NAGANAP ang isang tahimik at pribadong kasal sa isang maliit na isla na parte ng Isla Alfieri. It was solemn that only family and close acquaintances were present. Although they had done a ceremonial engagement months ago to formally seal the alliance, which all the heads of the organizations in the underworld were present because it was mandatory.Alessia and Caio chose a private ceremony for their sunset wedding. Kaya heto sila ngayon at nakangiting nagmamartsa patungo sa isa’t-isa. Nakasuot si Alessia ng simpleng puting wedding gown, habang itim na tuxedo naman ang suot ni Caio.Wei was playing violin on the wedding march, making the surroundings more romantic.Sina Ren at Yaya Glo ang naghatid kay Alessia sa altar. Habang naroon din ang magulang ni Caio na maayos naman ang pakikitungo sa kanya. They were against their marriage at first, but Caio was unstoppable. Now, they both adored Alessia.Wushi was beaming as their ring bearer. Masayang-masaya itong maksaksihan ang pag-iisang
NAPLES, ITALYTAAS-NOONG pumasok si Alessia sa loob ng pinakasikat na luxury bar sa siyudad—ang Belladona. It was almost midnight. She wore an impeccable disguise to be sure she would be unrecognizable. Nakasuot siya ng kulay pulang miniskirt at itim na croptop na wari ay ipinangangalandakan ang kanyang piercing sa pusod. Her navel accessory was a rare black diamond that cost a fortune. Makapal din ang kanyang make-up habang itim ang kanyang lipstick.Alessia surveyed her eyes around. The place was perfect for clearing her mind. Magulo ang isip niya ngayon at pilit na kinakalma ang sarili dahil sa nangyari kaninang umaga. She let her hands be stained with blood against her will. She was not supposed to kill a woman, but she still pulled the trigger out of her sniper rifle.Damn. Her jaw clenched.Kaya siya pumunta rito ngayong gabi para mapatunayan sa sarili na hindi siya kasing manhid ng iniisip niya. She was trained to be the Triad’s best assassin at an early age of ten. Napakarami
“YOU’RE going back to Beijing, Alessia. Your job is done.” Paul Chan ordered his daughter. “No, Papa! You lied to me. Why did you let me kill her without giving me her real background? You said we do not kill women and children!” Nanlilisik ang matang wika ni Alessia. Her phoenix eyes filled with so much rage. She overheard his conversation with Zhan, her fellow assassin. Malinaw ang kanyang pagkakarinig na binago ng ama ang background ng target niya para hindi siya mag-alinlangan na tapusin ang buhay nito. Knowing her, she only killed bad people. “This is a special case, Ali. It has to be done!” “I did everything for you, Papa. I killed mercilessly for the organization. But this time, I want to quit!” Huli na para bawiin niya ang mga sinabi. Paul Chan was a Filipino-Chinese and her adoptive father. She had been thankful for him for rescuing her when she was ten—the night when her parents were brutally murdered. Malapit na kaibigan ito ng ama at tinuruan siya nitong lumaban at tugi
MANILA, PHILIPPINES TAGUMPAY na ngiti ang gumuhit sa labi ni Alessia nang tumuntong ang kanyang mga paa sa loob ng NAIA. She made it this far. Kinailangan niyang bumili ng dalawampung plane tickets patungo sa iba-ibang destinasyon sa mundo para kahit paano ay ma-delay ang paghahanap sa kanya. Although they would trace her here in the Philippines sooner. Sisiguraduhin niyang hindi iyon magiging madali. She looked at the map on her phone. Halos tatlong taon na ang huling pagbisita niya sa Pilipinas. Madalas siyang nasa Beijing dahil na rin doon ang sentro ng kanyang mga operasyon. Her father invested a lot of resources on her to the best in the field. Kahit hindi niya gusto ang ginawa nitong pagmamanipula sa buhay niya ay nagpapasalamat pa rin siya sa pagkupkop nito dahil hanggang ngayon ay buhay pa siya. Matagal na niyang planong lumayo at alam na niya kung saan pupunta. It took her a while to find the person she needed to see. Ang kanyang dating tagapangalaga ang hinahanap niya noon
