero sa nakikita niya ngayon sa babaeng nagngangalang Claudia ay hindi lamang siya isang empleyado, kundi gawain din nito ang pakikiapid sa taong kasal na sa iba, walang iba, yon kundi si Rafael. Sa dami ng pera mayroon si Rafael, malamang ay hindi lang siya ang kabit, magkaiba lang sila ng status sa buhay ni Rafael."Wala akong balak na kunin ang trabaho mo, at hindi makapal ang mukha ko dahil sa katunayan pinapapunta ako ni Rafael dito para hingin sayo ang one hundred fifty thousand pesos.""Oh, oo nga pala. I forgot ikaw pala ang prinsesa dito, ang pangalawang kabet!""Hindi ka ba titigil?" ang naiinis na boses ni Andrea. Pakiramdam niya ay sadyang pinapahiya na siya ng babaeng ito. Sapagkat may isa pang babae sa loob ng opisina na nakaupo malapit sa kanyang
Tumigil si Andrea sa kanyang lakad at muling lumingon kay Claudia. Kunot noo siyang tumingin sa kanya. Pagkatapos ay agad din siyang umalis at napailing na lang ang kanyang ulo. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ka tindi ang inggit nito sa kanya, kahit na alam niya na pareho lang silang kabit. "See you soon.. Andrea!" Naririnig niyang nagsalita muli ito bago niya sinara ang pinto ng kanyang opisina. Pagkatapos ay nabasa niya ang nakadikit sa labas ng pinto nito (PA Office/ Claudia Barreto) Pinitik ng kanyang daliri ang tag name at napangiti. Ano kaya ang iniisip ngayon ni Andrea? MAKALIPAS ANG LIMANG ARAW; Sa naka set-up na plano ni Andrea ang pagkuha ng mga gold at mamahaling alahas ni Rafael ay siyang pinaka-priority niyang ginagawa. Malakas ang loob niyang gawin iyon, alang alang sa kanyang kinabukasan. Ito nalang ang inaasahan niyang mangyari. Ang panatilihing m
"Andrea ano ba talaga ang nangyari?" biglang tanong ni Rafael."Hindi ko alam ang sinasabi niya. Hindi ko siya sinaktan.." insist ni Andrea. Pagkatapos niyang sabihin ito ay bumalik ang tingin ni Rafael kay Claudia."Pinaliwanag ko lang ho sa kanya kung bakit one hundred thousand lang ang halaga ng nasa cheque, ngunit sadyang mapilit po siya." sunod na sinabi ni Claudia."Andrea, hindi paba sapat ang mga alahas para sayo? Di ba may allowance kapa para sa ibang luho mo? Kulang paba iyon?" Tanong ni Rafael na bumalik ang tingin nito kay Andrea."Ang one hundred fifty thousand na cheque ay sadyang pina reserve ko kay Claudia, dahil baka isang linggo ako mawawala dito. Hindi lang kita sinabihan dahil ayaw ko na mag aalala ka sa akin." dagdag pa ni Rafael. Nanggigil si Andrea sa mga naririnig, sa sitwasyon na ito na para siyang pinipiga. Ngunit kailangan niyang pakalmahin ang sarili.
Naghiyawan ang mga bridesmaid. Ito ang araw ng kasal ni Claudia. Nasa isang sala ang lahat kung saan nag aayos ng mga buhok at make up. Ang mga magkakaibigan ay excited para kay Claudia."Guys, thirty minutes more nalang ah, make sure na ready na ang lahat at walang maiiwan dito." ang sabi ng isang babaeng nag handle ng kasal. Siya ang step-sister ni Claudia sa Ina. Nang dumating na ang mga magkakaibigan sa harap ng simbahan ay agad itong umalis na ng makita ang mga magulang ni Claudia."Oh sis, hanggang dito nalang kami antayin kana namin sa loob." Ang sabi ng isang bridesmaid habang nakangiti ito at naglalakad patungo sa loob ng simbahan.Malakas ang tunog ng kampana, si Claudia na nasa labas kasama ang Ina at Ama nito ay naghanda para sa pagpasok sa loob."Anak ito na ang huling araw mo ng pagiging dalaga, ikaw ay magiging asawa na at maging ilaw tahanan. Tandaan mo ang mga habilin ko sayo." Ang
Nang malaman ni Andrea na may babaeng assistant si Rafael ay natuwa siya. Para sa kanya sa wakas ay may makakausap na rin siya o maging kaibigan. Normal lang sa kanya ang lahat at kahit kailan wala sa kanyang isip ang pagseselos. Para sa kanya si Claudia ay isa lamang sa mga utusan ni Rafael na pwede niyang lapitan o mapag-tanungan, dahil sa babae din ito. Pero ngayon, napakalayo ng inaasahan niyang mangyari dahil masama ang loob nito sa kanya.Gayon pa man ay naiintindihan ni Andrea si Claudia. Dahil lang sa sakit kaya labis itong nasaktan para sa lalaking nangiwan sa kanya."Aray!" daing ni Andrea.Biglang sumakit ang kanyang ulo kaya dali-dali siyang nagtungo sa kusina para inumin ang gamot niya na nakalagay sa cabinet malapit sa ref. Ito ang pangatlong beses na sumakit ang ulo niya dahil sa pag iisip tungkol sa mga sinabi ni Claudia. Sa sobrang sakit ay tila isa
