All of a sudden, all eyes were fixed on the fourth car which parked, a black and gold Lamborghini sports car. Ito ‘yong tipo ng sasakyan na lilingonin mo talaga kapag nakita mo; ‘yong magpapapicture ka pa sa tabi para mukhang ikaw ang may-ari. Pero malakas ang kutob ko na hindi ang sasakyan ang inaabangan ng mga tao. Kasi kahit ako, I was anticipating to have a glimpse of the one inside it.Pakiramdam ko bumagal ang ikot ng mundo noong bumukas paitaas ang pintuan ng sasakyan at bumaba roon ang nagmamaneho nito. Natulala pa ako sa kanya. I will not deny, he is indeed such a good-looking creature.Matangkad siya. Katamtaman ang laki ng katawan pero nakikita ko ang magandang hubog nito sa suot niyang itim na t-shirt at medyo hapit na itim na pantalon. Mukhang malakas ang kanyang mga braso dahil sa kanyang firm biceps. His broad shoulders are also easily noticeable.His wavy and curly medium-length hair looks so good on him. Kahit medyo magulo iyon, nagmumukha lang style. Napaka-effortles
Summer “Come on!” Enrico stood and led me out of the hotel to finally start the day. Sinamahan niya akong mag-wake boarding at mag-SCUBA diving. First time kong gawin ang mga iyon at talaga namang nag-enjoy ako, nakaka-boost ng adrenaline! Saglit lang kaming nag-jet ski bago siya nag-aya na mag-zipline. Honestly, I am not a fan of heights. But like what they say, we must try everything at least once, ‘di ba? Noong una, okey lang naman sa akin na mag-zipline. Pero noong nakarating na kami dito sa site, biglang nag-sink in sa akin kung gaano kadelikado ang buhay ko sa activity na ito. Isasabit ako sa kable na ilang daang metro ang taas mula sa lupa, tapos gubat ang landing site incase worse comes to worst. Unti-unti kong naramdaman ang pagtagaktak ng pawis mula sa aking sintido, pati na rin ang panghihina ng mga tuhod ko. “Are you scared,” tanong ni Enrico. Napansin niya yatang kanina pa ako wala sa sarili ko. Hindi ako nakasagot pero sa loob-loob ko gusto ko nang umatras kasi,
I am all smiles while walking along the corridor going to my classroom while holding a cup of milk tea. Maaga pa naman, pero sabi nga nila, the early bird catches the worm. “Hi Lorryce,” bati sa akin ng isa sa mga classmates ko sa Math 1. “Hi,” I waved back. Another classmate smiled at me and I responded with a smile, too. I stopped as soon as I reached my destination. I opened the double door of my classroom while sipping from my cup, then lo and behold… Isang malutong na sampal sa mukha ni Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas ang eksenang bumati sa akin. Ilang metro lang ang layo nila sa akin. Of course, my eyes grew wide at that scene. I was not prepared for that! Palipat-lipat kina Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas at sa babaeng sumampal sa kanya ang paningin ko. Iyong fierce na expression sa mukha no’ng babae ay unti-unting lumambot. Her eyes are now pleading, looking straight into his eyes. “I wish I could say ‘I hate you’ to you right now,” she choked on her own word
Mag-isa akong kumakain ng tanghalian dito sa Blended. Medyo puno ang Blended ngayon kaya hindi ako naka-upo sa tabi ng bintana. Ngayon ko lang napansin ang isang bahagi ng pader na puno ng mga litrato ng mga customers ng shop.Lutang na lutang ang litrato nina Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas at ni Castiel Alain Enrico Rickson Sandejas na nakahawak ng Blended coffee cup habang ibinabandera nila ang kanilang nakakabighaning mga ngiti.Come to think of it, sabi ni Hannah, dito rin raw nag-aaral si Enrico pero hindi ko pa siya nakikita. Sana siya na lang ang nakikita ko madalas at hindi iyong kapatid niyang GGSS.Hindi ko kasi talaga kinakayanan ang trip ng Enrique Sandejas na iyon. Does he really find satisfaction in breaking girls’ hearts?Bakit ba ang hirap-hirap para sa ibang tao ang makuntento sa isa? Nakakainis. Kung sila kaya ang ipagpalit sa iba ng paulit-ulit para malaman nila kung gaano kasakit sa puso ang pakiramdam ng pinaglalaruan.I know that comparing is not a good th
