THIRD PERSON:
"Mama, napakasarap po talaga ng niluluto niyo, hindi ko po mapigilang humirit pa ng isa, pahingi pa po ako ng maruya." ang masiglang hirit ng bunso ni Maricar, na natutuwa. Sa pagkakataon na walang pasok ang kanyang mga anak sa araw na iyon, na nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magkaroon ng masayang pagsasama-sama at ang magluto ng maruya bilang bonding activity, na puno ng tamis at saya nilang mag iina kahit wala ang kanyang asawa at busy ito lagi sa trabaho kaya bibihira lang ito magkaroon ng rest day. Ngunit hindi ito naging hadlang para makaruon parin sila ng bonding tuwing weekend.
"Naku anak nakakarami kana pero wala ka pang bayad na kiss sa akin." natatawang biro niya naman dito at ang pag pisil niya sa pisnge nito na napahagikhik naman itosa ginawa niya.
"Utang muna po Mama kapag binigyan niyo na po ako tsaka last na po ito pagkatapos ko na pong kainin ito saka po kita ikikiss ng madami." sagot ng kanyang anak na may kasamang pilyo na tawa.
"Aba mukhang kondisyon pa ata iyan' oh sige ito na po para sa cute naming bunso."
"Mama kami din po pinge ulit." Wika naman ng panganay at ang dalawa niya pang anak na nakapila na din ang mga ito sa harapan niya, natatawang napapailing na lang ito habang nilalagyan ng maruya ang mga plato ng mga ito.
"Anong amoy iyan?!! Maricar"
"Naku' nanjan po si Tita Carol, Mama!!" wika naman ni Lyca
"Salubungin niyo na doon dali!!" utos niya sa mga ito.
Ngunit ang inakala niyang mag siunahan ang mga itong lalapit sa Tita Carol nila, nanatili lamang itong mga nakatayo sa tabi niya. At nagsisiksikan pa ang mga ito sa tabi ng kanila Ina. Na pinagtaka naman ni maricar bakit ganon ang mga kilos ng kanyang mga Anak. Na para bang natatakot ang mga ito.
"Maricar?!" tawag pa nito na mas lalo namang lumipat sa kanyang likod ang dalawa paslit.
"Ate Carol!" tugon naman niya ang pag hakbang niya sana upang salubungin ang kanyang hipag ngunit di siya makahakbang dahil sa biglang may kung anong bigat sa kanyang magkabilang hita. Pagtingin niya ay ang kanyang pangatlong anak na anim na taong gulang na si Jerald at sa kabilang hita niya naman ay ang bunsong limang taong gulang na si Jacob.
"Kanina pa ako tumatawag sayo dimo ba ako naririnig?!" halatang inis na wika ng hipag niya ng makalapit na ito sa kanila.
"Sensya na po ate' di po ako makalapit agad sayo, dahil tong mga makukulit eh mga nakakapit po sa akin," ang nakangiting wika naman ni Maricar habang kanyang mga mata ay nakatuon sa kanyang dalawang anak na mga nakapulupot sa may hita niya. Pagtingin niya sa kanyang sister-in-law, ay may matalim na tingin pala ito sa mga bata na mas lalong nagpapahigpit sa pagkakayakap sa hita ng kanilang ina.
Naisip na lang ni Maricar ay marahil tinatakot lamang ito ng Tita Carol nila, subalit sa kabila ng pagkakataon na iyon, nananatili pa rin ang pag-aalala sa kanyang puso dahil ramdam niya ang pagbilis ng mga pagtibok ng puso ng mga ito, na nagpapahiwatig ng kanilang kaba at pangangamba.
Hinimas himas na lamang niya ang likod ng dalawang paslit para kahit papaano ay maibsan ang takot ng mga ito.
"Mag hi kayo at magmano sa Tita Carol niyo mga anak." Utos naman niya sa mga ito.
