HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:
UNINTENTIONAL
Matthieus Morris Monférrer
Kabanata 3
HOW DARE HIM!
How dare him mandate her such things! Mag-alaga ng injured na kabayo at wasak na halaman? He’s sick!
Taga bundok nga ito! Wala itong ideya kung gaano kataas ang market value niya sa alta-sosyedad. She's one of Manila’s It Girls, a society sweetheart tapos mamanduhan lang siya nito na para bang isa siyang pipitsuging alipin?
Nang makabawi ay sandali siyang nag-excuse kay Donya Coloma na nananatili pa ring shock. She stomped to the portico. Hinabol niya si Matthieus na papalapit sa lumang Wrangler.
“Sandali. ‘Wag kang rude, Mr. Monférrer!” Asik niya sa nanghahamong tono.
Bumagal ang mabigat na paglalakad nito. He still had the demeanor of a dangerous felon when he turned to her. He's simply dangerous!
Ngunit sa kabilang banda ng hibang niyang utak, ibig ipalagay na sa mga oras na iyon ay ang tanging silbi ng kalmadong liwanag mula sa pang-hapong araw ay ang patingkarin ang rugged handsomeness ni Matthieus. Bukod sa halimaw nitong sex appeal at karisma, humihiyaw din ang testosterone level nito.
Walang ibang ibig sabihin ang nalikha niyang description ukol sa pisikal na anyo ni Matthieus. She already met some of North’s fratmates at siyempre identical din ang mga nasasabi niya sa mga ito sa paglalarawan niya kay Matthieus. They're all drop-dead gorgeous. It's just that, Matthieus is... something terrorising. Loathed her on sight. Tipong kahit mag-community service siya ng bongga sa loob ng one week ay hindi pa rin magbabago ang tingin nito sa kanya.
“I told you to get change! Hindi gan’yan ang angkop na pustura kung mag-aalaga ka ng may sakit na hayop.” Matigas na sambit nito.
She let out a harsh breath and chuckled humourlessly. “You never gave me a chance to make tutol to whatever you want me to do. You embarrassed me in front of your mother. Beast! You're sumusobra na!”
Gusto niyang umatras nang tapunan siya nito ng mas matalim na tingin. Tumalikod na ito at sumampa sa driver seat ng Wrangler. Cheap!
“Wait. I'm sorry na okay! I had no intention to ruin your halaman in your garden, alright! And what happened to your pangit horse, ‘di ko rin iyon sinadya. It was an accident, Mr. Monférrer. Don't be illogical! Your kabayo is so maarti. I wish you also consider that your pangit na kabayo might also scare my bunny. Vergue here is the most kawawa. Paano kung naapakan siya ng horsie mo? Oh God! I can't imagine.”
Tila labag na labag sa loob nito ang tapunan pa siya ng tingin at paglaanan ng oras. Ano ba ito? Ginagambala ba ito ng malungkot na kaluluwa o multo at gano’n na lang kung magsungit?
“You were saying I'm being illogical? Fuck! And are you even really sorry?”
“Well, if you don't want my sorry, puwes babayaran ko na lang ang daños perhuwisyo or whatever! Just leave my vacation here peacefully.”
Hanggang dito ba naman ay naabutan pa siya ng malas!
Nang–uuyam itong umiling. “Daños perhuwisyo? Pera? Ano’ng salapi ang pinagmamalaki mo? ‘Yong sa Tatay mo? Now that you mentioned it, I'm wondering kung mayroon ka nga bang pera na masasabi mong kinita mo? Pera na pinaghirapan mo?”
Natigagal siya roon. Na-insulto. No, she was effing guilty! Tila siya kandila na mauupos nang maglaho ang tapang niya.
“Your silence shows that those kind of information about you were all true. Totoo hindi ba?”
She gnashed her teeth.
“At dahil matatag ang sinasandalan mo ay naging libangan mo na ang paglaruan ang kapalaran at buhay ng ibang tao. Dahil lang sa kaya mo!”
“I don't know what you are talking about.” Ano ba ang tinutumbok nito?
“Really you don't?” Tumaas ang sulok ng labi nito subalit walang humour doon. “Pera-pera lang talaga ang lahat sa’yo. I felt bad for North. Gan’yang uri ba ng asawa ang sa tingin mo’y gusto ni North? A woman who knows nothing but to value fame, money and power. An impulsive and narcissistic, too. Ni wala ka nga yatang precise na plano sa buhay mo. I bet you didn't know even the simplest house chores.”
