MANILA, PHILIPPINES
TAGUMPAY na ngiti ang gumuhit sa labi ni Alessia nang tumuntong ang kanyang mga paa sa loob ng NAIA. She made it this far. Kinailangan niyang bumili ng dalawampung plane tickets patungo sa iba-ibang destinasyon sa mundo para kahit paano ay ma-delay ang paghahanap sa kanya. Although they would trace her here in the Philippines sooner. Sisiguraduhin niyang hindi iyon magiging madali.She looked at the map on her phone. Halos tatlong taon na ang huling pagbisita niya sa Pilipinas. Madalas siyang nasa Beijing dahil na rin doon ang sentro ng kanyang mga operasyon. Her father invested a lot of resources on her to the best in the field. Kahit hindi niya gusto ang ginawa nitong pagmamanipula sa buhay niya ay nagpapasalamat pa rin siya sa pagkupkop nito dahil hanggang ngayon ay buhay pa siya.Matagal na niyang planong lumayo at alam na niya kung saan pupunta. It took her a while to find the person she needed to see. Ang kanyang dating tagapangalaga ang hinahanap niya noong bata pa siya. Tiyak na makikilala siya nito at hindi siya tatanggihan. Nag-background check din si Alessia sa mga taong nakapaligid dito kaya lang wala siyang masyadong mahanap na importanteng detalye.Isuot niya ang itim na aviator sunglasses at pumara ng taxi. Magulo ang isip niya pero desidido siya sa gagawin. Nagtaka pa ang driver dahil walang pasabing nagsuot siya ng maluwang na damit at itinago ang ilang mamahaling gamit sa loob ng kanyang bag. Ginulo rin niya ang buhok bago bumaba.Narating niya ang paroroonan at tumambad sa kanya ang higanteng asul na gate. Hindi siya nag-alinlangan na pindutin ang doorbell. Nakailang ulit siya bago lumabas ang isang naka-unipormeng guard.“Sinong hinahanap mo, Miss?” tanong ng malaking bulas na lalaki na tantiya niya ay nasa mid-thirties.“Hinahanap ko si Gloria Asuncion. Dito siya nagtatrabaho ‘di ba?” sinikap ni Alessia na maging mukhang inosente na tila ngayon lang napadpad sa syudad. Suot kasi niya ang isang pulang oversized t-shirt na tinernuhan ng punit-punit na maong na pantalon. Nakasukbit naman sa kanyang balikat ang isang malaking kulay pink na ecobag na naglalaman ng mga gamit niya.“Ah, si Yaya Glo? Kaano-ano mo ba siya?” Nagdududang tanong ng guwardya.Alessia had expected the security would be this strict. Hindi basta-basta ang lugar na ito na pawang mga mayayaman ang nakatira kaya hindi na siya nagtaka.“Kailangan ko siyang makausap. Importante lang… N-naglayas kasi ako sa probinsya. Muntik na akong gahasain ng tiyuhin ko at siya na lang ang tanging kamag-anak na malalapitan ko.” Napasinok si Alessia. Mabilis na namuo ang luha sa mata niya hanggang sa napahikbi siya.“Kawawa ka naman. Ang bata mo pa.”“Tulungan mo ako, Manong Guard. Kahit ilang minuto lang, parang awa mo na.” Humawak si Alessia sa braso ng guwardya. She suppressed her smile as soon as she saw his face softened. Maliit na bagay lang ito. Madaling magmanipula ng tao gamit ang emosyon.Binaklas ng guwardya ang kanyang kamay. “Sandali, Ineng. Tawagin ko lang.”“Naku, maraming salamat po!” Pinunas niya ang luha sa mata. But she secretly scrutinized the place around, marking every CCTV camera to be sure she stood at an angle that could not reveal her whole face.Kinuha ng lalaki ang radyong nakasukbit sa baywang nito. “May babaeng naghahanap dito kay Yaya Glo. Kamag-anak daw.” Binalingan siya nito at nagtanong, “Anong pangalan mo, bata?”“A-Ali…” tipid na sagot niya. Iyon naman ang tawag sa kanya ng tagapangalaga noong bata pa siya.Ilang minuto pang nakipag-usap ang guwardya bago ito nagbigay ng kumpirmasyon. “Papunta na raw, Ineng. Pero wala daw siyang kamag-anak na Ali.”“H-ho? P-pati pala siya kinalimutan na rin ako. Dios ko, ano nang mangyayari sa buhay ko.” Alessia sounded helpless.Nagbuntong hininga ang lalaki at kahit nagpipigil ito at halata nang awang-awa sa kanya.