____________________________
DJ Toyang šØ@AntonniaYulliene
Cute in his dictionary means I am adorable and that he likes me. Yieee! Thank you sa pa-blessing na love life today, Lord! šš»
___________________________NASA KASAGSAGAN AKO nang pagkain ng paborito kong bibingka nang maupo sa tapat ko si Geron. Kagrupo ko na naman kasi siya sa Rizal at nag-usap-usap kaming dito na magme-meeting sa riverside canteen.
āKumakain ka na naman,ā puna niya agad.
āPake mo ba?ā mataray na balik ko sa kanya. Mayamaya pa ay inalok ko na rin sa kanya iyong kinakain ko. āGusto mo?ā
āKulang pa āyan sa āyo.ā
I groaned silently while he chuckled. āCute mo.ā
Nabulunan naman ako dahil sa sinabi niya. Agad-agad naman niyang binuksan at inabot sa akin ang bottled water niya.
āOh, heto,
Your gems, reviews, and comments will be highly appreciated as they will help me a lot in my writing journey. Thank you and God bless! ā”
_________________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene Find someone who will help you love your own self. They're rare so you're blessed to have them. Ibulsa niyo na āyan, mga beh! xoxo_________________________ NATULOG AKONG KINIKILIG, nagising naman akong inspired. Hay... Iba talaga ang ihip ng hangin kapag in love. Habang nag-iinat-inat mula sa pagbangon ko sa kama ko ay naisipan kong mag-exercise saglit. Dumapa ako sa sahig ng kwarto ko at sinubukang mag-push-up. Lumusot pa ang unang bilang ko pero pagdating sa pangalawa ay hindi ko na mabuhat pa ang sarili ko paangat. Humandusay na lang ako sa sahig, labas ang dila habang naghahabol ng hininga. Sa treadmill na nga lang ako aasa. Pagbaba ko ng kwarto ay nahuli ko sina Tito Tonton at Lucho na may tiningnang kung ano sa bagong cellphone ni tito. Dahil hindi nama
HINDI KO ALAM kung kaibigan ba talaga ang tingin ng iba kong mga kakilala sa kolehiyo sa akin o pagawaan lang ng essay. I have realized that if you were too good to people, they have tendencies to abuse you and even blamed you for it. Katatapos ko lang maglaba nang mabasa ko ang chat sa akin ng schoolmate kong si Jana. We have been classmates sa ilang subjects noong freshman pa ako sa kolehiyo. I tapped her name to check on her message. Jana: Toyang Busy ka ba? Huhu I need your help Iyon ang sunod-sunod niyang mensahe. Nang mapansing na-seen ko na siya ay dinagdagan niya pa. Jana: Toyang, helpā¦ Need ko ng explanations sa mga models na to. Nagulat ako siyempre dahil kahit hindi pa man ako nakaka-oo ay sinend na niya nang sunod-sunod ang mga larawang kinuha ni
_________________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene Thank you for tuning in to my life, my love. This is DJ Toyang, greeting you a sweet goodnight.___________________________ NAKATITIG LANG SA amin ang mga magulang ko at tulala. Kaaamin lang kasi at kapapaalam ni Alekhine sa kanilang liligawan niya ako. Hindi kalaunan ay nagsalita na rin naman si mama na siyang mukhang unang nakabawi sa kanila. āHijo, sigurado ka na ba talaga? Pwede ka pang mag-back out.ā āMa, namanā¦ā sambit ko. Nagtawanan na ang buong pamilya ko samantalang napangiti naman si Alekhine. Si mama naman ay mukhang nanggigil kaya kinurot niya ang pisngi ko habang tumatawa na rin. I smiled because that made the atmosphere we where in light and easy. Napangiti naman si papa nang humupa ang tawanan nila. Ako talaga laging source of entertainment nila rito sa bahay. āAlek, hijo, matanda na kayo. Walang karanasa
__________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene He made me feel loved and beautiful. xoxo___________________________ PANAY ANG SUNOD ko kay Candy na pabalik-balik din ang lakad papunta sa dining room nila at lamesa. Nagbe-bake kasi siya at parang aligaga na kung ano. May darating kaya silang bisita? I was encouraging her to come with me to Alekhineās birthday celebration later but it seemed like she doesnāt want to go. āTulungan na kita rāyan,ā alok ko na sabay kuha noong mixing bowl sa kanya. I donāt know how to bake, but I know how to fondly eat baked goods. Magpapanggap akong kitchen apprentice niya para may free taste ako mamaya. āSis, ayos lang talaga. You should be there for Alek. Itās his special day. May family dinner pa kami mamaya. Darating iyong tatay nang dinadala ni Ice para mamanhikan.