Dianne’s POV
“A–yyy!, A-yyy!” tili ng mga babae sa may covered walk sa labas ng Uno y Florencio Lagria (UFL) University na halos pumutok na ang ugat sa leeg kasisigaw.
Kasalukuyan akong nasa main gate ng UFL University dahil ayaw akong papasukin ni Mang Rudy, security guard, sa loob dahil wala akong suot na ID.
“Mang Rudy, sige na po. Papasukin niyo na po ako, kahit ngayon lang,” pagmamakaawa ko sa kaniya.
“Sorry talaga, hindi puwede, eh, sumusunod lang ako sa patakaran. Kung gusto mo balikan mo na lang sa bahay niyo para tingnan kung nandoon,” aniya.
“Manong Rudy naman, ih. Nagbibiro ka ba. Ke-mahal-mahal ng pamasahe pabalik. At saka ngayon lang po, sige na. Sige ka, tatanda ka niyan, kapag sumimangot ka. Ayieeee!” hirit ko sa kaniya, baka sakaling maawa siya at papasukin niya ako.
“Sorry talaga!” paumanhin nito.
“Suot-suot ko nga po kanina lang, hindi ko na po alam kung saan na yun nagsususuot. Ni-check ko na rin po sa bag ko. Wala talaga ih,” katwiran ko.
Habang nasa labas ako ng gate, ayaw magpaawat ng mga estudyanteng tumatambay sa labas ng eskwelahan. “Ahhh! Ahhh!”sigaw ng mga estudyante tuwing may napapadaang mga cute at magagandang lalaki. Nakaririndi at nakaiinis ang ingay ng mga ito.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit kanina ko pa gustong makapasok sa loob. Dahil sa rinding-rindi na ako sa ingay ng mga estudyanteng walang magawa sa buhay kung hindi ang tumili nang tumili na parang nakalunok ng pitong pito sa lalamunan. Pagod na nga akong makiusap kay manong guard, dumagdag pa sila.
Dahil ayaw akong papasukin ng guard, napagpasyahan kong umupo na lang muna at baka sakaling magkaroon ng himala. Nang biglang isang lalaki ang dahan-dahang lumapit sa’kin. “ Miss, okay ka lang ba?” nakangiting tanong niya sa’kin. Bigla akong napatayo sa narining ko. “Ang gwapo,” bulong ko sa sarili. Nakakatunaw ang ngiti niya.
Siya ay maputi, may high-bridge nose at may magandang body proportion. Halatang isang estudyante rin dito sa UFL University. Nakita ko ang kaniyang ID. Drake Salvador ang pangalan niya at isa ring Civil Engineering student. “Lord, hulog ba ‘to ng langit?” mahina kong saad.
“Ano ’yon, Miss?” tanong niya sa’kin
“Ah–eh, wala, ang ganda ng kalangitan kako. Oo yung ulap ang ganda, ’yon oh!,” palusot ko saka alanganing napatawa.
Nilapitan niya si Manong Rudy na parang may sinabi siya rito. “Miss, let’s go,” aya niya sa’kin. Nagulat na lamang ako nang tawagin niya ako.
“Ah! A-ako?” gulat kong tugon.
Ngumiti ito at saka, tumango. Hindi ko alam kung anong sinabi nito kay Mang Rudy at bigla na lamang niya akong pinapasok, gayong kanina lang ay halos lumuhod na ’ko para papasukin lang .
*****
PAGKARATING ko sa aming silid-aralan, dahan-dahan akong naglakad habang nagsusulat ang teacher namin sa whiteboard. “And we have a very special guest,” wika nito.
Nagsipagtawanan lang ang mga kaklase ko, hanggang sa natahimik na lamang sila ng paluin niya nang malakas ang pisara. “Class, stop making noise. What are you laughing at? What’s your name, iha?” tanong niya sa’kin.
“Ah-eh D-Diana Manlangit po, Ma’am, but you can call me Dianne for short,”pautal-utal kong tugon.
“By the way, I am your class adviser. I am your gorgeous and sexy professor, Ms. Anastasia Reyes. But you can just call me Ms. Asia. Now, come in front and introduce yourself to everyone,” anito na parang anumang oras ay lalapain ako dahil sa kaniyang mga matatalim na tingin.
Napilitan na lamang akong tumayo sa harapan ng aking mga bagong kaklase at nagpakilala. “Good morning everyone. I am Diana T. Manlangit from Tondo, Manila. I am 19 years old, turning 20 in July. H–hope you guys to be my friend. Nice meeting you all!” pagpapakilala ko.
