____________________________________
DJ ToyangšØ @AntonniaYullieneVilla
ToyangTalks: Didn't know there are sweeter words than, "I love you". xoxo
___________________________________
"Nang, pasensya ka na talaga. Kailangan ako ni Sasha sa pageant niya ngayon."
Hindi niya ako masusundo sa trabaho at ala-sais na ng gabi nang tumawag siya para ipaalam sa akin iyon.
Sa halip na magalit ay napabuntong-hininga na lamang ako.
"Oh, sige. Basta umuwi ka agad pagkatapos mo r'yan, Don. Huwag kang magpapagabi kasi may pasok ka pa bukas."
"Opo, nang. Salamat talaga sa pag-intindi!"
I ended the call and leaned on my swivel chair. I stomped my feet in a sulking manner.
Dapat kasi nagjo-jowa na ako, e!
Mabait naman ako. Passionate at sobrang sipag pa.
Lord, bakit?
Nagligpit na lamang ako ng mga gamit at ipinasok agad sa itim kong Gucci duffle bag na maliit lang ang mga iyon. I slung its strap across my body and went out of the office.
Kung alam ko lang na hindi ako masusundo ni Don, sana pala ay hindi na lang ako nag-dress. Vintage iyon na hanggang tuhod at kulay gray na puff sleeves saka may flower embroidery sa magkabilang gilid. Pinaresan ko iyon ng black Gucci sneakers. I let my hair down too with two black hair clips sa magkabilang side ng buhok ko.
Gusto kong makatipid kaya bumalik ako sa Carmen para pumila roon sa sakayan ng Opol Liner na mga jeep pauwi. Kaya nga lang parang hindi na ako natuto sa huling sakay ko rito na inabot ako ng dalawang oras kakatayo at bandang alas-nueve na ng gabi nang makauwi sa bahay.
Nakauwi na kaya si papa?
Ayoko sana siyang abalahin pero baka pwedeng magpasundo kahit ngayon lang.
I took my phone out of my bag and called my mother right away.
"Ma, nand'yan ba si papa?"
"Oo, bakit? Nasaan ka na?"
"Nasa Carmen, ma. Ang haba ng pila. Baka pwedeng pasundo kay papa? Teka, nagpaalam ba si Don sa inyo?"
"Oo, nagtext kanina. Ikaw naman kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot. Ano bang silbi niyang cellphone mo ha, Antonnia?"
"Sorry, ma. Please pasundo ako kay papa. Kanina pa ako nakatayo rito. Ang haba pa ng pila."
"Oh, sige na. Maghintay ka lang d'yan at sasabihin ko sa kanya. Diyan ka lang sa maraming tao ha. Huwag ka nang umalis d'yan at baka makidnap ka. Malusog ka pa naman kaya tiyak na tiba-tiba sila sa'yo-"
"Ma, naman!"
Tumawa siya sa kabilang linya kaya natawa na rin ako.
Ito talaga si mama kahit kailan, mapanglait.
I keep glancing on my wristwatch from time to time. Pero madalas doon sa mamang nagpapaypay ng barbeque na tinda niya.
Sheeet, gutom na ako...
May dumating ulit na jeep kaya umusad iyong pila. Nang napuno na ay lumarga na ulit ito tapos sinundan naman ng isa pa. Konting tiis na lang at makakasakay na ako ng jeep sa sobrang tagal ni papa.
"Miss, abante na," sabi sa akin ng babaeng G na G nang umuwi sa likuran ko.
Napatitig kasi ako sa itim na Hummer na biglang nagpark sa may opposite na gilid ng pila.
"Sorry..." Umabante na ako pero hindi ko pa rin inaalis ang kunot ng noo at tingin doon sa sasakyan hanggang sa ibinaba no'n ang bintana sa may banda ko.
"Toyang."
Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya. "Alek!"
"Sumakay ka na."
"Teka, nasaan si papa?"
"Sanaol..." dinig kong bulong na sinabayan pa ng hagikhik ng babaeng nasa likuran ko kaya binalingan ko siya.
"Boyfriend mo, te?" tanong niya.
Hindi agad ako nakasagot pero napangiti ako sa naiisip.
"Soon to be," sagot ko na sinundan nang mahinang halakhak ko.
Paglingon ko ulit kay Alekhine ay nakakunot na ang noo niya. Alam ko namang hindi niya narinig iyon dahil may kalayuan siya pero nakakainis iyong mga paganyan niya. Parang Jboy, chaar.
Tatawid na sana ako papunta sa sasakyan niya nang mapaatras ulit ako dahil muntik na akong mabundol nang daraang motor.
"Miss, tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" bulyaw niya sa akin.