ā Namilog naman ang mga mata ko sa narinig. Bakit huli na naman ako sa bali
ANTONNIA YULLIENE VILLA Tuwang-tuwa ako pagkatawag ni teacher ng pangalan ko. Ako raw kasi ang highest sa test namin sa English. Tumayo ako mula sa upuan ko at nilapitan na si maāam upang kuhanin ang papel ko. āCongratulations,ā she smilingly greeted. āThank you po.ā Pagkatapos ipamigay ang mga papel namin ay nagpaalam na muna saglit si maāam dahil papasok na iyong Catechist namin. Wednesday ngayon kaya bago ang uwian ay tinuturuan muna kami ng tungkol sa Christianity. Iyong mga kaklase rin naming iba ang religion ay hindi rin naman nila pinipilit na makisali kung ayaw nila. Iyon nga lang ay hindi pa sila pwedeng lumabas ng klase dahil hindi pa oras ng dismissal. Hindi pa rin maalis ang ngiti ko habang nakatitig ako sa test paper ko. Grabeā¦ ako nga talaga ang highest kaysa sa first honor namin. Matutuwa kaya sina mama nito? āWow, highestā¦ā Napabaling naman ako kay Jayjay na katabi ko nang marinig ko siya. Kasis
UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga bago ko finill-up-an ang application form ko for UPCAT. This is it. Magka-college na ako at sana ay mabigyan ako ng chance na sa dream school ko ako makapasok. I will study hard for the entrance exam. "Antonnia, pasok ka sa Regionals. Sa October 3-5 daw ang contest. You seriously need to train," my fellow campus journalist just informed me. Namilog ang mga mata ko dahil nanalo ako. Nanalo ako sa district at division nang hindi nagte-training. It was true that I didn't attend our trainings but it was simply because I have to study hard to score a scholarship. I am studying hard now because I really, really want to go to college. Kinakabahan kasi ako dahil natitiyak kong hindi kaya ng bulsa ng mga magulang ko ang pagbabayad ng tuition dito. My mother resigned from her job after being diagnosed with hypertension. Si papa naman ay
19 Toyang ____________________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene The 100th poem is a dream come trueā¦___________________________ MAAGA AKONG NAGISING kasi ayokong magpang-abot kami ni Alekhine. Tao lang naman ako at marunong pa ring magdamdam kaya dinibdib ko talaga iyong pagbaba niya agad-agad ng tawag sa akin. I was waiting for him to call back or text to explain his side but none of them came. Ni isa ay wala akong natanggap. Was he really that drunk? Ilang ulit ko na ba siyang pinaalalahan na huwag masyadong mag-inom? Tapos nag-stay kaya si Krista sa apartment niya at doon nagpa-umaga? Hay, ewan ko! Ang aga-aga ay ginugulo ni Alekhine ang araw ko. Napilitan tuloy akong magpahatid kay papa sa LDCU para makaiwas sa kanya. Papa asked me why I couldnāt join Alekhine for todayās ride. I told him that the university was preparing for a special program and all t
20 Toyang ARAW NG DELIBERATION for Latin Honors namin ngayon. I wasnāt nervous at all. Noong makita ko ang pangalan ko sa graduating list ay napakawalan ko na rin sa wakas ang malalim na hiningang matagal ko nang dala-dala. Finally, after four long years, I will be graduating. Kaya hindi ako masyadong kabado dahil tapos na ako, e. Hindi ko na kailangang magsunog ng kilay para mapanatili ang GWA na quota ng mga academic scholar at nang sa ganoon ay hindi na namin kailangan pang gumastos para sa tuition fee namin. May binabayaran ako pero mostly sa handouts at org fees lang pero walang tuition at miscellaneous. Kaya ang laki ng pasalamat ko sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng lakas na magpatuloy upang maabot ang mga pangarap ko sa buhay. Napatunayan kong talagang hindi hadlang ang kahirapan sa taong may pangarap at marunong magsikap. Reaching this far was already a blessing and scoring a spot in the Latin Honor roll was a bonus. I couldn