“House chores? Bakit ko gugustuhin na matuto sa gawaing-bahay? I want to be a wife, not a fucking muchacha, moron!” She snapped furiously. Pihadong naglilitawan na ang maliliit niyang ugat sa makinis niyang leeg gawa ng sobrang pagpipigil ng galit.
“A wife?” He mocked her openly. “You really think you'll be that kind of wife every man hopes to share his lifetime with? Think again! Dalita lang ang tangi mong ipagkakaloob sa magiging asawa mo. I maybe don't know you that much pero gawa nga na isa kang society darling kaya madalas kang pagpiyestahan sa social media, It Girl, grandiose, spoiled-brat, overindulged, agnostic and egoistic heiress...”
Napasinghap siya upang habulin ang hininga. Sobra na ito! Below the belt na ang tira nito. Fuck! Bakit naiiyak siya? Why does her heart throb like fuck? She felt so small. And a trash!
Hindi nagkakalayo ang mga panglilibak at sermon ng mga kapatid niya sa sinabi nito. They only see her as a childish, spoiled-brat and worthless person. Na parang wala siyang matinong maiaambag sa mundo, sa buhay ng mga tao sa paligid niya, kay North na gusto niyang maging asawa.
Mukhang marami pa itong baon na mga impormasyon na lalong magpapahina sa kanya ngunit nagpasya itong paandarin ang makina ng Wrangler nito.
“Before sunset kailangan nasa kuwadra ka na. Walang pick-up na maghahatid saiyo roon kaya kung ako saiyo, magbihis ka na’t simulang maglakad patungo roon.”
Atsaka umarangkada ang lumang sasakyan nito.
ANG PROTESTA NI ANNE sa nais mangyari ni Matthieus ay iglap na nalusaw. Bentaha sa parte niya ang gusto nitong mangyari. Mag-alaga ng kabayo? Mag-alaga ng halaman?
North loves horses, samantalang ang Mommy nito ay obsessed sa mga halaman. Marahil ay daan na iyon para sumubok siya ng bagong simula at sumubok ng ilang bagay na malapit sa puso ng mga tao sa buhay niya. Sumubok na maging productive sa simpleng paraan na iyon.
Papatunayan niya ang kaniyang sarili. Humanda ang lintik na lalaking ‘yon! Mahirap din kalabanin ang kamalasan, kakampihan na lang niya.
Grandiose, spoiled-brat, overindulged, agnostic and egoistic heiress... Hah! I'll prove to you that I'm one hell of an ideal wife and a better person than you think, scumbag!
“SA SABADO PA makakapunta ang beterinaryo na susuri rito sa kabayo ni Señorito.” Mang Enrico, the head cowherd of the ranch informed. Okay, that's two days from now.
“Oh, alright. And then po?” Panay ang banayad na haplos niya sa kanyang legs habang pinapanood si Mang Enrico sa paglalagay ng cast sa injured leg ng kabayo.
Malamok! Feeling niya may insect na pumapasok sa dress niya. Holy cow! Nakapagpalit nga siya ng open-back halter maxi dress ngunit halos maabot ang singit niya sa haba ng slit niyon. Iyon lang ang matino niyang nadalang damit.
“Sa Sabado pa natin malalaman kung gaano nga ba kalala ang pinsala ng binti ng kabayo. Hindi pa masasabi sa ngayon kung complete o incomplete fracture ang natamo nito ayon kay Señorito. Sa ngayon ang nais lamang mangyari ni Señorito, Ma'am ay mabantayan ng maigi itong kabayo niya.”
“And that would be my duty to make it happen.” Maarti niyang inikot ang mga mata. Hindi naman siya papangit sa pagbabantay lang ng kabayo, ibang usapan nga lang kasi gagawin niya iyon ngayong gabi hanggang magdamag.
Gosh! It will ruin her routine beauty rest.
“Kahit tulog ay nakatayo ang mga kabayo, ang mahalaga ninyong gawin ay ang itaboy ang ano mang magdudulot ng takot at magpapasindak sa kabayo nang sa gano’n ay maiwasan nitong ikabig ang binti nito.”
