Share

CHAPTER 1

Author: MV Stories
last update Huling Na-update: 2021-03-19 11:01:39

HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:

UNINTENTIONAL

Matthieus Morris Monférrer

Kabanata 1

ISANG MALAKING MILAGRO na naka-survive si Anne na matulog sa loob ng kanyang pinakamamahal na Ferrari Enzo magdamag. 

Nagpuyos ang loob niya nang maalalang hindi siya pinapasok ni Kuyang Farmer sa cabin nito kagabi. He didn't even flinch when she asked him how she could possibly get to Monférrer's Hacienda. She ended up snoozing inside her little Ferrari, in an unbelievably foetal position! Now she had no choice but to suffer from a back pain. 

She grabbed a full-packed of premium flushable wet wipes with aloe and climbed off her car. She began to spruce up her viscous skin, her face with so much gentleness. 

For the first after a long time, ngayon lang siya nakaramdam na parang ang dumi-dumi niya. 

That thought alone made her cringe. And there were gruesome red marks in her legs due to ant's bite. Oh no! No! Her plumpy-plumpy, youthful skin got stains. Noooo!

"Daddy, you wouldn't believe what happened to me! God, Daddy. I feel so marumi." She rumbled disproportionately at her father who was on the phone. She dramatically hyperbolizing her unreasonable panic with a shaky voice for one usual reason, to gain her father's sympathy.

Kay North niya sana unang ilalapit ang kanyang dilemma ngunit out of reach ang personal number nito. That bastard!

"Mary Anne, sweetheart, your father's in the middle of a very important executive conference. Quit bothering me. I'll transfer your call to Guillana, ask her whatever you want. Wherever you are, enjoy your vacation. Extend it as long as you want. Saka ka na bumalik."

Napapadyak siya sa tampo sa ama. "You don't love me na, huh, Daddy. You're disowning me, aren't you? First, you made me sisante and now itinatakwil mo 'ko. I swear, luluhod ang mga tala, I'll plead to Jesus that Mommy's ghost will make you multo."

She was only fourteen years young when her mother died due to severe respiratory infection. Kapwa nagsipag-asawa na ang nakababata niyang twin brothers na sina Macklin at Malek. 

Spare the rod and spoil the child, hindi umepekto ang parenting method na iyon sa kanya. She grew up with a mean attitude and gives zero fuck with everyone. She was an impulsive archetype, a privileged bratty heiress of one of the ultrarich business magnate in the country at natural na palaging nasusunod ang luho't kapritso niya. 

However, despite getting whatever she wants without actually having to do to get it, yet there's still a certain spot in her being that seemed unfulfilled. May kulang. Parang may naliligalig na sulok sa pagkatao niya. May hinahanap siya. 

Napahinto siya sa pagda-drama nang si Guillana na ang nasa linya, ang executive secretary ng kanyang Daddy. Naghihimutok siyang pumadyak sa lupa.

"Ms. Annie, your Dad instructed me to suspend any calls from you. Enjoy your long vacation, Ms. Annie. Stay out of trouble. Bye."

She opened her mouth to scream out of too much vexation, but she promptly shut it off when she saw from the corner of her eyes that the cabin's front door cracked open.

She spun around to face the cabin to let her foolish eyes glorified the strikingly dashing appearance of a man who just walking out from the cabin. Hispanic race was visible in his features. The man's medium textured wavey hair was sexily rough-and-tumble, stern, unthoughtful toasty topaz eyes were impatiently dark, had an imposing figure at around six feet and something inches. Maybe he's as tall as North and Primus. Looking almighty ravishing and dashing. 

But no big deal! She was surrounded with fiftyfold of handsome men. Her eyes were just hyperbolizing! Sounded defensive, biatch! 

She strode towards him. "You, moron! How dare you mistreat me last night! Just so you know, my skin could've lead to acne breakouts because I didn't sleep properly last night. Let's hope to God I won't get one or I'll file a lawsuit against you!"

The guts of this man for narrowing his toasty topaz eyes at her. Vein appeared in his temples, jaw clenched, indicating a dose of rage. 

"File a lawsuit against me? How about me, filing a lawsuit against you for damaging my property? Sounds better, isn't? Look what you did!"

Iginala niya ang tingin sa malawak na hardin sa harapan ng cabin na punung-puno ng bushes ng sensation lilac. Tila dinaanan iyon ng matinding delubyo. Doon napadpad ang kawawang Ferrari Enzo niya nang mawalan siya ng preno kagabi. 