CAIO had to give a second glance at his nanny’s granddaughter. Mukha itong mahiyain at bata pa. Tsinita ang mata nito at napakainosenteng tingnan. Masyadong magulo ang isip niya ngayon dahil nagluluksa pa siya sa pagkawala ni Isabella.“Are you still a minor?” paniniguro ng binata at idinagdag, “If you are, I can’t hire you.”“Twenty-two na po ako, sir,” sabi ng babae na hindi magawang salubungin ang titig niya.“All right, leave. I need to be alone.” Pagtataboy niya sa mga ito.Mabilis namang tumalima ang dalawa. He had a busy day and had to face the grudge of Isabella’s sister. Dumating kasi ito sa pulong kanina at sinisisi siya nito. Halos wala siyang mukhang maiharap dahil aminado naman siyang kasalanan niya ang nangyari.Caio attended a million-dollar worth of bidding. He had to find a suitable supplier of high-caliber firearms, and the winning bidder was a Russian Bratva.Muling bumalik sa isip niya ang mga nangyari sa loob ng pagtitipon na iyon…ISANG malutong na sampal ang dum
PUMIGLAS si Alessia pero malakas ang mga bisig ni Caio. Kaya imbes na maubos ang lakas niya ay hinayaan na lang niya ito. Wala naman itong ginawang kakaiba. Nanatili lang na mahigpit na nakayapos ito sa kanya.“I missed holding you like this, Bella….” Caio murmured.Nakahinga nang maluwag si Alessia. Akala talaga niya ay natatandaan siya nito. Dahil oras na mangyari iyon ay panahon na para lisanin niya ang bahay na ito at maghanap ng ibang pagtataguan.Ilang sandali silang nasa ganoong posisyon bago muling nagsalita ang dalaga. “Ah, Sir Caio…ako po ito, si Ali.”Pero tila wala itong narinig. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “I won’t let anyone hurt you, Bella. I love you so much. I can’t live without you.”“Sir Caio…”“I’m sorry, please forgive me. I will do everything for you, my love.” Pumiyok ang boses ng lalaki.Umiiyak ba ito? Dinig na dinig niya ang tibok ng puso nito dahil sa posisyon nila. Lalong nagulat si Alessia nang maramdaman ang pagdampi ang labi nito sa kanyang noo.“I pr
HUMINGA nang malalim si Alessia habang humigpit ang pagkakahawak niya sa sniper rifle. It took her a while to see her moving target.A woman. Her name was Isabella Gauci.Ngayon lang niya gagawin ito. But based on the report given by his father, that woman was involved in child smuggling and other illegal business related to the poor helpless children. Ilang taon na siyang pumapatay ng mga masasamang tao lalo na at kumakalaban sa kanilang organisasyon. Killing was all she had known since she was ten. This should be just a piece of cake.Do it, Ali. She urged herself.May kasamang dalawang bodyguard ang babae. The woman seemed to glow in happiness. Ilang ulit siyang napalunok habang nakasilip siya sa maliit na teleskopyo ng mahabang baril na hawak niya.Kasalukuyan siyang nakaposisyon sa mataas na bahagi ng isang hotel sa hindi kalayuan. While her target was about to go to one luxury shop.Alessia focused, and her finger slowly held the trigger. Ngayon lang siya nag-alinlangan nang gan
INI-LOCK ni Alessia ang gym nang masigurong walang security camera sa loob niyon. Hinubad niya ang suot na uniporme at nakigamit siya ng mga equipment doon kahit saglit lang. Sanay kasi ang katawan niya sa ehersisyo kaya hindi maaaring hindi siya pagpawisan. Mabilis din naman siyang lumabas para hindi siya paghinalaan. Nakasalubong niya si Nena na nagtataka dahil pawis na pawis siya. “Ayusin mo ang mga labahin, Ali.” “Walang problema.” Nakangiting sagot niya at pakanta-kantang tinungo ang laundry area. Pero hindi niya lubos akalain na sandamakmak ang labahin dahil kasama ang mga makakapal na bedsheet at kumot. Mukhang nanandya si Nena. Naglalaba naman siya ng sariling damit lalo na kapag nasa misyon siya. Pero ni minsan ay hindi niya pa nasubukan ang ganito karami. She was never trained to do a household chore because they had plenty of maids at home. Naabutan siya ni Yaya Glo na tila natutulala sa dami ng labahan. Waring nabasa naman nito ang laman ng isip niya. “Hayaan mo na ‘ya