"Hi po Tita Carol" mahinang wika naman ng pangatlo niya anak na si Jerald at naiilang pa itong lumapit sa tita niya upang magmano. Ang kanyang mga mata'y puno ng pag-aalinlangan, na para bang natatakot na maging malapit sa mataray na anyo ng kanilang tita. Inalalayan na lang ito ni Maricar at sumunod na din ang tatlo niya pang anak.
Ngunit imbes na batiin din ang mga ito ng Tita Carol nila umikot lamang ang mga mata nitong umiwas ng tingin sa kanila pagtapos ng pagmamano nila.
"Ano ba iyan Maricar hindi mo ba kayang turuan ng magandang asal ang mga anak mo?!! Simpleng pag mano lang sa akin di pa magawa!" Galit na turan naman nito
"Sensya na po ate baka po kasi nahihiya lamang po at bihira lang po kayong bumisita dito." paliwanag ni Maricar, na nagtatangka ring pumalma sa sitwasyon. At may halong pag-aalala sa tono ng kanyang boses na nagsasalamin ng kanyang pangamba na baka nasaktan o naiinis ang kanyang tita sa reaksyon ng kanyang mga anak.
Ngunit ng makita niya ang mga anak niya ang mga tanging mga nakayuko lamang ito.
"Umuwi ba si Nathan kagabi?" bag iiba ng topic ni Carol
"Opo teh, nga po pala may pinapabigay po pala para sa birthday ni Mama Emelia."
"Akin na! Ayon nga din ang pinunta ko dito."
"Kukunin ko lang po sandali."
Pumanhik naman ito sa may sala at umupo. Habang si Maricar naman ay tumungo ng kwarto.
"Tita Carol gusto niyo po ba ng maruya?" rinig naman niyang tanong ng kanyang panganay na anak na si Eunice sa Tita nito, napa nginiti naman siya dahil kahit papano ay nakaya na ng mga ito na kausapin ang Tita Carol nila.
"Ayoko niyan!!" Mabilis na tanggi naman nito
"Ano po gusto niyo tita Carol?" tanong naman ni Lyca
"Wala' Maricar bilisan mo naman may lakad pa ako!!"
"Opo! Najan na ate Carol!" Pag mamadali naman ni Maricar nang makuha na ang sobre na naglalaman ng pera.
"Pinapasabi din ni Mama na kaylangan agahan mo daw umuwi para makapag luto ka na agad ng ibang handa dahil meron maaagang dadating na bisita si Mama." Wika naman nito habang nilalagay sa kanyang bag ang sobreng binigay ni Maricar. Di maiwasan ni Maricar na mapansin ang bag ni Carol na maganda at halatang mamahalin ito. "Ang ganda ng bag niya" tanging nasambit nito sa kanyang sa isipan niya habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa bag Carol.
.
"Maricar?!" tawag nito sa kanya na nagpabalik ulirat sa kanya.
"Po?! Akala ko po kukuha kayo ng magluluto, iyon po kasi sinabi ni Nathan tsaka-
"Nagbago na ang isip ni Mama ikaw na lang ang magluluto tutulungan ka naman din ni Aling Martha."
"Si-sige po."
Tumingin pa ito sa kanyang relo "Sige, alis na ako. Pasabi sa kapatid ko na salamat kamo sa ambag na binigay niya."
"Sige po Ate Carol."
Hinatid niya pa ito hanggang sa kanilang gate. At pag balik niya naman sa loob ay nanatiling parin mga nakatayo ang mga ito halatang inaatay siyang sa pagpasok, at natawa naman siya bigla ng mapansin niyang mga naka pamaywang pa nga ang mga ito.
"At para saan naman po iyan at lahat kayo ay nakapameywang pa." Natatawang tanong naman niya sa mga ito at ginaya niya din ang mga ito.
"Mama bakit di po kayo marunong tumanggi?" Tanong naman ng panganay ng Anak na si Eunice
"Sa?" kunwari di niya alam ang pinapahiwatig nito
"Na kayo mag aasikaso sa pagluluto sa birthday ni Mama Lah, pagod na nga po kayo sa pag aalaga sa amin."