Sumayaw ang bagong kasal sa gitna, at sinabayan ng mahinahong tugtog ng pang-sweet romance. Magarbo si Rafael kung magbigay ng regalo sa kasal ng kanyang mga kamag anak, akala ng lahat ay simpleng kwentohan lang ang magaganap sa reception ngayon. Biglang dumating ang tatlong pares na isang grupo para aliwin ang mga bisita. Bilang major sponsor na si Rafael, gusto niya ng kakaibang intertainment, yung mas dearing.Pumwesto ang tatlong magkapares na dancers sa harap, bawat pares ay isang dalaga at binata. Mga formal dancers sila ng isang grupo sa isang kilalang club na isa sa mga kaibigan ni Rafael sa manila. Ang management ay nagpatugtog ng kantang "RIVER" song by Bishop Briggs.Entro pa lang ay lumiyad na ang tatlong lalaki sa upuan, pagkatapos ay dumungaw ang mukha ng mga babae, na kunware ginagapang nila ang katawan ng kapares nilang lalaki habang naka upo. Ang kanilang kamay ay dumadaos-dos paibaba hanggang sa makarating ito sa bandang puson.
"Let's eat na muna, mamaya na kita titikman," ang pabirong sagot ni Rafael. Umalis si Claudia sa kanyang likuran at umupo sa harap. Nag sandok ito ng sarili ng kanin para lagyan ang kanyang plato sabay sabing, "Matagal na rin pala tayo, baka gusto mo naman magbakasyon" "No," agarang pangtanggi ni Rafael. Nagulat si Claudia sa naririnig. Napaisip siya kung bakit hindi siya mapagbigyan sa kanyang nais, gayong alam nilang pareho na malaya si Rafael kapag andito siya sa Manila. Malayo sa legal wife niya. "I mean, marami akong iniisip na gagawin, ayaw kong mag confirm muna kasi ayaw ko umasa ka," paliwanag ni Rafael "Naiintindihan ko.." sagot ni Claudia na nagpapakita ng kalungkutan sa kanyang mukha, para bang nawawalan ito ng ganang kumain, kaya napapansin siya ni Rafael sa biglang pagka-tahimik nito. "Pwede mo bang lagyan ng wine ang baso ko?"
“Anong kaya mong gawin para sa isang tao kung mahal mo ito?” tanong ni Rafael. Sabay hila ng maiksing palda ni Claudia.Nagulat si Claudia sa ginawa ni Rafael, kaya muntik na siyang matumba sa inuupuan ni Rafael. Mabuti na lang ay nakahawak siya sa sandalan, kundi unang mamo-modmod ang pagmumukha nito. Napakunot-noo si Claudia sa kaunting sandali na nakaiwas siya sa mga tingin ni Rafael. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang pagtayo at ngumiti sa matanda, "sorry" "Parang natataranta ka ata- ok ka lang ba?" tanong ni Rafael sabay haplos sa kanyang mga palad. Sa ginawa ni Rafael ay hindi ito ikinatuwa ni Claudia, alam niyang hindi ganoon si Rafael kung maglambing, o di kaya kung may gustong gawin."Hindi ah. Ikaw kasi ginugulat mo ako.." "Masyado ka nang naging nerbyosa dahil sa akin. Ano bang gusto mong gawin natin para kumalma ka?" paglilinaw ni Rafael."Hmm.. depende sa iyo.." sagot ni Claudia na gusto na rin sakyan ang ano mang trip ni Rafael ngayon. Kailangan niyang makaiwas sa
“Jobert?” sunod sunod na pagtawag. Ang boses ay umalingaw-ngaw sa buong paligid ng basement. Nagbukas ang isang maliwanag na ilaw sa isang hindi kaaya-ayang sulok.“Nandito ako..” sumagot si Jobert.Sumunod ay nag-ingay ang rehas, alam ni Jobert na ito ay pintuan palabas kung saan siya kasalukuyang nakakulong. Maya maya pa ay nasilaw si Jobert sa sobrang liwanag na pumasok sa loob. Agad niyang tinakpan ng palad ang kanyang mga mata, napakurap ng ilang beses at parang nakakita siya ng isang anghel na dumating, para iligtas siya.“Oh my gosh Jobert! Anong ginawa nila sa iyo”“Pakiusap, ilayo mo ako dito.. Claudia” sinabi ni Jobert na hinang-hina na.“Oo, etatakas kita.” Mabilis kumilos si Claudia, dala niya ang susi para pakawan si Jobert mula sa pagkagapos sa kadena, ang kanyang mga paa, kamay at kwelyo. Sa ganoong itsura niya ay para siyang hayop kung ituring.