“Doon ka muna sa guard house maghintay. Mahigpit kasi rito, ayaw ni Boss na magpapasok ng kung sino lang.”Tumango si Alessia. “N-naintindihan ko po. Salamat.”Alessia smirked in silence as soon as she entered the gate. Tahimik siyang naupo sa monobloc chair sa loob ng guard house habang pinag-aaralan ng paligid.A four-storey house stood at a distance. Napakalawak ng hardin na natataniman ng iba-ibang makukulay na mga bulaklak. Nakahilera rin sa gilid ng daan patungo sa malaking bahay ang matatayog na puno ng Persimmon na hitik sa bunga. The place would be perfect for her to hide.Ilang sandali pa ay tumambad na sa harapan niya ang may katandaang babae. Namumuti na ang buhok nito at nakasuot ito ng asul na uniporme ng isang kasambahay. Yaya Glo’s plump figure remained the same.Tumayo si Alessia. “Nakikilala n’yo pa po ba ko? Ako na po ito, si Ali.”“Dios ko, Alessia. Ikaw na ba ‘yan?” Halos hindi makapaniwala ang matanda sa nakikita. Maluha-luha itong niyakap siya. “Ali, ikaw nga! Anong nangyari sa ‘yo? Paano ka napunta rito?”“Ako nga po.” Gumanti siya ng yakap sa matanda. This was the first in a very long time that she felt loved. Hindi maipagkakaila ang sayang bumalot sa puso niya.“Yaya Glo…” she whispered.“Dalagang-dalaga ka na. At ang ganda-ganda mo.”Kumalas ito sa pagkakayakap nang lumapit ang security guard. “Kaano-ano mo ba ito, Yaya Glo? Mukhang tumakas sa probinsya ha. Kawawa naman, gusto raw siyang pagsamantalahan ng tiyuhin. Tutal malakas ka naman kay Boss, ipakiusap mo na lang siya na mamasukan dito.”“Ito si Ali…apo ko.” Puno ng galak ang mukha nito. Pinunas nito ang luha, “Bert, dalhin ko muna sa loob para makapag-ayos. Ako nang bahala kay Sir Caio.”“Sige na.” Pagtataboy sa kanila ng lalaki.Hindi pa nakakahuma ang matanda kay Alessia. “Anong nangyari sa ‘yo anak? Paano mo ako nahanap? At bakit ganyan ang itsura mo? Nabalitaan kong inampon ka ng kaibigan ng daddy mo kaya naibsan ang pag-aalala ko. Pero Diyos ko, pinabayaan ka ba niya?” Sunod-sunod ang tanong nito.Mariing umiling si Alessia habang kuyom ang kamao. Kung malalaman lang nito ang impyernong dinanas niya. “Isang napakahabang kuwento, Yaya.”Agad siyang sinaway ng matanda. “Lola ang itawag mo sa akin, Ali. Ayaw kong pagdudahan ka ni Sir. Masyadong maingat iyon sa mga taong pumapasok sa bahay.”“Opo…Lola.” Nakuhang ngumiti ni Alessia. Mula pagkabata kasi ito na ang nag-alaga sa kanya. Mabuti na lang at umuwi ito sa probinsya nang gabing pinaslang ang mga magulang niya. At mula noon ay hindi na sila nagkita pa.Sa likod ng bahay sila dumaan at walang pag-alinlangan na pinapasok siya ni Yaya Glo sa loob ng silid nito.“Maligo ka muna at mamaya ipapakilala kita kay sir. Hindi kita pipilitin na magkuwento kung anong nangyari sa ‘yo. Pero puwede kang manatili rito pansamantala. Masaya akong nagkita tayong muli.”“Salamat, Yaya Glo. I spent most of my time in Beijing these past few years. I ran away from home. I didn’t want Papa to find me. I’ve been through hell, Yaya.” Bakas ang matinding poot sa mukha niya na agad namang nahalata ng matanda kaya hinaplos nito ang likod niya.“Dito ka muna, safe ka rito.” Pinayapa nito ang kanyang loob. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nito na nagmula si Alessia sa mayamang pamilya na maraming illegal na negosyo. Pero hindi na ito nag-usisa pa.“I won’t stay here for long. Gusto ko lang magpalamig muna.” Naupo siya sa kama at marahas na nagbuga ng hangin.“Hanggang nandito ako, wala kang magiging problema. Basta hangga’t maaari ay iwasan mo si Sir Caio.”“I will do it.”“Sabihin mo lang kung ano ang maitutulong ko anak. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama tayo ngayon. Masayang-masaya ako na maayos ang lagay mo.”Lumambot ang ekspresyon ni Alessia. “Ako rin, Yaya.”Iniwan siya nito saglit nang ipatawag ito sa isang kasambahay na dumating na raw ang kanilang amo galing sa trabaho. Kaya mabilis na nag-ayos si Alessia. Isang kulay puting oversized shirt ang ipinalit niya at purple na pajama. Hinayaan niyang nakalugay ang hanggang leeg niyang buhok at wala siyang kahit anong kolorete sa mukha.Alessia knew who the boss was. He was Caio Alfieri, a CEO of a well-known construction firm in the country. Pero mailap ito dahil sa kabila ng galing niya sa pagkalap ng mga sensitibong impormasyon, ay wala siyang nakitang litrato nito maliban sa lalaking sekretarya nitong si Giovanni Mardetti. Both men were of a mixed heritage of Filipino and Italian.Nakapagpahinga naman siya buong maghapon ngunit biglang pumasok si Yaya Glo na tila nagmamadali bandang takip-silim. “Ali, halika rito. Ipakikilala kita kay Sir. Sinabi kong ipapasok kita ritong kasambahay.”“H-ho?!” Nagulat si Alessia dahil hindi niya ito inaasahan.“Bilis na at mainit ang ulo baka mapagdiskitahan ka. Mabuti nang magtrabaho ka rito para kahit magtagal ka walang magdududa.”“Sige.” Tumayo siya at agad na sumunod rito.Natagpuan niya ang sariling natutulala nang makarating sa loob ng mini bar. Naroon ang may-ari ng bahay. Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang mapagsino ang lalaking abalang umiinom ng alak.“Sir, ito po si Ali ‘yong sinasabi ko.” Atubiling sabi ng matanda.Lumingon ang lalaki. “I don’t need another maid. But since you’re Yaya Glo’s grandchild, you’re hired.”“Y-yes, sir.” Yumuko siya.“Ali, ito si Sir Caio, ang amo natin.” Pagpapakilala ni Yaya Glo.“P-pagbubutihin ko ang trabaho ko, sir.” She averted her gaze as soon as she raised her head. Mukha lang siyang kalmado pero sobrang eratiko ang tibok ng puso niya. Paanong hindi siya magugulat? Caio Alfieri was the man she spent a wild night in Italy!CAIO had to give a second glance at his nanny’s granddaughter. Mukha itong mahiyain at bata pa. Tsinita ang mata nito at napakainosenteng tingnan. Masyadong magulo ang isip niya ngayon dahil nagluluksa pa siya sa pagkawala ni Isabella.“Are you still a minor?” paniniguro ng binata at idinagdag, “If you are, I can’t hire you.”“Twenty-two na po ako, sir,” sabi ng babae na hindi magawang salubungin ang titig niya.“All right, leave. I need to be alone.” Pagtataboy niya sa mga ito.Mabilis namang tumalima ang dalawa. He had a busy day and had to face the grudge of Isabella’s sister. Dumating kasi ito sa pulong kanina at sinisisi siya nito. Halos wala siyang mukhang maiharap dahil aminado naman siyang kasalanan niya ang nangyari.Caio attended a million-dollar worth of bidding. He had to find a suitable supplier of high-caliber firearms, and the winning bidder was a Russian Bratva.Muling bumalik sa isip niya ang mga nangyari sa loob ng pagtitipon na iyon…ISANG malutong na sampal ang dum
PUMIGLAS si Alessia pero malakas ang mga bisig ni Caio. Kaya imbes na maubos ang lakas niya ay hinayaan na lang niya ito. Wala naman itong ginawang kakaiba. Nanatili lang na mahigpit na nakayapos ito sa kanya.“I missed holding you like this, Bella….” Caio murmured.Nakahinga nang maluwag si Alessia. Akala talaga niya ay natatandaan siya nito. Dahil oras na mangyari iyon ay panahon na para lisanin niya ang bahay na ito at maghanap ng ibang pagtataguan.Ilang sandali silang nasa ganoong posisyon bago muling nagsalita ang dalaga. “Ah, Sir Caio…ako po ito, si Ali.”Pero tila wala itong narinig. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “I won’t let anyone hurt you, Bella. I love you so much. I can’t live without you.”“Sir Caio…”“I’m sorry, please forgive me. I will do everything for you, my love.” Pumiyok ang boses ng lalaki.Umiiyak ba ito? Dinig na dinig niya ang tibok ng puso nito dahil sa posisyon nila. Lalong nagulat si Alessia nang maramdaman ang pagdampi ang labi nito sa kanyang noo.“I pr
