Share

CHAPTER 4


HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:

UNINTENTIONAL

Matthieus Morris Monférrer

Kabanata 4

"SO, YOU MAKE K'WENTO NA, MARIA ANITA! May napala ka na ba r'yan sa kagagahan mo? Did North fuck you already? How true the chika that North Niccolo's a very kinky PDA guy? Pinatuwad ka ba niya sa bawat part ng barn, sa fence, sa ilalim ng tree, o 'di naman ay pinabukaka sa loob ng umaandar na steam tractor o threshing machine like that? That would be crazy but fun." Anne winced irritably while being bombard with those kinky sex things by her best friend―Maria Athena Allende-Fulgencio-Ponce de Leon. 

Well, natutuwa kasi ang bruhilda kapag kinakabit sa pangalan nito ang mga surname ng mga naging asawa nito. Her best friend married thrice, divorced twice and still counting ika nga nito. 

"You'd probably damage my eardrum, Maria Athena bitch!" She hissed at her phone's speaker. Humagikhik naman ang kaibigan niya sa kabilang linya. Palabas na siya ng guest room nang makatanggap ng oversea call mula kay Athena. Nasa Cadiz, Spain ito dahil doon ang hometown ng current husband nito.

Anne was playing her summer fashion tassel earing as she reached the bronze door handle and made her way out of the guest room. Medyo puyat siya sa pagbabantay kay Alipato kagabi at bandang alas kuwatro na nang dumating si Severino at Sebio sa rancho kaya noon lang din siya nakauwi sa Villa. Nakaidlip naman siya ng kulang-kulang tatlong oras atsaka agad naghanda para sa ikalawa niyang task. And that is to fix Señorito's beloved garden!

Hindi niya maiwasang hindi maintriga sa garden na iyon na wala namang ibang tanim kundi sensation lilac. It wasn't that special, though. Malinaw pa sa alaala niya kung gaano nagalit si Matthieus nang madatnang wasak ang garden. Kulang na lang ay lunukin siya ng buo at buhay noong gabing iyon.

Maliban pa sa alaala na iyon, hindi lubos maintindihan ni Anne kung bakit kailangang mag-iwan ng kakatwang marka ang pagyakap nito sa kanya kagabi sa kwadra. Imbes kasi na mabuhay ang reflexive defense niya ay basta na lamang naging irrational ang reaksyon ng katawan niya. When he whispered under her earlobe, when his warm breath touched her skin, it made her blood chirp with a different kind of heat. A dizzying heat kaya naman nanigas na lamang siya sa kinaroroonan hanggang sa umalis ito'ng hawak sa ibabang parte ng ulo ang ligaw na ahas para ibalik sa kakahoyan.

Yet be damned! The grumpy ranchero's earthy and smoked wood scent could be devastatingly lethal!

"You're so annoying, bitch! Make k'wento na sabi e! FYI, Maria Anita, I left my hottie husband inside our hotel room para lang makasagap ng balita about your earlymoon trip, 'no! He was about to eat me na nga pero I stopped him muna."

"Ikaw na ang may aktibong sex life!" Sarkastiko niyang anas.

"Believe me, we did a lot worst, honey." Pilyang hirit ni Athena atsaka muli siyang kinulit. Noon niya sinabi na nasa California pa si North para sa isang business trip. Actually, he sent her a message early this morning. Extended pa raw ng dalawang araw ang stay nito sa California gawa ng may gusot itong kailangang asikasuhin. 

"And you believed his excuse? What a big fool you are, Anne! Kapag gan'yang may kung anu-ano nang excuse ang lalaki, maniwala ka may kalokohan 'yan! Lying is tricky, remember? Ginawa ko na 'yan sa una kong asawa, doing some evasive actions and excuses, being mysterious with my time just to make him unloved me. Gano'n iyon!" Sapol siya roon. 

May gut feeling na rin siya na mayroon pa ring kinababaliwan si North but as long as hindi pa sila kasal ay bibigyan niya ito ng pagkakataon na tapusin ang mga affair nito. Kaya nga nag-insist siya na magkaroon muna sila ng earlymoon trip ni North nang sa gano'n ay makilala nila ng husto ang bawat isa, to get intimate which each other. He flings with her a lot of times before, not involving sex pero hindi sapat iyon. 

