Home / YA/TEEN / Till the Right One Comes / CHAPTER VI: The Student Club

Share

CHAPTER VI: The Student Club

Author: Far N'Heights
last update Last Updated: 2021-08-14 22:10:00

Dianne’s POV

“H-i Dianne!” rinig kong bati sa’kin ni Nicole—classmate ko.

Hindi ako nakasagot kaagad dahil hindi ko lubos akalaing may babati pa sa’kin matapos kumalat ang video clip ko sa students’ forum. Wala kasi ni isa manlang sa mga kaklase ko ang nakitaan ko ng concern sa’kin. Mas okay pa siguro kung tuksuin nila ako kaysa ang hindi nila ako pansinin na parang hindi ako nag-eexist.

Sa isip ko ay marahil nahihiya lang itong lumapit sa’kin noong una, kung kaya’t akala ko ay katulad din siya ng iba kong mga kaklase. Hindi rin kasi ito palaimik. Loner din kasi si Nicole. Parati ko rin siyang nakikitang mag-isang kumakain sa canteen at minsan ay pati na rin sa library.

“A-hh, eh He-llo!” utal kong tugon dito.

“Tanong ko lang sana kung may club ka nang nasalihan,” mahinang saad nito sa’kin.

“Huh? Tinatanong mo kung pumupunta ako sa club,” mahinang tugon ko. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya, kaya naman iba ang narinig kong inilahad nito sa’kin.

Halatang nagulat ito sa sinabi kong ‘yon sa kaniya, kaya naman ay napailing na lamang ito at saka, ngumiti na parang nahihiya.

“A-h! Hindi, ang ibig kong sabihin ay kung may sasalihan ka ng students’ club?” pagpapaliwanag nito at saka ngumiti.

“Ahh!!” saad ko nang mapagtanto ko kung anong ibig nitong tanungin.

“Wala pa nga eh! Ikaw meron na?” tanong ko sa kaniya.

“Ah, gusto ko sana ng cheerleading, kaso baka sa music club na lang, kasi wala akong kasama eh,”anito.

Parang alam ko na kung anong nais nitong iparating sa akin, dahil sa mga nauna nitong pahayag. Sa palagay ko ay yayayain ako nitong sumali sa cheerleading club.

”Ano ka ba, hindi mo naman kailangan ng kasama eh, haha! At saka wala namang masama kung susubukan mo. Kung gusto mong sumali sa cheerleading club, why not diba? Kailangan mo lang lakasan ang loob mo,” pagpapaliwanag ko, dahil balak ata niya  akong i-scout.

“A-actually, gusto sana kitang yayain kung gusto mong sumali sa cheerleading club?” anito.

Sabi ko na nga ba eh,” sabi ng aking isipan. Bigla akong natulala sa sinabi niya sa’kin. Alam kong ‘yon ang mangyayari, pero nagulat ako dahil hindi man lang ito nautal nang sinabi niya sa’kin ‘yon.

Napalunok na lang ako bigla.

Mahilig naman akong sumayaw, pero never ko pa naranasang sumali sa cheerdance. Hindi sa ayaw ko rito, pero marahil hindi ito ang line of interest ko. Mas attached lang talaga siguro ako sa hiphop at modern dance compared to cheerdance, kaya naman balak kong tanggihan ang  alok niya sa’kin.

                                 *****

"ONE, two, three, four…”

Ano ba ‘tong napasukan ko,” bulong ko sa sarili ko, habang nakikita ko ang ginagawa ng mga mananayaw sa field. Nakita ko kasing inihahagis ng mga dancer ang kasamahan nilang babae na parang manika lang sa sobrang flexible ng katawan nito. Hindi ko lubos akalaing, papayag ako sa alok ni Nicole sa’kin na sumali dito sa cheerleading club. Naisip kong mag-back out pero baka isipin ni Nicole na niloloko ko lang siya, kaya hindi na ako nakatanggi pa at sumunod na lamang sa kagustuhan nito.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon dito malapit sa field papunta sa UFL’s gymnasium para dumalo sa orientation ng cheerleading club. Ilang araw na ako rito sa UFL pero parang bago parin sa akin ang lahat dahil sa marami pa akong hindi nakikitang mga tanawin dito sa loob.

