Share

CHAPTER 9

HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:

UNINTENTIONAL

Matthieus Morris Monférrer

Kabanata 9

"KAITLIN? YOU mean Kaitlin Salcedo, that maharot bitchessa na ex ng little brother kong si Macklin na lumandi-landi rin kay Malek? Why would you have to attend to her wedding?"

Hindi makontrol ni Anne ang maldita side n'ya nang malaman mula kay Alistair ang dalawang pakay nito hinggil sa pagpunta sa Santa Coloma.

Second priority lang pala nito ang sunduin siya dahil ang talagang pakay nito roon ay dumalo sa kasal ng Kaitlin Salcedo na 'yon! 

Nang mabanggit daw ng Daddy n'ya sa ama ni Alistair na nasa Santa Coloma siya ay agad nitong inobliga si Alistair na isabay na siya pauwi ng Metro Manila pagkatapos ng kasal na dadaluhan nito.

"Yes, honey. Her groom is my business partner kaya nakakahiya naman kung hindi ako makadalo. And since you're here, ano pa't hindi mo man lang mapagbigyan ang pagsumamo ko? Please, princess, be my date tomorrow."

Madamdaming tumirik ang mga mata ni Anne. "Oh, please! I don't want to interact with those cheap people, especially with that bitch Kaitlin Salcedowww! I am still mad at her for making landi with my brothers before. Allergic ako sa mukhang barya na babaeng 'yon!" Sossy niyang pag-ayaw.

Ang taray ng enggratang 'yon! Nakasilo ng businessman at pinakasalan pa! Ngitngit ng kalooban ni Anne. Samantalang s'ya na halos ay bituwin sa pedestal at premium na society darling ay pinaglaruan at niloko lang. Sawi! A junk! Nasa'n ang hustisya roon? Nasa'n?

Bumilis ang paglalakad ni Anne at nang marating ang isang kubol ay iritable siyang umupo sa wooden bench na naroon. Kumukulo ang dugo niya sa tuwing naaalala si North at ang malisyang-gawa nito.

Nang tumila ang ulan ay nagpasya si Anne na maglakad-lakad sa La Coloma Hacienda sa huling pagkakataon kahit hindi pa gaanong mabuti ang kanyang pakiramdam. 

Bilang pagtanaw sa mainit at magiliw na pagtanggap ni Donya Coloma sa kanya roon ay pinaunlakan niya ang kagustuhan nitong manatili pa siya hanggang sa tanghalian. 

May na-booked naman na raw na suite si Alistair sa pupuntuhan nitong resort sa South. Doon sila tutuloy oras na pumayag siyang sumama sa kasal na ipinipilit nito.

God! Why she's starting to hate everything na may kinalaman sa kasal?

Fuck you ka talaga, North! You did this to me, asshole!

"Please, Annie, samahan mo na 'ko." Naningkit ang mga mata ni Anne nang lumuhod sa harapan niya si Alistair sabay abot ng bulaklak ng turquoise jade vine. Hindi pa ito nakuntento at dinaan pa siya puppy eyes.

"You dork! Why did you pluck that flower? Don't you know that it's the rarest flower in Philippines? You have a heart of stone, you know that? Ang bad mo!" Nahahabag niyang inabot ang napakagandang bulaklak ng Tayabak atsaka n'ya pinitik ang kamay ni Alistair.

Tumawa lang ang loko at talagang hindi siya tinantanan sa pangungulit. 

Anne jubilantly marveled at the turquoise flower. She held it carefully like it was one of the most precious things on the planet. Ang ganda-ganda nito. She wasn't a big fan of turquoise or any shades of blue but Jade Vine melted her heart. She suddenly fell in love with the flower.

You're more beautiful than Lilac flowers. Mas bagay ka sa garden ni...

Nagtaka si Anne sa dagliang pagtayo ni Alistair mula sa pagkakaluhod. Kung gaano kabilis ang pagtayo nito ay ganoon din kabilis ang pag-iiba ng tindig at ekspresyon nito. Naging kaswal nang muli ang tampok na panlabas nito. 

Natigilan naman si Anne nang malaman ang dahilan niyon. 

Dumaan kasi sa kubol na kinaroroonan nila si Matthieus. Kasama nitong naglalakad ang isang babae. Naalala niya ang yumaong fiancée ni Matthieus na nakita niya sa photo album dahil sa kutis na angkin ng babae. 

Warm brown ang balat nito, tila natural ang pagkaitim at pagkakulot ng mahaba nitong buhok, kasing-tangkad siguro ito ng legendary runway model n'yang best friend na si Vennitta. 'Ya, she's quiet tall and long legged, and so?!

Ito na yata ang Elaina na expected guest ni Matthieus. Again, so what?

