Share

Chapter Three:

Author: Gwen
last update Last Updated: 2021-07-09 04:27:25

I've been always in good terms with everyone. I'm very much aware that I am a good person. Ayoko ng gulo, ayoko ng away. Mas pipiliin kong mag-sorry nalang kahit wala naman akong kasalanan sa tao. Para matapos na agad ang gulo.

Minsan nga ay sinasaway ako ni Jose kasi masyado daw akong mabait. Well, being a good person is not a bad thing. Ang masama ay yung hinahayaan mo lang na abusohin nila ang kabaitan mo.

Ayoko naman na may mag-abuso ng kabaitan ko, gusto kong suwayin kung sino man ang taong yun, pero hindi ko pa kaya. Natatakot ako. Natatakot ako na kapag sinuway ko yung tao na yun, magagalit sya sa akin. Ayoko nun.

Because I really hate the feeling of being disliked.

Simula pagkabata ko, nakikita ko sa mga magulang ko kung gaano kasakit ang hindi ka gusto ng mga tao. Si Mama at Papa ay nagtanan nung 17 anyos palang sila, umalis at nagsama na sa isang bahay. At that made the parents of my mother disappointed at her.

Kahit na hindi man nila sabihin, alam kong nasasaktan pa rin sila at hindi pa rin nakakatakas sa masamang nagawa nila sa nakaraan. Kahit na ilang taon na rin ang lumipas, ang pagkadismaya sa mga mata ng mga magulang ni Mama ay makikita pa rin.

Kasi halos sa mga kapatid ni Mama ay nakapagtapos at may mga magagandang buhay na ngayon. Habang sya ay isang trabahante ng isang karinderya na hindi masyadong kalakihan. Kasa-kasama si Papa na isang trabahante lang din sa isang hardware. Sa madaling salita pa, si Mama lang ang nag-iisang "disappointment" sa pamilya nila.

Tuwing may family gatherings, nakikita ko ang panliliit ng mga pinsan ko at nang iba pang parte ng pamilya ni Mama sa aming pamilya.

Nalulungkot ako tuwing pinagmamasdan ko sina Mama at Papa na nakikihalubilo sa mga taong yun. Pinipilit nilang makisali, pero tinutulak sila papalayo habang tinatapakan.

Sa mga araw na walang-wala sila, lalong-lalo na sa panahong ipapanganak nako, tanging si Lola Crispin lang ang nandyan. Ang nanay ni Papa.

" Akalain mo yun? Isa lang akong labandera ngunit may mga mukha ang pamilya ko! Ang biyanan ko, napakaganda! Maraming mga contest ang sinalihan nya! At ang anak ko naman ay napaka-gwapo, nakita nyo diba yung larawan ko diba? Anak ko yun! Haaa, paano nalang kaya ang nag-iisa kong apo? Ang ganda!" Minsang rinig kong saad ni Lola sa kapwa nyang matatanda.

Nasa isang libreng center na kasi si Lola ngayon, center para sa matatanda. Simula nung hindi na nakakalakad si Lola, dito muna namin sya nilagay. May balak naman na kunin si Lola nina Papa yun ay kung okay na si Lola. Pero sabi ni Lola Crispin na dun na daw sya, okay na sya dun.

Alam naman naming lahat kung bakit ayaw na sumama ni Lola, eh. Kasi iniisip nya na sagabal na sya lalong-lalo na hindi na sya nakakalakad.

Minsan ay naiiyak ako tuwing binabanggit ni Lola ang tungkol sa amin na pamilya nya. Yung proud na proud pa rin sya pagkatapos nyang magsakripisyo sa amin. Kasi naaalala ko ang history nila Mama at Papa eh. Alam kong dismayado rin si Lola kay Papa pero tinanggap nya pa rin. Kahit na laging bilin ni Lola kay Papa dati na, "Naglalabada ako para makapagtapos ka ng pag-aaral," pero hindi nangyari.

"Mahal na mahal na mahal kita, apo ko." Lagi iyang sinasabi ni Lola Crispin sa akin tuwing dadalaw ako sa kanya sa maliit nyang bahay na sya lang ang nakatira. Yun pa yung mga araw na nakakalakad pa sya. "Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, mahal na mahal ka namin."

Alam ko. Alam ko sa buong buhay ko na mahal na mahal nila ako. Kahit sa panahong nahihirapan sila, hindi nila nalilimutang iparamdam sa akin na mahal nila ako. Ganyan ako ka-swerte sa mga magulang ko.

