Nabigla si Evan sa boses ni Caroline kung saan nabalik siya sa realidad. Seryoso ang tingin niya noong nagtanong siya, “Bakit nandito ang nanay ko sa bahay mo?”Natulala si Caroline. “Nanay mo?”Tinignan ni Caroline si Jamie na tila may naalala. Kamukha ng mga mata ni Evan ang mga mata ni Jamie kung ikukumpara.Bigla napagtanto ni Caroline—matagal na niyang inaalagaan ang nanay ni Evan.Kinontrol ni Evan ang galit niya at malamig na nagsalita. “Bibigyan mo ba ako ng paliwanag, Caroline?”Nagalit si Caroline sa bastos na ugali ni Evan.“Hinihingan mo ako ng paliwanag, pero hindi mo man lang mabantayan ang nanay mo? Nag-issue ka ba ng Silver Alert? Ipinaalam mo ba sa akin na hinahanap mo siya?”“Nadiskubre ko siya sa kalsada! Ang layo na ng nilakad niya at nagkasugat-sugat ang mga paa niya! Kung hindi mo kaya alagaan ang nanay mo, bakit ako magbibigay ng paliwanag sa iyo?”Nabigla si Jamie sa emosyonal na kumento ni Caroline at napatingin. Matapos ang ilang sandali, napagtanto ni
Lalo lumalim ang pagod na ekspresyon ni Evan, at sinabi niya, “Pakiusap, ipaalam mo agad sa akin kung may problema. Aasikasuhin ko para may magdala ng gamot para sa nanay ko. Kailangan ko din ang tulong mo para alagaan si Axel ng dalawang araw habang nasa business trip ako.”“Anak ko si Axel. Hindi mo kailangan na humingi ng tulong. Obligasyon ko ito.” Sinabi ni Caroline habang nakatingin kay Axel na nasa sasakyan. Ngumiti siya at nagtanong, “Labas ka na, anak?”Kinuha ni Axel ang bag niya at lumabas ng sasakyan. Lumapit siya kay Caroline at sinabi, “Hindi ko gusto na abalahin ang pag-uusap ninyo ni Daddy, Mommy.”Mapagmahal na kinurot ni Caroline ang pisngi ni Axel. “Hindi mo kailangan maging maingat kapag kasama mo ako. Relax ka lang at manatili dito. May doktor ako na inihanda para alagaan si Lola araw-araw.”Nabigla si Evan ng makita si Axel na direktang nakangiti kay Caroline. Hindi ito pamilyar para sa kanya dahil hindi pa niya nakikitang ngumiti ng ganito si Axel.Habang pi
Sinabi ni Gregory, “Kahit na mayaman ang bata, hindi ito mapupunta sa mga kamay natin!”Tinignan ni Jade si Gregory. “Totoo na hindi mapupunta sa atin ang pera, pero puwede natin ibigay ang damit niya sa anak natin! Magmumukha siyang elegante!”Tumango si Gregory. “Oo, tama ka!”Sinabi ni Jade, “Bukod pa doon, mukhang hangal na mayamang bata siya. Makakatipid tayo kung isasama natin siya kumain at siya ang pagbabayarin, tama?”Kuminang ang mga mata ni Gregory. “Ang talino mo!”“Siyempre! Isama natin siya sa weekend!”“Sige! Ikaw ang masusunod!”“Nakauwi na ako, Ma! Tulungan mo ako!” narinig ni Jade at Gregory si Brandon mula sa labas ng bahay pagkatapos nila magplano.Napaisip sila at nagmadali na lumabas at nakakita sila ng magarang itim na sasakyang nakaparada sa harap ng pinto.Inilabas ni Brandon ang ulo niya. “Ma, tignan mo ang bago kong bili na sasakyan!”Nabigla si Jade. Gusto niya ito hawakan pero wala siyang lakas ng loob na gawin. “Magkano ito?”Sinabi ni Brandon,
Nanginig ng todo ang katawan ni Jamie kung saan niyakap siya bigla ni Caroline habang gulat siyang nakatingin sa entrance ng restaurant.Nagsimula ang reaksyon ni Jamie ng makakita siya ng lalake na ngayon ay nakaalis na.Hindi ito masyadong inisip ni Caroline. Sanay na siya sa relapse ni Jamie sa tuwing nakakasalubong siya ng ibang lalake.Sa hindi kalayuan, sa nakaparadang sasakyan, tinitigan ni Casey si Jamie ng malamig. Nakilala niya ang babae sa tabi ni Jamie bilang dating kabit ni Evan.Nakangisi niyang inalis ang kanyang salamin at nilinis ang mga lens. Hindi niya inaasahan na buhay pa si Caroline.Sa isang sandali, isinuot ni Casey ang salamin niya at tumunog ang kanyang phone. Tinignan niya ang caller ID at nakita na si Daniella ito, kaya mabagal niya itong sinagot.Mahinhin ang boses ni Daniella habang nagtatanong, “Available ka ba ngayong gabi, Mr. Jordan? Maaari ba kitang ilibre ng inumin?”Ngumiti si Casey, “Sige, ipadala mo sa akin ang address. Pupunta ako.”*No
