"Time check, it's fifteen minutes after four. Cheers to another day of replaying our favourites from the '90s with your one and only fabulously fancy DJ Toyang. Cagayan de Oro is getting a lot colder these days, maybe because I'm still single... charot!" I partnered that one with some laughter, doing this will make your listeners more comfy and at ease.
"Our first song is for all the singles out there who do not feel single at all because they have the best of friends. Here's Growing Up by Gary Valenciano on MOR, my one and only radio... for life!" The song started playing right after my spiel.
I went to the station after my 3:00 PM class. My sched on-air is 4:00 PM- 5:00 PM daily except for Monday and Tuesday. Most of us in the station also have Sunday as our general day-off.
Sa local franchise, I'm a radio DJ, whereas, on the main and national network, I am an online news writer and a content and contract writer. This means that I have signed an agreement with them. They will be the publisher of my creative works into books. Pabor iyon sa akin since literature is the blood that runs through my veins, charz.
I immediately answered mama's call. Naglalakad na ako palabas ng station at pauwi na rin sa amin. It's already quarter to six.
"Ma, pauwi na ako."
"Yang, huwag ka munang umuwi. Nasa Bulua ka pa ba?"
"Opo, nasa baba na ako, sa may overpass. Papara na ako ng jeep pau-"
"Huwag muna! Diyan ka muna! Hintayin mo kami ng papa mo r'yan. Inimbita tayo ng Tito Baldo mo sa Xavier Estates. May handaan kasi sa kanila."
Tito Baldo is papa's best friend. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matandaan ang itsura niya. Lagi naman silang magkasama ni papa pero kapag ka may mga bisita kasi kami sa bahay nagkukulong lang ako sa kwarto ko. Aside from being an introvert, hindi lang talaga ako mahilig makisalamuha sa iba. I honestly find it hard to converse with older people. Kung hindi naman ako napagkakamalang bunso nila dahil ako ang pinakamaliit sa pamilya namin since sobrang tangkad ng mga kapatid kong lalaki ay minsan pa akong natawag na 'ala' o tomboy ng Ilongga na friend ni mama dahil nakasuot ako ng oversized na tee shirt at shorts. Hindi ba pwedeng way ko lang 'yon para maitago ang mga fats ko tuwing okasyon?
I'm a different person off and on air. Kaya nga komportable akong magladlad ng kadiliman sa balat ng radyo kasi boses ko lang ang naririnig nila at hindi nakikita ang buong mukha ko. In communication kasi, na-re-reinforce iyong mga impression natin sa processing unit o utak ng mga kausap natin based sa mga nasasabi at emotions na ginigive away ng mga expressions natin. Ewan ko nga kung anong connect basta mahiyain kasi ako in real life kaya kung walang nanonood, mas nagiging totoo ako sa sarili ko. In short, I fear judgment from others.
Naglakad na lang ako papuntang simbahan. I told mama to just park at the Immaculate Concepcion Parish when they are already here. Si Lucho lang ang kasama nila ni papa kasi may klase pa si Don. Mukhang maaga ring nagsara ng Bamboo Villa sina papa para umattend sa handaan na sinasabi nila.
Lumuhod ako at taimtim na nagdasal pasasalamat sa lahat ng biyayang ipinagkaloob Niya sa amin at siyempre humingi na rin ako ng sorry sa mga kasalanan ko at ng mundo sa araw na iyon. I like including others in my prayer. If they can't pray and ask forgiveness for themselves, it's okay for me to do it. Ang sarap kaya sa pakiramdam na may isang taong ipinagdarasal ka kahit hindi mo pa kakilala.
Idinilat ko ang isang mata at ipinikit ulit nang mapansing walang masyadong tao roon ngayon at magkakalayo pa kami. Okay lang na magsalita ako.
"Lord, feeling ko naman Po kaibig-ibig akong nilalang. Bonus na rin Po na masipag. Baka naman Po may pa-engineer Kayo r'yan..." Tahimik na lang akong natawa sa hiling.
Naalala ko kasi si Alekhine. 'Di bale nang masungit at strikto ang isang 'yon. Mabuti nga 'yon para opposite attracts.
It did not take my family long to fetch me. Malapit nang mag-alas-siyete nang makarating kami sa Xavier Estates. I could not stop myself from marveling at the houses we get to pass by every time. Ang lalaki at halatang mamahalin. Sina Irish mayaman din pero roon sila sa Xavier Heights nakatira kasi mas marami ang relatives ng mommy niya roon.
"Manang Toyang, bili kaya tayo ng mansyon dito?" hikayat ni Lucho na kinunutan ko naman ng noo.
"Oo nga, nak," sulsol pa ni mama.
"Kung gusto niyong mag-mansyon, sige go, pero hindi niyo ako mapapatira r'yan. Mas gusto ko sa Kamp Kawayan. Mas gusto ko ng simpleng buhay," I told them.
We pulled over beside a tall wrought-iron gate. May mga sasakyan na ring nakaparada sa labas. We went out and I stood in awe when we finally entered. Sobrang ganda ng bahay. Modern style at glass kaya mula sa kinatatayuan namin ay kitang-kita ang loob ng bahay nila dahil sa ilaw. Hindi lang labas ang maganda kundi pati ang looban. Pero hindi ko pa rin ipagpapalit ang Kamp Kawayan dito.
