SHEREE"Bakit hindi mo sinabi na may mga kapitbahay tayo dito?" sumbat ko kay Jarred.Nandiyan sa labasan ay maraming kabahayan na pala. Akala ko, kami lang ang tao rito."Hindi na kailangan para ipaalam sa'yo," aniya sa akin na hindi man tumitingin sa akin. "Ang sama mo!" inis na saad ko rito.KASALUKUYAN na nandito kami sa bayan. Halos kilala si Jarred sa bayan. At lahat na nakakasalubong namin ay binabati siya."Hindi ba natin bibilhan ng food ang mga alagang Peppa's natin?" "Hindi!""Magugutom sila!" galit na saad ko rito.Masama naman itong nakatingin SA akin."Mas alalahanin mo pa sila na magutom kaysa sa ating dalawa," gigil na saad niya."May damdamin din sila! Nagugutom rin sila katulad natin," inis na sagot ko naman.Napapikit naman ito.Bahala siya! Basta hindi ako sasama pauwi kapag hindi niya binilhan ng pagkain ang mga alagang Peppa's ko."Mayaman ka naman 'di ba?!" aniya ko ulit rito."Hindi pinupulot ang pera, Sheree. Kaya matuto ka gamitin ang pera sa tama."Kinagat
SHEREE"PUWEDE ba natin sila isama?" malungkot tanong ko kay Jarred.Babalik na kami sa Manila. May lalaking pumunta dito at kinausap si Jarred. Hindi ko lang alam kung ano ang pinag-usapan nila, pero sa ekspresyon ng kanilang mukha parang problemado ang mga ito."Hindi puwede. Hindi naman sila pababayaan ni manong," aniya ni Jarred sa akin.Umiwas naman ako ng tingin. Nasasaktan ako dahil iiwan ko na ang mga alagang Peppa's ko."J-Jarred, please. G-Gusto ko, ako pa rin ang mag-aalaga sa kanila."Mariin naman niya akong tiningnan."Not now, Sheree. Huwag ka muna dumagdag sa problema ko. Gumayak ka na, at aalis na tayo maya-maya," aniya at tumalikod na ito.Matamlay naman akong pumasok sa loob ng kubo. Napahikbi naman ako dahil hindi ko talaga kaya silang iwanan.Napatingin naman ako sa aking maleta. Dali-daling tinanggal ko ang aking mga gamit. Hinila ko ang maleta ko at pumunta sa likod ng kubo."Hindi ko kayo iiwan," nakangiting saad ko naman.Parang walang nangyari na hinila ko ang
SHEREEHINDI ko alam kung paano ko tatanggapin ang katotohanan. Sobrang sakit na nakikita ko si Mommy na nasasaktan. Galit naman ang nararamdaman ko kay Daddy."Sheree?"Tamad ko naman tiningnan si Daddy."I'm so sorry, anak," maluha-luhang saad niya.Hindi naman ako umimik."A-Aayusin ko ito. Sheree, mahal na mahal kita, anak."Tiningnan ko ng diretso sa mga mata si Daddy. "Mahal niyo rin po ba si Mommy?" Umiwas naman ng tingin si Daddy."D-Daddy?! Mahal niyo po ba si Mommy?!" Sigaw ko rito at humagulhol naman ako."H-Hindi ko alam, a-anak."Mariin ko itong tiningnan."I-I hate you, Dad! Bakit niyo po ito nagawa?!" Lalapit sana ito sa akin pero tumakbo naman ako papunta sa aking silid.Binuhos ko ang lahat na sama ng loob ko sa pag-iyak. Lalo pa ako nasasaktan dahil wala man lang mensahe or tawag galing Kay Jarred.Natatakot ako. What if, hindi na ako babalikan ng binata? Gusto ko kausapin si Mommy. Pero sabi ni Yaya, bumalik na raw ito sa kampo.Bumalik na ulit ako sa pag-aaral.