"Pasensya na po!" I apologized whilst bowing my head.
Narinig ko ang pagbukas at sarado ng pinto ng sasakyan ni Alek.
"Hindi ba ikaw ang dapat magdahan-dahan nang takbo? Nakikita mo namang may mga taong pumipila rito, humaharurot ka pa," seryosong ani Alekhine na nasa likuran ko na pala sa may driver ng motor.
"Sorry, sir, ma'am..." sagot naman ng driver na natakot ata kay Alek saka pinaandar na ang motor at maingat nang tumakbo.
"Ayos ka lang?" tanong niya habang nakatungo para tingnan ako.
Tango lang ang tanging naisagot ko dahil hindi pa rin ako nakakabawi sa nasaksihan ko. Kinilig ako sa pagtatanggol niya, e.
He held the door of the passenger seat open for me. Pumasok naman agad ako. Napabaling ako sa kanya dahil hindi pa rin niya naisasara ang pinto.
"Bakit?" tanong ko.
"Seatbelt, please," aniya habang bahagyang nakanguso roon.
Napangiti naman ako at nagseatbelt na. Ewan ko, ang cute niya sa tuwing ginagawa niya 'yon.
Napansin ko ring naka-navy blue na siyang v-neck tee shirt at beige cargo shorts saka itim na sandals. Naka-pambahay na siya.
Isinara niya ang pinto saka siya umikot sa harap at pumasok na rin sa driver seat. He buckled his seatbelt and started the engine.
"Nakisuyo si Tita Donna na sunduin ka. Umatake kasi ang rayuma ni Tito Jules," paliwanag niya habang marahang tumatakbo ang sasakyan.
Kaya pala...
"Pasensya ka na talaga sa abala ha. Sana pala tinext ko na lang si papa na huwag na lang akong sunduin kung alam ko lang na umatake iyong rayuma niya."
"Ayos lang. Wala naman akong ginagawa."
Nasa may Patag pa lang kami pero ramdam ko na ang awkward na tunog ng mga kulisap dahil sa katahimikan namin. Ang layo pa namin sa Opol!
I figured out that I have to start the conversation so that he wouldn't think I was boring. Kaso sa lahat ng topic, iyong tunog pang-chismosa pa ang naisip ko.
"Nagka-girlfriend ka na?"
Napapikit ako sa inis.
Itong bunganga ko talaga kung minsan may sarili niyang isip. Napaghahalataan tuloy akong may lihim na pagtingin.
He raised one brow and I laughed to just shrug it off.
"Ang feeling close ko ba? Sige, 'wag mo na lang sagutin."
"I had one before," biglang sagot niya kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Isa lang? Weh, 'di nga?" natatawang tanong ko na para kaming mag-bff. Ang kapal ko talaga!
Buong akala ko ay hindi na niya sasagutin iyon pero nagsalita ulit siya. "I focused on my studies and was busy with work so I didn't have anyone after her."
Woah, it's chika minute!
"Gaano kayo katagal?" Sinimulan ko na, e, kaya lulubusin ko na lang hanggang sa makauwi kami.
"Two, almost three years. We met during senior high school and we'd lasted until our freshmen years in college."
"Bakit kayo nag-break? Kung okay lang sa 'yong magshare. Kung ayaw mo naman, maiintindihan ko," I assured him because he's opening up to me now.
"When I got the scholarship in XU, I told myself I had to focus on my studies to keep that. But, she didn't understand."
"Paanong hindi niya naintindihan?"
"She demanded for most of my time and I couldn't give her that. She came from a well-off family and I didn't..." he trailed off, eyes still on the road.
Nanatili naman akong tahimik habang nakatitig pa rin sa kanya. I just didn't want to push him now to speak more. However, he continued.
"Hindi niya ako nagawang intindihin. Siguro hindi niya lang maunawaan kung gaano ako kapursigido ng mga panahong iyon na tulungan si papa, na ang pamilya ko muna ang prayoridad ko."
Binalot kami ng tahimikan ng ilang sandali saka siya nagsalitang muli.
"Alam mo 'yong pakiramdam... Iyong sakit na nakikita mo 'yong papa mong pasikretong umiiyak kada pag-uwi niya sa madaling araw galing sa pagda-drive dahil hindi pa rin sapat iyong kinikita niya para sa isang linggong gastusin namin..."
Tumango naman ako. Pareho kami ng kwento ni Alekhine kaya talagang naiintindihan ko siya. Our fathers worked the same job before so I really get what he meant.
Our life before wasn't really easy, and it truly hurts seeing your own support system break down right in front of you. Naalala ko noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo, habang nagdadasal kami bago matulog, umiyak si papa dahil sa hirap ng buhay. Ang sakit-sakit na panoorin siyang ganoon pero sabi niya sa amin, magdasal lang daw kami at makikinig ang Diyos.
