________________________
DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVilla
Doesn't mean I've never been into a relationship, I'm not capable of understanding love...
________________________
NAKATAAS ANG ISANG tuhod ko at nakapatong naman do'n ang isang binti ko habang nakahiga sa may treadmill at nagso-scroll sa social media ko.
"Akala ko ba mag-e-exercise ka?" tanong ni mama.
Sinilip ko siya saglit sa gilid ko kung saan siya nakatayo. Nakapameywang pa siya gamit ang dalawang kamay. Binalik ko ang atensyon sa cellphone bago siya sinagot. "Water break muna, ma."
"Anong water break? Twenty minutes sa treadmill tapos thirty minutes water break?"
Napahagikhik ako. Bilang na bilang ni mader.
"Babalik na ako, ma. Saglit lang."
"Manang, huwag mong higaan 'yong treadmill. Baka
PAGKATAPOS KONG IBALIK sa natural na kulay niya ang buhok ko ay nagbihis na agad ako ng simpleng puting tee shirt na tinuck in ko sa bulaklakin kong midi skirt. Linggo ngayon at hapon na nang matapos ako sa pagkukulay ng buhok kaya magsisimba na ako. I had to return my black-colored hair because I am a teacher. Bawal ang colored hair sa institution namin so I had to set myself as an example to my students. Dapat ay maging law-abiding ako para sundan at maging magandang ehemplo nila. Kinuha ko iyong malaki kong pitaka at inilagay doon ang cellphone ko saka nagdala na rin ng payong. Paglabas ko sa tindahan slash karinderya namin ay nandoon sina mama at papa. Due to his health issues, papa decided to close the Bamboo Villa. Nandito na siya sa bahay tumutulong kay mama para rin matutukan ang kondisyon niya. Iyong perang mula sa pagbebenta naman namin ng pwesto namin ay nilaan ni papa sa pagpapaayos ng tinda
NABUDOL NA NAMAN ako ni Shopee. However, I have really realized that I am into the simpler and cheaper things. Gaya ng mga tote bags at simple saka mumurahing crossbody bags. That's why I decided to contact Irish's friend na reseller ng mga luxury items. I will just sell those that I have right now. Hindi ko rin naman sila nagagamit kaya sayang lang kasi nakatambak na dito. “I will have it delivered sa Xavier Estates tomorrow. Thank you so much.” I ended the call after that. Magpapatuloy na sana ako sa pagsusulat nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Manang Toyang, busy ka ba? Gusto sana kitang makausap.” It was Lucho. Tumayo naman ako mula sa upuan ng study table ko para pagbuksan siya ng pinto. He let himself in as he comfortably laid on my bed. Sinundan ko naman siya saka ako nagpahalukipkip sa tapat niya. Alam kong may kailangan ‘to, bumibuwelo lang kasi mukhang malaking bagay a
SABADO NGAYON AT maagang natapos ang klase namin sa masteral ko tapos kaninang umaga naman ang schedule ko on-air kaya libreng-libre na ako sa hapon. Mama tagged me along with her, papa, and Tito Tonton sa mall. We shopped clothes and some items for him. Namili na rin kami ng groceries at mga paninda para sa tindahan saka mga rekados para sa karinderya. “Kapag talaga nagawa na nina Alekhine iyong mall sa atin ay hindi na natin kailangan pang lumuwas dito sa siyudad para mamili. Sana talaga matapos na iyon,” paulit-ulit na wika ni mama habang nasa meat section kami ng grocery ng Gaisano Mall. Masyadong mahal sa Rustans sa Ayala Mall kaya dito na lang kami dumiretso sa katapat na mall. “Ilang buwan na lang naman, ma. Konting tiis na lang.” Hindi ko maiwasang malungkot pagkatapos sabihin iyon. Ilang buwan na lang pala at aalis na si Alekhine sa apartment ni Aling Mercy at babalik na kami
