Sinadya ni Tyler na lakasan ang boses niya. “Hoy, Lia, naalala mo ba noong may nanalo sa lotto ng isang milyon?”Kinurot ni Tyler ang braso ni Liora at kumindat sa kanya.Mabilis niyang naintindihan at tumango, “Oo, naalala ko!”Narinig ni Jade ang pinag-uusapan nila at napunta ang atensyon niya sa lotto machine ng marinig ang tungkol sa isang milyong dolyar na premyo.“Mananalo ba ang isang tao ng isang milyong dolyar sa makinang ito?” napaisip siya.Noong nagdududa si Jade, sinabi ni Brandon, “Alam ko to! Nanalo ng ilang daang dolyar ang kaibigan mo mula sa makinang ito!”Nawala bigla ang pagdududa ni Jade sa sinabi ni Brandon.Pinigil ni Tyler at Liora ang pagtawa nila. Masuwerte itong pagkakamali.Ngumiti si Axel ng makita ang mga kapatid niyang pinipigil ang tawa nila.Sinuri ni Jade ang makina at bumili ng ilang mga ticket na nagkakahalaga ng isang dolyar.Sinabi ni Tyler, “Walang kuwenta ang bumili ng maliit na halaga. Bukod pa doon, hindi kayo mananalo ng 1,000,000 do
Nagalit ng husto si Brandon dahil itinaya ni Jade ang buong pera nila.Humarap siya kay Tyler at nagtanong, “Anong ibig mo sabihin? Sinasabi bmo ba na wala kaming napalanunan?”Sumagot si Tyler, “Anong ibig mo sabihin na hindi nanalo? Hindi ba’t nanalo kayo ng 4,000 dollars kanina? Hindi ninyo ako puwede sisihin dahil minalas kayo.”“Ikaw! Mandurugas ka!” sigaw ni Jade, dinuduro si Tyler.Masyadong gulat si Gregory para makapagsalita.Nawala ang ngiti ni Tyler noong kinausap niya ang mga Shenton, “Gusto ninyo gamitin ang app, at hindi ko kayo pinilit. Hindi pa ako tapos magsalita kanina pero nagmamadali kayo maglaro! Walang laro na 100% ang success rate, hindi ba ninyo naiintindihan?”Hindi nakikinig si Jade. Umiyak siya at inakusahan si Tyler, “Ang bata mo pa pero dinaya mo na ako sa pera ko!”Tinginan ng mga dumadaan ang babae na inaakusahan ang bata na manggagantso.“Paano mo nagawang sisihin ang bata kung ikaw ang naglaro?”“Mukhang lima o anim na taong gulang lamang ang b
Sinabi ni Jade, “Kung mananahimik ka, hindi iisipin ng mga tao na pipi ka!”Sumimangot si Officer Peralta, “Kilala ba ninyo ang nanay ng mga bata?”“Oo, pero anong kinalaman nito?” inamin ni Jade.Ngumisi si Officer Peralta. “Nagdududa ako na sinusubukan ninyo dayain ang nanay nila sa pera niya base sa sinabi ng dalawang mga bata.”Nabigla ang mga Shentong at nagsimula magpaliwanag gamit ang mga baluktot nilang mga palusot.Hindi sila binigyan pansin ni Officer Peralta at tinanong niya si Tyler, “Mayaman ba ang nanay ninyo at kaya niyang bumili ng bahay at sasakyan?”Kumurap ng inosente si Liora. “Sir, may malaking kumpanya si Mommy. Sinubukan nila na gamitin si Mommy dahil mayaman siya.”Naluha si Liora. “Ang sama-sama nila, sir. Ang kawawa kong Mommy… Puwede mo ba kami ihatid pauwi? Natatakot ako na baka may gawin sila na masama kapag nagalit sila…”Naanting ang puso ng mga pulis.“Huwag ka mag-alala, nangangako akong ihahatid ko kayo ng ligtas sa nanay ninyo!”Napagtanto n
Pinitik ni Tyler ang noo ni Liora. “Huwag ka masyado mag-isip. Si Mommy ang aasikaso sa lahat.”Si Liora na maluha-luha ay inakusahan si Tyler, “Inaapi mo nanaman ako!”Habang nagtatalo ang dalawang mga bata, nanatiling tahimik si Axel habang nakayuko. Nilapitan siya ni Caroline at niyakap para pakalmahin.Nabigla si Axel at bumulong, “Mommy…”Nagsalita ng mahina si Axel. “Axel, sana matutunan mo na tumanggi kapag hindi narasonable ang hinihiling sa iyo. Mabuti na gusto mo tulungan ang mga nakababata mong mga kapatid, pero hindi ko rin gusto na abusuhin ka.”Hindi maganda ang pakiramdam ni Caroline na ginagamit ng mga Shenton ang anak niya.Niyakap ni Axel si Caroline at nangako habang maluha-luha, “Hindi na kita pag-aalalahin.”*Sa sumunod na umaga, nagising si Caroline sa lakas ng boses ni Brandon.Agad siyang naghanda at bumaba ng hagdan, nakita niya si Brandon na naglilivestream at tinutulungan siya ni Jade.Noong makita siya, nagsalubong ang mga galit nilang tingin.Na