Pagpasok namin ni Nicole sa loob ng gym ay nagulat na lamang kami dahil sa mga estudyanteng todo warm-up at stretching na parang mga pro na kung gumalaw. May nagka-cartwheel, tumbling at maging ang bending na parang walang buto kung gumalaw. Kami lang ata ang walang alam pagdating sa cheerleading or baka ako lang, dahil marahil may alam si Dianne pagdating dito.

Unang araw palang namin sa club na’to kaya naman halos wala pa kaming kakilala.

Maya-maya pa ay nagsidatingan na rin ang mga seniors at iba pang mga miyembro ng club. Hanggang sa tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa nang may isang lalaking may ‘pambihirang karisma ang mala-artistang naglakad at umakyat patungo sa stage.

“Ang pogi niya, grabe, parang si Lee Minho,” rinig kong sambit ng isang babaeng estudyante sa aking likuran. Halos maglaway na ang mga ito kakatitig sa kaniya.

“Uhm! Uhm!” tikhim ng isang senior sa harapan.

Sino ba naman ang hindi mapapatingin rito—pogi, tsinito at ang lakas ng dating. Hindi ko man kilala kung sinong pinagsasabi nilang kahawig nito, pero narinig kong kamukha raw ito ni Lee Minho, kung hindi ako nagkakamali. Malamang ay gwapo ito dahil sa hindi naman nila siguro sasabihing kamukha nito kung pangit diba?

Kilig na kilig naman ang mga nga babaeng estudyante sa aking likuran. Hindi ko alam kung nakikinig pa ba sila o nakatitig na lamang sila rito.

Hindi ko namalayang pati ako ay napako na ang tingin sa kaniya. Maya-maya pa'y  nagsalita na ito sa harapan.

Nagulat ang lahat nang umpisahan niyang magsalita dahil sa mala-babaeng tinig nito.

“Hello, everyone! I’m your sir Adrian Martinez. From now on, I’ll be your cheerleading coach in this club! Keribels! Go, Fight, Win! Aww!” mala-cheerleader na pagpapakilala nito sa sarili. Dahil dito,dismayado ang mga babaeng halos mamatay na sa kilig kanina.

Marami ang tumawa, pero mas marami ang nadismaya.

Dahil abala ako sa pakikinig kay sir Adrian, hindi ko nalamayang andoon din pala si Kathleen—ang babaeng nakaaway ko nong isang araw. Hindi ko alam na kanina pa pala ito nakatingin sa akin na parang inaaya akong makipagbangayan. Hindi ko na lamang ito pinansin at nag-focus na lang ako sa pakikinig.

Sa puntong ‘yon, isa-isa kaming tinawag ni sir Adrian, upang ipakilala ang aming sarili.

Isa-isang nagtayuan ang mga estudyante sa harapan, hanggang sa hindi ko namalayang ako na pala ang susunod. Nagulat na lamang ako nang bigla akong yugyugin ni Nicole, para sabihing ako na ang susunod. “Dianne, ikaw na susunod” mahinang saad nito sa’kin. Dahil dito dahan dahan akong tumayo at nagsalita.

“Ah-hh,” sandali akong na-blanko dahil sa biglaang pangyayari. “A-ko nga pala si Dianne Manlangit, First year student from the faculty of engineering. Ah sumali ako sa club na’to dahil—” Bigla akong napaisip kung anong sasabihin ko dahil ito ang unang beses na makikisali ako sa larangang ito. Alangan namang sabihin kong napilitan lang ako dahil pinilit ako ni Nicole na sumali.

Huminga ako ng malalim bago ako nagpatuloy “Sumali ako rito. Sa totoo niyan, hindi talaga ito ang line of interest ko. Ahm!

“So, why did you choose this club kung ayaw mo naman pala rito?” mariing tanong sa’kin ni sir.

“Ah?” gulat kong saad.