One precious thing I have learned all throughout my previous journey was that we should never indeed underestimate the power of a single wholehearted prayer because it always gets to Him. Although the reply may not arrive in an instant, but it comes a long way. Magugulat ka na lang isang araw na nagbago na ang buong buhay mo.
"Nagpart-time ako sa may City Engineers Office bilang errand boy nila noong college pa ako. They really helped me a lot. Nakakapag-ambag ako sa mga gastusin sa bahay at may natututuhan din ako sa mga engineer habang tumutulong sa kanila," dagdag niya pa.
I smiled at him and said, "Sigurado akong proud sina tito sa 'yo at ipinagmamalaki nila nang sobra ang mga ginawa at sakripisyo mo para sa kanila."
Nasa may intersection na kami ng Bulua at terminal nang huminto kami dahil umilaw na ang pula sa traffic light.
Binalingan niya rin ako kaya nagkatinginan kami. The lampposts outside and the traffic light illuminated his pleasing features, especially his expressive eyes. I just then found my heart skipping a beat when he smiled at me warmly.
"Alam at ramdam kong proud din sa 'yo ang pamilya. Proud ako sa 'yo..."
I have heard, written, and said the words which I thought to be the sweetest before, but it never occurred to me that his last three words would tug some special strings in my heart.
I didn't expect that the simple 'Proud ako sa 'yo' could be sweeter than 'I love you'.
MULA SA BINABASANG libro ay nag-angat ako ng tingin kina Irish at Candy na kadarating lang sa canteen. Kanina pa kami ni Mariah dito nang matapos ang klase namin sa Liceo.
"Busy ka? E, busy din naman ako ha pero lagi akong may time para sa'yo! Ano 'to, Isaac? Ako na lang ba talaga magbubuhat lagi ng relasyong 'to?" panggagalaiti ni Candy sa kausap sa cellphone.
I looked at Irish to ask but she simply mouthed, 'LQ'.
"Space? Wow, kailangan mo pa ng space na lagay nating 'to? Ilang universe pa ba ang gusto mo para maihanda ko ha?!"
"Cands, kumalma ka muna," sabi ni Mariah sa kanya matapos niyang padabog na inilapag ang makapal niyang libro sa Med sa lamesa bago naupo.
Pinagtitinginan na rin kasi kami ng iba pang naroroon. Hinawakan ni Irish sa mga balikat si Candy para kumalma.
"E, 'di break kung break! Pakyu!" She ended the call immediately and looked at us like nothing big just happened.
"Kumain na tayo. Baka mangayayat si Toyang niyan," biro niya pa. Hindi ko na lang pinatulan.
We ate and didn't talk about it. Nang mag-ala-una na ay nagpunta na kami sa kanya-kanyang klase namin.
Pagkatapos ng klase ko sa masteral ay pumasok muna ako sa banyo para mag-ayos ng sarili. I combed and tied my hair in a high ponytail so that it would match my outfit more. Nakasuot ako ng puting graphic tee shirt na may print ng Eraserheads. Tinuck-in ko iyon sa high-waisted jeans ko na may dark brown na belt. I paired it with my black converse.
My phone beeped inside my tote bag so I took out and saw Irish's text.
Let's drink tonight. My treat.
I groaned and immediately typed a response.
Hindi ako umiinom!
Let's be with Candy tonight, sis. She needs us and it's nice to talk about heartbreak over some bottle of beers.
Hindi nga ako umiinom! May klase pa ako bukas ng umaga.
Magvideoke na lang tayo tapos kantahan natin siya ng Where Do Broken Hearts Go.
Gaya nga ng pinangako niya ay sinundo nila ako pagkatapos ng trabaho ko. Talagang kompleto na sila!
Sa front seat naupo si Mariah ng Audi convertible ni Irish. Nakababa ang roof no'n ngayon kaya kitang-kita ko sila sa loob. Wala akong ibang choice kundi makisiksikan kina Ice at Candy na mukhang ayos naman o nagpapanggap na ayos lang.
"Basta, Rish, libre mo 'to ha!" sabi ko pa sa kanyang tinawanan lang niya. Palibhasa rich kid.
"Sus, maliit na bagay lang daw 'yan," biro pa ni Candy.
We drove going to Opol and dined in Panagatan. Nagtext na rin ako kina mama na matatagalan ako nang uwi saka ihahatid naman daw kami ni Irish at kasama ko naman iyong mga kapitbahay kong sina Ice and Candy.
