Hala! Bantay sarado talaga si Sugar ni Cupcake! Laging present!
Margaux“Margaux!” Napalingon ako sa papalapit na si Sam. Talagang sinundan pa niya ako?Napatingin ako sa loob ng sasakyan at nakita kong naningkit ang mga mata ni Draco. In-end na niya ang call kaya naman isinilid ko na rin sa bag ko ang aking phone.“Tito?” gulat na sabi ni Sam ng makita din ang lalaki.“Get in, Ms. Pinto.” Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi niya ako tinawag na sugar. Kaso mo, bakit kailangan din niyang isama si Sam?“Sakay sa harap, Samuel.”Wala na ring nagawa ang lalaki at sinunod na ang kanyang tiyuhin habang ako naman ay ganon din lalo at agad na tumalima ang aking ex.“Kevin, send Samuel home first,” sabi ni Draco sa kanyang driver.“Yes, Sir.” Nagsimula ng paandarin ni Kevin ang sasakyan ng magsalita si Sam.“Tito, we can just send Margaux home first. Kahit sa huli na ako.”Hindi naman siya pinansin ng tiyuhin na ngayon ay sa cellphone nakatuon ang mga mata at mukhang walang balak kausapin ang pamangkin..“Eh, Tito,” tawag ko sa kanya.Paki
Margaux“Kevin, this is Margaux, my sugar.” Nagulat ako sa pakilala niya sa akin matapos kaming maghalikan. Bakit parang nawala na ang galit niya dahil sa kaswal na pagpapakilala niya sa akin sa kanyang driver?“Nice to meet you Ma’am Margaux.” Aba at talagang sumagot pa ang driver. I’m sure nakita niya ng halikan ako ng amo niya! Bakit parang wala lang sa kanya? Nasanay na ba siya na ganito ang nakikita sa sasakyan sa tuwing pinagda-drive niya si Draco? Ganito ba talaga ang gawain ng gurang na ito?“Sugar, he’s Kevin. My assistant and a good friend.” Talaga ba? Hindi ako nakakibo at nanatiling nakatingin lang sa lalaking nagmamaneho. Malamang na magkaututang dila na ang mga ito.“Sugar, bakit para ka ng natuka ng ahas dyan?” Napatingin ako kay Draco ng magtanong siya. At kahit na mahinahon ang pagkakasabi niya ay “Ah- eh- hi, Kevin.” Tumango lang ang lalaki at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Hindi na rin ako umimik hanggang sa maalala kong sa condo nga pala ni Draco kami didiretso kaya
Margaux “Did you enjoy kung paano kang yakapin ni Samuel kanina?” bulong niya. Nanigas ang aking buong katawan at bigla bigla ay hindi ako makakilos. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil wala naman akong ginawang masama. Hindi ko sinabi kay Sam na yakapin niya ako at nagulat pa nga ako sa mga pangyayari. “Sa sobrang enjoy mo ay hindi mo nagawang itulak siya palayo kaya tumagal pa ang pagyayapusan niyo?” tanong niya ulit. “Siya ang yumakap sa akin at hindi ako,” depensa ko. “Still, umangat ang kamay mo para yapusin din siya, right?” Dahil sa tanong niya ay nilingon ko siya and wrong move yon dahil ang lapit nga ng mukha namin. Bigla na lang ay kinabig niya ako mula sa aking batok ng kamay niyang kanina lang ay nasa pisngi ko bago siniil ng halik. Kanina sa sasakyan ay medyo gentle pa. Pero ngayon, naging mapagparusa iyon. Pero kagaya din kanina ay tinugon ko siya. Ginaya ang bawat gawin niya sa mga labi ko. Hanggang sa pareho na kaming tumigil at kapwa hinihingal. “Ay
