Iba ang ugali na ipinakita ni Liora habang kumakain sa hapunan kasama si Tyler at Draco, hindi siya gumawa ng gulo.Naguluhan si Draco sa mabilis na pagbabago ng ugali ni Liora.“Pagod ka na ba umiyak, Lia?” maalagang tanong ni Draco.Tumagilid ang ulo ni Lia habang nakatingin kay Draco. “Oo, pagod na ako umiyak, pero hindi ko maipapangako na hindi ako iiyak ulit.”Natulala si Draco. “Anong ibig mo sabihin?”Sinabi ni Liora, “Iiyak ako kapag hindi dumating si Axel. Hindi ako iiyak kapag nandito si Axel para makipaglaro.”Sinunod ni Liora ang utos ni Tyler na bigyan ng diin ang pag-uusap nila.Sinabi ni Draco, “Iyon lang ba? Gusto mo na pumunta si Axel para makipaglaro sa iyo?”Sumagot si Liora, “Oo, gusto ko si Axel.”Tinignan ni Draco ang oras at sinabi, “Mukhang gabi na para pumunta siya dito.”Agad na ngumuso si Liora, at naluha. “Hindi ko pa nga siya tinatawagan pero sinasabi mo na agad na hindi siya pupunta!”Sumakit ang ulo ni Draco sa pag-iyak ni Liora na tumagal ng b
“Hindi ko sila mga anak!” paliwanag ni Evan.Hinawakan ng mahigpit ni Liora ang kamay ni Tyler at mahinang sinabi, “Tignan mo, hindi lang masamang tao si Daddy pero mahina din ang isip!”Hindi nagsalita si Tyler, pero napaisip siya habang nakatitig sa mga labi ni Evan.Natulala si Draco. “So, nag-imbestiga ka na din, huh?”Sasagot sana si Evan ng tumawa si Draco. “Hindi ko lubos akalain na matalino ang tingin mo sa sarili mo! Kamukha mo si Tlyer pero ang sinasabi mo ay hindi mo siya anak?”Mukhang naiinis si Evan. “Anong klaseng pagkakamali maaaring magkaroon ang DNA test?”Humigop ng kape si Draco. “Hindi mahirap na linlangin tayo ng mga tao na natatakot makuha mula sa kanila ang kustodiya ng mga bata. Kaya, nagpabili ako ng DNA testing equipment para masiguro na tagapagmana sila ng pamilya natin!”“Kustodiya?” sumingkit ang mga mata ni Evan. “Maaari kayang may inupahan si Caroline para palitan ang resulta?” naisip niya.Posible na magawa niya ito dahil sa dami ng mga koneksyo
“May ibang mga paraan din. Puwede mo makasama si Evan,” sambit ni Neil.“Makikita ko na lang ba ang mga anak ko kapag naging kami ulit ni Evan?” napaisip siya.Pinilit ngumiti ni Caroline ng mapait, nahihirapan na kalimutan ang mga sama ng loob niya.*Sa sumunod na tanghali, binisita ni Alex si Evan sa MK. Ngumisi siya sa oras na pumasok siya at makita ang mukha ni Evan.“Evan, talagang bumaba ka sa lebel nila at nakipagaway? Sino ang mas malakas?” tanong ni Alex.Tinignan ni Evan si Alex. “Ang daldal mo.”Pinigil ni Alex ang ngiti niya at naupo sa sofa. “Hulaan ko! Uh… Si Neil ba ito?”Naging seryoso si Evan. “Okay lang sa akin na makipagkita sa ama mo para sabihin na masyado kang nababagot sa trabaho mo!”“Sinusubukan kita tulungan umisip ng plano. Tumigil ka na sa pagiging walang puso,” sambit ni Alex.Ngumisi si Evan. “Kailangan ba kita para umisip ng plano para sa akin?”Sinabi ni Alex, “Siyempre… hindi. Oo nga pala, maraming magandang kuwalidad na lalake sa paligid ni
Pumili sila ng mamahalin na restaurant.Sa oras na nakaupo na sila, iniabot ni Daniella ang business card niya sa lalake. “Ito ang card ko. Ako si Daniella Love.”Tinanggap niya ng nakangiti ang card niya. “Ah, ikaw ang chairwoman ng YN, ang bagong simula na kumpanya.”“Hindi ito espesyal,” sagot ni Daniella, inilagay niya ang kanyang buhok sa likod ng tenga. “Maaari ko ba malaman ang pangalan mo?”“Ako si Casey Jordan.”“Casey… Jordan?” nabigla si Daniella. “Ang nakatatandang kapatid ni Evan?” sa isip niya.Naalala niya na sinabi ng lolo niya ang tungkol kay Casey noon.Noong napansin ni Casey ang gulat na ekspresyon ni Daniella, panandaliang nakita ang hamak sa mga mata niya.“May problema ba, Ms. Love?” tanong ni Casey.“Hindi, nagkataon lang…” sinabi ni Daniella, matapos ayusin ang kanyang sarili.*Samantala, nasa meeting si Caroline kasama ang sales team, at planning department ng TYC.Inulat ng sales manager, “Ang sales revenue natin ay humigit na sa 100,000,000 doll
