Kabanata 01
Disappointment
"Thank you for coming, ma'am! We would love to have you here again," magiliw na saad ko sa isang costumer.
She gave me a small smile before thanking me. Agad din naman siyang umalis dahil t-in-ake out niya ang coffee na binili niya.
Nang tuluyan na siyang makaalis ay umandar na ulit ang pila. Mabilis kong pinunasan ang spilled coffee sa counter gamit ang basahan.
"Good morning! Astro Cafe at your service. May I have your order po?" tanong ko nang hindi nakatingin sa costumer dahil abala ako sa paglalagay ng hand sanitizer sa mga palad ko matapos ibalik ang basahan.
I heard someone chuckled. "Hmm. Can I have one cup of Ashanti?"
I stopped rubbing my palms and my gaze automatically went in front of me. "Sol?" gulat na tanong ko.
She flipped her hair and winked at me. Ngumisi siya at kunwari ay bumulong sa akin. "The one and only."
Natawa na lang ako sa inakto niya. "Bilis, anong order mo? Madami pang costumer ang nakapila, oh." Tinuro ko ang mga costumers na nakapila sa likuran niya gamit ang nguso ko.
She scoffed and put a hand in her chest. "How rude of you," pag-iinarte niya.
"Nasaan ang manager mo? Gusto ko lang makausap. I can't believe that Astro Cafe have a rude employee here."
I rolled my eyes. "Shut up. Bilisan mo na. Baka naiinip na iyong mga 'totoong' costumers ng cafe," utos ko sa kaniya.
"Whatever." Inirapan niya ako. "The usual. Alam mo na 'yon. Hintayin ko off mo. Hanap muna ako table," pagpapaalam niya. She even blew a flying kiss.
Napailing na lang ako at hinayaan na siya. Sinabi ko kay Nate, ang barista ng cafe, ang order ni Sol. He nodded and did his work.
Mabilis ko namang binalik ang atensiyon ko sa mga costumers na nakapila bago pa man ako matulala at mamangha sa mga tricks at moves na ginagawa ni Nate.
I can see some girls with their high school uniforms gawking at Nate at the glass wall of the cafe. Ang iba namang napapadaan at mga nakatambay dito ay namamangha din sa ginagawa niya.
Karamihan naman sa mga costumers namin ay mga babae at lahat sila ay nagpunta lang dito dahil gusto nilang mag-picture o dahil kay Nate at sa mga waiters namin.
I just shrugged that thought off.
I entertained every costumers with a smile on my face. Napahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay tapos na din ang shift ko.
Nginitian ko si Thea, ang papalit sa pwesto ko bago ako dumiretso sa isang room na may nakapaskil na plate name na 'Employees Only' sa may bandang itaas ng pinto.
Kinuha ko ang damit ko sa loob ng locker at agad na nagpalit. Kailangan pa naming pumasok ngayon para sa attendance ngayong hapon kaya kailangan kong magmadali.
I wore a simple white blouse and a black pants. Tinupi ko hanggang siko ko ang manggas ng damit. Suot ko pa din ang black doll shoes na suot ko kanina. I put my hair in a clean bun because it was starting to get hot outside. I sprayed a small amount of perfume on me before making my way out.
Hinanap ng mga mata ko si Sol. Agad ko naman siyang nakita sa may dulo na malapit sa glass wall. She's wearing an earphones while she's busy drawing something on her sketch pad.
Naglakad ako palapit sa kaniya at nilapag ang bag ko sa itaas ng lamesa.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Oh, tapos ka na?"
I rolled my eyes as I crossed my arms in front of my chest. "Yes, captain obvious. Kita mo namang nandito na ako sa harapan mo, diba?" I said sarcastically.
"Malay ko bang doppelganger ka pala."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. What? A doppelganger?
"Sol," tawag ko sa kaniya.
She eyed me before removing her earphones from her ears. "What?" Nagsalubong ang mga makakapal niyang kilay nang makitang seryoso ako.
"Naka-drugs ka ba?" kunwari'y seryosong tanong ko.
Agad na nanglaki ang mga mata niya at tumingin tingin sa paligid. "Ano bang pinagsasabi mo?!" she hissed.
"Atsaka, wag ka ngang maingay! Baka mamaya ay may makarinig sayo. They might misunderstood your joke," pagsasaway niya sa akin.
