Hindi na mahalaga ang paliwanag ni Clara ngayon!Pakiramdam niya nagkavirus ang laptop niya noong ikinunekta niya ito sa projector.Sumabog sa galit si Daniella, hinawakan sa bibig si Clara at sapilitang hinatak paatras ang ulo niya. “Paano mo nasabi na wala kang alam? Sinabi niya. “Sabihin mo sa akin ang totoo!”Umiyak si Clara, “Wala talaga akong alam. Baka puwede tignan ng IT department ang laptop ko—”Bago pa matapos si Daniella magsalita, sinampal siya ni Daniella. “Ikaw ang nagdala ng laptop at naghanda ng presentation! At ngayon sasabihin mo wala kang alam?”Umiyak si Clara. “Daniella, magkaibigan tayo. Puwede ka na hindi magtiwala sa akin, pero huwag mo ako insultuhin!”Natawa si Daniella. “Magkaibigan? Isa ka lang low-level employee. Humarap ka nga sa salamin! Bakit kita hahayaan dito kung wala kang talento!”Nautal si Clara, “A-Anong sinasabi mo?”Ngumiti si Daniella. “Ikaw ang mananagot dahil nagmula ang insidente sa laptop mo!”Nanginig si Clara. “A-Anong ibig mo s
Kumurap si Jade, naguguluhan. “Anong ibig mo sabihin sa followers?”Ipinaliwanag ni Brandon, “Ma, ibig sabihin magiging sikat akong influencer!”Nanatiling naguguluhan si Jade. “Ano iyon?”“Paraan iyon para kumita ng pera! Hindi mo ba nakikita ang mga tao online na nagbebenta ng mga bagay bilang influencer? Magagawa rin natin iyon! Anong malayo natin kung patuloy tayo na gagastusan ng babaeng ito sa hinaharap? Gamitin natin ang mga benepisyon na napala natin sa kanya!”Bigla naintindihan ni Jade, “So, balak mo rin magtinda online?”“Oo, puwede natin ibenta ang itlog natin sa farm, patatas at sweet potatoes!”Nasabik si Jade. “Wow, nag-aalala ako na baka masayang ang pananim natin, pero nakaisip ka ng paraan para gawin silang pera agad!”“Ma, babalik muna ako ng ilang araw para humanap ng tao na magdadala ng mga bagay dito para sa livestreaming sale! Maluwag ang bahay at madalas walang tao. Tignan mo kung interesado siyang ibili tayo ng bahay! Maganda ang villa na ito, pero avail
Napaluhod si Daniella mula sa impact, at napukaw ang atensyon ng mga tao sa paligid.Nabigla si Caroline—hindi niya inaasahan na gaganti ang mga bata para sa kanya.“Mga hayop!” sigaw ni Daniella, tumingala siya at nakita si Caroline na nakatayo sa kanyang harapan.Sinubukan tumayo ni Daniella, pero itinulak pababa ni Caroline ang balikat niya.Yumuko ng kaunti si Carolien habang malapad ang ngiti, “Aksidente kang nabangga ng mga bata. Hindi mo naman siguro ito pepersonalin, hindi ba?”Kinurot niya ng malakas ang balikat ni Daniella at tinulungan siyang tumayo. Pagkatapos, tinapik niya ang balikat ni Daniella ng mahina at sinabi, “Maging elegante ka. Maraming nanonood.”Pinilit ni Danielal ngumiti at sumagot, “Bakit ako gagawa ng eksena sa mga bata?”Ngumiti si Caroline at sumagot, “Tama. Aakyat na kami. Paalam!”Habang naglalakad palayo si Caroline at mga bata, pinigil ni Daniella ang kanyang galit. Hindi niya ito matitiis kung wala si Casey sa restaurant.Pinagpag ni Daniell
Ngumiti si Casey. “Naging maayos ba ang pagbubukas ng kumpanya ngayon?”Nagalit si Daniella ng maalala ang nakakahiyang insidente pero naitago niya ang kanyang emosyon ng maayos.“Maayos naman. Mr. Jordan, maaari ba akong maglakas loob na magtanong sa iyo?” tanong ni Daniella.Engaged siya noon kay Evan at napaisip bakit hindi siya kilala ni Casey. Ang naisip niya ay narinig man lang niya ang kanyang pangalan kahit na minsan.“Sige.”“Miyembro ka ng pamilya Jordan, tama?” prangka na tanong ni Daniella.Kumilos ang mga daliri ni Casey. “Oo, pero hindi mahalaga ang pagkakakilanlan ko para sa akin.”Sumimangot si Daniella. “Hindi mo ba ako kilala kung ganoon, Mr. Jordan?”Ipinaliwanag ni Casey, “Ipinadala ako sa abroad ng ama ko ng matagal, kaya hindi ko alam ang sitwasyon dito.”Ngumiti si Casey, tumingala at nagtanong, “May nais ka ba na sabihin sa akin?”Nagulat si Daniella sa kawalan niya ng alam. Napansin niya na parang kakaiba at hindi ipinaalam ni Evan sa kanyang kapatid
