Share

Chapter Two:

Author: Gwen
last update Last Updated: 2021-07-09 04:26:36

"See you toms Fin!" Pagpapaalam ni Neasle sabay kaway-kaway pa sa akin. Ngumiti rin ako habang kumakaway pabalik sa kanya.

"Naks, first meet palang kahapon, close agad ah." Sambit ni Josephine habang tinitignan ang papaalis na si Neasle. Natawa nalang ako habang pinagmamasdan si Neasle na may pagtalon-talon pa sa paglalakad nya. May pagka-jolly type din yung si Neasle at nawala na rin yung malungkot at serious type nya kahapon. Second day nya palang sa iskwelahan, kilala na sya ng lahat. Palakaibigan kasi.

"Baka dahil para kaming kambal kaya nagclose?" Biro ko kaso hindi natawa si Josephine. Pinandilitan nya lang ako ng mata. "Ano?" Natawa nalang rin ako sa reaksyon nya.

"Ba't ang tagal nyong nag-usap kahapon? Balita ko kay Daisy sakto daw na paglabas nyo ng room, tinawag ka daw ng Neasle na yun na parang magkakilala kayo."

Sinabihan nako ni Neasle kahapon na bawal ko daw sabihin sa iba na galing sya sa future. Tutal daw, makakalimutan din namin sya kapag bumalik na sya sa panahon niya. At ang panahon na aalis na sya is when I already found the "Mr. Right" she was talking about.

Nasasaktan na nga ako habang iniisip na darating ang araw na kakalimutan ko sya. But she just told me, "You'll meet me in the future. Ofcourse you will, diba I told you I am you? Obviously, duh." With pina-irap effect pa.

I really cannot imagine myself in the future to act like her. At yung pagpapa-retoke? It never crossed my mind.

And the way she acts, parang mas naging teenager ang future na ako.

"Na-curious lang daw rin kasi sya na may kamukha sya sa campus. Kaya nagpakapal daw sya ng feslak para makaharap lang ako." Naalala ko tuloy yung sinabi nya kahapon na yan daw ang sabihin ko kapag may nagtanong sa akin tungkol sa pag uusap namin kahapon. Natatawa pa rin ako sa term na sinabi nya, 'feslak'.

"Feslak?" Tanong ni Jose.

"Mukha daw." Sagot ko.

"Ang weird nya ha." Saad nya nalang. "Parang sya talaga yung weirder na Finneas na palakaibigan."

Nagkibit-balikat nalang ako. Baka kasi kapag nagsalita pa ako, baka masabi ko pa sa kanya.

It still feels weird, you know. At napaka-hindi makakatototahan ang nagaganap ngayon. Pero wala na akong magagawa, kung maghahanap pa ako ng ibang pruweba para mas lalong pagkatiwaalan ko sya, okay na ang 'sarili nya' bilang pruweba. May mga bagay rin na magkaparehas kami; sinasawsaw nya ang tinapay sa softdrinks! Jusko, first time kong makakita na may sumasawsaw ng tinapay sa softdrinks except sa sarili ko.

Naalala kong ani nya kahapon, dahil daw Neasle ang pangalan nya dahil nag-fake identity sya. Need nya rin na pumasok dito sa pinag-aaralan ko para ma-monitor nya "daw" ako.

"Like, hello? Edi magtatanong ang lahat kung bakit tayo magkaparehas ng pangalan!" Panenermon nya sa akin nang tinanong ko sya kahapon bakit Neasle ang pangalan nya. "Sa susunod na araw,  lets meet at the City Mall, samahan mo akong mamili ng mga gamit ko. Hindi naman pwedeng paulit-ulit nalang ang susuotin ko as if I dont have any money." She always got that "maarte talk", may halong english bawat salita nya at may mga words talaga na bago sa pandinig ko.

Sa tuwing naaalala ko mga pinag-usapan naming dalawa, natatawa talaga ako. I dont know why.

Naka-apartment daw sya ngayon. Masyado talagang magastos ang ginawa nyang pagbalik sa panahong ito, para lang bagohin ang hinaharap namin pareho.

Kahapon tinanong ko sya na sino ba ang makakatuluyan ko sa hinaharap. Para naman na iwasan ko yung taong yun at para hindi kami magkatuluyan. Then yun, tapos na ang istorya. The end.

"Well, you got a point there no?" Pagsang-ayon nya. Napatahimik sya sandali tila nag-iisip. "Hmm? Ano ba dapat?" Tanong nya sa sarili nya. Nilagay nya pa ang kamay nya sa bandang baba nya at ang mga mata'y nakatingin sa itaas.