Parang natatakot na tuloy ako sa magiging kapalaran ko, sa hinaharap ko. Kasi kitang-kita ko sa mga mata ni Neasle sa araw na yun ang sakit. May kapalit ba ang pagmamahal na natatanggap ko ngayon?

"Sagutin ko lang 'tong tawag, Fin." Pagpapaalam ni Jose nang tumunog ang kanyang telepono. Tumango ako bilang sagot.

Saktong pagkalabas ni Josephine sa glass door, ay pumasok ang tatlong magkakaibigan na mga babae. Tantya ko ay kasing edad ko lang ang mga ito.

Napatingin ako sa wall clock, alas nuebe na pala. Siguro uuwi ako mga 10 pm. Tapos na rin kaming kumain ni Jose kanina pa, ewan ko lang kay Lucas na kasama ni Jose sa trabaho. May inaayos pa kasi iyon na mga produkto dun sa bandang likod. Inaya pa namin sya kanina ngunit sabi nya ay 'mamaya nalang' daw sabay ngiti pa sa amin. Pero ilang oras na ang nakalipas at nandun pa rin sya sa likod, nagdi-display.

"Mapapadalas ata ang pagbili ko rito, fren." napabaling ang tingin ko sa tatlong babaeng pumasok kanina. Tapos na atang mamili, kaya pupunta na sila dito sa akin, sa counter.

"Mahihimatay na sana ako pagkatapos nyang ngumiti sa atin, eh." Hindi nakaiwas sa paningin ko ang pagsampal sa balikat ng babeng naka-pink sa babaeng naka-black. Yung sampal na may halong kinikilig.

"Pakalmahin nyo muna mga pepe nyo, girls." Pagsaway sa kanila ng isa pa nilang kasama.

Nang makarating sila sa harapan ko, naging mahina na ang boses nila at hindi na masyadong magalaw. Pero habang nagpu-punch ako, mahahalata ko ang pagsulyap-sulyap nilang tatlo sa bandang likod nitong grocery.

"Ang puti! Nahiya ang balat ko girl."

"Hwag nga kayo! Ako lang naman ang naglakas ng loob na magtanong sa kanya---"

"At pasalamat nga kami at ikaw lang yung nagtanong kung saan nakalagay ang tissue!"

"Oo nga, kung nakisali pa kami, magmumukha tayong tanga tatlo! Nagtanong pa si Denise kung saan daw ang tissue tapos nasa harapan pala ang hinahanap! Hahahaha! Halatang nagpapansin lang ampota hahahahah!"

Natatawa ako habang nakikinig lang sa mga kwento nila. Iba talaga ang kamandag ng isang Lucas! Hahaha.

"Ehm..." Tumikhim ako upang mapansin nila. "316 pesos po ang lahat." Saad ko sa kanila.

"Ay, opo opo! Heto po." Mabuti at napansin agad ako nang isa sa kasama nila at nagbayad na.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan silang papaalis nang napatigil yung isa.

"Wala na bang naiwan? Ayos na ba lahat?"

"May naiwan ata ako." Sabi nung naka-pink sabay kinakapa nya ang bulsa nya. Nakakunot ang mga noo ng kanyang mga kaibigan at pati tuloy ako ay napakunot rin. "Ah, iiwan ko nalang siguro."

"Ano ba naiwan mo?" Tanong nung naka-black.

"Puso ko, babalikan ko nalang sa susunod hehe." At dahil sa sinabi nya, nakatanggap sya ng sapak mula sa mga kaibigan nya. Pagkatapos nun ay tuluyan na nga silang nawala sa paningin ko.

Napapailing nalang ako. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na may narinig ako humanga sa kagwapohan ni Lucas.  Minsan nga nai-interview kami dito ni Jose kasi marami talagang nagtatanong about kay Lucas.

"Phew! Sa wakas natapos na rin!" Napabaling ang tingin ko kay Lucas na nag-uunat sa kanyang mga kamay. Tumingin ito sa orasan. "Ang bilis naman ng oras.." wika nya.

"Hoy kumain ka na." Saad ko. Tumingin ito sa akin nang marinig ako, nakita ko ang nakakalokong tingin nito sa akin. Napaka-malisyodo talaga ng tao na 'to.

"Grabe ka naman, Finneas. Akala ko ba magkakaibigan lang tayo dito? Ikaw ha."

"Ewan ko sayo." Sabay pabirong inirapan sya. Napatawa nalang sya sa sinabi ko at naglakad papalapit sa akin. Umupo sya sa isang bakanteng upuan.