Mostly seafoods ang delicacies dito but I settled for an inihaw na isda and buttered shrimp. Since coastal area ang barangay namin ay lagi kaming nakakakain ng kung anu-anong seafoods kaya sawa na ako sa kahihimay ng mga alimango!
Pagkatapos kong kumain ng leche flan na dessert ay nag-order naman sina Candy at Irish ng dalawang bote ng red horse. Nanghingi rin sila ng limang baso.
"Oh, iinom dapat lahat," si Irish.
"Hindi nga ako umiinom!" I protested.
"Ako rin..." Mariah seconded.
"Mabuti pa dagdagan mo na lang 'yong dessert ko," dugtong ko pa sabay lapit kaunti ng platito ko sa kanya.
"Boo! Basagin ang baboy! Basagin ang baboy!" Candy teased so I glared at her. Natatawang niyakap niya lang ako.
"Isang baso lang tapos okay na," giit pa ni Irish na nilalagyan na ang lahat ng baso.
"Rish, huwag kang maglasing ha. Magdadrive ka pa..." Mariah reminded her.
"Sure, sure!"
Napilitan akong uminom. Si Mariah hindi na nila pinilit kasi kailangan niyang maging sober kung sakaling malasing si Irish dahil babalik pa sila sa siyudad. Kailangan may gumabay sa kanya sa pagdadrive.
"Hoy, Irish, tama na 'yan! Lakas mong uminom ha. Ikaw ba brokenhearted?" natatawang pigil ni Candy kay Irish na aabutin pa sana ang baso ni Mariah na hindi nito nainom.
"That's the last glass. We're not going home not unless that's already empty!"
"Lagot, tipsy na si Ate Irish." Ice giggled.
Inagaw ko sa kanya iyong baso at nilaklak ang laman no'n. Titig na titig sila sa akin nang ibaba ko sa lamesa ang basong wala nang laman.
"Hayan ubos na! Baka pwede na tayong umuwi?" tanong ko sa kanila. Gabi na kasi.
"That's right. Let's go," ani Mariah.
Tumayo ako at napapikit-pikit agad dahil parang nagiging blurry na iyong paligid ko. I shook my head to also shake that dizziness I'm feeling. Maglalakad na sana ako palabas nang bigla akong hatakin ni Candy pabalik.
"Iyong bag mo, Toyang!"
"Ay, oo nga pala!" Napapalakpak ako sa katangahan sabay tawa.
I spun around to go get it but Mariah already took it for me. Siya na rin ang nagsabit no'n sa balikat ko. Kaagad ko naman iyong niyakap.
"Inaantok na ako..." I whispered. I heard Candy's mocking laughter at the background.
"Lasing ka na sa tatlong baso? Isa kang mahinang nilalang!"
I grimaced with my eyes now closed. Nasa loob na kami ng sasakyan. Hindi ko na rin alam kung kay Ice ba o kay Candy ang balikat na sinasandalan ng ulo ko ngayon.
I couldn't keep track of what happened. Basta ang alam ko ay malapit na akong makatulog kung hindi lang ako ginising ni Mariah na nasa tapat na kami ng Kamp Kawayan.
Bumaba siya tapos si Candy naman para makalabas ako ng backseat. Sila na rin ang nagdoorbell para sa akin. Sumandal ako sa may gilid ng gate at pinipigilan ang antok ko habang hinihintay si papa na pagbuksan kami ng gate.
"Tito, pasensya na po kayo kung ginabi kami. Pasensya na rin po kasi medyo lasing na si Toyang. Pero promise po tatlong baso lang nainom niya," I heard Mariah explained when the gate opened.
I slightly opened my eyes to see papa and I waved at him. "Hello, pa. I'm homeee!"
"Engineer, nandito po pala kayo," si Candy na mukhang nagulat.
Mas iminulat ko ang mga mata at nakitang nakatayo sa may hamba ng pintuan namin si Alekhine na naka-pambahay na at sa likuran naman niya ay may dalawang shot glass saka bote ng alak sa may coffee table ng patio namin.
"Nag-inuman din pala kayo. Cheers!" humahagikhik kong saad sa napagtanto na sinabayan ko pa nang pagtaas ng kanang kamay sa ere.
"Sige, ako na bahala sa kanya. Maraming salamat sa paghahatid niyo sa kanya. Mag-iingat kayo pauwi," sabi ni papa sa mga kaibigan ko.
Pumasok na ako ng gate at naupo sa may pintuan ng patio namin para hubarin ang sapatos ko kahit antok na antok na ako. Magagalit kasi si mama kapag ka pinasok ko iyon sa loob ng bahay.
"Diyan ka lang, Antonnia. Gigisingin ko muna ang mama mo," ani papa bago pumasok sa loob ng bahay.