Para akong nasa hot seat sa pagkakataong ‘yon. Gusto kong maging honest na lang para matapos na ‘yon pero mismong isip ko na ang nagsasabing mag-isip ng ibang maidadahilan.

“Do you think kakayanin mo ang pressure dito?” muling tanong nito sa’kin.

Para akong maiihi sa tanong niyang ‘yon sa’kin, to the point na nasabi kong napilitan lang akong sumali.

“Ahh! Do you think, this club is a joke” muli nitong baling sa’kin.

Natigilan ako pansamanta at saka huminga nang malalim. Hanggang sa na-contain ko  ang aking sarili.

“Ah-hh! Sa Totoo niyan sir, I decided to join po kasi gusto ko pong matuto sa larangan na’to. I admit, this may not be the club that I want to join to and this is all new to me, the environment, yung malayang i-express ang sarili through dancing. Before, I came here, Hindi ko po talaga alam kung magpo-proceed pa po ba ako o hindi, knowing na wala po akong kaalam-alam sa bagay na’to. Not until I realize that to be in a club is not just about having mere skills or talent in dancing, there should also be a strong bond between you and your teammates.  Gayunpaman, I promise to do my very best in all possible way I can to improve my skills in cheerleading, sir. If you’ll teach me.” tugon ko.

Sandaling natahimik ang lahat dahil sa eksenang ‘yon, hanggang sa muling nagsalita si sir Adrian

“Yan! Yan ang pinakagusto ko sa lahat, yung determinado. Because more than gaining skill is gaining friends and trust from the people who wants to support you. Very good!”

Hindi ko inaasahang  mapuri dahil sa sinabi kong ‘yon. Dahil dito, naisip kong hindi na mag-back out.

                                   *****

NASA field kami ngayon dahil kasalukuyang nag-papractice ang mga basketball player sa UFL gymnasium at saka maingay raw ang mga ito sabi ni sir Adrian. Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit dito kami sa field magpa-practice gayong mas maingay naman ang mga football players dito.

“Five, six, seven, eight…” malakas na bilang ng tumatayong lider namin sa harapan.

Tumigil ako saglit dahil parang hinahabol ko na ang aking paghinga. Nag-inhale at exhale nalang ako. Hanggang sa may sumigaw.

“Bola, ilag!!!”

Dahil sa sobrang pagod at impact ng soccer ball sa ulo ko ay tumumba ako at sandali akong nawalan ng malay.

Maya-maya pa’t nagising na lamang ako sa tabi ni Nicole.

 Para akong naumpog sa pader dahil sa sakit ng ulo ko.

“Dianne, ayos ka lang?” tanong sa’kin ni Nicole, at saka ibinigay ang bottled water na tangan tangan niya.

“Anong nangyari?” tanong ko sa kaniya.

“Natamaan ka ng bola mula sa mga soccer players”

“Ah oo nga pala, buti lamang kamo dahil may lalaking tumulong sayo na i-mouth to mouth ka,” nakangiting dagdag nito.

Bago ako nawalan ng malay ay kita kong nasa field din si Drake. Dahil sa sinabing ‘yon ni Nicole ay nakasisiguro akong si Drake ang tumulong sa akin.

“Kilala mo ba kung sino yung lalaking ‘yon”

“Ah, hindi ko alam ang pangalan niya, pero may itsura siya, cute at saka parang taga-faculty of engineering din siya dahil sa uniform niya.

“Talaga?” bulalas ko na parang hindi makapaniwala sa nangyari.

Abot-tainga ang ngiti ko sa mga sandaling ‘yon dahil hindi ko akalaing ang first kiss ko ay ang isa sa pinakagwapong lalaki rito sa campus. Walang iba kung hindi ang nag-iisang Drake Salvador.

Gusto ko sanang sumigaw sa field, kaso madaming nagkalat na estudyante roon, kaya naman minabuti kong sarilihin na lamang ang kilig na kanina pa kumukulo sa katawan ko.

“Ayun siya oh!” ani Nicole, saka itinuro

Nang una ay hindi ko ito makita dahil sa maraming estudyante ang nasa field, pero laking gulat ko nang makita ko ang lalaking tinutukoy nito na siyang humalik sa'kin

“Ok, ka lang ba?” tanong nito sa’kin.