Mukhang may pinaplano si Jade, nakatitig siya ng husto sa relos ni Caroline. Pero natuwa ang ekspresyon niya ng sinabi iyon ni Caroline.Naisip niya na patas iyon—pumirma ng kontrata para sa bahay. At dahil nakapangalan sa kanila ang bahay, hindi it makukuha mula sa kanila.Ngumiti si Caroline. “Okay, maghahanda ako ng abogado. Basta pumirma lang kayo, inyo na ang bahay.”Tuwang-tuwa si Jade sa presensiya ni Caroline. “Caroline, tita mo ako. Huwag na tayong magtalo masyado—”Bago maituloy ni Jade ang sasabihin niya, nagsalita si Caroline.Matapos bumalik si Caroline sa kuwarto niya, nagmessage siya sa kanyang abogado, nagdagdag ng mga nararapat na sugnay sa kontrata.*Sa sumunod na araw, aksidenteng nakasalubong ni Caroline si Brandon noong paalis na siya. Mainit ang pagbati ni Brandon matapos niya sabihin na ibibili sila ni Caroline ng bahay. “Mauuna na muna ako bumalik sa bahay namin, Caroline!”Ngumiti si Caroline. “Ingat.”“Hehe, magdadala ako ng mga regalo dahil magiging
Sa Xander Residence.Nakita ni Daniella si Grayson sa sofa, malungkot ang mukha niya, habang si Neil ay nakaupo sa kabila. Tinignan niya si Neil at marahil pinapagalitan siya ni Grayson.Dahan-dahan siyang bumaba mula sa hagdan.Narinig ni Grayson ang mga yabag niya, at humarap si Grayson sa kanyang direksyon at sumigaw, “Bumaba ka dito, ngayon din!”Nabigla si Daniella at nagtanong, “Ako ba ang tinutukoy mo, Lolo?”“Sino pa ba ang tinutukoy ko?” malakas ang boses ni Grayson.Habang palapit siya kay Grayson, bumilis ang tibok ng puso niya. Nagtanong siya ng mahina, “Anong problema, Lolo?”Naghagis ng mga litrato si Grayson kay Daniella.Nakakalata ng mga litrato sa sahig, ipinapakita ang mga malalaswang litrat—lahat may kinalaman sa kanya.Namanhid ang katawan ni Daniella, hindi niya makontrol ang panginginig ng katawan niya.“Paano mo ito balak ipaliwanag? Kakasimula lang ng sarili mong kumpanya, pero alam na ng mga empleyado ang iskandaloso mong nakaraan!” malupit ang boses
Natawa si Grayson. “Lagi mo itong sinasabi, pero kailan mo ba tinupad ang pangako mo? May namatay dahil sa iyo sa pagkakataong ito!”Nanginig ang katawan ni Daniella. “Susundin ko na ang utos mo at hihingi ng pahintulot mula sa iyo sa susunod, Lolo. Pakiusap iligtas mo ako!”Nairita ng husto si Grayson sa walang tigil na pag-iyak ni Daniella. Bumuntong hininga siya at sinabi kay Neil, “Hayaan mo na ang bagay na ito at umarte na parang wala kang narinig.”Isinara ng mahigpit ni Neil ang mga kamao niya pero nanatiling kalmado. “Sige, naiintindihan ko. Babalik ako para tumulong sa birthday party. Paalam!”Matapos umalis si Neil, may tinawagan si Grayson para kuwestiyunin at parusahan ang mga bodyguard ni Daniella. Ang plano niya ay siguruhin ang kaligtasan ni Daniella.*Nakasalubong ni Paige si Alex sa sasakyan niya noong umalis siya ng trabaho ng gabi na.Hinihintay ni Alex si Paige mula sa kanyang sasakyan ng matagal na. Noong makita niya si Paige, mabilis siyang bumaba mula sa
Noong pumasok si Paige sa bahay, nakarinig siya ng boses ng dalawang hindi kilalang tao.“Ma, hindi ako pinapayagan ng dalawa masamang bata na maglaro ng kahit na ano,” reklamo ni Gigi.“Anong ayaw nila ipahiram sa iyo?” tanong ni Jade.“Ang laptop at tablet! Ayaw ipahawak sa akin ni Tyler! Hindi daw ako nararapat,” iyak ni Gigi.Nagalit si Jade. “Kalokohan ito! Tara, akong bahala!”Nilisan nila ang living room at nakasalubong si Paige.Nagulat si Paige. Napaisip siya, “Anong sinasabi ng batang ito? Sinabi ba niya na ayaw ipahiram ni Tyler ang laptop niya? Walang maaari humawak sa laptop ni Tyler, pero gusto niya na kunin iyon ng sapilitan ng anak niya?”“Mukhang hindi mabait ang taong ito na nagsabi ng kalokohan? Sinong gumagawa ng kalokohan dito sa pamamahay ng ibang tao, huh?!” sa isip niya.Galit na nga si Paige, at lalo pa siyang nagalit ng mapagtanto na aapihin si Tyler.Pumasok siya sa bahay at sinabi, “Dyan lang kayo!”Naguluhan na tinignan ni Jade si Paige. Sinabi ni