Well, that sounded easy...
“Halimbawa’y tulad ng mga goper o rodent, Ma'am. Mga daga...”
Maingay siyang napasinghap. Daga? Rats? Holy shit! Shit, shit, shit!
“Magagawa ho ba ninyo iyon, Ma'am? Ang manatili magdamag sa kuwadra na ‘to?” Hindi naitago ni Manong Enrico ang mistrust sa ekspresyon nito.
I'll prove to you that I'm one hell of an ideal wife and a better person than you think, scumbag! Sinabi ba talaga niya iyon? Dang it!
“Of course, Manong Enrico. I can do it po. Mukhang sisiw lang naman pala ‘to. Gosh!” She smiled, acting untroubled.
Tumango si Mang Enrico. Effective ang pagpapanggap niyang palaban dahil mukhang convinced naman ito.
“Pero bakasyonista ho talaga kayo rito, Ma'am?” Manong Enrico asked courteously. Nagsimula na itong iligpit ang mga ginamit nitong pangunang–lunas sa kabayo.
Anne nodded curtly. “It’s actually some kind of earlymoon, Manong. Parang honeymoon po ng couple, nga lang before wedding itong trip na ito. Pampalipas-oras ko nalang siguro ang alagaan si horsie habang hindi pa nadating ang fiance ko.”
“Ang dami ho palang sikot sa relasyon ng mayayaman, Ma'am. Samantalang sa kapanahonan namin noon, aksidente ko lang na nasagi ang dibdib ng babae, aasawahin kaagad.”
“Oh my God! You're not serious, Manong, are you?”
Hindi niya mapigilang humagikhik sa mga kuwento ni Mang Enrico. Sa ganoong uri ng paksa umikot ang sandali pang usapan ni Anne at Mang Enrico atsaka ito tuluyang nagpaalam upang umuwi.
Anne took a deep breath. Umpisa na ng kanyang kalbaryo.
Nang mapag-isa’y nagkaroon ng pagkakataon si Anne na igala ang paningin sa kabuuan ng kwadra o mas safe na ilarawang kamalig para sa mga dayami habang sa bandang kinaroroonan niya’y ay naging stable ng apat na kabayo. Isa na roon ang pasiyente niya.
Open ang prontera ng estruktura kaya malayang natatanaw ng mga kabayo ang malawak na lupain ng rancho.
Umupo siya sa mga dayami at nagsimulang lagyan ulit ng insect repellent na oil of lemon eucalyptus ang balat niya. Isinuot na rin niya ang kanyang Chanel cashmere sweater.
“You look so malungkot, horsie? What's your name ba? Are you also masungit just like your Señorito?” Maingat na kausap niya sa kabayo na tila hirap makatulog.
“Manong Enrico told me you have no pangalan daw. Well, don't sipa me but I'd like to call you Alipato. Horsie, that was the name of Gat Jose Rizal’s horse. And you remember my lovely, cutie bunny? That's Verguenza. I also took her name from Jose Rizal's dog. Let's all be friends na, huh? I'm sorry for what happened with your binti. I'm here naman na and I'm gonna try to alagaan ka.”
UPANG TIYAKIN NA tumupad ang kanilang bisita na alagaan ang kanyang kabayo, bumangon si Matthieus bandang alas dies ng gabi at tinungo ang kwadra.
Sa medyo malayong bahagi mula sa kwadra, doon niya nagpasyang iparada ang kanyang Wrangler upang maiwasan na magambala ang mga hayop lalo na ang injured niyang kabayo.
Kaagad niyang nakita si Anne na nakaupo sa dayami malapit sa kulungan ng kabayo niya. Madali naman palang kausap ang brat na babae. Akala niya’y hindi talaga ito matitinag. Hindi niya masabi kung nakaidlip ba ito o ano kaya hindi napapansin ang presence niya.
Just when he decided to go back to his Wrangler when he realised that she was lowly singing, more on humming the tone of a familiar song. Taos-pusong inaawitan ni Anne ang kabayo niya.
Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas...
Her voice... napakalamig. It was as mellow and chilly as the aroma of winter and and of those dew-soaked grasses and bushes around the ranch.
Ohh you never really love someone until you learn to forgive.