HUMINGA nang malalim si Alessia habang humigpit ang pagkakahawak niya sa sniper rifle. It took her a while to see her moving target.A woman. Her name was Isabella Gauci.Ngayon lang niya gagawin ito. But based on the report given by his father, that woman was involved in child smuggling and other illegal business related to the poor helpless children. Ilang taon na siyang pumapatay ng mga masasamang tao lalo na at kumakalaban sa kanilang organisasyon. Killing was all she had known since she was ten. This should be just a piece of cake.Do it, Ali. She urged herself.May kasamang dalawang bodyguard ang babae. The woman seemed to glow in happiness. Ilang ulit siyang napalunok habang nakasilip siya sa maliit na teleskopyo ng mahabang baril na hawak niya.Kasalukuyan siyang nakaposisyon sa mataas na bahagi ng isang hotel sa hindi kalayuan. While her target was about to go to one luxury shop.Alessia focused, and her finger slowly held the trigger. Ngayon lang siya nag-alinlangan nang gan
INI-LOCK ni Alessia ang gym nang masigurong walang security camera sa loob niyon. Hinubad niya ang suot na uniporme at nakigamit siya ng mga equipment doon kahit saglit lang. Sanay kasi ang katawan niya sa ehersisyo kaya hindi maaaring hindi siya pagpawisan. Mabilis din naman siyang lumabas para hindi siya paghinalaan. Nakasalubong niya si Nena na nagtataka dahil pawis na pawis siya. “Ayusin mo ang mga labahin, Ali.” “Walang problema.” Nakangiting sagot niya at pakanta-kantang tinungo ang laundry area. Pero hindi niya lubos akalain na sandamakmak ang labahin dahil kasama ang mga makakapal na bedsheet at kumot. Mukhang nanandya si Nena. Naglalaba naman siya ng sariling damit lalo na kapag nasa misyon siya. Pero ni minsan ay hindi niya pa nasubukan ang ganito karami. She was never trained to do a household chore because they had plenty of maids at home. Naabutan siya ni Yaya Glo na tila natutulala sa dami ng labahan. Waring nabasa naman nito ang laman ng isip niya. “Hayaan mo na ‘ya
SUMAMA si Alessia kay Yaya Glo sa pamamalengke kinagabihan para na rin makaiwas sa mga bisita ni Caio sa bahay. Her gut instinct was telling her it was dangerous to expose herself to the strangers. Lalo na kay Giovanni. Hindi niya gusto ang mapagdudang tingin nito sa kanya.“Lola, may pupuntahan lang ako saglit.” Nagpaalam siya kay Yaya Glo nang marating nila ang supermarket.“Saan ka pupunta?” Nagtatakang tanong nito.“Bibili ako ng ilang pirasong damit.” Napakamot siya sa ulo. Nakatingin kasi sa kanila si Ronnie, ang private driver ni Caio. Baka makahalata itong ibang tao siya kapag sila lang ni Yaya Glo ang nag-uusap.“May pera ka pa ba?” Nag-aalalang tanong ng matanda na alam niyang sinasakyan lang ang pag-arte niya.“Meron pa naman po. Babalik ako kaagad.” Mabilis siyang tumalima at tinantiya ang oras mula sa mumurahing relong suot niya.Tinungo ni Alessia ang isang opisina ng kilalang courier service at nag-pick-up ng malaking parcel na siya rin mismo ang nagpadala sa sarili niy
IGINIYA si Alessia sa living room habang mabilis ang kilos ni Giovanni na kumuha ng malamig na tubig sa kusina. Patuloy ang pag-alo sa kanya ni Caio. “I heard from Bert you left the province because your uncle tried to rape you. I’m really sorry about this, Ali. Tell me how to make amends. Do you want to put Ronnie in jail?” Uminom ng tubig si Alessia na ibinigay ni Giovanni. Nakamasid lang ito sa kanilang dalawa at nasobrahan yata ang pag-arte niya dahil hindi tuloy siya makaalis basta. “O-okay lang sir. Basta huwag na po mauulit. Kawawa naman si Ronnie kung makukulong siya.” She looked down. Mahabang proseso pa kasi kapag iyon ang hiniling niya. Kaya niya naman gawan ng paraan na alisin sa landas niya si Ronnie anumang oras na gustuhin niya. Pero wala siya sa mood na idispatsa ito dahil malaking effort pa iyon sa parte niya. Babalian na lang siguro niya ito ng buto kapag hindi pa nadala. Nakatingnan dalawang lalaki sa sinabi ni Alessia. “Are you sure? I can’t fire him this time