Kinamot ko ang pisngi ko para pigilan ang paglabas ng ngisi ko at luminga linga katulad niya. Mabuti na lang at walang costumers sa table na malapit sa amin. Besides, hindi naman kalakasan ang boses. "Masyado kang oa," puna ko sa kaniya.
She just glared at me and began fixing her things. Isa isa niyang nilagay lahat ng mga gamit niya sa loob ng backpack niya.
Inabot ko ang milkshake niya. I took a sip and I almost choke when she quickly snatched the drink from my hand. "Akin 'to!" aniya sa akin habang tinatago sa likod niya ang milkshake na parang prinoprotektahan niya ito mula sa akin.
Napaka-isip bata talaga kahit kailan!
"Damot."
Inisang s****p niya lahat ng natitirang laman ng strawberry milkshake niya bago niya ilapag ito inilapag sa itaas ng table.
She grinned at me before sticking her tongue out. Napailing na lang ako sa ginawa niya.
"Dito ka naman nagta-trabaho, ah. Humingi ka na lang ng libre doon sa cute na barista niyo," kinikilig na pahayag niya.
Oh, boy. Don't tell me na may crush din siya kay Nate?
I stared at her as she smiled widely while gawking at Nate. "Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Kinurot niya ang kamay kong nagpapahinga sa taas ng mesa at pinanlakihan ako ng mata. "Aray!" Hinimas ko ang parte kung saan niya kinurot habang ginagawaran siya ng isang nakamamatay na tingin.
"Ang oa mo! Ang hina lang naman no'n."
Inirapan ko na lang siya. Hinalungkat ko ang bulsa ng backpack ko para kunin ang earphones ko pagkatapos ay kinapa ko ang bulsa ng pants ko para hanapin ang cellphone ko bago ito nilabas. I unlocked my phone before plugging my earphones.
Akmang isusuot ko na ito sa tainga ko nang bigla itong hablutin ni Sol. Sinamaan ko siya nang tingin. "Ano ba?" pagrereklamo ko.
"Anong pangalan niya?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino?"
"Kaya ko nga tinatanong kasi hindi ko kilala!"
Napakamot naman ako sa pisngi ko. "Ang ibig kong sabihin ay sino ang tinutukoy mo. You don't have to tell me the name because obviously, hindi mo alam."
Napasimangot siya sa sinabi ko. Tinuro niya gamit ang mga nguso niya ang direksyon ng counter. Agad ko namang naintindihan kung sino ang tinutukoy niya.
"Iyong barista ba?" paninigurado ko.
She nodded while waiting for my answer like an exciting kid. "Nathan. Pero, Nate ang tawag namin sa kaniya. Hindi ko alam anong family name kasi hindi namin kami close."
"Bakit hindi mo alam ang family name niya?" Her eyebrows met as she asked me that question.
Nagkibit balikat ako. "Malay ko. Required bang alam ko kung ano ang complete name ng bawat trabahador dito? Besides, he just started weeks ago. I don't really talk too much with my co-workers."
"Lapitan ko kaya? Tapos hingiin ko ang F******k name niya o di kaya ay phone number niya. Malay natin, siya na pala magiging first boyfriend ko," kinikilig na saad niya.
"Bahala ka. Lapitan mo na tapos umorder ka ng hot chocolate at isang slice ng cheesecake. Nagugutom ako."
"Ay, wow. Grabe kung makautos, ah?"
Nginisian ko na lang siya at hindi pinansin. I scrolled through my playlist and chose a song. Nakita kong naglakad na papuntang counter si Sol kaya naman ay komportableng sinandal ko ang likod ko sa upuan.
I hummed silently as I watched people walking outside the cafe through the glass wall.
"I know you love her but it's over, mate. It doesn't matter put the phone away. It's never easy to walk away, let her go..." pagsasabay ko sa kanta.
"It'll be alright..."
I don't know but I was really attached to this song since last week. My first and probably my last boyfriend cheated on me. I don't really want to think about what happened.
Napangiwi ako. Toxic 'yong taong 'yon and I want to keep toxicity away from me, so I did the honor of breaking up with him.