Tumango-tango ako habang walang ganang tinatanggal ang sintas ng kanang sapatos ko. Ganito pala ang epekto ng alak? Nakakaubos ng energy.
"Ako na."
Nag-angat ako ng tingin sa nakatalungko nang si Alekhine sa tapat ko. He stretched my right leg and placed my foot on his lap so he could undid my shoelace.
"Uy, nakakahiya naman sa 'yo. Sorry na agad ha..." sabi ko.
He looked at me, slightly frowning. "Bakit ka nagsosorry?"
"Baka kasi mabaho iyong paa ko..." Mabilis kong tinakpan ang mukha ng mga palad sa hiya dahil sa sinabi. "Nakakahiya naman..."
I heard him chuckle.
"Ayos lang," kalmadong sagot niya.
Sinilip ko siya sa pagitan ng mga daliri ko at nagtakip ulit ako nang mag-angat siya ng tingin sa akin.
"Hindi naman mabaho," natatawang aniya matapos hubarin ang mga sapatos ko.
I lowered my hands and caught him placing my converse on my side neatly. "Salamat."
"Antonnia, gabing-gabi ka na umuwi tapos lasing pa!"
Kahit nasa malayo pa si mama ay dinig ko na agad ang ratatat niya. I groaned and laid on the floor with half of my legs still outside. I covered my eyes with my right arm. Gusto ko nang matulog, please!
"Antonnia, tumayo ka riyan! Nakakahiya ka kay Engineer, oh! Antonnia!"
Kinurot-kurot ako ni mama sa tagiliran pero napapahagikhik lang ako habang sinusubukang iiwas ang katawan dahil may kiliti ako roon.
"Inaantok na ako, ma," nakapikit kong sabi sa kanya.
"Kaya nga tumayo ka na r'yan para roon ka na mahiga sa kwarto mo."
I protested silently. "Dito na lang ako matutulog, ma..."
"Mabuti sana kung ang gaan mo. Tumayo ka na r'yan kasi utang na loob, Antonnia, bali-bali ang buto ng papa mo kung kakargahin ka niya paakyat ng kwarto mo!"
I didn't respond anymore. I just snored because really feel like snoring, and before I totally doze off, I heard Alekhine spoke. "Ako na po magdadala sa kanya sa kwarto niya, tita."
ā¢|ā¢ Illinoisdewriter ā¢|ā¢
_________________________ DJ ToyangšØ @AntonniaYullieneVilla Oplan Fat to Fit Toyang starts now. xoxo _________________________ PAGKAGISING KO AY ang matinding sakit ng ulo agad ang bumungad sa akin. Pagbaba ko ng kwarto at pagpunta sa kusina namin ay umismid agad si mama pagkakita niya sa akin. Pag-upo ko ay inilapag niya rin iyong kapeng tinimpla niya para sa akin. Tinuko ko ang mga siko sa ibabaw ng lamesa saka minasahe ang masakit kong ulo. Ito siguro 'yong tinatawag nilang hangover. Lord, hindi na Po ako uulit... "Masakit?" sarkastikong tanong ni mama sabay baba ng badehadong fried rice sa lamesa. "Ang sakit ng balikat ko," hayag naman ni papa paglapit niya sa amin sa dining area para mag-almusal. Mukhang tulog pa ang dalawa kong kapatid. Kaagad namang naghila ng upuan si mama para alalayang
"TOYANG, GISING!" Naalimpungatan ako sa malakas at walang humpay na yugyog sa akin ni mama. "May baha! Diyos ko, bumangon ka na!" paghihisterikal ni mama habang natatarantang ipinapasok sa loob ng orocan drum ang ilang mga damit namin. Tumayo ako sa kama ko at iniligpit iyon. May tagas na naman ba 'yong hose namin kaya bumaha na naman? Kahit ba naman dito sa apartment na bago may gano'n din? "Donna! Donna! Nasaan na ang mga bata?!" sigaw ni papa sa labas ng kwarto namin bago pumasok at tinulungan si mama sa pagliligpit. "Nasa kabila sina Don at Lucho. Kukunin ko muna sila," ani mama. "Hindi ko na makuha iyong multicab. Patay na 'yong makina. Naabot na no'ng baha," si Papa. Nagmamadaling lumabas si mama ng kwarto. Kumunot ang noo ko. Hindi ko sila makuha. Para silang mga aligaga na natatakot na hindi ko maintindihan...