If he knew better, kung gaano katamis ang boses nito ay siya namang kabalyente ng personalidad nito. Hindi na nga siya magtataka kung direkta mang sabihin ni North na talagang hindi ito interesado na makasal sa spoiled-brat na babaeng ‘to.
From her back, nahulog ang mga mata ni Matthieus sa isang may katabaang ahas na tinutumbok ang direksyon ng mga dayami. Sa kinaroroonan ni Anne.
Nang hindi na nag-isip ay mabilis siyang humakbang at nakalapit na siya sa likod ng dalaga. Kapagkuwa’y inikot niya ang braso patungo sa harapan ng mukha nito at maingat na tinakpan ang bibig nito.
She wiggled. Husto pa itong namutla sa takot sa ginawa niya.
“Hush down. Try not to fuss and get hysterical, understand?” He whispered in her ear.
Agad naman nitong napagtanto ang sitwasyon nang ituro niya ang ahas. Wala siyang balak na patayin ang ahas. Ibabalik niya iyon sa kakahoyan.
Subalit husto siyang nakaramdam ng uneasiness nang makaramdam ng tila siya kinumutan ng mainit na hangin sa pagkakadikit ng katawan nito sa kanya.
The seductive fragrance of blended jasmine, rose and vanilla of her skin was too damn distracted! Fucking hypnotic!
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 4"SO, YOU MAKE K'WENTO NA, MARIA ANITA! May napala ka na ba r'yan sa kagagahan mo? Did North fuck you already? How true the chika that North Niccolo's a very kinky PDA guy? Pinatuwad ka ba niya sa bawat part ng barn, sa fence, sa ilalim ng tree, o 'di naman ay pinabukaka sa loob ng umaandar na steam tractor o threshing machine like that? That would be crazy but fun." Anne winced irritably while being bombard with those kinky sex things by her best friend―Maria Athena Allende-Fulgencio-Ponce de Leon.Well, natutuwa kasi ang bruhilda kapag kinakabit sa pangalan nito ang mga surname ng mga naging asawa nito. Her best friend married thrice, divorced twice and still counting ika nga nito."You'd probably damage my eardrum, Maria Athena
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 5DID THE ALOOF AND GRUMPY ranchero really dragged her? Inside his cabin? Let her feet set inside his off-limit house? Permitted her invade his what-so-called little dungeon?She must be wildly dreaming! Seryosohan ba ito?"Sit down!" He ordered in low, rough voice. It seemed to come from his deep in his throat, yet dominance was still latched in it.That was her cue to gather her wits back. Huminga ng malalim si Anne. She faked a dauntless facade. "And what are you up to, Mr. Monférrer? Basta ka na lang nanghihila, ha! I really hate you!" She barked acidly.May alam man lang ba ito kung paano ang proper na trato sa isang dalagang Pilipina? She bet he doesn't!"It's reciprocated! 'Cause I happen to hate you more. Keep quiet and sit down, I said!"
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 6MATAPOS MAKAINOM ng paracetamol ay bahagya nang nabawasan ang fever ni Anne. When she woke up this morning, her world seemed like tearing apart. Dealing with nauseous, chills and body ache were like giving up all her signature Hermes bags and branded make-ups. Malaking dagok din kay Anne ang uminom ng tablet na gamot katulad ng ibinigay sa kanya ni Donya Coloma nitong umaga. She won’t take that med again!Nang maramdamang lumabas na ng silid si Elena na tiyak niyang may dala na namang mainit na herbal tea ay tinuldukan na niya ang pagpapanggap na tulog. It was the sixth glass of herbal tea for her ngunit ni isa roon ay wala siyang ginalaw. Pakiramdam niya ay masusuka siya oras na sumayad sa lalamunan niya ang herbal tea kung ano man iyon.Hilong tumayo si Anne at pilit hinatak ang isang fuzzy bean bag c