WALANG nagawa si Alessia nang isama siya ni Caio sa lakad nito kinabukasan. Kahit kasi tumanggi siya ay naging mapilit ito. Ayaw naman niyang mag-inarte dahil baka pagdudahan siya nito. Pero nagulat siya dahil akala niya ay may iba pa silang makakasma mula sa kumpanyang pag-aari nito. But it turned out, it was only her, Caio, and Giovanni.Nakahinga nang maluwag si Alessia dahil sa private chopper sila sasakay. Although she had prepared for a worst-case scenario if they would go through the airport, she’d make sure her real identity would not be compromised. Hindi na rin nagtaka si Alessia nang si Giovanni ang magpapalipad ng sasakyang panghimpapawid. She knew that Giovanni Mardetti was a licensed private pilot.“Are you afraid?” tanong ni Caio sa kanya nang napansin nitong tila nag-aalangan siya.Tumango si Alessia. She had to act accordingly. Kaya umasta siyang sabik at nag-aalinlangan na sumakay sa helicopter. Kung alam lang ng mga ito na ilang ulit na silang muntik nang mamatay ni
NAGTANGIS ang mga bagang ni Zhan habang dinadamdam ang sakit ng pagtama ng latigo sa kanyang likod habang nakagapos ang kanyang dalawang kamay. He was shirtless, and the whip mercilessly touched his bare back. Naroon sila sa bunker ng private residence ng mga Chan sa Beijing. “Where is Ali?” Nanlilisik ang matang tanong ni Paul Chan. “I don’t know!” mariing wika ni Zhan sa lalaki. Nalaman kasi nitong kinausap siya ni Alessia nang nakaraang araw. At kung pano nito nalaman ay hindi niya alam. Paul probably hired a set of computer hackers to track Alessia. “I don’t want to do this with you, Zhan. But you know the rules once you lied. Why didn’t you tell us that Ali had contacted you from the Philippines?” namumula ang mukha ng matandang lalaki. “She just wanted to convey that she’s safe. Uncle, please. Let her relax for some time. I promise to bring her back.” Muling lumapat ang latigo sa kanyang likod. Muli siyang napapikit nang mariin. Zhan was prepared for this punishment. Pa
MULI na namang dinalaw ng kanyang mga bangungot si Matt. Nitong mga nakalipas na araw ay napapadalas ang kanyang mga masasamang panginip. “Matt, gising!” Tinapik ni Willa nang marahan ang pisngi nito. Pero mukhang nasa kailaliman ito ng tulog. Sa isip ni Matt, nakita niya ang mukha ng lalaking nakilala niya kanina. Hawak nito ang kanyang leeg habang nakagapos ang kanyang mga kamay… “Where is Medusa? Did she send you here?” Tanong ng lalaki habang nangangalit ang mga mata nitong puno ng galit at poot. Kitang-kita ni Matt ang duguan niyang katawan na tadtad ng pasa at sugat. He must have endured a lethal torture. Nakagapos ang kanyang mga kamay at paa kaya hindi siya makagalaw kahit anong pagpalag ang gawin niya. “I will never forgive you, Sean. I trusted you!” The man’s voice thundered. Ngumisi lang siya. “Medusa has nothing to do with this. Do you really think she can kill you? By now, you must already know who she is.” “You two made me a fool!” Binitawan ng lalaki ang leeg niya