“May I take my seat po ma’am?” tanong ko sa kaniya.
“Wait, class, do you want to ask questions?” tanong ni Ms. Reyes sa mga kaklase ko. Buong akala ko walang magtatangkang tanungin ako ng kahit ano, hanggang sa nagtaas ng kamay ang isa sa mga klasmeyt ko. “What are the occupation of your parents?” tanong ng isa kong kaklaseng babae na todo kung makapostura habang tinatanong sa’kin ‘yon.
Sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ko sa tanong niyang iyon sa akin. Dahil sa dinami-rami ba naman ng tanong na pwede niyang ibato sa’kin, kung bakit ito pa ang pumasok sa isipan niya. Hindi sa ikinahihiya ko ang mga magulang ko pero para ang sabihin sa klase na ang tatay ko ay walang trabaho, lasinggero at walang ginawang mabuti, iyon ang hindi ko kayang sabihin ninoman.
Halos limang minuto na ang nasayang ko kakaisip kung anong sasabihin ko nang biglang pumasok ang isang lalaking pamilyar ang mukha sa’kin. Nagsigawan lahat ng mga kaklase kong babae at ilang mga lalaki… na pusong babae. Si Drake Salvador. Ang gwapo talaga niya, para siyang half-Korean at half-American. Perfect combination na talaga nga namang paglalawayan ng mga babae.
Bigla akong bumalik sa normal kong pag-iisip nang tawagin ako ni Ms Reyes, “Ms. Manlangit!”
“Class, keep quiet!” hiyaw ni Ms. Reyes, sa klase at saka nabaling ang atensyon niya kay Drake.
“Ah, ano ‘yon?” pabebeng tanong ni Ms. Reyes sa kaniya. Sino ba naman ang hindi mahumaling kay Drake. Isang tingin mo pa lang sa kaniya ay wala ka ng kawala.
“Do you still have something to say,” tanong ulit ni Ms. Reyes sa akin na kanina lang ay medyo cold sa akin, pero nang dumating si Drake ay parang bigla yata siyang sinapian ng mabait na kaluluwa.
“May I go out ma’am? I need to pee,” nakangiwing sabi ko na halatang anumang oras ay puputok na ang pantog ko.
“What! Hold on, just so you know, Ms. Manlangit, you were late. Thus, as punishment of coming to school late you have to hold it until the class is over? Nagkakaintindihan ba tayo?” anito.
“Huh? But ma’am, I need to…”
“Hephephep… I said no, now you may take your seat,” baling niya ulit sa akin.
Habang ipinapakilala ni Ms. Reyes ang bago naming kaklase ay panay ang hawak ko sa aking harapan. Nakita kong nakatingin sa’kin si Drake, at ngumiti, kaya naman ay mas lalo akong naiihi dahil sa kilig na dala ng kaniyang mala-anghel na ngiti. Hindi na ako nagdalawang isip pa na tumakbo palabas ng pinto patungo sa palikuran.
“Miss Manlangit, bumalik ka!!!” bulyaw sa’kin ni Ms. Reyes.
Dali-dali akong nagtungo sa banyo. Pero pagkarating ko roon ay nagulat ako sa sobrang haba ng pila. Kaya naman naghanap ako ng ibang palikuran sa likod kahit medyo, paika-ika ako kung maglakad. Mabuti na lang at walang tao rito.
Ni-check ko ang bawat toilet cubicle, pero halos lahat ng mga ito ay sobrang dudumi. Halos maduwal at maiyak ako sa sobrang panghi nito. Umaalingasaw sa sobrang baho! Ibang-iba sa women’s CR. Mabuti na lang talaga at may isang cubicle na medyo malinis dito, kaya kahit ayaw ko man, tiniis ko na lamang Ito, mailabas lang ang ihi na kanina pa gustong kumawala sa aking katawan.
Wala na akong kaarte-arte pa. Pumasok na ako rito at sinimulan ko nang ilabas ang kanina pa gustong kumawalang ihi sa katawan ko. Biglang lumuwag ang aking pakiramdam. Para akong nagbubutis sa sobrang dami ng ihi ko, grabe! Hanggang sa may narinig akong paparating. Hinayaan ko lang dahil sa pagkakaalam ko ay baka iihi rin ito. Nang may biglang bumukas ng pintuan kung saan ako umiihi.