She'll ignore that feeling for now. She believes in him no matter what. 

"Ikaw naman kasi, Maria Anita! Kay ganda-ganda mong babae, na sa'yo na ang lahat pero bakit nagpapaka-obsess ka sa paghahanap ng lifetime partner? Hindi mo naman kailangan ng lalaki para masabi mong kompleto ka." 

Napahinto siya sa gilid ng cast stone baluster malapit sa tuktok ng grand staircase dahil sa sinabi ni Athena. She had to admit, nag-umpisa ang fancy craze niya sa paghahanap ng asawa no'ng nahanap ng twin brother niya ang mga babaeng nagpatino sa mga ito. Her brothers were like her before they tied a knot, rebellious at hindi sigurado sa buhay. Ngunit nagawang tumino ng mga kapatid niya nang mag-asawa at nagkapamilya ang mga ito. Lame reasoning pero handa naman siya sa mga darating na consequences ng mga desisyon niya sa buhay.

"But I'm kinda sure about North. He likes me." She reasoned. Pababa na siya ng hagdan nang maalala si Verguenza. Shocks! She's such a cruel mother for almost forgot her baby bunny. Nagmamadali siyang bumalik sa guest room.

Matagal na katahimikan ang lumukob sa linya. Marahil ay hindi na natiis ni Athena na sunggaban ang asawa. Akmang pipindutin na niya ang end call nang makapasok siya sa madilim na silid.

"Fuck, Anne! You said North's in Cali? Oh my God! Oh my God!"

"Yeah, why? You sounded horrified, Athena? What's wrong? Will call you again later, Athena. Bye."

She hurriedly turned off her phone. Iglap niyang hinagilap ang switch sa pag-aakalang guest room pa rin iyong napasukan niya nang tumambad sa kanya ang mistulang music studio o instrumental room. Namali siya ng silid na napasok.

But that room was an awesome studio with an innovative interior! Sure, every musician wished to have that kind of room. Artistic wooden shelves full of high-quality award plaque and trophies, half-shelves filled with compact disk tapes and vintage cassette tapes. Large part of wall you can see different kind and feature of acoustic and electric guitar and a legacy classic component drum set. May isang console table din sa gilid na may nakapatong na well-maintained phonograph o gramophone. But the majestic mahogany grand piano is the very center of attraction of the room. Hindi niya lubos maisip na may kinukubling ganoong silid sa Villa ng mga Monférrer.

"Morris owns all of them." Muntik-muntikan na siyang mapatili nang biglang may nagsalita sa likuran. It was Donya Coloma. Kakapasok lang din sa silid na iyon.

"Oh,"

"They're beautiful, right, hija?" She faced the middle-aged woman. Kapuna-puna ang lungkot sa himig nito.

"A lot, Tita. I actually love everything in here. Kay Matthieus ho ba talaga ang silid na 'to? He must be a musicophile or a music enthusiast, mustn't he?" 

Donya Coloma sadly smiled at her. Pagkuwa'y may nilapitan itong isa pang neutral painted na retro bookshelf. She pulled out a photo album from it and invited her to sit with her in that antique Victorian settee loveseat. Napasinghap siya nang sa unang buklat niya ng photo album ay tumambad sa kanya ang litrato ni Matthieus na kinunan sa isang bahagi ng pastureland kasama ang mga high breed na baka. 

Sa naturang picture ay nakahiga si Matthieus sa picnic blanket, nakapatong sa dibdib ang isang ukulele habang ito'y nakaunan sa hita ng isang babae habang pinapaamoy kay Matthieus ang isang sensation lilac na bulaklak.

The woman perfectly possessed a flawless and a very warm brown skin color, almost close to almond skin. Maipapalagay ni Anne ang American-African heritage ng babae. She's too beautiful at mukhang mabait at mahinhin. Curvy ang katawan nito na talagang pinapatingkad sa suot nitong fitted puff sleeve dress. They looked so in love with each other kung pagbabatayan ang ngiting umaabot sa mga mata ng couple. 

