Home / Romance / Toyang (Eraserheads Series #1) / Toyang (Eraserheads Series #1)

Share

Toyang (Eraserheads Series #1)
Toyang (Eraserheads Series #1)
Author: Illinoisdewriter

Toyang (Eraserheads Series #1)

last update Last Updated: 2021-05-22 16:58:49

This is a fictional work. Characters, places, and events are either created by the author or used to make the story a simulated one. If similarities of actual persons and actual incidents are discerned, it is merely coincidence.

Bear in mind that plagiarism is a serious crime and it is punishable by the law which anchors on the Republic Act No. 8293, known as the "Intellectual Property Code of the Philippines".

♥♥♥

Ako nga pala si Antonnia Yulliene Villa. One-half Bisaya, one-half Ilongga, and 99.9% NBSB.

(08)036- 024- 36

Nakakalungkot mang aminin pero hindi 'yan ang vital statistics ko. Telephone number ng bahay namin 'yan.

Wala lang.

In case may gustong umakyat ng ligaw. Chaar.

Pero seryoso, kung may balak kayo, tumawag muna kayo para maitali ko nang maigi ang bulldog naming si Djangga. Ilang magnanakaw na rin kasi ang napaospital namin dahil ang hilig manlapa ng bitch.

P. S. I-uupdate ko lang 'to kapag may progress na ang love life ko. Uunahan ko na kayo, pasensya na kung slow haha.

Xoxo,

Toyang

♥♥♥

"You may kiss the bride," announced the priest and I tried my very best not to shout in so much excitement.

Inangat ko na lang iyong panyong hawak ko at siningahan saka pinunasan ang mga luha ko.

Grabe, mas nakakaiyak pa pala 'tong eksenang 'to kaysa palitan ng vows kanina.

"Antonnia, umayos ka," mahinang banta ni mama sabay bahagyang tulak niya pa sa akin gamit ang beywang niya.

Mabuti na lang medyo chubby si oks kaya hindi niya ako napagalaw sa pwesto ko.

"Hindi mo naman kailangan suminga nang malakas. Isa pa, mas malakas ka pang umiyak sa Tiya Geneva mo. Kasal ng anak mo?" panunukso niyang sinamahan niya pa nang panlalaki ng mga mata.

"Ma, parang best friend ko na rin si Ate Georgina. Tears of joy 'to."

Kasal ng pinsan slash best friend ko sa long-time boyfriend niya ngayon. Mahigit four years din sila tapos ang bongga pa ng kasal, talagang pinaghandaan.

Sana ako naman ang susunod... Char.

Wala nga pala akong boyfriend.

"Toyang, kain ka nang marami ha. Huwag kang mahihiya," nakangiting sabi ni Tiya Geneva sa akin na kapatid ni papa nang lumapit siya sa banda namin.

I nodded vigorously, agreeing and thanking her at the same.

Naagaw ng handang valenciana ang atensyon ko. Naalala ko tuloy si Ate Georgina. Naging paborito niya ito simula nang sinama ko siya sa Negros sa probinsya nina mama kaya siguro pinahanda niya rin ito ngayon. Kukuha na sana ako no'n nang biglang pigilan ni mama ang kamay ko.

"Akala ko ba diet ka?"

"Ma, naman. Cheat day ko ngayon," depensa ko naman.

Narinig ko namang tumawa ang nakakabatang kapatid kong si Lucho na freshman na sa college sa kursong Information Technology sa tabi ko.

"Happy?" baling ko sa kanya.

"Ikaw, Toyang ha. Paano naman maaakit sa'yo ang lalaki niyan kung... kung..."

"Ma, chubby lang ako! Hindi ako balyena!" giit ko kay mama bago niya pa maibagsak ang bomba.

"Oo nga, ma. Hayaan mo na si Manang Toyang. Hanggang may pagkain kakain 'yan saka hindi ba love naman 'yong tanggap ka kahit anong laki at bigat mo," sabat ni Don na kasunod ko. Graduating naman siya sa Criminology this school year.