"Andrea, huwag mong lokohin ang sarili mo. Sapat na ang panahong pananatili mo dito. Kaya utang na loob mag isip ka" sinabi ni Jobert. Napangiti si Rafael sa kaunting drama na napapanood niya ngayon. Parang teleserye na pilit pinaghiwalay ang dalawang magkasintahan, at si Rafael ang kalaban. Pati ang mga taohan ni Rafael ay natatawa sa kanilang eksina.Biglang lumingon si Andrea at sinabing, “Rafael, paalisin mo siya dito. Hindi ako sasama sa kanya.”Sa pangalawang pagkakataon, narinig ni Jobert ang masakit na salitang tinangihan siya ni Andrea. Hindi siya ang pinili nito, kaya nasasaktan siya na kung titingnan ay parang nanghihina.“Sigurado ka na ba Andrea? O baka naman natatakot ka lang?” tanong ni Rafael sa kanya.“Bakit naman ako matatakot, sa iyo ako may tiwala at ikaw ang mahal ko. Ang lalaking iyan bigla lang nagpakita dahil pinagnanasaan niya ako” paliwanag ni Andrea. Agad natahimik si Rafael nag iisip kung anong susunod na gagawin kay Jobert.“Dahil Ninyo siya sa basement
"Isa sa ugali ko ang pananaliksik. Ang pagiging speya ay normal na gawain ko, kaya hindi kana dapat nagtataka kung bakit ako narito sa harapan mo ngayon." matapang na sagot ni Jobert. Sa maling lugar at oras, biglang nagpakita si Jobert. Nasa harapan niya ngayon si Andrea, ang babaeng minamahal niya at si Rafael na minsan na siyang e-hire para pumatay ng tao. "Wala kang karapatan para sunduin ang taong hindi mo ka ano-ano. " sinabi ni Rafael. "Malalaman din niya kung sino ako. Kapag sasama siya sa akin" sagot ni Jobert, pinandilatan niya ng mga mata Rafael. Ina-analize niya kung ano ang posibleng iniisip nito. "Wrong move ka, tahanan ko ito. Maari kitang epakulong for tress passing and harassment, sa kinakasama ko." sinabi ni Rafael at bahagyang lumapit sa lalaking nasa harap. "Oh talaga? ano ang ibedensya mo? asawa mo ba ang babaeng yan?" pinagmamalaking tanong ni Jobert. "Wala akong ibedensya. Pero siya ang maging tsstigo laban sa iyo. Isa pa narito siya dahil inaalagaan
"Matuto kang makinig sa akin..." sinabi ni Rafael. "Rafael.. nasa.saktan a.ko." putol-putol na nagsasalita si Andrea. Kalaunan ay nakaramdam din ng awa si Rafael kaya binitawan na niya ang leeg ni Andrea. "Ok! ohg! uhg!" pag uubo ni Andrea na nililinis ang kangyang throat. "Ngayong alam na ninyo ang sitwasyon nating tatlo, anong masasabi ninyo?"pagpapahiwatig ni Rafael. Tumalikod ito at tumingin sa malayo. "Mahal kita Rafael. Pero kung siya-" putol na sinabi ni Claudia. Hindi niya maituloy ang nais sabihin, nagdadalawang isip pa ito kung sasabihin pa niya ang karugtong ng kanyang mga salita. "Binibigyan ko kayo ng pagkakataong mamili. Malaya kayong umalis, sa poder ko. Siguraduhin lang ninyo na hindi muli magko-cross ang landas natin." sunod na sinabi ni Rafael. "Pero hindi ko iyan magagawa. Aminado ako kailangan ko ang trabaho ko. At ngayong may iba ka man o manlamig ka na sa akin. Tatanggapin ko, basta hayaan mong manatili ako dito.." pakiusap ni Claudia. Sinadya niyan
"Sorry .." saad ni Claudia. Hindi paman natapos ang hapunan ngunit nawalan na ng gana si Andrea. Uminom siya ng tubig na hindi tumingin kay Claudia. Sa hindi inaasahan, nagulat na lamang siya nang bigla siyang ipinaghiwa ni Rafael ng beef steak at nilagay sa kanyang plato. "Kumain ka ng marami, kailangan mo iyan." sinabi ni Rafael. Nakita ito ni Claudia at napailing, hindi na niya magawang magsalita. Ayaw niyang magalit sa kanya si Rafael. Sa kaloob-looban ni Claudia ramdam niyang mas matimbang si Andrea pagdating kay Rafael, nagseselos ito at lalong nagpapakita ng fake smile sa kanyang mga labi. "Claudia, maari mo bang buksan ang wine. Gusto kong matikman na ito." sunod na sinabi ni Rafael. Ginawa ni Claudia ang request ni Rafael. Sa parehong sitwasyon, Isa-isa niyang nilagyan ang tatlong baso ng imported wine na gawa sa blue berries, para sa kanilang tatlo. "Salamat" sinabi ni Andrea. Pagkatapos mai-abot ni Claudia ang kanyang baso na may lamang wine na hindi tumingin s