"Lang, grabe, anak niya ba may gawa nito?" manghang tanong ni mama kay papa.
"Binili nila 'yong mansyon pero nagkaroon daw ng major renovation sa pangunguna na rin ng anak niya."
Tumango si mama sa paliwanag ni papa. "Nakakabilib naman."
"Proud na proud nga si pare ro'n, e. Alam mo bang 95 ang total score no'n sa entrance exam ng XU kaya limang taong scholar. Ang sipag na, ang talino pa."
"Baka sa sobrang sipag at talino, wala ring love life gaya ng isa r'yan," panunuya ni mama sabay tingin sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Hindi ko alam, lang, pero may itsura talaga 'yong bata kaya duda kong meron."
"Sinasabi niyo po bang pangit ako, pa?" singit ko naman, masama ang loob.
"Siyempre, hindi, anak. Malaman ka lang pero maganda ka naman," pampalubag-loob ni papa.
"Kung walang nobya 'yong anak ni Pareng Baldo, dumiskarte ka na, nak," pangugumbinsi pa ni mama.
"Hay nako, ma-"
"Para naman alam mo 'yong feeling na may boyfriend na engineer."
"Engineer? Di nga?" I asked.
"Oo, engineer."
"Pero may crush na po akong engineer," sagot ko at hagikhik kaya nakurot ako ni mama sa tagiliran. Tumawa si Lucho.
"Anong crush-crush, Antonnia? Ano ka ba, highschool?! Bente-kwatro ka na, dapat pag-aasawa na 'yong nasa isip mo!"
"Julian!"
Napatingin kaming lahat sa tumawag kay papa. Tito Baldo waved at us while smiling. Papa returned the equal look and gesture.
May babaeng morena na sumama kay Tito Baldo palapit sa amin. She called a beautiful morena girl who's as young as Lucho I guess and told her something. The girl nodded and walked somewhere. Umabrisete naman ang ginang kay Tito Baldo. May welcoming na ngiti sa mukha niya. Maganda siya kahit pa tingin ko ay nasa late 40's na siya.
"Mare, pare, mabuti na lang nakarating kayo. Oh, nasaan iyong panganay mong lalaki? Iyong magpupulis?" tanong ni tito.
"Naku, hanggang gabi pa 'yong pasok ni Donatello."
"Nga pala, mare, pare, papakilala ko sa inyo ngayon nang pormal ang pamilya ko. Asawa ko nga pala, si Cielo. Pasensya na kung sa tagal nating magkaibigan ngayon pa..." ani Tito Baldo na sinabayan niya ng halakhak.
Ang totoo niyan ay sa tuwing dumadalaw ay si Tito Baldo lang ang pumupunta sa bahay. Kilala naman nina mama at papa ang pamilya niya sa pangalan nga lang at picture na rin. Now that I'm reminded about that, my forehead creased when a distant memory suddenly crossed my mind.
Tita Cielo shook hands with my parents and thanked them. The pretty girl earlier approached us. Si Lucho naman napatulala sa gilid ko dahil sa ganda ng babae. I giggled silently but it stopped right away when I caught the man standing behind her.
"Si Kalista, first year college sa XU, Accountancy. Unica hija ko," nakangiting pakilala ni Tito Baldo sa dalagang anak niya sa amin.
"Kali, sina Tita Donna at Tito Julian mo na best friend ko. Malaki utang na loob ko sa kanila dahil lagi silang nand'yan noong mga panahong nag-aaral pa ang kuya mo," pakilala naman ni tito kina papa kay Kali.
Hindi naman maalis ang tingin ko sa lalaking nakakunot din ang noo habang nakatingin sa akin. I directed my attention towards Kali when she stepped forward and greeted my parents.
"Kalista po, tito, tita. Thank you po for being there for papa," she introduced herself courteously after hugging them.
Oh, what a sweet lil' girl.
Nagulat naman ako nang bineso ako ni Kali at nginitian nang pagkatamis-tamis. I smiled sweetly back at her.
Boto na ako for this girl kay Lucho. Para naman mahatak niya sa tuwid na landas ang kapatid ko.
The usually loud Lucho shyly took the hand she was offering for a shake. Mukhang nagbibinata na.
"Si Alekhine nga pala. Ang panganay kong engineer na," Tito Baldo proudly introduced his son. He slung his arm around his shoulder and wiped away the brimming happy tears off his eyes.
"Pa..." Alekhine called softly as he looked worryingly at his father.
"Ayos lang ako, 'nak. Natutuwa lang ako kasi... kasi talagang inahon mo ang pamilya natin sa hirap."
The scene tugged my heart. I smiled at them.
Tito Baldo chuckled lightly then tapped his son's shoulder to assure him that he was fine.
"Akalain mo 'yon, pre. Noon naghihintay lang tayo ng tawag ni boss saka pa tayo nakakapagdrive ng kotse pero ngayon, may sari-sarili na tayong sasakyan," natutuwang hayag ni Tito Baldo.
Alekhine walked near my parents and shook hands with them too.