"Dadagdagan ko baon mo bukas," nakangiting sabi ko sa kanya sabay fist bumped.

"Nice!" tuwang-tuwang aniya.

"Naniwala ka naman d'yan sa kapatid mong babaero. Kung gusto mo ng payong totoo, roon ka sa loyal."

"Siyempre po. Gano'n din sabi ni papa, e. Tanggap ka nga raw niya kahit pa ang bungangera niy-"

"Ano?! Julian! Ano 'tong pinagsasasabi mo sa anak mo?! Ako bungangera?! Kailan pa?!" Tumalikod na si mama at nilapitan si papa.

Napapikit si papa at tumayo na saka sinalubong si mama. "Donna, kumalma ka muna..."

Napahagikhik na lamang kami ni Don. Tapos nagpaalam siyang lalapitan muna ang ibang mga pinsan pa namin na kasama ni Lucho sa isang table.

I smiled when I saw Ate Georgina at the center table with her husband. They're so perfect to look at with those smiles on. Sa tuwing nahuhuli nila ang tingin ng isa't isa ay napapangiti sila na parang mga teenagers na kinikilig.

Napabuntong-hininga na lamang ako at sinubo nang buo ang isang puto.

Naiinggit ako.

Ate Georgina's 26 years old now. Ako naman 24. Kung gagawin ko ang math, 22 pa siya nang maging sila ni Benedict.

Aral ako nang aral noong college pa ako para ma-maintain ang full academic scholarship ko nang sa ganon ay walang mabayaran ang mga magulang ko ni kusing sa tuition ko kasi walang-wala rin kami, e. I didn't regret focusing on my studies, though. Kasi kung hindi ako nagseryoso hindi ako magiging Summa Cum Laude at magkakaroon ng magandang trabaho na kaliwa't kanan. Nakapagpatayo na rin ako ng simpleng bahay namin sa lupang nabili ko rin at lumago na rin iyong barbecue station ni papa na ipinundar ko.

Lord, love life na lang talaga ang kulang. Beke nemen.

It really hurts talaga ang tumandang dalaga at mag-isa tapos chubby pa.

Napangiti ako nang marealize ko kung ano ang tugtog ngayon.

"Mahal ko si Toyang

'Pagkat siya'y simple lamang

Kahit namomroblema,

Basta't kami ay magkasama..."

Sana mahanap ko na talaga iyong makakasama ko.

•|• Illinoisdewriter •|•

Author's Note:

This will revolve around the story of Toyang, a part-time Creative Writing teacher and radio DJ, who's still NBSB at the age of 24. Grumaduate with Latin Honors, nagpakulay ng ash blond, at nagwowork-out para pumayat sa pag-asang hindi na siya tatandang dalaga. A tale of dreams, hardwork, hope, family, and of finding love. Walang may anak ng CEO rito, walang nabuntis at amang tinaguan ng baby, at walang powers at kakaibang mundo. Just a normal girl living a simple life with a typical Filipino family and a whole lot of lessons and laughter. ♥

Comments (1)
goodnovel comment avatar
ReghDR
hay salamat at least kakaibang storya nman. ung malapit sa realidad. salamuch po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Toyang (Eraserheads Series #1)   Prologue

    Author's Note: Although the setting of this story is in Cagayan de Oro City and Opol, Misamis Oriental, please be reminded that Toyang's location and residence is entirely fictitious. However, its description matches my coastal town in Negros Oriental. Enjoy!Prologue"Wazzup, mga tutubi! Welcome to another episode of my simple life, and for today's vlog, I will be surprising my family with good news. Katatapos lang po ng deliberation namin ng mga nominees for Latin Honors at gagraduate po ako bilang