Napangiti naman siya dahil naramdaman niyang concern din talaga ang kanyang mga anak pagdating sa kanya.
"Anak' okay lang iyon tsaka isang araw lang naman po iyon."
"Pero lagi na lang po kayo ang pinag luluto nila... akala ko po ba kukuha na sila ng taga luto kaya po nag bigay ng pera si Papa?" Wika naman ni Eunice
Ngunit nanatili lamang ang mga itong nakatitig sa kanya, ngumiti na lang siya niyakap ang bunsong anak niya.
"Hali nga kayo dito hug niyo nga po ako." wika niya at nag silapitan naman ang mga ito at mahigpit na yakap ang ginawad ng mga ito sa kanilang pinakamamahal na ina.
Habang mahigpit ang yakap ng mga anak ni Maricar, naramdaman niya ang init ng pagmamahal at suporta mula sa kanila. Bagama't napapagod siya sa mga responsibilidad bilang ina at sa pag-aasikaso ng pamilya, ang mga ganitong sandali ay nagpapalakas sa kanya.
"Mama, hindi po ba kayo napapagod?" tanong ni Lyca, na nakayakap pa rin sa kanyang ina.
"Napapagod din anak, pero ang importante ay masaya tayong lahat," sagot ni Maricar habang hinahaplos ang buhok ng anak.
"Ayaw ko pong makita kayong pagod, Mama. Gusto ko pong tumulong sa inyo," wika ni Eunice, na talagang nakikita ang dedikasyon ng ina sa pamilya.
"Tutulungan po kita, Mama," sabat ni Jerald, na pilit nagpapalakas ng loob kahit bata pa.
"Naku ang mga baby ko... okay lang sa akin na huwag kayong malikot doon. At kayo ate Eunice at ate Lyca bantayan niyo lang itong dalawang baby boy natin okay?"
"Oo po, Mama!" sabay-sabay na sagot ng mga ito.
"Tara na't kumain ulit ng maruya, mga anak," yaya niya sa mga ito.
"Yehey! Maruya ulit!" sigaw ng mga bata habang masiglang nagtakbuhan pabalik sa kusina.
Habang pinagmamasdan ang saya sa mga mukha ng kanyang mga anak, naramdaman ni Maricar ang pag-agos ng saya at pasasalamat sa kanyang puso. Sa simpleng pagsasama-sama at sa mga maliliit na sandali ng pagmamahalan, natutunan niya na ang tunay na kaligayahan ay hindi sa materyal na bagay kundi sa presensya at pagmamahal ng pamilya.
Maricar POV:Nakakailang tawag na ako sa telepono ngunit wala pa ring sagot mula kay Nathan. Cheneck ko pa ang oras sa cellphone, 9;30 am alam kong kapag ganitong oras ay oras na para sa breaktime nila. Kaya nag bakasakali akong matawagan siya para tanungin kong makakauwi ito ngayon.'Baka busy...Last dial na'to' ang naisip ko habang pinipindot ang huling beses na pag dial sa aking cellphone. Napangiti naman ako nang biglang sagutin niya ang tawag."Hello?" Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ng isang babae sa kabilang linya, sa halip na ang inaasahang boses ng aking asawa."Babe?" Ang biglaang pag bilis naman ng pagtibok ng puso ko ng marinig ko ang boses na iyon at kilala ko iyon, walang iba kundi ang asawa ko. "At ano daw babe? Hindi naman babe ang tawagan naming dalawa."Kahit si Lisa ay nagulat din."Hello.... honey?" Ako na parang walang narinig at di nagtanong kung sino iyon. Ang pag dikit naman ni Lisa ng taynga niya sa cellphone ko."Ma-maricar... ba-bakit?" halos maut