________________________ DJ ToyangšØ @AntonniaYullieneVilla Doesn't mean I've never been into a relationship, I'm not capable of understanding love... ________________________ NAKATAAS ANG ISANG tuhod ko at nakapatong naman do'n ang isang binti ko habang nakahiga sa may treadmill at nagso-scroll sa social media ko. "Akala ko ba mag-e-exercise ka?" tanong ni mama. Sinilip ko siya saglit sa gilid ko kung saan siya nakatayo. Nakapameywang pa siya gamit ang dalawang kamay. Binalik ko ang atensyon sa cellphone bago siya sinagot. "Water break muna, ma." "Anong water break? Twenty minutes sa treadmill tapos thirty minutes water break?" Napahagikhik ako. Bilang na bilang ni mader. "Babalik na ako, ma. Saglit lang." "Manang, huwag mong higaan 'yong treadmill. Baka
PAGKATAPOS KONG IBALIK sa natural na kulay niya ang buhok ko ay nagbihis na agad ako ng simpleng puting tee shirt na tinuck in ko sa bulaklakin kong midi skirt. Linggo ngayon at hapon na nang matapos ako sa pagkukulay ng buhok kaya magsisimba na ako. I had to return my black-colored hair because I am a teacher. Bawal ang colored hair sa institution namin so I had to set myself as an example to my students. Dapat ay maging law-abiding ako para sundan at maging magandang ehemplo nila. Kinuha ko iyong malaki kong pitaka at inilagay doon ang cellphone ko saka nagdala na rin ng payong. Paglabas ko sa tindahan slash karinderya namin ay nandoon sina mama at papa. Due to his health issues, papa decided to close the Bamboo Villa. Nandito na siya sa bahay tumutulong kay mama para rin matutukan ang kondisyon niya. Iyong perang mula sa pagbebenta naman namin ng pwesto namin ay nilaan ni papa sa pagpapaayos ng tinda
NABUDOL NA NAMAN ako ni Shopee. However, I have really realized that I am into the simpler and cheaper things. Gaya ng mga tote bags at simple saka mumurahing crossbody bags. That's why I decided to contact Irish's friend na reseller ng mga luxury items. I will just sell those that I have right now. Hindi ko rin naman sila nagagamit kaya sayang lang kasi nakatambak na dito. āI will have it delivered sa Xavier Estates tomorrow. Thank you so much.ā I ended the call after that. Magpapatuloy na sana ako sa pagsusulat nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. āManang Toyang, busy ka ba? Gusto sana kitang makausap.ā It was Lucho. Tumayo naman ako mula sa upuan ng study table ko para pagbuksan siya ng pinto. He let himself in as he comfortably laid on my bed. Sinundan ko naman siya saka ako nagpahalukipkip sa tapat niya. Alam kong may kailangan āto, bumibuwelo lang kasi mukhang malaking bagay a
SABADO NGAYON AT maagang natapos ang klase namin sa masteral ko tapos kaninang umaga naman ang schedule ko on-air kaya libreng-libre na ako sa hapon. Mama tagged me along with her, papa, and Tito Tonton sa mall. We shopped clothes and some items for him. Namili na rin kami ng groceries at mga paninda para sa tindahan saka mga rekados para sa karinderya. āKapag talaga nagawa na nina Alekhine iyong mall sa atin ay hindi na natin kailangan pang lumuwas dito sa siyudad para mamili. Sana talaga matapos na iyon,ā paulit-ulit na wika ni mama habang nasa meat section kami ng grocery ng Gaisano Mall. Masyadong mahal sa Rustans sa Ayala Mall kaya dito na lang kami dumiretso sa katapat na mall. āIlang buwan na lang naman, ma. Konting tiis na lang.ā Hindi ko maiwasang malungkot pagkatapos sabihin iyon. Ilang buwan na lang pala at aalis na si Alekhine sa apartment ni Aling Mercy at babalik na kami
_________________________________ DJ ToyangšØ @AntonniaYulliene Ang harot-harot naman yarn. Pakiss nga! Charot! Haha xoxo _________________________________ NAPANGITI AKO HABANG pinagmamasdan ang nakangiting mga mukha nina Irish at ng boyfriend niyang si Remo. The man just proposed to her earlier. Siyempre ay alam at damay kami ng buong squad sa surprise. Ang bongga pa kasi naka-flash mob style ang proposal. Mapapa-sanaol ka na lang talaga. āSanaol!