"Saan pala si Jose?" Tanong nya sabay libot ng tingin nya sa bawat sulok ng grocery. "Missing?"

"May sinagot lang na tawag."

"Jowa?"

"Bakit?" Tumingin ako sa kanya. "Selos ka?"

"Ba't naman ako magseselos? Loko 'to." Sagot nya. "Magseselos lang ako kapag ikaw ang may katawag." Pagpapatuloy nya habang may pataas-baba pa ng kilay nya. Halatang tinutukso lang ako.

Pinakita ko nalang sa kanya ang pagbago ng ekspresyon ko dahil sa sinabi nya; from nagtataray to 'really?'  look. Mahina syang natawa sa ginawa ko.

"Ewan ko nalang din sayo, Fin." panggagaya nya sa sinabi ko kanina at napabaling ang tingin sa kakapasok palang na customer.

Napatitig tuloy ako sa naka-side view nyang mukha. Kahit saang anggulo talaga tignan, gwapo pa rin talaga ang lalaking ito. Lalo na kapag ngumingiti.  Nagpapakita kasi ang malalim nyang dimple sa kaliwang pisngi kapag ngumingiti. Kaya hindi na talaga nakakapagtataka na maraming makakapansin sa kagwapohan niya.

Inaamin kong na-attract din ako sa kanya nung bago palang ako dito, hindi ko maiwasang mapatitig. Hanggang ngayon pa din naman, pero hindi na talaga kagaya nang dati. Lalong-lalo na nung nalaman ko kung gaano ka-feelingero ang lalaking 'to! Ayoko nalang magtalk.

Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Neasle na "Mr. Right." Wala akong kaide-ideya kung sino ang lalaking yun, because she did not tell and she said she wont. What if si Lucas pala yun?

Bigla tuloy akong nangilabot. Hindi ko nai-imagine ang sarili kong nakikipaghalikan kay Lucas! Jusko, ano ba itong iniisip ko?!

Pero sabi din ni Neasle diba na kailangan kong makita si Mr. Right, para hindi kami magkakatuloyan ni "Mr. Wrong." (Mr. Wrong kasi diba sya ang dahilan 'daw' kung bakit nagkaganun ang buhay ko sa future diba?) Pero what if si Lucas pala ang Mr. Right na yun?

Hay naku! Kahit wala akong nararamdam sa tao, nadadamay pa sa iniisip ko! Simula nung dumating si Neasle, namomroblema nako sa mga bagay na hindi ko naman pinoproblema noon T^T

Pero syempre iba na ngayon, eh. I should be aware of my actions and also beware of the people around me. I must be wise now.

Related chapters

  • Time Leap to Meet You   Chapter Four

    "Hoy Finneas! Na ano ka?" medyo napabalikwas ako nang tinawag ako ni Kristoff. Hindi ko namalayan na napatunganga pala akong nakatingin sa kanya.Napatampal ako sa noo ko para mabalik ako sa huwisyo. Hindi ko na talaga mapigilan na obserbahan at pagmasdan ang mga lalaking nakakasalamuha ko.Kasalanan 'to ng Mr.Right- Mr.Right na yun eh! Kahit sino nalang talaga ang pinag-iisipan kong maaaring si Mr. Wrong o ang aking magiging Mr. Right. Pati yung mga taong dumadaan lang hindi nakaligtas eh! Kagaya sa mga love story, diba may estranghero nalang silang makilala bigla tapos di nila inaakalang ang tao pala na yun ay ang ka-forever nila.Ewan ko nalang!Hindi pa naman ako handa sa mga ganyan eh. Ni minsan ay hindi pa talaga pumasok sa isip ko ang "mag-jowa".Pero I wonder, saan kaya kami nagkakilala ni Mr. Wrong? Anong meron sa kanya at bakit sya ang nakatuloyan ko?

    Last Updated : 2021-07-17
  • Time Leap to Meet You   Prologue:

    "Hala Finneas gagi may kamukha ka!" Kakapasok ko palang sa classroom nang biglang kinalabit agad ako ni Trisha.Halos nasa buong klase namin pinagkagulohan ako dahil lang na kamukha ko "daw" talaga yung bagong transferee."May mga tao naman talagang magkamukha." Sabi ko nalang."Ay oo nga, feeling ko mas maganda yun eh." Pinandilitan ko nang mata si Kristoff nang sinabi nya yun. Natawa nalang sya sa ginawa ko. "Hoy atleast sinabi kong maganda ka rin, pero mas maganda talaga yun."Di ko alam kung magpapasalamat nalang ba ako or ma-offend."Pero seryoso Finneas, para nga kayong kambal. Pero may kakaiba sa aura nya na diko ma-explain kung ano." Lumapit si Josephine sa akin sabay sama sa akin sa pag-upo. Magkatabi kasi kami."Ano ba year nun? Na-curious tuloy ako.""Ka-batch lang natin dai, kaso nasa last section." Sagot naman ni Josephine. "May assignment ka? Pakopya!"Walang pagda-dalawang isip na kinuha ko ang