A group of local teenagers poked fun on her yesterday. Naligaw siya sa bayan ng Santa Coloma, nanakawan ng mga gadgets, sinira ang preno ng kanyang kotse nang iniwan niya ito upang magtanong ng direksyon. 

"Hey, for your information, Mister arrogant farmer, filing a complaint will cost an arm and a leg. First you have to pay through nose before you can get a lawyer. Your face might be rich with beautiful genes but you're poor as a church mouse." She wasn't even convinced with her own words of insult. 

Wala ngang hint ng luxury sa pisikal na anyo ng lalaki pero lubhang naumay ang dila niya nang sabihan niya itong mahirap. 

Bumaba ang tingin niya at hinalughog ang suot nitong over-washed zip-up style sweetshirts at faded slim rigid jeans. No ones looks that good in that cheap, tawdry clothes! But him...

“Hey, quit giving me that kind of tingin, Mister arrogant farmer!” Iritado niyang sita at bahagyang umatras. Hindi niya gusto ang tingin nito sa kanya. He gave her an odd feeling. Tipong sinisibak ang matayog niyang self-esteem sa paraan ng paninitig nito. Nakakakilabot ‘yon! 

Akala niya ay hindi pa ipinapanganak sa mundong ibabaw ang tao na magpapahilakbot sa nagtatapang-tapangan niyang personalidad. 

Pasimple siya nitong tinapunan ng malamig na may kalakip na nanghahamak na tingin bago ito dumiretso sa kanyang Ferrari Enzo na nagmukhang supreme leader sa gitna ng mga naluray na sensation lilac. Binuksan nito ang pinto sa driver seat.

His moves scream great power and strength. Sa well-built na katawan nito, sisiw lang yata sa lalaki na ibalibag at ihagis siya nito sa kung saang parte ng malawak na lupain.

“What the actual fuck are you doing, Mister arrogant farmer?! Back off and don't you dare graze your hand on my pinky-pinky car. You're hand might be marumi, ‘no!” Singhal niya. Hindi lang talaga niya ito maitulak palayo sa kanyang kotse dahil tinablan siya ng takot. Mahirap na baka kriminal itong kaharap niya at mauwi sa chop-chop lady ang titulo niya sa alta-sosyedad.

“Get inside!” His voice was full of authority. Tipong walang makakabali sa salita nito. 

“Who do you think you are to dictate me? Excuse me, for you to know, I am Mary Ann Aperin and everyone treat me nicely. Am one hell of a princess. Tapos ikaw kung maka-utos ka, daig mo pa ang prime landholder ng lupain na ‘to! Makikita mo, I'll kick you out of this province once I meet my fiance’s friend. Humanda kang motherfcker ka! Masakit ang back ko because of you, heartless promdi!” 

His hard gaze was taunting her, shutting her mouth off. This man possessed an unyielding domineering aura which can scare away anyone without even trying. 

But she's Mary Ann Aperin, she just couldn't let him take her guard down. Hah!

“Ang ingay mo!” He lashed out at her. In one swift move, naibato siya nito sa backseat ng kanyang Ferrari Enzo. Hiwaga nang maituturing na wala siyang natamong injury sa ginawa nito.

Ang pinakamamahal niyang bunny pet na si Verguenza na nasa loob ng bunny cage nito ay nakatingin lang sa nakangiwi niyang mukha. Lovely Vergue! 

Her bunny’s name came from the youngster Jose Rizal’s dog pet na ang kahulugan sa ingles ay embarrassment o shame. Gaya-gaya lang naman siya, gano’n! 

Hustong nagngitngit ang kalooban ni Anne. How dare him treat her inhuman! Mananagot ito sa batas, sa korte suprema, sa Kapulungan ng mga Kinatawan, lalo na sa Pambansang liga ng mga sisterit na bakla!

He maneuvered her pinky car like he had all the rights to do so. Nasa lock cylinder ang car-key kaya hindi ito nahirapang ipasibad ang kotse.

Saan siya nito dadalhin? Ipapatiwarik sa talampas o ihahagis sa bangin? Jesus Christ! She was mentally shaking because of fear. 