ā sigaw ni Candy sa couple na sweet na sweet na nagsasayaw sa gitna pagkatapos ay pumalakpak pa siya nang malakas. Natawa kami ni Mariah. Hindi na kasi talaga sila nagkabalikan ng ex niya. Ayaw na niya, masyadong mainitin daw ang ulo kaya lalong nag-iinit din ang ulo niya at laging walang time para sa kanya. She said that time was really important in a relationship. Okay lang kahit
____________________________ DJ Toyang šØ@AntonniaYulliene Cute in his dictionary means I am adorable and that he likes me. Yieee! Thank you sa pa-blessing na love life today, Lord! šš»___________________________ NASA KASAGSAGAN AKO nang pagkain ng paborito kong bibingka nang maupo sa tapat ko si Geron. Kagrupo ko na naman kasi siya sa Rizal at nag-usap-usap kaming dito na magme-meeting sa riverside canteen. āKumakain ka na naman,ā puna niya agad. āPake mo ba?ā mataray na balik ko sa kanya. Mayamaya pa ay inalok ko na rin sa kanya iyong kinakain ko. āGusto mo?ā āKulang pa āyan sa āyo.ā I groaned silently while he chuckled. āCute mo.ā Nabulunan naman ako dahil sa sinabi niya. Agad-agad naman niyang binuksan at inabot sa akin ang bottled water niya. āOh, heto,
This is the special chapter. This is a compilation of AleYang (Alekhine & Toyang) and CanCho (Candy & Lucho) untold moments. Happy reading! ____________________________ DJ/Atty. ToyangšØ@AntonniaYulliene This is Atty. Antonnia Yulliene Villa-Alonzo a.k.a DJ Toyang signing off. xoxo___________________________ TOYANG AND DONNA just arrived from the salon. As a reward for Toyang for ranking third overall in the whole eleventh grade, Donna had Toyangās hair rebonded and thick eyebrows threaded. Kaya ngayon ay gandang-ganda ang dalaga sa sarili niya habang nakatitig sa salamin at hindi maalis-alis doon. āToyang, kanina pa kita tinatawag!ā hayag ni Donna sabay nagmamadaling bumaba sa hagdanan nila. āHindi ko po narinig, ma.ā āPaano mo naman maririnig? Kanina ka pa tingin nang tingin dāyan sa sarili mo sa salamin.ā Hindi alam ni Toyang kung anong konek noān pero n
This will be the end, and the next update will be the special chapter. I would like to take this time to express my heartfelt gratitude to everyone who reached this far. Thank you, thank you so much! Thank you for allowing me to share bits of my personal life in this space. Yes, almost all of the flashbacks except for the last one were from my real-life experiences. This was the reason why writing Toyang also feels like writing an autobiography. She is me and the person I aspire to be. I hope that her (my) story of hard-earned triumph inspired you to work diligently and passionately while holding on to your faith in God. This chapter will be told in the third personās point of view and through Alekhineās perspective. Sa uulitin, maraming salamat sa pagsama sa aking makitawa at matuto sa simpleng kwento ng buhay ni DJ/ Atty. Toyang. SA KANILANG MALIIT na tahanan, bandang alas cuatro ng umaga ay narinig ni Alekhine ang mumunting hagulhol ng kanyang amang karar
____________________________ DJ/Atty. ToyangšØ@AntonniaYulliene Forgiveness, just like love, takes time. Itās a consistent process of exerting efforts and sacrifices to prove that you are worthy of it. ___________________________ DAY OFF KO sa firm ngayon kaya ako na ang maghahatid-sundo kay Eheads sa araw na ito. āBaby bear, suotin mo na itong sombrero mo para makapunta na tayong school.ā Agad namang lumapit ang anak ko sa akin kaya isinuot ko na sa kanya iyong teddy bear niyang bucket hat at brown We Bare Bears na backpack naman sa balikat niya. Eheads was already in the first grade. Masunuring bata naman siya. Medyo makulit pero masipag din naman. Perfect combination talaga ng attitude namin ni Alekhine. I locked our condo unit when we left and then I held Eheadsā hand as we walked towards the elevator. Mag-co-commute lang kami ng anak ko. Alekhine insisted that I should have m
____________________________ DJ/Atty. ToyangšØ@AntonniaYulliene From DJ Toyang to Atty. Antonnia Yulliene Villa-Alonzo š___________________________ KABADONG-KABADO AKO SA para bukas. Unang araw kasi ng BAR at kahit anong paghahanda ang gawin ko, pakiramdam ko ay hindi pa rin sasapat ang mga iyon para masabing handa talaga ako. āNahanda mo na ba lahat para bukas?ā tanong ni Alekhine habang tinutulungan akong magligpit ng mga gamit ko. Sinamahan niya na naman kasi akong mag-review para sa BAR bukas. āGa, kaya ko kaya āto?ā sa halip ay tanong ko pabalik sa kanya. I even remembered promising him of an unprotected sex before the BAR pero mukhang malabo na talagang mangyari iyon dahil iyong kaba ko ngayon ay abot langit na. Mabuti na lang talaga at pinagpala akong lubos sa asawa ko dahil napakamaintindihin niyang tao at partner. āGa, next year na lang kaya ako mag-take?