Agad na nawala ang iniisip ko nang may biglang naglapag ng tray sa table namin. Tinanggal ko ang suot kong earphone at nag-angat ng tingin. Nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Solara.
Nagtatakang tiningnan ko siya. "Anong problema mo?" tanong ko.
"May jowa na daw siya, gaga."
"Si Nate?"
She nodded. Inis na tinusok niya ng tinidor ang binili niyang isang slice ng chocolate cake para sa kaniya.
I tsked. Kinuha ko ang hot chocolate ko at natatakam na tinitigan ang cheesecake. Ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng nasa menu ng cafe. Kinuha ko ang tinidor at agad na nilantakan ang nakahandang cheesecake.
"Nga pala," pambibitin niya.
Sumimsim ako sa hot chocolate ko habang hinihintay siyang matapos nguyain ang pagkain sa bibig niya. Inabot niya ang bottled water niya at agad na nilagok ang laman nito.
Unubo muna siya ng isang beses bago linahad ang palad niya sa harapan ko.
I arched my head sideways while eyeing her curiously. Linapag ko ang palad ko sa palad niya habang nagtataka pa ding nakatingin sa kaniya.
Ano bang ginagawa niya? Baka lumuwag na naman ang turnilyo ng utak nito dahil na-reject ng bago niyang crush.
She slapped my hand away as she gave me a death glare. "Ano ba kasing ganiyan," nagtatakang tanong ko habang nakalahad din ang palad sa harap niya.
She rolled her eyes at me before answering. "Bayad mo! Ang mahal ng cheesecake na 'yan, 'no."
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Wala akong pera." Pinagpatuloy ko ang pagkain sa natitirang cheesecake.
"Walang pera?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ang yaman yaman mo tapos wala kang pera? Parang sinabi mo lang ding bobo ka tapos biglang perfect ka pala sa exam," she rebutted.
"Nag-iipon nga ako diba? Lalabas na kasi mamaya ang results kung sino ang mga nakapasa doon sa university na papasukan ko sana," saad ko bago inisang lagok ang hot chocolate ko na hindi mainit.
Nanlaki ang mga mata niya. "Hala, mamaya na lalabas ang result? Gusto mo bang ako na ang titingin para sayo para hindi ka kabahan? Gusto mo sabihan ko si Mommy na kausapin si Tito na hayaan ka na lang sa kung anong gusto mong kunin na course?" pag-aalok niya.
Umiling ako. Pinaghandaan ko na ito. "No. Ako na. But, still, thank you talaga, Sol."
Ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti bago inabot ang mga kamay ko. Mahigpit niya ito hinawakan habang nakangiti pa din sa akin. "Whatever the result is, whatever your parents will say, always remember that I got your back. Okay?"
Hindi ko alam kung maluluha ba ako o ano nang marinig ko ang sinabi niya. Ang bilis talaga magbago ng mood ng babaeng ito kahit kailan. Whenever her mood changes, mine changes too. Para kasing nahahatak ako ng energy na nakapaligid sa kaniya.
Masaya akong tumango sa tinuran niya. "So...." I trailed.
I gave her a cheeky smile. "Hindi na ako magbabayad, ah?"
Mahina niyang hinampas ang kamay ko bago tumawa. "Hindi na. May magagawa pa ba ako?"
Umiling ako. "Wala," natatawang sagot ko.
After our little drama, we finally went out of the cafe. Tapos na din naman kami kumain kaya ay naghintay na kami ng taxi na masasakyan papunta sa school.
"Ngayon na lang ulit ako kumain ng sweets for lunch ngayong buwan. Grabe, parang gusto ko puro na lang sweets ang kainin ko buong buwan. Kaso, ayaw ko namang magkaroon ng diabetes! Baka umiyak ka pati si mommy kapag nagkasakit ako," pagdadaldal niya.
Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga pinagsasabi niya. Hindi ako nagsalita at nakinig lang maliban na lang kung tinatanong niya ako.
The whole ride was fun because of Solara. Napakaingay niya na umabot na sa punto na pati ang driver ng taxi na sinasakyan namin ay nakikitawa at nakikisabay sa pagdadaldal ni Sol.
Then, finally, nakarating na kami sa pinapasukan naming university. Schoolmate kaming dalawa dahil gusto ni Papa na magkasama kami para mabantayan daw ako ni Sol.