Maricar POV:"Sa kabila ng aking pagpapakasakit at pagtitiis, hindi ko namamalayan na unti-unti nang nalalagas ang mga dahon ng pagiging rosas ko. Ngunit sa kabila ng lahat, pilit pa rin akong naghahanap ng pag-asa at pagkakataong muling pumalit o tumubo ang mga dahon. Subalit sa paglipas ng panahon, tila ba hindi na kayang tumbasan ng pag-asa ang bigat ng mga suliranin na aking hinaharap. Hanggang kailan ko nga ba ito kayang panindigan? Hanggang saan ko kayang magtiis para sa isang pagmamahal na tila ba hindi na ako pinapansin? Sa kabila ng lahat ng ito, patuloy pa rin akong umaasa na sa huli, may magbabago at mabibigyan ako ng tamang halaga at pagpapahalaga. Hanggang kaylan akong umaasa na meron pang pag asa?"****Third Person:Padabog na umupo si Ericka ng matapos ang pag uusap nila Nathan at Maricar.Napabuntong hininga na lang si Nathan at pinag patuloy ang pagta-type niya sa kanyang loptop."Hanggang kailan ka magpapanggap at maglilihim sa asawa mo?" ang mariin na tanong ni Eri
THIRD PERSON:"Ano Lisa? Di ka talaga sasama?""Hindi na' baka di ako makapag timpi mabatukan ko pa ang asawa mo doon!""Ikaw talaga," sabay ngiti ni Maricar, subalit may tinatagong lungkot sa kanyang mga mata. Na ilang sigundo naman na tintigan ni Lisa ang kanya kaibigan."Hmmp!! Kung ako lang ang naging si Maricar, naku.... naku.... hindi talaga ako mag tatagal sa ganyang pa sistema ng relasyon na ganyan." hindi maikubli ang galit sa bawat salita niya."Ilang taon na kayong nagsasama pero, parang katulong lang ang turing sayo ng mga iyan!! Pati na din iyang asawa mo, wala din ginawa kundi ang umayon din!!""Lisa?" tanging nasambit na lamang niya"Alam mo Maricar, hindi ko na hinahangad na mag bago pa ang asawa mo.... mas hinahangad ko na sana magkahiwalay na lang kayo,,, para malasap mo naman kung anong pakiramdam ng maging malaya..""Malaya?" biglang tanong naman ng isipan ko "Ano nga ba ang pakiramdam ng isang Malaya? Hindi na ako pwede sa salitang malaya dahil may mga anak na ako
Maricar POV:***Masakit sa kanilang mga mata kapag kakaibang mga kinikilos ng iyong mga anak... mapupuna ka nila kahit ano pa man,, kahit ano pa man ang gawin mo, kahit gaano mo pa subukang itama ang kanilang mga aksyon o baguhin ang kanilang ugali, palaging may mga taong maghahanap ng butas at magbibigay ng kanilang opinyon na kadalasan ay hindi mo na kayang matanggap ang kanilang mga saloobin.**"Tingnan mo ang mga apo ko' kakaiba diba? Imbes na nakikipaglaro din sa mga kapwa nila bata dito .... aba'y tingnan niyo mga nakaupo lamang na parang mga statwa.""Ano ka ba mare, mas okay ka nga kasi hindi suwayin... ang babait nga ohh diba?""Sus! mahirap kaya ang ganyan imbes na magkukumilos, mga naka upo lang kakalakihan iyan ng mga iyan... bandang huli mga tamad.mamanahin pa ata ang kanila ina!""Masyado mo naman inaano ang mga apo mo mare..""Hindi kasalanan ng mga apo ko iyan.... Kundi kasalanan ng Ina nila kung paano at anong padidisiplina ang ginagawa niya kung bakit ganyan ang mga