Nasaktan ng husto si Caroline ng makita ang mga empleyado na nakaupo sa sahig, gulat sa sunog na nangyari sa factory.“Kailangan nila ng oras para makarecover at hindi magiging madali ang makahanap ng trabaho pagkatapos nito,” sambit ni Caroline.Sumangayon si Naomi.Kumilos si Caroline, inutusan ang mga bodyguard niya na tulungan ang may mga pinsala para dalhin sa kalapit na ospital at pigilan ang mga journalist na idokumento ang insidente. Nanatili siya sa tabi ng mga may pinsalang mga empleyado, pinaguusapan ang tungkol sa compensation.*Sa MK.Pumasok bigla si Reuben sa opisina ni Evan.“Mr. Jordan, may kinakaharap na krisis ang kumpanya ni Ms. Shenton!” inilagay ni Reuben ang tablet sa harap ni Evan, ipinakita ang video ng sunog sa factory.Naging malagim ang ekspresyon ni Evan ng makita ang tindi ng sunog at makapal sa usok sa kalangitan.“Anong sitwasyon?” tanong niya.“Hindi pa alam ang sanhi ng sunog, pero dinala na sa ospital ang mga may pinsala na empleyado. Inaas
“Noted,” sagot ng babae.“Mag-ingat ka para hindi ka mahuli,” kaswal na paalala ni Daniella.“Alam ko ang limitasyon ko,” sagot ng babae bago ibinaba ang tawag.Inihagis ni Daniella ang kanyang phone sa lamesa, malinaw na naiinis.“Isa lang itong simpleng paalala. Wala na akong pakielam kapag nahuli ka,” inisip niya.Basta hindi siya malamangan ni Caroline, walang pakielam si Daniella sa buhay ng iba. May sarili siyang mga bagay na dapat asikasuhin.“Casey…” namula siya habang inaalala si Casey.Nakahihigit siya ng husto kay Evan. Kahit na mahigit sa 40 taong gulang na siya, kapantay niya ang mga lalakeng artista!Titigil na siya sa pagkakaroon ng pakielam kay Evan kapag nakuha na niya ang loob ni Casey. Alam niya na mas pabor si Draco sa nakatatanda niyang anak kaysa kay Evan. Bukod pa doon, mas madali niyang matatalo si Caroline kapag nakipagtulungan siya kay Casey.Nasasabik na tumawa si Daniella habang tinitignan ang balita tungkol sa TYC.Bigla, may isang post na nakapuk
Kalmadong nagsalita si Naomi, “Ms. Shenton, “Inaasses ko lang objectively ang sitwasyon.”Si Caroline, malinaw na galit, ay sumagot, “Depende din ito dapat sa tao! Sa tingin mo ba hindi ko alam kung anong klaseng tao si Kenny?”Natahimik si Naomi at tinitigan si Caroline.Napansin ni Caroline na nagalit siya agad lalo na ng maging tahimik sa kuwarto.“Pasensiya na, Naomi. Naappreciate ko ang analysis mo, pero masyadong overwhelming para sa akin ang araw na ito. Ngunit, hindi ganoon si Kenny, sana mapagkatiwalaan mo siya tulad ng tiwala ko sa kanya.”Tumango si Naomi. “Naiintindihan ko, Ms. Shenton. Gagawin ko ang best ko para makasundo siya.”Tumango si Caroline. “Puwede ka na umuwi.”“Sige.”Noong lumabas ng opisina si Naomi, minasahe ni Caroline ang mga sentido niya, drained ang pakiramdam niya.*Noong hating gabi, nakatulog si Caroline sa desk niya.Bigla, may matangkad na pigura ang nagpakita sa entrance ng opisina. Tahimik siyang pumasok at nakita ang maliit na blanket
Kinuha ni Draco ang ulat at tumingin sa huling pahina, sumimangot siya ng mabasa ito. “Ang hinihinalang ama ay hindi tugma sa tinest na bata.”“Paano ito naging posible?” sambit niya.Naguluhan din ang doktor dahil magkamukha si Evan at Tyler pero hindi sila mag-ama. Gayunpaman, wala siyang makitang malis a resulta. Dinoble niya ang check at siya ang unang nakatanggap ng report.Nag-aalinlangan na sinabi ng doktor, “Possible na magkamukha lang sila—”“Huwag ka na magsalita. Bodyguard!” galit na sinabi ni Draco.Pumasok ang bodyguard agad.Nagtiim bagang si Draco. “Ihatid sa bahay ang mga bata!”Nagtanong si Bernard, “Natutuwa ka sa mga bata, sir. Hindi mo ba sila hahayaan na manatili pa ng matagal dito?”“Para saan? Mukha ba akong magpapalaki sa anak ng iba ng walang dahilan?” sigaw ni Draco.Tumango si Bernard at sinabi, “Tama ka, sir. Ipapahatid namin sila agad.”“Yes, sir!” sagot ng bodyguard.Sa ibaba, natuwa ang mga bata ng marinig ang sigawan.Sinabi ni Axel, “Ty at L