_________________________________ DJ Toyang🐨 @AntonniaYulliene Ang harot-harot naman yarn. Pakiss nga! Charot! Haha xoxo _________________________________ NAPANGITI AKO HABANG pinagmamasdan ang nakangiting mga mukha nina Irish at ng boyfriend niyang si Remo. The man just proposed to her earlier. Siyempre ay alam at damay kami ng buong squad sa surprise. Ang bongga pa kasi naka-flash mob style ang proposal. Mapapa-sanaol ka na lang talaga. “Sanaol!” sigaw ni Candy sa couple na sweet na sweet na nagsasayaw sa gitna pagkatapos ay pumalakpak pa siya nang malakas. Natawa kami ni Mariah. Hindi na kasi talaga sila nagkabalikan ng ex niya. Ayaw na niya, masyadong mainitin daw ang ulo kaya lalong nag-iinit din ang ulo niya at laging walang time para sa kanya. She said that time was really important in a relationship. Okay lang kahit
____________________________ DJ Toyang 🐨@AntonniaYulliene Cute in his dictionary means I am adorable and that he likes me. Yieee! Thank you sa pa-blessing na love life today, Lord! 🙏🏻___________________________ NASA KASAGSAGAN AKO nang pagkain ng paborito kong bibingka nang maupo sa tapat ko si Geron. Kagrupo ko na naman kasi siya sa Rizal at nag-usap-usap kaming dito na magme-meeting sa riverside canteen. “Kumakain ka na naman,” puna niya agad. “Pake mo ba?” mataray na balik ko sa kanya. Mayamaya pa ay inalok ko na rin sa kanya iyong kinakain ko. “Gusto mo?” “Kulang pa ‘yan sa ‘yo.” I groaned silently while he chuckled. “Cute mo.” Nabulunan naman ako dahil sa sinabi niya. Agad-agad naman niyang binuksan at inabot sa akin ang bottled water niya. “Oh, heto,
_________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene Find someone who will help you love your own self. They're rare so you're blessed to have them. Ibulsa niyo na ‘yan, mga beh! xoxo_________________________ NATULOG AKONG KINIKILIG, nagising naman akong inspired. Hay... Iba talaga ang ihip ng hangin kapag in love. Habang nag-iinat-inat mula sa pagbangon ko sa kama ko ay naisipan kong mag-exercise saglit. Dumapa ako sa sahig ng kwarto ko at sinubukang mag-push-up. Lumusot pa ang unang bilang ko pero pagdating sa pangalawa ay hindi ko na mabuhat pa ang sarili ko paangat. Humandusay na lang ako sa sahig, labas ang dila habang naghahabol ng hininga. Sa treadmill na nga lang ako aasa. Pagbaba ko ng kwarto ay nahuli ko sina Tito Tonton at Lucho na may tiningnang kung ano sa bagong cellphone ni tito. Dahil hindi nama
HINDI KO ALAM kung kaibigan ba talaga ang tingin ng iba kong mga kakilala sa kolehiyo sa akin o pagawaan lang ng essay. I have realized that if you were too good to people, they have tendencies to abuse you and even blamed you for it. Katatapos ko lang maglaba nang mabasa ko ang chat sa akin ng schoolmate kong si Jana. We have been classmates sa ilang subjects noong freshman pa ako sa kolehiyo. I tapped her name to check on her message. Jana: Toyang Busy ka ba? Huhu I need your help Iyon ang sunod-sunod niyang mensahe. Nang mapansing na-seen ko na siya ay dinagdagan niya pa. Jana: Toyang, help… Need ko ng explanations sa mga models na to. Nagulat ako siyempre dahil kahit hindi pa man ako nakaka-oo ay sinend na niya nang sunod-sunod ang mga larawang kinuha ni
_________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene Thank you for tuning in to my life, my love. This is DJ Toyang, greeting you a sweet goodnight.___________________________ NAKATITIG LANG SA amin ang mga magulang ko at tulala. Kaaamin lang kasi at kapapaalam ni Alekhine sa kanilang liligawan niya ako. Hindi kalaunan ay nagsalita na rin naman si mama na siyang mukhang unang nakabawi sa kanila. “Hijo, sigurado ka na ba talaga? Pwede ka pang mag-back out.” “Ma, naman…” sambit ko. Nagtawanan na ang buong pamilya ko samantalang napangiti naman si Alekhine. Si mama naman ay mukhang nanggigil kaya kinurot niya ang pisngi ko habang tumatawa na rin. I smiled because that made the atmosphere we where in light and easy. Napangiti naman si papa nang humupa ang