Summer“Welcome to the Island of Love,” panimula ng isa sa mga guides namin.“Island of Love?” paglilinaw ng isa naming kasama.“Oo, iyon ang tawag sa islang ito. Ang paniniwala, isang diwata ng pag-ibig raw ang nakatira dito sa islang ito. Ang talon na ito naman ang nagsisilbing wishing waterfalls ng pag-ibig.”“Mayro’n pa bang gano’n sa panahon ngayon,” natatawang tanong ng isa pa sa aming mga kasamahan.“Hindi natin masasabi. Pwedeng totoo ‘yon, pero pwede rin namang hindi. Walang nakakaalam. Wala naman sigurong masama kung susubukan, hindi ba,” sagot ng guide.“Oo nga naman,” sang-ayon ng isa sa mga kasama namin.“Ako, gusto ko na lang rin maniwala. Syempre masarap maniwala sa forever at sa magic. Pero kailangan lang nating tandaan na hindi naman natin pwedeng i-asa ang lahat sa magic at hiling. Kailangan rin nating mag-effort para makuha natin ang gusto natin,” muling pahayag ng guide namin.Inabutan ako ng isang babaeng guide ng pulang rosas habang titig na titig sa mga mata ko
SummerKanina pa ako hindi mapakali. “Please naman… kahit isa lang, oh,” pagmamakaawa ko sa cellphone ko. Sinusubukan kong mag-send ng message kay Hannah para humingi ng tulong.Sending…Sending…Sending failed…“Ugh! Aaaiiishh,” I grunted. Nakakainis naman, eh!“Enrico, pahiram naman ng phone mo. Baka may signal ka. Kasi naman itong network ko. Sabi nila ‘abot raw ang mundo,’ parang hindi naman,” sabi ko sa kanya habang patuloy ko pa ring ipinagpipilitang humanap ng signal.“Sorry, I don’t like bringin phones,” simpleng sagot niya.He does not like bringing his phone? Papaano na lang kung may emergency? Please naman mag-send ka na…Sending Failed!“Aaaahhhiiissh,” muli kong pagbulalas. Sa sobrang inis ko, itatapon ko na sana ang aking telepono sa dagat. Hindi ko na nga lang iyon naituloy dahil naalala kong kabibili ko lang ng telepono ko at medyo mahal. Sayang naman.“Why don’t you just give it a rest. Malabo talagang magkaroon ng signal dito dahil liblib. Malamang kahit ‘yong is
This week, SPU does not have its usual chill atmosphere. Ang two-way street pagkapasok sa gate ng SPU na dati’y maluwang para sa mga sasakyan ay napuno ng mga kulay pula at lila na tents. It is now a very busy street.As students enter the main gate of SPU, a huge hanging tarpulin will greet them with the words: “Birds of the same feather flock together. So find your flock Peterfolks. --- Class ‘76”Students are busy greeting each other, talking with one another, running all over the place, cheering together and making crazy loud
“Oh crap,” mahinang sabi ni Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas.Nagtama ang aming mga mata. I clenched my jaw at him bago ko iniikot ang paningin ko sa paligid. Una kong nakita sina Hannah at Ate Pia na parehong nakatakip sa bibig ang mga kamay. Unti-unti ring tumigil ang mga tao sa paligid sa mga ginagawa nila at nabaling sa amin ni Enrique ang kanilang mga tingin.“What the—,” rinig kong sabi ng isang lalaking bagong dating sa eksena.He is with three other guys at pare-pareho silang napatingin sa chocolate cake na nasa semento tapos sa damit kong punong-puno ng icing mula sa cake.“Enrique, you are one clumsy idiot.”“Thanks for the back up, Inigo,” Enrique sarcastically retorted without taking his eyes off of me.“You know, we have to stop meeting
Inilahad ni Enrico sa harapan ni Enrique ang dalawang bags ng Nike. Nang suriin ni Enrique, isang Air Jordan 1 at isang Lebron 10 and laman ng mga bag.“Kararating lang ni Dad galing business trip sa US. Pasalubong daw niya sa atin ‘yan. Ma-una ka nang pumili,” anunsyo ng nakatatandang si Enrico.Hindi napigilan ni Enrique ang mapangisi. “Hinintay mo talaga akong maka-uwi para papiliin ng sapatos?”Umiling si Enrico. “Huwag kang feeling. May tinapos lang ako, hindi kita hinintay.”Ang totoo, parehong gusto nina Enrico at Enrique iyong Air Jordan. Iyon nga lang, alam rin nilang pareho nilang gusto iyon kaya nag-aalangan sila sa pag-pili.“Air Jordan 1, Kuya. Ang tagal mo nang naghahap nito, and look, it’s our size… Pero papaano ba ‘yan, gusto ko rin.” Isang makahulogang tingin ang ipinukol ni Enrique sa kapatid pero hindi iyon pinatulan ni Enrico..“Eh, ‘di sa’yo na. Wala namang problema sa akin ‘yon. 'Yong Lebron na lang ang sa akin. Pero pahiram naman ako paminsan-minsan,” nakangitin