“Aaahhh!!!” Dahil sa sobrang pagkagulat ko ay bigla na lang akong humiyaw nang sobrang lakas. Ibinato ko ang tabo sa lalaking nangtangkang silipan ako.
“Miss, stop, stop. Don’t be hysterical,” awat niya sa’kin habang patuloy pa rin ako sa pagsabunot sa kaniya.
“Maniyak! Mamboboso! Anong ginagawa mo dito sa women’s CR? Ha? Sagot? Hindi ka makasagot, sige isusumbong kita sa Guidance,” pagbabanta ko sa kaniya.
“Miss, nahihibang ka na ba? O Hindi ka lang marunong magbasa. Palikuran ho ito para sa mga lalaki,” mariin niyang sinabi na halatang galit na galit.
“Nagbibiro ka ba?” sagot ko sa kaniya dahil sa narinig ko. Lumapit ako sa kaniya at saka pinagpapapalo ng tabong kanina ko pa hawak-hawak, hanggang sa makita ko ang nakasulat sa itaas ng pader malapit sa pintuan. “HE” ang nakalagay rito. Bigla na lamang akong natahimik at yumuko dahil sa sobrang hiya.
“Sige sabihin mo at tingnan natin kung sinong pagtatawanan sa’ting dalawa. Ako na sinabi mong nanilip sa men’s CR o ikaw na umihi sa men’s CR. Ano sagot? Tingan natin kung sino ang hindi nila sabihan ng mamboboso,” pagtataas niya ng boses sa’kin, habang magkasalubong ang kaniyang mga makakapal na kilay at kunot ang noo.
Dala ng sobrang hiya dali-dali akong lumabas sa palikuran ng mga lalaki. Sobrang nakahihiya talaga. Hindi ako makapaniwalang umihi ako sa men’s Cr. “Ano? Umihi ako sa palikuran ng mga lalaki,” sabi ko sa sarili. Sana lang hindi na ito mangyari pa at sana hindi ko na rin siya makita pa. Nakakahiya!
Aiden’s POV September 5, 2016… It’s actually the second day of school. And I still can’t get over with the girl I came across yesterday. Yesterday was really an awful day for me. I woke up early at 6:00 am today, because I set my alarm last night for me to wake up at 5:30 this morning. Yeah! My alarm clock was hanging on for like 30 minutes, so am I. This day after yesterday of having a disgusting day at school, I think history would repeat itself again. I have to do things at school repetitively and meet people I am trying to get out from my sight everyday. However, that girl seems familiar to me. I just cannot remember where. So I just tilt my head, for I am subconsciously thinking when and where I saw her, other than yesterday in the men’s CR where he accused me of being a pervert. I cannot believe, someone would say that in front of me, except for that audacious girl. I am trying not to stress myself out but she keeps ge
Aiden’s POV“BRO, sigurado ka ba sa gagawin naten?” tanong ko kay Rex na kanina pa abala sa pag-babrowse ng kaniyang newsfeed sa Facebook.“Hoy Rex!” Lumapit ako sa kaniya dahil masyado siyang naka-focus sa cellphone niya na kanina pa titig na titig sa mga litrato sa cellphone niya. Nakita ko siyang pinusuan ang mga ito isa-isa at hindi pa talaga ito nakuntento dahil sa pag-zoom in at pag-zoom out niya sa mga ito.“Pst! Pogi!” I whispered sensually through his ears. Kiliting kiliti naman eto.“Iww!, dude! That’s cringey,”pandidiri niya sa sinabi ko at saka bahagyang lumayo sa’kin.“Rex, kanina pa kita tinatanong. Ano na? itutuloy ba naten yung plano na’ten o hindi?Are you sure that our plan will work?,” tanong ko sa kaniya na may halong kaba “Huh? Uy!,” pa-cute ko sa kaniya habang nakahawak ako sa mga braso niya.Sinubukan nama
Drake’s POVKANINA pa ako pabalik-balik sa mga classrooms na nadadaan ko, pero hindi ko makita ni anino manlang ni Dianne. Para akong mahihilo sa ginagawa kong ‘to. In the first place, I don’t know why I am doing this. There’s a strange force that suddenly drives me to do this strange actions and make my heart beat fast. And only when I’m with Dianne that my heart beats slowly again. I need to find her or else my chest would be exploding any moment. Hyperbolically explained but that seems to be the feeling I have as of the moment.Most if not all may experience differently to what I’m feeling right now, for their heart might beat faster whenever they’re with someone— who have special place in their hearts or uncomfortable with. But I’m the total opposite of it. I guess, I feel more comfortable when I’m with them.Habang naglalakad ako papunta sa palikuran, I saw a gr