“Ikaw!!!”

Related chapters

  • Till the Right One Comes   CHAPTER VII: Low-key Approach

    Aiden’s POV “IKAW!” Ito ang tanging salitang tumatatak sa aking isipan, matapos ang nangyari sa field kahapon. Hindi ito maalis sa aking isipan dahil nakasisiguro akong dahil dito ay imposibleng mapatawad pa ako ni Dianne sa mga atraso ko sa kaniya. Malamang ay kumukulo na ang dugo nito sa akin ngayon. Ikaw ba naman ang i-mouth to mouth ng taong kagalit mo. Halos masuka na ito kahapon ng malaman niyang sa dinami rami ng taong pwedeng gumawa non ay ako pa talaga. Kasalanan ko rin naman kasi dahil pumayag ako sa kagustuhan ni sir Adrian. Sa totoo lang ayaw ko sana itong gawin dahil nakakahiya, pero parang may magnetic force ang tila humatak sa aking mga labi papunta sa kaniyang mga labi. Hindi ko maipaliwanag. Pero parang na-hypnotize ako. Ang totoo niyan, ako ang dahilan kung bakit siya natumba. Ako kasi ang huling sumipa sa soccer ball bago ito tuluyang lumipad sa ere papunta kay Dianne. Naisip kong baka dahil guilty ako, kaya

    Last Updated : 2021-08-20
  • Till the Right One Comes   CHAPTER VIII: I Have Something to Tell You

    Aiden’s POV“Dianne! Sorry!”“Oo inaamin ko, nagkasala ako sa’yo. Pero hindi ba’t Ikaw ang nauna. Kung hindi mo sana ako sinipa noon sa may ano, e di sana wala sanang away na naganap! Pero sige ako na lang magsorry”“Hay nako!!! Bro, paano maniniwala si Dianne sa’yo na sincere ka, kung pati paghingi ng kapatawaran, hindi mo magawa nang tama,” bulalas ni Rex, habang nag-pa-practice ako sa salamin sa kaniyang vanity table kung paano ako hihingi ng tawad kay Dianne.“Eh anong gusto mong gawin ko? Lumuhod sa harapan niya at mag-sorry hanggang sa mapatawad niya ako?”“Kung gusto mong patawarin ka niya, you have to show that you are worthy enough of her forgiveness. Do everything you know that is right , mapatawad ka lang” dagdag nito.“Eh total ikaw nakaisip niyan, bakit hindi kaya ikaw ang gumawa. At saka, ikaw rin naman ah! May atraso ka rin sa kaniya. Ika

    Last Updated : 2021-08-23
  • Till the Right One Comes   CHAPTER 8.2

    “Uy, sorry ulit ha!” “Ano ka ba wala na sa akin ‘yon. At saka ako rin naman may nagawang hindi maganda sa’yo kaya quits na tayo” tugon ni Dianne. “E parang galit ka pa sa'kin eh,” muli kong saad. Hindi ito agad nakapagsalita, kaya naisip kong baka hindi pa umuupa ang galit nito sa akin. “Hindi naman. Mukha ba akong galit?” usisa nito,sabay hawak sa kaniyang pisngi at noo na parang sinusuri nito kung meron itong wrinkles. “Siguro, stress lang ‘to. Puyat lang siguro ako!” pabirong sabi nito. Sa totoo lang, naisip ko ring baka stress lang siya kaya para itong down na down sa lagay na ‘yon. “Dianne, do you mind if I ask you something?” “Ahh? Ano ba ‘yon?” anito. Tatanungin ko sana siya kung meron ba siyang problema dahil sa kaniyang ‘di maipintang mukha, pero naisip kong baka isipin niyang masyado na akong nanghihimasok sa buhay niya.”Ah, tanong ko lang sana kung bakit ka hinahabol ng mga—.Alam mo na, ng mga l

    Last Updated : 2021-08-27
  • Till the Right One Comes   CHAPTER IX: Getting to Know You Better (Part 1)