Bukod sa halos natatakpan ng jade vine ang paligid ng kubol ay masyado ring malalim at seryoso ang pag-uusap ng dalawa kaya siguro hindi napansin ng mga ito na naroon sila sa kubol. Patungo ang mga ito sa Villa. 

Batid ni Anne na malaki ang benepisyo ng ehersisyo sa katawan ng tao pero kailangan ba talaga na mag-walking-walking ng dalawa? Walking sa malawak na lupain? Mad folks! Ano'ng silbi ng hamak na Wrangler ni Matthieus? Duh!

"Is that Morris Monférrer?" Himig hindi makapaniwala si Alistair. Titig na titig ito sa papalayong bulto ni Matthieus.

Nagtaka si Anne. "Yes? Matthieus Morris Monférrer, s'ya nga 'yon. You do know that man, Ali?"

"E idolo namin 'yan noon ng mga kapatid mo. Lalo na si Malek." 

"What?" Bulalas ni Anne. 

"Matunog ang pangalan n'yan noon sa Stanford University. He was a valuable member of A Capella group. Aside from that, he's also a member of the top tair brotherhood, Tau Delta Order na may sobriquet na Hombres Romanticos brotherhood which unusually, only has 26 members. Alam mo 'yon dapat, Annie dahil fratmate sila ni Nicklaus at Primus. And he had started gaining prominence when he became the rhythm guitarist of the popular Massachusettes-based rock band. But many got disappointed when he wasn't included in their debut album launching. Nawala ito bigla e."

She couldn't believe everything what she had heard.

"Wala akong ideya na ang minsang nababanggit ni Papa na nag-iisang anak ni Donya Coloma at Don Matteo at ang Morris Monférrer na idol namin noon ay iisang tao lang pala. Akalain mo 'yon?"

Kung ganoong kilala pala ito noon sa Massachusettes, bakit ito lang? Hindi ba't batay sa kuwento ni Donya Coloma ay dalawa sila ng dating kasintahan nito na nagpu-pursue ng music career sa America? What happened to Samara's popularity? Dapat kilala rin ito.

"And being the only son of Donya Coloma and Don Matteo, it's safe to say that he's an heir to one of the largest fortune in the country, or maybe in the Asia, too. Sa kanila 'yong Asia Tobacco PLC, right? Isa rin sila sa may ari ng largest dairy farm sa La Rioja."

Astounded still, walang ibang nakayang gawin si Anne maliban sa magkibit ng balikat. 

Noong nakaraang mga araw lang ay pinintasan pa n'ya itong isang pipitsuging farmer, iyon pala he's ultrarich! Way richer than her father, she supposed.

"Is that his wife or girlfriend?" 

"Malay ko! Talking about ugly people isn't my thing. D'yan ka na nga!"

Inis na tumayo si Anne at nagmartsa palabas ng kubol at pabalik sa Villa. Umatake na naman ang childishness n'ya.

"I THINK I KNOW YOU. I'm sure I saw you somewhere, dear." Melodious voice of Elaina really irritated her eardrums. Hindi naman s'ya prepared sa super friendly na ugali nito. 

May kadaldalan ang VIP guest ni Matthieus pero kagila-gilalas ang pagkapino ng kilos nito. Elaina is simply pretty, siya drop-dead gorgeous. Elaina was smart-looking and spruce, dalang-dala talaga nito ang sharp impression na doktor ito. A veterinary, to be specific. While her, of course, she's simply and effortlessly awesomeeee.

Teka! Anak ng litsugas. Bakit nga ba n'ya ikinukumpara ang mightiness at excellency niya sa Elaina na 'to? She's nothing compared to her!

"In Cosmo Phil., I was featured thrice there. And I've got fifteen counts of offer to pose in For Him Magazine pero I declined them all." Gosh! I'm so wonderful!

Lahat ng table etiquette rule na kabisado niya ay mahusay n'yang ginaganap. Pero leche! Kahit siguro isang dekada pa siyang manatili sa etiquette classes kung ganoong nanakaw-nakawan siya ng malamig na sulyap ni Matthieus habang kumakain ay talagang madi-disdain ang composure n'ya.

"Those were not surprising, little one. Talaga naman kasing kay ganda-ganda mo." Elaina complimented fascinatingly. 

Little one? What the hell! Ano'ng palagay nito sa kanya, duwende? Little one! Por que pang-NBA ang height nito ay ang lakas na ng loob nitong matawag-tawag s'yang little one. Gurl, please lang! 'Wag mo kong uumpisahan! 

"But, really. Saan nga ba kita nakita?" 

Hay naku! Sana naman mabuhay bigla ang sipit ng crab at makagat ang esophagus ng babaeng 'to! She prayed silently.