Asa naman siyang isusumbong ako ni Sol sa kaniya.
Naglakad na kami papasok sa campus. Naghiwalay kami ng daan dahil magkaiba kami ng strand.
My mind was stuck somewhere else. Wala ako sa isip sa buong maghapon. Buti na lang at wala namang masyadong gagawin dahil tapos ko nang ipasa lahat ng mga requirements.
I sighed. Masyado akong kinakabahan sa resulta ng entrance exam ko.
Our professor told us that we can leave once we're done asking other professors to sign our clearance. At dahil tapos na ako ay agad na ako dumiretso palabas ng classroom.
I went to my locker and got my bag. Iniwan ko iyon sa locker dahil tinatamad akong dalhin. Naiuwi ko na lahat ng gamit ko kaya wala na akong kailangang ayusin.
I stared at my locker keys. I guess this is a good bye. I gripped the key in my palm before leaving it inside the locker just like what they instructed as to.
Wala pa man ang graduation ay pansin kong may mga umiiyak ng mga estudyante. Some are playing and running around, making their last days memorable while some are doing a group hug.
Napangiti naman ako. I don't have any friends here. Magkaibang magkaiba kami ni Sol. They only see me as a competition. Si Sol lang naman ang kaibigan ko dito.
I'm silently praying that I'll have at least one friend on the university I enrolled in.
"Ashanti!"
Gulat na napalingon ako sa likod ko nang may biglang sumigaw at humampas sa braso ko. Akmang itutulak ko ito nang makita kong si Sol pala iyon.
Inis na tiningnan ko siya. "Ano ba?!" singhal ko.
"Bakit ka ba nanggugulat?" dagdag ko pa.
She giggled before she intertwined her arms on mine.
"Lutang ka kaya! Kanina pa kita tinatawag kaso nakatitig ka lang sa kawalan. S***a ka, kanina pa ako pinagtitinginan dahil kanina pa kita sinisigawan," pagrarason at pagrereklamo niya.
Inismiran ko siya. "Ewan ko sayo. Dami mong alam."
Hinila niya ako palabas ng gate. "Uwi na tayo!"
Taka ko siyang tiningnan. "Agad? Hindi ka ba muna pupunta sa mga kaibigan mo?"
She gave me a bitter smile. "Anong kaibigan? Sinong kaibigan? Ikaw lang naman ang kaibigan ko, ah?" sagot niya habang pilit na pinapasigla ang tono ng boses niya.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. I held her shoulders and made her look at me. "What do you mean by that?"
"Huh?"
"Inaway ka ba ng mga 'kaibigan' mo?" I asked while making an air quotation.
Nag-iwas siya ng tingin at tinalikuran ako. Nagsimula na siyang maglakad bago ako sinagot. "Sino namang aaway sa akin? Eh, wala nga akong kaibigan. S***a, kulit mo naman," inis na turan niya.
I jogged to keep up with her. "Ano nga kasi ang nangyari? 'Wag ka ngang ganiyan. Titingnan mo pa ang results para sa akin, diba?"
Bahagya siyang natigilan bago nagpatuloy ulit sa paglalakad. "Mamaya na. Tingnan muna natin iyong results."
Tumango na lang ako at hinayaan muna siya.
Bago kami umuwi, dumaan muna kami sa Astro Cafe para doon tingnan ang result.
Huminga ako nang malalim at binigay sa kaniya ang phone ko. "Kapag nakapasa ka, bibilhan kita ng isang slice ng cheesecake. Kapag hindi, bibilhan kita ng isang buong cheesecake para naman hindi ka ma-depress."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kundisyon niya. But, that made me calm down a bit.
"Ready?"
I sighed. "Ready."
She opened my phone and scrolled through the emails. "Here it is," she said that made me straighten my back.
I saw her eyes moving while reading the email. Matapos no'n ay tahimik niya munang tinitigan ang cellphone ko bago ako tinapunan ng tingin.
"So, what it is?" kinakabahang tanong ko.
Tumikhim siya. "Magkano iyong whole cheesecake?" mahinang tanong niya.
Agad namang bumagsak ang mga balikat ko. "O-okay..." malungkot na saad ko.
I did my best, but I guess it wasn't enough. Pinangako ko na tatahakin ko na lang ang daan na gusto ng mga magulang kapag hindi ako pumasa dito.