Dianne’s POV“H-i Dianne!” rinig kong bati sa’kin ni Nicole—classmate ko.Hindi ako nakasagot kaagad dahil hindi ko lubos akalaing may babati pa sa’kin matapos kumalat ang video clip ko sa students’ forum. Wala kasi ni isa manlang sa mga kaklase ko ang nakitaan ko ng concern sa’kin. Mas okay pa siguro kung tuksuin nila ako kaysa ang hindi nila ako pansinin na parang hindi ako nag-eexist.Sa isip ko ay marahil nahihiya lang itong lumapit sa’kin noong una, kung kaya’t akala ko ay katulad din siya ng iba kong mga kaklase. Hindi rin kasi ito palaimik. Loner din kasi si Nicole. Parati ko rin siyang nakikitang mag-isang kumakain sa canteen at minsan ay pati na rin sa library.“A-hh, eh He-llo!” utal kong tugon dito.“Tanong ko lang sana kung may club ka nang nasalihan,” mahinang saad nito sa’kin.“Huh? Tinatanong mo kung p
Aiden’s POV “IKAW!” Ito ang tanging salitang tumatatak sa aking isipan, matapos ang nangyari sa field kahapon. Hindi ito maalis sa aking isipan dahil nakasisiguro akong dahil dito ay imposibleng mapatawad pa ako ni Dianne sa mga atraso ko sa kaniya. Malamang ay kumukulo na ang dugo nito sa akin ngayon. Ikaw ba naman ang i-mouth to mouth ng taong kagalit mo. Halos masuka na ito kahapon ng malaman niyang sa dinami rami ng taong pwedeng gumawa non ay ako pa talaga. Kasalanan ko rin naman kasi dahil pumayag ako sa kagustuhan ni sir Adrian. Sa totoo lang ayaw ko sana itong gawin dahil nakakahiya, pero parang may magnetic force ang tila humatak sa aking mga labi papunta sa kaniyang mga labi. Hindi ko maipaliwanag. Pero parang na-hypnotize ako. Ang totoo niyan, ako ang dahilan kung bakit siya natumba. Ako kasi ang huling sumipa sa soccer ball bago ito tuluyang lumipad sa ere papunta kay Dianne. Naisip kong baka dahil guilty ako, kaya
Aiden’s POV“Dianne! Sorry!”“Oo inaamin ko, nagkasala ako sa’yo. Pero hindi ba’t Ikaw ang nauna. Kung hindi mo sana ako sinipa noon sa may ano, e di sana wala sanang away na naganap! Pero sige ako na lang magsorry”“Hay nako!!! Bro, paano maniniwala si Dianne sa’yo na sincere ka, kung pati paghingi ng kapatawaran, hindi mo magawa nang tama,” bulalas ni Rex, habang nag-pa-practice ako sa salamin sa kaniyang vanity table kung paano ako hihingi ng tawad kay Dianne.“Eh anong gusto mong gawin ko? Lumuhod sa harapan niya at mag-sorry hanggang sa mapatawad niya ako?”“Kung gusto mong patawarin ka niya, you have to show that you are worthy enough of her forgiveness. Do everything you know that is right , mapatawad ka lang” dagdag nito.“Eh total ikaw nakaisip niyan, bakit hindi kaya ikaw ang gumawa. At saka, ikaw rin naman ah! May atraso ka rin sa kaniya. Ika
“Uy, sorry ulit ha!” “Ano ka ba wala na sa akin ‘yon. At saka ako rin naman may nagawang hindi maganda sa’yo kaya quits na tayo” tugon ni Dianne. “E parang galit ka pa sa'kin eh,” muli kong saad. Hindi ito agad nakapagsalita, kaya naisip kong baka hindi pa umuupa ang galit nito sa akin. “Hindi naman. Mukha ba akong galit?” usisa nito,sabay hawak sa kaniyang pisngi at noo na parang sinusuri nito kung meron itong wrinkles. “Siguro, stress lang ‘to. Puyat lang siguro ako!” pabirong sabi nito. Sa totoo lang, naisip ko ring baka stress lang siya kaya para itong down na down sa lagay na ‘yon. “Dianne, do you mind if I ask you something?” “Ahh? Ano ba ‘yon?” anito. Tatanungin ko sana siya kung meron ba siyang problema dahil sa kaniyang ‘di maipintang mukha, pero naisip kong baka isipin niyang masyado na akong nanghihimasok sa buhay niya.”Ah, tanong ko lang sana kung bakit ka hinahabol ng mga—.Alam mo na, ng mga l