Pag-ibigLumapag na ang isang private charter plane sa runway ng NAIA.“Ah! It’s so good to be back home,” maligayang bulalas ng isang magandang babae habang inaalis ang aviator sunglasses mula sa kanyang mata. Liningon ng babae ang lalaking bumababa sa hagdanan ng sinakyan nilang private plane.“Hey Enrico! Lunch muna tayo sa Polo Club.”Ngumiti at tumango na lamang si Enrico bilang pagsang-ayon. Sinalubong ang dalawa ng kailang mga assistants nila na kumuha ng kanilang mga gamit. Hindi nagtagal, isang asul na Rolls Royce ang sumundo kina Enrico sa mismong runway ng paliparan.“Welcome home, Sir Enrico. Miss Margaux,” nakangiting bati ng chauffer.“Thank you, Billy. I’ll take it from here.”Tumango lamang ang chauffer na si Billy at ibinigay kay Enrico ang susi ng sasakyan. Inilagay na rin ng assistants sa trunk ng sasakyan ang maleta ng dalawa. Pumasok na sa driver side ng Rolls Royce si Enrico at binuksan naman ni Billy ang pintuan ng passenger side para kay Margaux.“Kailan ka sus
“Lorryce, I’m breaking up with you.”Muntik ko nang maibuga ang beer na iniinom ko sa sinabi ni Enrique. Hindi ko ma-iwasa ang bumaling sa kanya. He was staring at me dead serious.“Let’s break up,” ulit niya.Pinilit kong itulak ang beer na nasa bibig ko papasok sa aking katawan.“Huh?” was all that I can say. Bakit feeling ko disappointed ako na matatapos na itong pagpapanggap namin?Well, guess what, reality check is real, Lorryce Cologne Manansala Rivera.“Mildred knows. All this time, she knows.”Kung gano’n, wala palang kwenta iyong mga pagpapakasweet namin ni Enrique sa isa’t isa sa harapan ni Mildred. Alam naman na pala niya.“I-I’m sorry, E. Mukhang nagsayang tayo ng effort. Kung alam pala ni Mildred baka—”“No. Nag-usap kami. Sabi niya, naiintindihan na niya at tanggap na niya. We succeeded on my part of the deal. Gusto kong marinig mula sa’yo kung ako ba, nagtagumpay na tulungan kang makalimot sa ex mo?”Saglit akong natigilan sa tanong ni Enrique. Talaga bang seryoso siya
Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan na natapos na ang unang semester ko sa SPU. I can’t deny that my first semester in SPU was really fun and I am looking forward to my second.Two weeks ago, I took my final exams. Kahit na burntout kami sa dami ng mga last minute requirements, masaya pa rin ang experience. Sobrang thankful rin ako kay Enrique dahil tinulungan talaga niya ako sa ilan sa mga projects ko, lalong-lalo na sa Math. I don’t know how he did it but he made me a master of functions and derivatives in like two hours!I got a text from our class representative this morning. Ngayong araw ilalabas ang official grades namin. We can check it online but I opt to go to school and get my grade card. Ewan ko ba, basta gusto kong ma-experience iyong feeling ng pumila sa window ng Record’s Section para kumuha ng grade. Hindi naman hassel iyon kasi wala masyadong pila sa SPU at wala rin naman akong gagawin. I can’t hang-out with Hannah Banana kasi nasa Tagaytay sila ng fami
LorryceNandito kami ngayon sa bahay nina Ate Pia. Nag-invite kasi siya para sa isang dinner date bago kami sumabak sa final exams next week. We are here with her closest friends. Narito rin sina Enrique at ang mga kaibigan niya.Busy sa kitchen si Ate Jewel. Siya kasi ang incharged sa menu. Kahit may mga cook dito sa bahay nina Ate Pia, nagprisinta pa rin si Ate Jewel para magluto. Sinamahan namin siya sa kusina para tumulong. Nag-bo-bonding kaming mga girls dito sa kusina habang naghahanda ng dinner. Nasa pool side naman ang mga boys at nagchichismisan.Kanina lang rin namin nalaman ni Hannah na dito sa mansion nina Enrique nakatira si Ate Pia. Kaya naman hot topic para sa amin ni Hannah kung papaano nangyari iyon.“Sandali. Ate Pia, ikwento mo naman kung bakit dito ka nakatira sa bahay nina Enrique. Magkamaganak ba kayo?” tanong ni Hannah.“Hindi. Magkakaibigan ang parents namin. But my parents died when I was thirteen years old. Nag-crash ang eroplanong sinasakyan namin. Hindi na
