Share

UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife
UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife
Penulis: Lanny Rodriguez

PROLOGUE

Penulis: Lanny Rodriguez
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-07 14:21:37

PROLOGUE

Isang anak na may pusong puno ng pag-aalala habang tahimik na pinagmamasdan ang kanyang ina, habang ito'y abala sa pag-aayos ng kanyang buhok. Napatuon ang kanyang pansin sa mga mata ng kanyang ina na namumugto, ramdam niya ang bigat ng mga responsibilidad na dala nito, ang pagod at kulang sa tulog na halata sa mukha nito. Ngunit sa kabila ng lahat, ang kanyang ina ay nagpapatuloy sa laban, patuloy na nagtitiis huwag lamang masira ang imahe ng kanilang pamilya. "Ngunit hanggang kaylan siya ganoon?,,,hanggang kaylan siya magtitiis? Hanggang kaylan siya umaasa na magkakaroon pa ng pag asang maging maayos pa ang lahat?"

"Ma?!" malumanay na tawag niya sa kanyang Ina.

"Hmm?!" sagot naman nito na di naman tumitingin sa halip abala parin ito sa pag susuklay ng kanyang buhok.

Napabuntong hininga muna ang dalagita.

At ang pagsulyap ni Eunice sa malaking larawan ng kanyang ina at ama na nakakabit sa pader ng kwarto ay nagdulot ng halong lungkot at galit sa kanyang puso. Nakatitig siya sa mga ngiti ng kanyang mga magulang, na tila ba hindi na nagpapakita ng anumang kulay ng saya sa kasalukuyan. Ang mga alaala ng masayang pamilya ay nagbalik sa kanyang isipan, nagdulot ng sakit na hindi niya kayang tumbasan. Ngunit sa kabila ng lahat, ang kanyang ina ay nagpapatuloy sa laban, patuloy na nagsusumikap, at nagtitiis alang alang lamang sa kanilang pamilya. "Ngunit hanggang kylan siya ganon? Hanggang kaylan siya magtitiis?" Ang paulit ulit na mga tanong sa kanyang isipan.

"Hanggang kylan ka po magtitiis Mama?" biglang napa hinto naman sa pagsusuklay ng buhok ang kanyang ina sa kanyang buhok, halatang nagulat sa tanong ng kanyang panganay na anak. At sa kabila ng kanyang pagpipilit na panatilihin ang kalmadong ekspresyon sa kanyang mukha.

"A-anong... anong ibig mong sabihin anak?.... Eunice?" mahinahon ngunit naguguluhang tanong naman niya sa kanyang anak. habang pilit niyang hinahawi ang mga nagkakabuhul-buhol na iniisip sa kanyang isipan, at sinisikap na maunawaan kung saan nanggagaling ang ganitong klaseng tanong mula sa musmos na isipan ng kanyang anak, na sa kabila ng inosenteng mukha ay tila ba may nadarama at napapansin na sa mga nangyayari sa kanilang paligid.

"Tumawag po ako kay Papa nakaraan gabi at ang sumagot ay ang babae niya." sagot ni Eunice, habang tila nakapako ang tingin sa kanyang ina, habang pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa kanyang mga mata,

Biglang nabitawan naman niya ang hawak hawak niyang suklay at nanginginig na mga kamay na napatuptop sa kanyang bibig.

"Alam ko na po lahat lahat Mama, nagkaka problima na po kayo ni Papa, gusto na po bang makipag hiwalay ni Papa? Iiwan niya na ba tayo?" dere-deretsong tanong nito

"Hi-hindi mo pa... alam mo anak.. hindi mo pa alam ang mga bagay na ganyan...kaya huwag kang magsasalita ng ganyan lalo na't ang Papa mo ang iyong tinutukoy." Halos mautal utal na wika naman niya ngunit halatang na din sa kanyang mga mata ang pag pigil ng mga luha na napapansin na din ng kanyang panganay na anak. Kaya bigla siya nitong niyakap.

