HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:
UNINTENTIONAL
Matthieus Morris Monférrer
Kabanata 13
“COME ON, MARIA ANITA! Stop sulking your ass right here. Flirt around. Nagsasayang ka lang ng kamandag. Manuklaw ka, gagita!” Walang pakundangan na himok kay Anne ng matalik niyang kaibigan na si Vennitta de Asis.
“Hop on any male species around the corner and wrapped that tight ass thighs of yours. Get laid, mama mia!” And Golda Guillermo seconded exaggeratedly.
Ikatlong gabi na nila iyong nag-bar mula nang makauwi siya sa Manila. She had all the time in the world to party and get wasted sa kadahilanang hindi siya umuuwi sa mansion nila. She stayed in her condo. Saka na siya uuwi at magpapakita sa kanyang pamilya kapag handa na siya. Kapag malinaw na ang isip niya.
Sa ngayon ay ang mga kaibigan pa lamang niya ang may alam tungkol sa affair ng fiance niyang si North sa sarili nitong kapatid. And also Matthi
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 14SHE FELT SUCH a sense of relief after she said everything she wanted to say to North. Tila malaking tinik ang natanggal sa dibdib niya matapos ang pag-uusap nila ni North. They both agreed to call off their wedding and she didn't feel any regret nor hatred about it. She felt satisfied and relief, in fact."Are you sure you can manage driving yourself home, princess?" Unconvinced na hirit ni Primus nang ihatid siya nito sa parking lot ng El Sacramento.Kanina pa nakaalis si Vennitta at Golda upang iuwi si Athena na hindi pa rin makausap ng maayos."I can even compete for a drag racing in this state, Attorney. Ako pa ba?" Aniya atsaka ito pabirong inismiran."Make sure you get home safe, Anne. Go home straight. Hindi iyong kung saan-saang bar
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 15“I HAVE A QUESTION.” Bahagyang nabawasan ang perpektong pagkakaarko ng katawan ni Anne nang sandaling ibaba niya sa mukha ng kaniig ang kanyang mga matang sagana sa magkahalong paghanga at sensuality.Hitik sa pawis ang noo ni Matthieus. Basa na rin ng pawis ang pinong balahibo sa dibdib nito. Hindi niya matukoy kung gawa iyon ng sarili nitong pawis o galing sa kanya.Nevertheless, Matthieus was still drop-dead gorgeous with or without sweats, naked or not, above or beneath her. Kung saan man siya nakalimok ng lakas ng loob na hayagang tanggapin sa sarili ang napukaw nitong damdamin sa kanya ay hindi na niya ibig pang alamin. Para ano pa’t naroon na ito. Tila hindi magmamaliw.“Far better if you ask that away after you finish what you'v
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 16“MAGPALIWANAG KA BAGO PA ako masiraan ng bait, Maria Anita!”“Wait, wait! Damn where is it?” Bahagyang natataranta si Anne sa paghahalughog ng bag ni Athena na walang-ingat nitong ibinato sa Belgium manufactured daybed hustong makarating sila sa balkonahe ng kanyang unit.“Impakta ka! Kay cheap-cheap na nga n’yang bag ko, minumurder mo pa! What are you looking inside ba?”“Your cigarette case, Athena. I can't see it. Damn!” Mapapayosi siya para mapakalma ang sarili.Sa dinami-rami ng pagkakataon, bakit ngayon pa magkasabay na dumating sa flat niya si Athena? Idagdag pa ang presence ng kanyang kapatid na si Malek kasama ang identical twin daughters nito at ang pamangkin niyang si Melodia. She felt pressured.“Pucha kang babae ka!” Dramatiko siyang napa–ouch nang hampas
