Share

Chapter 17

“Phoebe…” tawag ng kuya niya habang nagpapahinga sa isang kwarto sa ospital pagtapos ng ilang tests.

“Kuya, may masakit ba sayo?” bago ito sumagot ay pinakiusapan niya muna si ate Mel na lumabas. Agad namang sumunod ang caregiver niya.

“Umamin ka nga sakin, saan mo kinukuha ang pambayad sa lahat ng ito?”

“Kuya diba sabi ko naman sayo, sponsor yan ng…ng…pinagdu-dutyhan namin ni Angelie.

“Phoebe…” naramdaman niya ang pagbabanta sa boses ng kapatid. “Umamin ka sakin.”

Napalunok siya bigla, hindi naman basta-basta nagagalit ang kapatid niya sa kanya pero iba ang tono nito ngayon.

“Kuya nagsasabi ako ng totoo.”

“Phoebe, nakausap ko si tito.”

Napahinto ang dalaga at hindi agad makahanap ng sasabihin.

“Alam ko ng hindi siya ang nagbabayad kay ate Mel. At wag mo akong gawing tanga dahil hindi nag i-sponsor basta-basta ang kumpanya kung saan kayo nagdu-duty ni Angelie.” Ramdam niya ang galit sa boses ng kapatid kahit mejo nanghihina ito.

“Kuya…wag mo na isipin yun. Baka mapaano ka eh.”

“Phoebe
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status