    KASALUKUYAN akong nasa library ngayon. As expected, tahimik lang at kalmadong nagbabasa ang mga estudyante kung titingnan. Aakalain mo talagang bibliophile ang mga ito dahil sa paraan ng kanilang pagbabasa. Karamihan sa kanila ay naka-eyeglasses—mga genius kung titingnan. May iba ring naka-earphones habang nagbabasa, may mangilan-ilan ding nakapatong ang ulo sa desk habang nagbabasa. Samantalang ang iba naman ay abalang nagsusulat. Nakakainis lang dahil halos tumulo na ang luha ko sa istoryang nabasa ko kanina lang. Konti na lang talaga at papatak na ang mga ito. Hanggang sa itinigil ko itong basahin dahil baka may makakita pa sa akin, at kung ano pa ang isipin nilang iniiyakan ko. Nahihiwagaan lang ako sa librong ito dahil parang may pagkakaparehas kami ng male lead nito. Maliban sa gwapo at malakas ang dating, nakikita ko sa kaniya ang sarili ko. While reading this, it seems like any moment, I would burst into tears. He lost his mother a year ago and have to live b

    Last Updated : 2021-09-03
  • Till the Right One Comes   CHAPTER IX (PART 2)

    Chapter 9.2 MAG-AALAS-KUWATRO na pero andito pa rin ako sa kinauupuan ko. Nakatingin sa field kung saan naglalaro ang mga athletes ng football, loan tennis at baseball. Bigla na lamang sumagi sa isip ko ang nangyari kay Dianne sa field noong nag-pa-practice sila ng Cheerdance—it was just an accident that time. Sa dinami-rami ba naman ng puwedeng tamaan ng bola, si Dianne pa talaga. Looking back, magkagalit pa kami noong mga sandaling ‘yon. Also that time when I realized that everything is just misunderstanding between us. I was even childish on the part where I took revenge because of the incident happened before where he kicked my balls out. Now, I am gradually realizing that those things aren’t as bad as I was thinking before. And I just learned that those things can be considered as memories. ***** DAHIL nangangawit na’ko sa t

    Last Updated : 2021-09-07
  • Till the Right One Comes   CHAPTER X: I Don't Wanna See You Crying

    Dianne’s POV ARAW ng Linggo. Ang maliwanag na sikat ng araw ang siyang bumungad sa akin sa aking paggising. Ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak sa tapat ng aking bintana ay amoy na amoy ko. Nararamdaman kong magiging isang magnadang araw ang Linggong ito para sa akin. Sa aking pagbangon, ang walang-kaparis na amoy ng barakong kape at pandesal ang sumalubong sa akin. Dali-dali na akong nagtiklop ng aking higaan dahil atat na akong makisalo sa umagahan namin. Pagbukas ko ng pintuan ay saka naman tumambad sa akin ang amoy ng parang nasusunog na kanin. Agad akong tumakbo upang apulahin ang apoy. Pangatlong beses na kasi kaming nasunugan dito sa amin at ayaw ko nang mangyari ang mga sakunang napagdaanan namin noon, kaya agad kong pinatay ito, bago pa ito sumiklab ng tuluyan. “Ma!!! Ano bang ginawa mo? Diba ilang beses na kitang sinabihan na huwag magluluto ha! Diba? Sinabi ko sa inyo na huwag na huwag kayong magsasaing dahil baka pagmulan ito ng sunog!” bulyaw