Margaux Dinala niya ako sa bathroom ng kanyang silid at agad akong nagbawas. Pagkatapos ay natapat ako sa lavatory kaya tinignan ko muna ang aking sarili sa salamin. Maghuhugas sana ako ng kamay ngunit bigla na lang tumalsik ang pinaka pindutan ng gripo at tinamaan ako sa noo kasunod ang malakas na buga ng tubig mula doon. “Ayyyy!” sigaw ko at agad na bumukas ang pintuan. “Shit!” Biglang nawala ang tubig na bumubuga sa akin ay pagtingin ko ay nakaharang na pala si Draco na agad akong hinawakan at hinila palabas ng bathroom. “Here,” sabi niya sabay abot ng tuwalya bago ako iniwan para bumalik sa bathroom. Nang makalabas siya ay hindi ko na rin naririnig ang kanina lang ay malakas na pagsirit ng tubig mula sa nasirang gripo. “Let me see your face.” Natigil ako sa pagpunas sa aking buhok dahil inangat niya ang aking mukha at tsaka ako pinagmasdang mabuti. Kasabay ng pagsasalubong ng kanyang mga kilay ay ang pagdampi ng kanyang daliri sa aking noo. “Ouch!” nabigla kong sabi. “It'
Margaux“You’re eating this stuff?” tanong ni Draco ng bumalik siya sa sala hawak hawak ang box ng pizza, burger at fries na in-order ko. Tumango ako at ngumiti. Pansamantala kong nakalimutan ang hiya lalo at narinig ko na rin ang pagtunog ng sikmura ko.Mukhang hindi rin iyon nakaligtas sa kanyang pandinig dahil napailing na ito at tsaka inilapag sa mesa ang mga hawak.“I’ll get water. Buti na lang ta hindi ka na nag-order ng softdrinks, kung hindi ay puro junk foods na ang nilaman mo sa katawan mo.”“Bata pa ako kaya pwede pa yan,” tugon kong nakaingos.“May ibig ka bang ipahiwatig sa sinabi mo na yan?” tanong niya.“Wala,” sagot ko sabay bukas ng pizza. Napangiti ako dahil mainit-init pa ‘yon at mukhang masarap. “Kuha ka ng tubig,” sabi ko pa ngunit kumunot lang ang noo niyang nakatingin sa akin.“Kuha ka na ng tubig, C-Cupcake.” Tinignan niya akong mabuti bago ito tumalikod. Grabe, kailangan talaga may endearment pa! Ano yon, magic word?Isang pitsel ang dala niya ng bumalik at isa
Mature ContentMargaux“Huwag mo akong tingnan ng ganyan,” sabi ni Draco dahil talagang titig na titig ako sa kanya.“Paano naman, ang sabi mo ay ubusin ko tapos ikaw din itong umubos!” nanlilisik ang mga matang sabi ko.“Niligtas lang kita sa sakit na pwede mong makuha nagagalit ka na,” tugon naman niya.“Nakalimutan mo yatang ang edad mo ay mas prone sa sakit,” sabi ko.“Why do you always remind me of my age? Alam mo naman ba kung ilang taon na talaga ako?”“Uncle ka ni Sam, ano sa palagay mong edad na maiisip ko?” sagot ko.“Okay, ilang taon na ako sa palagay mo?” tanong niya.Kung tutuusin ay mukha lang siyang trenta. Pero dahil nga tiyuhin siya ni Sam at alam ko kung ilang taon na ang magkakapatid nila Tito Dennis ay sigurado akong nasa kwarenta na siya.“What?” gulat na gulat ang itsura niya ng sabihin ko ang palagay ko. “Forty? For real? Sugar, kahit saan ako tignan ay malabong magmukha akong forty!”“Sinagot ko lang naman ang tanong mo, bakit ka nagagalit?” tanong ko. Napatinga
Margaux“Are you sure na invited ka sa party ng Alegre Construction?” gulat na tanong ni Yvonne. Nasa canteen kami kasama sina Tessa at Alexis na lagi na namin kasamang magkaibigan.Napag alaman namin na sobrang bait ng dalawang ito at kagaya ko ay madali din silang nakagaanan ng loob ni Yvonne.“Oo nga ang kulit,” tugon ko.“Eh di pupunta ka nga? Paano kung pagsalitaan ka na naman ng hindi maganda ng pamilya ni Sam?” tanong ulit ng aking BFF.“Oo nga, naku Margaux mag-isip-isip ka ha. Hindi naman sa pag-aano pero nakuuu…..” Nagtawanan kami sa sinabi ni Alexis. Ang arte arte kasi tapos kung makatirik ang mga mata akala mo ay nakarating sa langit.Shit, langit. Naalala ko tuloy ang nangyari sa amin ni Draco ng hapon na yon.Tatlong beses. Tatlong beses niya pinaranas sa akin ang sarap habang ako ay wala man lang nagawa para sa kanya.“Kapag ready ka ng maging close sa akin tsaka mo ako tanungin.” Naalala kong sabi niya sa akin ng tanungin ko siya kung paano siya.Then naalala ko ang si