"Grabe, hijo, tanda ko pa noong sinama ka ng papa mo para kunin iyong isang extrang helmet sa amin, ang gwapo mo na noong binata ka pa. Hindi ko inaasahang gagwapo ka pa lalo. Iba talaga siguro kapag ka nagmature ha no?" komento ni mama.
Realization then dawned on me. Kaya pala pamilyar siya! Shemay, nagkita na pala kami noong high school! Ako pa 'yong nag-abot ng helmet sa kanya kaya nastarstruck ako. Kaso nga lang saglit at once lang iyon kaya hindi ko agad napansin ang pagbabago sa kanya nang magkita ulit kami kanina.
I looked at the hand he was already offering in front of me. I blinked three times. Anong gagawin ko? Halikan ko kaya? Charlang.
Nasa ayos pa naman ang utak ko kaya tinanggap ko ang kamay niya. I smiled at him and greeted, "Happy birthday nga pala."
His chinky eyes slightly widened. Humalakhak bigla si Tito Baldo. Si mama naman bahagya pa akong tinulak gamit ang beywang niya.
"Hija, hindi niya birthday. House blessing ng bahay namin," ani tito.
Walang sinabi ang mga magulang ko!
In-assume ko lang kasi may handaan!
Nakipagkamay ulit ako kay Alekhine na nakaangat na ang isang gilid ng labi, mukhang natatawa.
"Happy house blessing pala," pambawi ko sa naunang katangahan sabay tawa pa para hindi masyadong awkward.
Giatay...
He nodded and I pulled my hand away so he proceeded to shake Lucho's.
Pagkatapos ng isang nakakahiyang tagpo na iyon ay iginiya na kami nina Tito Baldo at Tita Cielo sa lamesa namin. Hindi na ako sumama sa kanila. Hinatak ko na agad si Lucho papunta sa buffet table. Gutom na ako at napahiya pa.
"Toyang, magdahan-dahan ka naman. Ang lakas mong kumain. Ano na lang sasabihin ni engineer," saway ni mama sa akin.
Nabitin tuloy ang spaghetti sa bibig ko. Sinilip ko bahagya ang lamesa nina Alekhine at ang mga kaibigan niyang nag-iinuman. He was just drinking on his glass and would smile from time to time then sometimes talk.
Binalingan ko ulit si mama saka tinuloy ang pagkain nang nabiting spaghetti. There's nothing to worry about. Mukhang hindi ko naman nakuha ang atensyon niya.
"Ayos lang, ma. Busy pa. Lamon muna ako ha?" Ngiti ko sa kanya. Nasapo na lang ni mama ang noo niya.
"Kaya ka tumatabang dalaga, e!"
Hindi ko na lang pinansin si mama. Kinuha ko iyong puto at sinubo nang buo. Ang cute kasi ng size. Nanggigigil tuloy ako.
Moments later, I was already so full. Don also called mama that he's already home. Tinawag niya si papa para makauwi na kami at baka malasing pa iyon nang bongga at hindi na kami makaabot sa bahay nang buhay.
Tito Baldo called Alekhine so the latter stood up and excused himself from his colleagues for a while.
"Aalis na sina Tito Julian mo."
"Hijo, maraming salamat sa handa," pasalamat ni mama na tinango-tanguan ko naman. Natigil lang iyon nang magpatuloy siya. "Busog na busog si Toyang."
Hindi na lang ako sumingit at baka isipin ni Alekhine na defensive ako. Pagbaling ko naman sa kanya ay pigil ang ngiti niya bago nagsalita. "Hatid ko na po kayo sa gate."
"Salamat, hijo. Lucho, halika na," tawag ni mama sa bunso naming kanina pa pasulyap-sulyap kay Kali sa malayo.
Habang naglalakad kami palabas ay walang tigil ang interview ni mama kay Alekhine.
"Hijo, grabe, mas gumwapo ka talaga ngayon. Noon ang charming mo lang nang makita kita. Ngayon, susme, para nang artistang laging pinapanood ni Toyang- Toyang, ano nga ulit iyong lagi mong pinapanood? Iyong gwapong mga lalaking artista..."
I secretly narrowed my eyes into slits. She's making me involved in their conversation.
"Kdrama, ma."
"Tama! Sino nga ulit iyong artistang pinaprint mo ang mukha? Iyong singkit na may makapal na kilay. Kamukha niya 'di ba?" she added.
I looked at Alekhine to study his features. Nang bumaling siya sa banda ko ay mabilis akong tumingin sa baba at ngumuso.
Pareho nga...
"Si Kim Soo Hyun, ma..."
"Oo, 'yon nga! Ang gwapo no'n kaya naman itong si Toyang, print nang print ng mga pictures. Ang mahal pa naman ng photo paper! Matanong ko lang, hijo, ilang taon ka na ba?"
"Twenty-six po," he retorted courteously.
"Ay, tamang-tama na para mag-asawa! May girlfriend ka na ba?"
Napapikit ako at hingang malalim sa mga pakulo ni mama.
"Wala po akong girlfriend..." dinig kong tugon ni Alekhine.
Napaakbay at kapit tuloy ako kay Lucho para itago ang ngiti ko.
Tuwang-tuwa ka, ghorl?
