Share

Kabanata 02

Kabanata 02

Moving Out

"Hey, everything is going to be okay."

Suminghot ako at mas lalong naluha habang nakasubsob ang mukha ko sa balikat niya. 

I felt her brushing my hair softly. "Hush now."

I sobbed. "Anong gagawin ko ngayon, Sol? I thought I was already prepared for this situation. Hindi pa ako handa, hindi ko pa kayang maging independent. Hindi naman kasi ako katulad mo na suportado ng magulang sa lahat ng bagay," naiiyak na pag-amin ko.

She broke the hug and reached my face. She held both of my cheeks in between her warm palms. Nag-iwas ako nang tingin dahil nahihiya akong makita niya kung gaano ako kahina sa mga oras na ito.

"Tumingin ka sa akin," utos niya.

I sniffed before looking straight to her eyes. Ginawaran niya ako ng isang magaan na ngiti. "Kaya mo. Kaya natin," saad niya.

"Sinong nagsabing nag-iisa ka lang? Kaya mo naman sigurong maging independent nang may kasama, diba?" pagtatanong niya.

"If you want to be independent it doesn't mean you need to be all by yourself. Kapag hindi mo na kaya, andito naman ako. Right?"

I wiped my tears with the back of my palm while nodding like a child. "Right," I whispered softly.

I smiled at her. "Thank you, Sol." She sighed before wrapping her arms around me and pulling me again for a warm and tight embrace.

Pagkatapos sabihin ni Papa na dapat ay lumayas na ako ay agad kong tinawagan si Sol na pupuntahan ko siya. I didn't bring anything with me except my backpack and my phone. Nasa loob kasi ng backpack ko ang mga important documents ko.

Mama told me to leave my things in the mansion. Hindi niya ako hinayaang kunin ang mga gamit ko.

"I'll lend you some clothes," she offered.

Tumango na lang ako. "Paano ang mga gamit mo?" she asked.

Saglit niya akong nilingon mula sa paghahalungkat niya sa closet niya ng mga damit na ipapahiram niya sa akin. Laking pasasalamat namin ng may mahanap siyang mga damit ko doon. I used to sleep over here when we're both bored. Now, I'll be staying here until I don't know when.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Sabi ni Manang Fely no'ng hinatid niya ako palabas ng gate ay siya na daw ang bahala mag-ayos sa mga gamit ko. Tatawagan niya na lang ako para makuha ko," sagot ko.

She nodded and brought the clothes to where I was sitting— at her queen sized bed. "She better call you to pick your things up when your parents are not around."

Tumango na lang ako at kinamot ang pisngi ko. I softly massaged my forehead. Sumasakit ang ulo ko. Gusto ko nang magpahinga.

I yawned. Mabilis na napatingin sa akin si Sol. "Inaantok ka na," she declared more than asking.

Kinusot ko ang mga namumula kong mga mata galing sa kakaiyak gamit ang mga daliri ko. Humikab ako ng isang beses pa bago tumango sa pahayag niya.

Tumayo siya sa galing sa pagkakaupo sa tabi ko at agad na inayos ang mga damit. "Bukas na lang tayo mag-ayos. Sa ngayon, matulog na muna tayo."

I nodded and closed my eyes to relax it somehow. "Humiga ka na," utos niya.

Inaantok na humiga ako sa malambot na kama niya. Ilang minuto akong nakapikit habang hinihintay ang presensya niya sa tabi ko. 

I heard her closing clicking the switch, making the light dim. Ramdam kong bahagyang lumubog ang hinihigaan ko, nagpapahiwatig na nakahiga na siya.

Naramdaman kong inangat niya ang kumot papunta sa d****b ko at hinaplos ang buhok ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at binigyan siya ng isang maliit na ngiti. "Good night," I said.

Sinuklian niya ang ngiti ko at lumapit sa akin. Nagsumiksik siya sa pwesto ko kahit na ang lawak ng espasyo sa pwesto niya. "Good night, Ashanti."

Ipinikit ko na nang tuluyan ang mga mata ko nang maramdaman ang pagbigat ng mga talukap ko. I uttered a quick prayer before I was pulled into dream land.

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mainit na tumatama sa pisngi ko. 

I groaned. Dahan dahan kong ipinatong ang unan sa tapat ng mukha ko. 

"Ashanti, gising na."

"Hmm," I groaned once again. 

Inaantok pa ako. Sobrang sakit ng ulo ko. Para akong may hangover, eh, hindi naman ako nakainom.

"Manang, five more minutes, please," paos na saad ko.

"Manang?! Ano? Excuse me?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Sol imbes na ang boses ng katulong namin na si Manang Fely.