Draco“Kung gusto mong mag-exercise huwag mo na akong idamay,” sabi ni Kevin habang nagjo-jogging kami sa palibot lang din ng Exclusive Residential Complex kung saan ako nakatira.“Alam mo, tinutulungan na nga kitang maging physically fit ay nagrereklamo ka pa!”“Hindi ko kailangang maging physically fit, Draco! Sapat na ang utak ko para makabingwit ng babae.” Assistant at kaibigan ko na rin siya kaya kapag ganitong wala kami sa trabaho ay natatawag niya ako sa pangalan ko. “Tsaka kasalanan mo yan, sukat ikaw ang umubos ng in-order ni Margaux. Tama naman siya, sa inyong dalawa, ikaw ang mas prone sa—”Masamang tingin na ang ibinigay ko sa kanya kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin. Kumpiyansa akong kinwento sa kanya ang nangyari ng dalhin ko si Margaux sa unit ko dahil nga kaibigan ko siya. Syempre, hindi na kasama ang intimate moment namin ng aking Sugar.“Wala na kong sinabi…” Napailing na lang ako at tsaka nagpatuloy sa pagjo-jogging habang nakasunod siya sa akin.Ilang araw na
Margaux“Sure,” sagot ko kay Hendrix nang lumapit siya sa amin habang nasa school ground kami nina Yvonne, Alexis, at Tessa. Nagpalitan kami ng tingin ng mga kaibigan ko, at nang tumango sila bilang pagsang-ayon, hindi ko na rin tinanggihan ang alok niya. Nagyaya siyang mag-hangout sa mall pagkatapos ng klase, at wala naman akong nakikitang masama roon.Sa totoo lang, ilang beses nang sinasabi nina Yvonne na may gusto sa akin si Hendrix. Ngunit hindi naman iyon direktang sinasabi sa akin ng lalaki, kaya hindi ko rin lubusang pinaniniwalaan ang hinala nila.Isa pa, hindi naman siya nag-aalok ng regalo o nililibre ako, kaya paano ko masasabing may iba siyang intensyon? Hindi naman siguro masama kung didikit ako sa kanya, ‘di ba?Pinilig ko ang ulo ko at isinantabi ang iniisip ko.Nang matapos ang klase, sabay-sabay kaming nagpunta sa mall na malapit lang sa eskwelahan. Kasama rin namin ang ilan sa mga kaibigan ni Hendrix mula sa team nila, at aminado akong masarap sa pakiramdam ang gani
MargauxHinatid ako ni Draco hanggang sa bahay namin, ngunit hindi ko na siya pinapasok. Alam kong gusto pa niyang magtagal, halata sa paraan ng pagdadalawang-isip niya ang umalis, ngunit matapos ang isang malalim na buntong-hininga, tumango na lamang siya.May kung anong kirot sa dibdib ko nang makita ang lungkot sa kanyang mga mata, pero hindi ko iyon maaaring hayaan na tuluyang ipakita sa kanya 'yon.Pagpasok ko, nadatnan ko si Mommy sa sala, abala sa panonood ng paborito niyang serye. Sigurado akong pauwi na rin si Dad mula sa trabaho. Isang mabilis na bati lang ang ibinigay ko sa aking ina bago ako umakyat patungo sa aking silid. Kailangan kong pakalmahin ang nagwawalang damdamin ko. Kailangan kong pag-isipan ang lahat nang hindi nadadala ng bugso ng emosyon.Fourteen.Ibig bang sabihin, labing-apat na taon pa lang ako ay may gusto na siya sa akin? Hindi ko siya nakikita noon, kahit kailan. Ang alam ko lang ay may tito si Sam na nasa Germany at iba ang tatay. Pero sa lahat ng pag