tawanan nila. Ako talaga laging source of entertainment nila rito sa bahay. “Alek, hijo, matanda na kayo. Walang karanasa
This is the special chapter. This is a compilation of AleYang (Alekhine & Toyang) and CanCho (Candy & Lucho) untold moments. Happy reading! ____________________________ DJ/Atty. Toyang🐨@AntonniaYulliene This is Atty. Antonnia Yulliene Villa-Alonzo a.k.a DJ Toyang signing off. xoxo___________________________ TOYANG AND DONNA just arrived from the salon. As a reward for Toyang for ranking third overall in the whole eleventh grade, Donna had Toyang’s hair rebonded and thick eyebrows threaded. Kaya ngayon ay gandang-ganda ang dalaga sa sarili niya habang nakatitig sa salamin at hindi maalis-alis doon. “Toyang, kanina pa kita tinatawag!” hayag ni Donna sabay nagmamadaling bumaba sa hagdanan nila. “Hindi ko po narinig, ma.” “Paano mo naman maririnig? Kanina ka pa tingin nang tingin d’yan sa sarili mo sa salamin.” Hindi alam ni Toyang kung anong konek no’n pero n
This will be the end, and the next update will be the special chapter. I would like to take this time to express my heartfelt gratitude to everyone who reached this far. Thank you, thank you so much! Thank you for allowing me to share bits of my personal life in this space. Yes, almost all of the flashbacks except for the last one were from my real-life experiences. This was the reason why writing Toyang also feels like writing an autobiography. She is me and the person I aspire to be. I hope that her (my) story of hard-earned triumph inspired you to work diligently and passionately while holding on to your faith in God. This chapter will be told in the third person’s point of view and through Alekhine’s perspective. Sa uulitin, maraming salamat sa pagsama sa aking makitawa at matuto sa simpleng kwento ng buhay ni DJ/ Atty. Toyang. SA KANILANG MALIIT na tahanan, bandang alas cuatro ng umaga ay narinig ni Alekhine ang mumunting hagulhol ng kanyang amang karar
____________________________ DJ/Atty. Toyang🐨@AntonniaYulliene Forgiveness, just like love, takes time. It’s a consistent process of exerting efforts and sacrifices to prove that you are worthy of it. ___________________________ DAY OFF KO sa firm ngayon kaya ako na ang maghahatid-sundo kay Eheads sa araw na ito. “Baby bear, suotin mo na itong sombrero mo para makapunta na tayong school.” Agad namang lumapit ang anak ko sa akin kaya isinuot ko na sa kanya iyong teddy bear niyang bucket hat at brown We Bare Bears na backpack naman sa balikat niya. Eheads was already in the first grade. Masunuring bata naman siya. Medyo makulit pero masipag din naman. Perfect combination talaga ng attitude namin ni Alekhine. I locked our condo unit when we left and then I held Eheads’ hand as we walked towards the elevator. Mag-co-commute lang kami ng anak ko. Alekhine insisted that I should have m
____________________________ DJ/Atty. Toyang🐨@AntonniaYulliene From DJ Toyang to Atty. Antonnia Yulliene Villa-Alonzo 🎉___________________________ KABADONG-KABADO AKO SA para bukas. Unang araw kasi ng BAR at kahit anong paghahanda ang gawin ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin sasapat ang mga iyon para masabing handa talaga ako. “Nahanda mo na ba lahat para bukas?” tanong ni Alekhine habang tinutulungan akong magligpit ng mga gamit ko. Sinamahan niya na naman kasi akong mag-review para sa BAR bukas. “Ga, kaya ko kaya ‘to?” sa halip ay tanong ko pabalik sa kanya. I even remembered promising him of an unprotected sex before the BAR pero mukhang malabo na talagang mangyari iyon dahil iyong kaba ko ngayon ay abot langit na. Mabuti na lang talaga at pinagpala akong lubos sa asawa ko dahil napakamaintindihin niyang tao at partner. “Ga, next year na lang kaya ako mag-take?