This is the special chapter. This is a compilation of AleYang (Alekhine & Toyang) and CanCho (Candy & Lucho) untold moments. Happy reading! ____________________________ DJ/Atty. ToyangšØ@AntonniaYulliene This is Atty. Antonnia Yulliene Villa-Alonzo a.k.a DJ Toyang signing off. xoxo___________________________ TOYANG AND DONNA just arrived from the salon. As a reward for Toyang for ranking third overall in the whole eleventh grade, Donna had Toyangās hair rebonded and thick eyebrows threaded. Kaya ngayon ay gandang-ganda ang dalaga sa sarili niya habang nakatitig sa salamin at hindi maalis-alis doon. āToyang, kanina pa kita tinatawag!ā hayag ni Donna sabay nagmamadaling bumaba sa hagdanan nila. āHindi ko po narinig, ma.ā āPaano mo naman maririnig? Kanina ka pa tingin nang tingin dāyan sa sarili mo sa salamin.ā Hindi alam ni Toyang kung anong konek noān pero n
This will be the end, and the next update will be the special chapter. I would like to take this time to express my heartfelt gratitude to everyone who reached this far. Thank you, thank you so much! Thank you for allowing me to share bits of my personal life in this space. Yes, almost all of the flashbacks except for the last one were from my real-life experiences. This was the reason why writing Toyang also feels like writing an autobiography. She is me and the person I aspire to be. I hope that her (my) story of hard-earned triumph inspired you to work diligently and passionately while holding on to your faith in God. This chapter will be told in the third personās point of view and through Alekhineās perspective. Sa uulitin, maraming salamat sa pagsama sa aking makitawa at matuto sa simpleng kwento ng buhay ni DJ/ Atty. Toyang. SA KANILANG MALIIT na tahanan, bandang alas cuatro ng umaga ay narinig ni Alekhine ang mumunting hagulhol ng kanyang amang karar
____________________________ DJ/Atty. ToyangšØ@AntonniaYulliene Forgiveness, just like love, takes time. Itās a consistent process of exerting efforts and sacrifices to prove that you are worthy of it. ___________________________ DAY OFF KO sa firm ngayon kaya ako na ang maghahatid-sundo kay Eheads sa araw na ito. āBaby bear, suotin mo na itong sombrero mo para makapunta na tayong school.ā Agad namang lumapit ang anak ko sa akin kaya isinuot ko na sa kanya iyong teddy bear niyang bucket hat at brown We Bare Bears na backpack naman sa balikat niya. Eheads was already in the first grade. Masunuring bata naman siya. Medyo makulit pero masipag din naman. Perfect combination talaga ng attitude namin ni Alekhine. I locked our condo unit when we left and then I held Eheadsā hand as we walked towards the elevator. Mag-co-commute lang kami ng anak ko. Alekhine insisted that I should have m
____________________________ DJ/Atty. ToyangšØ@AntonniaYulliene From DJ Toyang to Atty. Antonnia Yulliene Villa-Alonzo š___________________________ KABADONG-KABADO AKO SA para bukas. Unang araw kasi ng BAR at kahit anong paghahanda ang gawin ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin sasapat ang mga iyon para masabing handa talaga ako. āNahanda mo na ba lahat para bukas?ā tanong ni Alekhine habang tinutulungan akong magligpit ng mga gamit ko. Sinamahan niya na naman kasi akong mag-review para sa BAR bukas. āGa, kaya ko kaya āto?ā sa halip ay tanong ko pabalik sa kanya. I even remembered promising him of an unprotected sex before the BAR pero mukhang malabo na talagang mangyari iyon dahil iyong kaba ko ngayon ay abot langit na. Mabuti na lang talaga at pinagpala akong lubos sa asawa ko dahil napakamaintindihin niyang tao at partner. āGa, next year na lang kaya ako mag-take?