"Hoy, ano ka ba? Cheer up!"
I gave her a sad smile. Parang ang bigat ng pakiramdam sa d****b ko. "Tara na, uwi na tayo," pag-aaya ko.
"Hala, s***a! Gaga, bibilhan pa kita ng cheesecake!"
I shook my head. "Hindi na kailangan, Sol."
"Anong hindi? Deserve mo 'yon dahil nakapasa ka!" singhal niya sa akin.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. "What?"
Tama ba ang narinig ko? I really hope that she wasn't joking because my hope went high.
"Nakapasa ka!" masaya at nakangiting saad niya.
I was silent for the whole damn minute. My mind couldn't still process the good news she just said.
"Hoy!" She snapped a finger in front of my face that shocked me. But, what shocked me more is that I didn't even blink!
"Ay, wow, taray. Hindi kumurap. Ano, isasama na ba kita sa Jolibee?" pagbibiro niya habang sinusundot sundot ang bewang ko.
"Sol, kung nagbibiro ka man, tigilan mo na 'yan," I warned her.
"Hindi nga ako nagbibiro! Totoo ngang pumasa ka. Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" saad niya.
Did I really?
Nang makitang hindi pa din ako kumbinsido, inangat niya ang cellphone ko at bahagyang sinubsob sa mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin sa ginawa niya ngunit tinawanan lang niya ako.
Inis kong hinablot sa kamay niya ang cellphone ko at kinakabahang binasa ang email na galing sa university kung saan ako nag-take ng exam.
"Oh my god, Sol! I passed!" hindi makapaniwalang hiyaw ko.
"Told ya!" Kinindatan niya ako at hinila palapit sa kaniya. She encircled her arms around me, wrapping me for a very warm hug. "Congratulations!" she squealed.
I hugged her back. "Thank you for the support, Sol," I whispered softly.
"I'm proud of you, Ashanti. Sobra," she whispered back as she hugged me tighter.
Humiwalay ako sa yakap niya. "So, mind telling me what's your problem now?"
Nagpakawala siya nang isang malalim na hininga back ako inikutan ng mga mata. "Akala ko makakalimutan mo na 'yon," kunwari'y naiinis na saad niya.
She stomped her feet like a child. "Nakakainis kasi. I thought they're my friends. Kaso, naririnig kong pinag-uusapan nila ako habang wala ako. Wala namang kaso kung maganda ang sinasabi nila pero puro mga walang kwenta mga lumalabas sa bibig nila, eh. Napaka-toxic nila. I wished I never talked to them in the first place. They befriended me because they need something from me not because they want to. And it sucks, big time," she ranted.
Kita ko ang mga luha niyang nagbabadya ng tumulo. I held her hand. This time, I was the one who pulled her into a tight hug. "You don't need them, Sol. Nandito naman ako, diba?"
Binaon niya ang mukha niya sa balikat ko at tumango. "Ikaw lang sapat na," pilit na biro niya.
I chuckled. I brushed her hair softly.
Natigilan lang kami nang biglang mag-ring ang cellphone ko. I looked at her before checking the caller.
Mama calling...
I hesitated at first if I'll answer it or what. "Sagutin mo na 'yan tapos uwi na tayo," Sol suggested before she took a few steps away from me to give me privacy.
Napabuntong hininga ako bago sinagot ang tawag. "Ma?"
"Ashanti! Where are you? It's past 8:30 already and you're still not home!" bulyaw niya agad pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag.
"Sorry, Ma. I'm with Solara and we had a small celebration on a near cafe," I uttered.
How did she know? Wala sila ni Papa sa mansion pero may mga mata at tainga pala sila. Kapag nasa bahay ako ay wala din naman akong kakampi. Bawat maling galaw ko ay nakakarating agad sa kanila.
I envy Sol. Bukod sa suportado siya ni Tita, malaya siya sa sarili niyang tahanan. She lives alone, but she said she okay with it. It makes me want to live on my own too.
"Ashanti! Are you even listening to me?!" singhal niya.
I sighed. "Yes, Ma. Sorry, pauwi na po kami."
"You—"
Hindi ko na tuluyang narinig ang sasabihin niya nang biglang ko siyang binabaan ng tawag. That must've made her furious.