Ang dami-dami pa niyang gustong gawin sa buhay. Gusto pa niyang masungkit ang titulo bilang exceptional sex goddess. Papakasalan pa niya si North, lalampasan pa niya ang bilang ng mga anak ng mga kapatid niya. Gano’n siya ka-competitive! Magiging ulirang asawa’t ina pa siya. Tatagain pa niya ang penis ni North kapag magkamali itong mag-commit ng adultery. Hindi pa niya gustong makadaupang-palad si señor San Pedro. She's not excited though.

“Try to put my precious life in danger again, lagot ka sa Dad ko at sa mga brother ko!” 

He wasn't planning to salvage her, right? Wala pa naman siyang mahihingan ng tulong. Naliligaw siya ng bongga! She was in the middle of nowhere. Nasaan ba iyong ipinagmamalaking farm ni North? Malawak na pastureland lang naman ang nasasaklaw ng kanyang mga mata at daan-daang bilang ng cattle.

“Fine! I'm not really that bitch, e. Hindi ko naman itutuloy iyong pagsasampa ng kaso against you, Kuyang Farmer. Ihatid mo lang ako sa La Coloma Hacienda, kwits na tayo.” Sht! Kailan pa siya nagpakumbaba? Wala na yata siya sa sarili.

Binaybay nila ang uneven land ng malawak na lupain. Bushes, trees, fallen dried leaves were everywhere. Ngayon ay may natatanaw na siyang mga kamalig at kuwadra sa silangang bahagi ng lupain–a ranch rather. Ranch! Estancia de Monférrer?

“Do’n talaga kita dadalhin—fck! Bakit hindi kumakagat ang preno?” Naalarmang usal ng lalaki. 

Bagama’t kinakabahan ay nagawa pa rin ni Anne na tarayan ang lalaki. “That was why I tried to palag and protest against you kanina kasi sira ang brake nito, ‘no! See where did your imprudent and insensitive attitude get us? Danger, man! Danger. Mapapatay ka talaga ng Dad ko.”  

Dinampot niya ang bunny cage ni Verguenza at binalot niya roon ang kanyang paboritong authentic Chanel cashmere sweater at scarf. Mamatay man siya basta’t ligtas lang si Vergue.

He kept his foot off the accelerator and made a downshifting method. Iniwasan nito ang masyadong umbok na parte ng lupa. Sandali pa’y bumagal ang takbo ng kanyang Ferrari. Lumagpas na rin sila sa nakahilerang mga kamalig. 

It stopped in that certain spot of the vast land where lots and lots of beautiful ornamental Banaba and Siar trees stood proudly. 

Naudlot ang pamamangha niya sa paligid nang mapansin ang aroganteng promdi na may kausap na sa labas. Mukhang may ibinibigay na instruction sa isang middle-aged na ranch hand.

Nang makababa siya ay saka naman lumayo ang antipatiko. Tinutumbok nito ang gawing silangan, pabalik siguro sa mga kwadra o koral. Pakialam ba niya kung saang hell ito magpunta! Ang mahalaga ligtas siya at si Vergue.

“Magandang umaga ho sa inyo, Ma'am. Masayang pagdating po dito sa Estancia de Monférrer.” Finally, nakatagpo rin siya ng mabait na tao sa probinsya ng Santa Coloma.

“Thanks a ton. But please, help me to get to the Hacienda, Manong. I was lost since yesterday. I'm exhausted.” 

“Ho? Ah sandali lang po, ma'am, padating na iyong pick-up na magdadala sa inyo sa Villa.” Imporma ni Manong.

“Good heavens! Maraming thank you po talaga, Manong. Hulog ka ng ulap. Akala ko lahat ng tao rito ay bad kagaya ng moron na antipatikong iyon.” Madamdamin niyang tukoy sa lalaki na natatanaw pa rin nila. “I really want to see North’s best friend, ‘yong may-ari po ng ranch at hacienda. I have to meet him. Ipapasisante ko iyong mokong na ‘yon, I swear. Damn him! He's too evil. Sino ba siya sa akala niya?”

Nagtaka naman siya sa pagpipigil ng tawa ni Manong. Alin ba sa sinabi niya ang nakakatawa? O baka naman may naaamoy na itong offensive mula sa kanya? Hell no!

Isang off road land rover ang humimpil malapit sa kinaroroonan nila. Isang binata ang nagmamaneho niyon.

“Ma’am, ito ho pala ang anak kong si Sebio. Nagpapastol din po siya ng baka rito sa rancho.”