"Mama kung ano man po ang disesyon ni Papa hayaan niyo na po siya kaysa kayo ang nahihirapan at nasasaktan. Nasasaktan din po kami ni Lyca na nakikita ka namin na umiiyak tuwing gabi." na mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang ina.

"Kung sigaw sigawan na lang po kayo ni Papa, at kayo naman po ay nanatiling tahimik at umiiyak na lang po sa tabi parang nawawalan kami ng pag-asa. Sobrang nasasaktan po kami ni Lyca kapag ginaganon po kayo ni Papa." ang kanyang tinig puno ng lungkot.

"Lalo na kapag nakikita naming nanginginig na kayo sa takot at walang magawa kundi magpakababa para lamang mapatahimik siya. Sana po Mama, maintindihan niyo rin kung gaano kahirap para sa amin ang makita kayong nasa ganitong sitwasyon, kaya’t sana ngayong tapos na ang lahat, matuto na rin po kayong ipaglaban ang sarili niyo."

"Eunice?!" Tanging nasambit na lamang niya, naramdaman niya na ding na umiiyak ito.

"May beses...may beses pang na...naririnig namin ni Lyca na pinapaalis ka nila Mama Lah at Tita Carol. Mama?.... Gusto ko pong lisanin niyo na po ang bahay na ito at kung anong buhay na meron ka dito. Dahil hindi ka po nararapat na naandito ka, ginagawa ka lang nila alila." patuloy ni Eunice habang ang luha'y patuloy na dumadaloy sa kanyang pisngi

"Anak hindi mo alam kung ano ang mangyayari kapag umalis ako dito, matuturingan na isa lamang ako asawang talunan at duwag-

"Iyon nga po ang tingin nila sa inyo kapag nanatiling ka lang po dito sa bahay, pero kung-

"Anak' masyado ka pang bata para pag usapan natin ang bagay na iyan."

"Mama, gusto na namin ni Lyca na maging malaya ka na.... Maging ikaw... dahil kapag nanatili ka lang na dito... Di magbabago ang mga tingin nila sayo kundi isang alila parin."

"Eunice?! Anak?!" di na niya alam pa ang sasabihin tanging mga luha na lamang ang dumadaloy sa kanyang mga mata, nanlalabong napatingin naman siya sa salamin.

Ang mga alaala ay bumalik sa isipan ni Maricar habang nakatayo siya sa harap ng salamin. Natatandaan niya ang mga masasayang sandali kasama ang kanyang asawa at ang kanilang mga anak bago ang lahat ng ito. Isang napakatamis na ngiti ang dumapo sa kanyang labi habang iniisip ang mga lumipas na taon ng kanilang pagsasama.

Ngunit sa kabila ng lahat ng mga magagandang alaala, naroon din ang mga pait at sakit na dala ng mga nagdaang kaganapan. Ang bawat yakap at halik na dati'y puno ng pagmamahal ay tila naglaho na, pinalitan ng mga tanong at duda. At sa bawat pagtulog, ang kanyang mga panaginip ay puno ng mga tanong na walang kasagutan, at ang kanyang puso ay nagdurusa sa bawat oras na naglalakad sa landas ng pag-aalinlangan.

Napakatagal na ang kanilang relasyon sa pagitan ni Maricar at Nathan, ngunit tila ba sa isang iglap ay nagbago ang lahat. Ang tiwala na dati ay matibay, ngayon ay tila nababawasan na, at ang mga pangako ay tila hindi na sigurado. Sa kabila ng kanyang pagsisikap na panatilihin ang kanilang pamilya na buo, ang pag-ibig ay parang naglalaho na parang bula sa hangin.

Ang pilit na pagpapanggap ng saya ay nabaliwala sa mga gabi ng luha at pangungulila. Ang mga kalmadong pag-uusap ay napalitan ng mga masaklap na argumento at pananakit. Ngunit sa kabila ng lahat, isang bagay ang nanatiling hindi nagbabago, ang pagmamahal ng bilang isang ina sa kanyang apat na anak.