"Talaga? Bakit gano'n, e, kay ganda mong lalaki? Si Toyang ko rin kung hindi mo naitatanong ay single rin," singit ulit ni mama.
Napatingin tuloy ako sa kanya nang wala sa oras. Si Lucho naman natawa, huli na ang modus ni mama.
"Ma..." mahinang tawag ko sa kanya para matigil na.
"Busy po sa pag-aaral noon at pagtatrabaho ngayon kaya gano'n..."
"Naku, parehong-pareho talaga kayo nitong anak ko. Puro aral noong college tapos ngayon naman kung hindi abala sa trabaho, panay ang kain-"
"Ma!" saway ko sa mas malakas na boses at hinatak na siya palayo kay Alekhine.
Paglabas ni papa ng gate kasama ni Tito Baldo at Tita Cielo ay nagpaalam na ulit kami sa kanila saka pumasok na sa loob ng kotse. They waved at us goodbye and remained waiting outside until we're out of sight.
Suot ang peach floral long sleeves notched collar top at ternong pajama ko ay ibinagsak ko na ang sarili sa kama. I reached for my phone settled atop the built-in cabinet on my headboard and switched it on.
Binalikan ko ulit ang F******k profile ni Alekhine. I did not contemplate that much when I sent him a friend request. May 5k pa namang siyang follows sana naman makita niya 'yong request ko.
I was scrolling through my feed when my phone beeped for a notification. Napaahon ako sa kama at tumili nang walang boses nang mabasa iyon.
Alekhine Sia Alonzo accepted your friend request. Send him a message.
So I did.
Hi, Engineer Alonzo|
Hi! I just want to thank you for inviting us over for dinner. Sorry din kay mama kung ang dami niyang tanong. Thank you ulit!
Ibababa ko na sana iyon nang biglang nagbeep iyon dahil sa reply niya.
It's okay.
Wooh! Ang lamig ng reply! Mahinaan nga ang AC.
Hindi ko na lang inisip ang kakarampot niyang reply. I decided to see his message from an optimistic point of view. At least, may progress!
I stood up and went to sit on my study table then opened my laptop. Ma-update nga ang diary ko.
"Hayan! Mabango ka na, bitch!" I told Djangga after giving her a bath.
"Sino naman ang susunod?" Nanliit ang mga mata ko habang tinitingnan ang tuta niyang anak na si Ding, isang American Chow Bulldog.
Ang swerte kasi ng bitch, naka-jackpot ng Chow Chow. Ang cute tuloy ni Ding.
Mabilis namang tumakbo si Ding sa loob ng bahay. Umalis muna ako sa may poso at balak sana siyang habulin nang mapansin ang abalang si Aling Mercy sa paglalabas at linis ng mga gamit nila. I tiptoed to look at her through the bamboo barricade in between our houses.
"Good morning po, Aling Mercy. Abala po kayo ha? Ano pong meron? Uuwi na ba si Carol?" tanong ko, naisip bigla ang pag-uwi ng anak nilang nurse na OFW sa Dubai.
"Naku, Toyang, mag-aasawa raw muna siya ng Arabo roon bago umuwi rito para malaki ang datong niya. Ang gaga talaga," natatawang tugon ni Aling Mercy.
"Uupahan kasi iyong apartment sa second floor. Lilipat na kaya lilinisin ko na kasi nakakahiya naman," patuloy niya.
"Talaga po? Estudyante? Pero second sem na po, ah."
"Ah, hindi. Isa sa mga engineer doon sa ginagawang supermarket malapit sa crossing. Malayo kasi ang bahay nila kaya naisipang humanap na lang muna ng mauupahan malapit sa pinagtatrabahuan," paliwanag niya.
Tumango-tango naman ako. Hinabol ko na si Ding para mapaliguan ko na at makaligo na rin ako kasi may klase pa ako sa LDCU bago magtanghali at pasok naman sa XU sa hapon saka trabaho hanggang sa gabi. Nakakapagod isipin pero gusto ko naman talaga iyong ginagawa ko kaya sulit lahat ng hirap.
I sported a three-fourths white button-down shirt and tucked it in my black midi skirt then tied around it a thin brown belt. I paired it with my brown Oxford shoes then I pulled my hair up on a half-ponytail using a silk black hair ribbon. I brought with me a brown satchel. I snapped a photo of myself in front of the mirror and posted it on my I*******m account. I have close to a million followers in there since most of them are my subscribers on YouTube also whilst some just shared the same love I have for vintage and retro fashion.
Hinatid ulit ako ni Don. Tugma kasi iyong sched namin. Bago magtanghali nagsisimula iyong klase niya at ang pagtuturo ko ng Creative Writing sa LDCU kaya nakakatipid kami sa pamasahe. Ewan ko ba, kahit malaki naman na iyong kinikita ko ayokong naggagastos nang masyado. Ayokong ibahin iyong mga simpleng bagay na nakasanayan ko noon pa man. Gusto ko talaga ng simpleng pamumuhay lang.
"Noong mga bata kami habang ginagamot iyong sugat ko, sabi niya hintayin ko raw siya at huwag daw muna akong magbo-boyfriend kasi babalik daw siya para sa akin. I really thought he had forgotten about his promise years ago when we saw each other again here. Pero hindi pala... He pursued me again but not just to rekindle our friendship but also to meet his promise..."