    Last Updated : 2021-05-22
  • Toyang (Eraserheads Series #1)   01 Toyang

    "Good afternoon, CdeO," I fervently greeted on air."Time check, it's fifteen minutes after four. Cheers to another day of replaying our favourites from the '90s with your one and only fabulously fancy DJ Toyang. Cagayan de Oro is getting a lot colder these days, maybe because I'm still single... charot!" I partnered that one with some laughter, doing this will make your listeners more comfy and at ease."Our first song is for all the singles out there who do not feel single at all because they have the best of friends. Here's Growing Up by Gary Valenciano on MOR, my one and only radio... for life!" The song started playing right after my spiel.I went to the station after my 3:00 PM class. My sched on-air is 4:00 PM- 5:00 PM daily except for Monday and Tuesday. Most of us in the station also have Sunday as our general day-off.Sa local franchise, I'm a radio

    Last Updated : 2021-05-22
  • Toyang (Eraserheads Series #1)   02 Toyang

    Guys, send niyo na 'yong reflection niyo. Iyon na lang ang kulang.Deadline na ngayon.I waited for my remaining group mates to send me their reflections but none came. I glanced at the wall clock.Isang at kalahating oras na lang.I heaved a frustrated sigh and worked on their reflections. Kailangan ko nang masubmit 'to ngayon. Bahala na si Batman.Pagkatapos kong gawin ang mga reflection nila at ang buong portfolio namin sa NSTP ay naghanda na agad akong pumasok kasi ipapa-print ko pa ang mga iyon saka ipapasa bago ang deadline."Magkano po lahat, ma'am?" tanong ko sa nag-aayos ng mga printed copies

    Last Updated : 2021-05-22
  • Toyang (Eraserheads Series #1)   03 Toyang

    ____________________________________DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVillaToyangTalks: Love is the fruit of concern from the seedling of "I care". xoxo___________________________________"Ma, hindi pa po kayo tapos d'yan?" tanong ko agad kay mama paglapag ko ng backpack sa may kawayang upuan namin.Kararating ko lang galing sa eskwela at pasado alas-kwatro na ng hapon pero naglalaba pa kasi siya. Nag-alala naman ako nang marinig ang pag-ubo niya kaya nilapitan ko siya agad."Babanlawan ko na lang ang mga 'to tapos isasampay ko na sa taas," aniya sabay punas ng kanang kamay niya sa suot na daster."Ako na po tatapos niyan," alok ko pagkatapos magmano."Naku, hindi na. Ako na rito. Mag-aral ka na lang d'yan."

    Last Updated : 2021-05-22
  • Toyang (Eraserheads Series #1)   04 Toyang

    ____________________________________DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVillaToyangTalks: Didn't know there are sweeter words than, "I love you". xoxo___________________________________NAPAHILOT AKO SA sentido ko habang kausap sa cellphone si Don."Nang, pasensya ka na talaga. Kailangan ako ni Sasha sa pageant niya ngayon."Hindi niya ako masusundo sa trabaho at ala-sais na ng gabi nang tumawag siya para ipaalam sa akin iyon.Sa halip na magalit ay napabuntong-hininga na lamang ako."Oh, sige. Basta umuwi ka agad pagkatapos mo r'yan, Don. Huwag kang magpapagabi kasi may pasok ka pa bukas."

    Last Updated : 2021-05-31
  • Toyang (Eraserheads Series #1)   05 Toyang

    _________________________ DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVilla Oplan Fat to Fit Toyang starts now. xoxo _________________________ PAGKAGISING KO AY ang matinding sakit ng ulo agad ang bumungad sa akin. Pagbaba ko ng kwarto at pagpunta sa kusina namin ay umismid agad si mama pagkakita niya sa akin. Pag-upo ko ay inilapag niya rin iyong kapeng tinimpla niya para sa akin. Tinuko ko ang mga siko sa ibabaw ng lamesa saka minasahe ang masakit kong ulo. Ito siguro 'yong tinatawag nilang hangover. Lord, hindi na Po ako uulit... "Masakit?" sarkastikong tanong ni mama sabay baba ng badehadong fried rice sa lamesa. "Ang sakit ng balikat ko," hayag naman ni papa paglapit niya sa amin sa dining area para mag-almusal. Mukhang tulog pa ang dalawa kong kapatid. Kaagad namang naghila ng upuan si mama para alalayang