NAGANAP ang isang tahimik at pribadong kasal sa isang maliit na isla na parte ng Isla Alfieri. It was solemn that only family and close acquaintances were present. Although they had done a ceremonial engagement months ago to formally seal the alliance, which all the heads of the organizations in the underworld were present because it was mandatory.Alessia and Caio chose a private ceremony for their sunset wedding. Kaya heto sila ngayon at nakangiting nagmamartsa patungo sa isa’t-isa. Nakasuot si Alessia ng simpleng puting wedding gown, habang itim na tuxedo naman ang suot ni Caio.Wei was playing violin on the wedding march, making the surroundings more romantic.Sina Ren at Yaya Glo ang naghatid kay Alessia sa altar. Habang naroon din ang magulang ni Caio na maayos naman ang pakikitungo sa kanya. They were against their marriage at first, but Caio was unstoppable. Now, they both adored Alessia.Wushi was beaming as their ring bearer. Masayang-masaya itong maksaksihan ang pag-iisang
8 MONTHS LATERKazan, RussiaIT WAS a silent winter night in Kazan when Caio and Alessia finally moved on their most awaited operation—hunting Viktor Ivankov. Matagal nila itong pinagplanuhan para siguruhin magtatagumpay sila. There was no room for errors. Lalo na at ito ang kauna-unahang joint operation ng dalawang organisasyon na mismong pinangunguhanan ng kanilang mga lider na kapwa naroon din.Mabilis ang bawat galaw ng mga miyembro ng Black Assassins at Phantoms. Rouyun and Carl had already recovered, kaya kasama rin sila roon. “We are all in position, Your Highness,” wika ni Rouyun mula sa communication device na nakakabit sa kanyang tainga.“Yes, Ghost. Copy that.” Tumango si Alessia. Tumingin siya sa tabi niya—si Caio na katatapos lang kausapin si Carl.Kapwa sila nakasuot ng full battle gear at may hawak na malaking assault rifle.They had a sneak attack. Biglang namula ang niyebe dahil sa dugong dumanak. Maya-maya pa ay nagpalitan na ng putok ng baril. Mayroon ding mga pag
“DADDY!” Masiglang salubong ni Wushi sa ama nang makauwi ito sa bahay kasama si Alessia.Agad itong kinarga ni Caio. “You’re heavier now. How are you, son?”“Uncle Ren and I saw dragons and dinosaurs!” Tuwang-tuwa ang bata habang nagkukuwento. Alessia let the two of them catch up.“Where’s the people in the house?” Takang tanong ni Alessia. Hindi niya kasi nakita si Ren na madalas kalaro ni Wushi. Sinadya kaya iyon ng binata dahil alam nitong dadalhin niya si Caio ngayong gabi?Naiintindihan naman ni Alessia na hindi pa welcome si Caio sa kanilang pamilya. Given their bloody history, at alam niyang hindi naman niya puwedeng madaliin ang pagtanggap ng mga ito sa lalaking nakatakda niyang pakasalan.Nilapitan niya ang dalawa. “Both of you should rest. We’ll have a big celebration tomorrow for Wushi’s birthday.”Hindi naman nagprotesta ang dalawa. Caio took charge of looking after their son to sleep. Habang si Alessia ay hinanap si Ren. At gaya ng inaasahan, natagpuan niya ito sa gilid n
HINDI inaasahan ni Alessia na magtatagal si Caio sa Italy. As they predicted, the Venetto family rebelled against the organization. The bratva backed them up. Kaya kailangang nanatiling ni Caio roon para maayos ang kaguluhan sa loob ng Mafia. Tuluyan ding naparusahan ang buong angkan ng mga Venetto at ang pamilya Gauci.“Nanay, when will Daddy come?” Nayayamot na tanong ni Wushi.“Soon, sweetheart. He’s a little busy at work.”“He needs to work hard so he can buy me toys, Nanay?” inosenteng tanong nito.“Exactly, so let’s just wait, okay?”“Okay. Uncle Ren is always playing with me, but he is busy too. Why is everybody busy?”“Because adults need to work to survive.”“I don’t want to grow up, then.” Wushi wrinkled his nose.Kahit lagi naman nagkikita ang mag-ama sa videocall, lagi pa rin itong hinahanap ni Wushi. Lalo na at malapit na ang kaarawan nito. They were still in Beijing. Isang araw bago ang kaarawan ni Wushi, nakatanggap siya ng tawag mula kay Caio na dumating na ito sa Bei
NAGTIPON ang buong squad sa loob ng conference room ng private residence ng mga Chan sa Beijing tatlong araw matapos mailagay sa huling hantungan si Xiaoyu. Everyone agreed to put her in their family ancestral shrine. Mula sa Hong Kong, inilipat iyon sa Beijing dahil nakompromiso ang kanilang base roon tatlong taon na ang nakararaan.“Ali did not attend Xiao’s burial, but she promised to be here today,” wika ni Ren. Isa-isa niyang tiningnan ang mga taong nakapalibot sa malaking pabilog na mesa. There were only five of them excluding Alessia and Zhan.Everyone seemed anxious. Lalo na at napag-alaman na ng lahat ang tungkol sa pagbabalik ni Zhan. Vesta was too excited to break them the news about it.“Vesta, are playing a prank on us? Did Ali really find Zhan?” Hindi nakatiis na tanong ni Hyacinth.“Hyacinth Jiejie, why would I lie? Besides, why are you even here? Does your husband know?” wika ni Vesta habang nakatingin sa mga kuko nito sa kamay.Hindi naman ito pinatulan ni Hyacinth. H