Napahawak ako sa mga pisngi ko habang pinapakinggan si Mariah at ang love story nila ni Harvey at ako'y kinikilig, kinikilig.
"Aww... Ang sweet!" Candy squealed. She then looked at me to ask, "Anong masasabi mo, be, bilang last single standing sa barkada?"
Hinawakan ko iyong kamao niyang ginawa niyang mic at sumagot ng, "Sanaoool."
Nagtawanan sila. Ako naman smiling on the outside, nagdadrama on the inside.
Ako na lang talaga...
Ako na lang talaga!
Mariah resumed telling us their fairytale-like love story. Si Harvey kasi mula sa mayamang pamilya tapos siya sa middle class lang. But love conquers all, ika nga nila.
God has someone special reserved for everyone. He has some love kept for every person but I could not help wondering na baka nga iyong love na hinihingi natin minsan ay sa ibang form Niya ibinibigay.
"Whenever you're feeling sad, down, and lonely, someone somehow is always there with you and want to be with you. Cheer up, guys! Hindi ka nag-iisa sa laban ng buhay, and here's Eraserheads singing you that little reminder, With A Smile..."
"Ang galing naman ni Toyang!" Diether, today's technical and one of the station's resident photojournalists greeted me after my job on air. May headphone pa sa leegan niya.
Nakipag-fist bump ako sa kanya at nagkunwari pa ang sira na tumilapon para inisin ako pagkatapos. Natawa na rin ang kasamahan kong DJ na si Kelsie na kaklase ko rin sa Communication noon. Si Diether naman DevCom grad mula sa XU pero close talaga kaming tatlo rito.
Sinundo ako ni Don mula sa trabaho. Kapag ka hindi pa siya uuwi o may date pa sila ni Sasha ay nagtutungo pa akong Gaisano para pumila sa van papuntang amin. Kapag ka sinuwerte ay sa Bulua overpass pa lang nakakasakay na ako ng Opol liner na jeep. Minsan kasi punuan na dahil may pila rin doon sa may paradahan nito sa Carmen. Tapos kapag ka tinamad naman ako nang bongga sa pila o pumila o di kaya hopeless na talagang makakasakay pa ng public vehicle pauwi sa amin ay nagpapasundo na ako kay papa. That is just a rare instance, especially that I knew he's as tired as me so I don't bother him and just wanted him to rest at home.
Pagdating namin ay wala pa si papa. Sabay-sabay kaming kumakain ng hapunan dito kaya hinihintay talaga namin si papa. Kapag si Don naman ginagabi, nagpapaalam siya agad kaya nauuna na rin kami sa kanya.
Nagbihis muna ako ng pantulog na kulay teal na shorts at kapartner nitong short sleeves notched collar top habang hinihintay si papa. Gutom na ako pero keri 'yan.
"Manang Toyang, nandito na si papa. Baba ka na raw sabi ni mama," hayag sabay katok ni Lucho sa pinto ng kwarto ko.
Finally, kakain na! May mga nagwewelga na kasi sa tiyan ko.
"Oo, susunod na ako!"
Dali-dali kong sinara ang binabasang reprint ng Wuthering Heights at tinanggal ang reading glasses ko para bumaba na. Pinusod ko rin ang buhok ko gamit ang malaking hair clam.
Bubulong-bulong pa ako habang pababa ng hagdan sa sobrang tuwa. "Bukas na ako magda-diet, ang sarap kasi ng spicy pork adobo ngayon- Aray!"
Na-slide ako sa gulat nang makita kung sino ang nakatayo sa may pinto namin. Dumiretso ako sa huling baitang at nalaktawan ang isang nauna rito kaya napahawak ako sa beywang at ininda ang sakit no'n.
Shit...
Kaagad naman niya akong dinaluhan at tinulungang makatayo. Si mama na naghahanda at ang dalawa kong kapatid na nasa kusina ay nag-aalalang lumapit din sa sala dahil sa narinig.
"Toyang, anong nangyari sa'yo?!" si mama, nag-aalala.
"Grabe, nang, ang lakas ng kalabog!" natatawang puna pa ni Lucho.
Kumibot ang labi ko pero pinigilan kong magsabi ng masasamang words sa harap nang hindi ko inaasahang bisita namin.
Pagkatayo ko ay napahawak agad ako sa balakang ko. Tiyempo namang pumasok si papa at nagtaka sa itsura kong iniinda ang sakit.
"Oh, anong nangyari rito?" he asked and looked at all of us.
"Lang, check mo nga," utos ni mama sa kanya.
"Si Toyang? Bakit, anong nangy-"
"Hindi, iyong hagdan. Baka nasira niya nang mabagsakan niya kanina," pang-aasar ni mama.
Nagtawanan sina Don at Lucho. Nahuli kong pinaglapat ni Alekhine nang maigi ang labi niya upang pigilan ang sariling matawa o mangiti sa narinig. Napasinghap na lang ako at tumalikod saka pumikit sa inis.
Bakit ang bu-bully ng sarili kong pamilya?!