    Last Updated : 2021-06-03
  • Toyang (Eraserheads Series #1)   06 Toyang

    "TOYANG, GISING!" Naalimpungatan ako sa malakas at walang humpay na yugyog sa akin ni mama. "May baha! Diyos ko, bumangon ka na!" paghihisterikal ni mama habang natatarantang ipinapasok sa loob ng orocan drum ang ilang mga damit namin. Tumayo ako sa kama ko at iniligpit iyon. May tagas na naman ba 'yong hose namin kaya bumaha na naman? Kahit ba naman dito sa apartment na bago may gano'n din? "Donna! Donna! Nasaan na ang mga bata?!" sigaw ni papa sa labas ng kwarto namin bago pumasok at tinulungan si mama sa pagliligpit. "Nasa kabila sina Don at Lucho. Kukunin ko muna sila," ani mama. "Hindi ko na makuha iyong multicab. Patay na 'yong makina. Naabot na no'ng baha," si Papa. Nagmamadaling lumabas si mama ng kwarto. Kumunot ang noo ko. Hindi ko sila makuha. Para silang mga aligaga na natatakot na hindi ko maintindihan...

    Last Updated : 2021-06-04
  • Toyang (Eraserheads Series #1)   07 Toyang

    ________________________ DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVilla Doesn't mean I've never been into a relationship, I'm not capable of understanding love... ________________________ NAKATAAS ANG ISANG tuhod ko at nakapatong naman do'n ang isang binti ko habang nakahiga sa may treadmill at nagso-scroll sa social media ko. "Akala ko ba mag-e-exercise ka?" tanong ni mama. Sinilip ko siya saglit sa gilid ko kung saan siya nakatayo. Nakapameywang pa siya gamit ang dalawang kamay. Binalik ko ang atensyon sa cellphone bago siya sinagot. "Water break muna, ma." "Anong water break? Twenty minutes sa treadmill tapos thirty minutes water break?" Napahagikhik ako. Bilang na bilang ni mader. "Babalik na ako, ma. Saglit lang." "Manang, huwag mong higaan 'yong treadmill. Baka

    Last Updated : 2021-06-05

Latest chapter

  • Toyang (Eraserheads Series #1)   Signing Off

    This is the special chapter. This is a compilation of AleYang (Alekhine & Toyang) and CanCho (Candy & Lucho) untold moments. Happy reading! ____________________________ DJ/Atty. Toyang🐨@AntonniaYulliene This is Atty. Antonnia Yulliene Villa-Alonzo a.k.a DJ Toyang signing off. xoxo___________________________ TOYANG AND DONNA just arrived from the salon. As a reward for Toyang for ranking third overall in the whole eleventh grade, Donna had Toyang’s hair rebonded and thick eyebrows threaded. Kaya ngayon ay gandang-ganda ang dalaga sa sarili niya habang nakatitig sa salamin at hindi maalis-alis doon. “Toyang, kanina pa kita tinatawag!” hayag ni Donna sabay nagmamadaling bumaba sa hagdanan nila. “Hindi ko po narinig, ma.” “Paano mo naman maririnig? Kanina ka pa tingin nang tingin d’yan sa sarili mo sa salamin.” Hindi alam ni Toyang kung anong konek no’n pero n