"Broadcasting show in MMA Media Arts network. Aired two weeks ago." Kaswal na sabat ni Alistair na para bang alam nito ang susi sa hindi matahimik na kaluluwa ni Elaina.

"Oh my... Yes, I remembered you already. Sweet Magdalene! You were that fearless reporter who smashed the face of that suspected rapist with an audio recorder You have my respect, dear." Amaze na wika ni Elaina. 

Masaya pa 'to! Samantalang iyon ang naging mitsa kaya nasisante siya ng sarili n'yang Daddy sa sarili nilang kompanya. 

Umani rin si Anne ng namamanghang ngiti mula kay Donya Coloma na nasa kabisera ng dining table. Sa left side silang magkatabing nakaupo ni Alistair samantalang nasa gawing kanan naman si Matthieus at Elaina.

"Oh, thanks." 

Nang sandaling ibinaling ni Elaina ang atensiyon kay Matthieus ay sinadya ni Anne na sipain sa ilalim ng mesa ang paa ni Alistair.

Nginisihan lang siya ni Alistair at nang akma niya itong mumurahin ng palihim ay mabilis nitong isinubo sa kanya ang binalatan nitong Lemon Garlic Butter Shrimp.

"Love you, too, honey."

"Ang sweet ninyo. Kung hindi lang nabanggit sa akin ni Matthieus na fiancée ka ni North, iisipin kong kayo ang magkasintahan." Komento ni Elaina ulit. Kailan ba siya titigilan ng babaeng ito? Abut-abot na ang kagustuhan n'yang isigaw sa buong mundo na hindi na siya fiancée ni North!

Sinipa n'ya ulit si Alistair. Ito ang may kasalanan kung bakit naungkat na naman 'yon pero sinundot lang nito ang tagiliran n'ya. At talagang nagawa pa siya nitong pikunin! Anne gave him a venomous glare before her eyes turned back to her plate. 

Naudlot ang pagsubo n'ya ng seafood paella nang maramdamang tila may mabigat na nakatitig sa kanya.

Walang anu-ano ay kay Matthieus kaagad dumapo ang kanyang mga mata. Nakumpirma niya na galing dito ang nasagap n'yang mabigat na tingin. Pasimple naman n'ya itong inigkasan ng kilay. 

Problema mo, Señorito?

Ngunit naagaw ang atensiyon nito nang sumulpot sa bibig nito ang kamay ni Elaina. Masuyong dampi ng table napkin ang ipinagkaloob dito ni Elaina. 

Are they an item? 

MATAPOS ANG AWKWARD na pananghalian ay na-spot-an ni Anne si Matthieus at Elaina na dumiretso sa itaas. 

She shrugged.

Maayos siyang nagpaalam kay Donya Coloma, maging kay Manang Greta at Elena. Hinanap pa n'ya si Eloisa pero naroon daw ang dalagita sa bukana ng hacienda dahil naghihintay sa mga kaibigan nito. Ibinilin na lamang ni Anne na ipaalam kay Mang Enrico, Sebio at Severino ang pag-alis n'ya.

Sinadya ni Anne na hindi na magpaalam kay Matthieus. Awkward lang naman ang kalalabasan niyon kapag nagkataon. After their reckless madness from last night... Ayaw na niya sanang ungkatin pa iyon. Wala lang naman iyon.

Alistair was on his phone kaya mag-isa na lamang na tinungo ni Anne ang garahe. Naroon ang Ferrari Enzo n'ya na ayon kay Donya Coloma ay naipagawa na kay Gimo. Nagkasundo sila ni Alistair na mag-convoy na lang papunta sa resort na sinasabi nito. Ganoon din sa pag-uwi nila sa Maynila. Bukas pa ang kasal kaya may panahon pa siyang magpahinga pagdating nila roon.

Iisipin pa lang ni Anne ang bumalik sa Maynila dala ang masamang balita tungkol kay North at sa kapatid nito, sa kanila, ay pinanghihinaan na ng loob si Anne. Tiyak higit na malupit sa reyalidad. Handa na ba talaga siya? 

"Aalis ka na lang ba nang hindi natin napag-uusapan ang nangyari kagabi?" Wala pa man sa hand hook ng sasakyan ang kamay ni Anne ay natuod na s'ya nang biglang dumating si Matthieus.

"Matthieus..." Binundol kaagad ng kaba ang dibdib ni Anne nang dahan-dahan niyang harapin si Matthieus. 

Nakatulog ba ito kagabi? Kung pagbabatayan kasi ang pagod sa mga mata nito ay masasabi niyang oo. Exhaustion was visible in his face.

"Nasa cabin lang ako. If those kisses matters to you or maybe bugging you, pag-usapan muna natin. Don't leave me with a wrecking thoughts, Anne."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status