Itinago ko na sa bulsa ko ang cellphone ko bago naglakad palapit sa pinsang kong nakaupo malapit sa entrance ng cafe. Agad na napunta ang tingin ko sa kahon na nakalapag sa mga binti niya.
My cheesecake!
Napalingon siya sa akin nang lumapit ako. "Oh, ano daw? Galit na naman ba?" tanong niya.
I just nodded. "Akin na," I said referring to the cheesecake.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Napaka-demanding mo namang gaga ka," pagrereklamo niya pero inabot niya pa din.
We went outside and waited for a taxi. Magkaibang taxi na ang sinakyan namin dahil magkaiba ang direksyon ng uuwian namin. Nauna akong nakahanap ng masasakyan.
She took a picture of the taxi's plate number before she let me go. "Sorry, manong! Survey lang po," nakangiwing biro niya sa driver ng maabutan siyang kinukunan ng litrato ang plate number nito.
Tumango na lang ang driver. I waved her good bye and she did the same. "Ingat ka!"
I smiled and told her the same thing.
I stared outside the window until we reached out house. Binayaran ko ang driver at bumaba na pagkatapos. Pinagbuksan naman agad ako ng gate ng guard na nakabantay.
"Good evening, ma'am Ashanti! Nandito na ang mga magulang mo," he informed.
I stopped on my tracks and asked him to confirm what he just said. "Po?"
"Iyong mga magulang mo, kako, nakauwi na," ulit niya.
Tumango ako at pinasalamatan siya.
I sighed.
Hinanda ko na ang sarili ko sa sermon na paparating. Akala ko ay nalaman lang nila na wala pa ako sa bahay dahil tinanong nila ang mga katulong.
I released a sigh of relief when I saw the empty living room. Dahan dahan akong naglakad papunta sa hagdan at tahimik na umakyat papunta sa kwarto ko sa taas.
"Ashanti."
My heart raced fast when I heard my father called my name using a very serious tone.
Tumigil ako sa pag-akyat at dahan dahan siyang nilingon. "Good evening, Pa."
Bumaba ako ng hagdan at nilapitan siya. Nagmano ako at kinakabahang tiningnan siya ngunit hindi ko iyon pinahalata.
"Where have you been?" he asked.
I released a deep breath. "I was with Solara, Pa. Nasa cafe po kami to have a small celebration."
He nodded in satisfaction. Ayos lang sila basta't kasama ko si Sol. They see Solara as this perfect daughter. They want me to be like her. Hindi nila alam na sobrang daming kalokohan ng babaeng 'yon.
"Go and get change. We'll have dinner in a few minutes," utos niya.
Tumango ako. "Yes, Pa."
Bumalik na ako sa hagdan at dali daling umakyat at pumasok sa kwarto ko bago ko pa man makasalubong si Mama.
I took a quick shower before changing into my pink terno pajamas with a watermelon design. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang hairdryer at inawan na lang itong nakalugay matapos pasadahan ng suklay.
Dahil nagugutom na ako ay bumaba na ako at nagpunta sa dining room.
I saw my parents sitting quietly while patiently waiting for me. Nang tuluyan na akong makaupo ay nagsimula na silang kumain.
A servant went near me. Pinagsandok niya ako ng pagkain pero hindi ko na siya pinigilan.
"Thank you po," I uttered softly, more like a whisper.
Isang beses lang siyang tumango bago umalis. I started eating in silence. Akala ko ay matatapos ang dinner na ito ng tahimik nang biglang basagin ni Mama ang katahimikan.
"So, what are your plans for college?" she asked.
Oh, you mean, what are 'your' plans for 'my' college?
I stopped myself from spilling those words.
"Nakapili ka na ba sa mga recommended universities na binanggit ko sayo?" pagtatanong niya ulit.
Pinunasan ko ang labi ko bago inisang lagok ang tubig.
I took a deep breath. I shook my head. "Enrolled na po ako, Ma."
"Really? That's good. What university?" She eyed me curiously while Papa is busy sipping wine from his glass.
Yumuko ako. "I didn't enrolled on any of the university you said, Ma," I informed.
"What?!" Her voice roared in the four corner of the dining room.