____________________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene Eraserheads V. Alonzo Yes, thatās my baby! xoxo___________________________ ITāS BEEN ALMOST five years since Alekhine and I decided to tie the knot. We were married even before I gave birth to our son. Simple lang iyong wedding gaya nang ni-request ko. I want to make it intimate. Hindi na baleng hindi engrande basta ay makasal ako sa lalaking mahal ko. Alekhine wanted to make it grand. I refused and told him that we should save the money for our future plans, my nearing labor included. Mahaba-habang suyuan din ang nangyari dahil gusto talaga ni Alekhine na bigyan ako ng engrandeng kasal dahil may pera naman daw siya. Saka ko pa lang siya napapayag nang sabihin kong pwede naman kaming ikasal ulit kapag naging abogado na ako para ma-defend ko iyong pagmamahal ko para sa kanya. Kinilig naman si Alekhine. Akala niya ay hindi k
____________________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene Two plus one equals three hehe xoxo___________________________ KAGIGISING KO PA lang pero bad trip na bad trip na ako. Pagbaba ko kasi mula sa kwarto ko ay iyong malakas na tugtog ng kung anong rap song na ang nabungaran ko na sinasayaw naman ni Lucho sa may sala. Basta may Neneng B-Neneng B roon. Ewan ko nga ba sa batang ito at kung anu-ano na lang talaga ang kinahihiligan. āLucienne Cholo, ang ingay-ingay! Susko!ā saway ko sa kanya. He switched off the music player and unplugged it. Inakbayan naman niya ako habang papunta kami sa may dining area. Nakowā¦ mukhang may kailangan na naman ātowā¦ āMananāā āUtang na loob, Lucho. Nagugutom ako. Baka makain kita nang buhay. Huwag muna ngayon.ā Humagikhik naman siya binitawan ako. Nagsimula na akong maghalungkat ng mga gamit namin sa kusina para magtimpla ng kape ko.
26 Toyang ____________________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene There were places no matter how big, you still couldnāt fit, and itās simply because you were not meant to become part of them.___________________________ PANAY ANG PABALIK-BALIK ko ng lakad sa may karinderya namin habang kausap ko sa phone si Alekhine. He was asking me to meet his grandparents this Saturday. They invited us over dinner. Itās still Wednesday but Iām already scared and nervous for the occasion. āAntonnia, pwede ka naman sigurong maupo habang nakikipag-usap kay Alekhine, ha, no?ā saway ni mama sa akin. āNahihilo ako sa āyong bata ka.ā Naupo na ako sa may de-kahoy na bench ng isang table namin at nilipat sa kabilang tenga ko ang phone bago nagpatuloy sa pakikipagkausap kay Alekhine. āWhat if they donāt like me?ā āThey want to see you. I guess, you were able to i
____________________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene Ahmmā¦ meet the mother is really happening š³___________________________ I REALLY COULDNāT hide my happiness and excitement when Alekhine arrived home. Nakahanda na iyong hapunang niluto ko at cake na pagsasaluhan namin. I fired the confetti gun the moment he opened the door of his condo unit. Siyempre ay handang-handa ako sa pagbubunyi sa pagdating niya. Noong una ay nagulat siya pero mayamaya rin ay napahalakhak na siya sa tuwa. āHome sweetie home, pangga! Na-miss kita!ā pambungad na bati ko sa kanya bago ko siya nilapitan. I was so close to reaching him when I slipped because I stepped on the confetti leftovers scattered on the floor. āToyang!ā nag-aalalang sigaw niya at agad akong dinaluhan at tinulungang makatayo. āMay masakit ba sa āyo?ā Napahalakhak naman ako sa katangahan ko habang alalang-alala naman i
____________________________ DJ ToyangšØ@AntonniaYulliene From Singapore to Cdeo, alabyow! xoxo___________________________ I DIDNāT COME with Alekhine to Singapore. Aside sa nahihiya at natatakot ako ay pakiramdam ko na hindi pa ako handa para harapin sila. Hindi pa panahon para pagtagpuin kami. I felt like this time was solely reserved for Alekhine to meet his biological mother and to know and get close to his Chinese roots. Tumulong ako sa pagsasara ng karinderya at tindahan namin nang gumabi na kasi wala naman akong masyadong ginagawa. Summer pa rin kaya wala rin akong klase. Balak ko na sanang mag-apply bilang college professor soon kasi may professional education naman na ako. āLucho, kunin mo nga muna iyong mga hanging plants kong nakasabit dāyan sa may gate,ā utos ni mama sa kapatid ko. āMa, hindi naman āyan mawawala dāyan.ā āBasta kunin mo na lang. Mabuti nang maka