At bakit nandito si Alekhine?!
Wow, hindi ko alam kung gaganda o mas masisira ba ang gabi ko ngayon.
•|• Illinoisdewriter •|•
Guys, send niyo na 'yong reflection niyo. Iyon na lang ang kulang.Deadline na ngayon.I waited for my remaining group mates to send me their reflections but none came. I glanced at the wall clock.Isang at kalahating oras na lang.I heaved a frustrated sigh and worked on their reflections. Kailangan ko nang masubmit 'to ngayon. Bahala na si Batman.Pagkatapos kong gawin ang mga reflection nila at ang buong portfolio namin sa NSTP ay naghanda na agad akong pumasok kasi ipapa-print ko pa ang mga iyon saka ipapasa bago ang deadline."Magkano po lahat, ma'am?" tanong ko sa nag-aayos ng mga printed copies
____________________________________DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVillaToyangTalks: Love is the fruit of concern from the seedling of "I care". xoxo___________________________________"Ma, hindi pa po kayo tapos d'yan?" tanong ko agad kay mama paglapag ko ng backpack sa may kawayang upuan namin.Kararating ko lang galing sa eskwela at pasado alas-kwatro na ng hapon pero naglalaba pa kasi siya. Nag-alala naman ako nang marinig ang pag-ubo niya kaya nilapitan ko siya agad."Babanlawan ko na lang ang mga 'to tapos isasampay ko na sa taas," aniya sabay punas ng kanang kamay niya sa suot na daster."Ako na po tatapos niyan," alok ko pagkatapos magmano."Naku, hindi na. Ako na rito. Mag-aral ka na lang d'yan."
____________________________________DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVillaToyangTalks: Didn't know there are sweeter words than, "I love you". xoxo___________________________________NAPAHILOT AKO SA sentido ko habang kausap sa cellphone si Don."Nang, pasensya ka na talaga. Kailangan ako ni Sasha sa pageant niya ngayon."Hindi niya ako masusundo sa trabaho at ala-sais na ng gabi nang tumawag siya para ipaalam sa akin iyon.Sa halip na magalit ay napabuntong-hininga na lamang ako."Oh, sige. Basta umuwi ka agad pagkatapos mo r'yan, Don. Huwag kang magpapagabi kasi may pasok ka pa bukas."
_________________________ DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVilla Oplan Fat to Fit Toyang starts now. xoxo _________________________ PAGKAGISING KO AY ang matinding sakit ng ulo agad ang bumungad sa akin. Pagbaba ko ng kwarto at pagpunta sa kusina namin ay umismid agad si mama pagkakita niya sa akin. Pag-upo ko ay inilapag niya rin iyong kapeng tinimpla niya para sa akin. Tinuko ko ang mga siko sa ibabaw ng lamesa saka minasahe ang masakit kong ulo. Ito siguro 'yong tinatawag nilang hangover. Lord, hindi na Po ako uulit... "Masakit?" sarkastikong tanong ni mama sabay baba ng badehadong fried rice sa lamesa. "Ang sakit ng balikat ko," hayag naman ni papa paglapit niya sa amin sa dining area para mag-almusal. Mukhang tulog pa ang dalawa kong kapatid. Kaagad namang naghila ng upuan si mama para alalayang
"TOYANG, GISING!" Naalimpungatan ako sa malakas at walang humpay na yugyog sa akin ni mama. "May baha! Diyos ko, bumangon ka na!" paghihisterikal ni mama habang natatarantang ipinapasok sa loob ng orocan drum ang ilang mga damit namin. Tumayo ako sa kama ko at iniligpit iyon. May tagas na naman ba 'yong hose namin kaya bumaha na naman? Kahit ba naman dito sa apartment na bago may gano'n din? "Donna! Donna! Nasaan na ang mga bata?!" sigaw ni papa sa labas ng kwarto namin bago pumasok at tinulungan si mama sa pagliligpit. "Nasa kabila sina Don at Lucho. Kukunin ko muna sila," ani mama. "Hindi ko na makuha iyong multicab. Patay na 'yong makina. Naabot na no'ng baha," si Papa. Nagmamadaling lumabas si mama ng kwarto. Kumunot ang noo ko. Hindi ko sila makuha. Para silang mga aligaga na natatakot na hindi ko maintindihan...