SHEREEAYOKO na pumasok. Alam na ng lahat ang tungkol sa Daddy ko. "Anak?"Malungkot naman ako napatingin kay Mommy. Umalis na si Daddy. Nasa Canada siya at tuluyan na iniwan na kami ni mommy."M-Mom," napahikbi naman ako.Niyakap naman ako ng mahigpit ni Mommy."Magiging maayos din ang lahat, okay?" pilit ang ngiting saad ni Mommy."H-How? Iniwan na tayo ni Daddy!" umiiyak na saad ko naman."Mahal na mahal ka ng daddy mo. Babalik siya."Mapait naman akong napangiti. Kahit huwag na siyang bumalik! "Pumunta na ako sa school mo. Sayang naman kung titigil ka sa pag-aaral."Yumuko naman ako. "Anak?"Tumingin naman ako kay Mommy."N-Nahihiya po ako," malungkot na saad ko naman.Hinaplos naman ni Mommy ang buhok ko."Lilipas din iyan. Hinahanap ka na rin ng bestfriend mo. Huwag mo na intindihin ang mga taong humuhusga sa atin. Dapat maging matapang at matatag ka. Hindi lahat ng Oras nasa tabi mo ako.""Sige po, Mommy. Bukas papasok na po ako," mahinang saad ko naman.Tama si Mommy. Kail
SHEREEKAHIT anong gawin ko, nawalan na ako ng gana mag-aral. I told my mom, next year na ulit ako babalik sa pag-aaral. Lagi na rin ako nagkakasakit. Hindi na rin ako masyadong kumakain. I prefer to sleep whole day. Nagagalit na rin SI Yaya kasi pinapabayaan ko na ang aking sarili. "Uuwi ang mommy mo. Tinawagan ko kagabi at hindi ka na kumakain.""Sana huwag na po," mahinang saad ko naman."Galit ka ba sa mommy mo?"Yumuko naman ako. "Sheree?""Hindi po ako galit, Yaya. Nagtatampo lang po," mahinang saad ko naman.Napabuntonghininga naman ito."Kumain ka na. Ang laki na ng pinayat mo," aniya ni Yaya."S-Sige po."Noong nakaraang linggo pa na ganito ang nararamdaman ko. Lagi na lang masama ang pakiramdam ko at laging antukin.Maghapon na lang na nagmumukmok ako sa aking silid. "Sheree?"Napatingin naman ako sa pinto na bumukas ito.Si mommy."Anak."Umiwas naman ako ng tingin."I'm so sorry. Alam kong napabayaan na kita. Nakausap ko rin si Chandal. Tumigil ka na raw sa pag-aaral."
SHEREEANG daya-daya mo mommy!Bumalik ka nga, pero wala nang buhay!"S-Sana….sana..s-sinama mo na rin a-ako," umiiyak na saad ko habang nakatitig sa napakaamong mukha niya na parang natutulog lang ito.Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Wala na ang nag-iisang kakampi ko!"Nandito lang ako. Hindi kita iiwan, Sheree," Saad ni Che-Che. Simula nang dumating ang bangkay ni Mommy, hindi na halos umaalis sa tabi ko."B-Bakit...b-bakit iniiwan na ako ng mga taong m-mahal ko.""Nandito pa ako, Sheree. Handa ko kayo gabayan ng anak mo," aniya sa akin ni Che-Che.Napahagulhol naman ako. Lalo ako nakaramdam ng pagkamuhi kay Daddy dahil hindi man lang nagpakita.Lalo lang niya pinatunayan sa akin na wala siyang kuwentang asawa at ama. Ni hindi niya ako sinamahan magluksa, bagkus si Che-Che ang naging sandalan ko at kasa-kasama sa masalimuot na nangyayari sa buhay ko ngayon."I-I hate m-my dad! K-Kahit d-dalawin niya lang sana si mommy…h-hindi niya pa magawa!" Hinaplos naman ni Che-Che ang aking
SHEREESA likod ng maamong mukha ng mommy ko, hindi ko sukat akalain ang tunay niyang pagkatao. Hindi ko man masyado maintindihan ang ibang sinasabi ni Che-Che, pero ang hindi mawala sa isipan ko ay ang salitang mafia. "S-Sabi mo, Mafia Queen ang Mommy ko, but why she can't protect her self? Bakit namatay siya ng ganoon kadali?" Tanong ko kay Che-Che.Napailing naman ito sa sinabi ko."Tao lang din kami at mamamatay din,Sheree. Even we trained well. Lalo na sa martial arts at sa paggamit ng patalim, kung bala ng baril na ang tumama sa katawan namin. We don't know, kung mabubuhay pa kami o tayo. We are a human. Iisa lang ang buhay natin. Always remember this, Sheree. Cherish your life while you're still alive. Hindi natin hawak ang ating buhay. Tulad ng mommy mo, kung kailan siya umalis sa military, saka naman nangyari ito sa kanya.""H-Hindi ka ba nagdududa sa nangyaring ambush? Hindi ako naniniwala na….na..-""Iniimbestigahan ko pa. Huwag ka mag-alala. Kahit ako, duda rin sa nangyar