Draco"Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako."Natigilan ako. No, hindi puwede! Hindi ko siya kayang hayaang umalis nang galit sa akin. May takot sa dibdib ko, takot na baka kapag binitiwan ko siya ngayon, mahirapan na akong makuha muli ang pagkakataon na kausapin siya. Or worse, baka hindi ko na siya muling makita."Sugar, ayaw kong umalis ka nang may galit sa akin," mahinahon kong sabi, pilit na itinatago ang kaba sa boses ko.Natawa siya ng mapakla na tila ba nang-uuyam bago nagsalita."Bakit? Inaasahan mo ba na kapag nakinig ako sa'yo ngayon, mawawala na rin ang galit ko? Na parang hindi ako nasaktan? Na mawawala ang selos ko sa isang iglap? Ano bang akala mo sa damdamin ko, Draco?"Napakagat-labi ako. "Hindi naman sa gano'n... gusto ko lang na magkasundo tayo. Gusto kong masiguro na okay pa tayo."Sana ay maintindihan niya ang ibig kong sabihin. Hindi ko naman inaalis na magalit siya sa akin dahil alam ko na kagalit-galit naman talaga ang ginawa ko."Fine. Magalit ka sa akin,
DracoAgad ko siyang kinabig at niyakap nang mahigpit, para bang kung bibitawan ko siya ay tuluyan na siyang mawawala. Hindi ko gustong makita siyang umiiyak, lalo na kung ako ang dahilan. Gusto kong iparamdam sa kanya na sigurado ako sa nararamdaman ko, pero sa kabila noon… may takot pa rin na bumalot sa puso ko.Paano kung ilantad ko ang relasyon namin at may mangyari ngang masama sa kanya? Paano kung dahil sa akin, mapahamak siya? Hindi ko kakayanin. Hindi ko matitiis na makita siyang nasasaktan."Nakakainis ka na! Lagi mo na lang binabalewala kung ano ang nararamdaman ko!" Parang napunit ang puso ko sa sinabi niya na may kaakibat na sakit sa kanyang tinig.Hindi ko siya sinagot. Hindi dahil wala akong gustong sabihin, kundi dahil natatakot akong mas lumala ang sitwasyon. Alam kong kung pipilitin kong magpaliwanag, baka mas lalo lang siyang mainis dahil hindi niya nagustuhan ang sagot ko.Hindi ko man makita ang kanyang mukha dahil nakasandig ito sa balikat ko, ramdam ko ang pag-uga
DracoKitang-kita ko ang sakit sa kanyang mga mata, at tangina, gusto kong parusahan ang sarili ko sa bawat patak ng luhang pilit niyang ikinukubli. Ang bigat sa dibdib ko ay hindi ko kayang ilarawan dahil alam kong ako ang dahilan nito, at wala nang mas masakit pa roon.Nagsisimula nang mangilid ang luha sa kanyang mga mata, at mas lalo akong binalot ng guilt. Putangina naman, alam kong ayaw niyang ipakita sa akin ang kahinaan niya kaya nakakakunsensya talagang makita siyang ganito.Sinubukan kong lumapit, pero agad siyang umatras na akala mo ay meron akong nakakahawang sakit. Gusto kong hatakin siya pabalik, yakapin siya, pakalmahin, pero sa bawat hakbang kong palapit, mas lalo siyang lumalayo.“Sugar, please don’t—”“Don’t what?” matalim ang kanyang boses, ni hindi man lang ako pinatapos.“Don’t cry,” mahina kong sagot. “Ayaw kong makitang umiiyak ka.”“At bakit ako iiyak? Dahil sa’yo?” Mariin niyang pinunasan ang gilid ng kanyang mata. “Manigas ka!”Madiin ang kanyang tono, pero ki
MargauxNakakagigil talaga ang gurang na 'yon!At ako pa talaga ang kailangang lumapit sa kanya?Sinubukan kong balewalain ang text niya. Gusto ko sanang ipakita na wala akong pakialam, pero hindi rin ako mapalagay. Alam kong kaya niyang gawin ang sinabi niya, at ayokong bigla na lang siyang sumulpot sa bahay at baka kung ano pa ang sabihin niya sa mga magulang ko.Hindi ko gusto na makarating sa mga mahal kong magulang ang isang bagay na tungkol sa akin sa bibig ng ibang tao. Ang gusto ko, ako mismo ang magsabi sa kanila ng lahat ng nangyayari sa akin.Ako dapat. Dahil ganun ko sila kamahal at nirerespeto. Pero habang tumatagal, mas lumalalim ang guilt na nararamdaman ko. Paano kung malaman nila ang lahat mula sa iba? Lalo na ng gurang na ‘yon?"Assume anything about me. Kahit ano, isipin mo tungkol sa akin.Kahit ang pinakamasama. Huwag lang 'yung may iba akong babae ako."Bago pa tuluyang lamunin ng kaba ang isipan ko at bago pa ako makaiwas ay hinalikan na niya ako.Mapanuyo. Matind