Ako, nakatingin lang sa kanya at naghihintay ng sagot.

"No, I cannot tell you."

"Ha? Bakit naman?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong marinig sa kanya ang sagot nya. "Hindi ba mas mapapadali nun ang trabaho? Atsaka, sya ang dahilan kung ba't ako (sabay turo sa sarili ko), at ikaw (sabay turo sa kanya) ay masasaktan! Diba----"

"Makinig ka na nga lang kasi." Sabay kamot nya pa sa ulo nya. "Maganda nga yan pero masyadong magulo kasi eh. And it's not that easy.."

Hanggang ngayon, I am still wondering why wont she let me know that guy. Pero di na ako nagtanong, gaya nga ng sabi nya, she knows better.

Haaayst. Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Lalong-lalo na sa ideyang magiging magulo ang buhay ko dahil lang sa isang lalaki!

"Papa! Aalis na po ako!" Pagpapaalam ko kay Papa nang nasa pintuan nako at nagsusuot ng sapatos. 

"Teka, anak!" Napatingin ako kay Papa na halos patakbong pumunta sa direksyon ko. Lumipat ang tingin ko sa dala-dalang bag ni Papa. 

"Ano yan, Pa?"

"Pinagluto ka namin ng Mama mo para hindi ka na bumili ng pagkain. Ibigay mo rin itong isang lalagyan kay Josephine." Sabay bigay sa akin nang bag. "Hwag kang masyadong magpagabi, ha? Text mo kami ng Mama mo.."

"Opo, pa." Nakangiting tanggap ko sa bag. Lumapit ako kay Papa para halikan sya sa pisngi. "Thank you pa." At umalis na ako.

Busog ang puso kong nakarating sa pinagtatrabahoan ni Josephine, dito sa isang maliit na grocery store. 

"Nag-abala pa sila Tita," medyo mahinang saad ni Jose nang ibigay ko sa kanya ang parte nya.

"Alam kasi nilang pupuntahan kita tapos kaka-sweldo lang ni Papa kaya bumili sila ng pang-ulam." Saad ko naman.

Kapag wala akong ginagawa sa bahay, pumupunta ako dito sa grocery para tumulong kay Josephine. Kilala na rin kasi ako ng manager nya dito, kaya hinahayaan lang akong tumambay at tumulong. Mabuting may extra uniform sila kaya may masuot ako kapag tumutulong ako. 

Dahil nga maliit lang itong grocery, dalawa lang ang nagtatrabaho dito. Si Jose lang at si Lucas. 

Mabuti nalang talaga at mabait si Ma'am Rosia at hinahayaan nya ako dito. Minsan naman ay nasesweldohan ako sa pagtulong ko dito kaya ayos na rin. Hindi naman kalakihan ang sweldo na binibigay, syempre mas kataasan pa rin kina Jose dahil nga regular sila. Pagka-bukas na bukas, binibigay na ni Ma'am Rosia ang sweldo.

Mayaman rin kasi sila. Halos nga ang nagtatrabaho dito ay mga estudyante. May nagtatrabaho sa umaga at iba naman ang sa gabi. Nalagay si Jose sa night shift dahil umaga ang klase namin. Kaya siguro ibinibigay ni Ma'am Rosia nang maaga ang mga sweldo para naman na magamit kaagad ng mga trabahante nya ang sweldo dahil alam nyang nag-aaral pa ang mga ito.

"Grabe, darating din ang araw na makakabawi ako sa inyo, Fin. Ang laking pasalamat ko na nakilala ko kayo." 

Nakangiting saad ni Josephine habang nakatingin sa customer na papalabas na sa glass door. Napangiti na rin ako habang nakatingin sa kanyang nakangiti. 

I wish everything can stay like this forever. Si Mama at Papa na laging nandyan para sa akin, na mahal na mahal ako. Si Jose at ako na may oras sa isa't-isa at nagtutulongan sa lahat ng bagay, at mapayapang nagtatrabaho dito sa grocery ni Ma'am Rosia. 

My life is so peaceful now. Wala na akong ibang mahihiling pa..

But then there's Neasle. Dun ko napagtantong hindi magiging ganito kayapa ang buhay ko sa hinaharap. Hindi sasang-ayon ang panahon sa kahilingan ko.

Totoo ngang walang permanente sa mundo. Sa bawat araw na lumilipas, mayroong nagbabago. 

I wonder sa panahon ni Neasle, magkaibigan pa ba kami ni Jose? Ano na kaya ang mga estado namin sa buhay? Si Mama at Papa, nabigyan ko na ba sila nang maayos na bahay at buhay  sa panahong iyan? Ako? Ano ba ang nga nakuha ko? Ano ba ang mga nakamit ko? 