KASALUKUYAN akong nasa library ngayon. As expected, tahimik lang at kalmadong nagbabasa ang mga estudyante kung titingnan. Aakalain mo talagang bibliophile ang mga ito dahil sa paraan ng kanilang pagbabasa. Karamihan sa kanila ay naka-eyeglasses—mga genius kung titingnan. May iba ring naka-earphones habang nagbabasa, may mangilan-ilan ding nakapatong ang ulo sa desk habang nagbabasa. Samantalang ang iba naman ay abalang nagsusulat. Nakakainis lang dahil halos tumulo na ang luha ko sa istoryang nabasa ko kanina lang. Konti na lang talaga at papatak na ang mga ito. Hanggang sa itinigil ko itong basahin dahil baka may makakita pa sa akin, at kung ano pa ang isipin nilang iniiyakan ko. Nahihiwagaan lang ako sa librong ito dahil parang may pagkakaparehas kami ng male lead nito. Maliban sa gwapo at malakas ang dating, nakikita ko sa kaniya ang sarili ko. While reading this, it seems like any moment, I would burst into tears. He lost his mother a year ago and have to live b
"MA!” Habang tumatakbo si Dianne papalapit sa kaniyang ina ay siya namang pag-buhos ng kaniyang mga luha. Agad niyang niyakap nang mahigpit ang kaniyang ina na para bang matagal na silang hindi nagkikita . Nabigla rin ako sa nanyaring ‘yon dahil hindi ko naman alam na ang aleng ‘yon pala ay ang kaniyang mama. Bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Dianne tungkol sa karamdaman ng kaniyang ina. Kaya siguro ganoon na lamang ang pag-aalala nito Agad pumasok sa aking isipan ang sinabi ng Aleng nakausap ko kanina- mama ni Dianne. Nabanggit niyang may kakambal ang yumaong anak nito. Kung hindi ako nagkakamali, Danica ang narinig kong sinabi nitong pangalan. Isa pa’t narinig ko rin na Danica ang tawag ng mama ni Dianne sa kaniya. Nais kong maliwanagan sa mga nangyayari. Nais ko rin sanang tanungin si Dianne tungkol dito, ngunit baka isipin lamang niyang, nanghihimasok ako sa buhay niya. “Ma! Alalang alala kami sa’yo! Lalong
Dianne’s POV ARAW ng Linggo. Ang maliwanag na sikat ng araw ang siyang bumungad sa akin sa aking paggising. Ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak sa tapat ng aking bintana ay amoy na amoy ko. Nararamdaman kong magiging isang magnadang araw ang Linggong ito para sa akin. Sa aking pagbangon, ang walang-kaparis na amoy ng barakong kape at pandesal ang sumalubong sa akin. Dali-dali na akong nagtiklop ng aking higaan dahil atat na akong makisalo sa umagahan namin. Pagbukas ko ng pintuan ay saka naman tumambad sa akin ang amoy ng parang nasusunog na kanin. Agad akong tumakbo upang apulahin ang apoy. Pangatlong beses na kasi kaming nasunugan dito sa amin at ayaw ko nang mangyari ang mga sakunang napagdaanan namin noon, kaya agad kong pinatay ito, bago pa ito sumiklab ng tuluyan. “Ma!!! Ano bang ginawa mo? Diba ilang beses na kitang sinabihan na huwag magluluto ha! Diba? Sinabi ko sa inyo na huwag na huwag kayong magsasaing dahil baka pagmulan ito ng sunog!” bulyaw
Chapter 9.2 MAG-AALAS-KUWATRO na pero andito pa rin ako sa kinauupuan ko. Nakatingin sa field kung saan naglalaro ang mga athletes ng football, loan tennis at baseball. Bigla na lamang sumagi sa isip ko ang nangyari kay Dianne sa field noong nag-pa-practice sila ng Cheerdance—it was just an accident that time. Sa dinami-rami ba naman ng puwedeng tamaan ng bola, si Dianne pa talaga. Looking back, magkagalit pa kami noong mga sandaling ‘yon. Also that time when I realized that everything is just misunderstanding between us. I was even childish on the part where I took revenge because of the incident happened before where he kicked my balls out. Now, I am gradually realizing that those things aren’t as bad as I was thinking before. And I just learned that those things can be considered as memories. ***** DAHIL nangangawit na’ko sa t