"Rafael.. Patawad, hindi na maulit ito." sinabi ni Andrea. Tiwalang madadaan niya si Rafael sa isang pakiusap. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.." "Ee. di - hindi ako sasama. Ganon lang!" sagot ni Andrea. Hindi niya alam kong paano bigkasin ang tamang salita para maniwala si Rafael. "Makinig ka Andrea. Hindi mapagkatiwalaan ang taong iyon. Mamamatay siyang tao, at gumagawa lang yan ng paraan, paano ako ekutan sa leeg. Hindi lang ako ang taong nasa likod niya. Sa makatuwid, isa siyang ligaw na damo." paliwanag ni Rafael. Ganoon pa man, walang naiintindihan si Andrea na tila pumasok lang sa kanyang taenga at mabilis nakalabas sa kabilang taenga ang mga sinasabi ni Rafael. Hindi niya alam kung kanino siya maniniwala, kaninong panig ang nagsasabi ng totoo. Lalo pa at naaalala niya ang sinabi n Jobert sa kanya na, "Kung mahal mo si Rafael, pwes kilalanin mo siyang mabuti." salitang umaalingawngaw sa kanyang isip. "Maliwanag sa akin ang sinabi mo. Mag iingat na ako sa susunod
Binuksan ni Rafael ang kanyang laptop para tingnan ang video na natanggap nito mula sa staff ng hotel, ang taga pangasiwa ng mga nakuhang records ng CCTV camera. Sa byahe pa lang ay napapamura na siya, "Talagang sinusubukan mo ang pasensya ko" Para kay Rafael si Jobert, ang kanyang agent na assassin ay ang nag iisang taong may interest kay Andrea. Kaya maaring tama siya sa kanyang iniisip. Si Jobert ang kasama ni Andrea sa loob ng itim na kotse na naka-park sa ekalawang palapag ng garahe. "Kailangan ko ng plate number ng sasakyan" paguutos ni Rafael sa kabilang lenya, kung saan inuutusan niya ang isa sa kanyang mga taohan. "Opo Boss.." sagot ng nasa kabilang lenya. Bumalik ang mga tingin ni Rafael sa video, pinagmamasdan niya ito. Halos isang oras na nananatili si Andrea sa loob ng kotse. Mas lalong lumalalim ang kanyang pagdududa. *Ano bang ginagawa mo diyan Andrea? Bakit ang tagal mong lumalabas?* -pagmamaktol ni Rafael. Kikilos ba siya o may dapat na gagawin? Kapag e
Bumalik ang tingin ng lalaki sa kaliwa. Napaisip pa ito kung sasagutin na niya o hindi si Andrea. Sa oras na ito, tahimik pa ang buong paligid ng garahe, na matiyaga niyang inaabangan ang bawat kanto kapag may dumating na sasakyan, at tao na dumadaan, habang nakikipag usap kay Andrea. Samantala, hindi alam ni Andrea na alerto ang lalaking ito, alang-alang sa kaligtasan nilang dalawa. Halatang kabisado niya ang buong lugar na ito na napapaligiran ng CCTV camera. “Oo. Magkakilala tayo..." sagot ng lalaki at dahan-dahang umiikot ang ulo para ibalik ang tingin kay Andrea. "Kilalang-kilala natin ang isa’t isa Andrea. Ayaw ko lang sabihin sayo ito dahil nagpapagaling ka pa lang. Naisip ko na antayin ko na lang ang panahon na ikaw mismo ang maka-tuklas ng iyong nakaraan, at isa na ako doon.” pag-aamin ng assassin. Tumahimik ang sandali, nagiging mahina ang boses ng lalaki, at pareho silang napasandal sa upuan. Napakagat ng kuko si Andrea sa kanang bahagi ng kanyang kamay, isang paraan n