    Last Updated : 2021-09-10
  • Till the Right One Comes   CHAPTER XI

    "MA!” Habang tumatakbo si Dianne papalapit sa kaniyang ina ay siya namang pag-buhos ng kaniyang mga luha. Agad niyang niyakap nang mahigpit ang kaniyang ina na para bang matagal na silang hindi nagkikita . Nabigla rin ako sa nanyaring ‘yon dahil hindi ko naman alam na ang aleng ‘yon pala ay ang kaniyang mama. Bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Dianne tungkol sa karamdaman ng kaniyang ina. Kaya siguro ganoon na lamang ang pag-aalala nito Agad pumasok sa aking isipan ang sinabi ng Aleng nakausap ko kanina- mama ni Dianne. Nabanggit niyang may kakambal ang yumaong anak nito. Kung hindi ako nagkakamali, Danica ang narinig kong sinabi nitong pangalan. Isa pa’t narinig ko rin na Danica ang tawag ng mama ni Dianne sa kaniya. Nais kong maliwanagan sa mga nangyayari. Nais ko rin sanang tanungin si Dianne tungkol dito, ngunit baka isipin lamang niyang, nanghihimasok ako sa buhay niya. “Ma! Alalang alala kami sa’yo! Lalong

    Last Updated : 2021-09-17
  • Till the Right One Comes   Prologue

    " Let's break up"Salitang madalas kong marinig mula sa mga taong nagnanais na putulin ang kanilang matalik na ugnayan sa akin.Sa totoo lang , nagsasawa na ako sa mga salitang paulit-ulit ko na lang napakikinggan. Mga salitang minsan ay wala na kong pakialam at salitang minsa’y wala ng kinalaman sa tunay kong nararamdaman.Nasanay na kasi ako. Sanay na akong iwan ng mga taong nangakong mananatili sa tabi ko. Mga taong bumuo ng aking mundo. Ngunit sila rin pala ang magiging dahilan ng tuluyang pagguho nito.“Aiden, did you hear me?” tanong sa’kin ni Jasmine na kanina pa pala nagsasalita sa tabi ko.“Ah–eh, do you wannna watch a movie with me? Or go shopping?” mungkahi ko sa kaniya na para bang wala akong narinig sa mga sinabi niya.“Give me your hand,” mariin niyang saad sa akin na parang may halong galit sa tinig nito.Ayaw kong ibigay ang mga kamay k

    Last Updated : 2021-07-31

Latest chapter

  • Till the Right One Comes   CHAPTER XI

    "MA!” Habang tumatakbo si Dianne papalapit sa kaniyang ina ay siya namang pag-buhos ng kaniyang mga luha. Agad niyang niyakap nang mahigpit ang kaniyang ina na para bang matagal na silang hindi nagkikita . Nabigla rin ako sa nanyaring ‘yon dahil hindi ko naman alam na ang aleng ‘yon pala ay ang kaniyang mama. Bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Dianne tungkol sa karamdaman ng kaniyang ina. Kaya siguro ganoon na lamang ang pag-aalala nito Agad pumasok sa aking isipan ang sinabi ng Aleng nakausap ko kanina- mama ni Dianne. Nabanggit niyang may kakambal ang yumaong anak nito. Kung hindi ako nagkakamali, Danica ang narinig kong sinabi nitong pangalan. Isa pa’t narinig ko rin na Danica ang tawag ng mama ni Dianne sa kaniya. Nais kong maliwanagan sa mga nangyayari. Nais ko rin sanang tanungin si Dianne tungkol dito, ngunit baka isipin lamang niyang, nanghihimasok ako sa buhay niya. “Ma! Alalang alala kami sa’yo! Lalong

  • Till the Right One Comes   CHAPTER X: I Don't Wanna See You Crying

    Dianne’s POV ARAW ng Linggo. Ang maliwanag na sikat ng araw ang siyang bumungad sa akin sa aking paggising. Ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak sa tapat ng aking bintana ay amoy na amoy ko. Nararamdaman kong magiging isang magnadang araw ang Linggong ito para sa akin. Sa aking pagbangon, ang walang-kaparis na amoy ng barakong kape at pandesal ang sumalubong sa akin. Dali-dali na akong nagtiklop ng aking higaan dahil atat na akong makisalo sa umagahan namin. Pagbukas ko ng pintuan ay saka naman tumambad sa akin ang amoy ng parang nasusunog na kanin. Agad akong tumakbo upang apulahin ang apoy. Pangatlong beses na kasi kaming nasunugan dito sa amin at ayaw ko nang mangyari ang mga sakunang napagdaanan namin noon, kaya agad kong pinatay ito, bago pa ito sumiklab ng tuluyan. “Ma!!! Ano bang ginawa mo? Diba ilang beses na kitang sinabihan na huwag magluluto ha! Diba? Sinabi ko sa inyo na huwag na huwag kayong magsasaing dahil baka pagmulan ito ng sunog!” bulyaw