  • Toyang (Eraserheads Series #1)   Alekhine

    This will be the end, and the next update will be the special chapter. I would like to take this time to express my heartfelt gratitude to everyone who reached this far. Thank you, thank you so much! Thank you for allowing me to share bits of my personal life in this space. Yes, almost all of the flashbacks except for the last one were from my real-life experiences. This was the reason why writing Toyang also feels like writing an autobiography. She is me and the person I aspire to be. I hope that her (my) story of hard-earned triumph inspired you to work diligently and passionately while holding on to your faith in God. This chapter will be told in the third person’s point of view and through Alekhine’s perspective. Sa uulitin, maraming salamat sa pagsama sa aking makitawa at matuto sa simpleng kwento ng buhay ni DJ/ Atty. Toyang. SA KANILANG MALIIT na tahanan, bandang alas cuatro ng umaga ay narinig ni Alekhine ang mumunting hagulhol ng kanyang amang karar

  • Toyang (Eraserheads Series #1)   30 Toyang

    ____________________________ DJ/Atty. Toyang🐨@AntonniaYulliene Forgiveness, just like love, takes time. It’s a consistent process of exerting efforts and sacrifices to prove that you are worthy of it. ___________________________ DAY OFF KO sa firm ngayon kaya ako na ang maghahatid-sundo kay Eheads sa araw na ito. “Baby bear, suotin mo na itong sombrero mo para makapunta na tayong school.” Agad namang lumapit ang anak ko sa akin kaya isinuot ko na sa kanya iyong teddy bear niyang bucket hat at brown We Bare Bears na backpack naman sa balikat niya. Eheads was already in the first grade. Masunuring bata naman siya. Medyo makulit pero masipag din naman. Perfect combination talaga ng attitude namin ni Alekhine. I locked our condo unit when we left and then I held Eheads’ hand as we walked towards the elevator. Mag-co-commute lang kami ng anak ko. Alekhine insisted that I should have m

  • Toyang (Eraserheads Series #1)   29 Toyang

    ____________________________ DJ/Atty. Toyang🐨@AntonniaYulliene From DJ Toyang to Atty. Antonnia Yulliene Villa-Alonzo 🎉___________________________ KABADONG-KABADO AKO SA para bukas. Unang araw kasi ng BAR at kahit anong paghahanda ang gawin ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin sasapat ang mga iyon para masabing handa talaga ako. “Nahanda mo na ba lahat para bukas?” tanong ni Alekhine habang tinutulungan akong magligpit ng mga gamit ko. Sinamahan niya na naman kasi akong mag-review para sa BAR bukas. “Ga, kaya ko kaya ‘to?” sa halip ay tanong ko pabalik sa kanya. I even remembered promising him of an unprotected sex before the BAR pero mukhang malabo na talagang mangyari iyon dahil iyong kaba ko ngayon ay abot langit na. Mabuti na lang talaga at pinagpala akong lubos sa asawa ko dahil napakamaintindihin niyang tao at partner. “Ga, next year na lang kaya ako mag-take?

  • Toyang (Eraserheads Series #1)   28 Toyang

    ____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene Eraserheads V. Alonzo Yes, that’s my baby! xoxo___________________________ IT’S BEEN ALMOST five years since Alekhine and I decided to tie the knot. We were married even before I gave birth to our son. Simple lang iyong wedding gaya nang ni-request ko. I want to make it intimate. Hindi na baleng hindi engrande basta ay makasal ako sa lalaking mahal ko. Alekhine wanted to make it grand. I refused and told him that we should save the money for our future plans, my nearing labor included. Mahaba-habang suyuan din ang nangyari dahil gusto talaga ni Alekhine na bigyan ako ng engrandeng kasal dahil may pera naman daw siya. Saka ko pa lang siya napapayag nang sabihin kong pwede naman kaming ikasal ulit kapag naging abogado na ako para ma-defend ko iyong pagmamahal ko para sa kanya. Kinilig naman si Alekhine. Akala niya ay hindi k