AKMANG muling lalapitan ni Alessia si Zhan pero naabutan na siya ni Caio at hinawakan siya sa braso.“What have you done to him?!” Tiningnan ni Alessia si Caio na puno ng pag-aakusa.Bago pa man nakasagot si Caio ay may biglang babaeng dumating. Natataranta itong lumapit kay Zhan.“Matt, halika na!” tawag ng babae.Pinasadahan ng tingin ng Alessia ang babae. At first glance, Alessia could tell that the woman was not a native of this island. At gayun na rin ang pagkagulat niya nang mapansin ang maubok nitong tiyan. She looked pregnant!Bakas ang takot sa mukha ng babae at nagmamadaling umalis. Pero agad din itong napatigil sa paghakbang nang tawagin ito ni Caio.“It’s good to see you well, Willa…”Dahan-dahang lumingon ang babae. Hindi nito itinago ang pangingilid ng luha sa mata. She looked at Caio with disdain.“Love, sino sila?” Naguguluhang tanong ni
TATLONG araw na hindi nakabalik si Caio mula nang umalis ito sa bahay ni Alessia. Nagsimula nang maghanap si Wushi sa ama. Nasagot ang isang katanungan sa isip ni Alessia kung ano ang posibleng mangyari kung ilalayo niya nang tuluyan si Wushi sa ama. The child would be devastated and might resent her forever.“Nanay, where is daddy? I miss him already,” tanong ni Wushi habang nakatingin sa bintana.“He is calling you every day. He needs to work, sweetheart. So, he could provide you everything you need,” mahinahong paliwanag ni Alessia.“But Nanay, I want to play with him. Uncle Yun does not let me win.” Napalabi si Wushi.Tiningnan ng masama ni Alessia si Rouyun sa hindi kalayuan. “I will tell your Uncle Yun to let you win every time.”Umiling si Wushi. “Not that, Nanay. He will always win because he’s old. Why don’t you give me a little brother? Or a sister?”“What?” Nagulat si Alessia sa sinabi ng anak. Nanghihingi ito ng kapatid!“Is it hard, Nanay? Uncle Yun said it’s easy. I’ll o
BUMAGSAK ang panga ni Nena nang makarating siya sa bahay na kinaroroonan ng alaga. Paano ba naman kasi nakita niya si Alessia na sumalubong sa kanya habang hawak sa kamay si Wushi.“M-Multo…” Halos hindi kumukurap si Nena at nanginginig ang kamay na itinuro si Alessia sa hindi kalayuan. Habang nasa likod nito si Carlito na kanina pa nakasalubong ang kilay dahil sa ginagawi ni Nena.“Carlito, nakikita mo ba ang nakikita ko?” Tinapik ni Nena ang braso ng lalaki.Hindi naman kumibo si Carlito.“Yaya Nena!” sigaw ni Wushi at patakbong lumapit kay Nena.“Dios ko, Wushi! Akala ko kung napano ka na!” Mangiyak-ngiyak si Nena nang salubungin ng yakap ang bata. Pansamantala nitong nakalimutan ang presensya ni Alessia. Kaya nang muli itong tumingin ay gayun pa rin ang pagkagulat nito.“Wushi, are you seeing what I’m seeing?” Turo ni Nena.Nagtatanong ang mga mata ng inosenteng mukha ni Wushi. “Who, Nanay?”“Nanay? You’re seeing your Nanay?” Lalong namutla si Nena. Nakakakita ng multo si Wushi?K
TUMIKHIM si Rouyun dahil kanina pa papalit-palit ang kanyang tingin kina Caio at Alessia. Agad siyang nagpunas ng table napkin pagkatapos kumain.“I need to go somewhere.” Tumayo si Rouyun. He had fun third wheeling between the two. But he didn’t want to overdo it since Alessia might have thought he was betraying her.“Saan ka pupunta?” Takang tanong ni Alessia.“I’ll go shopping for my godson.” Tumingin si Rouyon kay Wushi.“Wushi has everything. No need to trouble yourself,” biglang wika ni Caio.Rouyun just shrugged. “I’ll do whatever I want. See you later.”Umalis ang binata nang hindi lumilingon kaya naiwan ang dalawa na walang kibo.Maya-maya pa ay si Alessia rin ang nagbasag ng katahimikan. “You might think I have something to do with the incident in the park. At sa tingin ko hindi ka rin naman maniniwala kapag sinabi kong wala akong kinalaman.”“I know you had nothing to do with it,” sagot ni Caio na hindi nag-abalang tapunan siya ng tingin. Uminom lang ito ng tsaa.“Oh?” Her