“Oh, that's great! Nice to meet you, Sebio boy. I'm Anne.”

Nagpresinta ang mag-ama na ilipat sa kabilang sasakyan ang lahat ng bagahi niya upang maihatid na siya sa Villa.

“Masama ho ‘Tang ang lagay ng kabayo ni Señorito. Napuruhan ang isang binti. Parang ayaw ko nga po munang lumapit sa Señorito ngayong mainit ang ulo niya. Ayokong mabugahan ng apoy. Iba pa naman kapag nagagalit iyon, mas malala pa kay Don Matteo.”

Itinuon ni Anne ang pagpapakain kay Vergue at nagkunwaring binabalewala ang mababang usapan ng mag-ama sa harapan.

Señorito? Iyon na nga yata ang best friend ni North. I really should meet him.

“Tang, paano kaya nadisgrasya iyong kabayo ni Señorito? Maayos naman iyon kagabi noong umuwi kami ni Severino.”

“Gawa raw ng isang entremetidang babae, iyon ang sabi ni Señorito kagabi.”

“Ho, ‘Tang? Babae? Patay! Tiyak hindi iyon makakawala sa galit ng Señorito. Kawawang-kawawa siya kapag nagkataon.”

“Iyan ang sigurado.” 

Nasindak si Anne nang tapunan siya ng blangkong tingin ni Manong. 

Kaugnay na kabanata

  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 2

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 2FELT LIKE her pituitary gland released twice the normal amount of growth hormones ‘cause she had a magical eight hours of sleep. Merci le ciel. ‘Yon lang ay hindi iyon sa gabi kundi alas otso ng umaga hanggang sa hustong pumatida ang alas kuwatro ng hapon.Okay na rin at least growth hormones ang natamo niya at hindi stress hormone na tulad ng ipinagkakaloob sa kanya ng bad-tempered na mambubukid na ‘yon!Nagpasya siyang huwag munang bumangon mula sa gothic canopy bed. Nasa guest room siya ng bahay-hacienda ng mga Monférrer. Hula niya ay hindi lang isa ang guest room sa Villa.Kanina nang dumating siya sa naturang Villa ay hindi niya maitago ang taos na paghanga sa eleganteng Villa na tila inspired sa Gothic Victorian style. It was so huge and ambitious

    Huling Na-update : 2021-03-19
  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 3

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 3HOW DARE HIM!How dare him mandate her such things! Mag-alaga ng injured na kabayo at wasak na halaman? He’s sick!Taga bundok nga ito! Wala itong ideya kung gaano kataas ang market value niya sa alta-sosyedad. She's one of Manila’s It Girls, a society sweetheart tapos mamanduhan lang siya nito na para bang isa siyang pipitsuging alipin?Nang makabawi ay sandali siyang nag-excuse kay Donya Coloma na nananatili pa ring shock. She stomped to the portico. Hinabol niya si Matthieus na papalapit sa lumang Wrangler.“Sandali. ‘Wag kang rude, Mr. Monférrer!” Asik niya sa nanghahamong tono.Bumagal ang mabigat na paglalakad nito. He still had the demeanor of a dangerous felon when he turned to her. He's simply dangerous!

    Huling Na-update : 2021-03-19
  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 4

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 4"SO, YOU MAKE K'WENTO NA, MARIA ANITA! May napala ka na ba r'yan sa kagagahan mo? Did North fuck you already? How true the chika that North Niccolo's a very kinky PDA guy? Pinatuwad ka ba niya sa bawat part ng barn, sa fence, sa ilalim ng tree, o 'di naman ay pinabukaka sa loob ng umaandar na steam tractor o threshing machine like that? That would be crazy but fun." Anne winced irritably while being bombard with those kinky sex things by her best friend―Maria Athena Allende-Fulgencio-Ponce de Leon.Well, natutuwa kasi ang bruhilda kapag kinakabit sa pangalan nito ang mga surname ng mga naging asawa nito. Her best friend married thrice, divorced twice and still counting ika nga nito."You'd probably damage my eardrum, Maria Athena

    Huling Na-update : 2021-03-19
  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 5

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 5DID THE ALOOF AND GRUMPY ranchero really dragged her? Inside his cabin? Let her feet set inside his off-limit house? Permitted her invade his what-so-called little dungeon?She must be wildly dreaming! Seryosohan ba ito?"Sit down!" He ordered in low, rough voice. It seemed to come from his deep in his throat, yet dominance was still latched in it.That was her cue to gather her wits back. Huminga ng malalim si Anne. She faked a dauntless facade. "And what are you up to, Mr. Monférrer? Basta ka na lang nanghihila, ha! I really hate you!" She barked acidly.May alam man lang ba ito kung paano ang proper na trato sa isang dalagang Pilipina? She bet he doesn't!"It's reciprocated! 'Cause I happen to hate you more. Keep quiet and sit down, I said!"