"Then, where did you enrolled? Ashanti, please don't tell me na nag-enroll ka nga sa university na 'yon?!" hindi makapaniwalang sigaw niya.
Dahan dahan naman akong tumango.
Napapitlag ako ng biglang tinapon ni Papa sa sahig ang wine glass niya. "Nagrerebelde ka ba, huh?!" galit na saad niya sa akin.
"H-hindi po, Papa. Gusto ko lang naman pong tuparin iyong p-pangarap kong trabaho," mahinang sagot ko.
Ikinuyom ko ng mahigpit ang mga kamay ko para maiwasan ang panginginig.
"Wala ngang kwenta 'yang pangarap na sinasabi mo! Hindi ka mapapakain niyan. Hinding hindi ka mabubuhay diyan! Do you really want to be a disappointment for the rest of your life?!"
Matapang na sinalubong ko ang mga tingin niya. "Hindi po walang kwenta ang pagiging flight attendant and I'll prove you that."
"Oh, really?! Then, go! Prove it. Wala ka nang bahay na mauuwian pa!" sigaw niya.
Hinawakan siya sa braso ni Mama. "Calm down, hon."
Napahawak sa sintido siya sa sintido niya at minasahe ito. "Umalis ka sa paningin kong bata ka."
Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko at nanatiling nakaupo.
"Lumayas ka! 'Wag mong hintaying ako mismo ang kumaladkad sayo palabas!" saad niya na nagpaluha sa akin.
Agad akong umalis ng dining room at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko. I picked up my bag and my phone. I called Sol and told her that I'll be staying with her tonight.
I know that this would happen. Pero, hindi ko pa din maiwasang masaktan nang marinig ko kanina ang mga sinabi sa akin ni Papa. He's right. Dapat na nga akong lumayas. I'm a fucking disappointment.
Kabanata 02Moving Out "Hey, everything is going to be okay." Suminghot ako at mas lalong naluha habang nakasubsob ang mukha ko sa balikat niya. I felt her brushing my hair softly. "Hush now." I sobbed. "Anong gagawin ko ngayon, Sol? I thought I was already prepared for this situation. Hindi pa ako handa, hindi ko pa kayang maging independent. Hindi naman kasi ako katulad mo na suportado ng magulang sa lahat ng bagay," naiiyak na pag-amin ko. She broke the hug and reached my face. She held both of my cheeks in between her warm palms. Nag-iwas ako nang tingin dahil nahihiya akong makita niya kung gaano ako kahina sa mga oras na ito. "Tumingin ka sa akin," utos niya. I sniffed before looking straight to her eyes. Ginawaran niya ako ng isang magaan na ngiti. "Kaya mo. Kaya natin," saad niya. "Sinong nagsabing nag-iisa ka lang? Kaya mo naman sigurong maging independent nang may kasama, diba?" pagtatanong niya.
Kabanata 03Encounter Naglakad ako pabalik sa pwesto kanina ng pinsan kong maluwag ang turnilyo sa utak para makumpirma ko kung siya nga ba ang sinigawan. Staffs and some costumers flocked towards the direction of the commotion. Kinakabahang nagsumiksik ako sa pagitan ng mga nakikiusisa. "Where the hell is your manager?!" Napapitlag, hindi lang ako kung hindi ang halos lahat ng taong nakikinood nang dumagundong ang malalim, malamig at nakakatakot na sigaw ng lalaki. "Hoy!" I squealed when someone suddenly whispered in my right ear. Muntik na akong matumba sa shelf kung hindi ko lang nabalanse ang sarili ko. Gulat na nilingon ko ang mapangahas na gumawa no'n sa akin at nakita ko ang babaeng hinahanap ko na nanlalaki at nakaawang ang mga labing nakatingin sa akin ngayon. Ramdam ko ding may iba pang nakatingin sa akin kaya naman ay umayos ako nang tayo. I cleared my throat. Iginala ko ang paningin ko at nakita
Kabanata 04 Just Another Normal Day "Sol, gising na!" I groaned. Inabot ko ang pinakamalapit na unang nahawakan ko at itinakip ito sa mukha ko. She forcefully grabbed the pillow from me. I hissed and pulled the blanket to cover my whole body. "Sol, ano ba. Gising na, male-late ka na!" rinig kong singhal niya na tila ba'y nauubusan na siya nang pasensya. Natalukbong pa din ako sa kumot. Napahiyaw ako nang muntik na akong malaglag sa kama nang bigla bigla niya na lang itong hinablot nang marahas. "Utang na loob, magpatulog ka naman!" I begged frustratedly. Inis na ginulo ko ang buhok ko at napapadyak na lang nang ilang beses sa hangin. "May klase ka pa! Bakit ba kasi ang aga nang klase niyo? It's not my fault so get your ass out of the bed now. Nakahanda na ang susuotin at mga dadalhin mo. Luto na din ang b