“FINE, I will reconsider. Just give me time to think about it. I’ll come with you once I’ve come up with a decision.” Huminga nang malalim si Alessia. Hindi na siya kasing immature mag-isip kumpara sa nakaraan. Dahil kahit anong tanggi niya sa sarili, may parte ng puso niya ang natutuwa sa suhestiyon ni Caio na magpakasal. Higit sa lahat, para sa ikabubuti ng anak nila. “Good. Now, I will have to put one of my trusted men to look for my son if you don’t want him to come with me. Hindi ko hahayaang ilayo mo sa akin si Wushi nang hindi ko nalalaman,” ani Caio. He’d put Carl on duty. His skills were on par with Alessia’s commander. Gusto lang niyang makasiguro. “Fair enough. Yun will also look for Wushi, but I guess it’s best if you’d bring along Wushi’s babysitter.” Kalmadong suhestiyon ni Alessia habang gumuhit sa kanyang balintataw ang mukha ni Nena. Tumango si Caio. “No problem. But I will spend the rest of the day here for now.”“Only for a day,” Alessia compromised. Wala din nam
“ARE you fucking kidding me?” Natatawang bulalas ni Alessia. “That’s the funniest shit I heard in my life.”Hindi natinag si Caio at nanatiling seryoso ang mukha nito. “This is a small sacrifice for the welfare of my son. Lahat gagawin ko para sa kanya. Even if you make my life a living hell, I will endure it.”Alessia scoffed. “Look who’s talking. At ako pa talaga ang mang-aagrabyado sa ‘yo? You speak as if you’re so righteous. You can’t convince me.”“I know you wouldn’t agree. I won’t be surprised knowing how selfish you can be.” Caio clicked his tongue. “Do you think I want to marry you for myself?”“Selfish? Me?” Itinuro ni Alessia ang sarili. “Look who’s talking. I won’t fall into your marriage trap. I don’t trust you as much as you don’t trust me. Sa tingin mo ba hindi maapektuhan si Wushi? He’s intelligent. He’ll know we’re faking it. Worse, he could see us one day trying to strangle each other’s neck.”“Won’t you really compromise for Wushi? God, Ali. This shit is not just ab
“WUSHI!” Magkasabay na saad nina Caio at AlessiaPupungas-pungas pa ang bata na halatang galing sa pagtulog. Habang si Rouyun ay nanatiling nasa may pinto ng kuwartong pinanggalingan ng bata at nakahalukipkip. The man was just observing. Tila nakikiramdam lang sa mga susunod na mangyayari.“Daddy, it’s really you! Did you come to pick me up?” Lumapit ang bata sa dalawa.Biglang napaayos ng upo ang dalawa na parang walang nangyari. Niyakap ni Caio nang mahigpit ang bata.Habang si Alessia ay hindi maiwasan na tingnan nang masama si Rouyun sa hindi kalayuan dahil mukhang ito ang may pakana kung bakit biglang sumulpot si Wushi. Pero umastang inosente ang lalake at kusang nag-iwas ng tingin sabay ng kunwaring pagsipol. Rouyun didn’t want to get in trouble.“God, you made me worried! Why did you roam alone in the park?” Mahinahong sambit ni Caio na hindi naitago ang matinding pag-aalala.“Aunt Chiara lets me buy cotton candy. But I couldn’t find her after,” inosenteng sagot ni Wushi.“Chiar
GIOVANNI gaped at Caio upon recognizing Alessia. Pero hindi ito nagkumento nang kahit ano. Naghintay lang ito ng magiging desisyon ng binata lalo pa at kita sa video na tila aksidenteng nakita ito ng bata.“Recall our men. I will handle this alone.” Caio’s jaw tightened. Masyado siyang nagpatangay sa emosyon, ngayon ay hindi na niya mababawi na marami nang nakakaalam ng tungkol kay Wushi. Indeed, he couldn’t hide his son forever.“Yes, Boss!” Si Carlito ang sumagot. Dali-dali itong lumabas ng technical room para tumalima sa utos.It took a while before Giovanni found the right words to say. “I never believe in fate until this shit happens. Perhaps she won’t hurt your son.” Sinikap ni Giovanni na maging magaan ang kanilang pag-uusap. Caio looked utterly disturbed.“You don’t know how merciless she is. She could kill children, remember?” ani Caio na halata ang pagkabalisa.“You’re right. But it won’t be long until she learns that Wushi is her son. Are you ready to defend once she waged