____________________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene Eraserheads V. Alonzo Yes, thatās my baby! xoxo___________________________ ITāS BEEN ALMOST five years since Alekhine and I decided to tie the knot. We were married even before I gave birth to our son. Simple lang iyong wedding gaya nang ni-request ko. I want to make it intimate. Hindi na baleng hindi engrande basta ay makasal ako sa lalaking mahal ko. Alekhine wanted to make it grand. I refused and told him that we should save the money for our future plans, my nearing labor included. Mahaba-habang suyuan din ang nangyari dahil gusto talaga ni Alekhine na bigyan ako ng engrandeng kasal dahil may pera naman daw siya. Saka ko pa lang siya napapayag nang sabihin kong pwede naman kaming ikasal ulit kapag naging abogado na ako para ma-defend ko iyong pagmamahal ko para sa kanya. Kinilig naman si Alekhine. Akala niya ay hindi k
____________________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene Two plus one equals three hehe xoxo___________________________ KAGIGISING KO PA lang pero bad trip na bad trip na ako. Pagbaba ko kasi mula sa kwarto ko ay iyong malakas na tugtog ng kung anong rap song na ang nabungaran ko na sinasayaw naman ni Lucho sa may sala. Basta may Neneng B-Neneng B roon. Ewan ko nga ba sa batang ito at kung anu-ano na lang talaga ang kinahihiligan. āLucienne Cholo, ang ingay-ingay! Susko!ā saway ko sa kanya. He switched off the music player and unplugged it. Inakbayan naman niya ako habang papunta kami sa may dining area. Nakowā¦ mukhang may kailangan na naman ātowā¦ āMananāā āUtang na loob, Lucho. Nagugutom ako. Baka makain kita nang buhay. Huwag muna ngayon.ā Humagikhik naman siya binitawan ako. Nagsimula na akong maghalungkat ng mga gamit namin sa kusina para magtimpla ng kape ko.
26 Toyang ____________________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene There were places no matter how big, you still couldnāt fit, and itās simply because you were not meant to become part of them.___________________________ PANAY ANG PABALIK-BALIK ko ng lakad sa may karinderya namin habang kausap ko sa phone si Alekhine. He was asking me to meet his grandparents this Saturday. They invited us over dinner. Itās still Wednesday but Iām already scared and nervous for the occasion. āAntonnia, pwede ka naman sigurong maupo habang nakikipag-usap kay Alekhine, ha, no?ā saway ni mama sa akin. āNahihilo ako sa āyong bata ka.ā Naupo na ako sa may de-kahoy na bench ng isang table namin at nilipat sa kabilang tenga ko ang phone bago nagpatuloy sa pakikipagkausap kay Alekhine. āWhat if they donāt like me?ā āThey want to see you. I guess, you were able to i
____________________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene Ahmmā¦ meet the mother is really happening š³___________________________ I REALLY COULDNāT hide my happiness and excitement when Alekhine arrived home. Nakahanda na iyong hapunang niluto ko at cake na pagsasaluhan namin. I fired the confetti gun the moment he opened the door of his condo unit. Siyempre ay handang-handa ako sa pagbubunyi sa pagdating niya. Noong una ay nagulat siya pero mayamaya rin ay napahalakhak na siya sa tuwa. āHome sweetie home, pangga! Na-miss kita!ā pambungad na bati ko sa kanya bago ko siya nilapitan. I was so close to reaching him when I slipped because I stepped on the confetti leftovers scattered on the floor. āToyang!ā nag-aalalang sigaw niya at agad akong dinaluhan at tinulungang makatayo. āMay masakit ba sa āyo?ā Napahalakhak naman ako sa katangahan ko habang alalang-alala naman i
____________________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene From Singapore to Cdeo, alabyow! xoxo___________________________ I DIDNāT COME with Alekhine to Singapore. Aside sa nahihiya at natatakot ako ay pakiramdam ko na hindi pa ako handa para harapin sila. Hindi pa panahon para pagtagpuin kami. I felt like this time was solely reserved for Alekhine to meet his biological mother and to know and get close to his Chinese roots. Tumulong ako sa pagsasara ng karinderya at tindahan namin nang gumabi na kasi wala naman akong masyadong ginagawa. Summer pa rin kaya wala rin akong klase. Balak ko na sanang mag-apply bilang college professor soon kasi may professional education naman na ako. āLucho, kunin mo nga muna iyong mga hanging plants kong nakasabit dāyan sa may gate,ā utos ni mama sa kapatid ko. āMa, hindi naman āyan mawawala dāyan.ā āBasta kunin mo na lang. Mabuti nang maka