At hindi rin malilimutan ni Eunice ang mga gabing pagkikibit-balikat nila ng kanyang kapatid na si Lyca, habang pinakikinggan ang mga salitang sumisira sa kanilang puso at dangal ng kanilang ina. Sa tuwing maririnig niya ang mga sigaw ng kanila ama sa kanila ina at pagtatalo sa kabilang kwarto, ang pusong puno ng galit at pagkabalisa ni Eunice ay humihinaig na sana'y maging malaya na silang lahat lalo't na ang kanyang ina sa madilim na bahay na wala ng pag asa pang magkakulay.

****

Si Maricar, ay isang mapagmahal na ina at asawa, Sa loob ng labing-tatlong taon na pagsasama nila ng kanyang asawa na si Nathan, ipinakita niya ang walang-katapusang pagmamahal at sakripisyo para sa kanyang pamilya.

Sa pagiging isang ina, si Maricar ay nagbibigay-buhay sa kanyang apat na anak ng pag-asa at pagmamahal. Hindi lang siya nagbibigay ng pisikal na pangangailangan, kundi pati na rin ng emosyonal at moral na suporta. Tuwing umaga, siya ang unang bumabangon upang ihanda ang almusal para sa kanyang mga anak, at sa gab namani, siya ang huling matutulog matapos siguruhing na maayos na ang lahat paras sa bagong umaga.

Bilang isang asawa, ang kanyang pag-ibig ay parang isang halaman na patuloy na lumalago at namumukadkad. Sa bawat pagsubok na kanilang pinagdadaanan, siya ay palaging nariyan at handang maging katuwang at tagapagtanggol ng kanyang asawa. Hindi lang siya nagpapakita ng pagmamahal sa magandang panahon, kundi lalo na sa mga panahon ng unos at kahirapan.

Ngunit kahit na ang kanyang pagmamahal ay nagiging patas at walang hanggan, ang kanyang kwento ay hindi perpekto. Sa likod ng kanyang ngiti at pagmamalasakit ay ang mga hindi nakikitang sakripisyo at paghihirap. Ang kanyang pagiging ina at asawa ay puno ng pagpapakumbaba at pagbibigay, kahit pa ito ay hindi palaging naaapreciate at pinahahalagahan ng mga taong nasa paligid niya kahit na ang kanyang asawa.

Tanging sa kanyang mga anak lamang siya nakakaramdam ng buong pagmamahal at pag-aalaga.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER ONE

    THIRD PERSON:"Mama, napakasarap po talaga ng niluluto niyo, hindi ko po mapigilang humirit pa ng isa, pahingi pa po ako ng maruya." ang masiglang hirit ng bunso ni Maricar, na natutuwa. Sa pagkakataon na walang pasok ang kanyang mga anak sa araw na iyon, na nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magkaroon ng masayang pagsasama-sama at ang magluto ng maruya bilang bonding activity, na puno ng tamis at saya nilang mag iina kahit wala ang kanyang asawa at busy ito lagi sa trabaho kaya bibihira lang ito magkaroon ng rest day. Ngunit hindi ito naging hadlang para makaruon parin sila ng bonding tuwing weekend."Naku anak nakakarami kana pero wala ka pang bayad na kiss sa akin." natatawang biro niya naman dito at ang pag pisil niya sa pisnge nito na napahagikhik naman itosa ginawa niya."Utang muna po Mama kapag binigyan niyo na po ako tsaka last na po ito pagkatapos ko na pong kainin ito saka po kita ikikiss ng madami." sagot ng kanyang anak na may kasamang pilyo na tawa."Aba mukhang kond

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-07
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER TWO