Inalis ko ang nakatakip na unan sa mukha ko at dahan dahan na minulat ang mga mata ko.

I blinked a couple of times to adjust my vision. Kinusot ko pa ito bago ako nagpakawala ng isang inaantok na hikab.

When my vision finally adjusted, my eyes automatically landed on my cousin whose sitting at the edge of the bed while rubbing her wet hair with a white towel.

"Good morning," masiglang bati niya.

I sat up and scratched my cheek while I tried to recall what happened. 

Shit, napalayas nga pala ako!

Agad na binagsak ko ulit ang katawan ko sa malambot na kama nang maalala ko na anong nangyari. Pinikit ko ulit ang mata ko dahil ramdam ko ang sakit nito. Paniguradong namamaga na ito ngayon dahil sa labis na pag-iyak ko kagabi.

"Hoy, gising na!" 

I groaned and kicked her softly when she pulled my foot. "Five more minutes, please. Inaantok pa talaga ako," I requested.

I heard her sighed. "Bahala ka nga diyan! Magluluto muna ako ng agahan. I'll wake you up kapag kakain na," she said.

"Hm, thank you..." I whispered sleepily.

Narinig ko ang pagbukas at ang pagsara ng pinto ng kwarto niya na nagpapahiwatig na mag-isa na lang ako ngayon sa loob ng kwarto. I rolled my body to the other end of the bed. Tumitig ako sa kulay dilaw niyang kisame. 

Ang ganda ng kisame niya. Gano'n din ang mga dingding niya. Sol painted it all by herself. 

Isang malaking nagbabagang araw ang nasa may pinakagitnang bahagi ng kisame. Pinapaligiran ang ibaba nito ng mga ulap at mga itim na ibon.

Wow. Hindi ko mapigilang mamangha kahit ilang beses ko na iyong nakita. 

I was with her when she painted this. Ang sabi niya ay bored na siya at kumuha ng paints and paint brush. Nagulat na lang ako ng itulak niya pagilid ang kama. 

"Help me," she said.

Agad naman akong lumapit at tumulong sa kaniya. Taka ko siyang tiningnan habang kumukuha siya ng upuan. 

Hindi ko na napigilan at nagtanong na ako. "Anong gagawin mo?" Tinaasan ko siya ng kilay kahit na hindi niya ito nakikita dahil abala siya sa ginagawa niya.

"I'm bored. Ang boring din ng kwarto ko. Let's make it lively!" sigaw niya.

"Shh, tone down your voice! Ang aga aga," pagsusuway ko sa kaniya.

Where did she even get this much energy? Kulang na lang ay manatili ako sa kama buong araw dahil sa nararamdamang katamaran.

Namangha ako nang walang pag-aalinlangan niyang ipinahid sa kisame ang paint brush na may yellow paint.

She did her job while I was stunned as I watched her paint with admiration dancing in my eyes. 

Ang galing! Hindi man lang siya  nagkakamali.

"Nakikita mo ba 'to? Lumampas iyong paint sa linya. Nagkakamali din kaya ako!"

"Huh? Did I said it out loud?" takang tanong ko.

"Yup," she said. "Loud enough for me to hear it."

Napailing na lang ako at tahimik na pinagmasdan ang ginagawa niya.

"Ashanti?"

Napakurap kurap ako at agad na lumingon sa pinto ng bigla itong bumukas. It revealed Sol wearing an apron. 

"Tara na. I just finished cooking. Kain na tayo," masiglang imbita niya.

I sighed. Kahit na tinatamad ay pinilit kong bumangon. Agad akong nagtungo sa banyo para maghilamos. Nagmumog ako ng mouth wash at naghugas ng kamay matapos umihi.

I stared at my reflection. I forced a smile. "You are not a disappointment," I reminded myself.

I released a deep breath before wiping my face with a dry face towel. 

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakita ko ang pinsan kong naglalapag ng plato sa hapag kainan. Agad akong lumapit para tulungan siya sa paghahanda.

When everything is settled, we sat down. "Thank you for the food," we both uttered before digging in.

Nagluto siya ng fried rice with egg and hotdogs. Gumawa din siya ng egg sandwich at juice.

"Shopping tayo mamaya."

Tumigil ako sa pagnguya at nilingon siya nang bigla bigla na lang siyang nag-aya. "Para saan? Anong meron?" agad na tanong ko bago ininuman ang orange juice ko.

Nagkibit balikat siya. "Wala lang. Enjoy tayo to freshen up your mind?" tila hindi siguradong sagot niya.

Tumango ako. "Sige. Bibili na din ako ng school supplies in advance."