  • Till the Right One Comes   CHAPTER IX (PART 2)

    Chapter 9.2 MAG-AALAS-KUWATRO na pero andito pa rin ako sa kinauupuan ko. Nakatingin sa field kung saan naglalaro ang mga athletes ng football, loan tennis at baseball. Bigla na lamang sumagi sa isip ko ang nangyari kay Dianne sa field noong nag-pa-practice sila ng Cheerdance—it was just an accident that time. Sa dinami-rami ba naman ng puwedeng tamaan ng bola, si Dianne pa talaga. Looking back, magkagalit pa kami noong mga sandaling ‘yon. Also that time when I realized that everything is just misunderstanding between us. I was even childish on the part where I took revenge because of the incident happened before where he kicked my balls out. Now, I am gradually realizing that those things aren’t as bad as I was thinking before. And I just learned that those things can be considered as memories. ***** DAHIL nangangawit na’ko sa t

  • Till the Right One Comes   CHAPTER IX: Getting to Know You Better (Part 1)

    KASALUKUYAN akong nasa library ngayon. As expected, tahimik lang at kalmadong nagbabasa ang mga estudyante kung titingnan. Aakalain mo talagang bibliophile ang mga ito dahil sa paraan ng kanilang pagbabasa. Karamihan sa kanila ay naka-eyeglasses—mga genius kung titingnan. May iba ring naka-earphones habang nagbabasa, may mangilan-ilan ding nakapatong ang ulo sa desk habang nagbabasa. Samantalang ang iba naman ay abalang nagsusulat. Nakakainis lang dahil halos tumulo na ang luha ko sa istoryang nabasa ko kanina lang. Konti na lang talaga at papatak na ang mga ito. Hanggang sa itinigil ko itong basahin dahil baka may makakita pa sa akin, at kung ano pa ang isipin nilang iniiyakan ko. Nahihiwagaan lang ako sa librong ito dahil parang may pagkakaparehas kami ng male lead nito. Maliban sa gwapo at malakas ang dating, nakikita ko sa kaniya ang sarili ko. While reading this, it seems like any moment, I would burst into tears. He lost his mother a year ago and have to live b

  • Till the Right One Comes   CHAPTER 8.2

    “Uy, sorry ulit ha!” “Ano ka ba wala na sa akin ‘yon. At saka ako rin naman may nagawang hindi maganda sa’yo kaya quits na tayo” tugon ni Dianne. “E parang galit ka pa sa'kin eh,” muli kong saad. Hindi ito agad nakapagsalita, kaya naisip kong baka hindi pa umuupa ang galit nito sa akin. “Hindi naman. Mukha ba akong galit?” usisa nito,sabay hawak sa kaniyang pisngi at noo na parang sinusuri nito kung meron itong wrinkles. “Siguro, stress lang ‘to. Puyat lang siguro ako!” pabirong sabi nito. Sa totoo lang, naisip ko ring baka stress lang siya kaya para itong down na down sa lagay na ‘yon. “Dianne, do you mind if I ask you something?” “Ahh? Ano ba ‘yon?” anito. Tatanungin ko sana siya kung meron ba siyang problema dahil sa kaniyang ‘di maipintang mukha, pero naisip kong baka isipin niyang masyado na akong nanghihimasok sa buhay niya.”Ah, tanong ko lang sana kung bakit ka hinahabol ng mga—.Alam mo na, ng mga l