She never saw North smiled at her that way. Aminado rin siyang hindi rin gano'ng uri ng ngiti ang lumalatay sa mga labi niya sa tuwing nakikita niya si North. But their smiles were holding something deep, too passionate, full of affection. 

Wait, is she Matthieus' girlfriend or a wife? Nasaan na ito kung gano'n?

"She's Samara Morin. Fiancée siya ng anak ko." Nasagot ang piping katanungan sa isipan niya nang magsimulang mag-k'wento si Donya Coloma. She continued flipping the photo album. Hindi kung ano lang ang nararamdaman niya habang tinitignan ang mga litrato roon, inggit. That exactly what she felt. 

"Si Samara ay apo ng may-ari ng malaking bakasyunan na nasa Timog-bahagi ng Santa Coloma. Sabay silang nag-aral ni Matthieus sa States mula sekondarya hanggang sa kolehiyo. They were lover since they were fifteen. Musician si Samara at kalaunan ay naimpluwensiyahan din ang anak ko. They were both pursuing a music career in America ngunit unti-unting nawala ang interes ni Matthieus sa musika dahil mas nabibigyan niya ng oras ang kapatiran na kinabibilangan niya no'ng nasa kolehiyo pa siya. He set aside music and Samara and I don't know the whole story but when he came back one time, i-anunsiyo na lamang nito ang plano'ng pagpapakasal nila ni Amara. But the night before their wedding day, he found Samara's body hanging in a tree."

Anne gasped loudly, eyes turned bigger in shock. "Oh my God, Tita." That explained the unexplainable dusk in his toasty topaz eyes. May malalim na inuugatan pala ang madilim nitong personalidad.

"Nag-suicide ito sa kadahilanang hindi namin matukoy." Donya Coloma looked away, seemed like she was being bug by a heavy burden. "Samara's death caused my poor son a lot of agony. Samara's family blame him with her death. Alam mo ba, hija, magmula no'ng namatay si Samara ay hindi na lumalabas ng rancho si Matthieus. He even left this Villa and live alone in that small cabin. He's in grief. Naaawa ako sa anak ko pero kahit ako'y ayaw niyang tanggapin ang simptya ko sa kanya."

"And that sensation lilac garden, it has something to do with Samara. Am I correct, Tita?"

Donya Coloma slowly nodded as a confirmation. "It was her garden and the horse, too. It was Samara's pre-wedding gift to my son. Kaya pagpasensiyahan mo na kung masyadong hindi maganda ang pinapakita ni Morris sa iyo, hija. Mangyaring iwasan mo na lang sana siya habang nagbabakasyon ka rito sa Santa Coloma."

Nininikip ang sikmurang tumango si Anne. Avoid him? Tama nga naman subalit saan nagmula ang kakatwang hidwaan sa kalooban niya. 

"By the way, are you heading to where this morning, hija?" Tuluyang pag-iiba ni Donya Coloma sa usapan. Nagkasuwato silang sabay na lisanin ang naturang silid. Something like a tiny part of her remained inside that room.

"Doon sa garden po, Tita."

Marahil ay nakarating na rin sa kaalaman ng Donya ang tungkol sa isa pang ipinataw na tungkulin sa kanya ni Matthieus.

"Oh no, hija. Don't mind that. Malaking kaabalahan na ito saiyo. Kung nanaisin mo, maaari kang sumama sa akin sa plantasyon. Ipapasyal kita sa buong hacienda."

That sounded interesting pero paano na lang ang katagang binitawan niya na papatunayan niya ang kanyang sarili sa masungit na lalaking iyon kung ang simpleng pagtatanim ay hindi niya matututunang gawin.

"Maybe tomorrow, Tita. I really have to come there and fix Samara's garden. Kasalanan ko rin po kasi kung bakit na-ruin iyon. I understand now why he got so mad because I ruined that garden, a precious memory left by the woman he loves." She bit her inner cheek. Gosh! She can't imagine herself being that heroic and generous.

"Are you sure, sweetheart?"