  • Toyang (Eraserheads Series #1)   27 Toyang

    ____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene Two plus one equals three hehe xoxo___________________________ KAGIGISING KO PA lang pero bad trip na bad trip na ako. Pagbaba ko kasi mula sa kwarto ko ay iyong malakas na tugtog ng kung anong rap song na ang nabungaran ko na sinasayaw naman ni Lucho sa may sala. Basta may Neneng B-Neneng B roon. Ewan ko nga ba sa batang ito at kung anu-ano na lang talaga ang kinahihiligan. “Lucienne Cholo, ang ingay-ingay! Susko!” saway ko sa kanya. He switched off the music player and unplugged it. Inakbayan naman niya ako habang papunta kami sa may dining area. Nakow… mukhang may kailangan na naman ‘tow… “Manan—” “Utang na loob, Lucho. Nagugutom ako. Baka makain kita nang buhay. Huwag muna ngayon.” Humagikhik naman siya binitawan ako. Nagsimula na akong maghalungkat ng mga gamit namin sa kusina para magtimpla ng kape ko.

  • Toyang (Eraserheads Series #1)   26 Toyang

    26 Toyang ____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene There were places no matter how big, you still couldn’t fit, and it’s simply because you were not meant to become part of them.___________________________ PANAY ANG PABALIK-BALIK ko ng lakad sa may karinderya namin habang kausap ko sa phone si Alekhine. He was asking me to meet his grandparents this Saturday. They invited us over dinner. It’s still Wednesday but I’m already scared and nervous for the occasion. “Antonnia, pwede ka naman sigurong maupo habang nakikipag-usap kay Alekhine, ha, no?” saway ni mama sa akin. “Nahihilo ako sa ‘yong bata ka.” Naupo na ako sa may de-kahoy na bench ng isang table namin at nilipat sa kabilang tenga ko ang phone bago nagpatuloy sa pakikipagkausap kay Alekhine. “What if they don’t like me?” “They want to see you. I guess, you were able to i

  • Toyang (Eraserheads Series #1)   25 Toyang

    ____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene Ahmm… meet the mother is really happening 😳___________________________ I REALLY COULDN’T hide my happiness and excitement when Alekhine arrived home. Nakahanda na iyong hapunang niluto ko at cake na pagsasaluhan namin. I fired the confetti gun the moment he opened the door of his condo unit. Siyempre ay handang-handa ako sa pagbubunyi sa pagdating niya. Noong una ay nagulat siya pero mayamaya rin ay napahalakhak na siya sa tuwa. “Home sweetie home, pangga! Na-miss kita!” pambungad na bati ko sa kanya bago ko siya nilapitan. I was so close to reaching him when I slipped because I stepped on the confetti leftovers scattered on the floor. “Toyang!” nag-aalalang sigaw niya at agad akong dinaluhan at tinulungang makatayo. “May masakit ba sa ‘yo?” Napahalakhak naman ako sa katangahan ko habang alalang-alala naman i

  • Toyang (Eraserheads Series #1)   24 Toyang

    ____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene From Singapore to Cdeo, alabyow! xoxo___________________________ I DIDN’T COME with Alekhine to Singapore. Aside sa nahihiya at natatakot ako ay pakiramdam ko na hindi pa ako handa para harapin sila. Hindi pa panahon para pagtagpuin kami. I felt like this time was solely reserved for Alekhine to meet his biological mother and to know and get close to his Chinese roots. Tumulong ako sa pagsasara ng karinderya at tindahan namin nang gumabi na kasi wala naman akong masyadong ginagawa. Summer pa rin kaya wala rin akong klase. Balak ko na sanang mag-apply bilang college professor soon kasi may professional education naman na ako. “Lucho, kunin mo nga muna iyong mga hanging plants kong nakasabit d’yan sa may gate,” utos ni mama sa kapatid ko. “Ma, hindi naman ‘yan mawawala d’yan.” “Basta kunin mo na lang. Mabuti nang maka

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status