________________________ DJ Toyang🐨 @AntonniaYullieneVilla Doesn't mean I've never been into a relationship, I'm not capable of understanding love... ________________________ NAKATAAS ANG ISANG tuhod ko at nakapatong naman do'n ang isang binti ko habang nakahiga sa may treadmill at nagso-scroll sa social media ko. "Akala ko ba mag-e-exercise ka?" tanong ni mama. Sinilip ko siya saglit sa gilid ko kung saan siya nakatayo. Nakapameywang pa siya gamit ang dalawang kamay. Binalik ko ang atensyon sa cellphone bago siya sinagot. "Water break muna, ma." "Anong water break? Twenty minutes sa treadmill tapos thirty minutes water break?" Napahagikhik ako. Bilang na bilang ni mader. "Babalik na ako, ma. Saglit lang." "Manang, huwag mong higaan 'yong treadmill. Baka
PAGKATAPOS KONG IBALIK sa natural na kulay niya ang buhok ko ay nagbihis na agad ako ng simpleng puting tee shirt na tinuck in ko sa bulaklakin kong midi skirt. Linggo ngayon at hapon na nang matapos ako sa pagkukulay ng buhok kaya magsisimba na ako. I had to return my black-colored hair because I am a teacher. Bawal ang colored hair sa institution namin so I had to set myself as an example to my students. Dapat ay maging law-abiding ako para sundan at maging magandang ehemplo nila. Kinuha ko iyong malaki kong pitaka at inilagay doon ang cellphone ko saka nagdala na rin ng payong. Paglabas ko sa tindahan slash karinderya namin ay nandoon sina mama at papa. Due to his health issues, papa decided to close the Bamboo Villa. Nandito na siya sa bahay tumutulong kay mama para rin matutukan ang kondisyon niya. Iyong perang mula sa pagbebenta naman namin ng pwesto namin ay nilaan ni papa sa pagpapaayos ng tinda
NABUDOL NA NAMAN ako ni Shopee. However, I have really realized that I am into the simpler and cheaper things. Gaya ng mga tote bags at simple saka mumurahing crossbody bags. That's why I decided to contact Irish's friend na reseller ng mga luxury items. I will just sell those that I have right now. Hindi ko rin naman sila nagagamit kaya sayang lang kasi nakatambak na dito. “I will have it delivered sa Xavier Estates tomorrow. Thank you so much.” I ended the call after that. Magpapatuloy na sana ako sa pagsusulat nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Manang Toyang, busy ka ba? Gusto sana kitang makausap.” It was Lucho. Tumayo naman ako mula sa upuan ng study table ko para pagbuksan siya ng pinto. He let himself in as he comfortably laid on my bed. Sinundan ko naman siya saka ako nagpahalukipkip sa tapat niya. Alam kong may kailangan ‘to, bumibuwelo lang kasi mukhang malaking bagay a
This is the special chapter. This is a compilation of AleYang (Alekhine & Toyang) and CanCho (Candy & Lucho) untold moments. Happy reading! ____________________________ DJ/Atty. Toyang🐨@AntonniaYulliene This is Atty. Antonnia Yulliene Villa-Alonzo a.k.a DJ Toyang signing off. xoxo___________________________ TOYANG AND DONNA just arrived from the salon. As a reward for Toyang for ranking third overall in the whole eleventh grade, Donna had Toyang’s hair rebonded and thick eyebrows threaded. Kaya ngayon ay gandang-ganda ang dalaga sa sarili niya habang nakatitig sa salamin at hindi maalis-alis doon. “Toyang, kanina pa kita tinatawag!” hayag ni Donna sabay nagmamadaling bumaba sa hagdanan nila. “Hindi ko po narinig, ma.” “Paano mo naman maririnig? Kanina ka pa tingin nang tingin d’yan sa sarili mo sa salamin.” Hindi alam ni Toyang kung anong konek no’n pero n
This will be the end, and the next update will be the special chapter. I would like to take this time to express my heartfelt gratitude to everyone who reached this far. Thank you, thank you so much! Thank you for allowing me to share bits of my personal life in this space. Yes, almost all of the flashbacks except for the last one were from my real-life experiences. This was the reason why writing Toyang also feels like writing an autobiography. She is me and the person I aspire to be. I hope that her (my) story of hard-earned triumph inspired you to work diligently and passionately while holding on to your faith in God. This chapter will be told in the third person’s point of view and through Alekhine’s perspective. Sa uulitin, maraming salamat sa pagsama sa aking makitawa at matuto sa simpleng kwento ng buhay ni DJ/ Atty. Toyang. SA KANILANG MALIIT na tahanan, bandang alas cuatro ng umaga ay narinig ni Alekhine ang mumunting hagulhol ng kanyang amang karar
____________________________ DJ/Atty. Toyang🐨@AntonniaYulliene Forgiveness, just like love, takes time. It’s a consistent process of exerting efforts and sacrifices to prove that you are worthy of it. ___________________________ DAY OFF KO sa firm ngayon kaya ako na ang maghahatid-sundo kay Eheads sa araw na ito. “Baby bear, suotin mo na itong sombrero mo para makapunta na tayong school.” Agad namang lumapit ang anak ko sa akin kaya isinuot ko na sa kanya iyong teddy bear niyang bucket hat at brown We Bare Bears na backpack naman sa balikat niya. Eheads was already in the first grade. Masunuring bata naman siya. Medyo makulit pero masipag din naman. Perfect combination talaga ng attitude namin ni Alekhine. I locked our condo unit when we left and then I held Eheads’ hand as we walked towards the elevator. Mag-co-commute lang kami ng anak ko. Alekhine insisted that I should have m
____________________________ DJ/Atty. Toyang🐨@AntonniaYulliene From DJ Toyang to Atty. Antonnia Yulliene Villa-Alonzo 🎉___________________________ KABADONG-KABADO AKO SA para bukas. Unang araw kasi ng BAR at kahit anong paghahanda ang gawin ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin sasapat ang mga iyon para masabing handa talaga ako. “Nahanda mo na ba lahat para bukas?” tanong ni Alekhine habang tinutulungan akong magligpit ng mga gamit ko. Sinamahan niya na naman kasi akong mag-review para sa BAR bukas. “Ga, kaya ko kaya ‘to?” sa halip ay tanong ko pabalik sa kanya. I even remembered promising him of an unprotected sex before the BAR pero mukhang malabo na talagang mangyari iyon dahil iyong kaba ko ngayon ay abot langit na. Mabuti na lang talaga at pinagpala akong lubos sa asawa ko dahil napakamaintindihin niyang tao at partner. “Ga, next year na lang kaya ako mag-take?