Maricar POV:"Simula nang ipakilala sa amin si Ericka di na mawala sa isipan ko at pangamba at ang magtanong, kung ano na naman ba ang mga susunod na mangyayari? Ito na ba ang pagkalanta ko.. Ang rosas na ito madali na bang malanta.""Sorry, di ko sinasadyang masunog ko ang paborito mong polo.""Paulit ulit na lang Maricar ano ba?! Kaylan ka ba tatanda!!" Sigaw niya sa akin"Sorry talaga honey." nakayukong sabi ko na lamang"Lahat na lang!! Pati ba naman ito di mo kayang gawin ng maayos ang pag paplantsa mo!!"Ako na tanging nakayuko pa rin, ***"Kaylangan bang ganito magalit... yong tipong sasabog na din ang eardrum namin sa kakasigaw niyo sa amin?.."**Napapaiwas pa ako dahil sa bawat salitang binibitiwan niya, siyang pag aamba naman na ihahampas niya sa akin ang pulo na hawak hawak niya."Di ko alam kung sadyang tanga ka lang talaga o ano eh!!" na parang isang kutsilyo na patuloy na tumatagos sa aking pagkatao, pinupunit ang bawat bahagi ng aking pagkatao hanggang sa abutin nito ang
Maricar POV:Nang hihinang napaupo ako sa bench, nararamdaman ko ang bigat ng aking damdamin, ang panghihinayang sa mga pangako at pangarap na para bang biglang naging bula na lamang. Sa mga sandaling iyon, na para bang ang lahat ay nagmistulang isang malungkot na panaginip na kailanman ay hindi ko gustong magising pa.Hindi pa rin ako na makapaniwala na madadatnan ko ang asawa ko at ang katrabaho niya sa ganon eksena. Bigla na naman nag sipasok sa mga alala ko kung ano ang mga naging buhay ko sa piling niya. Puros malulungkot na mga alala.... na para bang pinagsakluban ako ng langit at lupa, mula sa mga panahon na binabalewala niya ako hanggang sa mga pagkakataong ipinagpalit niya ang mga pangako niya para sa mga bagay na mas pinahalagahan niya kaysa sa akin, bawat sakit at pagkabigo ay bumabalik sa aking isipan, lalo na ang mga oras na pinilit kong intindihin siya kahit na labis na akong nasasaktan, umaasang may magbabago, ngunit sa huli ay ako rin ang naiwan na nagdurusa sa kanyang
Maricar POV:Ang inaasahan kong sunod na mangyari ay uuwi siya sa bahay at lahat ng mga paliwanag niya sa mga dapat kong maitatanong sa kanya ay maiilabas niya sa araw na iyon. Ngunit hindi... hindi ito umuwi hanggang sa umabot ng isang linggo. Sa kabila ng aking paghihintay at pag-asang makarinig ng mga paliwanag mula sa kanya, ang paglisan niya nang walang anumang abiso o paalam ay tila nagdagdag lamang sa bigat ng aking damdamin. Araw-araw, ang kanyang pagkawala ay tila nagsisilbing nagdudulot ng mas maraming tanong kaysa kasagutan, at ang bawat oras na nagdaan ay nagdulot ng mas matinding pangamba sa aking kalooban. Habang naghihintay ako sa bawat tawag o mensahe mula sa kanya, ang pag-aalala at pagdududa ay tila sumasalubong sa bawat sandali ng aking pag-iisa.Nadatnan naman ako ni Lisa na tulalang nakatingin sa bintana, pinapanood kong paano gumalaw ang mga dahon ng malaking puno na sa tapat ng bintana ng sala namin, habang iniisip ang bawat oras na lumipas na wala siya, ang mga
THIRD PERSON:"Ano daw sabi ng anak mo?""Hindi sila makakasama dahil meron silang ginagawa, meron daw kasi silang event bukas." sagot ni Nathan."Hmm' sa mga tinginan pa lang sa akin ng panganay mong anak mukhang mahihirapan akong suyuin iyon ah.""Ganon lang iyon, pero mga malalambing ang mga iyon."sagot ni Nathan na may kasamang ngiti. Na ikina angat naman ng gilid ng labi ni Ericka ng makita niya kakaibang ngiti ni Nathan."Bakit... bakit naturuan ba ng tama at magandang pag uugali ni Maricar ang mga anak mo?" tanong