"Ako din!" 

Pinagpatuloy na namin ang pagkain matapos 'yon. I took a shower on the guest room's bathroom. Nandoon naman si Sol sa banyo sa loob ng kwarto niya.

I grabbed the robe when I was done and wore it. Hinugot ko ang towel na nakasabit at kinuskos ito sa buhok ko. After that, I wrapped it around my hair.

Lumabas na ako ng banyo at naghanap ng damit na masusuot. Ilang beses akong nagpalit dahil hindi ko nagugustuhan. Until I settled with the baby blue knitted sleeveless turtleneck neck top and a white high waisted jeans. I put my hair in a ponytail and applied a very light makeup. I made sure to out concealer to hide my eyebags. 

Gusto ko namang magmukhang presentable kahit na mags-shopping lang naman kami.

To finish my setup, nagsuot ako ng isang pares ng white high cut sneakers.

I gave myself one last glance at the body length mirror. Nang makuntento ay kinuha ko na ang phone at bag ko.

"Let's go!" Sol shouted energetically as we went outside the house.

I sighed. Ang dami niya talagang naiipong energy kahit kailan.

Nagbook na lang kami ng grab since nasira ang kotse niya at hindi pa napapaayos. Kung kukunin ko na ang gamit ko kay Manang Fely, might as well get my car. 

Nang makarating na kami sa tapat ng mall, agad na kumapit sa braso ko si Sol at dumaldal. Kinamot ko ang pisngi ko dahil talagang sumasakit na talaga ang ulo sa ingay niya at sa init.

"Ang lamig," she said when we're finally inside. She hugged herself and I did too.

"S***a, pinoy nga talaga tayo. Magrereklamo kung mainit tapos kapag hindi na mainit, magrereklamo din."

Tumawa siya ng malakas kaya madaming nagsilinguan sa amin. Nag-iwas ako ng tingin at naglakad na papalayo. Nagkunwari akong hindi ko siya kilala.

Nakakahiya talagang kasama ang babaeng 'yon minsan.

I released a sigh of relief when I was finally out of the scene. Naglakad lakad ako hanggang sa natanaw ko na ang National Bookstore.

"Hoy! Gaga, bakit mo ako iniwan?" pumapadyak na reklamo niya nang bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko.

Napahawak ako sa d****b ko sa labis na gulat na naramdaman.

Ang bilis niya naman. What the hell? Where did she even came from?!

Lumingon ako sa likod ko at binalik ulit sa kaniya ang paningin ko. Ilang beses pa akong nagpabalik balik nang tingin sa kaniya at sa pinanggalingan namin. "Did you just teleported?" namamanghang tanong ko.

Napangiwi siya. "Walang gano'n. Bobo ka din pala minsan." She flicked my forehead and I slightly winced.

Hinaplos ko ang noo ko. She mouthed 'oa' and I just rolled my eyes at her.

"Tara doon tayo sa bookshelf tapos hanap tayo ng pogi tapos matangkad. Kunwari hindi natin abot iyong libro sa taas tapos lalapit siya para abutin iyon! Then, bigla tayong lilingon at mababangga tayo sa d****b niya. That's our chance to sniff his scent!" kinikilig na suhestiyon niya nang makapasok na kami sa loob ng bookstore.

What the... heck? Naka-drugs na naman ba 'to?

"Ano bang pinagsasabi mo? Lumuwag na naman ba turnilyo ng utak mo o sadyang naka-drugs ka lang?" nakakunot noo'ng tanong ko.

Hindi ko talaga alam kung ano ang tumatakbo sa loob ng isipan niya sa lahat ng oras. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan sa kaniya.

"Pogi, spotted. Target locked."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. Ano daw?

Nginisian niya ako at mahinang tinapik sa balikat. "Watch and learn," she whispered. Kinindatan niya ako bago pumunta sa shelf kung saan nakatayo ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng black long sleeve polo.

Talk about second hand embarrassment. Agad akong tumalikod at hindi na siya pinanood dahil paniguradong mapapahiya siya. Kapag nangyari iyon ay doble naman ang kahihiyang mararamdaman ko.

I browsed through the shelf at naghanap ng magandang libro. I should be buying my school supplies but this books are seducing me!

Para bang nagmamakaawa sila sa akin na bilhin na sila. If I buy them, they'll just be added to my 'binili pero hindi binasa' collection.

I giggled at that thought. I continued browsing when suddenly I heard a deep and cold voice roaring inside the bookstore.

"What the fuck?! Get off me!"

Natigilan ako. Shit. Please, don't tell me that that was for Solara.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status