Third Person“Sa condo lang naman umuuwi si Draco. Pagdating niya ay hindi na rin siya umaalis pa,” ani ng lalaki, bahagyang nakangisi habang nakatitig sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan.Ang babae ay walang bahid ng interes sa kanyang tinig. Abala ito sa paghithit ng sigarilyo, tila ba walang ibang iniintindi kundi ang lasang naiwan sa kanyang mga labi. Ngunit sa kabila ng tila kawalang-pakialam, may ningning sa kanyang mga mata, isang bagay na hindi nakaligtas sa lalaking kaharap niya.Para sa kanya, tila isang diyosa ang babaeng ito na nakaupo sa trono. Ang matinding pang-akit nito ay hindi matatawaran. Ang mapanuksong kutis, ang hugis ng katawan na tinampok lalo ng suot nitong tube na bestida. Hanggang kalahati lang ng hita ang haba nito, ngunit dahil sa paraan ng pagkakaupo ng babae, bahagya iyong lumilis, nagbigay ng silip sa makinis nitong balat.Bahagyang nakabuka ang kanyang mga hita, isang pang-aakit na hindi sinasadya, o marahil sadya. At doon nakapako ang tingin ng lalak
DracoSakay ng motor ay lumabas ako ng basement parking. Sa likod ang exit kaya kailangan kong umikot upang mapuntahan ang coffeeshop. Huminto ako sa tapat lang din, sa kabilang kalsada nga lang kung saan kitang-kita ko ang loob ng coffeeshop. Doon siya nakaupo, si Margaux.Nakangiti siya habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan, at sa kabila ng ingay sa paligid, tila naririnig ko ang mahagikhik niyang tawa. Ang lambing sa kanyang mga mata, ang ningning ng kanyang mukha, hindi ba siya talaga naaapektuhan sa nangyayari sa amin?I thought she liked me too.Mabigat ang loob kong dinukot ang cellphone mula sa aking bulsa. Halos mabutas ang screen sa diin ng mga daliri kong nagtipa ng mensahe.“Meet me at the next street. Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo na uuwi ka na.”Nang maipadala ko na ang mensahe, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Mula sa kanyang masayang pakikipag-usap, bigla siyang natigilan at kinuha ang kanyang phone. Sandali niyang tiningnan ang screen, ngunit ag
DracoBakas ang pagtataka sa mukha ni Kevin nang bumalik ako sa opisina mula sa coffeeshop. Nasa kabilang building lang naman iyon, pero hindi na ako pumayag na lumayo pa. Sinabi ko na rin kay Chiara na gusto ko nang umuwi pagkatapos."Oh? Akala ko diretso uwi ka na?" tanong ni Kevin, pero hindi ko siya pinansin. Patuloy akong naglakad papasok sa opisina at pasalampak na naupo sa aking upuan, ramdam ang bigat ng mga nangyari."May nangyari ba?"Huminga ako nang malalim bago sumagot. "I saw Margaux."Saglit siyang napatigil, tila iniisip ang susunod niyang sasabihin. "So?"Tiningnan ko siya nang masama. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. "Hindi ba dapat magkasama na kayo ngayon? Bakit hindi kayo dumiretso sa bahay niyo?""Nakita ko siya... at nakita niya akong kasama si Chiara. Sinabi ko sa kanya noong gabi ng party na babalik na ng Germany ang babae in two days.""Owww...""Oww?" tumaas ang kilay ko."I’m sure galit siya," aniya, sabay ngisi. Masamang tingin ang binigay ko sa kany