ni Ericka, may halong pagtatampo sa tono niya.Mabilis naman siyang napatango na ikina bigla naman niya. At pag harap niya ng tingin kay Ericka magkasalubong na naman ang mga kilay nito."Hmmp!!" inis na inirapan siya nito. At padabog na inayos ang pagkakaupo niya sa passenger seat. Napapailing na napa buntong hininga na lamang si Nathan saka binuhay ang makena ng sasakyan. Tahimik nilang tinahak ang daan, habang si Ericka ay nanatiling masama ang loob, iniisip kung p
THIRD PERSON:Matapos ang matinding rebelasyon, agad na inutusan ni Don Sebastian si Alejandro na iuwi muna si Maricar sa mansion. Alam niyang kailangang mapag-usapan at maipaliwanag nang maayos ang lahat ng nangyari. Sa gitna ng tensyon, walang nagawa si Maricar kundi sumunod, habang si Nathan ay nanatiling tahimik, pinagmamasdan ang paglayo nito. Hindi maitatanggi ang lungkot at panghihinayang sa kanyang mga mata, ngunit batid niyang wala na siyang magagawa upang baguhin ang sitwasyon.Samantala, si Don Rafael ay pilit na ikinukubli ang kaguluhang idinulot ng kanyang anak. Sa kabila ng kahihiyan, pinanatili niya ang maamong anyo at mahinahong boses habang humihingi ng paumanhin sa mga bisita. Alam niyang kailangang mabilis na mapagtakpan ang eskandalo upang hindi lumala ang sitwasyon at maapektuhan ang kanilang pangalan."Don Sebastian, isa lamang itong hindi pagkakaintindihan at—"Hindi na niya natapos ang sasabihin nang itaas ni Don Sebastian ang kanyang kamay—isang tahimik ngunit
THIRD PERSON:Habang nagkakagulo sila, sina Don Rafael, Carol, at Emelia ay tila hindi makagalaw sa kanilang kinatatayuan. Walang balak na lumapit kila Ericka at Nathan, at bakas sa kanilang mga mukha ang pagkabigla, hiya, at isang hindi maipaliwanag na takot. Para bang sa isang iglap, lahat ng itinago nilang lihim ay maaaring sumabog anumang oras. Si Don Rafael ay napatingin kay Carol, na bahagyang napayuko, habang si Emelia naman ay mahigpit na napakapit sa kanyang mga kamay, wari’y may iniisip kung paano makakalabas sa sitwasyong ito nang hindi nadadamay."Bantayan niyo ng maigi si Maricar," utos ni Don Sebastian sa isang tauhan.Samantala, marahang hinawakan ni Alejandro ang kamay ni Maricar at mahinang bumulong, "Halika na, Maricar." Para hindi na siya madamay pa sa gulo.Napatango na lamang si Maricar, ramdam ang pag-aalalang bumabalot sa paligid. Ngunit bago pa man siya makatalikod upang iwan sina Ericka at ang gulong nilikha nito."Teka!! Saan ka pupunta, bruha!!" sigaw ni Eri
THIRD PERSON:Abala si Don Sebastian sa pakikisalamuha sa kanyang mga bisita. Ang kanyang postura ay mahinahon ngunit puno ng awtoridad, isang tunay na simbolo ng isang makapangyarihang tao. Sa kabila ng kanyang kakayahang magdala ng isang silid na puno ng respeto at paghanga, may bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon nang masulyapan niya si Maricar mula sa kabilang panig ng bulwagan.Humugot siya ng malalim na pag hininga, tila iniipon ang lakas ng loob na kinakailangan upang harapin ang katotohanan na matagal niyang iniiwasan. Ang dalaga—na naging dahilan ng kontrobersiya at lihim sa kanyang pamilya—ay ngayon nakatayo sa harapan niya, hindi na bilang isang estranghero kundi bilang kanyang kaisa-isang apo.Matapos ang ilang sandali ng pag-aalinlangan, tumayo si Don Sebastian...nang mas diretso, pinanatili ang kanyang dignidad at awtoridad. Sa kabila ng bigat ng emosyon na kanyang nararamdaman, naglakad siya nang marahan ngunit sigurado papalapit kay Maricar, handang ibigay ang ka