    Last Updated : 2021-07-09
  • Time Leap to Meet You   Chapter One:

    "I am you from the future and I wanted you to change your future." Seryosong saad nya sa akin.Napanganga ako. Ano raw?"Teka, teka," iniling-iling ko pa ang ulo ko baka sakaling mali lang pagkakadinig ko. "Anong sabi mo?"Napabuntong-hininga sya. Wow?"I am YOU from the future." Pagdidiin nya.At sa ikalawang pagkakataon, tinignan ko ang kabuuan nya. Pa-paano? She looks younger than me. At parang hindi ko ma-imagine sarili ko na maging katulad nya. At tsaka, ang seryoso nya. Talaga bang ako ito? From the future?Iling-iling. Ba't ako nagpapaniwala sa taong 'to?"Miss, please hwag ako lokohin mo." Sabi ko. "Sabihin mo nalang na anak ka ni Mama or Papa, na half-sister kita.. Or pinsan ba o ano.""Papa at Mama?" Tila nanlambot ang boses nya pagkasabi nya nun. Pero di ko nalang pinansin."Atsaka pa, kung ako ikaw galing sa future, why do I looked so young?" Tanong ko.At sa muli, napabuntong-hininga sya. Pero this ti

    Last Updated : 2021-07-09
  • Time Leap to Meet You   Chapter Two:

    "See you toms Fin!" Pagpapaalam ni Neasle sabay kaway-kaway pa sa akin. Ngumiti rin ako habang kumakaway pabalik sa kanya."Naks, first meet palang kahapon, close agad ah." Sambit ni Josephine habang tinitignan ang papaalis na si Neasle. Natawa nalang ako habang pinagmamasdan si Neasle na may pagtalon-talon pa sa paglalakad nya. May pagka-jolly type din yung si Neasle at nawala na rin yung malungkot at serious type nya kahapon. Second day nya palang sa iskwelahan, kilala na sya ng lahat. Palakaibigan kasi."Baka dahil para kaming kambal kaya nagclose?" Biro ko kaso hindi natawa si Josephine. Pinandilitan nya lang ako ng mata. "Ano?" Natawa nalang rin ako sa reaksyon nya."Ba't ang tagal nyong nag-usap kahapon? Balita ko kay Daisy sakto daw na paglabas nyo ng room, tinawag ka daw ng Neasle na yun na parang magkakilala kayo."Sinabihan nako ni Neasle kahapon na bawal ko daw sabihin sa iba na galing sya sa future. Tutal daw, makakalimutan din namin sya

    Last Updated : 2021-07-09

Latest chapter

  • Time Leap to Meet You   Chapter Four

    "Hoy Finneas! Na ano ka?" medyo napabalikwas ako nang tinawag ako ni Kristoff. Hindi ko namalayan na napatunganga pala akong nakatingin sa kanya.Napatampal ako sa noo ko para mabalik ako sa huwisyo. Hindi ko na talaga mapigilan na obserbahan at pagmasdan ang mga lalaking nakakasalamuha ko.Kasalanan 'to ng Mr.Right- Mr.Right na yun eh! Kahit sino nalang talaga ang pinag-iisipan kong maaaring si Mr. Wrong o ang aking magiging Mr. Right. Pati yung mga taong dumadaan lang hindi nakaligtas eh! Kagaya sa mga love story, diba may estranghero nalang silang makilala bigla tapos di nila inaakalang ang tao pala na yun ay ang ka-forever nila.Ewan ko nalang!Hindi pa naman ako handa sa mga ganyan eh. Ni minsan ay hindi pa talaga pumasok sa isip ko ang "mag-jowa".Pero I wonder, saan kaya kami nagkakilala ni Mr. Wrong? Anong meron sa kanya at bakit sya ang nakatuloyan ko?