“WE have to fly to Beijing. I need to bring Wushi there, our quarterly meeting is coming. Hindi ko rin naman na maitatago ang bata sa pamilya ko. Besides, he will be safer there,” wika ni Alessia habang naroon sila sa living room na private resort na pag-aari ni Caio. Gusto sana niyang dalhin ang mag-ama sa main base ng organisasyon ng Triad, pero sa huli ay pinili niyang dito muna manatili habang nag-iisip siya. Every corner of the vicinity was heavily guarded.“I will go there as soon as I settle this mess. The Venettos will not sit idle, I need to give them the punishment myself.” Kalmadong wika ni Caio pero nasa mata nito ang matinding galit. “I tried to understand Chiara’s motivation because she was jealous. But killing Wushi just because she was that petty? That’s unforgivable!”“Sigurado kang hahayaan mong dalhin ko si Wushi sa China? Hindi ka ba natatakot na baka hindi mo na siya makita?”Kinuha ni Caio ang kamay niya at hinalikan iyon. “Didn’t we promise to start trusting eac
“ALI JIEJIE!” Vesta was overjoyed to see Alessia. Pero mukhang wala siya sa timing dahil naabutan niya itong hawak sa leeg ang isang babae.“For years I tried my best not to kill you despite the grievances between us. Because I vowed to stop the cycle of killing between our organization. I didn’t even act after knowing you’re the one who kill Xiao. But what you did tonight is a different story. I will never forgive you siding with Viktor trying to harm my son!” Alessia was filled with fury.“Oops.” Atubiling tumabi si Vesta dahil sa nakita niyang galit sa mukha ni Alessia. “I should’ve bought popcorn. I haven’t seen her in action in years.”Kinikilig si Vesta na tinapik ang braso ng lalaki sa tabi niya. She thought he was one of Ali’s men. “But is it true that she killed Xiaoyu? I’m excited how Ali will handle that villain!”“Vesta Meimei…” the man muttered.Unti-unting nalaglag ang panga ni Vesta dahil siguradong kilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon.Nag-angat siya ng tingin
“FUCK! What is that?!” Biglang napasigaw si Viktor dahil sa lakas ng pagsabog. His left cheek was caught on fire. “Who the hell would fire a bazooka?!”Hindi alintana ni Viktor ang sugat sa kanyang mukha at agad na naghanap ng mapagkukublian dahilan para hindi niya maipagpatuloy na makalabit ang gantilyo ng kanyang baril.Rouyun and Carl found a way to defend themselves and got away in time. Pero sino nga ba ang naglakas look na magpasabog? Gayung isang silent rule sa bawat organisasyon na huwag gumawa ng bagay na makakakuha ng atensyon ng mga sibilyan. Dahil hangga’t maaari ay iiwasan nila na makialam ang mga awtoridad.“Yun, you son of a bitch, what the hell are you doing? You can’t die right now!” anang matinis na tinig babae.Rouyun saw a silhouette of a woman holding a short-range tubular rocket launcher. Saka lang siya ilang ulit na napakurap dahil hindi siya makapaniwala nang magpagsino ito.“Duchess!” Rouyun exclaimed.“Get up! Everything is a mess.” Utos ng babae. “I’m with R
“SNIPERS, ready!” Utos ni Carlito mula sa kanyang earpiece. Kasalukuyan siyang nakaposisyon sa loob ng living room para siguruhing walang makakapasok sa loob ng bahay mula sa ground floor.Habang si Rouyun ay naroon nakadapa sa roof deck gamit ng kanyang sniper rifle.Nagsimulang magpalitan ng putok. Everyone seemed ready for the assault as both sides used a special weapon with silencer to prevent outsiders from getting involved.Ang mga miyembro ng Black Assassins ay nakaposisyon naman sa mga sulok sa mataas na bahagi ng paligid. They were at strategic locations to gain vantage point, but they’d rely on long range combat. Oras na makapasok ang mga kalaban sa loob ng bahay, siguradong katapusan na nilang lahat.“Commander Zhao, what’s the movement up there?” tanong ni Carlito.There was a static sound before Rouyun answered. “I can’t find Viktor. Our assailants looked identical. They are still too many. Their snipers took a few of your men down.”“Shit!” Napatiim-bagang si Carlito.Pa