THIRD PERSON:Katulad ng isang eksena sa pelikula, umalingawngaw ang palakpakan sa buong bulwagan matapos ang nakakakilig at eleganteng sayawan nila Maricar at Alejandro. Ang kanilang chemistry ay hindi matatawaran, at malinaw sa lahat ng nanonood na mayroong espesyal na koneksyon sa pagitan nila."Ang galing niyo!" sabi ni Liosa, na halos mapatalon sa excitement habang papalapit kay Maricar. "Parang prinsipe’t prinsesa sa isang fairy tale!"Hindi pa man tuluyang humuhupa ang kasiyahan sa paligid, dumating na sina Francis at Miguel, kapwa gwapo at pormal ang mga bihis. Halatang pinaghandaan nila ang gabing iyon. Tumayo silang dalawa malapit sa mesa nina Liosa at Lisa, ang mga tingin ay puno ng kumpiyansa.Habang naglalakad ang dalawa papunta sa mesa nina Liosa at Lisa, hindi nakapagpigil si Lisa na magtaas ng kilay at magbigay ng mataray na puna. "Naku, dumating pa kayong dalawa," sabi niya nang sarkastiko, sabay irap sa kanila.Ngumiti si Miguel at lumingon kay Francis. "Ang sweet ta
THIRD PERSON:"Tingnan mo nga naman, andito din pala tong mga panget na 'to," biglang sabi ni Lisa, sabay irap at kumpas ng ulo sa direksyon ng mga tao sa kabilang bahagi ng ballroom. Napalingon naman sina Kathlyn at Liosa sa tinutukoy niya."Sino?" tanong ni Liosa, halatang nagtataka."Ayan, oh, yung nasa kabilang side na 'yan," sagot ni Lisa, sabay turo sa grupo nila Nathan na abala sa pag-uusap."Teka, sila ba yung mga nag-eskandalo sa shop dati?" tanong ni Liosa habang sinisilip ang tinutukoy."Hays, oo nga. Tingnan mo ang mga mata nila, tsk… halatang mga inggit. Mas lalo na sigurong maiinggit kay Maricar ngayon. Ang ganda-ganda na niya, naku! Buti na lang talaga wala ako nung panahon na nag-eskandalo sila sa shop niyo. Kung nagkataon, sabunot talaga abot sa akin ng mga 'yan," gigil na gigil na sabi ni Lisa habang halatang inis na inis sa grupo ni Emelia."Lisa, shhh! Tama na," mahinang awat ni Kathlyn, sabay hawak sa braso ng kaibigan. "Nakakahiya. Huwag ka namang masyadong maing
THIRD PERSON:Ang engrandeng event ni Don Sebastian ay ginaganap sa pinakamalaking ballroom ng isang prestihiyosong hotel sa lungsod. Ang lugar ay napapalibutan ng mga kilalang personalidad, mga politiko, mga bigateng negosyante, at mga sikat na artista. Nagliliwanag ang mga chandelier, at ang kanilang mga kristal na nakabitin ay nagtatapon ng sinag na tila mga bituin sa bawat sulok ng silid. Ang mahahabang lamesa ay punung-puno ng mga pinakamagarang pagkain at inumin, habang ang mga waitstaff na nakasuot ng maayos na uniporme ay walang tigil sa pag-aasikaso sa mga bisita.Sa kabila ng marangyang paligid, ang bawat isa’y tila sabik sa mga susunod na kaganapan.Nang dumating sina Maricar, tila nagkaroon ng alon sa karamihan. Ang pulang gown ni Maricar ay kumikinang sa ilalim ng ilaw, bumabagay sa kanyang maputing kutis at simpleng makeup na nagbigay-diin sa kanyang natural na ganda. Sa bawat hakbang niya, tila huminto ang oras; ang kaba na kanina’y makikita sa kanyang mukha ay napalita