  • Time Leap to Meet You   Chapter Three:

    I've been always in good terms with everyone. I'm very much aware that I am a good person. Ayoko ng gulo, ayoko ng away. Mas pipiliin kong mag-sorry nalang kahit wala naman akong kasalanan sa tao. Para matapos na agad ang gulo.Minsan nga ay sinasaway ako ni Jose kasi masyado daw akong mabait. Well, being a good person is not a bad thing. Ang masama ay yung hinahayaan mo lang na abusohin nila ang kabaitan mo.Ayoko naman na may mag-abuso ng kabaitan ko, gusto kong suwayin kung sino man ang taong yun, pero hindi ko pa kaya. Natatakot ako. Natatakot ako na kapag sinuway ko yung tao na yun, magagalit sya sa akin. Ayoko nun.Because I really hate the feeling of being disliked.Simula pagkabata ko, nakikita ko sa mga magulang ko kung gaano kasakit ang hindi ka gusto ng mga tao. Si Mama at Papa ay nagtanan nung 17 anyos palang sila, umalis at nagsama na sa isang bahay. At that made the parents of my mother disap

  • Time Leap to Meet You   Chapter Two:

    "See you toms Fin!" Pagpapaalam ni Neasle sabay kaway-kaway pa sa akin. Ngumiti rin ako habang kumakaway pabalik sa kanya."Naks, first meet palang kahapon, close agad ah." Sambit ni Josephine habang tinitignan ang papaalis na si Neasle. Natawa nalang ako habang pinagmamasdan si Neasle na may pagtalon-talon pa sa paglalakad nya. May pagka-jolly type din yung si Neasle at nawala na rin yung malungkot at serious type nya kahapon. Second day nya palang sa iskwelahan, kilala na sya ng lahat. Palakaibigan kasi."Baka dahil para kaming kambal kaya nagclose?" Biro ko kaso hindi natawa si Josephine. Pinandilitan nya lang ako ng mata. "Ano?" Natawa nalang rin ako sa reaksyon nya."Ba't ang tagal nyong nag-usap kahapon? Balita ko kay Daisy sakto daw na paglabas nyo ng room, tinawag ka daw ng Neasle na yun na parang magkakilala kayo."Sinabihan nako ni Neasle kahapon na bawal ko daw sabihin sa iba na galing sya sa future. Tutal daw, makakalimutan din namin sya

  • Time Leap to Meet You   Chapter One:

    "I am you from the future and I wanted you to change your future." Seryosong saad nya sa akin.Napanganga ako. Ano raw?"Teka, teka," iniling-iling ko pa ang ulo ko baka sakaling mali lang pagkakadinig ko. "Anong sabi mo?"Napabuntong-hininga sya. Wow?"I am YOU from the future." Pagdidiin nya.At sa ikalawang pagkakataon, tinignan ko ang kabuuan nya. Pa-paano? She looks younger than me. At parang hindi ko ma-imagine sarili ko na maging katulad nya. At tsaka, ang seryoso nya. Talaga bang ako ito? From the future?Iling-iling. Ba't ako nagpapaniwala sa taong 'to?"Miss, please hwag ako lokohin mo." Sabi ko. "Sabihin mo nalang na anak ka ni Mama or Papa, na half-sister kita.. Or pinsan ba o ano.""Papa at Mama?" Tila nanlambot ang boses nya pagkasabi nya nun. Pero di ko nalang pinansin."Atsaka pa, kung ako ikaw galing sa future, why do I looked so young?" Tanong ko.At sa muli, napabuntong-hininga sya. Pero this ti

  • Time Leap to Meet You   Prologue:

    "Hala Finneas gagi may kamukha ka!" Kakapasok ko palang sa classroom nang biglang kinalabit agad ako ni Trisha.Halos nasa buong klase namin pinagkagulohan ako dahil lang na kamukha ko "daw" talaga yung bagong transferee."May mga tao naman talagang magkamukha." Sabi ko nalang."Ay oo nga, feeling ko mas maganda yun eh." Pinandilitan ko nang mata si Kristoff nang sinabi nya yun. Natawa nalang sya sa ginawa ko. "Hoy atleast sinabi kong maganda ka rin, pero mas maganda talaga yun."Di ko alam kung magpapasalamat nalang ba ako or ma-offend."Pero seryoso Finneas, para nga kayong kambal. Pero may kakaiba sa aura nya na diko ma-explain kung ano." Lumapit si Josephine sa akin sabay sama sa akin sa pag-upo. Magkatabi kasi kami."Ano ba year nun? Na-curious tuloy ako.""Ka-batch lang natin dai, kaso nasa last section." Sagot naman ni Josephine. "May assignment ka? Pakopya!"Walang pagda-dalawang isip na kinuha ko ang

DMCA.com Protection Status