Ano ba ang nangyari sa kapayapaan na hinihiling ko bakit napalitan ng pagdurusa at pagsakripisyo? Kagaya lang ng sabi ni Neasle, dahil sa sobrang sakit na mararamdaman ko sa hinaharap, mas gustohin ko nalang daw mamatay? Ang pagpapakamatay ay ni minsan hindi sumagi sa isipan ko, ano ba talaga ang meron bakit nagbago ang lahat?

Related chapters

  • Time Leap to Meet You   Chapter Three:

    I've been always in good terms with everyone. I'm very much aware that I am a good person. Ayoko ng gulo, ayoko ng away. Mas pipiliin kong mag-sorry nalang kahit wala naman akong kasalanan sa tao. Para matapos na agad ang gulo.Minsan nga ay sinasaway ako ni Jose kasi masyado daw akong mabait. Well, being a good person is not a bad thing. Ang masama ay yung hinahayaan mo lang na abusohin nila ang kabaitan mo.Ayoko naman na may mag-abuso ng kabaitan ko, gusto kong suwayin kung sino man ang taong yun, pero hindi ko pa kaya. Natatakot ako. Natatakot ako na kapag sinuway ko yung tao na yun, magagalit sya sa akin. Ayoko nun.Because I really hate the feeling of being disliked.Simula pagkabata ko, nakikita ko sa mga magulang ko kung gaano kasakit ang hindi ka gusto ng mga tao. Si Mama at Papa ay nagtanan nung 17 anyos palang sila, umalis at nagsama na sa isang bahay. At that made the parents of my mother disap

    Last Updated : 2021-07-09
  • Time Leap to Meet You   Chapter Four

    "Hoy Finneas! Na ano ka?" medyo napabalikwas ako nang tinawag ako ni Kristoff. Hindi ko namalayan na napatunganga pala akong nakatingin sa kanya.Napatampal ako sa noo ko para mabalik ako sa huwisyo. Hindi ko na talaga mapigilan na obserbahan at pagmasdan ang mga lalaking nakakasalamuha ko.Kasalanan 'to ng Mr.Right- Mr.Right na yun eh! Kahit sino nalang talaga ang pinag-iisipan kong maaaring si Mr. Wrong o ang aking magiging Mr. Right. Pati yung mga taong dumadaan lang hindi nakaligtas eh! Kagaya sa mga love story, diba may estranghero nalang silang makilala bigla tapos di nila inaakalang ang tao pala na yun ay ang ka-forever nila.Ewan ko nalang!Hindi pa naman ako handa sa mga ganyan eh. Ni minsan ay hindi pa talaga pumasok sa isip ko ang "mag-jowa".Pero I wonder, saan kaya kami nagkakilala ni Mr. Wrong? Anong meron sa kanya at bakit sya ang nakatuloyan ko?

    Last Updated : 2021-07-17
  • Time Leap to Meet You   Prologue:

    "Hala Finneas gagi may kamukha ka!" Kakapasok ko palang sa classroom nang biglang kinalabit agad ako ni Trisha.Halos nasa buong klase namin pinagkagulohan ako dahil lang na kamukha ko "daw" talaga yung bagong transferee."May mga tao naman talagang magkamukha." Sabi ko nalang."Ay oo nga, feeling ko mas maganda yun eh." Pinandilitan ko nang mata si Kristoff nang sinabi nya yun. Natawa nalang sya sa ginawa ko. "Hoy atleast sinabi kong maganda ka rin, pero mas maganda talaga yun."Di ko alam kung magpapasalamat nalang ba ako or ma-offend."Pero seryoso Finneas, para nga kayong kambal. Pero may kakaiba sa aura nya na diko ma-explain kung ano." Lumapit si Josephine sa akin sabay sama sa akin sa pag-upo. Magkatabi kasi kami."Ano ba year nun? Na-curious tuloy ako.""Ka-batch lang natin dai, kaso nasa last section." Sagot naman ni Josephine. "May assignment ka? Pakopya!"Walang pagda-dalawang isip na kinuha ko ang

    Last Updated : 2021-07-09
  • Time Leap to Meet You   Chapter One:

    "I am you from the future and I wanted you to change your future." Seryosong saad nya sa akin.Napanganga ako. Ano raw?"Teka, teka," iniling-iling ko pa ang ulo ko baka sakaling mali lang pagkakadinig ko. "Anong sabi mo?"Napabuntong-hininga sya. Wow?"I am YOU from the future." Pagdidiin nya.At sa ikalawang pagkakataon, tinignan ko ang kabuuan nya. Pa-paano? She looks younger than me. At parang hindi ko ma-imagine sarili ko na maging katulad nya. At tsaka, ang seryoso nya. Talaga bang ako ito? From the future?Iling-iling. Ba't ako nagpapaniwala sa taong 'to?"Miss, please hwag ako lokohin mo." Sabi ko. "Sabihin mo nalang na anak ka ni Mama or Papa, na half-sister kita.. Or pinsan ba o ano.""Papa at Mama?" Tila nanlambot ang boses nya pagkasabi nya nun. Pero di ko nalang pinansin."Atsaka pa, kung ako ikaw galing sa future, why do I looked so young?" Tanong ko.At sa muli, napabuntong-hininga sya. Pero this ti

    Last Updated : 2021-07-09

Latest chapter

  • Time Leap to Meet You   Chapter Two:

    "See you toms Fin!" Pagpapaalam ni Neasle sabay kaway-kaway pa sa akin. Ngumiti rin ako habang kumakaway pabalik sa kanya."Naks, first meet palang kahapon, close agad ah." Sambit ni Josephine habang tinitignan ang papaalis na si Neasle. Natawa nalang ako habang pinagmamasdan si Neasle na may pagtalon-talon pa sa paglalakad nya. May pagka-jolly type din yung si Neasle at nawala na rin yung malungkot at serious type nya kahapon. Second day nya palang sa iskwelahan, kilala na sya ng lahat. Palakaibigan kasi."Baka dahil para kaming kambal kaya nagclose?" Biro ko kaso hindi natawa si Josephine. Pinandilitan nya lang ako ng mata. "Ano?" Natawa nalang rin ako sa reaksyon nya."Ba't ang tagal nyong nag-usap kahapon? Balita ko kay Daisy sakto daw na paglabas nyo ng room, tinawag ka daw ng Neasle na yun na parang magkakilala kayo."Sinabihan nako ni Neasle kahapon na bawal ko daw sabihin sa iba na galing sya sa future. Tutal daw, makakalimutan din namin sya

  • Time Leap to Meet You   Chapter One:

    "I am you from the future and I wanted you to change your future." Seryosong saad nya sa akin.Napanganga ako. Ano raw?"Teka, teka," iniling-iling ko pa ang ulo ko baka sakaling mali lang pagkakadinig ko. "Anong sabi mo?"Napabuntong-hininga sya. Wow?"I am YOU from the future." Pagdidiin nya.At sa ikalawang pagkakataon, tinignan ko ang kabuuan nya. Pa-paano? She looks younger than me. At parang hindi ko ma-imagine sarili ko na maging katulad nya. At tsaka, ang seryoso nya. Talaga bang ako ito? From the future?Iling-iling. Ba't ako nagpapaniwala sa taong 'to?"Miss, please hwag ako lokohin mo." Sabi ko. "Sabihin mo nalang na anak ka ni Mama or Papa, na half-sister kita.. Or pinsan ba o ano.""Papa at Mama?" Tila nanlambot ang boses nya pagkasabi nya nun. Pero di ko nalang pinansin."Atsaka pa, kung ako ikaw galing sa future, why do I looked so young?" Tanong ko.At sa muli, napabuntong-hininga sya. Pero this ti

  • Time Leap to Meet You   Prologue:

    "Hala Finneas gagi may kamukha ka!" Kakapasok ko palang sa classroom nang biglang kinalabit agad ako ni Trisha.Halos nasa buong klase namin pinagkagulohan ako dahil lang na kamukha ko "daw" talaga yung bagong transferee."May mga tao naman talagang magkamukha." Sabi ko nalang."Ay oo nga, feeling ko mas maganda yun eh." Pinandilitan ko nang mata si Kristoff nang sinabi nya yun. Natawa nalang sya sa ginawa ko. "Hoy atleast sinabi kong maganda ka rin, pero mas maganda talaga yun."Di ko alam kung magpapasalamat nalang ba ako or ma-offend."Pero seryoso Finneas, para nga kayong kambal. Pero may kakaiba sa aura nya na diko ma-explain kung ano." Lumapit si Josephine sa akin sabay sama sa akin sa pag-upo. Magkatabi kasi kami."Ano ba year nun? Na-curious tuloy ako.""Ka-batch lang natin dai, kaso nasa last section." Sagot naman ni Josephine. "May assignment ka? Pakopya!"Walang pagda-dalawang isip na kinuha ko ang

DMCA.com Protection Status