____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene Eraserheads V. Alonzo Yes, that’s my baby! xoxo___________________________ IT’S BEEN ALMOST five years since Alekhine and I decided to tie the knot. We were married even before I gave birth to our son. Simple lang iyong wedding gaya nang ni-request ko. I want to make it intimate. Hindi na baleng hindi engrande basta ay makasal ako sa lalaking mahal ko. Alekhine wanted to make it grand. I refused and told him that we should save the money for our future plans, my nearing labor included. Mahaba-habang suyuan din ang nangyari dahil gusto talaga ni Alekhine na bigyan ako ng engrandeng kasal dahil may pera naman daw siya. Saka ko pa lang siya napapayag nang sabihin kong pwede naman kaming ikasal ulit kapag naging abogado na ako para ma-defend ko iyong pagmamahal ko para sa kanya. Kinilig naman si Alekhine. Akala niya ay hindi k
____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene Two plus one equals three hehe xoxo___________________________ KAGIGISING KO PA lang pero bad trip na bad trip na ako. Pagbaba ko kasi mula sa kwarto ko ay iyong malakas na tugtog ng kung anong rap song na ang nabungaran ko na sinasayaw naman ni Lucho sa may sala. Basta may Neneng B-Neneng B roon. Ewan ko nga ba sa batang ito at kung anu-ano na lang talaga ang kinahihiligan. “Lucienne Cholo, ang ingay-ingay! Susko!” saway ko sa kanya. He switched off the music player and unplugged it. Inakbayan naman niya ako habang papunta kami sa may dining area. Nakow… mukhang may kailangan na naman ‘tow… “Manan—” “Utang na loob, Lucho. Nagugutom ako. Baka makain kita nang buhay. Huwag muna ngayon.” Humagikhik naman siya binitawan ako. Nagsimula na akong maghalungkat ng mga gamit namin sa kusina para magtimpla ng kape ko.
26 Toyang ____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene There were places no matter how big, you still couldn’t fit, and it’s simply because you were not meant to become part of them.___________________________ PANAY ANG PABALIK-BALIK ko ng lakad sa may karinderya namin habang kausap ko sa phone si Alekhine. He was asking me to meet his grandparents this Saturday. They invited us over dinner. It’s still Wednesday but I’m already scared and nervous for the occasion. “Antonnia, pwede ka naman sigurong maupo habang nakikipag-usap kay Alekhine, ha, no?” saway ni mama sa akin. “Nahihilo ako sa ‘yong bata ka.” Naupo na ako sa may de-kahoy na bench ng isang table namin at nilipat sa kabilang tenga ko ang phone bago nagpatuloy sa pakikipagkausap kay Alekhine. “What if they don’t like me?” “They want to see you. I guess, you were able to i
____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene Ahmm… meet the mother is really happening 😳___________________________ I REALLY COULDN’T hide my happiness and excitement when Alekhine arrived home. Nakahanda na iyong hapunang niluto ko at cake na pagsasaluhan namin. I fired the confetti gun the moment he opened the door of his condo unit. Siyempre ay handang-handa ako sa pagbubunyi sa pagdating niya. Noong una ay nagulat siya pero mayamaya rin ay napahalakhak na siya sa tuwa. “Home sweetie home, pangga! Na-miss kita!” pambungad na bati ko sa kanya bago ko siya nilapitan. I was so close to reaching him when I slipped because I stepped on the confetti leftovers scattered on the floor. “Toyang!” nag-aalalang sigaw niya at agad akong dinaluhan at tinulungang makatayo. “May masakit ba sa ‘yo?” Napahalakhak naman ako sa katangahan ko habang alalang-alala naman i
____________________________ DJ Toyang🐨@AntonniaYulliene From Singapore to Cdeo, alabyow! xoxo___________________________ I DIDN’T COME with Alekhine to Singapore. Aside sa nahihiya at natatakot ako ay pakiramdam ko na hindi pa ako handa para harapin sila. Hindi pa panahon para pagtagpuin kami. I felt like this time was solely reserved for Alekhine to meet his biological mother and to know and get close to his Chinese roots. Tumulong ako sa pagsasara ng karinderya at tindahan namin nang gumabi na kasi wala naman akong masyadong ginagawa. Summer pa rin kaya wala rin akong klase. Balak ko na sanang mag-apply bilang college professor soon kasi may professional education naman na ako. “Lucho, kunin mo nga muna iyong mga hanging plants kong nakasabit d’yan sa may gate,” utos ni mama sa kapatid ko. “Ma, hindi naman ‘yan mawawala d’yan.” “Basta kunin mo na lang. Mabuti nang maka