Natuwa si Draco kay Jamie at ginawa siyang ikatlo niyang asawa.Pero bata pa ang nanay ni Evan at walang pakielam kay Draco. Kinamumuhian niya si Draco noong teenager pa lang si Evan. Kaya, nag-effort siya ng husto para akitin si Casey, na mas bata lang ng kaunti sa kanya.Si Casey, 29 at bata pa, ay nahirapan na tanggihan ang pangaakit ng napakagandang babae.Ngunit, nagkamli si Casey dahil bumigay siya sa pangaakit ng nanay ni Evan, at ilang beses may nangyari sa kanila.Hindi na matiis ni Casey na ilihim ito, sinabi niya ang totoo kay Draco.Pinalayas ni Draco si Casey ng 15 na taon dahil sa galit.Tinignan ni Casey si Daniella habang nagdurusa at nagtanong, “Sa tingin mo din ba madumi ako?”Nabigla si Daniella at nakisimpatya sa kanya. Umiling-iling siya at sinabi, “Hindi. Siya ang may kasalanan, hindi ikaw.”Yumuko si Casey, umiyak at sinabi, “Salamat.”Natuwa si Daniella dahil willing is Casey na pag-usapan ang mahalaga na issue, pero nadisappoint din siya sa kawalan ng
Tinitigan ni Caroline ang phone niya, naguguluhan. Hindi sinabi ni Kenny kung anong oras siya dadating bukas.Dahil hindi siya makatulog, bumaba siya ng hagdan.Minasahe ni Caroline ang ulo niya ng makita ang kalat ng mga Shenton sa living room. Noong pumunta siya sa kusina, naamoy niya ang mabahong amoy. Binuksan niya ang pinto ng kusina at nabigla sa nakita niya.Ang sahig ay puro dumi ng manok, at ang isa mga manok ay lumipad pa sa lamesa, nagkakalat ng dumi sa paligid!Mahigpit na hinawakan ni Caroline ang doorknob para kontrolin ang sarili niya. Hindi niya titiisin ang ganitong ugali sa bahay niya kung hindi lang dahil sa timing.Matapos makaakyat sa itaas, huminga ng malalim si Caroline. Oras na para isagawa ang plano niya.*Ginising ni Caroline ang mga bata ng 7:30 a.m.Inaantok pa si Liora at hindi maibangon ang ulo. “Masakit ang tiyan ko kagabi hindi ako makabangon…” mahina niyang sinabi.“Ako rin, Mommy.”“Ako rin…”Nag-aalalang nagtanong si Caroline, “Ganoon ba k
Ngumuso si Liora. “Wala kang pakielam kung wala ako sa school.”Tinitigan ni Jade si Axel at hindi binigyan ng pansin si Jade. Bigla siyang tumawa ng malakas pagkatapos. “Poging bata, kakarating mo lang dito. Hayaan mo na isama kita mananghali bilang host.”Halos matawa si Tyler at Liora habang iniisip, “Sinong host dito, huh?”Hindi magaling tumanggi si Tyler, kaya tumango siya.Nabiga sina Tyler at Liora.“Hindi ako kumportable na isasama mo paalis si Axel. Sasama din ako!” sambit ni Liora at maingat na tinignan si Jade.Nag-aalinlangan si Jade na isama ang dalawang nakakainis na bata. Pero, wala siyang pakielam kung sasama sila dahil hindi naman siya ang magbabayad ng kanilang pagkain.Nagbihis ang mga Shenton at tumungo sa restaurant kasama ang mga triplets.Doon, inorder nila ang lahat ng mamahaling pagkain na pumuno sa lamesa.Tinitigan ni Tyler at Liora si Jade habang iniisip, “Yumaman ba siya bigla?”Sinabi ni Jade kay Axel. “Poging bata, kumain ka! Mamahalin ang pagkai
Sinadya ni Tyler na lakasan ang boses niya. “Hoy, Lia, naalala mo ba noong may nanalo sa lotto ng isang milyon?”Kinurot ni Tyler ang braso ni Liora at kumindat sa kanya.Mabilis niyang naintindihan at tumango, “Oo, naalala ko!”Narinig ni Jade ang pinag-uusapan nila at napunta ang atensyon niya sa lotto machine ng marinig ang tungkol sa isang milyong dolyar na premyo.“Mananalo ba ang isang tao ng isang milyong dolyar sa makinang ito?” napaisip siya.Noong nagdududa si Jade, sinabi ni Brandon, “Alam ko to! Nanalo ng ilang daang dolyar ang kaibigan mo mula sa makinang ito!”Nawala bigla ang pagdududa ni Jade sa sinabi ni Brandon.Pinigil ni Tyler at Liora ang pagtawa nila. Masuwerte itong pagkakamali.Ngumiti si Axel ng makita ang mga kapatid niyang pinipigil ang tawa nila.Sinuri ni Jade ang makina at bumili ng ilang mga ticket na nagkakahalaga ng isang dolyar.Sinabi ni Tyler, “Walang kuwenta ang bumili ng maliit na halaga. Bukod pa doon, hindi kayo mananalo ng 1,000,000 do
Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga
Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva
Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin
Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s
Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak
Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu
Gusto magsalita si Caroline, pero sinabi ni Evan, “Caroline, kaya mo ba mangako na wala ka ng nararamdaman para sa akin?”Sumakit ang puso ni Caroline ng marinig ang galit na sainabi ni Evan habang nanliliit siya.Ngunit, alam niya na dapat matapos na ang koneksyon nila sa isa’t isa!Pinigilan niya ang sakit na nararamdaman niya at sinabi, “Pumunta ako sa ospital para suklian ka, Evan. Hindi na kailangan na mangako ako, pero ako ang hindi makatiis sa relasyon natin. Naiintindihan mo ba iyon?”“Ako hindi! Bakit ang dali para sa iyo ang bumalik sa relasyon ng ganoon na lang? Ano ba ang tingin mo sa akin?”Sumandal si Caroline sa upuan habang nanghihina. “Ano ba ang tingin ko sa iyo? Kinuwestiyon mo na ba ang sarili mo sa kung anong kinuha mo mula sa akin? Kabit ang turing mo sa akin limang taon na ang nakararaan at hinahanap mo ako matapos mo malaman na ako ang nagligtas ng buhay mo.”“Paano kung wala ka pa din alam tungkol sa insidente? Si Daniella pa din ang karelasyon mo at mina
Dramatic ang pagpasok ni Alex sa kuwarto, hawak ang phone niya at hirap na hirap magsalita habang tumatawa.“Evan, dapat mo makita ang live stream ni Caroline. Hindi ako matigil kakatawa. Ang sinabi niya ay inaabala mo siya…”Nanigas ang ngiti ni Alex ng makita ang mahigpit na mukha ni Evan at titig.Nakita ni Alex ang tablet ni Evan. “Oh no, lagot ako!” naisip niya bigla.Tense ang ekspresyon ni Evan habang galit na nagtatanong, “Nakakatawa ba ito?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Alex. “Hindi ito nakakatuwa! Sumosobra na si Caroline! Ang bait bait mo sa kanya! Paano niya nagawa na magsalita ng ganito? Dapat hindi niya ito sinabi kahit na gusto niyang protektahan ang reputasyon niya!”Lumapit si Alex kay Evan at nagpatuloy. “Evan, sa tingin ko oras na para pag-isipan mo na ito! Naniniwala ako na wala ng nararamdaman si Caroline para sa iyo. Mas mabuti na magpakasal ka sa iba sa lalong madaling panahon kung hindi mawawala ang pagkakataon mo na inisin siya!”Sumingkit ang mga ma
Higit ng doble ang dami ng pre-order ng TYC kumpara sa MK sa loob lamang ng ilang oras.Matinding sensation ang idinulot nito sa fashion industry.Inisip ng mga tao ang abilidad ng MK na manatili sa leading posistion sa fashion industry.Nagmadali ang journalist na pumunta sa TYC para magconduct ng interview kay Caroline.Sumangayon si Caroline sa interview at sinabihan ang assistant niya, na si Josie Gardner, na samahan ang journalist papunta sa reception room, kung saan sila magkikita.Ang journalist, na si Paxton Parker, ay tumayo at nakipagkamay kay Caroline sa oras na pumasok siya. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para gawin ito ngayon, Ms. Shenton.”Nagsalita si Caroline habang nakangiti ng kaunti, “Okay lang. Maupo ka.”Nagtanong si Paxton pagkatapos maupo, “Magsisimula na ang recordin natin. Isa itong live-streamed interview. Sana okay lang ito sa iyo, Ms. Shenton.Sumimangot si Caroline dahil hindi siya nasabihan agad.Ngunit, tumango siya.Tumango si Paxton sa