Kabanata 05 Graduation Day Time passed really quick. Parang kailan lang ay kinakabahan pa ako dahil hindi ko alam kung papasa ba ako dito sa Lopez University dahil gustong gusto kong kunin ang course na tourism. I was worried that if I failed, I would be stuck as my parents' puppet. Kung hindi ako pumasa, baka ay umiiyak na ako ngayon dahil hindi ko natupad ang pangarap. But, it was the opposite. Here I am, smiling proudly. I passed the entrance exam. I passed the scholarship exam. Kahit na pinalayas at inabanduna ako ng magulang ko, I always had my cousin, Solara. But, why am I looking around. Bakit sinusubukan kong hanapin ang mga pamilyar na mukha nila. My wishful thinking was having my parents here in my graduation. I want to see them looking at me proudly, kahit na imposible. I blew a deep breath, closed my eyes tightly before opening them again. I flashed a proud smile.
Kabanata 05Graduation DayTime passed really quick. Parang kailan lang ay kinakabahan pa ako dahil hindi ko alam kung papasa ba ako dito sa Lopez University dahil gustong gusto kong kunin ang course na tourism. I was worried that if I failed, I would be stuck as my parents' puppet. Kung hindi ako pumasa, baka ay umiiyak na ako ngayon dahil hindi ko natupad ang pangarap. But, it was the opposite.Here I am, smiling proudly. I passed the entrance exam. I passed the scholarship exam. Kahit na pinalayas at inabanduna ako ng magulang ko, I always had my cousin, Solara.But, why am I looking around. Bakit sinusubukan kong hanapin ang mga pamilyar na mukha nila. My wishful thinking was having my parents here in my graduation. I want to see them looking at me proudly, kahit na imposible.I blew a deep breath, closed my eyes tightly before opening them again. I flashed a proud smile.
Blurb Trystan Lerwin Wuizon is well known for being a young and handsome billionaire. He's also known for being a woman hater. Bata pa lang siya ay iniwan na siya ng kaniyang ina sa ama niya. He hated her because she chose her boyfriend over him. Naging maayos naman ang pangangalaga sa kaniya ng kaniyang ama. Not until his father met someone. His father fell in love hanggang sa naisipan na nitong magpakasal. Napabayaan siya. He had two step siblings. Sa una ay mabait sa kaniya ang step mother niya pero no'ng namatay na ang ama at siya ang ginawang tagapagmana ng lahat ng ari-arian nito, lumabas na ang totoong kulay nito. She hired someone to abduct Trystan and told them to make him experience hell while she's enjoying Trystan's wealth. Thankfully, someone helped him out. He punished his step mother and took his younger half siblings with him, with the help of the his saviour. At a very young
Prologue "Mommy!" Taranta kong minulat ang mga mata ko mula sa mahimbing na pagkakatulog at dali daling binuksan ang ilaw gamit ang mga nanginginig na kamay. Mabilis pa sa alas kuwatro akong tumakbo papunta sa tapat ng kwarto ni Tyler- ang apat na taong gulang kong anak. I knocked on his door. "Baby?" kinakabahang tawag ko. He didn't respond so I took it as a sign and immediately twist the doorknob and step inside his room. Dilim agad ang unang bumungad sa akin sa oras na nakapasok ako sa kwarto niya. Tanging ang liwanag ng buwan na nagmumula sa bahagyang nakabukas na kurtina ng bintana niya ang nagsisilbing ilaw ngayon. I sighed. He probably closed the light again. Kinapa ko ang dingding para hanapin ang switch ng ilaw. "Baby," naiiyak na tawag ko. My heart broke into pieces when I saw my little boy, sitting on his bed with his head was bowed down whi