LorryceNandito kami ngayon sa Blackhole. Nag-pa-party ang mga Peterfolks dahil sa pagkakapanalo ng Kings kanina. Nag-e-enjoy ang mga tao sa loob, sobrang hype nila. Sabagay, kahit naman ako naki-sali rin sa hype. Lumabas muna ako para magpahangin.“Hey beautiful.”I heared someone talk behind me. Pagkalingon ko, nakita ko si Zane na may hawak na drinks while smiling at me.You see, Zane is somewhat a two faced creature. Ang unang mukha niya ay isang alpha male na feeling God’s gift to women. Ang ikalawang mukha ay isang simpleng lalaki na sweet and caring, such a knight in shining armor. The second one is the Zane that I fell in love with; the one that only comes out when it’s just the two of us; the one that not a lot of people know; and also the one in front of me.“Iced Tea?” he offered. Kinuha ko naman iyon saka kami parehong naglakad ng kaunti papunta sa sasakyan niya at sumandal sa hood nito.“Anong ginagawa mo rito? No girls?” tanong ko.“Natalo kami kanina. I need a drink. Ma
Lorryce Ang ganda ng laro nila! Nakakadala kasi hindi nanatili sa court ang laban. Kanya-kanyang patusada rin ang fans sa bleachers.Hawak ni Enrique ang bola, double teamed nina Zane at no’ng pinakamalaki sa mga players ng Aragon. Noong mag-shooshoot na si Enrique, hinarangan siya ng kanyang dalawang bantay tapos nagkasikuhan. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pero binundol ako ng matinding kaba noong nakita ko ang pagbagsak ni Enrique.Unti-unting natahimik ang buong gym. Pakiramdam ko, nasa lalamunan ko na ang aking puso noong naglabas ng stretcher ang medic para kay Enrique. Gusto ko siyang daluhan doon at alamin kung kumusta siya. Pero hindi ko naman kailangang lumapit doon para malaman na nasasaktan si Enrique. I heard him grunt in pain a couple of times. I think he is just trying to look tough even though his feet really hurts bad.Nanatili siyang nakahiga sa sahig at tinitiis ang sakit, kitang-kita sa pagkusot ng mukha niya, habang dahan-dahan siyang inaayos ng medic sa
“So—Sorry,” nauutal kong paumanhin.Suddenly, his expression softened. Napayuko siya saglit at kinalma ang sarili.“Sorry din, napagtaasan kita ng boses.”He tried to be cool about this but I can still feel his nerves. Naguilty naman ako bigla. I tried to explain.“No, Enrique. Kaya ko lang naman siya naalala kasi—”“Lorryce,” he called my name exhaustedly to cut me off.“Sandali kasi patapusin mo muna ako,” agad-agad kong sabi.Wala na siyang nagawa kun’di makinig.“Masakit iyong naging ending namin ni Zane. Sinaktan niya ako ng maraming beses sa loob ng matagal na panahon. Pero kung papipiliin ako ngayon, ayaw kong burahin ang mga alaala namin kasi ‘yong ending lang naman ang masakit, eh. ‘Yong simula at saka ‘yong in between punong-puno ng mga magagandang alaala and those memories are worth keeping. Kaya ayaw ko siyang kalimutan. ‘Di bale nang may malungkot na alaala, basta manatili iyong mga masasaya.”Tinignan ko si Enrique. Nakatingin siya sa malayo. Kahit madilim nakikita ko an
Lorryce“Lorryce!”Nang lumingon ako pinanggalingan ng isang pamilyar na boses nakita ko si Enrique na tumatakbo palapit sa akin. Ginabi na ako dito sa SPU dahil may hinanap akong libro sa library. Hindi pa nga ako tapos sa ginagawa ko pero kailangan ko nang umuwi kasi inabutan na ako ng closing sa library.Hinihingal pa si Enrique nang makarating sa aking harapan. Naka demin pants siya at puting t-shit. Suot niya rin ang kanyang SPU Kings jacket at nakasabit sa balikat niya ang kanyang duffle bag. Halatang galing siya sa basketball practice.“Uwi ka na?” hinihingal niyang tanong.“Oo. Okay ka lang ba?” balik na tanong ko.“Oo naman.”Ilang segundo muna siyang nagpahinga tapos noong nakapaghabol na ng hininga, agad siyang tumingin at saka ngumiti sa akin.“Coding ka? Hatid na kita!” masigla niyang sabi.“Ha? Hindi na ‘no, ang layo ng bahay namin sa inyo. Okay lang ako, magta-taxi na lang ako.”Tumanggi ko pero parang hindi yata niya narinig ang mga sinabi ko. Pumunta siya sa likod ko