____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene Eraserheads V. Alonzo Yes, that’s my baby! xoxo___________________________ IT’S BEEN ALMOST five years since Alekhine and I decided to tie the knot. We were married even before I gave birth to our son. Simple lang iyong wedding gaya nang ni-request ko. I want to make it intimate. Hindi na baleng hindi engrande basta ay makasal ako sa lalaking mahal ko. Alekhine wanted to make it grand. I refused and told him that we should save the money for our future plans, my nearing labor included. Mahaba-habang suyuan din ang nangyari dahil gusto talaga ni Alekhine na bigyan ako ng engrandeng kasal dahil may pera naman daw siya. Saka ko pa lang siya napapayag nang sabihin kong pwede naman kaming ikasal ulit kapag naging abogado na ako para ma-defend ko iyong pagmamahal ko para sa kanya. Kinilig naman si Alekhine. Akala niya ay hindi k
____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene Two plus one equals three hehe xoxo___________________________ KAGIGISING KO PA lang pero bad trip na bad trip na ako. Pagbaba ko kasi mula sa kwarto ko ay iyong malakas na tugtog ng kung anong rap song na ang nabungaran ko na sinasayaw naman ni Lucho sa may sala. Basta may Neneng B-Neneng B roon. Ewan ko nga ba sa batang ito at kung anu-ano na lang talaga ang kinahihiligan. “Lucienne Cholo, ang ingay-ingay! Susko!” saway ko sa kanya. He switched off the music player and unplugged it. Inakbayan naman niya ako habang papunta kami sa may dining area. Nakow… mukhang may kailangan na naman ‘tow… “Manan—” “Utang na loob, Lucho. Nagugutom ako. Baka makain kita nang buhay. Huwag muna ngayon.” Humagikhik naman siya binitawan ako. Nagsimula na akong maghalungkat ng mga gamit namin sa kusina para magtimpla ng kape ko.
26 Toyang ____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene There were places no matter how big, you still couldn’t fit, and it’s simply because you were not meant to become part of them.___________________________ PANAY ANG PABALIK-BALIK ko ng lakad sa may karinderya namin habang kausap ko sa phone si Alekhine. He was asking me to meet his grandparents this Saturday. They invited us over dinner. It’s still Wednesday but I’m already scared and nervous for the occasion. “Antonnia, pwede ka naman sigurong maupo habang nakikipag-usap kay Alekhine, ha, no?” saway ni mama sa akin. “Nahihilo ako sa ‘yong bata ka.” Naupo na ako sa may de-kahoy na bench ng isang table namin at nilipat sa kabilang tenga ko ang phone bago nagpatuloy sa pakikipagkausap kay Alekhine. “What if they don’t like me?” “They want to see you. I guess, you were able to i
____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene Ahmm… meet the mother is really happening 😳___________________________ I REALLY COULDN’T hide my happiness and excitement when Alekhine arrived home. Nakahanda na iyong hapunang niluto ko at cake na pagsasaluhan namin. I fired the confetti gun the moment he opened the door of his condo unit. Siyempre ay handang-handa ako sa pagbubunyi sa pagdating niya. Noong una ay nagulat siya pero mayamaya rin ay napahalakhak na siya sa tuwa. “Home sweetie home, pangga! Na-miss kita!” pambungad na bati ko sa kanya bago ko siya nilapitan. I was so close to reaching him when I slipped because I stepped on the confetti leftovers scattered on the floor. “Toyang!” nag-aalalang sigaw niya at agad akong dinaluhan at tinulungang makatayo. “May masakit ba sa ‘yo?” Napahalakhak naman ako sa katangahan ko habang alalang-alala naman i
____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene From Singapore to Cdeo, alabyow! xoxo___________________________ I DIDN’T COME with Alekhine to Singapore. Aside sa nahihiya at natatakot ako ay pakiramdam ko na hindi pa ako handa para harapin sila. Hindi pa panahon para pagtagpuin kami. I felt like this time was solely reserved for Alekhine to meet his biological mother and to know and get close to his Chinese roots. Tumulong ako sa pagsasara ng karinderya at tindahan namin nang gumabi na kasi wala naman akong masyadong ginagawa. Summer pa rin kaya wala rin akong klase. Balak ko na sanang mag-apply bilang college professor soon kasi may professional education naman na ako. “Lucho, kunin mo nga muna iyong mga hanging plants kong nakasabit d’yan sa may gate,” utos ni mama sa kapatid ko. “Ma, hindi naman ‘yan mawawala d’yan.” “Basta kunin mo na lang. Mabuti nang maka