    Huling Na-update : 2021-03-19
  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 6

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 6MATAPOS MAKAINOM ng paracetamol ay bahagya nang nabawasan ang fever ni Anne. When she woke up this morning, her world seemed like tearing apart. Dealing with nauseous, chills and body ache were like giving up all her signature Hermes bags and branded make-ups. Malaking dagok din kay Anne ang uminom ng tablet na gamot katulad ng ibinigay sa kanya ni Donya Coloma nitong umaga. She won’t take that med again!Nang maramdamang lumabas na ng silid si Elena na tiyak niyang may dala na namang mainit na herbal tea ay tinuldukan na niya ang pagpapanggap na tulog. It was the sixth glass of herbal tea for her ngunit ni isa roon ay wala siyang ginalaw. Pakiramdam niya ay masusuka siya oras na sumayad sa lalamunan niya ang herbal tea kung ano man iyon.Hilong tumayo si Anne at pilit hinatak ang isang fuzzy bean bag c

    Huling Na-update : 2021-03-19
  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 7

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 7KAPANSIN-PANSIN ANG PAGIGING uncomfortable ni Matthieus sa hapunan. Every dish his mother offered, lahat iyon ay tinatanggihan nito sa pamamagitan ng malamig na ‘no’ o kung ‘di man ay walang kabuhay-buhay na iling. Nahiya ang bagyo sa mood nito.Kung ilalarawan ang kilos nito ay p’wede nang ilahad ni Anne na katakot-takot na pressure ang kinailangan nitong suungin bago nakumbinsi ang sarili na sumalo sa hapagkainan.Napipilitan lang talaga ito kanina na sumabay sa kanya. Hindi yata ito pinapatahimik ng konsensya kaya gano’n na lamang kung pakitaan siya ngayon ng kabutihan. Pero ika nga’y damage has been done and when she said that, she was probably talking about emotional damage. Kung iniisip nitong madadala siya nito sa Reverse Psychology, nagkakamali ito.Mag-apology man ito pero nuncang m

    Huling Na-update : 2021-03-19
  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 8

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 8MATINDING SAMA NG LOOB ang inani ni Anne matapos mapanood ang unthinkable na eksena na iyon na laman ng naturang video na ipinadala sa kanya ng kaibigang si Athena. Sa haba na mayroon ang video na halos umabot sa tatlong minuto ay wala pa sa kalahati ang nakayanan niyang panoorin. Mukhang masusing pagmamanman ang ginawa ni Athena kay North para makuha ang ebidensya na ‘yon.And he was lying all along! Wala ito sa California kundi nasa Cadiz sa bansang Spain kasama ang kapatid nito. Gaano na katagal ang lihim nitong affair sa sarili nitong kapatid?Wala sa sariling naibagsak ni Anne ang gadget. She never encountered heartbreak until now. Her body locked up with numbness, ni hindi na siya nakaimik kapagdaka na tila lumulubog sa dulo ng kanyang lalamunan ang kanyang boses.It wasn’t

    Huling Na-update : 2021-03-19
  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 9

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 9"KAITLIN? YOU mean Kaitlin Salcedo, that maharot bitchessa na ex ng little brother kong si Macklin na lumandi-landi rin kay Malek? Why would you have to attend to her wedding?"Hindi makontrol ni Anne ang maldita side n'ya nang malaman mula kay Alistair ang dalawang pakay nito hinggil sa pagpunta sa Santa Coloma.Second priority lang pala nito ang sunduin siya dahil ang talagang pakay nito roon ay dumalo sa kasal ng Kaitlin Salcedo na 'yon!Nang mabanggit daw ng Daddy n'ya sa ama ni Alistair na nasa Santa Coloma siya ay agad nitong inobliga si Alistair na isabay na siya pauwi ng Metro Manila pagkatapos ng kasal na dadaluhan nito."Yes, honey. Her groom is my business partner kaya nakakahiya naman kung hindi ako makadalo. And since you're here