    Maricar POV:Nakakailang tawag na ako sa telepono ngunit wala pa ring sagot mula kay Nathan. Cheneck ko pa ang oras sa cellphone, 9;30 am alam kong kapag ganitong oras ay oras na para sa breaktime nila. Kaya nag bakasakali akong matawagan siya para tanungin kong makakauwi ito ngayon.'Baka busy...Last dial na'to' ang naisip ko habang pinipindot ang huling beses na pag dial sa aking cellphone. Napangiti naman ako nang biglang sagutin niya ang tawag."Hello?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ng isang babae sa kabilang linya, sa halip na ang inaasahang boses ng aking asawa."Babe?" Ang biglaang pag bilis naman ng pagtibok ng puso ko ng marinig ko ang boses na iyon at kilala ko iyon, walang iba kundi ang asawa ko. "At ano daw babe? Hindi naman babe ang tawagan naming dalawa."Kahit si Lisa ay nagulat din."Hello.... honey?" Ako na parang walang narinig at di nagtanong kung sino iyon. Ang pag dikit naman ni Lisa ng taynga niya sa cellphone ko."Ma-maricar... ba-bakit?" halos maut

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-07
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER THREE

    Maricar POV:"Sa kabila ng aking pagpapakasakit at pagtitiis, hindi ko namamalayan na unti-unti nang nalalagas ang mga dahon ng pagiging rosas ko. Ngunit sa kabila ng lahat, pilit pa rin akong naghahanap ng pag-asa at pagkakataong muling pumalit o tumubo ang mga dahon. Subalit sa paglipas ng panahon, tila ba hindi na kayang tumbasan ng pag-asa ang bigat ng mga suliranin na aking hinaharap. Hanggang kailan ko nga ba ito kayang panindigan? Hanggang saan ko kayang magtiis para sa isang pagmamahal na tila ba hindi na ako pinapansin? Sa kabila ng lahat ng ito, patuloy pa rin akong umaasa na sa huli, may magbabago at mabibigyan ako ng tamang halaga at pagpapahalaga. Hanggang kaylan akong umaasa na meron pang pag asa?"****Third Person:Padabog na umupo si Ericka ng matapos ang pag uusap nila Nathan at Maricar.Napabuntong hininga na lang si Nathan at pinag patuloy ang pagta-type niya sa kanyang loptop."Hanggang kailan ka magpapanggap at maglilihim sa asawa mo?" ang mariin na tanong ni Eri

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-07
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER FOUR

    THIRD PERSON:"Ano Lisa? Di ka talaga sasama?""Hindi na' baka di ako makapag timpi mabatukan ko pa ang asawa mo doon!""Ikaw talaga," sabay ngiti ni Maricar, subalit may tinatagong lungkot sa kanyang mga mata. Na ilang sigundo naman na tintigan ni Lisa ang kanya kaibigan."Hmmp!! Kung ako lang ang naging si Maricar, naku.... naku.... hindi talaga ako mag tatagal sa ganyang pa sistema ng relasyon na ganyan." hindi maikubli ang galit sa bawat salita niya."Ilang taon na kayong nagsasama pero, parang katulong lang ang turing sayo ng mga iyan!! Pati na din iyang asawa mo, wala din ginawa kundi ang umayon din!!""Lisa?" tanging nasambit na lamang niya"Alam mo Maricar, hindi ko na hinahangad na mag bago pa ang asawa mo.... mas hinahangad ko na sana magkahiwalay na lang kayo,,, para malasap mo naman kung anong pakiramdam ng maging malaya..""Malaya?" biglang tanong naman ng isipan ko "Ano nga ba ang pakiramdam ng isang Malaya? Hindi na ako pwede sa salitang malaya dahil may mga anak na ako

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-07
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER FIVE