JARRED VICENTE"BRO!"I'm a surgeon doctor. At the age of 32, I have everything already. Money. Business. And a beautiful girlfriend."Hey, what's up," saad ko naman kay Miguel.Miguel Alcantara. Isa rin siyang doctor. "Darn, bro. Bigla ka na naman nawala," natatawang saad ni Miguel."Gago. May pasyente ako kaya iniwan ko na kayo," sagot ko naman.Nakaraang araw kasi kaarawan ni Caden. Sa penthouse na ni Vernan ginanap ang kaarawan nito."Kala namin babae," nakangising saad ni Miguel."Nagbago na ako, Alcantara.""Oh? How about the young girl na patay na patay sa'yo," asar na saad ni Alcantara.Huminga naman ako ng malalim.Si Sheree. Anak ito ng kaibigan ng parents ko. "May gatas pa siya sa labi," baliwalang saad ko naman.Humalakhak naman ang gago.That's why I don't like to tell them about my love life. Of course, the will always na laro lang sa akin. Nakilala ko si Tamari. Isa siyang Modelo. Basta naging kami na agad. We sex. And then kami na. Tumagal kami at napamahal na rin ak
"TAMARI."LUMIPAS ang buwan, lagi na lang ako nakatulala. Gusto umiyak, pero wala na along luha na mailabas."Tam?"Napalingon naman ako. Si Dra. Hyde. Simula na dumating ako sa Lugar na ito, siya na ang kasa-kasama ko."Gusto mo ba mamasyal tayo? May ipapakita ako sa'yo," aniya na malapad ang ngiti.Napabuntonghininga naman ako. "Ayoko. Gusto ko lang mapag-isa."Hinawakan naman ni Dra. ang kamay ko."Gusto mo ba gumanti?"Nabigla naman ako sa sinabi ni Dra. Hyde."W-What do you mean po?""I'm your mom, close friend. Masakit din sa akin ang nangyari sa kanila. I'm gonna train you, Tamari. Papasok ka bilang assassin'. Pagdating ng panahon, magagamit mo ito.""A-Assassin? Ano po ibig niyo sabihin?"Ngumiti ito."Balang araw, maintindihan mo rin ito. Magtiwala ka lang sa akin.""Baka hindi ko kaya-."" Kaya mo! Kayanin mo! Ipaghiganti mo ang iyong pamilya!"Kinuyom ko naman ang aking kamay. "PAYAG na ako!""Pero kailangan mo mangpanggap na wala kang naalala, Tamari. Kailangan protektah
EPILOGUE…….EVERYTHING WAS PERFECT. COMPLETE FAMILY. WEALTH. OF COURSE, THE LOVE AND CONTENTMENT."MOM?"Nakatitig lang ako kay mommy habang nag-iimpake ito."Aalis si mommy. Nandito naman si daddy," nakangiting saad ni mommy sa akin.Malungkot naman ako nakatingin rito habang naglalagay ng mga gamit sa kanyang bag.Sa edad ko na sampung taon, naintindihan ko na ang klaseng trabaho nila mommy at daddy.Isang magiting na sundalo ang parents ko. At sobrang proud kami ni Kuya Jarred."Kailan po ang balik niyo?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko naman."Ahmm..maybe next week. Don't worry, after this, magbabakasyon tayo."Nangislap naman ang mga mata ko."Mommy?"Napatingin naman ako kay Kuya Jarred. Panay ang kusot ng kanyang mga mata. Bagong gising lang kasi ito."Hi, my prince. How's your sleep?" Tanong ni mommy.Lumapit naman si kuya at pinitik ako sa noo."Mommy, ohh!" Nakasimangot naman ako."Tamari Faye, you're so bad. Nilagyan mo ng palaka ang ilalim ng unan ko!" Napahagikhik naman