    Huling Na-update : 2021-04-08

Pinakabagong kabanata

  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 29

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerAng Huling KabanataTHE SLOTHFUL SEA of isla de los hombres ay ang tanging saligan ng mga mata ng mga taong naroon sa coastline.Kung hindi lang naroon ang ever conversational na si Uno, Junger at Ivor ay tiyak na matatangay na ang mga panauhin sa siyok ng mga tagal o seagull at sa payapang awit ng alon sa karagatan.A simplest sunrise wedding was glamorously set by the coast. Ordinary extraordinary!Bago pumatida ang alas sinko ay nagtipon na roon ang mga mahahalang tao sa seremonya. Matthieus' parents were there at si Matthew din na hindi nagsasawang mamulot ng mga semiprecious stone na nakakalat lamang sa aplaya ng isla.Monsoor Aperin was there, too. Gradwado na ang ama ni Anne sa era nito kapiling ang wheelchair. Nanumbalik na ang sigla nito. Magkakasabay na dumating

  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 28

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 28NAANTALA ANG napakasamang panaginip ni Anne nang maramdaman ang pagpisil sa kamay niya.Tila siya tumakbo sa daan-daang metrong layo nang magising siyang nahahapo’t pinagpapawisan.Napabangon siya at tarantang sinusuri ang sarili. Naghahanap ng mga sugat, latay o dugo sanhi ng sirkumstansya na nangyari lamang sa panaginip.“Anne, what's wrong, love? What's wrong?” Naroon ang matinding pag-aalala sa anyo ni Matthieus na napabalikwas mula sa ilang minutong pagkakaidlip sa tabi n’ya.Sinikap ni Matthieus na pigilan si Anne na wala sa sariling pinupunit ang mahabang sleeves ng suot nito.“I have cuts here, Matt!” Nagsimulang umagos ang mga luha ni Anne. “A g–guy, nagpakilala siyang Uncle ng ex-fiancée mo. And he brought me somewhere. He kidnapped me noong susunduin ko

  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 27

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 27"MANGYARING IHINTO MO itong sasakyan, Beltran." Utos ni Don Matteo sa family chauffeur kahit nasa hustong bungad pa lamang sila ng lupain na kanilang pagmamay-ari.Lumabas ng Cadillac One ang Don dala ang portable binocular military telescope night vision. At inihayon ang optical instrument sa bahaging pinanggalingan ng ingay ng chopper. Tantya nito'y minuto pa lamang mula nang umangat ang private aircraft sa landing ground ng La Coloma Hacienda.Napangiti ang Don sa magkahalong relief at excitement. "Plan's success.""Por Díos por Santo, Matteo. Sabihin mong hindi si Wind ang piloto. Dio! Not that overbold and devil-may-care aerobatic pilot." Bumakas ang pangamba sa mukha ni Donya Coloma na sumunod sa esposo na bumaba.Nakatingala ang Donya sa chopper na papataas a

  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 26

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 26ORAS NG SIESTA ni Matthew at natukso na rin si Anne na sabayan na rin ito sa afternoon nap nang mapabangon siya mula sa higaan matapos makarinig ng ingay mula sa tila paparating na reckless na mga sasakyan.Nang dungawin niya ang malawak na driveway mula sa bintana’y nadungawan niya ang dalawang Jeep Gladiator. May usok pa na gawa ng alikabok sa tinahak ng mga itong driveway.Tatlo katao ang naliligalig na lumabas sa bawat sasakyan. Pawang mga armado. Nakakakilabot ang mga anyo na waring mga bloodstriker. Ang pinakamatandang lalaki ay Pump Action shotgun ang kipkip. All combative and aggressive.“Don Matteo, inmediatamente ay iharap mo sa amin ang iyong magaling na anak! Kailangan niyang panagutan ang ginawa sa anak ko kung hindi ay tinitiyak kong dadanak ang dugo sa lupain ninyo.” Imme