    Maricar POV:***Masakit sa kanilang mga mata kapag kakaibang mga kinikilos ng iyong mga anak... mapupuna ka nila kahit ano pa man,, kahit ano pa man ang gawin mo, kahit gaano mo pa subukang itama ang kanilang mga aksyon o baguhin ang kanilang ugali, palaging may mga taong maghahanap ng butas at magbibigay ng kanilang opinyon na kadalasan ay hindi mo na kayang matanggap ang kanilang mga saloobin.**"Tingnan mo ang mga apo ko' kakaiba diba? Imbes na nakikipaglaro din sa mga kapwa nila bata dito .... aba'y tingnan niyo mga nakaupo lamang na parang mga statwa.""Ano ka ba mare, mas okay ka nga kasi hindi suwayin... ang babait nga ohh diba?""Sus! mahirap kaya ang ganyan imbes na magkukumilos, mga naka upo lang kakalakihan iyan ng mga iyan... bandang huli mga tamad.mamanahin pa ata ang kanila ina!""Masyado mo naman inaano ang mga apo mo mare..""Hindi kasalanan ng mga apo ko iyan.... Kundi kasalanan ng Ina nila kung paano at anong padidisiplina ang ginagawa niya kung bakit ganyan ang mga

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-07
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIX

    Maricar POV:"Simula nang ipakilala sa amin si Ericka di na mawala sa isipan ko at pangamba at ang magtanong, kung ano na naman ba ang mga susunod na mangyayari? Ito na ba ang pagkalanta ko.. Ang rosas na ito madali na bang malanta.""Sorry, di ko sinasadyang masunog ko ang paborito mong polo.""Paulit ulit na lang Maricar ano ba?! Kaylan ka ba tatanda!!" Sigaw niya sa akin"Sorry talaga honey." nakayukong sabi ko na lamang"Lahat na lang!! Pati ba naman ito di mo kayang gawin ng maayos ang pag paplantsa mo!!"Ako na tanging nakayuko pa rin, ***"Kaylangan bang ganito magalit... yong tipong sasabog na din ang eardrum namin sa kakasigaw niyo sa amin?.."**Napapaiwas pa ako dahil sa bawat salitang binibitiwan niya, siyang pag aamba naman na ihahampas niya sa akin ang pulo na hawak hawak niya."Di ko alam kung sadyang tanga ka lang talaga o ano eh!!" na parang isang kutsilyo na patuloy na tumatagos sa aking pagkatao, pinupunit ang bawat bahagi ng aking pagkatao hanggang sa abutin nito ang

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-07
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVEN

    Maricar POV:Nang hihinang napaupo ako sa bench, nararamdaman ko ang bigat ng aking damdamin, ang panghihinayang sa mga pangako at pangarap na para bang biglang naging bula na lamang. Sa mga sandaling iyon, na para bang ang lahat ay nagmistulang isang malungkot na panaginip na kailanman ay hindi ko gustong magising pa.Hindi pa rin ako na makapaniwala na madadatnan ko ang asawa ko at ang katrabaho niya sa ganon eksena. Bigla na naman nag sipasok sa mga alala ko kung ano ang mga naging buhay ko sa piling niya. Puros malulungkot na mga alala.... na para bang pinagsakluban ako ng langit at lupa, mula sa mga panahon na binabalewala niya ako hanggang sa mga pagkakataong ipinagpalit niya ang mga pangako niya para sa mga bagay na mas pinahalagahan niya kaysa sa akin, bawat sakit at pagkabigo ay bumabalik sa aking isipan, lalo na ang mga oras na pinilit kong intindihin siya kahit na labis na akong nasasaktan, umaasang may magbabago, ngunit sa huli ay ako rin ang naiwan na nagdurusa sa kanyang

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-07
  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHT

    Maricar POV:Ang inaasahan kong sunod na mangyari ay uuwi siya sa bahay at lahat ng mga paliwanag niya sa mga dapat kong maitatanong sa kanya ay maiilabas niya sa araw na iyon. Ngunit hindi... hindi ito umuwi hanggang sa umabot ng isang linggo. Sa kabila ng aking paghihintay at pag-asang makarinig ng mga paliwanag mula sa kanya, ang paglisan niya nang walang anumang abiso o paalam ay tila nagdagdag lamang sa bigat ng aking damdamin. Araw-araw, ang kanyang pagkawala ay tila nagsisilbing nagdudulot ng mas maraming tanong kaysa kasagutan, at ang bawat oras na nagdaan ay nagdulot ng mas matinding pangamba sa aking kalooban. Habang naghihintay ako sa bawat tawag o mensahe mula sa kanya, ang pag-aalala at pagdududa ay tila sumasalubong sa bawat sandali ng aking pag-iisa.Nadatnan naman ako ni Lisa na tulalang nakatingin sa bintana, pinapanood kong paano gumalaw ang mga dahon ng malaking puno na sa tapat ng bintana ng sala namin, habang iniisip ang bawat oras na lumipas na wala siya, ang mga

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-07

Bab terbaru

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SEVENTY

    THIRD PERSON:Nagulat man si Alejandro sa naging asal ni Maricar, nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ang buong eksena mula sa di kalayuan. Ang babaeng minsang nakita niyang pinupuno ng sakit, takot, at pagdududa sa sarili. ngayon ay nakatayo nang buong tapang, may paninindigan sa bawat salita, at dignidad sa bawat kilos, sa harap mismo nang nanakit sa kanya. Ngayo’y isa na siyang babaeng alam ang halaga niya… at handang ipaglaban ito, kahit kanino pa."Grabe… si Maricar ba talaga 'yan?" bulalas ni Francis, halatang hindi makapaniwala sa pagbabagong nakita niya kay Maricar."Tama lang 'yan. Matagal nang panahon para makabawi siya sa ginawa ng dalawang 'yan," sagot naman ni Miguel, mariing nakatitig kina Nathan at Ericka. Kita sa kanyang tinig ang pagpanig kay Maricar, at ang respeto sa tapang na ipinakita nito.Maya-maya, tumingin si Miguel kay Alejandro na tahimik lang ito, halatang tulala pa rin sa pangyayari."Bro, okay ka lang?" tanong ni Francis, sabay tapik sa balikat n

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-NINE

    THIRD PERSON:Flashback:Halos hindi kumurap si Don Sebastian habang nakaupo sa kanyang malawak at marangyang opisina, nakatingin kay Maricar na tahimik na nakaupo sa kanyang harapan. Sa pagitan nila, isang tumpok ng mga dokumento ang naghihintay ng kanyang lagda."Alam ko, apo, na masyado na akong nagmamadali," wika ng matandang negosyante habang hinawakan ang kanyang baston. "Matanda na ako at hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na taon. Kaya gusto ko nang sanayin ka sa buhay na meron ako, pati na rin ang mga anak mo. Lahat ng ari-arian ko, negosyo, at pangalan ay ipapangalan ko sa'yo upang ikaw ang magpatuloy ng lahat ng ito."Tahimik lamang si Maricar, nakatitig sa mga papeles na nasa kanyang harapan. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang binitiwan ng kanyang lolo. Alam niyang ito ang magiging opisyal na pagpapatibay ng kanyang pagiging isang ganap na Valdez, at ang responsibilidad na kaakibat nito.Huminga siya nang malalim at marahang hinawakan ang pluma. "Alam

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-EIGHT

    THIRD PERSON;Kakain na sana ang mag-aama na sina Lyca, Eunice, at Nathan nang mapatingin sila sa inihain ni Ericka—mga pritong hotdog na halatang sunog.Napangisi si Eunice at pabulong, ngunit malinaw na narinig nina Ericka at Nathan, bumulong ito ng, "Tss! Hotdog na nga lang, sunog pa.""Eunice!" saway agad ni Nathan, ngunit umirap lang ang bata.Hindi maitago ni Ericka ang inis. "Sorry, ha! Wala kasi kayong katulong dito kaya ako na ang nagmagandang-loob na ipagluto kayo!" Sarkastikong tugon niya."Buti pa si Mama, kahit anong lutuin niya, masarap pa rin," biglang sabi ni Lyca, at tumango naman si Eunice bilang pagsang-ayon.Lalong nag-init ang ulo ni Ericka sa dalawang bata. Nangingitngit siyang napabuntong-hininga, pinipigil ang sarili na sumagot pa, ngunit halatang iritado siya."Ano 'yan? Amoy sunog?!"Biglang dumating sina Carol at Emilia, parehong sumisinghot-singhot habang inaamoy ang paligid. Napakunot-noo si Carol bago muling nagsalita, "Ano 'yan? Bakit sunog?"Napatingin