SHEREESOBRANG SAKIT. Hindi ko alam kung paano mawala ang sakit na nararamdaman ko. Ang hirap tanggapin, wala na ang matalik kong kaibigan."What happened?" Mahina pero diin na tanong ko sa tauhan ni Tamari.After five months na nakaratay ako, ngayon ko lang nakausap ang lalaking malapit kay Tamari. Si Lieutenant Deon Monteverde."Sobrang bilis ng pangyayari, Gemini. Pauwi na kami, pero may sniper sa paligid namin. Ang nakapagtataka, si Captain lang ang binaril," aniya ni Deon na nakatingin ito sa malayo.Kasalukuyan na pinuntahan ko ang binata sa resthouse nito. Hindi ko ito mahagilal noong nakaraang buwan. Mabuti na lang, itinuro sa akin ni Hepe na nandito ito sa Tagaytay na pag-aari rin ng binata ang resthouse na ito.Napabuntonghininga naman ako."Nalaman niyo ba kung sino Ange may kagagawan?" Diin na tanong ko Kay Deon.Humarap naman ito sa akin. "No. Hanggang ngayon, Wala pa resulta ang imbestigasyon."Mahina naman ako napatawa. At masama na tiningnan si Deon."Impossible! Alam
JARRED"VERY GOOD, DR.VICENTE," nakangising saad ni Mayor sa akin.Huminga naman ako ng malalim. "Ginagawa ko lang ito dahil sa kaligtasan ng mga tao dito, mayor."Humalakhak naman ito. "I don't care, Vicente. May making transaction ako sa isang linggo. Kailangan matapos ito within 5 days. Kailangan kita sa laboratory ko." Seryosong turan niya sa akin.Umigting naman ang panga ko. "Tao ang ginagamot ko, hindi sa paggawa ng droga, mayor!""Well, I don't care. Alalahanin mo, nandito rin ang iyong mag-ina." Ngising aso na saad niya."Kung sasabog ang lugar na ito, kasama rin ang pamilya mo, Mayor." Sagot ko naman.Humalakhak naman ito ng pagkalakas."They are not my real family. So, I don't care!"Sunod-sunod naman ang paghinga ko ng malalim."Payag na Ako, Mayor. But after this, tuparin mo ang ipinangako mo sa akin!"Nakangisi naman ito. "Sure. May isang salita ako, Dr.Vicente." Kung tutuusin kaya ko naman patumbahin ng walang kahirap-hirap si mayor, pero hindi muna sa ngayon. I need t
PISCES"Papunta na kami," aniya ng kausap ko sa kabilang linya."Good. Ako na bahala kay mayor. Ang misyon niyo, ligpitin ang mga kasamahan niya.""Got it, captain!"Isa sa dahilan kung bakit nagtatrabaho si Jarred kay Mayor, dahil gusto niya isalba ang lugar na ito. Marami ang mapapahamak na mga inosenteng tao na nakatira dito.Hawak ni mayor ang mga otoridad dito. Siguro nga hindi pa nakarating ito sa taas ang pinanggagawa ni Mayor. Iba talaga ang nagagawa ng pera.NAPATINGALA ako sa kalawakan. Huminga ng malalim at ipinikit saglit ang aking mga mata."Nice place," Turan ko at nagpatuloy na sa paglalakad.Itinuro sa akin ni Gemini ang lugar kung saan nakatago ang isang warehouse. Posible doon daw pumunta si Jarred. Magubat pero balewala naman sa akin. Mas malala pa nga ito sa ibang bansa na naging misyon ko.May binigay naman na skitch sa akin si Gemini kaya mabilis lang ako nakarating. Hindi naman kalakihan ang warehouse na ito. May mga armadong lalaki na nakabantay sa paligid. Ku
PISCES/ TAMARI GREEN"THE hell!" Inis na sinipa ko ang lata na nakaharang sa dinadaanan ko.Nasa misyon ako ngayon. Bumalik lang ako sa Pilipinas dahil may bago akong tinatrabaho. Isa akong secret agent sa ELITE EAGLE ORGANIZATION. Kahit saan-saang bansa lang ako naka-destino.Pinabalik ako sa Pilipinas dahil isa sa mga wanted na drug lord ang pinapahuli ng Presidente. Dead or alive, iyan ang utos sa taas.Kasalukuyan nasa squatter area kami sa Tondo, Manila. Dito kasalukuyang nagtatago si Joem Trellis, ang wanted na drug lord at criminal sa Pilipinas."Matinik talaga iyang si Trellis. Hanggang ngayon, hirap hulihin!" Aniya sa akin ng isang pulis.Napabuntonghininga naman ako."Really? Or sadyang makupad lang kayo," nakataas na kilay na sagot rito.Naningkit naman ang mga mata niya na napatingin sa akin."Ano? Parang sinasabi mo na wala kaming binatbat. Sino ka ba? Di ba, agent ka lang?"Mahina naman ako napatawa. "Lang? By the way, I'm Captain Tamari Green. I'm working as a secret a