  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 25

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 25"HINDI PA BA NAGIGISING ang Señorita Anne mo, Eloisa? Silipin mong muli sa guest room at baka wala na roon. Dio!" Ang Donya Coloma na bahagyang distracted sa hapagkainan. "Marahil ay nagugutom na iyon. Panhikan mo na lang-""Mi mujer, cálmate por favor." My wife, calm down please. Malamyos na pinisil ni Don Matteo ang kamay ng esposa."Hindi ako mapakali, Matteo gayong magkagalit silang umuwi rito sa Villa kagabi. At ayon pa kay Sebio'y nakipagharap pa iyang magaling mong anak sa mga tomador nating tauhan sa plantasyon at ala una na nakauwi. Lasing na lasing. Nakakahiya sa ating manugang kung ganoong asal ang ipapamalas ni Matthieus!""Kalma, mi querida. Batid nating lahat ang kalagayan ng ating mamanugangin. Marahil ay pinairal ni Matthieus ang pagiging compu

  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 24

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 24MATTHIEUS’ THICK BROWS knitted fractionally nang madatnan niya sa kanyang pag-uwi sa kanilang Villa sa hacienda si North kausap ang kanyang ina na si Donya Coloma at ama’ng si Don Matteo.Another wave of anger washed through him upon realising that Anne wasn't with him. Paano nito naaarok na hayaan si Anne?He swore to God na hindi na ito muling makakalapit pa kay Anne. Kung saan siya humugot ng karapatan na gawin ang desisyong iyon ay wala nang halaga pa!“Gracias a Dios.” Usal ng pasasalamat ng Donya nang makita ang batang si Matthew in her fluent Spanish tongue. Relief ang naipinta sa mukha ng mga magulang ni Matthieus.Itinago ni Matthieus ang pagkaaburido at ipinapanhik sa isang kawaksi si Matthew sa silid nito sa itaas.Sukat na nawala sa eksena

  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 23

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 23SIKAPIN MAN NI ANNE na ihakbang paurong ang mga paa palayo sa lalaking tila isa siyang maliit na pain sa paningin nito ay nahirapan siyang isagawa.He knew her! At kung pukulin siya ng tingin ay waring buhay ang inutang niya rito."Ang daga kung nagugutom ay talaga namang lumalabas sa kanyang lungga. Marahil ay sukdulan ka nang naiinip sa pinagtataguan mo kaya heto ka naman at naghahanap ng mapaglilibangan. Ng mapaglalaruang buhay ng ibang tao. And this was too effortfully hellacious that you kidnapped a child just to have some fun. Damn you, Anne! Just damn you!" The man gave her the ridged edge of his tongue and that made her freakingly mixed up.Sumigid ang pakiramdam ni Anne kasabay ng lumalalang kirot at pagpintig sa ulo niya. Kumurap siya ng makailang beses at sinikap na paganahin ng w

  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 22

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 22GRANJA DE LA REINA, iyon ang nakalagay sa arko ng farm land sa probinsya ng Santa Coloma na narating niya. It was Anne's last resort na alam niyang pagdadalhan kay Matthew. The safest place that she thought so.Isa iyong limang ektaryang farm na nabili ng mga kapatid niyang si Macklin at Malek para gawing bakasyunan. For some unknown reason ay hindi itinuloy ng mga kapatid niya ang mga plano para sa farmland. His family openly dislike the place, iyon ang malinaw na narinig niya isang gabi nang mag-usap-usap ang twin brother niya at ang kanyang mga hipag.But Anne got truly curious about the land, the place-Santa Coloma. Hindi niya gusto ang naramdaman niya nang una niyang marinig ang lugar na iyon. Sa malabong kaisipan ay may natatanaw o naririnig siyang babaeng pumapalahaw at pagkatap

  • UNINTENTIONAL   CHAPTER 21

    HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 21ANNE HEAVED A sigh when she finally found what she was looking for inside the drawer.Ang folder na naglalaman ng mga profile ng kanyang mga estudyante.A couple of months ago ay tuluyan na nga siyang bumigay sa trabahong inaalok sa kanya ng matalik niyang kaibigan na si Golda.Noong nakaraang taon ay ikinasal si Golda sa may-ari ng Libretto School of Music at ngayon nga’y ito na ang nangangasiwa nito. And Golda hired her as a music teacher. Specifically ay piano lesson ang itinuturo niya. Varied from melody of the piano, pitch playing and more. Surprisingly ay mabilis na nahulog ang kanyang loob sa trabaho na iyon lalo na sa mga bata.Anne was handling toddlers and preschoolers. Passionately, she was too dedicated to teach and supervised young children.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status