"I am, Tita. Don't worry about me po." She smiled. Napahinto ang Donya at nalito siya nang hagurin nito ng tingin ang kanyang suot na Bohemian open-back romper shorts at ang kanyang Hobnail ankle bootie. Pagkuwa'y marahan itong tumawa pero hindi naman offended ang dating.

"Come with me, hija. I'll let you borrow some of my oldie clothes." 

Excited siyang sumunod sa Donya. 

MATTHIEUS SLUGGISHLY reached for the cord of the window's centered stripe roman blind of his cabin as he sniffed the aroma of his hot ginger tea. Atsaka siya dahan-dahang sumimsim sa mainit na inumin nang matanawan si Anne. He swiftly closed the blind again and made a little open gap where he can still watch the incomer. 

The woman was riding her mother's Tommaso trek bike with basket. Mailalarawan sa mukha nito ang iritasyon gawa ng hindi pantay na lupain. Pagiwang-giwang ang usad ng bisikleta. Based with the movement and pout of her lips, maipapalagay niyang nagpapaulan na naman ito ng maaarting profanity. 

He blinked when she suddenly swung seriously and got out of balance. Medyo masama ang pagkakatumba nito. Gayunpama'y mas inuna nitong sagipin ang bunny cage na nakalagay sa basket ng bisikleta bago ang sarili. He appreciated the good deed. Kung may isa mang maganda sa pagkatao ng babae, iyon ay ang pagmamahal nito sa alaga nitong kuneho.

"Stupid." He murmured under his hitched breath. He didn't realize he was holding his breath. Naging hudyat iyon para lumabas siya ng cabin. 

"Oh, my plumpy-plumpy skin got bruises. I'm dying, Jesus Christ! I don't deserve this. Look, Vergue. Mommy's precious skin got gasgas na. I hate it! Athena and Golda will laugh at me when those bitches see my ugly skin. Vergue, what am I gonna do?" 

Hindi na siya nasurpresa sa nagmamalabis na reaksyon ng babae. He rolled his eyes and held his poker-faced as he drew himself towards her. Dinampot niya ang bisikleta. 

"Nasisira ang payapang diwa ng rancho dahil sa eksaherado mong tauli. Kung makasigaw ka'y para ka nang babawian ng buhay." Only when she lifted her chin, he found out that she was almost shedding a tear. Her angelic eyes were holding sorrow in its depths. A part of him shown regret, telling him he shouldn't say those unkind words to her.

"But I got bruises, moron! What do you expect me to do? Laugh out loud? You're sick!" Asik nito. 

"Oh, I didn't know that the Aperin's heiress is such a crying baby!" Sarkastiko niyang wika. Noon lang niya napansin ang kasuotan nito. A vintage Olivia crop top, a capri pants and knee-boots. Orange and black polka dots headband making her looks more retro, gorgeously retro. Tumiim-bagang siya nang matantong purong papuri ang nililika ng utak niya.

"Devil! Go away, moron!" Muling asik nito.

"Look at your rabbit, woman! You're scaring him. Manahimik ka nga." Maanghang na buwelta niya rito. This woman is really exasperated!

"Him? Vergue is a girl, idiot!"

"Not that I care." Pambabalewala niya. "I already prepare the garden tools you're going to use. It's in the wooden box. Before I came home, make sure you have left already. Did I make myself clear?" He coldly stated. Kinunutan niya ng noo ang babae nang tila wala pa rin itong balak na kumilos. 

Soundlessly, she grabbed the bunny's cage and strode towards the garden. He was shaking his head unbelievably. Maingat niyang ip'wenisto ang bisikleta sa katawan ng pinakamalapit na puno sa kanyang cabin. Bago siya tuluyang bumalik sa loob ng kanyang cabin ay hindi niya natiis na hindi muling lingunin ang babae. He could hear her sobs and mushy cusses. She looked helpless while rubbing her bruised elbow. And it shown blood.

"Oh great!" Huli na nang ma-realize niyang hinila na niya sa loob ng kanyang cabin si Anne. After two fucking years, he let someone inside his dungeon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status