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 17SHE WAS REALLY SHAKEN UP. Ngunit sinikap ni Anne na kolektahin ang huwisyo habang inaakay siya ni Matthieus patungo sa sasakyan. Higit lalo't ayaw niyang ma-terrorize ang mga murang isipan ng kanyang mga pamangkin dahil sa nangyari sa loob ng palikuran.Nasa labas ng bintana sa passenger seat ang kanyang mga mata. Kasalukuyang kinakausap ni Matthieus ang may-ari ng Libretto School of Music at si Captain Creed Caharian na sa pagkakaalam niya ay Capitán de Navío ng Arm Forces of the Philippines. Bukod dito ay may dalawa pa itong kasama na kung ilalarawan batay sa tindig at pangangatawan ay kapwa kabilang din sa hukbong-militar.Matthieus had a deep frown on his face, his facial muscles were clenching, making him looked so dangerous and domineering. Nagbabadya ng unos ang ekspresyon sa mukha nito
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 18"ANO MANG ORAS mula ngayon ay darating si Eliazar dito sa Santa Coloma kasama ang dalawang Private Duty Nurse. Sila ang ibig kong mag-alaga sa Papa hanggang sa bumalik ang kanyang kasiglahan."Two days ago ay agarang nagbalik sa Santa Coloma si Matthieus matapos itawag ni Elaina ang nangyari kay Don Matteo. Naaksidente ito habang pauwi sa bahay ng bago nitong kinakasama- Elaina's widowed mother Adalia.Ayon sa initial investigation ng mga awtoridad ay may nakasalubong daw itong kaskasero sa kurbada. Sa pagsisikap na makaiwas ay tumama ang sasakyan nito sa poste ng road sign. Napinsala ang binti nito na tumama sa matigas na parte ng minamaneho nitong Land Cruiser at naoperahan.Galing daw ito sa plantasyon bago ang aksidente. At ayon pa sa mga manggagawa s
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 19“BATAY SA DATOS na ibinigay sa akin ni Attorney Bardalez, nasa beintikuwatro ang bilang ng mga hornalero ang tuluyan nang pahihintuin sa pagtatrabaho sa plantasyon sa katapusan ng susunod na b’wan.”Tumabang ang desire ni Anne na kuhanan ng litrato ang mga manggagawa na nakaya niyang tanawin mula sa malaking bintana. Halos padarag niyang naibaba ang hawak na DSLR camera nang marinig ang pormal na anunsyo ni Matthieus sa mga labor leader ng tobacco plantation na pinulong nito.Umuusad na ang informal meeting sa ikalawang palapag ng manufacturing building na nagsisilbing malawak na opisina nang dumating si Anne. Karaniwang si Donya Coloma ang namamalagi sa opisina na iyon mula nang humalili ito kay Don Matteo sa pamamalakad ng plantasyon at hacienda matapos ang hiwalayan ng mga ito.At ng
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 20"MONFÉRRER, ABSWELTO KA NA!"Napukaw mula sa malalim na kaisipan si Matthieus sa deklarasyon ng warden.Kulang-kulang beintikuwatro oras siyang nakalaboso at sa loob ng beintikuwatro oras na iyon ay wala siyang naalala na nakaidlip siya.Hindi siya kumibo habang umaagapay sa kanya ang warden sa makipot na pasilyo. Sa kanyang kanan, sa kaliwa ay mga selda, laman ang malilinggal at nangangantyaw na mga preso na ang nakararami ay burdado ang katawan, mahahaba ang buhok at balbasarado. Tila mga ermintanyo."Pasalamat ka't mapera ang pamilya mo, maimpluwensya ang mga kaibigan mo. Dahil kung hindi, dito ka na magtatanda sa bilangguan." Satsat ng warden na nauunang maglakad.Naging makupad ang kanyang mga hakbang nang mapansin ang kan
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 3:UNINTENTIONALMatthieus Morris MonférrerKabanata 21ANNE HEAVED A sigh when she finally found what she was looking for inside the drawer.Ang folder na naglalaman ng mga profile ng kanyang mga estudyante.A couple of months ago ay tuluyan na nga siyang bumigay sa trabahong inaalok sa kanya ng matalik niyang kaibigan na si Golda.Noong nakaraang taon ay ikinasal si Golda sa may-ari ng Libretto School of Music at ngayon nga’y ito na ang nangangasiwa nito. And Golda hired her as a music teacher. Specifically ay piano lesson ang itinuturo niya. Varied from melody of the piano, pitch playing and more. Surprisingly ay mabilis na nahulog ang kanyang loob sa trabaho na iyon lalo na sa mga bata.Anne was handling toddlers and preschoolers. Passionately, she was too dedicated to teach and supervised young children.