Nakatanggap si Caroline ng tawag mula sa mga pulis ng 10:00 a.m. tungkol sa insidente ng sunog at tumungo sa police station.Noong dumating siya, si Officer Charlie Boyle at inalok siya ng isang baso ng kape bago naupo at nakipagusap, “Pasensiya na at natatagalan maresolba ang arson case, Ms. Shenton. Ngunit, may mga nakakapag-alalang mga aspeto ang insidente.”Humigop ng kape si Caroline, “Pakiusap, sabihin mo sa akin ang nadiskubre ninyo.”Nagtanong si Officer Boyle, “May napansin ka ba sa paligid mo na may kakaibang ikinikilos, Ms. Shenton?”Sumagot si Caroline, “Nagbigay na ng statement ang mga empleyado ko. May nakita na ba kayong suspect?”Nagbigay ng dalawang folder si Officer Boyle kay Caroline, at napansin niya ang pangalan ni Caleb at Naomi sa loob.Naguluhan ang ekspresyon niyam nagtanong siya, “Anong problema sa statement ni Caleb at Naomi?”Ipinaliwanag ni Officer Boyle, “Ang statement ng deputy manager ay kulangs a detalye, samantala ang sinabi ng secretary mo ay s
Tumigil sandali si Kenny. “Bakit ganyan ang boses mo? Naging sobrang busy ba ng company sa mga nakalipas na oras?”Minasahe ni Caroline ang mga sentido niya, “Kenny, nasunog ang factory sa araw na pinatay mo ang phone mo, at napakaraming order ang nakansela.”“Ano? Nagkaroon ng aksidente pagkaalis ko? Sinong may gawa?” sigaw ni Kenny sa phone.Inilayo ni Caroline ang phone para hindi mabingi sa sigaw ni Kenny.Inilagay ni Caroline ang phone sa speaker matapos siyang tumigil sa pagsigaw. “Hindi pa namin nahahanap ang salarin. Sasabihin ko sa iyo ang iba pa kapag nakabalik ka na.”“P*ta! Nagkaroon ng aksidente sa oras na pinatay ko phone ko. Hindi ba’t malinaw na ako ang gusto pagbintangan ng salarin?”Natulala si Caroline bago napangiti. “Puwede ko ba iassume na ikaw ang may gawa dahil ang drama ng pag-arte mo?”“Hoy, G! Hindi ako ingrata!” pagod na paliwanag ni Kenny.Patuloy siyang kinutya ni Caroline. “Bakti ka nagmamadali na patunayang inosente ka?”“Nalulungkot ako sa sina
Malamig na sinabi ni Evan, “Pakiramdam ko gusto ko bisitahin ang ama mo.”Kumibot ang mga labi ni Alex, “Sige na, gagawin ko na!”*Noong 6:00 p.m., inimbitahan ni Alex si Neil para maghapunan.Nakipagusap muna ng kaunti si Alex kay Neil pero hindi niya magawang simulan ang pakay niya.Si Neil na ang nagsalita at sinabi, “Dumiretso ka na sa punto, Alex.”Hinawakan ni Alex ang ilong niya ng awkward, “Neil, may gusto ako itanong sa iyo.”Tumango si Neil. “Sige.”Nagtanong si Alex, “Napapaisip ako. Bakit hindi kayo magkasama ni Caroline sa iisang bahay kahit na may dalawa kayong anak? Parang unfair sa mga kapwa mo childhood friends na hindi mo kami inimbitahan sa kasal ninyo, hindi mo ba naisip iyon?”Ngumiti si Neil. “Gusto mo talaga dumalo ng kasal, Alex?”“Natural, gusto ko pumunta sa kasal ng mabuting kaibigan ko. Ikaw nga naman ang nauna sa amin, hindi ba?”Kalmadong sinabi ni Neil, “Hindi pa oras.”Sinabi ni Alex, “Limang taon na, hindi ba? Hihiwalayan mo ba siya?”“Hin
Nagtanong si Alisa, “Itinuro sa akin ng pamilya ko ang lahat ng tungkol sa business management. Anong background mo?”“Wala akong formal training, pero motivated ka na matuto at galingan pa. Tama ka. Hindi sapat na ang magagandang disenyo para magtagal ako sa industriyang ito habangbuhay. Nagbabago ang aesthetic perferences sa paglipas ng panahon. Pero, naniniwala ako sa patuloy na pag-aaral.”“Sinong may sabi na titigil ako sa kasalukuyan kong mga design theories? Nagsusumikap ang lahat para magtagumpay. Hindi ba’t ang pagtaguyod ko sa TYC ay patunay doon?”Nagbago ng kaunti ang ekspresyon ni Alisa matapos ang kalmadong sagot ni Caroline.Matapos ang kaunting sandali, ngumiti si Alisa. “Kakaiba ang presensiya mo. Kailangan ko baguhin ang opinyon ko sa iyo.”“Maraming salamat sa endorsement. Welcome,” sagot ni Caroline at iniabot niya ang kanyang kamay.Masayang nakipagkamay si Alisa. “Umaasa ako sa maganda mong performance.”Samantala, isang lalake na nakasuot ng itim na suit a