  • Till the Right One Comes   CHAPTER VIII: I Have Something to Tell You

    Aiden’s POV“Dianne! Sorry!”“Oo inaamin ko, nagkasala ako sa’yo. Pero hindi ba’t Ikaw ang nauna. Kung hindi mo sana ako sinipa noon sa may ano, e di sana wala sanang away na naganap! Pero sige ako na lang magsorry”“Hay nako!!! Bro, paano maniniwala si Dianne sa’yo na sincere ka, kung pati paghingi ng kapatawaran, hindi mo magawa nang tama,” bulalas ni Rex, habang nag-pa-practice ako sa salamin sa kaniyang vanity table kung paano ako hihingi ng tawad kay Dianne.“Eh anong gusto mong gawin ko? Lumuhod sa harapan niya at mag-sorry hanggang sa mapatawad niya ako?”“Kung gusto mong patawarin ka niya, you have to show that you are worthy enough of her forgiveness. Do everything you know that is right , mapatawad ka lang” dagdag nito.“Eh total ikaw nakaisip niyan, bakit hindi kaya ikaw ang gumawa. At saka, ikaw rin naman ah! May atraso ka rin sa kaniya. Ika

  • Till the Right One Comes   CHAPTER VII: Low-key Approach

    Aiden’s POV “IKAW!” Ito ang tanging salitang tumatatak sa aking isipan, matapos ang nangyari sa field kahapon. Hindi ito maalis sa aking isipan dahil nakasisiguro akong dahil dito ay imposibleng mapatawad pa ako ni Dianne sa mga atraso ko sa kaniya. Malamang ay kumukulo na ang dugo nito sa akin ngayon. Ikaw ba naman ang i-mouth to mouth ng taong kagalit mo. Halos masuka na ito kahapon ng malaman niyang sa dinami rami ng taong pwedeng gumawa non ay ako pa talaga. Kasalanan ko rin naman kasi dahil pumayag ako sa kagustuhan ni sir Adrian. Sa totoo lang ayaw ko sana itong gawin dahil nakakahiya, pero parang may magnetic force ang tila humatak sa aking mga labi papunta sa kaniyang mga labi. Hindi ko maipaliwanag. Pero parang na-hypnotize ako. Ang totoo niyan, ako ang dahilan kung bakit siya natumba. Ako kasi ang huling sumipa sa soccer ball bago ito tuluyang lumipad sa ere papunta kay Dianne. Naisip kong baka dahil guilty ako, kaya

  • Till the Right One Comes   CHAPTER VI: The Student Club

    Dianne’s POV“H-i Dianne!” rinig kong bati sa’kin ni Nicole—classmate ko.Hindi ako nakasagot kaagad dahil hindi ko lubos akalaing may babati pa sa’kin matapos kumalat ang video clip ko sa students’ forum. Wala kasi ni isa manlang sa mga kaklase ko ang nakitaan ko ng concern sa’kin. Mas okay pa siguro kung tuksuin nila ako kaysa ang hindi nila ako pansinin na parang hindi ako nag-eexist.Sa isip ko ay marahil nahihiya lang itong lumapit sa’kin noong una, kung kaya’t akala ko ay katulad din siya ng iba kong mga kaklase. Hindi rin kasi ito palaimik. Loner din kasi si Nicole. Parati ko rin siyang nakikitang mag-isang kumakain sa canteen at minsan ay pati na rin sa library.“A-hh, eh He-llo!” utal kong tugon dito.“Tanong ko lang sana kung may club ka nang nasalihan,” mahinang saad nito sa’kin.“Huh? Tinatanong mo kung p

  • Till the Right One Comes   CHAPTER V: Do not Cross the Line

    Drake’s POVKANINA pa ako pabalik-balik sa mga classrooms na nadadaan ko, pero hindi ko makita ni anino manlang ni Dianne. Para akong mahihilo sa ginagawa kong ‘to. In the first place, I don’t know why I am doing this. There’s a strange force that suddenly drives me to do this strange actions and make my heart beat fast. And only when I’m with Dianne that my heart beats slowly again. I need to find her or else my chest would be exploding any moment. Hyperbolically explained but that seems to be the feeling I have as of the moment.Most if not all may experience differently to what I’m feeling right now, for their heart might beat faster whenever they’re with someone— who have special place in their hearts or uncomfortable with. But I’m the total opposite of it. I guess, I feel more comfortable when I’m with them.Habang naglalakad ako papunta sa palikuran, I saw a gr

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status