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 7KAPANSIN-PANSIN ANG PAGIGING uncomfortable ni Matthieus sa hapunan. Every dish his mother offered, lahat iyon ay tinatanggihan nito sa pamamagitan ng malamig na ‘no’ o kung ‘di man ay walang kabuhay-buhay na iling. Nahiya ang bagyo sa mood nito.Kung ilalarawan ang kilos nito ay p’wede nang ilahad ni Anne na katakot-takot na pressure ang kinailangan nitong suungin bago nakumbinsi ang sarili na sumalo sa hapagkainan.Napipilitan lang talaga ito kanina na sumabay sa kanya. Hindi yata ito pinapatahimik ng konsensya kaya gano’n na lamang kung pakitaan siya ngayon ng kabutihan. Pero ika nga’y damage has been done and when she said that, she was probably talking about emotional damage. Kung iniisip nitong madadala siya nito sa Reverse Psychology, nagkakamali ito.Mag-apology man ito pero nuncang m
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 8MATINDING SAMA NG LOOB ang inani ni Anne matapos mapanood ang unthinkable na eksena na iyon na laman ng naturang video na ipinadala sa kanya ng kaibigang si Athena. Sa haba na mayroon ang video na halos umabot sa tatlong minuto ay wala pa sa kalahati ang nakayanan niyang panoorin. Mukhang masusing pagmamanman ang ginawa ni Athena kay North para makuha ang ebidensya na ‘yon.And he was lying all along! Wala ito sa California kundi nasa Cadiz sa bansang Spain kasama ang kapatid nito. Gaano na katagal ang lihim nitong affair sa sarili nitong kapatid?Wala sa sariling naibagsak ni Anne ang gadget. She never encountered heartbreak until now. Her body locked up with numbness, ni hindi na siya nakaimik kapagdaka na tila lumulubog sa dulo ng kanyang lalamunan ang kanyang boses.It wasn’t
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 9"KAITLIN? YOU mean Kaitlin Salcedo, that maharot bitchessa na ex ng little brother kong si Macklin na lumandi-landi rin kay Malek? Why would you have to attend to her wedding?"Hindi makontrol ni Anne ang maldita side n'ya nang malaman mula kay Alistair ang dalawang pakay nito hinggil sa pagpunta sa Santa Coloma.Second priority lang pala nito ang sunduin siya dahil ang talagang pakay nito roon ay dumalo sa kasal ng Kaitlin Salcedo na 'yon!Nang mabanggit daw ng Daddy n'ya sa ama ni Alistair na nasa Santa Coloma siya ay agad nitong inobliga si Alistair na isabay na siya pauwi ng Metro Manila pagkatapos ng kasal na dadaluhan nito."Yes, honey. Her groom is my business partner kaya nakakahiya naman kung hindi ako makadalo. And since you're here
Kabanata 10“EUTHANASIA? ARE YOU SERIOUS, ELAINA? Kilala mo ako pagdating sa aspetong ‘yan. Marahil si Papa ay pumapayag sa barbarong gawaing iyan noong s’ya pa ang namamahala rito sa rancho pero ibahin mo ‘ko, Elaina. Mercy killing man o ano pa ‘yan, tatanggi ako. I’ll go against that process.” Disididong pasya ni Matthieus, pilit binabasura ang mungkahi ni Elaina.Euthanasia. Iyon ay ang veterinarian-assisted process na painless killing ng injured na hayop kung ang lagay ng pinsala ng naturang hayop ay imposible nang madaan sa surgical reconstruction. Ang euthanasia ay hindi lang para sa tao, maging sa mga hayop din.Noong ang kanyang ama pa na si Don Matteo ang namamahala sa rancho ay legal ang practice na iyon pero hindi pabor kay Matthieus iyon lalo pa’t advanced at developed na ang siyensiya sa henerasyon ngayon. His horse wasn’t getting any bet
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 11BAHAGYANG NAPANATAG ANG ISIP ni Matthieus nang tiniyak ng isang katiwala nila na hindi raw nakitang lumabas si Anne sa hacienda. Ibig sabihin ay naroon pa rin ito. Ang ipinagtataka niya ay kung nasaan ito gayung hindi naman daw ito bumabalik sa Villa.Nang lumipas na ang isang oras at wala pa ring balita mula kay Gimo at Severino na siyang inutusan n’yang hanapin kung saan naroon si Anne o ang sasakyan nito ay mabilis na siyang kumilos.Tinutupok na ang konsensiya niya ng guiltiness dahil sa pagpapaalis niya rito kanina. He didn't mean to cast her away but he hardly control his impulsive grumpiness after she shattered his slender hopes with her insensitive words.All he wanted is a nice start with her. Tapat siya sa kanyang salita na ibig niya itong kilalanin ng husto. As much as he wanted to scorn