THIRD PERSON:Sa isang sikretong lugar, nagtagpo sina Nica at Ericka sa isang upscale café. Tahimik ang paligid, at tila walang nakakakilala sa kanila sa pribadong sulok na iyon.Halatang maingat si Nica, suot ang malaking sumbrero at sunglasses, upang itago ang kanyang pagkakakilanlan. Si Ericka naman ay kalmado ngunit seryoso, nakaupo nang elegante habang hawak ang isang tasa ng mainit na kape. Ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Nica, tila binabasa ang bawat galaw nito.Tahimik ang paligid, ngunit ang tensyon sa pagitan nila ay tila umuugong. Nangingibabaw ang presensy ni Nica ang pagkibot ng kanyang labi, ang pilit na pagpigil sa poot. Sa harap niya, si Ericka, na tila hindi naapektuhan sa eksena, kalmado habang iniinom ang kanyang kape. Ang kanyang mga mata, puno ng malamig na prangka, ay nakatuon kay Nica—tila nanghuhukay ng nakatagong lihim.“Akala ko ba, wala ka nang balak bumalik dito, Nica?” tanong ni Ericka, may halong panunuya. “Bakit ka pa bumalik sa Pilipinas? Hindi ba’t
THIRD PERSON:Pagkatapos nilang mamasyal sa park at masaya sa mga laro at tawanan ng mga bata, sinulit nila ang pagkakataon na mapaligaya ang bawat isa. Habang patuloy ang kasiyahan, hindi na nila pinalampas ang pagkakataon na pasyalan pa ang iba nilang gustong puntahan. Pumunta sila sa isang malaking mall kung saan sina Miguel at Francis naman ay walang humpay sa pagbili ng mga laruan para kina Jacob at Jerald. Ang kanilang mga mata ay kumikislap sa kasiyahan habang pinipili ang mga laruan na tiyak magpapasaya sa mga batang iyon.Samantala, sina Eunice at Lyca ay tuwang-tuwa sa mga bagong damit na kanilang nakuha mula kina Tita Kathlyn, Tita Liosa, at Tita Lisa. Hindi maipaliwanag ang saya sa kanilang mga mukha habang sinusukat ang mga damit na perfect na perfect para sa kanilang estilo at personalidad. Tila bawat piraso ng damit ay nagbigay sa kanila ng espesyal na pakiramdam, at ipinagmamalaki nila ito habang ipinapakita sa isa't isa. Para bang bawat item na kanilang nakuha ay nags
THIRD PERSON:"Napakaganda ng mga ngiti nila, hija," sagot ni Ma'am Elenor habang pinagmamasdan ang mga bata sa di kalayuan. "Pero ikaw, Maricar? Masaya ka ba talaga? Sa puso mo?"Biglang tumigil ang ngiti ni Maricar at napalunok ng bahagya. Ibinaling niya ang tingin sa malayo, sa mga anak niyang masayang naglalaro. "Ma'am Elenor, masaya ako... pero hindi ko maiwasan ang takot. Takot na baka mawala ulit ang ganitong saya.Hinawakan ni Ma'am Elenor ang kamay ni Maricar at hinaplos iyon nang may pagmamahal. "Hija, ang isang pusong puno ng pagmamahal ay hindi kailanman nagkukulang. Hindi sukatan ang yaman o ang kakayahan. Ang importante, andyan ka sa tabi nila. At higit pa sa mga materyal na bagay, ikaw ang kailangan nila."Napaluha si Maricar at bahagyang napangiti.Ngumiti nang malumanay si Ma'am Elenor at pinisil ang kanyang kamay. "Ang mahalaga ay ang pagmamahal mo, hija. Ang mga anak mo, nakikita nila 'yan. Nararamdaman nila. At lagi kang may suporta—mula sa akin, kay Kath, at kahit