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-SEVEN

    THIRD PERSON:Habang dahan-dahang lumalapit si Maricar kay Don Sebastian, hindi niya maiwasang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Para bang may mabigat na pader sa pagitan nila, isang pader na hindi basta-basta mabubuwag ng simpleng paglapit lamang. Subalit sa bawat hakbang na kanyang ginagawa, unti-unting napapalitan ng determinasyon ang kanyang kaba. Hindi niya maaaring hayaang magtagal pa ang distansyang ito sa pagitan nila.Nang sa wakas ay tumigil siya sa harap ng kanyang lolo, isang matagal na katahimikan ang namayani. Nag-aalangan si Don Sebastian, tila hindi makapaniwala na nasa harap na niya mismo ang kanyang apo. Hindi niya alam kung dapat ba siyang ngumiti, magsalita, o yakapin ito. Samantalang si Maricar naman ay pilit pinipigilan ang sarili na magpakita ng labis na emosyon.Sa halip, biniro niya ito.“Magpapa-autograph din po ba kayo?” Tanong ni Maricar, pilit na ngumiti kahit may bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang tinig.Nataranta si Don Sebastian, halat

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-SIX

    THIRD PERSON:"Grabe, sobrang higpit na talaga ng pagbabantay kay Maricar," sabi ni Loisa habang bahagyang umiling."Parang hindi na siya makakagalaw nang malaya." sabi ni Loisa habang nakatanaw sa buong entablado. Kitang-kita nila ang mahigpit na pagbabantay ng mga security personnel sa paligid. Ilang lalaki ang nakaposisyon sa bawat sulok, laging alerto sa anumang maaaring mangyari. Napabuntong-hininga si Ma’am Elenor at tumango."Kailangan na talagang bantayan siya, lalo na’t alam na ng buong mundo na apo siya ni Don Sebastian," sagot niya, seryoso ang boses."Masyado nang maraming matang nakatutok sa kanya. Hindi natin alam kung sino ang may mabuting intensyon at sino ang may masamang balak.""Pero hindi ba parang sobra na ito?" tanong ni Loisa."Oo, naiintindihan ko na kailangan siyang protektahan, pero paano naman ang kalayaan niya? Hindi ba siya mahihirapan sa ganitong sitwasyon?" Napatingin si Ma’am Elenor kay Loisa, halatang nag-aalalang iniisip din ang bagay na iyon."Alam k

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-FIVE

    THIRD PERSON:Naglalakad sina Maricar at Alejandro sa isang tahimik na lugar na napapalibutan ng mga bulaklak at malalaking puno. Ang mga ilaw sa paligid ay kumikislap nang banayad, at ang malamig na simoy ng hangin ay may dalang halimuyak ng mga bulaklak. Wala ni isang tao sa paligid—parang silang dalawa lang ang naroon."Hmm, ang ganda naman dito," sambit ni Maricar habang huminga nang malalim at pumikit sandali upang damhin ang kapayapaan ng lugar. "Buti hindi matao dito, no?""Ganito daw talaga kapag ganitong oras," sagot ni Alejandro habang nakangiti at nakatanaw sa malayo. "Wala nang nagpupunta dito. Kaya sinadya kong dalhin ka rito para makapag-relax ka nang walang istorbo."Napangiti si Maricar at tiningnan si Alejandro. "Salamat...""Alam kong gusto mo rin minsan na makalayo sa gulo at ingay... Kaya naisip ko, baka magustuhan mo rito."Tumigil si Maricar sa paglalakad at humarap kay Alejandro. 'Sobrang gusto ko nga. Parang ang gaan sa pakiramdam... para bang kahit saglit, nak