SHEREENIGHT. HINDI naman masyado madilim. Kahit papaano, ang bituin sa kalangitan ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.Napatingin naman ako sa aking mag-ama na sobrang himbing ng kanilang tulog. Mabilis akong nagpalit ng damit at dali-daling umalis. Babalikan ko ang bahay na iyon sa gitna ng kagubatan. Mabilis naman ako nakarating dahil nga alam ko na ang daan. Tahimik ang paligid, may mga security na nakabantay sa palibot. Pinag-aralan ko muna kung paano ako makapasok sa loob ng warehouse na iyon."Mayor Gallego?" Mahinang sambit ko. Nakita ko na galing ito sa loob. Paalis na ang mga ito at sumakay sa sasakyan.Siya ang may-ari ng warehouse na ito?"Seems, you're back again as a detective," baritonong boses na nagsasalita sa likuran ko."Jarred!""Ang tigas talaga ng ulo mo. Umuwi na tayo," aniya at hinawakan ng mahigpit ang aking braso."What are you doing here?!" Inis na tanong ko rito."Sinundan kita. Para kang aswang. Gabing-gabi na lumalabas ka pa!" Sinamaan ko naman it
SHEREEMASAYA na pinapanuod ko ang aking mag-ama habang nagtatampisaw sa tubig. Hindi naman kalakihan ang ilog dito pero napakalinaw at sobrang ng tubig. Dati na akong dinala dito ni Jarred."Mommy, come here!" Sigaw ni Jaime habang nakipagaharutan sa kanyang ama.Nginitian ko lang ito. Tumayo ako at hinubad ang suot kong pajama. Hinubad ko na rin ang aking t-shirt. Nahagip agad ng aking tingin si Jarred na nakatitig sa akin.Lumusong na ako sa tubig at sinakay ko sa aking likuran si Jaime."Yeyyy!" Tuwang sigaw ng anak ko habang nakayapos ito ng mahigpit."I like it there!" Turo sa akin ni Jaime."Okay," natatawang umahon na kami.Habang naglalaro sa tabi si Jaime, nagpatuloy naman ako sa pagligo."J-Jarred!"Nagulat pa ako dahil bigla lamang sumulpot sa aking harapan si Jarred."A-Anong ginagawa mo diyan! Basta ka na lang sumusulpot!" Bulyaw ko rito.Napalunok naman ako dahil halos magkadikit na ang aming katawan. Boxer short lang ang suot niya."You so hot," aniya na umikot ito SA
SHEREEHINDI ko alam kung sinasadya ba na pahirapan ako ni Jarred o sobrang galit lang ito sa akin."Bakit puro exotic food ang pinapakain mo kay Jaime Will?" Naiiritang tanong ko rito.Pinipigilan ko lang na Magalit o mainis sa kanya. Kagabi doon ako pinatulog sa baba na may papag na nakalagay naman. Tiniis ko ang mga lamok na panay ang kagat sa aking balat. Mabuti na lang, makapal ang kumot na ibinigay sa akin kaya hindi ako nakaramdam ng lamig."Mas maganda na masanay siya sa buhay probinsya. At puwede ba, hindi nga nagrereklamo ang bata, at Ikaw pa panay ang dada!""Paano naman magrereklamo iyon kung hindi rin niya alam kung ano ang mga pinapakain mo! For God sake, he's just only three, Jarred!" Gigil na sagot ko naman."So, ikaw maghanap ng pagkain natin," aniya at tumalikod na ito.Napabuga naman ako ng hangin."Abnormal talaga!" Pumasok ako sa loob ng kubo at kinuha ang rifle na nakasabit sa pinto."May papatayin ka ba?" Tanong sa akin ni Jarred.Pinipigilan ko lang na pagtaas