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-FOUR

    THIRD PERSON:Reporter 1:"Ericka, totoo bang ikaw ang may pakana ng eskandalo sa event ni Don Sebastian?"Bahagyang tumigil si Ericka at napatingin sa nagtatanong, kasunod ng isang pilit na ngiti.Ericka:"Seriously? Bakit ako gagawa ng ganung kalokohan? Masyado kayong nagpapadala sa tsismis. Walang katotohanan ang mga paratang na 'yan."Reporter 2:"Pero ayon sa mga nakalap na impormasyon, ikaw daw ang nagplano para mapahiya si Maricar. Ano ang masasabi mo rito?"Umismid si Ericka at tumawa nang mapakla.Ericka:"Sa tingin niyo ba, bababa ako sa ganung level? Nakakatawa lang na ang daming naniniwala sa mga sabi-sabi nang walang sapat na ebidensya. At saka, baka nakakalimutan niyo—si Nica ang nasa event na 'yun. Baka nga siya ang may pakana! Baka nababaliw na si Nica kaya niya nagagawa 'yun, tapos ako ang ituturo niyang may sala para sa akin mapunta ang galit ng madla."Reporter 3:"Ang ibig mong sabihin, si Nica ang may kasalanan? Wala ka talagang kinalaman sa nangyari?"Tumikhim si

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-THREE

    THIRD PERSON:Sa pagbabalik ni Maricar sa kanyang karera, nagdesisyon ang team ni Kathlyn na mag-organisa ng isang espesyal na meet-and-greet event. Hindi lamang ito isang paraan upang muling makipag-ugnayan si Maricar sa kanyang mga tagahanga, kundi isa ring simbolo ng kanyang muling pagtayo matapos ang lahat ng unos na pinagdaanan niya.Dumagsa ang mga tao sa venue—mga tagahanga, supporters, at hindi rin nawala ang mga media at ilang kritiko. Masaya ang atmospera, ngunit hindi rin naiwasang magkaroon ng mga mapanuring mata at matatalas na tanong mula sa mga reporter.Isa sa mga unang tanong na ibinato kay Maricar ay tungkol sa kanyang kalagayan matapos niyang malaman na siya pala ang apo ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa."Maricar, ano ang pakiramdam ng malaman mong bahagi ka pala ng isang bilyonaryong pamilya? May nagbago ba sa pananaw mo sa buhay?" tanong ng isang reporter.Kalma lamang siyang ngumiti bago sumagot. "Marami ang nagbago, pero hindi ako. Ako pa rin si Mari

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER SIXTY-TWO

    THIRD PERSON:Makalipas ang ilang linggo ng pagpapahinga, napagdesisyunan na rin ni Maricar na bumalik sa trabaho. Alam niyang hindi niya maaaring takasan ang kanyang mga responsibilidad magpakailanman. Kailangan niyang bumangon, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para rin sa kanyang mga anak.Habang nag-aayos siya ng mga gamit, hindi naiwasan ni Lisa ang mag-alala. "Sigurado ka na bang babalik ka na ulit?" tanong nito, halatang may pag-aalinlangan sa boses.Bahagya namang tumango si Maricar, bagamat may bahagyang pag-aalinlangan pa rin sa kanyang mga mata. "Oo naman, Lisa. Hindi ko pwedeng iwanan ang sinimulan natin nila Kathlyn."Sa tabi ni Lisa, si Kathlyn naman ay hindi rin napigilan ang kanyang pag-aalala. "Okay ka na ba? I mean... handa ka na bang harapin ulit ang lahat?" tanong niya, may pag-aalinlangan sa kanyang tono. Alam niyang hindi lang simpleng pagbalik sa trabaho ang pinag-uusapan nila—kundi ang pagbabalik ni Maricar sa mundong minsan nang nagdulot sa kanya ng sa

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status